ANG sabi saakin ni Jeydon ay babalikan niya ako. Hindi ‘daw ako basta-basta pwedeng umalis dahil marami ang nagbabantay sa paligid. Nagtiwala naman ako sa kaniya dahil mas alam niya ang nasa labas keysa saakin. Ang alam ko lang ay itong mahabang hall way na ito at sa dulo niyon ay hindi ko na alam kung anong meron. Lumipas pa ang ilang araw at sawakas dumating na si Jeydon. Pinagbuksan pa niya ako ng pintuan ngunit nahalata ko agad ang kakaiba niyang itsura. “Ayos ka lang ba Jeydon? Bakit parang pinagpapawisan ka?” napatingin siya saakin at tila mayroon siyang gustong sabihin pero umiling lang siya at nauna nang maglakad. Tingin ko ay kinakabahan lang ‘din siya tulad ko kaya ganoon kaya hinayaan ko nalang siya at tahimik kaming naglakad sa mahabang hallway. Maya maya ay nakalabas kami doon kaya napangiti ako ng malaki ngunit nawala iyon ng makita ko ang mataas na pader. “Paano tayo dadaan dito Jeydon?” lumingon ako sa likod ko pero nagulat ako ng mayroong mga lalaki na nakatutok
“Dahil kayo ang susunod na emperor at empress. Si Valentine ang tuturuan ko sila Thomas naman sa’yo, tyaka hindi sa pagsasanay na ganoon ang focus natin kundi kung paano umiikot ang underworld,” Literal na napanga-nga si Devina dahil sa sinabi ng lolo ni Valentine. Napatingin siya sa kaniyang katabi ngunit hindi tulad niya na gulat ang reaction nito kundi seryoso lamang. Naramdaman niya ang paghigpit ng kapit ni Valentine sa kaniyang kamay kung kaya napabuntong hininga siya. Bakit nga ba hindi agad pumasok sa isip niya na si Valentine ang susunod na tagapagmana ng underworld? Ngayon gets na niya kung bakit siya isinama ng lolo nito doon sa lugar na iyon noong panahong kalaban pa nila si Jules. Maya-maya pa ay nakatanggap siya ng isang tawag kung kaya kinuha niya ang kaniyang cell phone at sinagot iyon. “Hello?” biglang sumeryoso si Devina ng marinig niya ang sinabi ng nasa kabilang linya kaya natahimik ang nasa paligid niya. “Okay, tell her that I am coming home,” ibinaba na niya
“MADAM, tama nga ang hinala mo,” Balitang sabi ni Cornor kay Amanda ng makapasok ito sa loob ng kotse. Kagagaling lang nito sa ospital at kinausap o tamang mas sabihin na pinagbantaan niya ang doctor ni Valentine kung kaya wala itong nagawa kundi ang umamin ng katotohanan nito. “Hindi totoo na may amnesia si Valentine at ang apo niyo na si Jeydon mismo ang nag request niyon sa doctor,” Napakuyom ng kamao si Amanda dahil sa sinabing iyon ni Cornor. Hindi nga siya nagkamali, nagkaroon na siya ng hinala noong pinuntahan niya sa ospital si Valentine para sana kunin na ang apo niyang si Jenjen ngunit nakauwi na pala ang mga ito. Pagdating niya sa bahay ng mga ito ay wala pa ‘rin sila kaya nanghinala na siya at tinawagan agad si Cornor para kausapina ang doctor ni Valentine. Nagkakataka siya na saan naman pupunta ang mga ito lalo na’t walang maalala si Valentine. At kagagaling lang nito sa ospital kaya kahina-hinala iyon sa kaniya. Ang buong akala niya ay hindi magagawnag kumanta ng kan
Samantalang si Devina naman ay napatingin sa kaniyang cell phone ng bigla nalang mawala sa kabilang linya si Kristin. Tulad noong huling tawag nito ay sinubukan niya muling tawagan ang babae ngunit nag ring lang ito at maya-maya ay biglang out of coverage na. Malinaw na ayaw na siyang kausapin pa ng babae kaya nito pinapatay ang tawag. “Si Kristin ba ‘yun? Anong sabi?” tanong ni Valentine sa kaniyang katabi. Nagmamaneho kasi ito ngayon papunta kung nasaan ang mga lolo nila at kung saan andoon si Thomas. Kasama nila ang magulang niya maging ang mga kaibigan nila para pagplanuhan ang tungkol sa pagligtas kay Jeydon. Naipaliwanag na ni Devina sa mga ito ang dahilan kung paano sila nagkitang muli ni Kristin at kung ano ang mga sinabi ng mga ito sa kaniya. Nagulat pa sila ng malaman na ito ang pumatay sa ama niya, noong una may idea na sila pero kahit na ganoon nakakagulat pa ‘rin malaman iyon lalo na kay Kristin pa nanggaling. Hindi nila maiwasan na manghinala sa babae ngunit si Devina
“PAANONG nangyari na nalaman nila nandoon si Jeydon?!” Galit na sigaw ni Amanda sa kaniyang mga tauhan nang makatakas sila sa bahay nila. Bigla nalamang dumating sila Thomas kasama ang mga tauhan nila at iniligtas si Jeydon. Nawala pa nag access nila sa CCTV mabuti nalang at agad na nakaisip ng paraan si Amanda para makatakas ngunit ang iniisip niya ay si Jeydon, siguradong nakuha na ng mga ito ang apo niya. “Sino ang sumugod satin!?” muli ay galit na tanong niya at lumapit kay Cornor na busy pa ‘rin sa computer. “Si Thomas, siya ang nagligtas kay Jeydon. Kasama niya ‘rin si Aria,” “What?!” gulat na sabi ng matanda at tumingin sa computer at doon nakita nila sa CCTV mula sa ibang bahay kalapit ng bahay nila sila Thomas at Aria. “Paanong buhay pa ang babaeng ‘yan at magkasama pa silang dalawa?! Dapat doon palang sa private island ay pinatay ko na ‘yang Thomas na ‘yan!” Sa sobrang galit ni Amanda ay inilaglag nito lahat ng gamit na makita niya. Walang nagtangkang pumigil sa kaniya
Sabay silang napalingon sa nagsalita at doon ay nakita nila si Devina kasama si Valentine, dali-dali itong tumakbo papunta sa gawi niya at niyakap siya ng mahigpit na ikinangiwi naman nito dahil sa sakit. “Ops! Sorry, hehe na-excite lang ako! Kumusta ang lagay mo? Masakit pa ‘rin ba?” natatawang tanong ni Devina na ikinailing ni Jeydon. “Wala ka talagang consideration ano? Alam mo namang kagagamot ko lang makadamba ka sobra-sobra e,” huminto na ‘rin sa pag-iyak si Jeydon dahil alam niya na hindi na siya nag-iisa ngayon. Pero dahil doon ay bigla niyang naalala ang kaniyang kapatid. Hindi siya pwedeng magkamali, nakita niya si Thomas. “S-sandali, nasaan si kuya Thomas? Nakita ko siya bago ako mawalan ng malay,” tumingin siya sa paligid niya at napako ang kaniyang mata sa lalaking nakatayo sa likuran ni Valentine. “K-kuya Thomas,” akala niya ay hindi na siya iiyak pero napaiyak nanaman siya ng makita ito. Tumabi si Valentine at Devina para bigyan ng space ang dalawa, ganoon ‘din an
“GET off of me!” Malakas na reklamo ni David sa mga nakahawak sa kaniya habang pinapasok siya sa lugar na hindi niya alam. Noong papunta sila sa lugar kung saan ‘man ay hindi niya maiwasan na mapaisip kung ano na ang nangyari kay Arabelle at Jenjen. Kung ayos lang ba ang mga ito o kung maayos na ang lagay ni Jenjen dahil nakita niya itong nawalan ng malay. Kahit na siya pa ang kinuha ng mga taong trespasser ay nag-aalala pa ‘rin siya para sa mga ito.“Argh!” napadaing siya ng pabalang siyang bitawan ng mga ito at napatingin sa kaniyang harapan ng mayroong magsalita. “Welcome apo,” Napakunot ang noo niya dahil sa narinig, kung hindi niya alam ang tungkol sa pagpapanggap nito ay baka tumakbo na siya sa matanda at humingi ng tulong dito pero dahil alam niya ang totoo ay sinamaan niya ito ng tingin. “Hindi niyo po ako apo! Wala akong lola na masama ang ugali!” Hindi nagustuhan ni Amanda ang kaniyang narinig pero ngumiti nalang siya dito. Naisip niya na wala ‘ring mangyayari kung maki
“D-dead?! P-pinatay mo si David?! Anong ginagawa mo Amanda?! Nasisiraan ka na ba?!” hindi na napigilan pa ni Kristin ang pagtulo ng luha niya dahil sa nangyayari. Siya ang pinakang malapit kay David, naisip niya na siya lang ang may kakayanang iligtas ito pero hindi niya nagawa. Napatingin naman si Amanda kay Kristin dahil doon. “At bakit ka umiiyak? Iniiyakan mo ang anak ng mortal mong kaaway? Haha kakaiba talaga kayong pamilya Kristin, una ang daddy mo, si Devina, tapos ikaw? I cannot!” natatawa nitong sabi na lalong ikinainis ni Kristin. “I cannot mo muka mo! Mamamatay tao ka Amanda! Mamamatay tao!” “Shh… ang ingay mo naman e. Nakikita mo ba sila?” turo ni Amanda sa anak niya na si Saint at kay David na nailagay na ‘din niya doon sa isang malaking lalagyan kung saan puno ng tubig. “Natutulog lang sila, mamaya magigising ‘din sila kapag dumating na si Devina.” Sakto pagkasabi niya niyon ay biglang nagsalita si Cornor habang nakaharap sa isa sa mga computer na naroroon. “Madam na
MATAPOS ang nakakabiglang balitang iyon mula kay Devina ay inaya muna ni Valentine ang asawa na lumabas para maglakad-lakad. Pumayag naman ang mga ito at nagkaroon ng mas malaking celebration dahil doon, hinayaan na muna nila ang mga ito na gumawa ng sinasabi nilang celebration. Nang makalabas sila ay napansin nila ang nakatayong bahay sa tabi ng bahay nila Jeydon. Mukang kagagawa lang niyon dahil ngayon lang ito nakita ni Devina. “May nagpatayo na pala ng bahay dito? Akala ko wala ng balak makipag kapitbahay saamin e,” natatawang sabi niya. Wala kasing gustong tumabi sa bahay ng mga Cullen dahil mala Mansion na ang bahay nito at nahihiya sila magtayo ng bahay sa kanikang tabi. “Maganda ba?” napatingin siya kay Valentine dahil sa tanong nito at nakatingin lang ‘din ito sa bungalow na bahay kaya muli niyang tinignan ang bahay at tumango. “Sobra! Naalala mo ganiyang-ganiyan ‘yung sinabi ko sayong gusto kong bahay? Gusto ko talaga katulad nu’ng bahay na tinithan natin sa Paris,” n
MATAPOS ang mahabang byahe ay nakarating sila sa paris na dinner na, halos isang araw ang lumipas dahil sa haba ng byahe. Kaya pagdating nila sa kanilang tutuluyan doon na bahay ‘din ni Valentine sa Paris ay deretsyo agad si Devina sa kwarto nila. Inaantok pa kasi ito kung kaya hinayaan nalang ito ni Valentine at siya nalang ang tumawag sa kambal. Natuwa ang mga ito ng tumawag ang daddy nila at nakipagkwentuhan muna sila dito. Nang malaman nilang tulog ang mommy nila ay hinayaan nalang muna nila ito hanggang sa nagpaalam na sila dahil oras na ng pagtulog nito. Sa ngayon ay su Bettany ang pinakang nag-aalala sa kanila habang nasa bahay nila Jeydon. Nasa iisang bahay pa sila Thomas at Jeydon dahil na ‘rin matagal silang nagkahiwalay at malaki ang bahay nila na iyon ay nagpasya sila na magsama-sama na muna. Dahil na ‘rin malapit ng matapos ang branch nila doon ay madalas na busy ‘din si Jeydon. Kay Thomas kasi napunta ang business nila sa ibang bansa. Yes, nag decide si Jeydon na namu
(AFTER THE WEDDING: Reception) HINDI mapagsidlan ang saya ni Valentine at Devina dahil sa wakas ay kasal na silang dalawa. Nang matapos ang kasal ay nilapitan agad sila ng kambal at binati. After nu’n ay nag picture taking na muna sila, with family, with friends, sila ng kambal at sama-sama silang lahat. “Congratulations ulit sa inyong dalawa! Wala na kaming mai-pang aasar ah?” Masayang bati ni Jeydon at natawa sa huli nitong dinugtong na ikinailing naman ni Adeline. “Hindi kaya kuya Jeydon! Wala pa silang baby, until now wala paring kasunod ang kambal!” Dahil sa sinabi ni Adeline ay nagtawanan ang mga ito at nagsimula nang mang-asar sa dalawa. Si Devina naman ay naiiling nalang ngunit hindi si Valentine. Noong nalaman niya na buntis si Adeline at Sheila ay sinubukan niya talagang humabol sa mga ito until nalaman niya nalang na nag pi-pills pala si Devina. Gulat talaga siya ng malaman iyon at halos itapon na niya ang pills na naroroon ngunit itinago ito ng mabuti ni Devina. “Uyy!
MABILIS na kumalat ang balitang magpapakasal na ‘rin sa wakas si Devina at Valentine. Ang mga kaibigan nila ay nabigla sa nalaman at agad na nagsipuntahan sa bahay nila Valentine upang batiin ito. Hindi pa ‘rin sila humihiwalay sa magulang nila Valentine at balak nila kapag nakasal na sila tyaka lang sila hihiwalay. Nagsagawa sila ng early celebration dahil doon at dineklara nial Valerie at Valeria na uuwi sila agad sa Pilipinas dahil after a week na ang kasal ng dalawa. Katulad noong unang naging kasal nilang hindi natuloy same set-up pa ‘rin ngunit ang pinagkaiba lang ay sa beach naman gaganapin ang kanilang kasal. Sa kanilang lahat, ang kambal ang pinakang tuwang-tuwa at halos hindi makatulog sa araw-araw dahil sa papalapit na araw na tinaktang kasal ng mommy at daddy nila. Nang dahil sa private island na hindi na ito private ngayon dahil si Jeydon at Aria na ang naghahandle doon at ginawa nalamang resort biglaang nagkaroon ng maraming bisita. Mabilis na lumipas ang araw at ngay
(ONE YEAR AFTER) ISANG taon na ang lumipass at sa isang taon na iyon ay marami na ang nangyari. Nabigyan nila ng maayos ang libing ang kanilang lolo Lenard at Carlos na siyang ikinagulat ng marami. Kasabay niyon ay ang balitang hindi talaga totoo na ikinasal sila, minapula nila ang balitang iyon para mailabas ang hindi totoong balita dahil na ‘rin hindi nila pwedeng ipaalam na may nangyaring gulo kaya hindi natuloy ang kasal. At dahil na ‘rin hindi natuloy ang kasal nila ni Valentine ay ikinasal si Adeline at Vincent, after two months sumunod ‘din sila Travis at Vincent. Ang mas ikinatutuwa ng mga ito ay ang pang-aasar kila Devina at Valentine dahil na ‘rin sumunod ikasal si Thomas at Sophia and then sumunod sina Jeydon at Jenjen. Masaya sila para sa kasal ng kanilang mga kaibigan pero ang hindi nila ikinasaya ay ang pang-aasar ng mga ito. Nanganak na ‘din si Adeline at Sheila at parehong lalaki ang mga ito. Ang pangalan ng anak ni Adeline at Travis ay si Andrew Ruiz, sinunod sa pa
Matapos ilagay nila Vincent, Travis, Thomas at Jeydon ang mga pamilya nila sa ligtas na lugar ay lumabas sila upang tulungan sila Devina na talunin ang hindi imbitadong bisita. Isa pa sa dahilan kung bakit hindi sila nag imbita ng mga press dahil expected na nila na mangyayari iyon, kaya ‘din tanong na tanong sila Adeline kung seryoso sila sa gusto nilang iyon dahil nag-aalala sila sa dalawa lalo na’t alam nilang inaabangan ng mga ito ang kanilang kasal. Hindi naman kasi nila sinabi ang tungkol sa hiling ni Carlos kung kaya walang alam ang mga ito at kahit anong mangyari ay tuloy ang kasal nila kahit na alam nilang lahat na hindi iyon matatapos dahil sa gulo. Lumipas ang halos isang oras ay biglang tumahimik ang paligid at wala ng nagliliparan na bala sa paligid. Kaya ‘din nila pinili ang hotel na iyon dahil alam nilang malayo iyon sa maraming tao at kahit na magpaputok pa ng baril ay walang matataranta lalo na’t inukupa nila iyon ng isang buong araw. Walang ibang guest kundi sila l
Garden wedding ang kasal nila na iyon kaya tinerno nila ang kulay ng damit ng mga abay sa motif nila which is fairy kaya kulay green ang gown ng mga abay nila. Nang lumabas sila ay nakita nila ang kanilang lolo na si Carlos na nakangiting nag-aabang kay Devina. Nang makita niya si Devina suot ang kaniyang wedding gown ay hindi na napigilan pa ni Carlos ang mapaiyak. Pababa palang ng hagdan ang dalawa ay maging sila’y nahawa sa pag-iyak nito. Nasa isang private hotel kasi sila kung kaya walang ibang tao doon kundi sila lamang habang ang sinabi nila kanina na walang iyakan ay hindi natupad dahil sa reaction ng kanilang lolo. “Ang mga apo ko, ang gaganda niyo. Masaya ako na masaksihan ang araw na ito,” Napangiti silang dalawa dahil doon at sabay na niyakap ang kanilang lolo. Gusto pa sanang hayaan ng wedding coordinator ang mga ito ang kaso turn na ni Devina para lumakad sa altar kaya naghiwalay na sila at pinahid ang kanilang mga luha. “Si grandpa naman, nasira ata make-up ko?” nata
NANG dahil sa masasyang balita na buntis si Adeline at Sheila ay nagkaroon sila nang salo-salo nang gabing iyon. At dahil na ‘rin tuwang-tuwa ang mga bata na magkakaroon nang baby sa kanila ay hindi lumayo ang mga ito sa dalawa at pilit na kinakausap ang tiyan ng mga ito na akala mo’y naririnig na sila nito kahit pa na isang buwan palang ang nasa tiyan nila. Natatawa nalang sila sa tatalo at hinahayaan habang sila naman ay nag-iinom at kumakanta sa karaoke na naroroon. Syempre pwera sa mga buntis, at dahil nga sa party na iyon ay late na silang nakatulog at kapwa mga puyat ngunit nagising sila ng bigla nalang mayroon sunod-sunod na kumatok sa pinto ni Devina at Valentine. “Husband may tao,” antok na sabi ni Devina habang niyuyogyog ito. Nagising naman si Valentine dahil doon at hinanap ang kaniyang damit at nagbihis. “What is it, Travis? Madaling araw palang oh,” kunot noong tanong ni Valentine. “May problema tayo Val!” Dahil doon ay napaseryoso si Valentine at tumayo ng maayos.
Bumwelo ang dalawa at sabay na hinagis ang USB sa gitna ng dagat. “Wow! Mas malayo ang kay daddy!” biglang sabi ni Jenjen habang nakatanaw sa pinagbatuhan ng mga ito. “No! Mas malayo ang kay tito Thomas!” sabat ‘din ni Arabelle at nagkatinginan ang dalawa dahil doon. “Hindi si daddy!” pangongontra ni Jenjen. “No! Si tito Thomas!” Natawa sila sa dalawa dahil sa kakulitan ng mga ito at sumingit nalang bigla si David na ikinahinto ng mga ito. “Nag-aayaw ba kayo?” taas kilay na tanong ni David at kita nila na seryoso ito na ikinatayo ng deretsyo ng dalawa at agad na niyakap ang isa’t-isa. “Hindi ah! Bati kaya kami ni belle!” “Tama si Jenejen, bati kami kuya!” Alanganin na sabi ng dalawa na ikinangiti ni David at tumango. Nagkatinginan nalang sila dahil sa mga bata at sabay-sabay na natawa. Inenjoy nalang nila ang byahe papunta sa private island hanggang sa makarating na sila doon. Tumuloy nalang sila sa isang rest house na naroroon para magkakasama na silang lahat. Pagkarating a