HR34
“Zeynep!” dinig ko ang pagsigaw ni Celene at tumakbo papunta sa amin.
Pinigilan niya si Ma’am Bianca sa akin ginagaw ngunit hindi talaga mabigilan ang babae at maging siya ay sinabunot na rin ni Ma’am Bianca. Napa iyak ako nang lumagapak sa mukha ko ang kamay ni Ma’am Bianca, ramdam ko rin ang hapdi sa aking leeg at sa aking mukha.
“Ma’am huwag niyong pong saktan si Zeynep!” sabay tulak niya kay Ma’am Bianca dahilan kung bakit ito napa upo sa sahig at tamang tama naman na dumating si Madame kasama si Karin, Beca at Fiona.
“What is happening here?” madiin na wika ni Madame.
Tumayo si Ma’am Bianca at lumapit kay Madame. Nagsimula na siyang nagdrama at umiyak sa harapan ni Madame na parang siya iyong nasaktan dito. Na parang hindi siya iyong nauna.
“Pinagtutulungan nila akong dala
HR35Masakit ang katawan ko sa buong sa sunod sunod na gawain dito sa bahay. No’ng natapos ko ang lahat ng damit ni Madame kahapon ay marami pa siyang pinagawa sa akin. Hindi ako nagreklamo at sinunod ang lahat ng ginawa niya dahil boss ko pa rin naman siya.“I can talk to Mom later, Zey.” Ani Yusuf, nandito kami ngayon sa likod na kung saan kami palaging nakikita.Pagod akong umiling sa kanya, “Huwag na, ayos lang ako, huwag mo ng sabihin sa kanya, please.” Malambing na wika ko sa kanya para sumunod siya sa gusto ko.Kanina niya pa iyong sinasabi simula noong napunta kami dito kaninang hapon. Kahapon hindi kami mabuting nag-usap dahil ayaw kong pag-usapan namin ang nangyari, masyadong masakit din ang katawan ko sa lahat ng nangyari sa akin kahapon kaya maaga akong natulog.Ang kamay ko ay madaming sugat dahil sa labahan ko kahapon. Hindi pa ako naka
HR36Bumalik ako sa silid namin ni Celene pagkatapos ng pag-uusap namin ni Yusuf. Hindi ko inasahan na muli kong ibibigay sa kanya ang katawan ko at hindi naman ako nagsisisi doon. Binigay ko sa kanya ang pagmamahal ko at ganoon din ang ginawa niya sa akin.Kahit papaano ay naibsan ang sakit ng puso ko sa mga nalaman tungkol sa kanila ni Ma’am Bianca. Kinuwento rin sa akin ni Yusuf na gusto daw iyon ng Mama niya ang mangyayari para mas lalong lumaki ang sakop ng kanilang kompanya.Hindi na ako nagtaka kung bakit gusto iyon ng Mama niya. Nasa business world sila at ang arrange marriage ang isa sa ginagawa nila para mas lalong lumaki ang kompanya nila.“Saan ka nanggaling?” bumungad sa akin si Celene.Tipid akong ngumiti sa kanya, “Nagpahangin lang ako, Celene. Ikaw bakit hindi ka pa natutulog?” tanong ko sa kanya.Walang reaksiyon
HR37“B-Bakit po Madame?” kinakabahang tanong ko pagkapasok ng kanyang silid.Sa diin ng pagkakabigkas niya kanina ng pangalan ko may naramdaman na akong kakaiba lalo na’t narito rin si Ma’am Bianca, para bang may ginawa akong masama sa kanila.Tumayo si Madame habang naka-krus ang kanyang dalawang kamay sa kanyang dibdib. Kinuha niya ang brown envelope kay Ma’am Bianca at nilapag iyon sa harap ko. Kumot ang nook o sa ginawa niya.“Now, I know the reason why my son refuse to marry Bianca, it’s because of you!” madiin iyong pagkakasabi niya sa akin.Takot ang bumalot sa buong katawan ko. Paano niya nalaman iyon? Si Yusuf, ako at si Celene lamang iyong may naka-alam. Buo ang tiwala ko na hindi iyon sasabihin ni Celene at hindi pa sila nag-uusap ni Madame.Paano niya nalaman?!“H-Hindi ko
HR38“Nay, si Zeynep ‘to.” Pakilala ko nang masagot nila ang tawag ko.“Ate, pinapaalis na tayo dito.” Boses ni Alice iyon.Nagkatinginan kami ni Celene, naka loud speaker iyong cellphone kaya rinig naming dalawa ang sinasabi ng mga kapatid ko.“Hindi tayo mapapaalis d’yan Alice, sa atin ang lupain na ‘yan.” Ani ko.“Maging ang kapit bahay natin Ate pinapaalis din. Gagawin daw’ng plantasyon ang lugar natin kaya kailangan na nating umalis. Ate, natatakot na kami dito, palaging may nangugulo dito.” Nanginginig ang boses ng kapatid ko, ramdam ko ang takot niya.“Sabihin mo kay Nanay na ipakita sa mga opisyal ang titulo natin, sabihin niya na sa atin ang lupaing iyan. Binili ‘yan ni Tatay at sa atin ‘yan!” hindi ko mapigilang mapataas ang boses dahil
HR39“Zey, gising na, maaga na.”Nagising ako dahil sa tawag na iyon ni Celene. Dahan dahan kong minulat ang aking mata at kaagad iyong kinusot. Umiwas ako ng tingin kay Celene. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa pag iyak ko kanina.“Anong nangyari sa ‘yo, bakit ganyang ang mata mo? Huwag na huwag kang magsisinungaling sa akin Zeynep, sinasabi ko sa ‘yo!” ani Celene.Wala akong nagawa at sinabi sa kanya ang lahat nang nakita ko kaninang madaling araw. Gusto ko sanang sarilihin na lang ang lahat ngunit hindi ko naman kaya iyon, isa pa ayaw ko na rin magsinungaling sa kaibigan ko.Habang nagkukuwento ako sa kanya ay hindi ko mapigilang mapa iyak, masakit ang nararamdaman ko ngayon na parang may tumutusok sa puso ko. Ngayon lang nangyari ito sa tanang buhay ko, ganito pala kapag nasaktan ka sa pagkaibig.“Wala
HR40“Pinapatawag ka ni Madame, Zeynep.” Sabi sa akin ni Karin kinahapunan habang nag-aayos ako ng kusina.Noong nakaraang araw ko pa siya hindi kinakausap dahil sa ginawa niya, masakit pa rin iyon sa akin lalo na’t nasaktan ako dahil doon. Ayaw ko naman maging suplada dito dahil pare-pareho lang naman kaming katulong dito kaya winala ko na lang ang lahat…isa pa ay wala na rin naman kami ni Yusuf.Balak ko na ring umalis, matapos kong makuha ang sahod namin. Ayaw ko na dito, gusto ko na lang magtrabaho sa iba, hindi iyong dito ako at puros sakit lang ang nakukuha ko.“Sige,” ani ko kay Karin at iniwan ang ginagawa ko.Tinungo ko ang silid ni Madame, hindi ko alam bakit may nararamdaman akong kakaiba ngayon. Palagi naman akong may nararamdamang kakaiba kapag napupunta ako dito ngunit ngayon talaga iyong hindi ko maintindihan.
HR41Hindi ako magkanda ugaga habang nasa loob pa lang ako kanina ng taxi, ngayo’y nandito na papalapit sa akin ay mas lalong tumaas ang kalabog ng puso ko ngayon. Pagkababa na pagkababa ko ay bumungad sa akin ang mga nagkakaguluhang residente.Sa harap ako dumaan dahil doon lang ang pwede dahil sa likod talaga iyong napuruhan kung saan ang bahay namin. Mabilis ang lakad ko papunta kung nasaan ngayon ang dalawa kung kapatid.Nahirapan ako sa paghanap sa kanila dahil sa mga taong nagkukuhumayog na makakuha at may maisalba pang gamit mula sa kanilang bahay na nasusunod.Tinawagan ko ang dalawa at sinagot naman iyon ni Alice. Nang masabi kong nasaan sila ay kaagad ko hinanap ang kanilang lugar at doon ko sila nakita kasama ang isa sa pinaka pamilyar na mukha.Tumakbo ang dalawa ng makita nila ako. Niyakap ako ng sobrang higpit at umiiyak pa silang dalawa. Nanginginig na niyaka
HR42“Do I look pretty, Mama?” my five year old daughter asked.I caressed her hair down to her cheeks. Dahan dahan kong hinaplos ang kanyang namumulang pisngi bago ko siya niyakap. She is wearing a pink dress that Alice gave her, as expected dati palang naman ay sobrang stylish na ni Alice sa mga damit niya at ang anak ko ngayon ang pinagdidiskitahan niya.And, guess what, my daughter loves it too. At her age napapansin ko na kakaiba siya sa iba. She’s so talkative but shy when she saw a new faces. Hindi siya palakaibigan dahil suplada talaga siya na namana niya siguro kay Yusuf…“You’re very pretty.” Puri ko sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.“Dada said that I look pretty because my Mama is pretty.” May pagmamalaki pa sa boses niya.I was amused and laughed nervously, “Really he said that?&rdqu
HR61 Mabilis ang paglakad ko papasok sa loob ng kompanya. Ramdam na ramdam ko rin ang kalabog ng puso ko sa binalitang iyon ni Halil. Dadalhin ko sana si Yrine ngayon dito sa kompanya dahil wala siyang makakasama sa bahay. Ngunit nang malaman din iyon ng dalawa ay minabuti namin na iwan na muna doon si Yrine at babantayan nilang dalawa. Nanginginig ang kamay ko nang sinalubong ako ng aking sekretarya. Pumasok ako sa loob ng opisina ko at bumungad sa akin ang tatlong katao. Si Halil, Yusuf, at iyong sinasabi niya kaninag imbistigador na humahanap ng ebinsya. "Zey," dinig kong tawag sa akin ni Halil. Ngunit ang tingin ko ay nasa lalaking imbistigador. Gustong-gusto ko na talaga malaman kung sino ang may pakana ng nangyari sa sitio dati. Gusto ko na ibigay sa ina ko ang hustisyang matagal na niya dapat makuha. A lot of people suffer because of that brutality and worst they lost their own land. Kabuhayan nila at ang mga magagandang karanasan doon sa sitio. "This is Simon, my frie
HR60Simula makarating kami dito sa isang sikat na mall at puro kaartehan ng anak ko ang aking naririnig. Hindi ko naman ma saway dahil nakikita kong maganda ang kanyang ngiti at masayang masaya dahil kasama niya ang ama.Nawala ako sa mood simula kaninang pag-uusap namin ni Yusuf tungkol sa nangyari dati. Until now, hindi pa rin siya naniniwala na magagawa iyon ng ina niya. Kung sabagay, wala naman siya doon noong nangyari ang mga pananakit nila sa akin. Wala naman siya noong inaalipin at inasaktan ako ng dalawa. Hindi rin naman ako nagsusumbong dahil ayaw kong lumaki ang gulo sa loob ng bahay nila.Pero ngayon, wala na akong pakialam kung mag-away silang mag-ina. Wala na akong pakiramdam sa mga nararamdaman nila. Sa ngayon ang iisipin ko na lang ang kapakanan ng anak ko at ng mga kapatid ko. Wala na akong pake sa iba dahil noong iniisip ko ang iba ay nawala ang pinaka-importanteng tao sa buhay ko.
HR 59 Naalimpungatan ako nang makaramdam ng kakaibang bigat sa aking beywang. Naalala ko kagabi na ang posisyon namin ay nasa gitna ni Yrine at ako naman ay papalayo na nang papalayo sa kanila para hindi lang maabot ni Yusuf. Ngunit ngayon, parang kakaiba na ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay may kamay na sa aking beywang... Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata. Napalunok ako nang makitang nasa harapan ko ngayon si Yrine at si Yusuf ngunit ang kamay ni Yusuf ay nakasakop sa aking maliit na beywang. Abot na niya ako ngayon dahil malapit na ako sa kanilang dalawa ni Yrine. Parang may kung ano akong naramdaman sa aking puso nang makita ang isang kamay ay nasa pisngi ni Yrine. Si Yrine naman ay komportable ang tulog na para bang ilang beses niya ng nakasama ang ama sa pagtulog. Inalis ko ang kamay ni Yusuf sa aking beywang. Mabuti naman ay hindi siya nagising sa ginawa kong iyon. Dahan dahan akong bumalik sa pinakagilid at muli akong bumalik sa pagtulog. Kinaumagahan ay n
HR58 I really wanted to request a room for myself. Dinig ko kasing matutulog si Yrine sa silidni Yusuf. I know that they missed a lot of years together kaya pinagbigyan ko kung iyon ang kanilang plano. Pero hindi ako papayag kapag maging ako ay kasama sa silid na 'yon. Wala sa plano ang makipagbalikan kay Yusuf. Wala ito sa plano at pinagbigyan ko lang talaga ang anak ko. She deserve to know the truth, she deserve to know her father, she deserves everything. Pero sana ay labas na ako sa kanilang dalawa, labas na ako kung ano ang gusto nilang gawin. But how can I do that when my daughter requested me to join them. To sleep with them?! Sana talaga ay hindi na ako pumayag. Lalo lang nag init ang ulo ko kay Yusuf dahil sa usapan namin kaninang dalawa. Mabuti na lang talaga at nakawala pa ako doon. Akala ko nga malulunod na ako na parang kumunoy sa braso niya. Hindi ko maintidiha
HR57Bumalik ako sa gawi nila matapos kung matawagan si Halil. Mabuti na lang ay kilala ni Celene si Halil kaya alam ni Celene kung ano ang ugali ni Halil.“Mabait naman iyong si Halil, kaya ayos na ayos lang iyon sa kanya na dito kayo matutulog.” Si Celene.Hindi na ako nagsalita nang makita ang pagdugtong ng kilay ni Yusuf. Itong si Celene ay nagkwento pa talaga ng mga pinagagawa dati ni Halil doon sa sition namin dati at gaga ay kinuwento pa sa mga kasamahan, kasama si Yusuf na nakikinig na niligawan daw ako ni Halil.Tikom lang ang bibig ko, ayaw kong makisali sa kanya at baka kung ano pa ang masabi ko.Nagsimula kami sa pagkaing lahat. Si Yrine ay nagpapasubo sa ama habang nanonood siya ng kung ano ano sa cellphone ni Yusuf. Lihim akong napangiti nang makita ang lock screen wallpaper ni Yusuf, siya iyon at si Yrine. Nakahalik siya sa pisngi ni Yrine habang ang na
HR56“How old are you, Yrine?” si Beca iyon, nandito kami sa kusina.“Five po, kaka-five lang.” sabay pakita niya pa ng limang daliri niya.“Cute mo naman.” Ani Celen.“No po, I’m gorgeous po sabi ni Tita Alice.”Umuwang ang bibig ni Celene at nagulat sa anak ko. Natawa sila kay Yrine. Sumama naman si Fiona na may dalang pagkain.“Sabi ni Sir doon daw tayo sa sala” aniya pa.Lumipat kami doon. Tumakbo si Yrine papunta sa ama niya at umupo sa kandungan. Tinaas ng kaunti ni Yusuf ang tube niyang dress na medyo nalalaglag na naman.Inabala ko ang aking sarili sa pagkain ng pizza, si Yrine ay ganoon din at sinusubuan ng ama habang tumakbo takbo na para bang nakalabas sa mataas na tower. Hiyaan ko siya, masaya lang siya dahil nandito siya sa bahay ni Yusuf.
HR55Isang over size t-shirt ang sinuot ko at isang shorts naman sa pang ibaba. Hindi iyon masyadong kita dahil na rin sa laki ng t-shirt. Si Yrine ay ganoon pa rin ang suot ayaw ng palitan ni Yusuf dahil bagay naman daw iyon kay Yrine.Nagdala ako ng extra clothes for Yrine, nilagay ko sa maliit niyang back pack. Nilagay ko rin doon ang mga extra’ng gamit na magagamit mamaya ni Yrine. Pagkalabas ko ng silid ay nakaupo lang ang dalawa sa sofa at nakatingin sila sa cellphone.Nang makita nila ako tumayo din sila sa sofa. Lumapit ako sa kanila at pinasuot kay Yrine ang back pack.“I can carry that.” Yusuf interrupted.“Nah, she can carry that.” Tangi ko, sanay na si Yrine magdala ng kanyang back pack.Bago kami lumisan ng bahay ay tinawagan ko muna si Halil at si Alyn, nagpaalam ako sa kanila at baka mamaya ay hanapin kami. H
HR54Until now, I can’t still believe that this is really fucking happening. Pupunta dito mamaya si Yusuf sa bahay para bisitahin si Yrine. Ayaw ko talaga sa ideyang iyon mula kay Yusuf ngunit ang anak ko naman ay pinipilit ako. Wala akong magawa kundi ang pumayag na lang at bumuntong hininga.It’s been three days since Yusuf knew about Yrine. Simula no’n ay palagi na siyang bumibisita sa opisina ko at palagi niyang pinapadala si Yrine sa akin para magkita sila. May mga kung ano ano rin siyang dala para kay Yrine na gustong gusto naman ng anak ko.Hindi ko muna siya pinapayagan na dalhin siya ni Yusuf kung saan saan. Wala akong tiwala kay Yusuf baka kung saan niya dalhin ang anak ko at mapahamak pa kaya hanggang sa opisina na lang muna siya.But after that three days, he decided to go here in our house. Si Yrine ang nagsabi sa kanya kung saan ang bahay namin at hinayaan ko na lang.
HR53“Hi,” bati ni Yusuf sa kanya.Wala na akong magawa kundi ang titigan silang dalawa. Medyo lumayo ako kay Yrine para mabigyan sila ng espasyong dalawa. Nakatingin lang si Yrine sa kanya at ni buka ng bibig ay hindi niya ginawa.“Hi, may I know your name?” Yusuf’s asked.Sabihin ko man o hindi alam kong ramdam ni Yusuf ang katutuhanan. Hindi siya maghihintay dito kung wala siyang nararamdaman sa anak ko. Kung kaya ko pang masinungaling ay gagawin ko. Hindi ito ang plano ko, sobrang layo.I wanted to make Yusuf kneel and beg in front of me. I don’t want him to see my daughter. Gusto kong mag away sila ni Helena at masira ang pamilya nila. I wanted to Helena and Bianca crying and begging in front of me. I wanted them to kneel in my toes, I want to make their life miserable.And look what happened right now?