Share

Her Forsaken Paradise
Her Forsaken Paradise
Author: Anglmnmsyn

Prologue

Author: Anglmnmsyn
last update Last Updated: 2021-09-11 21:13:13

Hindi ko alam kung para saan ang bilis ng tibok ng puso ko nang pihitin ko ang seradura ng pinto hanggang sa tuluyan ko itong mabuksan. Ramdam ko ang paglawak ng ngiti ko at pati na rin ang dobleng galak na dumaloy sa sistema ko.

Parang may sariling buhay ang aking paa at akong unti-unti  humakbang papunta sa dalawang taong nakatayo sa tabi ng isang sasakyan. Sa hindi malamang dahilan ay nasisiguro kong naririto sila para sa akin.

“Hay salamat! Lumabas na rin ang prinsesa,” sabi ng babaeng isa sa naghihintay sa akin.

Tumawa ako nang marinig ang mga katagang iyon.

Pati ang tunog ng sarili kong pagtawa ay estranghero na sa pandinig ko. Wala akong marinig na pagpapanggap doon, iyon ang nakakapagtaka.

Dumapo ang tingin ko sa isa pang taong nandoon. Matamang nakatitig ang lalaki sa akin.

Ang mukhang iyon…

“Anong tinitingin mo dyan?” Isang mataray na tanong ang aking pinakawalan.

Umiling ang lalaking kausap ko. 

“Akala ko naman may nagbago na sayo sa tagal mong naghanda.” Ngumiwi ito at ipinakita ang dismayadong ekspresyon. “Wala ka na talagang pag-asa.”

Mabilis kong tinahak ang daan patungo sa kanya at ginawaran siya ng malakas na hampas sa braso. 

“Good morning din, ha.” Inis kong palatak dito.

Tumawa naman siya habang hawak ang parteng nasaktan ko.

Ang tunog ng boses niya at pati na rin ang kanyang mga halakhak, sapat na iyon para basagin ang lahat ng pangungulilang itinago ko ng matagal na panahon. Gustong-gusto kong hawakan ang mukhang iyon. Gusto kong abutin siya at yakapin ng mahigpit. Pero hindi sumusunod ang katawan ko. Hindi ko siya kayang hawakan…

Ang lapit lapit nya sa akin pero ang titigan lang siya ang kaya kong gawin…

“Hoy itigil nyo na ‘yan. Mamaya na kayo mag-asaran, hinihintay na tayo nung apat,” sabi ng babaeng kasama namin at nauna ng sumakay sa kotse.

Inirapan ko pa muna ang lalaki bago akmang susunod na sa pagsakay nang bigla niyang hilahin ng malakas ang backpack ko. Kinuha niya iyon at isinukbit. 

“Ako na ang magdadala nito,” ani niya habang may maliit na ngiti sa labi. Parang isang iglap namang nawala ang inis ko, ilang libro din kasi ang naroroon at talagang mabigat iyon para sa akin.

“ ‘Yan! Ganyan dapat para maganda ang umaga natin pareho. Hindi iyong hindi mo na nga ako binati nang magandang umaga tapos mang-aasar ka pa,” pagtatampo ko kunwari upang itago ang saya sa ginawa niya. 

Pero naputol iyon dahil sa sunod niyang ginawa.

Namilog ang mata ko at napako angaking  ngiti nang lumuhod siya sa aking harapan. 

Napakurap ako nang maramdaman ko ang kamay niya sa sintas ng suot kong sapatos. 

“Hindi mo dapat hinahayaang hindi maayos ang sintas mo, lampa ka pa naman. Mamaya ay iiyak ka na naman sa akin kapag napatid ka.”

Yumuko ako para tignan siya. Ni hindi ko nga mapagtuunan ng pansin ang sinasabi niya dahil sa kakaibang pakiramdam na lumukob sa akin.

Naghintay ako ng ilang minuto bago siya tumingala.

At parang tumigil sa pagproseso ang utak ko maging ang lahat ng bagay sa paligid ko nang masaksihan ko ang pagsilay ng mapuputi niyang ngipin para ngitian ako. 

Ang mga itim na dyamanteng namamalagi sa kanyang mga mata ay lalong kuminang sa paningin ko. Nanikip ang pintig ng puso ko at parang hindi ako makahinga.

“Magandang umaga, Memo. Ano na lang gagawin mo kung wala ako?” 

IMINULAT ko ang mata ko pagkatapos kong marinig ang mga salitang iyon mula sa kanya.

Tinignan ko ang digital clock na nasa bedside table ko. Kita ko pa ang mga night light sa view ng aking condominium sa labas kaya nasisiguro kong hindi pa ito ang tamang oras para gumising ako.

Its still 2:00 am. 

Hinilot ko ang ulo ko nang maalala ang dahilan ng paggising ko.

Damn, that dream again.

Ilang sandali pa akong nanatiling nakapikit, inaalala ang bawat memoryang naiwan sa aking isipan. Nilulunod ang sarili sa mga ala-alang pilit kong gustong takasan.

Anong gagawin ko kung wala ka?

A fainted smile crept into my lips. Funny how I’ve been wondering what is the answer before, but now, I’ve been living with the answer for so many years already.

Kaya ko namang wala ka…

Kaya ko namang wala sila...

Bumangon ako at ang unang bumungad sa akin ay ang repleksyon ko sa full length mirror na nasa tapat ng kama ko.

It was the same girl in my dream, staring at her own reflection. Pero hindi katulad ng babae sa panaginip ko, wala akong makitang magandang ngiti sa labi niya. Rather I saw myself with gushing tears continuously falling from my emotionless eyes, regretting the life I have and the life I once had.

Ilang taon ko ng kinakaya…

Related chapters

  • Her Forsaken Paradise   Kabanata 1

    I parked my black Bugatti Veyron at the parking lot of our company. It was still 6 o'clock in the morning and I need to be at my office at exactly 7. I still have an hour but I was never a fan of late comers. Early bird catches the worm, that's what they said and I personally believe in that. Wala namang mangyayaring maganda sa pagiging late kundi ang pagsisisi sa opportunity na lumampas sayo just because you don't have a sense of timeliness.I took one last classy look on myself in the rear view mirror before I gracefully stepped outside my car.I looked at my phone when I felt that it suddenly vibrated. It was a message from my sister.Theania Faye:Ate sabi ni mama agahan mo daw umuwi at ihahanda mo pa ang mga gamit mo para bukas. I am really excited, oh my ghad.I shook my head when I read her message and slid my phone back to my shoulder bag as I continued walkin

    Last Updated : 2021-09-11
  • Her Forsaken Paradise   Kabanata 2

    “LAGUNA, I’M BACK!”I gripped my sister’s arm when she shouted that as soon as we arrived at our destination.“Theania Faye, kararating lang natin ang ingay-ingay mo na agad," seryosong saad ko pero inirapan nya lang ako at tumulong kay mama na buhatin ang ibang bag na dala namin.I shook my head because of my sister and her ill-headed attitude.Tahimik kong pinagmasdan ang lugar. Ang malamig na simoy ng hangin at ang berdeng tanawin agad ang una kong napansin rito, malayong malayo sa maingay at abalang lugar na pinanggalingan namin. Pamilyar din ang bahay na nakatayo sa harapan ko ngayon, lumuma lang iyon ng kaunti pero ganoon pa rin ang pakiramdam na dulot nito sa akin. The nostalgic feeling lingers in my mind as I remembered my sweet and carefree memory all over the place.After 10 years, I am back at this place again. To where everything started and to where I should end it.

    Last Updated : 2021-09-11
  • Her Forsaken Paradise   Kabanata 3

    HINDI ko alam kung ilang sandali akong nanatili kung saan ko huling nakita si Tristan. I was just there, standing and staring at where I last saw him.“Tristan,” I mumbled his name even when he already left. A bitter smile escaped in my lips.I uttered the same name like how I used to call him before but why does it feel like he wasn’t the same man anymore?For the passed ten years, I trained myself to be sturdy enough despite any storm that may come and tries to be bring me down. I become successful and feared because of that.So, I couldn’t just stand the fact that that the hatred in someone’s eyes could shake the ground I am standing just like what happened a while ago.Nawaglit lang ako mula sa malalim nap ag-iisip nang tumunog ang bell at isa-isang nagbukasan ang pinto ng mga classroom. Agad namang napuno at umingay ang hallway dahil sa mga batang nagsilabasan.I closed my fist as I t

    Last Updated : 2021-12-03

Latest chapter

  • Her Forsaken Paradise   Prologue

    Hindi ko alam kung para saan ang bilis ng tibok ng puso ko nang pihitin ko ang seradura ng pinto hanggang sa tuluyan ko itong mabuksan. Ramdam ko ang paglawak ng ngiti ko at pati na rin ang dobleng galak na dumaloy sa sistema ko. Parang may sariling buhay ang aking paa at akong unti-unti humakbang papunta sa dalawang taong nakatayo sa tabi ng isang sasakyan. Sa hindi malamang dahilan ay nasisiguro kong naririto sila para sa akin. “Hay salamat! Lumabas na rin ang prinsesa,” sabi ng babaeng isa sa naghihintay sa akin. Tumawa ako nang marinig ang mga katagang iyon. Pati ang tunog ng sarili kong pagtawa ay estranghero na sa pandinig ko. Wala akong marinig na pagpapanggap doon, iyon ang nakakapagtaka.

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status