Kabanata 1
Ang sabi ng nanay niya, basta marunong siyang humiling ng tagos sa puso, ibibigay ang hinihingi niya. Pwes, hindi lang tagos sa puso ang panalangin niya. Tagos hanggang apdo at balunbalunan kung kinakailangan. Ni wala na nga siyang pakialam kung mahagardo versoza ang japanese beauty niya ang mahalaga ay matapos niya ang pagdarasal sa ikalabinlimang simbahan sa Maynila.
"Lord, anuena? Matagal pa ba? Kating-kati na akong maging Mrs. Ducani. Mahiya ka naman sa beauty kong pinagkaloob mo." Reklamo ni Saki habang nakatitig sa poon na nasa pinakaharap ng simbahan sa Sto. Domingo Church.
Tahimik ang simbahan dahil iilan lang silang naroon para mag-alay ng panalangin—iyon ay kung panalangin ang tawag sa mga reklamo niya.
Well, she's not entirely complaining. Siguro mga eighty percent lang daw dahil nag-alay naman daw siya ng dalawang Ama Namin sa pagitan ng mga reklamo niya.
Nayayamot niyang kinamot ang kanyang hita na mukhang nakagat pa yata ng insekto bago siya muling tumitig sa poon. "Magdodonate ho ako ng pang-insecticide dito sa simbahan ideliver niyo lang sa harap ko ang Ducani na para sa akin." Sumimangot siya at pinagsalikop ang mga palad na tila nakikiusap.
But ofcourse, Saki never begs. She, well, she "asks" what she thinks she deserves. At para sa kanya ay deserve na deserve niya ang maging Mrs. Ducani. Kung sinoman sa magkakapatid na Keeno, Krei, Klinn, o Keios iyon, wala na siyang pakialam basta ang idugtong na apelyido sa kanya ay ang bantog na anim na letrang apelyidong iyon.
"Sige kayo. Kapag hindi niyo ko binigyan ng Ducani, sasama ako sa kampon ng demonyo, magrerecruit pa ako! Gusto niyo iyon? Huh. Kasali kaya ako sa networking. Mamaniin ko lang iyon." Dugtong niya sa kanyang sariling bersyon ng "panalangin".
Babanata pa sana siya nang bigla na lamang dumagundong ang langit dahil sa malakas na kulog. Napapitlag si Saki at pinangatugan ng tuhod. Nanginginig ang kalamnan niyang tinignan uli ang altar saka nahihintakutang ngumisi nago nag-peace sign.
"Si papa God, hindi mabiro. Parang kaya naman kitang traydurin? Ako pa ba, si Saki? Magpapasunog sa impyerno? Sa ganda kong 'to?" She flipped her long and wavy hair pero muling umalingawngaw ang kulog.
Halos mapahawak siya sa kanyang dibdib. "Oo na hindi na!" Reklamo niya saka sinimangutan ang poon. "Ang pikon niyo naman eh. Bigyan niyo na kasi ako ng Ducani para oks na tayo. Ayaw niyo yun? Tatahimik na ang mga simbahan niyo kapag naging happy na ang lovelife ko." Hirit na naman niya.
Inaasahan na niya ang muling pagkulog. Tinakpan na niya ang kanyang tainga ngunit hindi na muling nagbowling ang langit. Kahit paano ay nakahinga siya ng maluwag.
Sus. Silence means yes, papa God! Akala mo hindi ko gets ah.
Sinukbit niya ang kanyang class A na Chanel bag sa kanyang balikat saka nginisihan ang altar. "Pang fifteen na 'to. Siguro naman iga-grant niyo na ang wish ko di ba?" Bulong niya bago tumayo at puno ng poise na rumampa palabas ng simbahan.
Wala sa kanya ang mga tinging inaani niya sa ingay ng kanyang takong. Para sa kanya ay tila siya santang pinupuri ng mga tao sa gandang taglay niya. What can she do? She's Misaki Akashi anyway. She was raised to be praised. Iyon ang motto nilang mag-ina.
Siguro nga ay totoo ang sinasabi ng mga taong may taglay siyang kayabangan pero hindi niya iyon iniintindi. Alam niya kung saan siya nakatayo, at alam din niya kung saan niya gustong magtungo.
She will marry one of those Ducani's by hook or by crook. Aba, hindi niya pinanood ang mga prayers sa Youtube para lang hindi sagutin ang mga panalangin niya, ano? Kahit pa madalas siyang pagalitan ng matalik na kaibigang si Jay, sige pa rin ang punta niya sa simbahan upang idulog ang kanyang mga "panalangin".
Kasalanan din kasi ng mama niya kung bakit hindi siya natuto ng tamang etiquette sa loob ng simbahan. Maaga kasi itong namatay at ang bilin sa kanya? Magpayaman. Kung hindi kaya, mag-asawa na lang ng mayaman.
Huwag daw siyang tumulad dito na nabuhay sa pagiging katulong ng mag-asawang hapon. Nakarelasyon nito ang among lalake at nabuo si Saki pero mas pinili pa rin ng kanyang ama ang orihinal na asawa dahil ito ang may pera.
Her father didn't give her the liberty to use the surname Akashi, and she honestly dislike using it. Ginagamit lang naman niya iyon para ipaalala sa sarili na kailangan niya iyong palitan ng mas matunog, ng mas makapangyarihan.
Pero aminado siyang hindi siya ang pinakamatalino sa klase. Hindi rin masabing siya ang pinaka-matyagang tao sa mundo para magtiis na magsimula sa pinakamababang posisyon kaya alam niyang isang paraan lang ang pwede para maiahon niya ang sarili sa hirap.
Ang mag-asawa ng mayaman at makapangyarihan. And who'd be more of a better target than those Ducani brothers? Sikat, mayaman, saksakan pa ng gwapo ang mga lintik. Noong nagsaboy nga yata ng swerte, nagliliwaliw ang mga ito sa ere.
If only she was born in a better family, or perhaps in a complete one. Hindi iyong ilaw na nga lang ang mayroon ang tahanang kinagisnan niya, napundi pa!
Ganda na lang talaga ang meron siya. Buti na lang meron siya no'n kung hindi ay baka talagang maawa na siya sa sarili.
TINAPOS ni Saki ang portfolio na kailangan niyang ipasa sa head organizer. Kahit paano ay nag-eenjoy siya sa trabaho bilang event staff ng isang kompanyang humahawak ng malalaking events sa bansa. Bagaman baguhan siya sa trabaho, madalas ay napupuri siya ng team leader nila dahil daw sa husay niyang mag-isip ng kakaibang tema para sa mga events.
May utak naman pala ako. Akala ko pati iyon pinagkait mo, Lord eh isusumpa na talaga kita kung ganda lang talaga ang binigay mo.
Naghikab siya at itinago sa ilalim ng kanyang desk ang portfolio bago niya sinulyapan ang relo niyang nabili sa Divisoria. Alas singko na. Ibig sabihin ay pwede na siyang mag-out para makadaan sa paborito niyang lugar.
Dinampot niya ang kanyang bag at scarf saka siya tumayo. Nagpaalam na siya sa mga kasamahan upang mauna nang lumabas ng kanilang opisina na hindi naman ganoon kalakihan sa kabila ng pagiging bantog ng nasabing kumpanya.
She's excited everytime the clok strikes five. Ibig sabihin saki no'n ay makakapunta na siya sa harap ng Ducani Empire. Kahit pa sabihin na hanggang labas lang siya palagi, sapat na sa kanyang mapagmasdan ang matayog na building na iyon.
She often stand across the street, watching expensive cars get out of the basement, wishing that one day, one of those cars will stop in front of her to give her a ride.
Syempre biro lang, kasi mas gusto niyang ayain na lang siyang makipag-date. Iyon naman ang plano niya noon pa.
Just like any other day, Saki found herself walking towards the Ducani Empire Building. Ilang blocks lang din naman ang layo no'n sa pinagtatrabahuhan niya kaya madalas ay nilalakad lang niya iyon. Gusto kasi niya iyong tinatanaw mula sa malayo, hinahangaan ang tayog nito na pangarap niyang maabot balang-araw.
Siguro nga ay mali siya sa paningin ng marami pero ano ang magagawa niya? Iyon ang paniniwala niya. Those who do not play dirty stay in the bottom. Ayaw niyang manatili sa putikan habambuhay.
Narating niya ang pamilyar na modernong building at gaya ng mga normal na araw, kusang umangat ang sulok ng kanyang mga labi nang mapagmasdan iyon. She didn't mind the busy street between her and the building, nor the sunset on her back. Not even the man sweeping the grounds, wearing a Ducani utility department uniform matched with blue cap and face mask.
Kung sinomang makakita sa kanya ay iisiping naroon lang siya ulit para hangaan ang lugar gaya ng ibang taong napapadaan doon. But Saki isn't a typical girl. Inangat niya ang kanyang mga kamay sa kanyang bibig bago sumigaw.
"Hoy mga Ducani! Ipinagdasal ko na sa labinlimang simbahan sa ka-Maynilaan na mapangasawa ako ng isa sa inyo! Come and get me now before it's too late!"
Gusto niyang matawa sa sariling kagagahan kaso naalala niyang gaga nga talaga siya at wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba.
Nakangisi niyang tiningala muli ang building habang ang hangin ay hinihipan ang kanyang mahabang buhok. She had already done her part for today. Aalis na sana siya nang magsalita ang lalakeng nagwawalis ng sidewalk.
"Huwag mong pangarapin ang magkakapatid na Ducani. Hindi masayang maging bahagi ng pamilya nila." Ani ng lalake sa baritonong tinig.
Napalingon sa kanya si Saki at nang magtama ang kanilang mga mata, nakaramdam ng kakaibang kabog sa dibdib si Saki. Hiding under his cap is a pair of intimidating dark pools. It has the ability to lock anyone with its gaze, making the person a slave of its own will.
And Saki isn't liking how the man was affecting her. Bumilis ang tibok ng kanyang puso sa hindi malamang dahilan lalo na nang humakbang ito palapit sa kanya hanggang sa wala nang isang metro ang maging distansya nila.
The man was tall with cream complexion. His built was enough to make him look like a jock in a janitor's costume. Regardless, Saki couldn't deny the fact that his oozing sex appeal is triggering her desire to see his whole face.
She was curious all of a sudden. Isang bagay na hindi niya maipaliwanag ngunit hindi rin niya malabanan. Ang alam niya lang ay may kakaiba sa paraan kung paano siya tignan ng lalaki. Parang umurong ang buntot niya at nalunok niya ang dila niya. Ni hindi niya ito mabawian ng mapangmalditang banat.
Gayunpaman, pinilit niyang suwayin ang sarili. Tinaasan niya ito ng kilay saka niya tinupi ang kanyang mga braso sa tapat ng kanyang dibdib. "At bakit hindi? Sa ganda kong ito, pustahan tayo. Mapapasakin ang isa sa magkakapatid na boss mo." Mayabang niyang ani habang hindi pa rin maalis ang pagtitig sa mga mata nitong tila hinihigop ang katinuan niya.
Mayamaya'y mahinang natawa ang lalake. Hinubad nito ang suot na sumbrero saka ginulo ang itim na buhok na nabasa na ng pawis. Bakit ganoon? Kahit pa alam ni Saki na pawisan ito, parang ang lakas pa rin ng dating nito? At ang amoy nito, lalakeng-lalake. Malayo sa expectation niyang nananapak na amoy.
"Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo, ma'am." Ani ng lalake bago hinubad ang suot na mask.
Halos malaglag ang panga ni Saki at lumuwa ang kanyang mga mata nang makita kung gaano kagwapo ang lalakeng kaharap. Napalunok na lamang siya nang gumalaw ang manipis at mamula-mula nitong mga labi upang kumorte para sa isang makahulugang ngiti.
Pinasadahan siya nito ng tingin saka ito umiling habang nakangisi. "Siguro dapat ko ring ipaalam sayo, Ma'am." Tumaas ang isang kilay nito at lumawak ang kurba sa labi nito habang matiim na nakatitig sa kanyang mga mata.
"It will take more than beauty to turn on a Ducani..."
Kabanata 2"Last sip..."Inusog ni Mr. Ty ang baso ng alak sa pwesto ni Saki ngunit kaagad siyang umiling habang pilit na nakangiti. Ang damuhong ito? Gusto yata siyang lasingin nang mapagsamantalahan? Ramdam naman niyang matagal na itong nagkakagusto sa kanya kaya nga tuwing umuuwi ng China ang asawa't mga anak nito ay nagyayaya ito ng inuman sa bahay nito kasama ang buong team nila.But Misaki wasn't born yesterday. Kahit na sabihing mayaman ang intsik niyang boss, hindi niya ipagpapalit ang sariling pangarap sa madaling makamit na karangyaan.Besides, Saki believes she wasn't born to be someone's mistress nor just a second wife. She was made to be the first and the last. The one and the only.Only of course, of a Ducani.Sa mga Ducani lamang pipintig ang kanyang puso. Sigurado siya roon kaya nga hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagkakaroon ng nobyo kahit bente singko na siya.
Kabanata 3Umikot kaagad ang mga mata ni Saki nang makita na naman ang pamilyar na bulto na palabas ng Ducani Empire at talagang nakatitig pa sa kanya. Tignan mo nga naman? Hindi pa pala nasisisante ang kumag? Akala pa naman niya ay tinamaan ito ng malas nang makilala siya at milagrong nawalan ng trabaho. Nilalanghap pa rin pala nito ang amoy ng building ng mga asawa niya.Mataray niyang tinaasan ng kilay ang lalake saka niya tiniklop ang mga braso niya sa tapat ng kanyang dibdib. "Nandito ka na naman?"Nakakalokong ngumisi ang lalake saka nito binagsak ang dust pan. Mwinestra nito ang kamay na tila sinasabing iyon ang pakay nito sa lugar pero pinaningkitan ito ng mga mata ni Saki."Madam, janitor ako rito. Nandito ako para alisin ang mga kalat sa lugar na 'to." Tila nakakalokong tugon nito bago siya tinaasan ng kilay. "Kayo ho? Nandito na naman kayo?"Nanlaki ang mga mata ni Saki at umawang ang kan
Kabanata 4Maingay ang mga empleyado ng maintenance department na masayang nagkakasiyahan sa function room ng building. Talagang tinupad ni Keeno ang sinabi ng kapatid. In order to help Kon give the old janitor the money it needed, he threw an insane hawaiian party for the maintenance team.Sumimsim sa kanyang beer si Keeno habang pinanonood mula sa main table ang kapatid na malayang nakakasalamuha ang kanilang mga empleyado. Kon was obviously keeping himself from getting close to their table—where he was supposed to be seated—to avoid their employees from getting a hunch of who Kanor Baltazar really is."Boss." Hayriss snapped her fingers to get his attention. Nabaling naman sa kanyang sekretarya ang kanyang atensyon."What is it?" He casually asked before taking another sip.Pinindot ni Hayriss ang tip ng kanyang electronic pen saka may chinekan sa kanyang tab. "Your brother, Keios, rescheduled hi
Kabanata 5"Ducani ako...kasi nagtatrabaho ako sa Ducani Empire. May rule kami sa kompanya na dadalhin namin ang apelyido ng may-ari sa lahat nang panahon para maisapuso namin ang pagiging bahagi ng kompanya."Napasimangot si Saki at halos tusukin ng tinidor si Kanor. "Yung legit na Ducani ang hinahanap ko hindi yung promoted to be a Ducani!"Mahinang humalakhak si Kanor saka tinaasan ng kilay si Saki. "Bakit? Hindi ba ako papasa bilang tunay na Ducani, hmm?" Mapanuya nitong nilapit pa ang mukha kaya uminit nang husto ang pisngi ni Saki. "Sabihin mo, Saki. Hindi ba?"Saki's heart almost jumped out of her chest when Kanor traced his fingertips on her burning cheek. Nahigit niya ang kanyang hininga at kinabig ang sariling ulo palayo bago pa siya traydorin ng kanyang sistemang nagwawala na dahil sa lalaki.Naging mapanuya ang ngiti sa mga labi ni Kanor, halatang naaaliw sa nakikitang reaksyon niya. Nan
Kabanata 6Kon watched his brother, Keeno, put its black ensemble of suit and tie. Siya ay tanging ang navy blue long sleeve polo, black pants, at black shoes mula sa isang kilalang boutique ang suot. Ang kanyang suit jacket at bow tie ay nakapatong lamang sa kanyang kaliwang hita, ang kanyang mga daliri ay panay ang tambol sa backrest ng sofang inuupuan.The room smells like freshly brewed coffee because of Keeno's coffee brewer. Dahil sa sobrang hilig nito sa kape ay mayroon itong sarili sa kanyang silid. Wala namang problema roon si Kon dahil kahit paano ay gusto niya ang amoy ng kape, ngunit mas type lang talaga niya ang lasa ng tsokolate kaya madalas siyang alaskahin ni Keeno na "Milo"."Keios is expecting Dad to be in the party." Basag ni Keeno sa katahimikang namamagitan sa kanilang magkapatid.Kon sighed heavily. "I know. But sorry, bro. I don't think it's the perfect time to show myself to our d
Kabanata 7Kon sipped on his glass of champagne while looking at the scene at the end of the staircase. Prenteng nakakalso ang isa niyang kamay sa wooden railing habang ang mga mata ay hindi naaalis sa dalawang pamilyar na bultong kanina pa niya pinanonood nang lapitan siya ng kapatid na si Keeno kasama ang sekretarya nito. Ang dalawa ay parehong suot ang kanilang mga maskara gaya niya at ang mga mata'y sinundan ang direksyong kanyang tinitignan sa ibaba.Tinapik ni Keeno ang kanyang balikat saka ito ngumisi. "Look who Krei just found?"Umismid si Hayriss. "You're lucky it's not Keios who's talking to her right now, boss."Kon smirked before he drank the last of his champagne. "Keios likes the innocent ones. That woman is a tigress." Tumingin siya kina Keeno at Hayriss. "Trust me. Hindi rin siya uubra sa isang iyan kung nagkataon."Mahinang natawa si Keeno. "And Krei isn't going to hit on that girl
Kabanata 8Nahaplos ni Saki ang kanyang mga labi habang wala sa sariling naglalakad patungo sa taxi bay. Pakiramdam niya ay nakalutang pa rin siya sa ere kapag naaalala niya kung paanong matapos niyang itango ang kanyang ulo, tuluyang lumapat ang malalambot na mga labi ni Kon Ducani sa kanyang mga labi.It was quick, but magical. Like a kiss of a prince in a fairytale she used to dream about when she was young. Ni hindi nga gumalaw si Kon at pareho lamang na sumara ang kanilang mga mata habang dinadama niya ang bolta-boltaheng kuryenteng dumaloy sa kanyang katawan.Para siyang nanaginip. Tila hindi pa rin nga niya mapaniwalaang nahalikan siya ng isang Ducani. Talaga nga yatang pagdating sa Ducani, nahuhubad ang maskara niyang tigresa.She squirmed and then tried to calm herself down again. Para siyang timang sa itsura niya at pasalamat na lamang siyang madaling araw na kaya kaunti na lamang ang pwedeng makakita sa k
Kabanata 9Kon had to rush to the hospital when he heard the news. Mabigat man sa loob niyang hindi matupad ang pangako kay Saki na maglulugaw sila, kailangan niyang unahin ang nangyari dahil walang ibang makatutulong sa matandang janitor kung hindi siya.It was the man he paid to watch over Lori who called him. Nag-hire siya ng sariling nurse para rito nang hindi nalalaman ni Tatay Manny upang masigurado niyang lahat ng kailangan ay nairereport sa kanya. Si Lori na lang ang mayroon ang janitor at dahil hindi siya nito itinuring na iba, walang sawa niya itong tutulungan sa abot ng kanyang makakaya.Napabuga siya ng hangin matapos niyang ipasok sa bulsa ng kanyang pantalon ang kanyang cellphone. Lumabas siya mula sa fire exit kung saan niya sinagot ang tawag, saka siya bumalik sa silid ni Lori, ang panganay ni Tatay Manny na nadiagnose na may butas sa puso. Lori's younger sister was taken by their mother. Naghiwalay kasi si Tatay Man
HEARTS IN DISGUISE BOOK TWOA/N: Hi! This is the beginning of Saki and Kanor’s love story 2.0. This will revolve around their married/family life. I hope hindi lang ako ang naka-miss sa kanilang tambalan, hehe. So, here it is. Enjoy reading!KAGAGALING lamang ni Saki sa supermarket upang mamili ng ihahanda sa anniversary nilang mag-asawa nang marinig niya si Kon mula sa kusina. He’s on his phone again, talking to someone with so much sweetness while he’s flipping pancakes. Maingat na pumwesto si Saki sa pinto ng kusina, sinigurong hindi siya mapapansin ng magaling niyang asawa.Kanor put the spatula down and sighed. “Yes, I promise you I’ll be there. Tatapusin ko lang ‘to, okay? No, of course she’s not going to find out. Tatakas ako, yes, I love you.”Naningkit ang natural nang singkit na mga mata ni Saki. What the hell does this supposed to mean? Nambababae ba ang magaling na si Konnar Ducani?
EPILOGUE"If it's not too much to ask, I'm begging God to give me a hundred lifetimes more to love you, dahil hindi pa sapat sa akin ang ilang dekada, Saki. It ain't just 'til death do us part, mahal. 'Til eternity, we will never be apart."Hindi na yata naubos ang luha ni Saki kaiiyak sa tuwing sinasabi ni Kon ang wedding vows nito. Panglabin-limang simbahan na ito, ngunit sa tuwing lumalakad siya sa isle at nakikita kung gaano katamis ang ngiti nito sa kanya habang naluluha, pakiramdam niya, unang beses pa rin nilang maikakasal.He kept his promise. In just a month, he married her in all the churches where she demanded to be with a Ducani. Pinaramdam sa kanya ni Kon na ito ang tutupad ng panalangin niyang iyon, hindi lamang dahil iyon ang kahilingan niya kung hindi dahil ang makasama siya sa buhay na ito at sa mga susunod pa ang nais ng puso nito.Sa tuwing gumigising siya at napagmamasdan ang promise r
Kabanata 30NALUHA nang tuluyan si Saki habang nakatitig sa pares ng mga matang punong-puno ng pagmamahal para sa kanya. Those coal-black pools that never seem to dim its sparkle whenever he looks at her with the kind of affection she wouldn't wish to see on anyone else, slowly watered as Kon took in a deep breath."Saki..." His voice was a bit shaky compared when he asked the question.Nagtubig ang mga mata ni Saki. "Kon." She looked around. "S—Seryoso ba 'to? Eiji? Tito Khalil? Jay?"They all smiled at her with teary eyes, masaya para sa kanilang pareho ni Kon dahil sa wakas, malapit na nilang simulan ang panibagong buhay na magkasama.Muli niyang binalik ang tingin kay Kon na naghihintay ng kanyang tugon habang iniisip nito kung paano niyang binuo ang lahat para sa proposal na magmamarka sa kasaysayan, at magpapakilala nang tuluyan sa mundo kung paano magmahal ang isang Konnar Ducani.
Kabanata 29"SHE'S someone from the past but you have nothing to worry about her."Hanggang ngayon ay hindi pa rin natatanggal sa isip ni Saki ang naging tugon ni Kon nang tanungin niya ito kung sino ang Alice na kausap nito sa cellphone. Ayaw niyang magduda, ngunit ilang beses pa niyang nakitang ka-text ito ni Kon bago umuwi ng Pilipinas kaya ngayong mag-isa na siya sa Japan, hindi siya mapakali.Naalala niya ang sinabi noon ni Eiji. Nag-propose daw noon si Kon sa isang babae pero hindi sila kaagad nagpakasal dahil nanghingi pa ng ilang taon ang babaeng tinutukoy ni Eiji. Tinanong na niya ang kapatid niya tungkol sa sinabi nito noon pero wala ring idea si Eiji. Kon never revealed his life. Puro haka-haka kagaya ng pananatili nito sa dilim.Muli niyang pinakawalan ang hangin sa kanyang dibdib at tuluyang bumangon. Sinubukan niya itong tawagan, ngunit sa pangatlong pagkakataon, busy na naman ang linya ni Kon.
Kabanata 28BUMAGSAK ang mga balikat ni Saki nang makita ang resulta ng pregnancy test. Tatlo ang binili niya sa drugstore para makasiguro at lahat iyon, iisa ang result."It's negative." She said in a disappointed tone while still sitting on the bowl.Bumuntong hininga si Kon saka ito nagsquat sa kanyang harap. Inagaw nito ang mga test kits na hawak niya saka nito kinulong ang kanyang mga kamay sa mga palad nito."It's okay, Saki. We'll keep trying." Tugon nito, halatang binubuhay ang pag-asa niya bago siya nito hinatak upang mayakap. "Don't pressure yourself too much. Masyado pa rin namang maaga para sa baby. We can still enjoy each other first."Lumamlam ang kanyang mga mata. Sa totoo lang, hindi lang namin ito dahil sa hiling ng Daddy ni Kon na magka-apo na sa kanila. Gusto niya na ring maranasan ang magbuntis at magka-baby. Ewan ba niya pero mula nang magkabalikan sila ni Kon, nabuhay na ang ka
Kabanata 27MANGANI-NGANING tadyakan ni Kon sina Tobias at Secretary Beun nang habulin siya ng mga ito sa loob ng airport. Pinapapasok na ang lahat ng may ticket para sa Lucky Star Airlines sa departure area ngunit nang magbanyo siya sandali, sinundan siya ng dalawa at trinap sa loob at ngayon, ilang minuto na lang ay maiiwan na siya ng eroplano."Palabasin niyo na ko o masisisante ko talaga kayo!" Singhal niya sa mga ito ngunit hindi talaga nagsi-alis ng pinto.Sumasakit na ang ulo niya! Kanina pa siya pinuputakte ng dalawang ito at talagang diterminadong pigilan ang pag-uwi niya. He taught Tobias to be determined but not to use it someday towards him!"Sorry, bossing pero last choice na 'to." Ani Tobias at pinatunog pa ang leeg bago kumilos.Pinagtulungan siya ng dalawa at nang maagaw ni Tobias ang kanyang boarding pass at passport, pinagpupunit ito sa kanyang harap hanggang
Kabanata 26NAHILOT ni Kon ang kanyang sintido nang magsanib-pwersa si Tobias at Secretary Beun sa pagpigil sa kanyang umuwi na ng Pilipinas. Ayaw talagang ibigay ng mga ito ang maleta niya at parehas pang humarang sa trunk na animo'y mga rugby player na hindi siya hahayaang mailabas ang gamit niya.His lips pursed together as he sighed heavily. Sinamaan niya ng tingin ang mga ito ngunit kahit halatang takot, nanatili ang dalawa sa kanilang pwesto."Move or I will fire the both of you." Mariin niyang ani sa dalawa.Halos sabay na napalunok ang mga ito. Sandali pang nagkatinginan ngunit tila nag-usap pa gamit ang mga mata bago sabay ding iniling ang mga ulo."A—Ang bilin nila Sir Keeno, huwag kang uuwi nang walang Miss Saki." Nanginginig ang tinig na sabi ni Tobias bago umayos ng tindig at sinuntok ang dibdib. "At hindi rin kami papayag, Sir." Siniko nito si Secretary Beun.Tumikhim
Kabanata 25EVERYTHING went so fast. With just Kon's few swift moves, Saki is fully naked under him, moaning in his mouth and scratching her long fingernails on his back."Kon..." She cried in pure bliss as the sultry feeling consumed her.Hindi na gumagana ang rasyonal na bahagi ng kanyang isip at ang galit para rito, tuluyan nang tumilapon palabas ng nadadarang niyang katawan.The heat was too much for her to take. When his tongue glided inside her mouth to taste every corner, her plea for more brought more fuel to the fire that burns the both of them.Humagod sa kanyang baywang ang mainit na palad ni Kon, dinadama ang makinis niyang balat, at sa bawat piga at haplos, dumadaing siya sa pagkatupok."Two years." He growled lusciously as he suckled her neck. "Two fucking years I've been lonely."A series of delicious moan was her only answer. Maging
Kabanata 24HUMIHIKAB pa si Saki nang lumabas ng kanyang silid ngunit nang matanaw niya sa sala si Kon na abalang mag-vacuum ng carpet, sandali siyang natigilan. Hindi nga siya binabangungot. Naririto nga talaga ito at talagang pinanindigan ang pagiging all-around!Napailing si Saki. Nang matanaw siya nito ay sandali nitong in-off ang vacuum saka tumuwid ng tayo."Good morning, mahal." Nakangisi nitong bati sa kanya.Umikot ang mga mata ni Saki habang pababa ng hagdan. "Walang maganda sa umaga at huwag mo kong tawaging mahal hindi na tayo-""Mahal kong Ma'am Saki." Dugtong nito bago mahinang tumawa saka umiiling na binuhay muli ang vacuum.Nagngitngit ang mga ngipin ni Saki sa inis. Talagang hanggang ngayon talent pa rin nito ang bwisitin siya nang walang kahirap-hirap. Ang aga-aga, sira na kaagad ang mood niya at sigurado siyang hindi rin matatapos ang araw na hindi siya