KARINAAkala ko aalis na siya kapag naihatid na niya ako sa condo ko ngunit gaya ng sinabi niya kanina nagpaalam siya sa akin upang ipagluto ako ng dinner. Hindi naman ako makatulog dito sa kuwarto kaya minabuti kong lumabas na lamang upang silipin kung ano ang kanyang ginagawa. “Love, bakit ka lumabas? Diba sabi ko ako na ang bahala?” Naupo ako sa counter island at pinapanuod ang ginagawa niya habang naghihiwa ng mga gulay.“Masakit na ang likod ko, kanina pa ako nakahiga sa office mo. Saka medyo maayos na naman ang pakiramdam ko.” Sagot ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at sinalat ang aking noo. “Medyo may sinat ka pa. Mamaya uminom ka ulit ng gamot after dinner okay?” Paalala niya sa akin. Dinampian pa ako ng halik sa aking noo. Bago siya bumalik sa pagluluto. Kahit naka-apron siya ngayon hindi pa rin nabawasan ang kanyang ka-guwapuhan. Noon hindi ko ito napapansin dahil nabulag na ako sa galit pero ngayon malinaw sa akin kung gaano kakisig si Sergio. Ang lalaking minahal ng kap
KARINAMaaga akong gumising para pumasok sa trabaho. Kahit wala si Sergio, marami pa din akong ginagawa sa opisina. Kailangan ko din ayusin ang mga pending papers na hindi na pa niya napipirmahan. Mamadaliin ko na lamang ang trabaho nang sa ganun may oras akong alamin ang mga secret files ng companya. May access naman ako sa mga important at confidential files dahil exposed ako sa lahat ng ginagawa ni Sergio. Susubukan kong malaman kung ano ang puwede kong gawin para masira ang kompanya. Hindi lang si Sergio ang balak kong ibagsak kundi pati na rin ang kompanya na pinaghirapan niya at ng kanyang pamilya.“Hoy! Ano bang nangyari?” Bulalas ni Marla nang lumapit siya sa desk ko. “Nag-away ba kayo? Kagabi pa ako kinukulit ni Sir. Sergio na tawagan ka. Hindi ka daw niya ma-contact ganun din ako.” Wika niya sa akin. Umupo siya sa harapan ko dahil hindi ko siya tinapunan ng tingin. Hangang ngayon kasi hindi ko pa rin binubuksan ang phone ko dahil alam kong tatawag nga siya. “Kari—"“Marla
SERGIODahil sa ilang araw na hindi pagsagot ni Katherine sa tawag ko ay napilitan akong umuwi. As of now stable na naman ang lagay ni Grandma at babalik na lamang ako pagkatapos kong kausapin si Katherine. Hindi ko ipinaalam kay Catalina ang pag-uwi ko dahil alam kong mag-aaway lang kaming muli. Ilang oras akong naghintay sa condo niya. Umasang maabutan ko siya ngunit halos hating gabi na hindi pa rin siya dumarating. Nag-umpisa na akong kabahan dahil baka kung ano na ang nangyari sa kanya hangang sa akmang hahanapin ko sana siya ngunit eksakto naman ang bumungad siya sa akin. Gustuhin ko man magalit sa kanya dahil sa pangbabalewala niya sa akin. Hindi ko magawa dahil mas nasasaktan ako sa nakikita kong kalagayan niya. “I’m sorry…” sambit ko habang hinahaplos ang likuran ng kanyang buhok. Ipinangko ko siya sa aking dibdib at mabilis na binuhat papasok sa loob ng kuwarto. Inilapag ko siya sa kama at hinubad ko ang sandal niyang suot. Pagkatapos ay kumuha ako ng malinis na bimpo up
SERGIOKinabukasan ay hindi muna ako nagpunta sa opisina. Dumerecho ako sa bahay ni Hugo upang alamin ang totoo. Ayoko man maniwala kay Catalina hindi naman mapanatag ang loob ko. Lalo na nang maalala ko kung ano ang naging pagkikita naming muli ni Katherine. Ibang-iba na siya kaysa dati. Bukod sa mas simple manamit si Katherine noon ay ni minsan hindi ko naramdaman na ginusto kong may mangyari sa amin. Kahit kami lang dalawa ang magkasama noon sa bahay at sa apartment niya never kong naisip na galawin siya. Ngunit nang bumalik ako. Ibang Katherine ang humarap sa akin. Mas maganda, mas kaakit-akit at mas nakakabaliw to the point na isang araw ko lang siyang hindi makita gustong-gusto ko na siyang puntahan sa tirahan niya. Kaya nang gabing yun na magkasama kami hindi ko na nagawang pigilan ang aking sarili na angkinin siya. Akala ko galit pa rin siya sa akin ngunit nagpaubaya siya sa nangyari sa pagitan naming dalawa. At hindi na ako papayag na may mamagitan ulit sa amin kahit ang mga
KARINANa-alimpungatan ako dahil sa kakaibang pakiramdam na gumising sa akin. Nang yumuko ako ay nakita ko si Sergio na nasa pagitan ng hita ko. Ang takang pagsaway ko sa kanya ay nauwi sa mahabang ungol when I felt his tongue inside of me. Mas ibinuka pa niya ang aking hita. At mas malalim siyang sumisid sa kaibuturan ng aking pagkababae. Umaga na pero walang kapaguran pa rin niya akong inaangkin. Akala ko pa naman nagpaalam na siya kagabi kaya hindi ko akalain na sa pagising ko siya parin ang mabubungaran ko. “S-sergio…ohhh!” ungol ko when I felt my release. Matapos niyang masaid ang lahat ng nilabas ko ay umakyat ulit ang kanyang labi. Hangang sa tumapat sa mukha ko ang kanyang mukha. Tinitigan niya ako at hinawakan niya ang aking pisngi.“I love you…Katherine.” Sambit niya. Nanatiling nakatikom ang aking bibig. Yung sinabi ko sa kanya kagabi was real. Naramdaman ko yun sa puso ko. I was really hurt and jealous. But now hindi ko ata kayang sabihin yun sa kanya nang harapan. Sand
SERGIO“Good morning sir.” masayang bati ni Marla sa akin pagdating ko sa office. “Good morning, can we talk inside?” tanong ko sa kanya kaagad siyang tumayo sa upuan niya at sumunod sa akin papasok sa loob ng opisina. “Sit down.” Naupo siya sa harapan ko at inilapag ko ang attaché case na dala ko. “Tungkol saan po sir?” usisa niya. “About Katherine, this past few days parang lagi siyang balisa. Maraming beses ko siyang nahuhuling wala sa sarili. Minsan parang hindi ko na siya kilala. Malaki na ang pinagbago niya simula nang bumalik ako dito. I’m sorry kung ikaw ang kinausap ko tungkol dito. Pero ikaw lang ang best friend niya kaya gusto kong malaman. May nangyari ba habang nasa ibang bansa ako?” nag-alalang tanong ko sa kanya. Dahil alam kong siya ang mas nakakakilala sa kaibigan niya. “A-ah, kasi sir ang totoo niyan. Noong magpakasal kayo ni Ma’am Catalina. Malaki ang naging epekto kay Katherine. Dumating sa point na dinala ko siya sa psychiatrist dahil dumanas siya ng matindi
KARINAIlang minuto din ang inintay ko bago bumalik si Hugo. I’m waiting for his explanation. Wala na akong choice kundi aminin sa kanya ang totoo. Para matapos na din ang lahat ng problema ko.Namumula pa ang mga mata niya nang pumasok siya sa loob ng kotse. “It’s all my fault, kung hindi ako nakipagsabwatan kay Catalina… hindi siya mangyayari ang lahat ng ‘to.” Napatda ako sa narinig ko mula sa kanya. Ang buong akala ko wala siyang kasalanan ngunit sa narinig ko mukhang plano talaga nilang dalawa ang lahat. “Sabihin mo? Kung kailangan e-ditalye mo sa akin ang lahat. Ano ba talaga ang nangyari?” Nangingilid ang luhang tanong ko sa kanya. “She was my first love. Nagparaya ako kay Sergio. Ang buong akala ko hindi niya sasaktan si Katherine. Pero nagawa niyang makipagsiping kay Cathalina at nagbunga ang gabing yun. Nandoon ako noong lumabas si Sergio sa kuwarto nito. Nakita ko kung paano nasaktan si Katherine…nang malaman niya ang panloloko ni Sergio. Pero wala akong nagawa, ayaw si
KARINADahil sa ginawa ni Sergio ay sinamahan ako ni Marla maghapon. Napilitan siyang uminom para damayan ako. Sa mga oras na ito wala talaga akong ibang makakausap kundi ang best friend ni Katherine. Siya na lamang ang taong pinagkakatiwalaan ko. Pinayuhan niya akong huwag mahalin si Sergio. Dahil gaya ng Katherine. Siguradong masasaktan lang din ako. Lalo na kapag nalaman ng mga magulang ni Sergio ang tungkol sa akin. May sinabi din siyang nagpang-abot pa daw si Catalina at si Katherine sa office ni Sergio. Kasalukuyang nasa VIP meeting si Sergio nang kaladkarin si Katherine hangang sa labas ng building at itulak sa semento. Inakusahan siyang nang-agaw sa kanyang fiance ni Catalina na noon ay nagdadalang tao na. Yun ang huling beses na pumasok si Katherine. Ang kawawa kong kakambal. Gusto kong magsisi dahil wala ako sa tabi niya noong mga panahon na inapi siya ng mga taong nakapaligid sa kanya. Pero wala akong nagawa…wala akong silbi na kapatid. Hindi ko man lang naramdaman na ma
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW…“Sergio, dahan-dahan lang baka bumanga tayo!” Paalala ni Karina sa kanya dahil pasikot-sikot na sila sa gubat at paliit na rin ng paliit ang nadadaanan ng kanilang kotse. “Kailangan natin siyang mahabol, dahil kung hindi baka lalo lamang tayong mahirapan na mahuli si Bernadette.” Sagot ni Sergio sa kanya habang nakatuon ang attensyon sa harapan at dadaanan nila. Habang si Bernadette ay hindi na rin alam ang gagawin para makalayo sa dalawa. “Bakit ka tumatakbo, Bernadette? Yung mga nagpahirap sa'yo ang nakasunod sayo diba dapat harapin mo na sila?” Bulong ng isip ni Bernadette. “Kapag tumigil ka mahuhuli ka nila at mabubulok ka sa kulungan! Paano kung p@tayin ka rin nila kagaya ng ginawa mo sa mga mahal nila sa buhay?! Paano ka pa maghihigante?!” Bulong ng kabilang isip ni Bernadette. Napatingin siya sa upuan at nakita niya ang isang c@liber 45 at kaagad niya itong kinuha. Ngunit nagulat siya nang sa mababaw na bangin na pala tumalon ang sasakyan niya
THIRD POINT OF VIEW…“Gising na ba siya?” Bungad na tanong ni Bernadette nang bumaba siya ground floor ng pinagtataguan nilang lumang bodega. Tumayo ang mga nag-iinuman na mga tauhan nito at tinigil ang ginagawa nila. “Madam, kakagising lang po. Gusto niyo po bugbug!n namin ulit?” Ngising aso na sabi ng isa niyang tauhan. “T0nt0! Kaya ko nga tinatanong para makausap ko na ang paki-alamerong police na yun! Teka? Diba sinabi ko na sayong ayoko nang tauhan na mabigote? Gusto mo ako mismo ang magtangal ng bigote mo?!” Singh@l nito. Napatakbo sa takot ang lalaki na ikinatawa naman ng iba pa. “Akin na ang susi,tama na yang pag-iinuman ninyo at magbantay kayo sa labas dahil may parating akong bisita.” Utos pa niya sa mga ito at kaagad naman nagpulasan at umakyat ang mga ito. Dala niya ang susi nang bumaba siya sa makipot at nilulumot na hagdan ng dating p!g sl@ughteR house. Ilang sandali pa ay bumungad na sa kanya ang kanyang bihag. “Kumusta? Mabuti naman at gising ka na.” Nakangiting s
SERGIODinig ko mula sa kinatatayuan ko ang naging masaklap na pagkikita ni Ash at ni Francis. Sasamahan ko sana siya sa loob ngunit binilinan niya akong siya na lamang ang lalapit sa ataul nito. Kung nandito si Karina siguradong mahahabag din siya sa kanyang kaibigan. Pero ayokong isa-alang-alang ang kaligtasan niya para damayan si Ash dahil alam kung kakayanin ito ni Ash. “Ano na ang development ng case ni Francis at nang iba pa? May pagkakakilanlan na ba sa mga um4mbush sa kanila?” Usisa ko sa Police Inspector na mula sa kanilang departamento at may hawak ng imbistigasyon.“Hanggang ngayon wala pa ring kumukuha ng mga bangkay sa m0rgue kaya wala pa rin kaming idea kung sino ang mga lalaking yun na lumusob sa kanila.” Sagot niya sa akin. Hindi maari ito, kahit ang mga kasamahan nila sa station ay ayoko nang pagkatiwalaan. May pakiramdam akong nasa loob lamang ng police station na yun ang nagkanulo sa kanila para magpunta sa liblib na lugar na yun at abangan ng mga kalaban.Tinawaga
KARINADalawang linggo na ang nakalipas mula nang mailipat kami sa isang safe house. Naka-leave din si Ash sa kanyang duty kaya magkasama kami dito sa isang pribadong isla. Naghilom na ang mga sugat namin ngunit bakas pa rin ang mga pas0 namin sa balat pero unti-unti din naman itong gumagaling dahil na rin sa Cream na pinapahid namin upang mawala ang peklat. Kinailangan ko din magpagupit ng mas maiksi dahil na-apektuhan ang buhok ko sa pagkasunog. Samantala, wala pa rin kaming balita kay Bernadette. Kaya sa tingin ko mas kailangan namin na mag-ingat ngayon. Araw-araw naman umuuwi si Sergio samantalang si Francis naman ay tuwing sabado at linggo lamang pumupunta dito dahil tinutukan niya ang kaso at ang paghahanap kay Bernadette. “Kape?” Alok ni Ash sa akin at inabutan niya ako ng isang tasa ng kape. Nandito kami sa may veranda at pinapanuod namin ang malakas na hampas ng alon sa may dalampasigan. “Next week babalik na ako sa Maynila. Kailangan kong tulungan si Francis sa imbestigas
SERGIONaglalagablab na apoy mula sa kamalig ang bumungad sa amin. Mabilis akong bumaba at tumakbo patungo doon. Umaasang aabutan pa namin sila ng buhay ngunit sa laki ng apoy malabo na kaming makapasok.“Karina! Karina!” malakas na sigaw ko habang pinapanuod ang pagkatupok ng apoy nito. Pinigilan kami ni Francis na makalapit dahil gusto na naming pasukin ang loob nito. Kung hindi dahil sa unknown number na tumawag sa phone ko kanina at sa taong nag-send ng pictures at address kung nasaan sila hindi namin sila mahahanap.“Karina!”“Ashley!”Napaluhod na lamang ako sa damuhan. Wala akong nagawa, hindi ko siya nailigtas. Nahuli kami ng dating. Natakasan na kami ni Bernadette at Marla nakuha pa nila si Karina at Ash. Walang ibang dapat sisihin nito kundi ako! Wala akong silbi!“Aahhh! Karina!”Parang sasabog ang dibdib ko sa labis na galit at paghihinagpis. Kung naging mabilis lang sana ang kilos ko. Hindi sana nangyari ang lahat ng ito. Hindi sana nauwi sa kamatayan nila ang paghihigant
KARINA “Saan niyo ba talaga kami dadalhin?” angil ko sa lalaking nagpapangap lang pala na pulis. May mga iilan ding silang pulis na kakampi kaya may dala silang police mobile upang hindi namin mahalata. Katabi ko ngayon si Ash at pareho kaming nakaposas. Hindi pa rin siya nagigising. Hindi na ako lumaban dahil tagilid kami sa kanila. Masyado silang marami at pinagbantaan pa ako na kung kikilos ako ay papatayin nila si Ash kaya hinayaan kong bihagin nila kami. “Huwag kang maingay diyan!” singhal niya sa akin. Nag-alala na ako sa maaring mangyari. Dapat sa mga oras na ito ay nahuli na nila si Bernadette at Marla. Ngunit malakas ang kutob ko na sila ang may kinalaman nang pagpapadukot sa amin. Sigurado din akong sa mga oras na ito ay alam na si Sergio na hindi kami nakarating sa farm ni Francis. Sana lamang ay maging ligtas pa rin siya. Hindi ko alam kung ano pa ang plano nilang gawin sa amin ngunit umaasa ako na magkikita pa kaming muli. Napalingon ako sa tabi ko nang gumalaw si Ash.
KARINA“Mag-iingat ka.” Hinalikan niya ako sa noo at niyakap ng mahigpit.“Ikaw din.” Paalam ko sa kanya. Alanganin pa siyang bitawan ang dalawang kamay ko pero kailangan na naming umalis. Patungo kami ngayon sa hospital kung nasaan ang mag-ina ni Tomas. Kasama ko si Ash at Francis. Si Sergio naman at ang ibang mga kapulisan ang magtutungo sa Alvarez corporation upang hulihin si Bernadette at si Marla. Panatag naman ako dahil marami siyang police na kasama.“Kailangan na naming umalis, magkita na lamang tayo mamaya.”Kinabig niya ang batok ko at hinalikan ako sa labi bago niya ako bitawan. “Mag-iingat ako Sergio.” Wika ko sa kanya bago ko siya tinalikuran. Kaagad akong sumakay sa van, patungo sa hospital. Kumaway pa siya hangang makalayo na kami.“Sigurado ka bang sa farm mo muna natin sila dadalhin?” tanong ni Ash kay Francis.“Yes, ilang araw lang naman. Sabi ni Tomas, need ng anak niya ng heart transplant. Wala pang compatible donor kaya hindi pa nila magawa ang operasyon. Pero ang
KARINAAndito kami ngayon sa interrogation room sa Muntinlupa. Kasama ko din sina, Sergio at Ash. Ina-antay naming ang pagdating ni Francis dahil kasama siya ng pulis na kukuha sa suspek na pumatay kay Catalina. “Are you okay?” Nag-alalang tanong sa akin ni Sergio. Ramdam niya sigurong kinakabahan ako. Sasagot n asana ako ngunit bumukas ang pintuan at bumungad sa amin ang lalaking may malaking katawan naka-posas. “Maupo ka.” Utos ni Ash sa kanya at inupo siya ni Francis sa harapan namin. “Anong kailangan niyo sa akin? Case close na ang kaso at umamin na ako sa kremin. Ano pa ang kailangan niyo?” Sunod-sunod na tanong niya sa amin. Kita ko sa mga mata niya ang pagkabahala. Para siyang may itinatago pa rin sa amin.“Easy ka lang, hindi ka namin kakagatin, may ilan lang kaming katanungan.” Si Ash ang sumagot. “Nasabi ko na lahat sa korte—”“Eh di sabihin mo ulit!” Singhal niya dito na ikinagulat ko din. Hinila siya ni Francis palayo sa amin. Hindi ko narinig ang sinabi niya dito pero
KarinaHindi ko maiwasan ang mapangiti habang pinagmamasdan ang dalawa na nag-aasaran. Paano ba naman kasi tinuturuan ni Francis na mangabayo si Ash. Marami kasi silang alagang kabayo. At magaganda pa ang mga ito halatang alagang-alaga sa pagkain at vitamins. "Ano ka ba? Sumabay ka sa galaw ng kabayo huwag mong tigasan ang katawan mo." Turo ni Francis sa kanya. "Naku Francisco kapag nahulog ako dati lagot ka sa akin!" Bulyaw niya dito. "Hindi yan! Magtiwala ka kasi sa akin!" Litanya ni Francis. Naiiling at nakangiti akong bumaling kay Sergio. Nahuli ko siyang nakatingin pala sa akin. "Bakit? May amos ba ako s mukha?" Tanong ko s kanya. Napunta sa hawak niyang bulaklak ang mga mata ko. Nakaupo kasi kami sa damuhan na may latag na tela. At napapalibutan ng mga yellow na bulaklak. "I'd love to see your smile everyday." Sambit niya habang hindi hiniwalay ang mga mata sa akin. Dinala niya ang hawak niyang bulaklak sa gilid ng aking tenga. At inalis ang ilang hibla ng aking buhok. "