KARINAIlang minuto din ang inintay ko bago bumalik si Hugo. I’m waiting for his explanation. Wala na akong choice kundi aminin sa kanya ang totoo. Para matapos na din ang lahat ng problema ko.Namumula pa ang mga mata niya nang pumasok siya sa loob ng kotse. “It’s all my fault, kung hindi ako nakipagsabwatan kay Catalina… hindi siya mangyayari ang lahat ng ‘to.” Napatda ako sa narinig ko mula sa kanya. Ang buong akala ko wala siyang kasalanan ngunit sa narinig ko mukhang plano talaga nilang dalawa ang lahat. “Sabihin mo? Kung kailangan e-ditalye mo sa akin ang lahat. Ano ba talaga ang nangyari?” Nangingilid ang luhang tanong ko sa kanya. “She was my first love. Nagparaya ako kay Sergio. Ang buong akala ko hindi niya sasaktan si Katherine. Pero nagawa niyang makipagsiping kay Cathalina at nagbunga ang gabing yun. Nandoon ako noong lumabas si Sergio sa kuwarto nito. Nakita ko kung paano nasaktan si Katherine…nang malaman niya ang panloloko ni Sergio. Pero wala akong nagawa, ayaw si
KARINADahil sa ginawa ni Sergio ay sinamahan ako ni Marla maghapon. Napilitan siyang uminom para damayan ako. Sa mga oras na ito wala talaga akong ibang makakausap kundi ang best friend ni Katherine. Siya na lamang ang taong pinagkakatiwalaan ko. Pinayuhan niya akong huwag mahalin si Sergio. Dahil gaya ng Katherine. Siguradong masasaktan lang din ako. Lalo na kapag nalaman ng mga magulang ni Sergio ang tungkol sa akin. May sinabi din siyang nagpang-abot pa daw si Catalina at si Katherine sa office ni Sergio. Kasalukuyang nasa VIP meeting si Sergio nang kaladkarin si Katherine hangang sa labas ng building at itulak sa semento. Inakusahan siyang nang-agaw sa kanyang fiance ni Catalina na noon ay nagdadalang tao na. Yun ang huling beses na pumasok si Katherine. Ang kawawa kong kakambal. Gusto kong magsisi dahil wala ako sa tabi niya noong mga panahon na inapi siya ng mga taong nakapaligid sa kanya. Pero wala akong nagawa…wala akong silbi na kapatid. Hindi ko man lang naramdaman na ma
KARINA“Tuloy ka.” Alok ko sa kanya pagkapasok niya sa loob ng condo ko. Pagkatapos naming kumain kanina sa restaurant ay inalok ko siyang umuwi dito para maipakita ko na rin ang mga gamit ni Katherine. Baka makahanap pa kami ng ebendensiya. Yung iba kasi hindi ko pinaki-alaman dahil sa tuwing nakikita ko ang mga gamit niya ay hindi ko maiwasan ang maging emosyonal.Pumasok siya sa loob at isinara ko ang pinto. Tumuloy kami sa sala at pina-upo ko siya bago ako pumasok sa loob ng kwarto. Ibinaba ko muna ang mga binili ko at pagkatapos ay kinuha ko na rin ang box ng mga personal na gamit niya. “Ito ang mga naiwan niya ash. Baka makatulong.” Binuksan niya ang kahon at inisa-isang kunin ang mga laman nito. “I know him.” Turo niya sa litrato ni Katherine at Sergio na unang bumungad sa kanya. “Yes, He’s Sergio Alvarez. Siya ang naging ex-boyfriend ni Katherine bago ito mawala. He’s already married at may anak na din siya sa naging asawa niya. Yun ang rason kung bakit sila naghiwalay.”
SERGIO“Wala ka na ba talagang natitirang respeto para sa akin Sergio? Para sa ina ng anak mo?” salubong sa akin ni Catalina nang umuwi ako kinabukasan pagkagaling sa condo ni Katherine.Napabuntong-hininga ako at iniwasan ko siya. Tinungo ko ang anak namin na karga ng kanyang yaya. Hinalikan ko ito sa noo at umakyat na rin ako sa hagdan. Kaya kong maging ama sa anak namin pero hindi ko kakayanin na maging asawa pa si Catalina. Dahil isa lamang ang kayang mahalin ng puso ko. At si Katherine yun. “Sergio! Nag-uusap pa tayo!” Narinig kong sigaw niya nagpatuloy ako sa hiwalay na kuwarto naming dalawa at naghubad ako ng damit. Bumukas ang pinto at pumasok si Catalina. Nagulat ako nang bigla siyang yumakap sa beywang ko. “Please, kalimutan mo na ang babaeng yun. Bumalik na tayo sa Amerika kasama si Chollo. Huwag mong gawin sa akin ito Sergio.” Pagmamaka-awa niya sa akin. Tinangal ko ang kamay niya at humarap ako sa kanya. “Kahit bumalik pa tayo sa Amerika hindi na rin magbabago ang lah
KARINAKakagising ko pa lamang at masamang balita na agad ang natangap ko mula kay Marla. Nasa opisina siya ngayon at nabalitaan niya ang tungkol sa pamamaril sa bahay nila Sergio at Catalina. Hindi rin daw niya sigurado kung may tama ito basta ang alam niya ay napuruhan daw si Catalina. Kaagad akong bumangon at tinawagan ko si Sergio. Nakailang missed call na ako sa kanya ngunit hindi pa rin niya sinasagot ang tanong tawag ko. Hindi ko maiwasan ang mag-alala ng husto. Sino kaya ang may gawa noon? At sino kaya ang puntirya ng bumaril sa kanila? Ano naman kaya ang kasalanan nila bakit ginawa yun sa kanila?Natangap ko ang message ni Marla kung saan sila dinala kaya nagbihis agad ako at nagmadaling umalis patungong hospital na sinabi ni Marla.“Miss? Saang room si Sergio Alvarez?” Kinakabahan na tanong ko front desk. Nagpaalam siya sandali sa akin pero nang mag-angat siya ng tingin ay umiling siya. "Wala po kaming patient na Sergio Alvarez. Asawa lang po niya nasa 3rd floor ICU pa po.
KARINA“Anong ginagawa mo dito?” maang na tanong ko kay Hugo nang sabihin sa akin na may dalaw daw ako at nag-aalalang mukha niya ang bumungad sa akin.“Nabalitaan ko kay Marla ang nangyari. Tumawag kasi ako sa kanya matapos kong marinig ang balita.” Paliwanag niya sa akin. “Umalis ka na Hugo, baka maabutan ka pa ni Sergio dito.” Wika ko sa kanya. Akmang tatalikuran ko siya ngunit pinigilan niya ako at nagsalita siyang muli.“Karina, hindi ka matutulungan ni Sergio sa mga oras na ito. Nagdadalamhati pa sila sa pagkamatay ni Catalina. Nakalimutan mo na bang asawa niya ito at may anak sila?” Giit niya sa akin. Nasaktan ako sa sinabi niya. Dahil ilang oras na akong nakakulong dito pero walang Sergio ang nagpakita sa akin. Kahit ang abugado na ina-antay ko ay hindi dumating.“K-Kahit pa, kukuha ako ng sarili kong abogado. Wala akong kasalanan Hugo. Kaya ipaglalaban ko ang karapatan ko.” Wika ko sa kanya. “Wala nga ba Karina? Diba ang maghiganti ang pakay mo kaya pumasok sa kompanya nila
KARINANagising ako nang may maramdaman akong gumagalaw sa bandang ulo ko. Pagmulat ng mata ko ay nakita ko ang nakakatakot na mukha ni Sisang. Akmang sisigaw na sana ako ngunit tinutukan niya ako ng patalim sa leeg. “Huwag kang mag-iingay! Pero mo lang ang kailangan ko!” May diin na sabi niya sa akin. Napangiwi ako nang maramdaman ang dulo ng patalim sa leeg ko. Kinakalkal niya pala ang bag ko.Gustuhin ko man kumilos hindi ko alam kung ano ang nasa isipan ng babaeng ito! Baka kapag hindi ko siya sinunod saksakin na lamang niya ako. “Mukhang mataba ang wallet mo at mamahalin akin na lang.” Nakangising sabi niya sa akin. “Huwag! Akin yan!” Nangingilid ang luhang sabi ko sa kanya. “Sige! Subukan mong gumawa ng ingay. Hindi ako magdadalawang isip na patayin ka! Sana’y akong tumira sa kulungan kaya di ako takot mabulok dito!” Banta niya sa akin. “K-kunin mo ang lahat ng kailangan mo..pero ibigay mo sa akin ang picture sa wallet ko.” Ang tinutukoy kong picture ay ang nag-iisang lara
SERGIOHalos hindi ko maihakbang ang mga paa ko habang palapit ako sa libingan ni Katherine. Nagpasama ako kay Marla dahil alam kong siya lamang ang nakaka-alam kung saan ko matatagpuang ang libingan niya. “Sir, okay lang po ba kayo?” Tumango ako sa kanya bilang pagsagot. Nang sabihin ni Karina sa akin ang lahat. Hindi ako makapag-isip ng maayos. Nagtatalo ang isip at puso ko kung paniniwalaan ko ba siya. Ngunit nandito na ako sa sementeryo, at kailangan kong harapin ang katotohanan.“K-kath—”Halos ayaw bumuka ng mga labi ko. Hindi ko masambit ang pangalan niya. Yumuko ako at nakita ko ang nakasulat sa lapida. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Kung bangungot lang ang lahat ng ito ay gusto ko nang magising. Papaniwalain ang sarili na si Katherine ang nakasama ko nitong nakaraang buwan. Ngunit hindi…nandito siya nakahimlay at isang taon na siya dito sa ilalim ng lupa. “It was my fault, I’m sorry…Katherine…I’m really sorry…patawarin mo ako…kung alam ko lang na ganito ang dada
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW…“Sergio, dahan-dahan lang baka bumanga tayo!” Paalala ni Karina sa kanya dahil pasikot-sikot na sila sa gubat at paliit na rin ng paliit ang nadadaanan ng kanilang kotse. “Kailangan natin siyang mahabol, dahil kung hindi baka lalo lamang tayong mahirapan na mahuli si Bernadette.” Sagot ni Sergio sa kanya habang nakatuon ang attensyon sa harapan at dadaanan nila. Habang si Bernadette ay hindi na rin alam ang gagawin para makalayo sa dalawa. “Bakit ka tumatakbo, Bernadette? Yung mga nagpahirap sa'yo ang nakasunod sayo diba dapat harapin mo na sila?” Bulong ng isip ni Bernadette. “Kapag tumigil ka mahuhuli ka nila at mabubulok ka sa kulungan! Paano kung p@tayin ka rin nila kagaya ng ginawa mo sa mga mahal nila sa buhay?! Paano ka pa maghihigante?!” Bulong ng kabilang isip ni Bernadette. Napatingin siya sa upuan at nakita niya ang isang c@liber 45 at kaagad niya itong kinuha. Ngunit nagulat siya nang sa mababaw na bangin na pala tumalon ang sasakyan niya
THIRD POINT OF VIEW…“Gising na ba siya?” Bungad na tanong ni Bernadette nang bumaba siya ground floor ng pinagtataguan nilang lumang bodega. Tumayo ang mga nag-iinuman na mga tauhan nito at tinigil ang ginagawa nila. “Madam, kakagising lang po. Gusto niyo po bugbug!n namin ulit?” Ngising aso na sabi ng isa niyang tauhan. “T0nt0! Kaya ko nga tinatanong para makausap ko na ang paki-alamerong police na yun! Teka? Diba sinabi ko na sayong ayoko nang tauhan na mabigote? Gusto mo ako mismo ang magtangal ng bigote mo?!” Singh@l nito. Napatakbo sa takot ang lalaki na ikinatawa naman ng iba pa. “Akin na ang susi,tama na yang pag-iinuman ninyo at magbantay kayo sa labas dahil may parating akong bisita.” Utos pa niya sa mga ito at kaagad naman nagpulasan at umakyat ang mga ito. Dala niya ang susi nang bumaba siya sa makipot at nilulumot na hagdan ng dating p!g sl@ughteR house. Ilang sandali pa ay bumungad na sa kanya ang kanyang bihag. “Kumusta? Mabuti naman at gising ka na.” Nakangiting s
SERGIODinig ko mula sa kinatatayuan ko ang naging masaklap na pagkikita ni Ash at ni Francis. Sasamahan ko sana siya sa loob ngunit binilinan niya akong siya na lamang ang lalapit sa ataul nito. Kung nandito si Karina siguradong mahahabag din siya sa kanyang kaibigan. Pero ayokong isa-alang-alang ang kaligtasan niya para damayan si Ash dahil alam kung kakayanin ito ni Ash. “Ano na ang development ng case ni Francis at nang iba pa? May pagkakakilanlan na ba sa mga um4mbush sa kanila?” Usisa ko sa Police Inspector na mula sa kanilang departamento at may hawak ng imbistigasyon.“Hanggang ngayon wala pa ring kumukuha ng mga bangkay sa m0rgue kaya wala pa rin kaming idea kung sino ang mga lalaking yun na lumusob sa kanila.” Sagot niya sa akin. Hindi maari ito, kahit ang mga kasamahan nila sa station ay ayoko nang pagkatiwalaan. May pakiramdam akong nasa loob lamang ng police station na yun ang nagkanulo sa kanila para magpunta sa liblib na lugar na yun at abangan ng mga kalaban.Tinawaga
KARINADalawang linggo na ang nakalipas mula nang mailipat kami sa isang safe house. Naka-leave din si Ash sa kanyang duty kaya magkasama kami dito sa isang pribadong isla. Naghilom na ang mga sugat namin ngunit bakas pa rin ang mga pas0 namin sa balat pero unti-unti din naman itong gumagaling dahil na rin sa Cream na pinapahid namin upang mawala ang peklat. Kinailangan ko din magpagupit ng mas maiksi dahil na-apektuhan ang buhok ko sa pagkasunog. Samantala, wala pa rin kaming balita kay Bernadette. Kaya sa tingin ko mas kailangan namin na mag-ingat ngayon. Araw-araw naman umuuwi si Sergio samantalang si Francis naman ay tuwing sabado at linggo lamang pumupunta dito dahil tinutukan niya ang kaso at ang paghahanap kay Bernadette. “Kape?” Alok ni Ash sa akin at inabutan niya ako ng isang tasa ng kape. Nandito kami sa may veranda at pinapanuod namin ang malakas na hampas ng alon sa may dalampasigan. “Next week babalik na ako sa Maynila. Kailangan kong tulungan si Francis sa imbestigas
SERGIONaglalagablab na apoy mula sa kamalig ang bumungad sa amin. Mabilis akong bumaba at tumakbo patungo doon. Umaasang aabutan pa namin sila ng buhay ngunit sa laki ng apoy malabo na kaming makapasok.“Karina! Karina!” malakas na sigaw ko habang pinapanuod ang pagkatupok ng apoy nito. Pinigilan kami ni Francis na makalapit dahil gusto na naming pasukin ang loob nito. Kung hindi dahil sa unknown number na tumawag sa phone ko kanina at sa taong nag-send ng pictures at address kung nasaan sila hindi namin sila mahahanap.“Karina!”“Ashley!”Napaluhod na lamang ako sa damuhan. Wala akong nagawa, hindi ko siya nailigtas. Nahuli kami ng dating. Natakasan na kami ni Bernadette at Marla nakuha pa nila si Karina at Ash. Walang ibang dapat sisihin nito kundi ako! Wala akong silbi!“Aahhh! Karina!”Parang sasabog ang dibdib ko sa labis na galit at paghihinagpis. Kung naging mabilis lang sana ang kilos ko. Hindi sana nangyari ang lahat ng ito. Hindi sana nauwi sa kamatayan nila ang paghihigant
KARINA “Saan niyo ba talaga kami dadalhin?” angil ko sa lalaking nagpapangap lang pala na pulis. May mga iilan ding silang pulis na kakampi kaya may dala silang police mobile upang hindi namin mahalata. Katabi ko ngayon si Ash at pareho kaming nakaposas. Hindi pa rin siya nagigising. Hindi na ako lumaban dahil tagilid kami sa kanila. Masyado silang marami at pinagbantaan pa ako na kung kikilos ako ay papatayin nila si Ash kaya hinayaan kong bihagin nila kami. “Huwag kang maingay diyan!” singhal niya sa akin. Nag-alala na ako sa maaring mangyari. Dapat sa mga oras na ito ay nahuli na nila si Bernadette at Marla. Ngunit malakas ang kutob ko na sila ang may kinalaman nang pagpapadukot sa amin. Sigurado din akong sa mga oras na ito ay alam na si Sergio na hindi kami nakarating sa farm ni Francis. Sana lamang ay maging ligtas pa rin siya. Hindi ko alam kung ano pa ang plano nilang gawin sa amin ngunit umaasa ako na magkikita pa kaming muli. Napalingon ako sa tabi ko nang gumalaw si Ash.
KARINA“Mag-iingat ka.” Hinalikan niya ako sa noo at niyakap ng mahigpit.“Ikaw din.” Paalam ko sa kanya. Alanganin pa siyang bitawan ang dalawang kamay ko pero kailangan na naming umalis. Patungo kami ngayon sa hospital kung nasaan ang mag-ina ni Tomas. Kasama ko si Ash at Francis. Si Sergio naman at ang ibang mga kapulisan ang magtutungo sa Alvarez corporation upang hulihin si Bernadette at si Marla. Panatag naman ako dahil marami siyang police na kasama.“Kailangan na naming umalis, magkita na lamang tayo mamaya.”Kinabig niya ang batok ko at hinalikan ako sa labi bago niya ako bitawan. “Mag-iingat ako Sergio.” Wika ko sa kanya bago ko siya tinalikuran. Kaagad akong sumakay sa van, patungo sa hospital. Kumaway pa siya hangang makalayo na kami.“Sigurado ka bang sa farm mo muna natin sila dadalhin?” tanong ni Ash kay Francis.“Yes, ilang araw lang naman. Sabi ni Tomas, need ng anak niya ng heart transplant. Wala pang compatible donor kaya hindi pa nila magawa ang operasyon. Pero ang
KARINAAndito kami ngayon sa interrogation room sa Muntinlupa. Kasama ko din sina, Sergio at Ash. Ina-antay naming ang pagdating ni Francis dahil kasama siya ng pulis na kukuha sa suspek na pumatay kay Catalina. “Are you okay?” Nag-alalang tanong sa akin ni Sergio. Ramdam niya sigurong kinakabahan ako. Sasagot n asana ako ngunit bumukas ang pintuan at bumungad sa amin ang lalaking may malaking katawan naka-posas. “Maupo ka.” Utos ni Ash sa kanya at inupo siya ni Francis sa harapan namin. “Anong kailangan niyo sa akin? Case close na ang kaso at umamin na ako sa kremin. Ano pa ang kailangan niyo?” Sunod-sunod na tanong niya sa amin. Kita ko sa mga mata niya ang pagkabahala. Para siyang may itinatago pa rin sa amin.“Easy ka lang, hindi ka namin kakagatin, may ilan lang kaming katanungan.” Si Ash ang sumagot. “Nasabi ko na lahat sa korte—”“Eh di sabihin mo ulit!” Singhal niya dito na ikinagulat ko din. Hinila siya ni Francis palayo sa amin. Hindi ko narinig ang sinabi niya dito pero
KarinaHindi ko maiwasan ang mapangiti habang pinagmamasdan ang dalawa na nag-aasaran. Paano ba naman kasi tinuturuan ni Francis na mangabayo si Ash. Marami kasi silang alagang kabayo. At magaganda pa ang mga ito halatang alagang-alaga sa pagkain at vitamins. "Ano ka ba? Sumabay ka sa galaw ng kabayo huwag mong tigasan ang katawan mo." Turo ni Francis sa kanya. "Naku Francisco kapag nahulog ako dati lagot ka sa akin!" Bulyaw niya dito. "Hindi yan! Magtiwala ka kasi sa akin!" Litanya ni Francis. Naiiling at nakangiti akong bumaling kay Sergio. Nahuli ko siyang nakatingin pala sa akin. "Bakit? May amos ba ako s mukha?" Tanong ko s kanya. Napunta sa hawak niyang bulaklak ang mga mata ko. Nakaupo kasi kami sa damuhan na may latag na tela. At napapalibutan ng mga yellow na bulaklak. "I'd love to see your smile everyday." Sambit niya habang hindi hiniwalay ang mga mata sa akin. Dinala niya ang hawak niyang bulaklak sa gilid ng aking tenga. At inalis ang ilang hibla ng aking buhok. "