Samantalang si Devina naman ay napatingin sa kaniyang cell phone ng bigla nalang mawala sa kabilang linya si Kristin. Tulad noong huling tawag nito ay sinubukan niya muling tawagan ang babae ngunit nag ring lang ito at maya-maya ay biglang out of coverage na. Malinaw na ayaw na siyang kausapin pa ng babae kaya nito pinapatay ang tawag. “Si Kristin ba ‘yun? Anong sabi?” tanong ni Valentine sa kaniyang katabi. Nagmamaneho kasi ito ngayon papunta kung nasaan ang mga lolo nila at kung saan andoon si Thomas. Kasama nila ang magulang niya maging ang mga kaibigan nila para pagplanuhan ang tungkol sa pagligtas kay Jeydon. Naipaliwanag na ni Devina sa mga ito ang dahilan kung paano sila nagkitang muli ni Kristin at kung ano ang mga sinabi ng mga ito sa kaniya. Nagulat pa sila ng malaman na ito ang pumatay sa ama niya, noong una may idea na sila pero kahit na ganoon nakakagulat pa ‘rin malaman iyon lalo na kay Kristin pa nanggaling. Hindi nila maiwasan na manghinala sa babae ngunit si Devina
“PAANONG nangyari na nalaman nila nandoon si Jeydon?!” Galit na sigaw ni Amanda sa kaniyang mga tauhan nang makatakas sila sa bahay nila. Bigla nalamang dumating sila Thomas kasama ang mga tauhan nila at iniligtas si Jeydon. Nawala pa nag access nila sa CCTV mabuti nalang at agad na nakaisip ng paraan si Amanda para makatakas ngunit ang iniisip niya ay si Jeydon, siguradong nakuha na ng mga ito ang apo niya. “Sino ang sumugod satin!?” muli ay galit na tanong niya at lumapit kay Cornor na busy pa ‘rin sa computer. “Si Thomas, siya ang nagligtas kay Jeydon. Kasama niya ‘rin si Aria,” “What?!” gulat na sabi ng matanda at tumingin sa computer at doon nakita nila sa CCTV mula sa ibang bahay kalapit ng bahay nila sila Thomas at Aria. “Paanong buhay pa ang babaeng ‘yan at magkasama pa silang dalawa?! Dapat doon palang sa private island ay pinatay ko na ‘yang Thomas na ‘yan!” Sa sobrang galit ni Amanda ay inilaglag nito lahat ng gamit na makita niya. Walang nagtangkang pumigil sa kaniya
Sabay silang napalingon sa nagsalita at doon ay nakita nila si Devina kasama si Valentine, dali-dali itong tumakbo papunta sa gawi niya at niyakap siya ng mahigpit na ikinangiwi naman nito dahil sa sakit. “Ops! Sorry, hehe na-excite lang ako! Kumusta ang lagay mo? Masakit pa ‘rin ba?” natatawang tanong ni Devina na ikinailing ni Jeydon. “Wala ka talagang consideration ano? Alam mo namang kagagamot ko lang makadamba ka sobra-sobra e,” huminto na ‘rin sa pag-iyak si Jeydon dahil alam niya na hindi na siya nag-iisa ngayon. Pero dahil doon ay bigla niyang naalala ang kaniyang kapatid. Hindi siya pwedeng magkamali, nakita niya si Thomas. “S-sandali, nasaan si kuya Thomas? Nakita ko siya bago ako mawalan ng malay,” tumingin siya sa paligid niya at napako ang kaniyang mata sa lalaking nakatayo sa likuran ni Valentine. “K-kuya Thomas,” akala niya ay hindi na siya iiyak pero napaiyak nanaman siya ng makita ito. Tumabi si Valentine at Devina para bigyan ng space ang dalawa, ganoon ‘din an
“GET off of me!” Malakas na reklamo ni David sa mga nakahawak sa kaniya habang pinapasok siya sa lugar na hindi niya alam. Noong papunta sila sa lugar kung saan ‘man ay hindi niya maiwasan na mapaisip kung ano na ang nangyari kay Arabelle at Jenjen. Kung ayos lang ba ang mga ito o kung maayos na ang lagay ni Jenjen dahil nakita niya itong nawalan ng malay. Kahit na siya pa ang kinuha ng mga taong trespasser ay nag-aalala pa ‘rin siya para sa mga ito.“Argh!” napadaing siya ng pabalang siyang bitawan ng mga ito at napatingin sa kaniyang harapan ng mayroong magsalita. “Welcome apo,” Napakunot ang noo niya dahil sa narinig, kung hindi niya alam ang tungkol sa pagpapanggap nito ay baka tumakbo na siya sa matanda at humingi ng tulong dito pero dahil alam niya ang totoo ay sinamaan niya ito ng tingin. “Hindi niyo po ako apo! Wala akong lola na masama ang ugali!” Hindi nagustuhan ni Amanda ang kaniyang narinig pero ngumiti nalang siya dito. Naisip niya na wala ‘ring mangyayari kung maki
“D-dead?! P-pinatay mo si David?! Anong ginagawa mo Amanda?! Nasisiraan ka na ba?!” hindi na napigilan pa ni Kristin ang pagtulo ng luha niya dahil sa nangyayari. Siya ang pinakang malapit kay David, naisip niya na siya lang ang may kakayanang iligtas ito pero hindi niya nagawa. Napatingin naman si Amanda kay Kristin dahil doon. “At bakit ka umiiyak? Iniiyakan mo ang anak ng mortal mong kaaway? Haha kakaiba talaga kayong pamilya Kristin, una ang daddy mo, si Devina, tapos ikaw? I cannot!” natatawa nitong sabi na lalong ikinainis ni Kristin. “I cannot mo muka mo! Mamamatay tao ka Amanda! Mamamatay tao!” “Shh… ang ingay mo naman e. Nakikita mo ba sila?” turo ni Amanda sa anak niya na si Saint at kay David na nailagay na ‘din niya doon sa isang malaking lalagyan kung saan puno ng tubig. “Natutulog lang sila, mamaya magigising ‘din sila kapag dumating na si Devina.” Sakto pagkasabi niya niyon ay biglang nagsalita si Cornor habang nakaharap sa isa sa mga computer na naroroon. “Madam na
SUNOD-sunod na tumulo ang luha ni Devina ng makita ang anak na nasa loob ng lalagyan na iyon na puno ng tubig. Mayroon mga nakaturok na kung ano-ano sa anak at isa lang ang natatandaan niya sa ganoong tagpo—wala na itong buhay. Maging sila Valentine ay natigilan dahil sa kanilang nakita at hindi nakakilos sa kanilang kinatatayuan. “W-what did you do to my son lola?! B-bakit mo siya pinatay?!” hindi alam ni Devina kung tama pa bang tawagin niya itong lola o mas tamang tawagin nalang niya itong Amanda katulad ng ginawa niya kanina. “Lola? Are you sure that you would still call me like that after what I’ve done?” ngising sabi ni Amanda na ikinakuyom ng kamao ni Devina at hindi na niya napigilang mapasigaw. “Arghhhh!” nagpakawala si Devina ng putok ng baril sa paligid na ikinalaki ng mata ni Amanda habang ang iba niyang tauhan ay iniharang ang sarili nila dito na siyang ikinamatay ng mga ito. Nagulat si Valentine sa ginawa ng babae at agad niya itong pinigilan. “W-wife no! Kapag gi
“Sige! Subukan niyong magpaputok at unang mawawala si Devina! Tutal dugo lang naman niya ang kailangan ko hindi na mahalaga kung buhay siya!” Napatigil sila Valentine sa pagkalabit sa kanilang mga baril dahil sa sinigay ni Amanda. “Don’t shoot her!” sigaw niya sa mga kaibigan kung kaya wala silang nagawa kundi ang ibaba ang baril. “Cornor! Kunin mo ang anak ko at ilayo sa kanila!” utos ni Amanda na ikinatango naman ni Cornor at kinuha si Saint na nanghihina pa dahil sa tagal ng kaniyang pagkakahimlay. “D-daddy…” mahinang bulong ni Jeydon at Thomas ng makita ang ama. Hindi na nila napigilan ang mapaiyak, buong akala nila ay hindi na nila ito makikita ng buhay ngunit ngayon ay dilat na dilat na ito at humihinga. “David!” tumakbo nalamang si Valentine sa kaniyang anak at inalalayan ito. Sumunod sa kaniya sila Travis at Vincent upang ipagtanggol ang dalawa. Kapwa nakatutok ang kanilang baril kila Amanda kung sakaling may gawin ito kay Valentine at David. “D-daddy…” napaiyak nalang s
MATAPOS ang nangyaring pagtalo nila kay Amanda ay agad itong inasikaso ni Valentine upang deretsyo itong mapunta sa kulungan. Mas pinahigpitan niya ang bantay kay Amanda lalo na’t nawawala si Cornor. Ayon kay Jeydon, si Cornor ang siyang kanang kamay ni Amanda kaya hindi malabo na balikan nito ang amo at palayain. Dinala sa ospital si David at Saint para masiguro kung ayos na ba ang lagay ng mga ito. Nalaman nila sa mga doctor na hindi simpleng lason ang ginamit sa mga ito at ginusto nilang alamin at kunin iyon para pag experimentuhan pero hindi natuwa si Jeydon sa kaniyang nalaman. Sa sobrang galit niya ay pinagbantaan niya ang mga ito na pababagsakin ang ospital kaya natahimik ang mga ito at sumunod sa gusto nila. Si Devina ay hindi makapaniwala na nagawang magpakamatay ni Kristin at kahit sa huling hininga nito ay naniniwala siya na masama siyang tao. Ang gusto lang naman ni Devina ay marealize ‘din ng babae na mabuti siya at hindi purong masama. Alam niya na walang kapatawaran