HANGGANG ngayon hindi pa rin makapaniwala si Andrea na ang Zandy na sinasabi kong bakla ay isang gwapong lalaki. Marahil iba ang inaasahan niyang katangian ng lalaking iyon. Nagduda rin si Andrea kung bakla ba talaga si Zandy o hindi dahil sa napaka-manly niyang tindig at boses na kahit ako'y hindi maniniwala kung hindi ko kilala kung sino si Zandy.
"Seryoso ka na ba talaga na pakasalan ako?"
Bahagya akong nagulat nang magsalita si Zandy sa gilid ko nang makalabas ako ng silid kung saan nandoon ang pamilya ko at ang pamilya niya na nag-uusap pa rin tungkol sa kasal naming dalawa. Ni hindi na nila nagawang hintaying makalabas si papa sa hospital para pag-usapan iyon. Talaga ngang excited sila para sa aming dalawa kabaliktaran ng nararamdaman ko.
Saglit akong pumikit. Inipit ko sa likod ng tainga ko ang buhok na humaharang sa mukha ko, saka hinarap siya. Nakahalukipkip siya habang nakasandal sa wall malapit sa pintuan ng silid. Nagpaalam lang siya na lalabas saglit pero hindi na bumalik.
"Sa tingin mo gusto kong magpakasal sa 'yo? Sa tingin mo ba gugustuhin kong magpakasal sa katulad mo? I remembered what you've done to me, Zandy at hindi ko 'yon makalilimutan," sambit ko na bakas pa rin doon ang inis at galit dahil sa katotohanang siya pa rin ang dahilan ng hiwalayan namin ni Roven.
Napangisi si Zandy. Bahagya pang kumiling ang ulo niya, saka seryoso akong tiningnan. "Hanggang ngayon ba bitter ka pa rin sa pang-iiwan sa iyo ng ex mo? Sa tingin mo ba ako talaga ang dahilan ng hiwalayan ninyo? Come on, Miles alam kong alam mo sa sarili mo na may ibang dahilan kung bakit ka iniwan ni Roven," giit niya.
Kumunot ang noo ko sa pagtataka. Ibang dahilan? Inisip ko kung ano'ng dahilan ang sinasabi niya pero wala akong maisip na dahilan kung 'di siya lang. Ngumisi ako. "Zandy, hindi rin talaga makapal ang mukha mo, 'no? Ikaw na nga itong nang-agaw ikaw pa itong matapang," inis kong balik sa kaniya.
Napasinghap si Zandy at saglit na yumuko. "I don't have time to explain everything to you, Miles. Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan. Don't let your past control your present. Hindi lahat ng nakikita mo'y iyon ang katotohanan." Tumalikod siya at naglakad palayo sa akin. Naiwan akong tulala at iniisip ang mga sinabi ni Zandy sa akin. Ano'ng ibig sabihin niya sa mga sinabi niya?
—
NAPAILING NA lang ako at wala nang nagawa sa naging pag-uusap nila sa gaganaping kasal namin ni Zandy. Hindi ko alam kung bakit masyado silang nagmamadali na animo'y mauubusan ng paring magkakasal sa amin. Ni hindi na nga kami nakasingit sa pag-uusap nila habang hindi mawala ang ngiti sa kani-kanilang mga labi na tunay na mas masaya pa sila kaysa sa amin na ikakasal.
Napagdesisyunan nilang ikasal kami sa mas madaling panahon. Madaling panahon talaga dahil isasagawa na iyon sa unang araw ng buwan sa susunod na buwan, ilang araw matapos ni papa na lumabas ng hospital. Isang linggo na lang mahigit iyon. Gusto ko na lang sumigaw sa inis at lungkot. Tama ba talaga ang naging desisyon ko na pumayag sa kasal na ito? Pwede pa ba akong umatras?
"Hindi naman ata nagmamadali ang pamilya ni'yong ikasal kayo, 'no?" sarkastikong sambit ni Andrea habang kumakain kami sa restaurant malapit sa hospital matapos mag-usap ng mga pamilya namin ni Zandy para sa kasal namin. "Kasal agad? Ni walang getting to know stage para sa inyong dalawa? Ganoon ba sila ka-desperate just because of that damn old cursed?" dagdag pa niya. "Pero in fairness, kung kagaya lang ni Zandy ang pakakasalan ko, gora ako kahit pa hindi sigurado ang kasarian niya. Ang hot niya kaya and no doubt he's super handsome. Artista level, ganoon!" mataray pa niyang segunda.
Napairap na lang ako sa sinabi ni Andrea. "Yes, alam kong gwapo si Zandy pero siya pa rin ang dahilan ng paghihiwalay namin ni Roven. Kung may iba lang talaga akong choice, hindi ko pakakasalan ang lalaking iyon," saad ko na bakas doon ang panghihinayang at pagsisisi. "Hindi ko rin naman kasi maintindihan sila, mama, eh, masyado silang naniniwala sa sumpa-sumpa na 'yan, napaaga tuloy ang pag-aasawa ko," maktol ko pa at marahas na pinaghihiwa ang karne sa plato ko na gumawa ng ingay.
Napangiti si Andrea. "Hindi ko na rin alam ang sasabihin sa iyo, Miles mukhang wala na rin naman akong magagawa sa sitwasyon mo. Pinili mo na rin naman iyan, nakapagdesisyon ka na at ang dapat mo na lang gawin, paghandaan ang susunod na magiging buhay mo pagkatapos ng kasal mo," aniya na bakas ang lungkot at simpatiya sa boses niya.
Napabuntong-hininga na lang ako at hindi na nagawang galawin ang pagkain ko. Iyon na nga ang dapat kong gawin, ang paghandaan ang mangyayari sa akin pagkatapos ng kasal na ito. Pero hindi ako papayag na habang buhay kong makakasama ang Zandy na iyon na hindi ko alam ang tunay na kasarian. Mag-isip ako ng plano para siya na mismo ang makipag-divorce sa akin pagkatapos ng kasal at pareho kaming maging malaya.
—
HABANG nagbabayad ng hospital bills si mama, inaayos ko naman ang lahat ng gamit sa silid para sa paglabas ni papa ng hospital. Kahit pa paano'y panatag na ang loob ko dahil sa nakikita ko'y maayos naman na ang lagay ni papa. Iyon nga lang, sabi ng doctor hindi pa rin siya pwedeng ma-stress dahil sa sakit niya sa puso na pwedeng humantong sa atake niyon. Kaya hanggang maaari, hindi na ako makikipagtalo pa sa kaniya at susundin na lang siya.
Mayamaya pa'y nagulat ako nang iniluwa ng pinto si Zandy. Akala ko'y artista ang pumasok sa silid dahil sa gwapo niyang mukha at sa porma niya na animo'y pupunta ng photo shoot. Nakasuot siya ng white t-shirt at polo sa ibabaw niyon na tinirnuhan ng pants na black.
"Magandang hapon po, tito Wesley," nakangiting bati niya kay papa na nagpakunot sa noo ko dahil sa mabait na trato niya rito.
"Oh! Magandang hapon rin, hijo?" balik ni papa na todo ang ngiti. Napailing na lang ako. "Nag-abala ka pang pumunta rito, baka naaabala ka na namin," nahihiyang ani papa.
"Naku! No worries po, Tito and besides I have nothing to do today, kaya I'm free po," nakangiting balik ni Zandy.
Napapailing na lang ako at napapasinghap dahil sa kabaitan niya kay papa na hindi ko kayang paniwalaan. "Hindi ka na dapat nag-abala, Zandy, kaya naman na namin ito," singit ko sa kanila at alangang ngumiti sa kaniya.
Ngumiti rin siya nang bumaling sa akin. "Wala ka nang magagawa, I'm already here," aniya, saka bumaling uli kay papa. Inayos niya ang wheelchair at inalalayan na ito na umupo roon. Malakas na rin naman si papa pero mas mabuti na rin na gumamit ito ng wheelchair para hindi na ito mapagod.
"Oh! Nandito ka na pala, hijo? I'm sorry sa abala, huh," bungad ni mama nang makapasok siya sa loob ng silid. Lumapit ito kay papa at tumulong sa pag-aasikaso rito.
"Ok lang po, Tita," ani Zandy.
"Napakabait mo talagang bata, hijo!" puri ni mama sa kaniya. Napanguso na lang ako at inis na ginaya si mama. Mabait ba ang lala—este baklang iyon? Kung alam lang sana nila kung anong ginawa ni Zandy sa akin baka hindi na nila masabing mabait siya.
Mayamaya pa'y naayos na namin ang lahat ng gamit sa silid at lumabas na roon. Si mama ang nagtutulak kay papa habang bitbit ni Zandy ang ilang bag na may lamang mga damit at ang dala ko nama'y ilang mga plastic lang na may lamang kung ano-ano.
Sumakay kami sa sasakyang dala ni Zandy at siya na rin ang nagmaneho niyon. Nakasimangot lang ako dahil sa inis na nararamdaman ko sa kaniya. Habang umuusad ang sasakyan, panaka-naka kong tinatapunan ng tingin si Zandy. Seryoso lang siya at diretso ang tingin sa kalsada. Nakapwesto kasi ako sa tabi niya sa front seat ng sasakyan.
"Sinusulyapan mo ba ako?"
Kumunot ang noo ko sa tanong na iyon ni Zandy. Bumaling pa ako sa kaniya. "Ikaw susulyapan ko? You're just imagining things, Zandy," mataray kong balik.
Ngumisi lang siya at nagpatuloy sa pagmamaneho. Tumahimik uli kaming lahat na nasa loob ng sasakyan. Pakiramdam ko'y hindi ko talaga kakayanin na makasama ng matagal si Zandy. Iniisip ko pa lang na makakasama ko siya sa iisang bubong, baka hindi na ako umuwi sa bahay na titirhan namin.
Huminto ang sasakyan ng makarating kami sa bahay. Ako na ang unang bumaba ng sasakyan at binuksan ang gate ng bahay. Napakunot pa ang noo ko nang tumama ang sikat ng araw sa mga mata ko.
Inalalayan ni Zandy si papa sa pagbaba sa sasakyan niya. Kung pagmamasdan siya, mukha namang mabait at gentleman pero sa tuwing naiisip ko ang ginawa niya sa akin, nabubura lahat iyon.
Nakasimangot na dinampot ko ang mga gamit sa sasakyan at ganoon din si mama habang si Zandy ang tumutulak sa wheelchair ni papa. Nagme-make face naman ako sa huli dahil sa pakitang tao niya.
Matapos kong ilagay sa sala ang mga gamit, bumalik ako sa sasakyan para kunin ang naiwan pang gamit doon.
"Akala mo naman mabait. Kung alam lang nila kung sino ang Zandy na iyon—"
"May sinasabi ka ba? Why don't just tell it to my face?"
Para akong naestatwa sa mga narinig ko. Mariin akong napapikit at dahan-dahang lumingon, tumambad sa akin si Zandy na nakahalukipkip habang nakasandal sa sasakyan niya. Bahagya pang kumunot ang noo niya dahil sa bahagyang sikat ng araw na tumatama sa gwapo niyang mukha.
May hiyang bumakas sa mukha ko pero dahil naiinis ako sa kaniya, napalitan iyon. "Bakit hindi ba totoo? Nagpapanggap kang mabait sa harap nila pero ang totoo nang-agaw ka naman ng boyfriend nang may boyfriend," sumbat ko sa kaniya.
Napangisi siya at napasinghap. Saglit pang napakiling ang ulo niya. "Ganiyan ka ba mag-isip, Miles? You're not matured enough if that's how you think about people. Ang tunay na pagkatao ba ng isang tao ay ang isang beses nilang pagkakamali o isang kasalanang nagawa nila? I really care at totoo ang pinapakita ko, you're just making it a fake," makahulugang sambit niya.
Hindi agad ako nakaimik sa sinabi niya. Hindi ko alam pero tinamaan ako sa mga salitang binitawan niya. Bigla akong nakaramdam ng guilt. Nakita kong pumihit si Zandy at humakbang na pero agad ding huminto.
Humarap siya sa akin. "Sa tingin mo ba gusto ko rin ang kasal na ito? I don't want to get married to a girl like you, wala lang akong choice." Ngumisi pa siya at saka naglakad na palayo sa akin.
Naiwan akong tulala at nakabuka ang bibig. Bumalik na naman ang inis ko kay Zandy dahil sa sinabi niya.
"Haist! Napakayabang! Akala mo naman kung sinong gwapo, eh, bakla naman," inis ko pang sambit at padabog na naglakad papasok ng bahay.
HINDI pa rin ako makapaniwala na ilang araw na lang ikakasal na ako kay Zandy, ang lalaki—este baklang iyon na umagaw sa boyfriend ko. Parang kahapon lang ang tahimik pa ng buhay ko at sa isang iglap nagulo sa pagdating ni Zandy sa buhay ko. Panaginip ba ito? Ni sa hinagap ko hindi ko naisip na ikakasal ako sa taong umagaw sa boyfriend ko. Grabi! Ganito ba maglaro ang tadhana? Ito na ba ang sinasabi ni Andrea na laro ng lintik na tadhana na 'yan? Pwes! Kung ganoon, makikipaglaro ako. Nasimulan ko na rin naman kaya tatapusin ko na lang ang larong gusto ng tadhana. "Wow! You look so gorgeous, hija," puri sa akin ni tita Mandy nang isukat ko ang gown na pinagawa niya sa isang kilalang bridal botique sa Manila. Kung ako nga lang ang masusunod, ok na sa akin na ikasal na lang kami sa mayor. Less gastos at isa pa hindi naman ito kasal ng dalawang taong totoong nagmamahalan. It's just a marriage in a paper. Pilit akong ngumiti. Bumaling ako kay
PUNO ng lungkot at panghihinayang ang mukha ko nang balingan ko ang wedding gown na napili ni tita Mandy para sa akin na nakapatong sa kama ko. Kalalabas lang ng baklang pinapunta ni tita Mandy para ayusan ako. Hindi ko alam pero parang hindi ko kayang suotin ang gown na nasa harap ko. Kung pwede nga lang umatras ako sa kasal, gagawin ko pero naiiisip ko ang kalagayan ni papa. Sigurado akong magagalit siya kapag ginawa ko iyon. Dahan-dahan akong lumapit sa kama at umupo sa gilid niyon. Marahan kong hinawakan ang magandang kasuotang iyon na pangarap ng bawat babae na masuot habang naglalakad sa aisle papunta sa lalaking mahal nila. Pero ako, paano ko maa-appreciate at mae-enjoy ang kasal na ito kung hindi ko naman mahal ang lalaking pakakasalan ko? "Miles!" narinig kong tawag ni Andrea sa akin. Kumatok pa siya bago binuksan ang pinto ng silid ko at lumapit sa akin. "Ano ka ba, Miles? Titingnan mo na lang ba ang wedding gown na iyan? Ano,
LUMAPIT sa akin si papa at mama para sabay nila akong ihatid sa naghihintay na groom na nasa unahan at nag-aabang sa pagdating ko. Walang expression ang gwapong mukha ni Zandy, ni hindi ko alam kung masaya ba siya o isinusumpa rin niya ang araw na ito. Dapat ko na lang sigurong isipin na ang groom na naghihintay sa akin, ay ang taong mahal ko at hindi si Zandy na umagaw sa boyfriend ko. "I'm happy for you, 'nak. Finally, nandito na tayo sa pangarap kong eksena sa buhay ko. To lead you to your groom," pabulong na sabi ni papa pero sapat para marinig ko. "Sobrang masaya kami ng papa mo, 'nak dahil finally mapuputol na ang sumpa sa iyo at magkakaroon ka na ng pamilya," segunda naman ni mama na muntik nang magpasamid sa akin. Gusto ko ring maging masaya para sa kanila pero hindi ko alam kung paano. Hanggang ngayon ba sumpa pa rin ang iniisip ni mama? Hindi ko alam ang iisipin ko sa kanila sa tuwi
MABILIS akong napalingon sa nagsalita, maging si Zandy at ang lahat ng nandoon sa simbahan. Lahat ng atensyon ay nasa babaeng kararating lang at tumututol daw sa kasal. Sino ba siya? Ni hindi ko kilala ang babaeng iyon. Nagkaroon ako ng konting pag-asa na hindi matutuloy ang kasal."Sino ka, Miss at bakit tutol ka sa kasal ng dalawang ito?" tanong ng pari.Hindi agad nakaimik ang babae at napalinga sa paligid at bumagsak ang mga mata sa amin ni Zandy. Kita ko ang gulat at pagkadismaya sa mukha ng babae at ang pagkapahiya niya."Pa-p-pasensiya na, ho kayo m-mali po ata ako ng simabahang napasukan," sabi ng babae na nakagat pa ang pang-ibabang labi. Nawala ang pag-asa kong hindi matuloy ang kasal. Sayang! May tutol na sana sa kasal namin pero false alarm pala. "I-ituloy niyo na po ang kasal. S-sorry po uli. Pasensiya na po," paulit-ulit na ani ng babae, saka tumalikod at mabilis na lumabas ng simbahan.
DAHAN-DAHAN kong iminulat ang mga mata ko at agad na tumambad sa akin ang maliwanag na silid na kinaroroonan ko. Bahagya pa akong napangiwi nang maramdaman ang bahagyang kirot ng ulo ko. Napagtanto kong nasa sariling silid ako. Inalala ko pa ang huling nangyari pero agad kong nasapo ang aking uko dahil sa pagkirot niyon."Don't move, just be still."Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon at nakita ko si Zandy na nakaupo sa upuang malapit sa kama kung saan ako nakahiga habang hawak na niya ang cellphone at abala sa pagtitig doon."B-bakit ka nandito?" nagtataka kong tanong."Don't you remember? I'm already your husband," seryoso sabi ni Zandy. Ibinaba niya ang cellphone na hawak at nag-angat sa akin ng tingin, wala emosyon ang mukha. "Asawa mo na ako, Miles simula kanina nang ikasal tayo kaya huwag ka ng magtaka kung bakit ako nandito," dagdag pa niya.Laglag ang pangan
MATAPOS ang kasal na iyon o tama ko sigurong sabihing kasal-kasalan, nagbago na ang lahat. Ang tahimik kong mundo, nagulo. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ang bigat ng bawat galaw ng katawan ko. Pakiramdam ko nawawalan ako ng gana sa lahat ng bagay dahil sa frustration ko sa nangyayari at sa hindi mawala sa isip ko ang pwedeng mangyari sa amin ni Zandy. Iniisip ko pa lang na magsasama kami sa iisang bubong, nababaliw na ako.Nagkaroon lang ng konting salo-salo ang ilan sa mga bisita nila Mama at ng pamilya Saavedra na hindi ko nadaluhan dahil nga nawalan ako ng malay dahil sa pagod at puyat na pinagpasalamat ko na rin dahil hindi ko na kailangang humarap sa mga tao at magpanggap.Napabuntong-hininga ako matapos kong magbihis. Natapos na ang leave ko at simula na muli ng trabaho pero sa totoo lang wala akong ganang magtrabaho. Gusto ko sana munang magliwaliw at kahit pa paano mapanatag ang utak ko at mawala ang lahat lahat ng nasa isip ko na
"NAKAKAINIS talaga! Bakla!" mahina kong sabi na bakas ang inis doon habang mabilis akong naglalakad papasok sa hallway patungo sa opisina ng department na kinabibilangan ko. Patingin-tingin pa ako sa wristwatch ko dahil ilang minuto na lang at male-late na ako. Kung hindi talaga dahil sa baklang Zandy na iyon, kanina pa akong nasa opisina at hindi ko kailangang magmadali para habulin ang oras.Huminto ako sa tapat ng glass door ng opisina. Huminga muna ako ng malalim, saka inayos ang sarili ko. Hinawakan ko ang hawakan niyo at madiing tinulak papasok hanggang magbukas iyon. Naramdaman ko agad ang malamig na hanging kumawala mula sa aircon ng silid. Ipinasok ko ang sarili ko sa pinto."Congrats!"Napapitlag ako sa gulat ng bigla na lang naghiyawan ang mga tao sa silid, kasabay ang mahinang pagsabog ng hawak ni Chad, ang isa sa mga katrabaho ko. May pa-confetti pa silang nalalaman at pa-banner na may nakalagay na 'Best Wis
HINDI PA rin maalis sa isip ko ang planong sinabi ni Andrea sa akin para kay Zandy. Nakukuha ko ang ibig niyang sabihin pero hindi ko alam kung sinong lalaki ang ipakikilala ko kay Zandy. Kagabi pa lang, iniisip ko na kung sino ang pwedeng ipakilala ko rito. Wala naman akong kilalang pwedeng pumatol sa lalaki."Hindi mo ba natanong si Zandy kung ano'ng nangyari sa kanila ni Roven?" kapagkuwa'y tanong ni Andrea sa akin habang kumakain kami sa labas ng opisina. Katatapos lang ng article na ginagawa ko at oras na rin ng lunch.Pasalamat naman ako dahil paggising ko sa umaga, wala roon si Zandy para kulitin at asarin ako. Mag-asawa nga kami pero dahil sa set up namin, nararamdaman kong single pa rin ako at mas gusto ko iyong ganito.Kumunot ang noo ko at seryosong nag-angat ng tingin kay Andrea. Bakit nga ba hindi ko natanong si Zandy tungkol sa kanila ni Roven? Napaisip din ako. "Hindi," diretso kong sabi. "Hindi ko rin gus
Miles' POV HANGGANG ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na finally, totoo, legit, tunay, confirmed nang mag-asawa na kami ni Zandy. Mayroon na kaming marriage contract na magpapatunay ng aming kasal at pag-aari namin ang isa't isa. Walang mapagsidlan ang sayang nararamdaman ko hanggang ngayon at ang sarap ng pakiramdam ko na bumabalot sa buo kong sistema. Maraming bagay ang dapat kong ipagpasalamat. Sa kabila ng mga nangyari, narating namin ang puntong ito na magkasama pa rin kami na nagmamahalan at walang handlang. Nasaktan man namin ang isa't isa, nagkamali man kami, ang mahalaga 'yong naging katapusan ng lahat nang iyon. Marami rin akong natutunan sa mga nangyari. Naintindihan ko kung gaano kahalaga ang tiwala at pakikinig sa mga dahilan at huwag unahin ang galit at bugso ng damdamin. Ang tiwala at pagmamahal ang matibay na pundasyon ng isang relasyon na ngayon ay naintindihan ko na iyon. "I love you, Honey!" ani Zandy matapos niyang bumagsak sa tabi ko. Humihingal pa siya da
Zandy's POVHINDI ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko habang nakangiti at pinagmamasdan ang papalapit na si Miles. Nakasuot siya ng kulay puting wedding dress at belo na talaga namang lalong nagpaganda sa kaniya. She's the most beautiful girl I've ever have. Halata na rin ang tiyan niya dahil sa pagbubuntis niya. Sa bawat paghakbang niya, sinasabayan iyon ng himig na palaging naririnig sa mga kasalanan. Mas nagiging romantik iyon para sa amin habang bakas ang saya sa mga saksi roon.Ito na ang araw at oras na pinakahihintay naming dalawa, ang kasal na hindi plinano ng iba, kasal na hindi pinagkasunduan ng mga magulang namin, kung 'di kasal na ginusto namin at pinagdisisyunan dahil mahal namin ang isa't isa. A wedding we dream to happen and I can't wait to say 'I do' and be his lawful husband.Agad na ngumiti si Tita Emma at Tito Wesley sa akin nang marating nila ang kinaroroonan ko para ihabilin nila ang kanilang anak sa akin. Kita ko ang naluluhang mga mata ni Tita Emma."For
"BAKIT hindi mo sinabi sa akin na alam mong buntis ako?" tanong ko kay Zandy habang nakayakap ako at nakaunan sa braso niya. Dahil sa pananabik at pagmamahal namin sa isa't isa, inangkin namin ang gabing iyon matapos nang successful na opening ng restaurant ni Zandy. Masaya ako dahil sa wakas natupad na niya iyon nang kasama ako. Walang mapagsidlan ang sayang bumabalot sa akin. "Kasi alam kong galit ka pa sa akin nang araw na iyon at baka mas lalo ka lang ma-stress at makasama sa baby. Masakit para sa akin na tumalikod at sundin ang gusto mo pero wala akong magagawa dahil galit ka at nasaktan. Alam kong hindi ka pa handang tanggapin ang paliwanag ko at para patawarin ako," paliwanag niya sa akin. "I'm sorry, Honey hinayaan kong masaktan ka sa pamamagitan ko." Nakailang ulit na ba siyang sinabi iyon? Tumingala ako para tingnan siya. "Can you please stop saying sorry? I forgiven you and that's enough. Tapos na ang bagay na iyon at dapat na nating kalimutan at simulan ang bagong buhay
Zandy's POV(Bago ang birthday ni Miles)"IBA rin talaga ang epekto sa 'yo ni Miles, ah. The last time I knew, you're not like this. Ni hindi ka mahilig magbigay ng regalo sa ibang tao bukod kay...I mean, it's not usual for me to see you being like this with other girl," manghang sambit ni Ton sa akin habang papalapit kami sa isang jewelry shop sa loob ng mall kung saan kami nandoon para bumili ng regalo sa darating na birthday ni Miles. "Ako nga never nakatanggap ng regalo from you," maktol pa nito.Natawa ako at napailing. "Ano'ng hindi? I remember when were in high school I bought you a backpack," pagpapaala ko sa kaniya.Kumunot ang noo ni Ton habang nakatingin sa akin. "Backpack? Are you kidding me, Zandy? As far as I know you bought that backpack dahil Christmas party iyon and you need to present me a gift." Napasinghap si Ton at saglit na kumiling ang ulo.Natawa ako. "Christmas party ba 'yon? I thought I gave you the gift because it was your birthday," pagdadahilan ko pa para
PUMIKIT ako ng mariin at pilit kong kinakalma ang sarili para sa batang nasa sinapupunan ko. Muli kong tiningnan si Zandy na bakas ang pagkadismaya at sakit sa mukha ko habang nag-aalala at nababahala ang emosyong nakarehistro sa mukha niya. Suminghap ako. Pinahid ko ang luha sa mga mata ko, saka umiling bago tuluyang tumalikod at humakbang palayo kahit mabigat ang mga paa ko para ihakbang ang mga iyon. Sunod-sunod na tumulo ang luha sa mga mata ko dahil sa matinding sakit dahil sa pagguho ng pag-asa kong magkakaayos pa kami. Huli na pala ako. Habang magkalayo kami, nagkaroon na pala ng pagkakataong magkabalikan si Zandy at Beverly. Sobrang sakit dahil kung kailan handa na akong ayusin ang lahat, wala na pala akong pag-asa dahil huli na ang lahat para sa aming dalawa. "Honey! Stop, I'll explain," narinig kong sigaw ni Zandy. Hindi ko na alintana ang mga customers na nandoon sa loob. Pinilit kong hindi lumingon kahit gusto ng puso kong harapin siya. 'Yong pagtawag niya sa akin ng 'Ho
HALOS hindi ako nakatulog nang nagdaang gabi dahil sa kakaisip ko kay Zandy dahil sa mga sinabi ng taong nasa paligid ko na isa lang din ang gusto nilang sabihin sa akin, na bigyan ko ng pagkakaton si Zandy na maging ama at asawa sa bata at sa akin. Gayon din ang pagkakataon na baka tuluyang mawala si Zandy sa akin kung hahayaan ko siyang lumayo. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa gilid ng kama. Lumapit ako sa side table na naroon at kinuha ang isang envelope. Binuksan ko iyon at nakita ko ang pangalan ng sMILES Restaurant na itinayo ni Zandy sa tulong ni Ton. Invitation iyon para sa opening niyon at ipinidala ni Ton sa akin ang invitation. Gaganapin ang opening sa isang araw at hanggang ngayon, pinag-iisipan ko kung dapat ba akong pumunta roon o hindi. Napangiti ako nang mabasa ko ang pangalan ng restaurant na si Zandy mismo ang nag-isip at hindi niya naisipang palitan pa iyon. Bumuntong-hininga ako. Binalingan ko ang umuumbok kong tiyan. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Hinim
HABANG mas tumatagal na magkahiwalay kami ni Zandy, mas lalo akong nahihirapang kalabanin ang sarili ko para puntahan siya at ayusin ang lahat sa amin. Naghihintay ako sa kaniya at nagbabakasakaling darating siya para sabihing mahal niya ako. Nami-miss ko na siya at alam kong kailangan ko siya sa tabi pero may kung ano'ng pumipigil sa akin para puntahan si Zandy. Marahil iyon ay ang pride at konting galit ko sa kaniya dahil sa nangyari. Bumaling ako sa tiyan ko na umuumbok na dahil sa pagbubuntis ko. Bahagya na ngang halata iyon kung titingnan. Ngumiti ako at marahang hinimas ang tiyan ko. Palagi kong kinakausap ang bata sa tiyan ko at hinihimas iyon dahil pakiramdam ko'y malapit sa akin si Zandy dahil pinapaalala sa akin ng bata ang ama niya. Bumuntong-hininga ako. Nagpasiya akong bumaba ng kama ko at lumabas ng silid dahil pakiramdam ko'y mababaliw na ako roon. Dumeretso ako sa sala. Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin ako pinapayagan ng pamilya ko at pamilya ni Zandy na bumalik sa
"KUMUSTA ka na, hija?" puno ng pag-aalalang tanong ni Tita Mandy sa akin. Kanina pa silang nandito sa bahay para dalawin ako at kamustahin. Abala naman sa pag-uusap si Papa at Tito Andrew sa sala habang nagluluto si Mama sa kusina. Pilit akong ngumiti habang nakaupo sa kama ko. Kinuha ni Tita Mandy ang kamay ko at marahan iyong pinisil. "I mean, kumusta na ang puso mo?" Simple siyang ngumiti. Hindi agad ako nakaimik. Seryoso lang akong nakatingin kay Tita Mandy. Kumusta nga ba ang puso ko? Sa sarili ko'y alam kong hindi ok. Ngumiti ako. "Magsisinungalin po ako, 'Mama kung sasabihin kong ok ang puso ko...kasi ang totoo po...h-hindi ako ok. I'm trying to be ok kasi alam kong may bata sa sinapupunan ko pero everytime na naiisip kong magkakaanak ako, naiisip ko rin si Zandy." Saglit akong huminto sa pagsasalita. "It's been a week since we last talked at nami-miss ko na siya. Sa maikling panahon na naghiwalay kami para sa space na hinihingi ko, marami akong na-realize. Alam ko, 'Ma na kai
ILANG araw na akong nasa loob lang ng bahay dahil hindi pa rin ako pinapayagan ng pamilya ko at pamilya ni Zandy na bumalik sa publication. Kailangan ko raw muna magpahinga ng mabuti para sa bata bago ako bumalik sa trabaho. Iyon din naman ang payo ng doctor sa akin kaya wala akong ibang choice kung 'di ang sundin sila para na rin sa kaligtasan ko at ng bata. Araw-araw dumadalaw si Tita Mandy at Tito Andrew sa bahay para kamustahin ang kalagayan ko. Palagi rin silang may dalang mga pagkain at iba pang pangangailangan ko. Nakikita ko ang labis na galak at excitement nila para sa magiging apo nila. Bumuntong-hininga ako habang nakatayo at nakahalukipkip sa tapat ng bintana ng silid ko at pinagmamasdan ang maaliwas na paligid. Pahapon na rin kaya makikita ang paglubog ng araw mula roon. Ilang araw ko nang hindi nakikita si Zandy at aminin ko man o hindi, labis akong nananabik sa kaniya. Pakiramdam ko, isang buwan na kaming malayo sa isa't isa. Gusto ko siyang yakapin at halikan pero al