HR37
“B-Bakit po Madame?” kinakabahang tanong ko pagkapasok ng kanyang silid.
Sa diin ng pagkakabigkas niya kanina ng pangalan ko may naramdaman na akong kakaiba lalo na’t narito rin si Ma’am Bianca, para bang may ginawa akong masama sa kanila.
Tumayo si Madame habang naka-krus ang kanyang dalawang kamay sa kanyang dibdib. Kinuha niya ang brown envelope kay Ma’am Bianca at nilapag iyon sa harap ko. Kumot ang nook o sa ginawa niya.
“Now, I know the reason why my son refuse to marry Bianca, it’s because of you!” madiin iyong pagkakasabi niya sa akin.
Takot ang bumalot sa buong katawan ko. Paano niya nalaman iyon? Si Yusuf, ako at si Celene lamang iyong may naka-alam. Buo ang tiwala ko na hindi iyon sasabihin ni Celene at hindi pa sila nag-uusap ni Madame.
Paano niya nalaman?!
“H-Hindi ko
HR38“Nay, si Zeynep ‘to.” Pakilala ko nang masagot nila ang tawag ko.“Ate, pinapaalis na tayo dito.” Boses ni Alice iyon.Nagkatinginan kami ni Celene, naka loud speaker iyong cellphone kaya rinig naming dalawa ang sinasabi ng mga kapatid ko.“Hindi tayo mapapaalis d’yan Alice, sa atin ang lupain na ‘yan.” Ani ko.“Maging ang kapit bahay natin Ate pinapaalis din. Gagawin daw’ng plantasyon ang lugar natin kaya kailangan na nating umalis. Ate, natatakot na kami dito, palaging may nangugulo dito.” Nanginginig ang boses ng kapatid ko, ramdam ko ang takot niya.“Sabihin mo kay Nanay na ipakita sa mga opisyal ang titulo natin, sabihin niya na sa atin ang lupaing iyan. Binili ‘yan ni Tatay at sa atin ‘yan!” hindi ko mapigilang mapataas ang boses dahil
HR39“Zey, gising na, maaga na.”Nagising ako dahil sa tawag na iyon ni Celene. Dahan dahan kong minulat ang aking mata at kaagad iyong kinusot. Umiwas ako ng tingin kay Celene. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa pag iyak ko kanina.“Anong nangyari sa ‘yo, bakit ganyang ang mata mo? Huwag na huwag kang magsisinungaling sa akin Zeynep, sinasabi ko sa ‘yo!” ani Celene.Wala akong nagawa at sinabi sa kanya ang lahat nang nakita ko kaninang madaling araw. Gusto ko sanang sarilihin na lang ang lahat ngunit hindi ko naman kaya iyon, isa pa ayaw ko na rin magsinungaling sa kaibigan ko.Habang nagkukuwento ako sa kanya ay hindi ko mapigilang mapa iyak, masakit ang nararamdaman ko ngayon na parang may tumutusok sa puso ko. Ngayon lang nangyari ito sa tanang buhay ko, ganito pala kapag nasaktan ka sa pagkaibig.“Wala
HR40“Pinapatawag ka ni Madame, Zeynep.” Sabi sa akin ni Karin kinahapunan habang nag-aayos ako ng kusina.Noong nakaraang araw ko pa siya hindi kinakausap dahil sa ginawa niya, masakit pa rin iyon sa akin lalo na’t nasaktan ako dahil doon. Ayaw ko naman maging suplada dito dahil pare-pareho lang naman kaming katulong dito kaya winala ko na lang ang lahat…isa pa ay wala na rin naman kami ni Yusuf.Balak ko na ring umalis, matapos kong makuha ang sahod namin. Ayaw ko na dito, gusto ko na lang magtrabaho sa iba, hindi iyong dito ako at puros sakit lang ang nakukuha ko.“Sige,” ani ko kay Karin at iniwan ang ginagawa ko.Tinungo ko ang silid ni Madame, hindi ko alam bakit may nararamdaman akong kakaiba ngayon. Palagi naman akong may nararamdamang kakaiba kapag napupunta ako dito ngunit ngayon talaga iyong hindi ko maintindihan.
HR41Hindi ako magkanda ugaga habang nasa loob pa lang ako kanina ng taxi, ngayo’y nandito na papalapit sa akin ay mas lalong tumaas ang kalabog ng puso ko ngayon. Pagkababa na pagkababa ko ay bumungad sa akin ang mga nagkakaguluhang residente.Sa harap ako dumaan dahil doon lang ang pwede dahil sa likod talaga iyong napuruhan kung saan ang bahay namin. Mabilis ang lakad ko papunta kung nasaan ngayon ang dalawa kung kapatid.Nahirapan ako sa paghanap sa kanila dahil sa mga taong nagkukuhumayog na makakuha at may maisalba pang gamit mula sa kanilang bahay na nasusunod.Tinawagan ko ang dalawa at sinagot naman iyon ni Alice. Nang masabi kong nasaan sila ay kaagad ko hinanap ang kanilang lugar at doon ko sila nakita kasama ang isa sa pinaka pamilyar na mukha.Tumakbo ang dalawa ng makita nila ako. Niyakap ako ng sobrang higpit at umiiyak pa silang dalawa. Nanginginig na niyaka
HR42“Do I look pretty, Mama?” my five year old daughter asked.I caressed her hair down to her cheeks. Dahan dahan kong hinaplos ang kanyang namumulang pisngi bago ko siya niyakap. She is wearing a pink dress that Alice gave her, as expected dati palang naman ay sobrang stylish na ni Alice sa mga damit niya at ang anak ko ngayon ang pinagdidiskitahan niya.And, guess what, my daughter loves it too. At her age napapansin ko na kakaiba siya sa iba. She’s so talkative but shy when she saw a new faces. Hindi siya palakaibigan dahil suplada talaga siya na namana niya siguro kay Yusuf…“You’re very pretty.” Puri ko sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.“Dada said that I look pretty because my Mama is pretty.” May pagmamalaki pa sa boses niya.I was amused and laughed nervously, “Really he said that?&rdqu
HR43“Mama, I have something to tell you po.” Ani Yrina, nasa harap kami ng hapag kasama ang iba pang myembro ng bahay.“Yes?” I asked her while cleaning her plate.Yrina is only five kaya medyo makalat pa siya kung kumain ngunit ang utak naman niya ay kakaiba sa ka edad niya kaya tuwang tuwa ang lahat sa kanya kapag kasama namin siya. May mga inside jokes kasi siya na siya lang at si Halil iyong nakakaintindi, wala kaming magawa kundi ang sumakay at tumawa na rin sa kanila.But for some reasons the air is serious. Kaninang pagpasok niya ng bahay ay nagtungo kaagad siya sa silid niya. She didn’t greet me inside she waited for Halil to came home. Pagkarating ni Halil ay kinausap niya ang lalaki, I don’t have any idea what they talked about.Sana naman huwag muna akong ilaglag ni Halil kay Yrine. Masyado pang maaga at babalik kami ng pilipinas. W
HR44We only have two days before our flight to Philippines. I was thankful that Halil has a lot of friends that can help us to process some papers for Yrine. Lahat kami uuwi pwera sa Mama niya na marami raw ginagawa dito sa Australia.Ayaw namang magpaiwan ng dalawa kong kapatid at gusto ring sumama sa akin kung saan akong magpunta. They resigned on their works at baka doon na lang daw maghanap ng bago sa pilipinas. They can manage that since they have their own lives now, ayaw lang talaga nilang lumayo sa akin.Now, we are here at the mall. Nagyaya kasi si Yrine na gusto niyang lumabas at pumunta sa mall para daw bumili ng damit niya. And Halil loves to spoil her, pumayag siya at pinilit ako kaya ngayon nandito kami.He even absent to his work and said ‘the company is okay without me and Yrine is my baby’. He really loves Yrine so much.“Dada, I want that dres
HR45Days passed, we are now finally getting ready for our flight to Philippines. Maaga akong nagising para asikasuhin ang aking anak na tulog na tulog pa rin. Masarap ang tulog niya dahil napapagitnaan namin siya ni Halil. Hindi ko nga alam kung bakit siya dito natulog sa amin kagabi.Iniwan ko muna siya doon para mapuntahan ang mga kapatid ko sa kani-kanilang mga silid. Pagkabukas ko sa silid ni Alyn ay gising na siya. She greeted me and I greeted her back. She’s ready and excited, finally uuwi na kami sa bansa kong saan kami pinanganak at lumaki.Sunod kong pinuntahan si Alice. I saw her busy with her phone. Nang makita ako ay kaagad din naman siyang napaupo sa kanyang kama. Binati niya rin ako kagaya ng ginawa ni Alyn.“Please, stop using your phone and get ready. Ikaw pa naman ang pinakamatagal kung kumilo, Alice.” Ani ko pa.She gave me a smile and thumbs