TAMA BA ang mga binitawang salita ng mga bibig ko? Nawindang ako nang mabalik sa normal ang pag-iisip ko at maalala ang lahat ng sinabi ko habang papunta kami sa hospital. Kasalukuyan nasa emergency room pa si papa at ini-examine ng mga doctor.
Naihilamos ko ang mga palad ko sa sarili kong mukha. Hanggang ngayon sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa nangyari kay papa. Kung hindi ko lang sana siya sinagot ng ganoon, baka hindi humantong sa ganito ang lahat. Puno ng kaba at takot ang puso ko ngayon dahil sa pwedeng mangyari kay papa at patuloy kong sisisihin ang sarili ko kung may mangyayaring masama sa kaniya.
Naramdaman ko si mama sa tabi ko. Marahan niyang tinapik ang balikat ko at niyakap ako. "Anak, hindi mo kasalanan ang nangyari sa papa mo. Don't blame yourself," mahinahon pa ring ani mama.
Hinarap ko siya. "I can't help but to blame myself. Kasalanan ko 'to, 'Ma kung pumayag lang sana ako sa gusto ni papa, eh, 'di sana maayos ang lahat ngayon," umiiyak kong sagot.
"Hija, hindi mo kasalanan ang nangyari kay Wesley," ani naman ni tita Mandy. Naramdaman ko pa ang marahan nitong pagtapik sa balikat ko.
Habang nakaupo ako sa waiting area, nakita ko naman si Zandy na tahimik lang habang nakahalulipkip at nakasandal sa wall. Seryoso lang ang mukha niya na tila nakikiramdam lang sa paligid. Si tito Andrew naman ay mababakasan ng kaba at takot habang nasa tabi ni tita Mandy.
Mayamaya pa'y bumukas na ang emergency room at iniluwa niyon ang lalaking doctor na nag-asikaso kay papa. Mabilis akong tumayo at lumapit dito, kasunod si mama, tita Mandy at tito Andrew.
"K-kumusta po si papa, Doc?" kinakabahan kong tanong. Lahat kami'y naghihintay sa isasagot ng doctor sa amin.
Bumuntong-hininga ang manggagamot at kumurap. "You don't need to worry about him, Ma'am. He's already fine. Tumaas lang ang kaniyang blood pressure dahil sa stress na naramdaman niya." Lahat kami'y nakahinga ng maluwag dahil sa sinabi ng doctor sa amin.
"Salamat po, Doc," ani Mama na animo'y nabunutan ng tinik sa lalamunan.
Bumaling kay mama ang doctor. "Pero hindi lang basta pagtaas ng dugo ang nangyari sa inyong asawa, Miss. He's almost into heart attack dahil sa sobrang stress. Muntik na hong mapahamak ang inyong Mister dahil sa stress mabuti na lang po at naagapan ninyo. Pero, as of now he's fine. Hintayin na lang natin siyang magising at ang maipapayo ko lang sa inyo, iwasan niyong ma-stress ang inyong asawa dahil delikado ang pwedeng kahinatnat niyon," mahabang paliwanag ng manggamot. Ngumiti ito, saka nagpaalam at iniwan kami.
Pakiramdam ko'y lumuwag ang dibdib ko dahil sa mga narinig ko mula sa doctor. Kahit pa paano'y, nabawasan ang kaba at takot ko nang malamang okay na si papa. Pero base sa sinabi ng doctor, hindi pwedeng ma-stress si Papa at baka mas maging malala pa ang mangyari rito.
—
HANGGANG ngayo'y hindi pa rin umuuwi ang pamilya Saavedra hanggang sa mailipat na sa isang private room si papa. Nandoon pa rin ang mga ito at abala sa pakikipag-usap kay mama. Habang si Zandy naman ay tumangging pumasok ng silid.
Kahit pa paano'y pasalamat pa rin ako sa pamilya Saavedra, higit kay Zandy dahil siya ang tumulong sa amin para maidala si papa sa hospital ng mas mabilis. Napabuntong-hininga ako ng maalala ko ang ginawa ni Zandy nang mawalan si papa ng malay. Binuhat niya ito palabas ng bahay at dinala sa sasakyan niya. Animo'y naging isang tunay na lalaki ito nang mga oras na iyon.
Sumandal ako sa sofa na naroon sa silid. Dapat ko bang pasalamatan ang lalaking iyon o hayaan na lang siya? Hindi ko rin naman kasi alam ang sasabihin ko sa kaniya. Nahihiya rin akong harapin siya dahil sa hindi ko malamang dahilan. Marahas na lang akong napailing at napasinghap dahil sa mga iniisip ko.
Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa sofa at kinuha ang isang bottled water na nasa table. Nakokonsensiya kasi ako kung hindi ako magpapasalamat sa ginawa ni Zandy sa akin, sa pamilya ko. Bumuntong-hininga uli ako bago lumabas ng silid. Luminga ako sa gawing kaliwa ngunit wala roon si Zandy. Nang bumaling naman ako sa kanan, agad nakita ng mga mata ko si Zandy. Nakaupo siya sa waiting area habang nakasandal doon at nakatingala. Lumabas sa lalamunan niya ang malaking adams apple na hindi ko alam pero nakakadagdag sa kagwapuhang mayroon siya.
Napalunok ako at saka umiling. Hindi ako lumabas para pagmasdan ang kaguwapuhan niya, lumabas ako para magpasalamat sa kaniya. Mayamaya pa'y humakbang ako papalapit sa kaniya. Hindi ko alam kung tulog ba siya o nakapikit lang dahil alam kong pagod at puyat din siya.
Nang ilang hakbang na lang ang layo ko sa kaniya, huminto ako. Muling bumagsak ang mga mata ko sa hitsura ni Zandy na hindi maitatanggi ang taglay nitong dating na hinahahanap ng mga kababaihan ngayon. Bigla akong nakaramdam ng panghihinayang dahil sa katotohanang ang gwapong lalaking ito ay lalaki rin ang hanap.
"Why are you looking at me?"
Napakurap ako dahil sa baritonong boses na iyon na hindi mo mapagkakamalang isang bakla o bisexual o kung anumang tawag nila roon.
"Huh? A-ako, tinitingnan ka? Hindi 'no!" nauutal kong tanggi, saka umiwas ng tingin sa kaniya.
"Bakit nakatitig ka sa akin kung hindi mo ako tinitingnan? You think I'm handsome?" Tumaas baba ang adams apple niya na hindi ko alam pero naghatid sa akin ng kakaibang pakiramdam.
"Handsome?" Tumawa ako dahil sa sinabi niya. "You're not handsome but beautiful," pang-aasar ko pa.
Ngumisi si Zandy, saka umiwas ng tingin sa akin na halatang nahihiya. Tumayo siya sa pagkakaupo at isiniksik ang mga palad sa bulsa ng trouser na suot niya. "I'm going home, just tell it to my Mom," seryosong aniya at humakbang na, pero hindi pa man siya nakakalayo nang pigilan ko siya.
"Wait, Zandy," aniko at pinigilan ang braso niya. Marahan siyang humarap at blangko ang mukhang hinarap ako at bumaling sa kamay kong nakahawak sa braso niya. Bigla akong nahiya ay binawi iyon.
"Why? Do you need anything? Magmamakaawa ka bang huwag kitang pakasalan?" tanong niya na wala man lang emosyon.
Tinitigan ko siya ng saglit, saka bahagyang yumuko. Humugot ako ng lakas ng loob. "S-salamat, Zandy. Thank you for helping my father," nahihiya kong sambit at inabot sa kaniya ang bottled water.
Narinig ko ang mahinang pagtawa niya. "Bottled water?" tanong niya, saka kinuha iyon. "But don't expect me to not marry you," aniya pa. Tumalikod na siya at naglakad palayo. Naiwan akong tulala. Bakit ba hindi man lang siya tumanggi sa kasal na iyon?
—
MARAHAN KONG binuksan ang pinto ng silid kung saan nakaukupa si papa, bitbit ko ang mga pagkaing binili ko sa labas para kay mama. Halos hindi na rin kasi kami nakakain simula kagabi nang pumunta kami rito sa hospital. Ano'ng oras na ring umuwi ang mag-asawang Saavedra nang nagdaang gabi na todo ang pag-aalala at concern sa kalagayan ng pamilya namin. Hindi ko rin naman maitatanggi mababait sila.
Nagulat ako at kumurba ang ngiti sa labi ko nang makita ko si papa na gising na habang sinusubuan ni mama ng pagkain. Pagtakbo ko silang nilapitan.
"'Pa, gising ka na," naiiyak kong turan, saka dinaluhan siya at mahigpit na niyakap. "I'm sorry, 'Pa," paghingi ko pa ng tawad kasunod ang pagluha ng mga mata ko. Aaminin kong ayaw ko pang magpakasal, pero hindi ko gustong mangyari ito kay papa. Hindi ko kayang mawala siya.
Naramdaman ko ang marahang paghimas ni papa sa likod ko. Humiwalay ako sa kaniya at inayos ang buhok ko. "Anak, hindi mo kasalanan ito kaya hindi mo kailangang mag-sorry. Hindi ko lang nakontrol ang sarili ko," aniya at ngumiti sa akin. "About sa kasal—"
"Pumapayag na po ako, 'Pa. Magpapakasal na ako kay Zandy," mabilis kong pagputol sa sasabihin ni papa. Ayaw ko nang pagsimulan pa iyon ng pagtatalo sa pagitan namin. Hindi ko na pwedeng bigyan pa si papa ng stress at baka kung ano pa ang mangyari sa kaniya.
Kapwa nagulat si mama at papa sa narinig mula sa akin. "Pumapayag ka ng makasal kay Zandy?" gulat na ulit ni mama.
Tumango ako. Pinag-isipan ko na rin ito nang nagdaang gabi. Kung ang hindi ko lang pagpayag sa kasal ang dahilan ng stress ni papa, tatapusin ko na iyon para na rin sa kalusugan niya. Hindi na ako makikipagtalo pa at ipipilit ang gusto ko. Alam ko namang magiging masaya sila sa desisyong ito. Isa pa naisip ko rin kung sino ang pakakasalan ko, si Zandy Saavedra na marahil ay isang bakla kaya sa tingin ko hindi rin magtatagal at ito na mismo ang makikipaghiwalay sa akin.
"Seryoso ka na ba sa desisyon mo, 'nak?" tanong ni papa na lumiwanag ang mukha na tila nabawasan ang karamdaman niya. Kahit pa paano'y may saya rin sa akin dahil sa sayang nakikita ko sa kanilang mga mukha kahit sarili kong kaligayahan ang isasakrispiyo ko.
Pilit akong ngumiti at tumango. "Opo, 'Pa. Susundin ko po ang gusto ninyo," seryoso kong sambit at alam kong may bakas doon ng lungkot.
"Anak, I'm sorry for forcing you to get married. Kung sa tingin mo selfish kami ng mama mo, I'm sorry. Ikaw lang ang iniisip namin, ang kinabukasan mo. Nandiyan pa rin ang sumpa ng iyong Lola na pwedeng magkatotoo," ani papa na halata roon ang sincerity at lungkot.
"Naiintindihan ko po, 'Pa," maikli kong sagot.
"Pero kung after mong magpakasal at hindi naging maganda ang pagsasama ninyo ni Zandy, sabihin mo lang sa amin," segunda naman ni mama.
Tumango na lang ako. Sa totoo lang, naiintindihan ko naman talaga ang dahilan nila kung bakit ipinipilit nila sa akin ang kasal na iyon, pero sana naiintindihan din nila ang side ko. Pero dahil sa kalusugan ni papa, hindi na dapat ako makipagtalo at maging dahilan ng stress niya. Bahala na kung saan hahantong ang lahat pagkatapos kong isugal ang sariling kaligayahan ko.
—
"SO, it's real, Miles pumayag ka ng magpakasal sa lalaking iyon?" tanong ni Andrea sa akin habang naglalakad kami sa hallway ng hospital patungo sa silid ni Papa. Kagagaling ko lang din ng bahay para kumuha ng mga damit para kay mama at sinabay ko na si Andrea. Nag-file na rin ako ng isang linggong leave sa trabaho. Natapos ko rin naman lahat articles na kailangan kong tapusin.
Nalungkot akong tumango. "Wala na akong nagawa, Andrea. Naipit na ako sa sitwasyon," dahilan ko. "Kung ipipilit ko pa ang gusto ko, baka hindi lang ito ang mangyari kay papa," dagdag ko pa.
Malungkot na tiningnan ako ni Andrea. Bakas sa mga tingin niya ang simpatiya. "Isusuko mo na talaga ang sarili mong kaligayahan, Miles? Kung ako sa iyo, pag-isipan mo pa ng isang daang beses ang desisyon mo. Hindi biro ang pagpapakasal alam mo 'yan. It's a lifetime commitment."
Ngumuso ako at bumuntong-hininga. "Alam ko 'yon, Andrea. Malaking bagay sa akin ang pagpapakasal at kung gagawin ko man iyon, sa taong mahal ko na at hindi kung kaninong lalaki lang at take note, sa isang bakla pa na umagaw sa boyfriend ko," aniko na tila nandiri sa huling mga sinabi. "Pero wala, eh, nakulong na ako, Andrea. Wala na akong magagawa pa kung 'di ang pumayag o isakripisyo ang buhay ni papa. Hindi ko rin naman kayang mawala si papa dahil sa pagpipilit ko sa sarili kong kaligayahan, 'di ba?"
Malungkot na napailing si Andrea. "Kung sa bagay, naiintindihan naman kita. Isa pa, good thing na rin siguro na sa bakla ka ipakakasal, 'di ba? For sure, walang mangyayari sa inyo kasi mandidiri 'yon, sa 'yo. At kapag nahanap na niya ang lalaking para sa kaniya, then ipilit mong makipag-divorce sa iyo at maging masaya siya sa lalaking iyon at ikaw din maging malaya," ani ng kaibigan ko.
Ngumuso ako habang iniisip ang sinabi niya na may malaking punto. "Tama! Since, bakla naman si Zandy at hindi babae ang gusto, magiging madali lang para sa amin ang magiging pagsasama namin." Nagkaroon ako ng ideya sa gagawin ko, sakaling ikasal man kami.
"Sa totoo lang, matagal na akong curious sa Zandy na 'yan. Ano bang hitsura ng lalaki—este baklang 'yon, huh?" usisa niya.
"Basta, makikita mo na lang 'yon at siguradong magugulat ka," aniko.
Mayamaya pa'y nakarating na kami sa tapat ng pinto ng silid kung nasaan si Papa. Binuksan ko iyon at bahagyang nagulat nang madatnan ko roon ang pamilya Saavedra, wala roon si Zandy. Masayang nakangiti sa akin ang mga ito ng iluwa ako ng pintuan.
"Hello po," bati naman ni Andrea sa mga ito na nginitian naman nila.
"Hija, kasama ka pala," masayang ani mama. Tumango lang si Andrea. "She's Andrea, kaibigan ni Miles," pakilala pa ni mama sa mag-asawang Saavedra.
Matapos kong ayusin ang mga dala ko mula sa bahay, kagaya ng damit ni mama umupo na ako sa sofa habang kaharap si mama at papa na naka-wheel chair dahil mahina pa ang katawan nito, nandoon din ang mag-asawang Saavedra.
"Narinig na namin, hija na pumayag ka ng magpakasal sa anak namin, tama ba?" simula ni tita Mandy. "I'm happy for your decision."
Tumango ako at ngumiti kahit hindi iyon umabot sa tainga ko. "Naisip ko na rin po kasi na magpakasal at pagbigyan ang gusto nila mama at papa," dahilan ko.
Hindi mawala ang masasayang ngiti sa kanilang mga labi dahil sa sinabi ko. "Kung ganoon, dapat na tayong maghanda para sa kasal," ani naman ni mama.
"M-maghanda? Kasal agad, 'Ma?" gulat kong tanong.
"Hija, you're going thirty, three months from now kaya dapat maikasal na agad kayo sa mas lalong madaling panahon," ani naman ni papa.
"Tama si balae, hija bakit pa natin patatagalin kung doon din naman ang punta niyon, ''di ba?" segunda naman ni tito Andrew.
Alanganin akong ngumiti. Bumaling pa ako kay Andrea na ganoon din ang reaction sa akin. Gulat na gulat. Hindi ko rin naman kasi inasahang mamadaliin nila ang kasal ng ganito.
"Kaya we need to prepare for the wedding. Hintayin na lang natin si Zandy. He will be here later," ani tita Mandy.
Mayamaya pa nga'y bumukas na ang pinto ng silid at lumabas doon si Zandy. Nakasuot ito ng white long sleeve, gray trouser at white snickers na talaga namang nagpalabas sa taglay niyang kaguwapuhan na hindi mo mapagkakamalang bakla. Halos matulala pa nga ako.
"Oh! Zandy, come here," pag-anyanya ni mama rito.
"OMG! He's Zandy?! Bakla ba talaga 'yan? Shems! Ang pogi!" pabulong na sabi ni Andrea sa tabi ko na kulang na lang ay magwala.
"Oo," pakli ko at marahan siyang siniko dahil sa kilig nito sa gwapong si Zandy.
HANGGANG ngayon hindi pa rin makapaniwala si Andrea na ang Zandy na sinasabi kong bakla ay isang gwapong lalaki. Marahil iba ang inaasahan niyang katangian ng lalaking iyon. Nagduda rin si Andrea kung bakla ba talaga si Zandy o hindi dahil sa napaka-manly niyang tindig at boses na kahit ako'y hindi maniniwala kung hindi ko kilala kung sino si Zandy. "Seryoso ka na ba talaga na pakasalan ako?" Bahagya akong nagulat nang magsalita si Zandy sa gilid ko nang makalabas ako ng silid kung saan nandoon ang pamilya ko at ang pamilya niya na nag-uusap pa rin tungkol sa kasal naming dalawa. Ni hindi na nila nagawang hintaying makalabas si papa sa hospital para pag-usapan iyon. Talaga ngang excited sila para sa aming dalawa kabaliktaran ng nararamdaman ko. Saglit akong pumikit. Inipit ko sa likod ng tainga ko ang buhok na humaharang sa mukha ko, saka hinarap siya. Nakahalukipkip siya habang nakasandal sa wall malapit sa pintua
HINDI pa rin ako makapaniwala na ilang araw na lang ikakasal na ako kay Zandy, ang lalaki—este baklang iyon na umagaw sa boyfriend ko. Parang kahapon lang ang tahimik pa ng buhay ko at sa isang iglap nagulo sa pagdating ni Zandy sa buhay ko. Panaginip ba ito? Ni sa hinagap ko hindi ko naisip na ikakasal ako sa taong umagaw sa boyfriend ko. Grabi! Ganito ba maglaro ang tadhana? Ito na ba ang sinasabi ni Andrea na laro ng lintik na tadhana na 'yan? Pwes! Kung ganoon, makikipaglaro ako. Nasimulan ko na rin naman kaya tatapusin ko na lang ang larong gusto ng tadhana. "Wow! You look so gorgeous, hija," puri sa akin ni tita Mandy nang isukat ko ang gown na pinagawa niya sa isang kilalang bridal botique sa Manila. Kung ako nga lang ang masusunod, ok na sa akin na ikasal na lang kami sa mayor. Less gastos at isa pa hindi naman ito kasal ng dalawang taong totoong nagmamahalan. It's just a marriage in a paper. Pilit akong ngumiti. Bumaling ako kay
PUNO ng lungkot at panghihinayang ang mukha ko nang balingan ko ang wedding gown na napili ni tita Mandy para sa akin na nakapatong sa kama ko. Kalalabas lang ng baklang pinapunta ni tita Mandy para ayusan ako. Hindi ko alam pero parang hindi ko kayang suotin ang gown na nasa harap ko. Kung pwede nga lang umatras ako sa kasal, gagawin ko pero naiiisip ko ang kalagayan ni papa. Sigurado akong magagalit siya kapag ginawa ko iyon. Dahan-dahan akong lumapit sa kama at umupo sa gilid niyon. Marahan kong hinawakan ang magandang kasuotang iyon na pangarap ng bawat babae na masuot habang naglalakad sa aisle papunta sa lalaking mahal nila. Pero ako, paano ko maa-appreciate at mae-enjoy ang kasal na ito kung hindi ko naman mahal ang lalaking pakakasalan ko? "Miles!" narinig kong tawag ni Andrea sa akin. Kumatok pa siya bago binuksan ang pinto ng silid ko at lumapit sa akin. "Ano ka ba, Miles? Titingnan mo na lang ba ang wedding gown na iyan? Ano,
LUMAPIT sa akin si papa at mama para sabay nila akong ihatid sa naghihintay na groom na nasa unahan at nag-aabang sa pagdating ko. Walang expression ang gwapong mukha ni Zandy, ni hindi ko alam kung masaya ba siya o isinusumpa rin niya ang araw na ito. Dapat ko na lang sigurong isipin na ang groom na naghihintay sa akin, ay ang taong mahal ko at hindi si Zandy na umagaw sa boyfriend ko. "I'm happy for you, 'nak. Finally, nandito na tayo sa pangarap kong eksena sa buhay ko. To lead you to your groom," pabulong na sabi ni papa pero sapat para marinig ko. "Sobrang masaya kami ng papa mo, 'nak dahil finally mapuputol na ang sumpa sa iyo at magkakaroon ka na ng pamilya," segunda naman ni mama na muntik nang magpasamid sa akin. Gusto ko ring maging masaya para sa kanila pero hindi ko alam kung paano. Hanggang ngayon ba sumpa pa rin ang iniisip ni mama? Hindi ko alam ang iisipin ko sa kanila sa tuwi
MABILIS akong napalingon sa nagsalita, maging si Zandy at ang lahat ng nandoon sa simbahan. Lahat ng atensyon ay nasa babaeng kararating lang at tumututol daw sa kasal. Sino ba siya? Ni hindi ko kilala ang babaeng iyon. Nagkaroon ako ng konting pag-asa na hindi matutuloy ang kasal."Sino ka, Miss at bakit tutol ka sa kasal ng dalawang ito?" tanong ng pari.Hindi agad nakaimik ang babae at napalinga sa paligid at bumagsak ang mga mata sa amin ni Zandy. Kita ko ang gulat at pagkadismaya sa mukha ng babae at ang pagkapahiya niya."Pa-p-pasensiya na, ho kayo m-mali po ata ako ng simabahang napasukan," sabi ng babae na nakagat pa ang pang-ibabang labi. Nawala ang pag-asa kong hindi matuloy ang kasal. Sayang! May tutol na sana sa kasal namin pero false alarm pala. "I-ituloy niyo na po ang kasal. S-sorry po uli. Pasensiya na po," paulit-ulit na ani ng babae, saka tumalikod at mabilis na lumabas ng simbahan.
DAHAN-DAHAN kong iminulat ang mga mata ko at agad na tumambad sa akin ang maliwanag na silid na kinaroroonan ko. Bahagya pa akong napangiwi nang maramdaman ang bahagyang kirot ng ulo ko. Napagtanto kong nasa sariling silid ako. Inalala ko pa ang huling nangyari pero agad kong nasapo ang aking uko dahil sa pagkirot niyon."Don't move, just be still."Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon at nakita ko si Zandy na nakaupo sa upuang malapit sa kama kung saan ako nakahiga habang hawak na niya ang cellphone at abala sa pagtitig doon."B-bakit ka nandito?" nagtataka kong tanong."Don't you remember? I'm already your husband," seryoso sabi ni Zandy. Ibinaba niya ang cellphone na hawak at nag-angat sa akin ng tingin, wala emosyon ang mukha. "Asawa mo na ako, Miles simula kanina nang ikasal tayo kaya huwag ka ng magtaka kung bakit ako nandito," dagdag pa niya.Laglag ang pangan
MATAPOS ang kasal na iyon o tama ko sigurong sabihing kasal-kasalan, nagbago na ang lahat. Ang tahimik kong mundo, nagulo. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ang bigat ng bawat galaw ng katawan ko. Pakiramdam ko nawawalan ako ng gana sa lahat ng bagay dahil sa frustration ko sa nangyayari at sa hindi mawala sa isip ko ang pwedeng mangyari sa amin ni Zandy. Iniisip ko pa lang na magsasama kami sa iisang bubong, nababaliw na ako.Nagkaroon lang ng konting salo-salo ang ilan sa mga bisita nila Mama at ng pamilya Saavedra na hindi ko nadaluhan dahil nga nawalan ako ng malay dahil sa pagod at puyat na pinagpasalamat ko na rin dahil hindi ko na kailangang humarap sa mga tao at magpanggap.Napabuntong-hininga ako matapos kong magbihis. Natapos na ang leave ko at simula na muli ng trabaho pero sa totoo lang wala akong ganang magtrabaho. Gusto ko sana munang magliwaliw at kahit pa paano mapanatag ang utak ko at mawala ang lahat lahat ng nasa isip ko na
"NAKAKAINIS talaga! Bakla!" mahina kong sabi na bakas ang inis doon habang mabilis akong naglalakad papasok sa hallway patungo sa opisina ng department na kinabibilangan ko. Patingin-tingin pa ako sa wristwatch ko dahil ilang minuto na lang at male-late na ako. Kung hindi talaga dahil sa baklang Zandy na iyon, kanina pa akong nasa opisina at hindi ko kailangang magmadali para habulin ang oras.Huminto ako sa tapat ng glass door ng opisina. Huminga muna ako ng malalim, saka inayos ang sarili ko. Hinawakan ko ang hawakan niyo at madiing tinulak papasok hanggang magbukas iyon. Naramdaman ko agad ang malamig na hanging kumawala mula sa aircon ng silid. Ipinasok ko ang sarili ko sa pinto."Congrats!"Napapitlag ako sa gulat ng bigla na lang naghiyawan ang mga tao sa silid, kasabay ang mahinang pagsabog ng hawak ni Chad, ang isa sa mga katrabaho ko. May pa-confetti pa silang nalalaman at pa-banner na may nakalagay na 'Best Wis
Miles' POV HANGGANG ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na finally, totoo, legit, tunay, confirmed nang mag-asawa na kami ni Zandy. Mayroon na kaming marriage contract na magpapatunay ng aming kasal at pag-aari namin ang isa't isa. Walang mapagsidlan ang sayang nararamdaman ko hanggang ngayon at ang sarap ng pakiramdam ko na bumabalot sa buo kong sistema. Maraming bagay ang dapat kong ipagpasalamat. Sa kabila ng mga nangyari, narating namin ang puntong ito na magkasama pa rin kami na nagmamahalan at walang handlang. Nasaktan man namin ang isa't isa, nagkamali man kami, ang mahalaga 'yong naging katapusan ng lahat nang iyon. Marami rin akong natutunan sa mga nangyari. Naintindihan ko kung gaano kahalaga ang tiwala at pakikinig sa mga dahilan at huwag unahin ang galit at bugso ng damdamin. Ang tiwala at pagmamahal ang matibay na pundasyon ng isang relasyon na ngayon ay naintindihan ko na iyon. "I love you, Honey!" ani Zandy matapos niyang bumagsak sa tabi ko. Humihingal pa siya da
Zandy's POVHINDI ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko habang nakangiti at pinagmamasdan ang papalapit na si Miles. Nakasuot siya ng kulay puting wedding dress at belo na talaga namang lalong nagpaganda sa kaniya. She's the most beautiful girl I've ever have. Halata na rin ang tiyan niya dahil sa pagbubuntis niya. Sa bawat paghakbang niya, sinasabayan iyon ng himig na palaging naririnig sa mga kasalanan. Mas nagiging romantik iyon para sa amin habang bakas ang saya sa mga saksi roon.Ito na ang araw at oras na pinakahihintay naming dalawa, ang kasal na hindi plinano ng iba, kasal na hindi pinagkasunduan ng mga magulang namin, kung 'di kasal na ginusto namin at pinagdisisyunan dahil mahal namin ang isa't isa. A wedding we dream to happen and I can't wait to say 'I do' and be his lawful husband.Agad na ngumiti si Tita Emma at Tito Wesley sa akin nang marating nila ang kinaroroonan ko para ihabilin nila ang kanilang anak sa akin. Kita ko ang naluluhang mga mata ni Tita Emma."For
"BAKIT hindi mo sinabi sa akin na alam mong buntis ako?" tanong ko kay Zandy habang nakayakap ako at nakaunan sa braso niya. Dahil sa pananabik at pagmamahal namin sa isa't isa, inangkin namin ang gabing iyon matapos nang successful na opening ng restaurant ni Zandy. Masaya ako dahil sa wakas natupad na niya iyon nang kasama ako. Walang mapagsidlan ang sayang bumabalot sa akin. "Kasi alam kong galit ka pa sa akin nang araw na iyon at baka mas lalo ka lang ma-stress at makasama sa baby. Masakit para sa akin na tumalikod at sundin ang gusto mo pero wala akong magagawa dahil galit ka at nasaktan. Alam kong hindi ka pa handang tanggapin ang paliwanag ko at para patawarin ako," paliwanag niya sa akin. "I'm sorry, Honey hinayaan kong masaktan ka sa pamamagitan ko." Nakailang ulit na ba siyang sinabi iyon? Tumingala ako para tingnan siya. "Can you please stop saying sorry? I forgiven you and that's enough. Tapos na ang bagay na iyon at dapat na nating kalimutan at simulan ang bagong buhay
Zandy's POV(Bago ang birthday ni Miles)"IBA rin talaga ang epekto sa 'yo ni Miles, ah. The last time I knew, you're not like this. Ni hindi ka mahilig magbigay ng regalo sa ibang tao bukod kay...I mean, it's not usual for me to see you being like this with other girl," manghang sambit ni Ton sa akin habang papalapit kami sa isang jewelry shop sa loob ng mall kung saan kami nandoon para bumili ng regalo sa darating na birthday ni Miles. "Ako nga never nakatanggap ng regalo from you," maktol pa nito.Natawa ako at napailing. "Ano'ng hindi? I remember when were in high school I bought you a backpack," pagpapaala ko sa kaniya.Kumunot ang noo ni Ton habang nakatingin sa akin. "Backpack? Are you kidding me, Zandy? As far as I know you bought that backpack dahil Christmas party iyon and you need to present me a gift." Napasinghap si Ton at saglit na kumiling ang ulo.Natawa ako. "Christmas party ba 'yon? I thought I gave you the gift because it was your birthday," pagdadahilan ko pa para
PUMIKIT ako ng mariin at pilit kong kinakalma ang sarili para sa batang nasa sinapupunan ko. Muli kong tiningnan si Zandy na bakas ang pagkadismaya at sakit sa mukha ko habang nag-aalala at nababahala ang emosyong nakarehistro sa mukha niya. Suminghap ako. Pinahid ko ang luha sa mga mata ko, saka umiling bago tuluyang tumalikod at humakbang palayo kahit mabigat ang mga paa ko para ihakbang ang mga iyon. Sunod-sunod na tumulo ang luha sa mga mata ko dahil sa matinding sakit dahil sa pagguho ng pag-asa kong magkakaayos pa kami. Huli na pala ako. Habang magkalayo kami, nagkaroon na pala ng pagkakataong magkabalikan si Zandy at Beverly. Sobrang sakit dahil kung kailan handa na akong ayusin ang lahat, wala na pala akong pag-asa dahil huli na ang lahat para sa aming dalawa. "Honey! Stop, I'll explain," narinig kong sigaw ni Zandy. Hindi ko na alintana ang mga customers na nandoon sa loob. Pinilit kong hindi lumingon kahit gusto ng puso kong harapin siya. 'Yong pagtawag niya sa akin ng 'Ho
HALOS hindi ako nakatulog nang nagdaang gabi dahil sa kakaisip ko kay Zandy dahil sa mga sinabi ng taong nasa paligid ko na isa lang din ang gusto nilang sabihin sa akin, na bigyan ko ng pagkakaton si Zandy na maging ama at asawa sa bata at sa akin. Gayon din ang pagkakataon na baka tuluyang mawala si Zandy sa akin kung hahayaan ko siyang lumayo. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa gilid ng kama. Lumapit ako sa side table na naroon at kinuha ang isang envelope. Binuksan ko iyon at nakita ko ang pangalan ng sMILES Restaurant na itinayo ni Zandy sa tulong ni Ton. Invitation iyon para sa opening niyon at ipinidala ni Ton sa akin ang invitation. Gaganapin ang opening sa isang araw at hanggang ngayon, pinag-iisipan ko kung dapat ba akong pumunta roon o hindi. Napangiti ako nang mabasa ko ang pangalan ng restaurant na si Zandy mismo ang nag-isip at hindi niya naisipang palitan pa iyon. Bumuntong-hininga ako. Binalingan ko ang umuumbok kong tiyan. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Hinim
HABANG mas tumatagal na magkahiwalay kami ni Zandy, mas lalo akong nahihirapang kalabanin ang sarili ko para puntahan siya at ayusin ang lahat sa amin. Naghihintay ako sa kaniya at nagbabakasakaling darating siya para sabihing mahal niya ako. Nami-miss ko na siya at alam kong kailangan ko siya sa tabi pero may kung ano'ng pumipigil sa akin para puntahan si Zandy. Marahil iyon ay ang pride at konting galit ko sa kaniya dahil sa nangyari. Bumaling ako sa tiyan ko na umuumbok na dahil sa pagbubuntis ko. Bahagya na ngang halata iyon kung titingnan. Ngumiti ako at marahang hinimas ang tiyan ko. Palagi kong kinakausap ang bata sa tiyan ko at hinihimas iyon dahil pakiramdam ko'y malapit sa akin si Zandy dahil pinapaalala sa akin ng bata ang ama niya. Bumuntong-hininga ako. Nagpasiya akong bumaba ng kama ko at lumabas ng silid dahil pakiramdam ko'y mababaliw na ako roon. Dumeretso ako sa sala. Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin ako pinapayagan ng pamilya ko at pamilya ni Zandy na bumalik sa
"KUMUSTA ka na, hija?" puno ng pag-aalalang tanong ni Tita Mandy sa akin. Kanina pa silang nandito sa bahay para dalawin ako at kamustahin. Abala naman sa pag-uusap si Papa at Tito Andrew sa sala habang nagluluto si Mama sa kusina. Pilit akong ngumiti habang nakaupo sa kama ko. Kinuha ni Tita Mandy ang kamay ko at marahan iyong pinisil. "I mean, kumusta na ang puso mo?" Simple siyang ngumiti. Hindi agad ako nakaimik. Seryoso lang akong nakatingin kay Tita Mandy. Kumusta nga ba ang puso ko? Sa sarili ko'y alam kong hindi ok. Ngumiti ako. "Magsisinungalin po ako, 'Mama kung sasabihin kong ok ang puso ko...kasi ang totoo po...h-hindi ako ok. I'm trying to be ok kasi alam kong may bata sa sinapupunan ko pero everytime na naiisip kong magkakaanak ako, naiisip ko rin si Zandy." Saglit akong huminto sa pagsasalita. "It's been a week since we last talked at nami-miss ko na siya. Sa maikling panahon na naghiwalay kami para sa space na hinihingi ko, marami akong na-realize. Alam ko, 'Ma na kai
ILANG araw na akong nasa loob lang ng bahay dahil hindi pa rin ako pinapayagan ng pamilya ko at pamilya ni Zandy na bumalik sa publication. Kailangan ko raw muna magpahinga ng mabuti para sa bata bago ako bumalik sa trabaho. Iyon din naman ang payo ng doctor sa akin kaya wala akong ibang choice kung 'di ang sundin sila para na rin sa kaligtasan ko at ng bata. Araw-araw dumadalaw si Tita Mandy at Tito Andrew sa bahay para kamustahin ang kalagayan ko. Palagi rin silang may dalang mga pagkain at iba pang pangangailangan ko. Nakikita ko ang labis na galak at excitement nila para sa magiging apo nila. Bumuntong-hininga ako habang nakatayo at nakahalukipkip sa tapat ng bintana ng silid ko at pinagmamasdan ang maaliwas na paligid. Pahapon na rin kaya makikita ang paglubog ng araw mula roon. Ilang araw ko nang hindi nakikita si Zandy at aminin ko man o hindi, labis akong nananabik sa kaniya. Pakiramdam ko, isang buwan na kaming malayo sa isa't isa. Gusto ko siyang yakapin at halikan pero al