Zandy's POV
HINDI na ako nagulat sa naging trato sa akin ni Miles nang unang magkita kami, nang puntahan ko siya sa bahay nila para sana ihatid ito sa trabaho. Kulang na nga lang ay saktan niya ako. Ang dami niyang sinabi sa akin na gusto ko na lang tawanan. Hinayaan ko na lang ding isipin niya na bakla nga ako at alam ko rin namang hindi niya ako paniniwalaan sa sasabihin ko sa kaniya tungkol sa nakaraan.
Hindi pa rin pala niya nakalilimutan ang ex niyang gumawa ng plano para saktan siya at iwan niya ito. Hindi deserve ni Roven si Miles. Napakaduwag ni Roven para gawin iyon.
Pero sa totoo lang, naaawa ako sa kaniya dahil sa loob ng isang taon, nasaktan siya ng maling akala tungkol sa amin ni Roven. Pero pakiramdam ko, wala ako sa lugar para ipaliwanag ang lahat sa kaniya at kung gawin ko man iyon alam kong hindi niya ako paniniwalaan.
Kitang-kita ko at ramdam ko ang pagtutol niya sa kasal na p
HINDI ko alam kung ano'ng dapat kong isipin matapos kong marinig ang mga sinabi ni Roven sa akin. Kung sana noon, sinabi na niya sa akin ang bagay na iyon, hindi sana kami humantong sa ganito. Kaya ko naman siyang intindihin, eh, kaya kong mag-adjust sa relasyon namin kung 'yon ang kailangan kong gawin. Hindi 'yong sasaktan niya ako sa pamamagitan ni Zandy. Hindi pa rin valid ang dahilang iyon para patawarin ko siya.Pasado alas-dose na ng gabi at hindi ko magawang ipikit ang mga mata ko. Nagpasiya akong lumabas ng silid at tumungo sa terrace. Nakasuot lang ako ng pajama at sandong pantulog dahil mainit kanina sa silid ko.Matapos kong iwan si Roven at Zandy kanina, dumeretso ako sa bahay nila Mama at Papa para ilabas ang lahat ng sakit at galit ko sa mga nalaman ko. Hinayaan nila akong umiyak at ilabas ang lahat ng hinanakit at sakit sa puso ko habang yakap ni Mama. Kahit pa paano'y nararamdaman kong may masasandalan ako sa kabila ng
Zandy's POV(Before the Wedding)"SIGURADO ka na ba, Zandy sa desisyon mo? Hindi ka na magba-back out? You still have a time to change your mind," muling tanong sa akin ni Ton habang nakaupo ako sa sofa sa condo unit niya. Umupo siya sa tapat ko dala ang tasa ng kape at inilapag iyon sa center table. "Do you think, magiging madali ang lahat sa iyo at kay Miles? Sigurado akong palaging gyera ang mangyayari sa inyong dalawa," naiiling pa niyang saad.Seryoso lang ako nakasandal sa sofa habang nakade-kwatro. Iniisip ko rin ang gaganaping kasal namin ni Miles. Hindi ko inakalang ganoon kabilis nilang paplanuhin ang kasal namin. Nagulat ako pero dahil pumayag ako sa kasal na ito, wala na akong nagawa. Tinanong ko rin ang sarili ko kung tama ba ang desisyon ko at kung dapat ko pa bang ipagpatuloy ito?"I already think about it, Ton at sigurado na ako sa desisyon ko. Handa na akong magpakasal dahil alam kon
"GUSTO kong palagi tayong ganito, Miles." Pinilig ko ang ulo ko para alisin iyon sa isip ko. Para na akong mababaliw dahil paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang lahat ng sinabi ni Zandy at ang halik niya nang nagdaang gabi. Hindi ko tuloy magawang tumingin sa kaniya dahil sa hiyang nararamdaman ko. Parang pinapaso ang pisngi ko dahil agad iyong namumula.Hindi ko rin alam kung bakit hinayaan ko si Zandy na halikan ako at aminin ko man o hindi, may kiliting lumitaw sa puso ko at kakaibang pakiramdam na nagbigay ng ligaya sa akin. Tama bang maramdaman ko iyon? Tama rin ba ang mga narinig ko mula kay Zandy at dapat ko bang paniwalaan lahat iyon?"Hey! Napapansin ko, lately palagi kang tulala at malalima ang iniisip," pukaw sa akin ni Andrea habang nasa isang restaurant kami para kumain ng lunch.Hindi ko namalayang napatulala na naman pala ako dahil sa kakaisip ko kay Zandy at sa kakaibang ipinapakita't ipinararamdam niya
Tumango si Zandy at ngumiti. "Yeah," pakli niya. Humarap siya sa mga kasama ko. "Nice to see you again, guys! Hiramin ko muna si Miles sa inyo," paalam pa niya, saka hinawakan ang braso ko na ikinagulat ko. Parang may enerhiyang gumapang sa katawan ko dahil doon. May init akong naramdaman na lalong nagpapula sa pisngi ko. Mabuti na lang at gabi ngayon.Lalong lumapad ang mga ngiti nila habang kinikilig na nakatingin sa amin."Ok lang Zandy, 'no ka ba! She's your wife and you own her," ani Andrea."Sige, ingat kayo. Ninang ako, huh?" pagbibiro naman ni Melissa.Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Melissa. "B-baliw!" sabi ko na lang na nahihiya. Narinig ko rin ang mahinang tawa ni Zandy na ang sarap sa pangdinig."Sure, Melissa. I'll announce if we make it," pagbibiro naman ni Zandy.Sa gulat ko, nakurot ko siya sa tagiliran kaya agad siyang napaigtad habang r
Zandy's POVHINDI ko alam kung bakit nandito ako sa labas ng gusali kung saan nagtatrabaho si Miles at naghihintay sa paglabas niya. Namalayan ko na lang ang sarili ko na huminto rito para abangan ang paglabas niya.Alam ko ang magiging reaction niya kapag inalok ko siya ng sakay at sigurado akong tatanggi siya at aawayin ako. Hindi na iyon bago sa akin. Simula nang makasal kaming dalawa hindi nawala ang away at bulyawan sa pagitan namin ni Miles.Ilang araw na kaming kasal at hindi kami magkasama sa iisang bahay. Hinayaan naman kami ng pamilya namin sa ganoong set up at katulad ng inaasahan ko, alam kong may plano sila na pagsamahin kami ni Miles sa iisang bubong. Hindi na ako nagulat nang bigyan ni Mama ng susi si Miles para sa magiging bahay naming dalawa. Wala na rin kaming nagawa kung 'di pumayag sa gusto nila dahil unang-una pumayag naman kaming makasal sa isa't isa.Alam kong hindi magiging ma
KINAUMAGAHAN, madilim pa lang nang magising na ako sa hindi ko alam na dahilan o baka dahil sa excitement na nararamdaman ko dahil ngayong araw kami aalis ni Zandy patungo ng Quezon Province para magbakasyon doon ng dalawang araw na inihanda sa amin ng pamilya niya. Ayon sa mga ito, ito raw ang honeymoon namin dahil hindi namin iyon nagawa nang ikasal kami ni Zandy.Ang bilis ng oras at hindi ko namalayang ilang buwan na pala kaming kasal ni Zandy at hindi ko inaasahang dadating kami sa ganitong punto ng pagsasama namin. Malayo ito sa inaasahan kong mangyayari.Nakangiti akong uminat dahil sa kakaibang sayang nararamdaman ko. Madilim pa sa labas pero gising na gising na ang sistema ko. Saglit akong umupo sa kama habang nakatingin lang sa bintana. Biglang bumalik sa akin ang nangyari no'ng isang araw sa restaurant ni Zandy. Matapos ang pangyayaring iyon, halos hindi na ako makatingin sa kaniya. Naiilang ako kapag kasama ko siya. Tinatanong ko
NAPUNO ng katahimikan ang loob ng sasakayan habang nagbabyahe kami ni Zandy patungo ng Quezon. Naalala ko pa rin ang mukha ni Roven nang iwan ko siya sa tapat ng bahay. Kita ko ang sakit at kirot doon at inaamin kong naaawa ako sa kaniya. May bahagi sa aking gusto ko siyang balikan para kausapin pero alam kong hindi ko na iyon dapat gawin. Pagbalik ko mula sa bakasyon, saka ko aayusin ang lahat sa amin ni Roven at lilinawin iyon."Mahal mo pa rin ba siya, Miles?" basag ni Zandy sa katahimikan.Mula sa labas ng sasakyan, lumipad ang paningin ko sa kaniya. Seryoso lang ang mukha ko at pagdaka'y umiwas din ng tingin. "I don't know, Zandy. Hindi ko alam ang nararamdaman ko para kay Roven. Kung pagmamahal pa ba ito o awa na lang," sagot ko. "Ang alam ko lang, he's still part of my heart.""Did your heart beats everytime he's near with you? Do you feel the same happiness and feelings the way you felt it before?" tanong ni Zandy.Muli akong nag-angat ng tingin sa kaniya. Bumibilis pa ba ang
NARAMDAMAN ko ang paghinto ng sasakyan nang imulat ko ang aking mga mata. Pupungos-pungos pa akong luminga sa paligid at bahagya akong napapikit dahil sa matinding sikat ng araw sa paligid. Naramdaman ko rin ang sariwang simoy ng hangin at nakita ko 'di kalayuan ang alon na humahampas sa dalampasigan. Nandito na ba kami?Mayamaya pa'y bumukas ang pinto ng sasakyan at nakita ko si Zandy sa labas. "We're here, Miles, come on let's go," aniya habang bahagyang nakakunot ang noo na marahil dahil sa sikat ng araw."Ok," sabi ko at bumaba ng sasakyan. Tiningnan ko pa ang wristwatch na suot ko at napagtantong pasado ala-una na pala ng hapon. Ilang oras din pala ang byahe namin papunta rito at hindi ko iyon namalayan dahil sa nakatulog ako sa byahe.Tumambad agad sa akin ang maaliwas na paligid. Lumilipad pa ang mahaba kong buhok dahil sa malakas na hangin na umiihip doon. Napakaganda ng berdeng kalangitan at ang mga ulap doon na may iba't ibang hugis. Nakaka-relax sa pakiramdam. Nakita ko rin
Miles' POV HANGGANG ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na finally, totoo, legit, tunay, confirmed nang mag-asawa na kami ni Zandy. Mayroon na kaming marriage contract na magpapatunay ng aming kasal at pag-aari namin ang isa't isa. Walang mapagsidlan ang sayang nararamdaman ko hanggang ngayon at ang sarap ng pakiramdam ko na bumabalot sa buo kong sistema. Maraming bagay ang dapat kong ipagpasalamat. Sa kabila ng mga nangyari, narating namin ang puntong ito na magkasama pa rin kami na nagmamahalan at walang handlang. Nasaktan man namin ang isa't isa, nagkamali man kami, ang mahalaga 'yong naging katapusan ng lahat nang iyon. Marami rin akong natutunan sa mga nangyari. Naintindihan ko kung gaano kahalaga ang tiwala at pakikinig sa mga dahilan at huwag unahin ang galit at bugso ng damdamin. Ang tiwala at pagmamahal ang matibay na pundasyon ng isang relasyon na ngayon ay naintindihan ko na iyon. "I love you, Honey!" ani Zandy matapos niyang bumagsak sa tabi ko. Humihingal pa siya da
Zandy's POVHINDI ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko habang nakangiti at pinagmamasdan ang papalapit na si Miles. Nakasuot siya ng kulay puting wedding dress at belo na talaga namang lalong nagpaganda sa kaniya. She's the most beautiful girl I've ever have. Halata na rin ang tiyan niya dahil sa pagbubuntis niya. Sa bawat paghakbang niya, sinasabayan iyon ng himig na palaging naririnig sa mga kasalanan. Mas nagiging romantik iyon para sa amin habang bakas ang saya sa mga saksi roon.Ito na ang araw at oras na pinakahihintay naming dalawa, ang kasal na hindi plinano ng iba, kasal na hindi pinagkasunduan ng mga magulang namin, kung 'di kasal na ginusto namin at pinagdisisyunan dahil mahal namin ang isa't isa. A wedding we dream to happen and I can't wait to say 'I do' and be his lawful husband.Agad na ngumiti si Tita Emma at Tito Wesley sa akin nang marating nila ang kinaroroonan ko para ihabilin nila ang kanilang anak sa akin. Kita ko ang naluluhang mga mata ni Tita Emma."For
"BAKIT hindi mo sinabi sa akin na alam mong buntis ako?" tanong ko kay Zandy habang nakayakap ako at nakaunan sa braso niya. Dahil sa pananabik at pagmamahal namin sa isa't isa, inangkin namin ang gabing iyon matapos nang successful na opening ng restaurant ni Zandy. Masaya ako dahil sa wakas natupad na niya iyon nang kasama ako. Walang mapagsidlan ang sayang bumabalot sa akin. "Kasi alam kong galit ka pa sa akin nang araw na iyon at baka mas lalo ka lang ma-stress at makasama sa baby. Masakit para sa akin na tumalikod at sundin ang gusto mo pero wala akong magagawa dahil galit ka at nasaktan. Alam kong hindi ka pa handang tanggapin ang paliwanag ko at para patawarin ako," paliwanag niya sa akin. "I'm sorry, Honey hinayaan kong masaktan ka sa pamamagitan ko." Nakailang ulit na ba siyang sinabi iyon? Tumingala ako para tingnan siya. "Can you please stop saying sorry? I forgiven you and that's enough. Tapos na ang bagay na iyon at dapat na nating kalimutan at simulan ang bagong buhay
Zandy's POV(Bago ang birthday ni Miles)"IBA rin talaga ang epekto sa 'yo ni Miles, ah. The last time I knew, you're not like this. Ni hindi ka mahilig magbigay ng regalo sa ibang tao bukod kay...I mean, it's not usual for me to see you being like this with other girl," manghang sambit ni Ton sa akin habang papalapit kami sa isang jewelry shop sa loob ng mall kung saan kami nandoon para bumili ng regalo sa darating na birthday ni Miles. "Ako nga never nakatanggap ng regalo from you," maktol pa nito.Natawa ako at napailing. "Ano'ng hindi? I remember when were in high school I bought you a backpack," pagpapaala ko sa kaniya.Kumunot ang noo ni Ton habang nakatingin sa akin. "Backpack? Are you kidding me, Zandy? As far as I know you bought that backpack dahil Christmas party iyon and you need to present me a gift." Napasinghap si Ton at saglit na kumiling ang ulo.Natawa ako. "Christmas party ba 'yon? I thought I gave you the gift because it was your birthday," pagdadahilan ko pa para
PUMIKIT ako ng mariin at pilit kong kinakalma ang sarili para sa batang nasa sinapupunan ko. Muli kong tiningnan si Zandy na bakas ang pagkadismaya at sakit sa mukha ko habang nag-aalala at nababahala ang emosyong nakarehistro sa mukha niya. Suminghap ako. Pinahid ko ang luha sa mga mata ko, saka umiling bago tuluyang tumalikod at humakbang palayo kahit mabigat ang mga paa ko para ihakbang ang mga iyon. Sunod-sunod na tumulo ang luha sa mga mata ko dahil sa matinding sakit dahil sa pagguho ng pag-asa kong magkakaayos pa kami. Huli na pala ako. Habang magkalayo kami, nagkaroon na pala ng pagkakataong magkabalikan si Zandy at Beverly. Sobrang sakit dahil kung kailan handa na akong ayusin ang lahat, wala na pala akong pag-asa dahil huli na ang lahat para sa aming dalawa. "Honey! Stop, I'll explain," narinig kong sigaw ni Zandy. Hindi ko na alintana ang mga customers na nandoon sa loob. Pinilit kong hindi lumingon kahit gusto ng puso kong harapin siya. 'Yong pagtawag niya sa akin ng 'Ho
HALOS hindi ako nakatulog nang nagdaang gabi dahil sa kakaisip ko kay Zandy dahil sa mga sinabi ng taong nasa paligid ko na isa lang din ang gusto nilang sabihin sa akin, na bigyan ko ng pagkakaton si Zandy na maging ama at asawa sa bata at sa akin. Gayon din ang pagkakataon na baka tuluyang mawala si Zandy sa akin kung hahayaan ko siyang lumayo. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa gilid ng kama. Lumapit ako sa side table na naroon at kinuha ang isang envelope. Binuksan ko iyon at nakita ko ang pangalan ng sMILES Restaurant na itinayo ni Zandy sa tulong ni Ton. Invitation iyon para sa opening niyon at ipinidala ni Ton sa akin ang invitation. Gaganapin ang opening sa isang araw at hanggang ngayon, pinag-iisipan ko kung dapat ba akong pumunta roon o hindi. Napangiti ako nang mabasa ko ang pangalan ng restaurant na si Zandy mismo ang nag-isip at hindi niya naisipang palitan pa iyon. Bumuntong-hininga ako. Binalingan ko ang umuumbok kong tiyan. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Hinim
HABANG mas tumatagal na magkahiwalay kami ni Zandy, mas lalo akong nahihirapang kalabanin ang sarili ko para puntahan siya at ayusin ang lahat sa amin. Naghihintay ako sa kaniya at nagbabakasakaling darating siya para sabihing mahal niya ako. Nami-miss ko na siya at alam kong kailangan ko siya sa tabi pero may kung ano'ng pumipigil sa akin para puntahan si Zandy. Marahil iyon ay ang pride at konting galit ko sa kaniya dahil sa nangyari. Bumaling ako sa tiyan ko na umuumbok na dahil sa pagbubuntis ko. Bahagya na ngang halata iyon kung titingnan. Ngumiti ako at marahang hinimas ang tiyan ko. Palagi kong kinakausap ang bata sa tiyan ko at hinihimas iyon dahil pakiramdam ko'y malapit sa akin si Zandy dahil pinapaalala sa akin ng bata ang ama niya. Bumuntong-hininga ako. Nagpasiya akong bumaba ng kama ko at lumabas ng silid dahil pakiramdam ko'y mababaliw na ako roon. Dumeretso ako sa sala. Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin ako pinapayagan ng pamilya ko at pamilya ni Zandy na bumalik sa
"KUMUSTA ka na, hija?" puno ng pag-aalalang tanong ni Tita Mandy sa akin. Kanina pa silang nandito sa bahay para dalawin ako at kamustahin. Abala naman sa pag-uusap si Papa at Tito Andrew sa sala habang nagluluto si Mama sa kusina. Pilit akong ngumiti habang nakaupo sa kama ko. Kinuha ni Tita Mandy ang kamay ko at marahan iyong pinisil. "I mean, kumusta na ang puso mo?" Simple siyang ngumiti. Hindi agad ako nakaimik. Seryoso lang akong nakatingin kay Tita Mandy. Kumusta nga ba ang puso ko? Sa sarili ko'y alam kong hindi ok. Ngumiti ako. "Magsisinungalin po ako, 'Mama kung sasabihin kong ok ang puso ko...kasi ang totoo po...h-hindi ako ok. I'm trying to be ok kasi alam kong may bata sa sinapupunan ko pero everytime na naiisip kong magkakaanak ako, naiisip ko rin si Zandy." Saglit akong huminto sa pagsasalita. "It's been a week since we last talked at nami-miss ko na siya. Sa maikling panahon na naghiwalay kami para sa space na hinihingi ko, marami akong na-realize. Alam ko, 'Ma na kai
ILANG araw na akong nasa loob lang ng bahay dahil hindi pa rin ako pinapayagan ng pamilya ko at pamilya ni Zandy na bumalik sa publication. Kailangan ko raw muna magpahinga ng mabuti para sa bata bago ako bumalik sa trabaho. Iyon din naman ang payo ng doctor sa akin kaya wala akong ibang choice kung 'di ang sundin sila para na rin sa kaligtasan ko at ng bata. Araw-araw dumadalaw si Tita Mandy at Tito Andrew sa bahay para kamustahin ang kalagayan ko. Palagi rin silang may dalang mga pagkain at iba pang pangangailangan ko. Nakikita ko ang labis na galak at excitement nila para sa magiging apo nila. Bumuntong-hininga ako habang nakatayo at nakahalukipkip sa tapat ng bintana ng silid ko at pinagmamasdan ang maaliwas na paligid. Pahapon na rin kaya makikita ang paglubog ng araw mula roon. Ilang araw ko nang hindi nakikita si Zandy at aminin ko man o hindi, labis akong nananabik sa kaniya. Pakiramdam ko, isang buwan na kaming malayo sa isa't isa. Gusto ko siyang yakapin at halikan pero al