HR35
Masakit ang katawan ko sa buong sa sunod sunod na gawain dito sa bahay. No’ng natapos ko ang lahat ng damit ni Madame kahapon ay marami pa siyang pinagawa sa akin. Hindi ako nagreklamo at sinunod ang lahat ng ginawa niya dahil boss ko pa rin naman siya.
“I can talk to Mom later, Zey.” Ani Yusuf, nandito kami ngayon sa likod na kung saan kami palaging nakikita.
Pagod akong umiling sa kanya, “Huwag na, ayos lang ako, huwag mo ng sabihin sa kanya, please.” Malambing na wika ko sa kanya para sumunod siya sa gusto ko.
Kanina niya pa iyong sinasabi simula noong napunta kami dito kaninang hapon. Kahapon hindi kami mabuting nag-usap dahil ayaw kong pag-usapan namin ang nangyari, masyadong masakit din ang katawan ko sa lahat ng nangyari sa akin kahapon kaya maaga akong natulog.
Ang kamay ko ay madaming sugat dahil sa labahan ko kahapon. Hindi pa ako naka
HR36Bumalik ako sa silid namin ni Celene pagkatapos ng pag-uusap namin ni Yusuf. Hindi ko inasahan na muli kong ibibigay sa kanya ang katawan ko at hindi naman ako nagsisisi doon. Binigay ko sa kanya ang pagmamahal ko at ganoon din ang ginawa niya sa akin.Kahit papaano ay naibsan ang sakit ng puso ko sa mga nalaman tungkol sa kanila ni Ma’am Bianca. Kinuwento rin sa akin ni Yusuf na gusto daw iyon ng Mama niya ang mangyayari para mas lalong lumaki ang sakop ng kanilang kompanya.Hindi na ako nagtaka kung bakit gusto iyon ng Mama niya. Nasa business world sila at ang arrange marriage ang isa sa ginagawa nila para mas lalong lumaki ang kompanya nila.“Saan ka nanggaling?” bumungad sa akin si Celene.Tipid akong ngumiti sa kanya, “Nagpahangin lang ako, Celene. Ikaw bakit hindi ka pa natutulog?” tanong ko sa kanya.Walang reaksiyon
HR37“B-Bakit po Madame?” kinakabahang tanong ko pagkapasok ng kanyang silid.Sa diin ng pagkakabigkas niya kanina ng pangalan ko may naramdaman na akong kakaiba lalo na’t narito rin si Ma’am Bianca, para bang may ginawa akong masama sa kanila.Tumayo si Madame habang naka-krus ang kanyang dalawang kamay sa kanyang dibdib. Kinuha niya ang brown envelope kay Ma’am Bianca at nilapag iyon sa harap ko. Kumot ang nook o sa ginawa niya.“Now, I know the reason why my son refuse to marry Bianca, it’s because of you!” madiin iyong pagkakasabi niya sa akin.Takot ang bumalot sa buong katawan ko. Paano niya nalaman iyon? Si Yusuf, ako at si Celene lamang iyong may naka-alam. Buo ang tiwala ko na hindi iyon sasabihin ni Celene at hindi pa sila nag-uusap ni Madame.Paano niya nalaman?!“H-Hindi ko
HR38“Nay, si Zeynep ‘to.” Pakilala ko nang masagot nila ang tawag ko.“Ate, pinapaalis na tayo dito.” Boses ni Alice iyon.Nagkatinginan kami ni Celene, naka loud speaker iyong cellphone kaya rinig naming dalawa ang sinasabi ng mga kapatid ko.“Hindi tayo mapapaalis d’yan Alice, sa atin ang lupain na ‘yan.” Ani ko.“Maging ang kapit bahay natin Ate pinapaalis din. Gagawin daw’ng plantasyon ang lugar natin kaya kailangan na nating umalis. Ate, natatakot na kami dito, palaging may nangugulo dito.” Nanginginig ang boses ng kapatid ko, ramdam ko ang takot niya.“Sabihin mo kay Nanay na ipakita sa mga opisyal ang titulo natin, sabihin niya na sa atin ang lupaing iyan. Binili ‘yan ni Tatay at sa atin ‘yan!” hindi ko mapigilang mapataas ang boses dahil
HR39“Zey, gising na, maaga na.”Nagising ako dahil sa tawag na iyon ni Celene. Dahan dahan kong minulat ang aking mata at kaagad iyong kinusot. Umiwas ako ng tingin kay Celene. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa pag iyak ko kanina.“Anong nangyari sa ‘yo, bakit ganyang ang mata mo? Huwag na huwag kang magsisinungaling sa akin Zeynep, sinasabi ko sa ‘yo!” ani Celene.Wala akong nagawa at sinabi sa kanya ang lahat nang nakita ko kaninang madaling araw. Gusto ko sanang sarilihin na lang ang lahat ngunit hindi ko naman kaya iyon, isa pa ayaw ko na rin magsinungaling sa kaibigan ko.Habang nagkukuwento ako sa kanya ay hindi ko mapigilang mapa iyak, masakit ang nararamdaman ko ngayon na parang may tumutusok sa puso ko. Ngayon lang nangyari ito sa tanang buhay ko, ganito pala kapag nasaktan ka sa pagkaibig.“Wala
HR40“Pinapatawag ka ni Madame, Zeynep.” Sabi sa akin ni Karin kinahapunan habang nag-aayos ako ng kusina.Noong nakaraang araw ko pa siya hindi kinakausap dahil sa ginawa niya, masakit pa rin iyon sa akin lalo na’t nasaktan ako dahil doon. Ayaw ko naman maging suplada dito dahil pare-pareho lang naman kaming katulong dito kaya winala ko na lang ang lahat…isa pa ay wala na rin naman kami ni Yusuf.Balak ko na ring umalis, matapos kong makuha ang sahod namin. Ayaw ko na dito, gusto ko na lang magtrabaho sa iba, hindi iyong dito ako at puros sakit lang ang nakukuha ko.“Sige,” ani ko kay Karin at iniwan ang ginagawa ko.Tinungo ko ang silid ni Madame, hindi ko alam bakit may nararamdaman akong kakaiba ngayon. Palagi naman akong may nararamdamang kakaiba kapag napupunta ako dito ngunit ngayon talaga iyong hindi ko maintindihan.
HR41Hindi ako magkanda ugaga habang nasa loob pa lang ako kanina ng taxi, ngayo’y nandito na papalapit sa akin ay mas lalong tumaas ang kalabog ng puso ko ngayon. Pagkababa na pagkababa ko ay bumungad sa akin ang mga nagkakaguluhang residente.Sa harap ako dumaan dahil doon lang ang pwede dahil sa likod talaga iyong napuruhan kung saan ang bahay namin. Mabilis ang lakad ko papunta kung nasaan ngayon ang dalawa kung kapatid.Nahirapan ako sa paghanap sa kanila dahil sa mga taong nagkukuhumayog na makakuha at may maisalba pang gamit mula sa kanilang bahay na nasusunod.Tinawagan ko ang dalawa at sinagot naman iyon ni Alice. Nang masabi kong nasaan sila ay kaagad ko hinanap ang kanilang lugar at doon ko sila nakita kasama ang isa sa pinaka pamilyar na mukha.Tumakbo ang dalawa ng makita nila ako. Niyakap ako ng sobrang higpit at umiiyak pa silang dalawa. Nanginginig na niyaka
HR42“Do I look pretty, Mama?” my five year old daughter asked.I caressed her hair down to her cheeks. Dahan dahan kong hinaplos ang kanyang namumulang pisngi bago ko siya niyakap. She is wearing a pink dress that Alice gave her, as expected dati palang naman ay sobrang stylish na ni Alice sa mga damit niya at ang anak ko ngayon ang pinagdidiskitahan niya.And, guess what, my daughter loves it too. At her age napapansin ko na kakaiba siya sa iba. She’s so talkative but shy when she saw a new faces. Hindi siya palakaibigan dahil suplada talaga siya na namana niya siguro kay Yusuf…“You’re very pretty.” Puri ko sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.“Dada said that I look pretty because my Mama is pretty.” May pagmamalaki pa sa boses niya.I was amused and laughed nervously, “Really he said that?&rdqu
HR43“Mama, I have something to tell you po.” Ani Yrina, nasa harap kami ng hapag kasama ang iba pang myembro ng bahay.“Yes?” I asked her while cleaning her plate.Yrina is only five kaya medyo makalat pa siya kung kumain ngunit ang utak naman niya ay kakaiba sa ka edad niya kaya tuwang tuwa ang lahat sa kanya kapag kasama namin siya. May mga inside jokes kasi siya na siya lang at si Halil iyong nakakaintindi, wala kaming magawa kundi ang sumakay at tumawa na rin sa kanila.But for some reasons the air is serious. Kaninang pagpasok niya ng bahay ay nagtungo kaagad siya sa silid niya. She didn’t greet me inside she waited for Halil to came home. Pagkarating ni Halil ay kinausap niya ang lalaki, I don’t have any idea what they talked about.Sana naman huwag muna akong ilaglag ni Halil kay Yrine. Masyado pang maaga at babalik kami ng pilipinas. W