Kabanata 2
"Last sip..."
Inusog ni Mr. Ty ang baso ng alak sa pwesto ni Saki ngunit kaagad siyang umiling habang pilit na nakangiti. Ang damuhong ito? Gusto yata siyang lasingin nang mapagsamantalahan? Ramdam naman niyang matagal na itong nagkakagusto sa kanya kaya nga tuwing umuuwi ng China ang asawa't mga anak nito ay nagyayaya ito ng inuman sa bahay nito kasama ang buong team nila.
But Misaki wasn't born yesterday. Kahit na sabihing mayaman ang intsik niyang boss, hindi niya ipagpapalit ang sariling pangarap sa madaling makamit na karangyaan.
Besides, Saki believes she wasn't born to be someone's mistress nor just a second wife. She was made to be the first and the last. The one and the only.
Only of course, of a Ducani.
Sa mga Ducani lamang pipintig ang kanyang puso. Sigurado siya roon kaya nga hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagkakaroon ng nobyo kahit bente singko na siya.
"Sige na, Saki. Wag kang kj. Bibigyan naman kita ng bonus." Pang-uuto ni Mr. Ty.
Pekeng tumawa si Saki. Sumandal siya sa sofa at hinawi ang kanyang mahabang buhok. Saki likes experimenting hair colors. Noong isang buwan ay nag ombre siya ng green. Ngayon naman ay pinalitan niya ito ng gray kaya nagmukha siyang japanese doll. Natural ang kanyang puti kaya naman kahit half-japanese lamang siya ay talagang kinaiinggitan ng mga katrabaho ang kanyang kutis at singkit na mga mata.
"Mr. Ty naman." Malambing niyang ani sa kanyang boss bago niya tiniklop ang kanyang mga braso sa tapat ng kanyang dibdib. "Ayaw ko sa lahat ay nag-aamoy alak."
"Minsan lang naman ito." Pilit ng kanyang boss at akmang uusog palapit sa kanya nang umakto siyang naalibadbaran.
"Urgh! And guys who smell like alcohol and cigarette really disgust me."
Natigilan ang kanyang boss. "Am I disgusting to you?"
Pekeng ngumiti si Saki. "Si bossing naman. Hindi naman sa ganun pero ayoko talaga ng amoy ng alak. Alam mo naman, baka mapunta sa akin ang amoy. Ayokong nangangamoy mabaho."
Nilabas niya ang kanyang perfume at nagspray sa sarili. "There. Amoy Saki na ulit. Ang bango ko hindi ba?" Mapang-akit niyang tanong sa boss niya.
Parang asong ulol na natulala sa kanya ang kanyang boss nang ngitian niya ito. Kung alam lang ng boss niya kung gaano siyang nag-eenjoy sa nakikitang itsura nito. She loves to see men drooling over her. Senyales kasi iyon sa kanya na taglay niya ang ganda at karismang pwedeng makapagtupad ng pangarap niya.
Kahit pa sinabi ng lintik na janitor ng Ducani Empire na hindi lang ganda ang kakailanganin niya upang makapagpaibig ng isang Ducani.
She wanted to scream at that handsome janitor. Kung hindi lamang ito tinawag ng isang empleyado roon para ipalinis ang opisina sa seventy eighth floor.
Speaking of that guy, one week na rin mula nang makita niya ito sa labas ng Empire ngunit mula noon ay hindi na muling nagkrus ang kanilang landas.
Napaismid si Saki nang maalala ito. Maybe someone was finally got fired for meddling with other people's business.
"Kanor, tawag ka sa 78th floor. Linisin mo na raw ang opisina ni Sir Keeno." Utos ng isa sa mga utility men ng kumpanya.
Umayos ng tindig si Kon at tinabi ang kanyang mop sa lagayan bago niya pinunasan ng likod ng kanyang braso ang kanyang pawis sa noo.
Hinubad niya ang kanyang sumbrero at pinaypay sa sarili bago tumango sa kasamahan. "Sige, Tatang Manny. Aakyat na ako."
Tumango ang matandang janitor. "Hindi talaga pinapalinis sa iba ang opisina ni bossing ah. Sayo lang talaga. Kung sabagay maayos ka kasing magtrabaho at maliksi pa." Kumento nito.
Ngumisi si Kon. "Akala niyo lang, Tatang. Minsan sina Paulo at Noel din ang naglilinis do'n."
"Ganun ba? Oh siya sige umakyat ka na at baka masita ka pa ni bossing."
"Sige, Tang." Tinulak niya ang lagayan niya ng mga panlinis ngunit nang malampasan ang matanda ay sandali siyang tumigil. "Oo nga pala, Tatang. Napa-check up niyo na ba si Lori?"
Bumuntong hininga ang matanda saka umiling. "Hindi pa kulang pa kasi ang pera, hijo." Tugon ng matanda na bakas ang lungkot sa mga mata.
Hindi na kumibo si Kon. Muli niyang isinuot ang kanyang sumbrero at tinulak ang mga gamit patungo sa elevator upang pumuta sa nag-iisang opisina kung saan malaya siyang maging siya.
The door swung open and Keeno met his eyes. Binaba nito sandali ang tingin sa pinipirmahang papeles bago ito tumindig at tinungo ang mini fridge na naroon para kumuha ng malamig na inumin para sa kanila.
"I'll be flying to Sydney on Saturday. Ground breaking ng new branch ng Hotel Khallisa sa Linggo." Ani Keeno nang makapwesto siya sa visitor's chair ng opisina.
Kon ran his fingers on his unruly hair. Tinanggal niya ang pagkakabutones ng kanyang unipormeng pantaas saka ito hinubad, naiwan lamang ang kanyang hapit na puting sando.
"Will Dad join you?" Tanong niya kay Keeno nang iabot nito sa kanya ang malamig na beer.
Keeno sat on the table's edge. Uminom ito sandali sa kanyang beer bago nito iniling ang ulo. "Baka hindi. Kahit si Krei ay hindi ako masasamahan."
"Solo mo ulit. Kaya mo na yan." Aniya saka sumimsim sa kanyang beer.
Umismid si Keeno. "You know what? Malapit ko nang isiping nilalamangan mo ako kaya ako nang ako ang humaharap sa mga kliyente."
Ngumisi si Kon at mahinang umiling. "Oldest siblings often get away from responsibilities."
Keeno laughed softly. "Right, pero sa mata ng mga tao ay ako ang panganay kaya unfair. Krei supposed to take more loads."
"As if Krei would let you." He chuckled before sipping on his beer. "Anyway, si Tatay Manny, kailangan niya ng pera para sa pagpapaopera ng anak niya."
"Would you want me to transfer some funds?" Tanong ni Keeno.
Umiling siya. "No, it'll be too obvious. Ang alam ko sa akin lang niya sinabi ang kalagayan ni Lori. Make a show. Mas hindi sila maghihinala kung ganoon niyang paraan makukuha ang pera."
Nagsalubong ang mga kilay ni Keeno. "What show?"
"Throw an employee day. Treat the facility management team. Have a raffle. Make sure Tatang Manny will win the grand prize." Ani Kon bago tumindig at tinungo ang higanteng glass wall ng opisina—ang direksyon kung saan natatanaw niya ang isang pamilyar na pwesto.
"Father of deception, Kon. Ikaw na talaga ang hari ng pagpapanggap. But seriously, pwede mo nang itigil 'to. Ilang taon ka nang nagpapakapawis sa mga trabahong hindi naman nararapat sayo." Muli ay pangungumbinsi ng kapatid.
Napabuga ng hangin si Kon saka niya tiniklop ang kanyang mga braso. Ang mga mata niya ay nanatiling nakatitig sa pamilyar na pwesto sa ibaba bagaman masyadong mataas ang kanyang pwesto at tila langgam lamang ang mga tao sa ibaba.
"What I am doing makes me a better leader, Keeno." He glanced at his brother over his shoulder. "I see the empire from the bottom and from the top so I know what's really going on."
"But do you really have to sweat yourself for the sake of pretention?" Kunot ang noong tanong ni Keeno.
Mapakla siyang napangiti. Ilang beses na ba siyang kinumbinsi ng dalawa niyang kapatid na itigil na ang ginagawa niya? Hindi na niya mabilang pero alam niyang hindi pa panahon para tumuntong sa ilalim ng liwanag. As long as he hasn't found out who's stealing money from their company, he wouldn't stop mopping floors and cleaning cubicles.
"Just trust me on this one, Keeno. Isa pa, ito naman ang buhay ko bago ako naging parte ng pamilya niyo." Muli niyang binalik ang tingin sa ibaba.
"Ng magulo nating pamilya." Dugtong naman ni Keeno.
Pareho silang natawa sa biro nito. Alam naman niya iyon. May mga bagay tungkol sa pamilya nila na gaya niya, nananatiling nakatago sa dilim dahil iyon ang mas makabubuti.
Natigil ang kanilang tawanan nang tumunog ang intercom at nagsalita ang sekretarya ni Keeno na si Hayriss. Ang nag-iisang taong napagkakatiwalaan nila ng kanilang mga sikreto.
"Boss? The girl is back." Ani Hayriss.
Nagkatinginan si Keeno at Kon. Mayamaya ay tumaas ang kilay ni Keeno at nakangising umiling. "Someone seemed to be really persistent."
Napangisi si Kon. Naglakad siya palabalik sa kanyang pwesto kanina at sinuot muli ang pang-itaas na uniporme. "Then let's give her a show, shall we?"
"Hinay-hinay, bro. Baka sayo naman mahulog 'yan. Sabi mo nga, sa isang 'Ducani' niyang gustong magpakasal."
Nagtawanan sila sa biro ni Keeno. "Ang malas niya, boss. I am just a janitor." He answered with his exaggerated filipino accent that made Keeno chuckle again.
"Sayang. Konnar Ducani has to take a step back." Kon licked his lips before he flashed a meaningful smile while running his fingers on his hair. "Type siya ni Kanor Baltazar."
Kabanata 3Umikot kaagad ang mga mata ni Saki nang makita na naman ang pamilyar na bulto na palabas ng Ducani Empire at talagang nakatitig pa sa kanya. Tignan mo nga naman? Hindi pa pala nasisisante ang kumag? Akala pa naman niya ay tinamaan ito ng malas nang makilala siya at milagrong nawalan ng trabaho. Nilalanghap pa rin pala nito ang amoy ng building ng mga asawa niya.Mataray niyang tinaasan ng kilay ang lalake saka niya tiniklop ang mga braso niya sa tapat ng kanyang dibdib. "Nandito ka na naman?"Nakakalokong ngumisi ang lalake saka nito binagsak ang dust pan. Mwinestra nito ang kamay na tila sinasabing iyon ang pakay nito sa lugar pero pinaningkitan ito ng mga mata ni Saki."Madam, janitor ako rito. Nandito ako para alisin ang mga kalat sa lugar na 'to." Tila nakakalokong tugon nito bago siya tinaasan ng kilay. "Kayo ho? Nandito na naman kayo?"Nanlaki ang mga mata ni Saki at umawang ang kan
Kabanata 4Maingay ang mga empleyado ng maintenance department na masayang nagkakasiyahan sa function room ng building. Talagang tinupad ni Keeno ang sinabi ng kapatid. In order to help Kon give the old janitor the money it needed, he threw an insane hawaiian party for the maintenance team.Sumimsim sa kanyang beer si Keeno habang pinanonood mula sa main table ang kapatid na malayang nakakasalamuha ang kanilang mga empleyado. Kon was obviously keeping himself from getting close to their table—where he was supposed to be seated—to avoid their employees from getting a hunch of who Kanor Baltazar really is."Boss." Hayriss snapped her fingers to get his attention. Nabaling naman sa kanyang sekretarya ang kanyang atensyon."What is it?" He casually asked before taking another sip.Pinindot ni Hayriss ang tip ng kanyang electronic pen saka may chinekan sa kanyang tab. "Your brother, Keios, rescheduled hi
Kabanata 5"Ducani ako...kasi nagtatrabaho ako sa Ducani Empire. May rule kami sa kompanya na dadalhin namin ang apelyido ng may-ari sa lahat nang panahon para maisapuso namin ang pagiging bahagi ng kompanya."Napasimangot si Saki at halos tusukin ng tinidor si Kanor. "Yung legit na Ducani ang hinahanap ko hindi yung promoted to be a Ducani!"Mahinang humalakhak si Kanor saka tinaasan ng kilay si Saki. "Bakit? Hindi ba ako papasa bilang tunay na Ducani, hmm?" Mapanuya nitong nilapit pa ang mukha kaya uminit nang husto ang pisngi ni Saki. "Sabihin mo, Saki. Hindi ba?"Saki's heart almost jumped out of her chest when Kanor traced his fingertips on her burning cheek. Nahigit niya ang kanyang hininga at kinabig ang sariling ulo palayo bago pa siya traydorin ng kanyang sistemang nagwawala na dahil sa lalaki.Naging mapanuya ang ngiti sa mga labi ni Kanor, halatang naaaliw sa nakikitang reaksyon niya. Nan
Kabanata 6Kon watched his brother, Keeno, put its black ensemble of suit and tie. Siya ay tanging ang navy blue long sleeve polo, black pants, at black shoes mula sa isang kilalang boutique ang suot. Ang kanyang suit jacket at bow tie ay nakapatong lamang sa kanyang kaliwang hita, ang kanyang mga daliri ay panay ang tambol sa backrest ng sofang inuupuan.The room smells like freshly brewed coffee because of Keeno's coffee brewer. Dahil sa sobrang hilig nito sa kape ay mayroon itong sarili sa kanyang silid. Wala namang problema roon si Kon dahil kahit paano ay gusto niya ang amoy ng kape, ngunit mas type lang talaga niya ang lasa ng tsokolate kaya madalas siyang alaskahin ni Keeno na "Milo"."Keios is expecting Dad to be in the party." Basag ni Keeno sa katahimikang namamagitan sa kanilang magkapatid.Kon sighed heavily. "I know. But sorry, bro. I don't think it's the perfect time to show myself to our d
Kabanata 7Kon sipped on his glass of champagne while looking at the scene at the end of the staircase. Prenteng nakakalso ang isa niyang kamay sa wooden railing habang ang mga mata ay hindi naaalis sa dalawang pamilyar na bultong kanina pa niya pinanonood nang lapitan siya ng kapatid na si Keeno kasama ang sekretarya nito. Ang dalawa ay parehong suot ang kanilang mga maskara gaya niya at ang mga mata'y sinundan ang direksyong kanyang tinitignan sa ibaba.Tinapik ni Keeno ang kanyang balikat saka ito ngumisi. "Look who Krei just found?"Umismid si Hayriss. "You're lucky it's not Keios who's talking to her right now, boss."Kon smirked before he drank the last of his champagne. "Keios likes the innocent ones. That woman is a tigress." Tumingin siya kina Keeno at Hayriss. "Trust me. Hindi rin siya uubra sa isang iyan kung nagkataon."Mahinang natawa si Keeno. "And Krei isn't going to hit on that girl
Kabanata 8Nahaplos ni Saki ang kanyang mga labi habang wala sa sariling naglalakad patungo sa taxi bay. Pakiramdam niya ay nakalutang pa rin siya sa ere kapag naaalala niya kung paanong matapos niyang itango ang kanyang ulo, tuluyang lumapat ang malalambot na mga labi ni Kon Ducani sa kanyang mga labi.It was quick, but magical. Like a kiss of a prince in a fairytale she used to dream about when she was young. Ni hindi nga gumalaw si Kon at pareho lamang na sumara ang kanilang mga mata habang dinadama niya ang bolta-boltaheng kuryenteng dumaloy sa kanyang katawan.Para siyang nanaginip. Tila hindi pa rin nga niya mapaniwalaang nahalikan siya ng isang Ducani. Talaga nga yatang pagdating sa Ducani, nahuhubad ang maskara niyang tigresa.She squirmed and then tried to calm herself down again. Para siyang timang sa itsura niya at pasalamat na lamang siyang madaling araw na kaya kaunti na lamang ang pwedeng makakita sa k
Kabanata 9Kon had to rush to the hospital when he heard the news. Mabigat man sa loob niyang hindi matupad ang pangako kay Saki na maglulugaw sila, kailangan niyang unahin ang nangyari dahil walang ibang makatutulong sa matandang janitor kung hindi siya.It was the man he paid to watch over Lori who called him. Nag-hire siya ng sariling nurse para rito nang hindi nalalaman ni Tatay Manny upang masigurado niyang lahat ng kailangan ay nairereport sa kanya. Si Lori na lang ang mayroon ang janitor at dahil hindi siya nito itinuring na iba, walang sawa niya itong tutulungan sa abot ng kanyang makakaya.Napabuga siya ng hangin matapos niyang ipasok sa bulsa ng kanyang pantalon ang kanyang cellphone. Lumabas siya mula sa fire exit kung saan niya sinagot ang tawag, saka siya bumalik sa silid ni Lori, ang panganay ni Tatay Manny na nadiagnose na may butas sa puso. Lori's younger sister was taken by their mother. Naghiwalay kasi si Tatay Man
Kabanata 10Napasimangot na naman si Saki nang pumatak na't lahat ang alas dose ng gabi ay wala pa rin siyang tawag o text na natatanggap mula sa lintik na janitor na pinaasa siya ng lugaw date. Okay, she must be out of her mind for fussing around because of his version of date, but she just can't help it. Kumukulo talaga ang dugo niya at lalo lamang siyang naiinis dahil hindi niya kayang tukuyin kung saan ba talaga niya hinuhugot ang galit kay Kanor.Sa naunsyaming lugaw date o sa babaeng sumagot ng kanyang tawag?"None of the above, boba!" Sinampal-sampal niya ang kanyang mga pisngi bago sinabunutan ang sarili habang gumugulong sa kama. "Huwag mong sabihing isa sa mga 'yon ang rason mo?! Tanga! Tanga ka, Saki!" Asik niya sa kanyang sarili.She sighed. Bakit ba kasi niya iniisip pa iyon? Kanor should be the last of her concern. For goodness' sake they are not even friends, kung siya ang tatanungin. Mas lalong hindi
HEARTS IN DISGUISE BOOK TWOA/N: Hi! This is the beginning of Saki and Kanor’s love story 2.0. This will revolve around their married/family life. I hope hindi lang ako ang naka-miss sa kanilang tambalan, hehe. So, here it is. Enjoy reading!KAGAGALING lamang ni Saki sa supermarket upang mamili ng ihahanda sa anniversary nilang mag-asawa nang marinig niya si Kon mula sa kusina. He’s on his phone again, talking to someone with so much sweetness while he’s flipping pancakes. Maingat na pumwesto si Saki sa pinto ng kusina, sinigurong hindi siya mapapansin ng magaling niyang asawa.Kanor put the spatula down and sighed. “Yes, I promise you I’ll be there. Tatapusin ko lang ‘to, okay? No, of course she’s not going to find out. Tatakas ako, yes, I love you.”Naningkit ang natural nang singkit na mga mata ni Saki. What the hell does this supposed to mean? Nambababae ba ang magaling na si Konnar Ducani?
EPILOGUE"If it's not too much to ask, I'm begging God to give me a hundred lifetimes more to love you, dahil hindi pa sapat sa akin ang ilang dekada, Saki. It ain't just 'til death do us part, mahal. 'Til eternity, we will never be apart."Hindi na yata naubos ang luha ni Saki kaiiyak sa tuwing sinasabi ni Kon ang wedding vows nito. Panglabin-limang simbahan na ito, ngunit sa tuwing lumalakad siya sa isle at nakikita kung gaano katamis ang ngiti nito sa kanya habang naluluha, pakiramdam niya, unang beses pa rin nilang maikakasal.He kept his promise. In just a month, he married her in all the churches where she demanded to be with a Ducani. Pinaramdam sa kanya ni Kon na ito ang tutupad ng panalangin niyang iyon, hindi lamang dahil iyon ang kahilingan niya kung hindi dahil ang makasama siya sa buhay na ito at sa mga susunod pa ang nais ng puso nito.Sa tuwing gumigising siya at napagmamasdan ang promise r
Kabanata 30NALUHA nang tuluyan si Saki habang nakatitig sa pares ng mga matang punong-puno ng pagmamahal para sa kanya. Those coal-black pools that never seem to dim its sparkle whenever he looks at her with the kind of affection she wouldn't wish to see on anyone else, slowly watered as Kon took in a deep breath."Saki..." His voice was a bit shaky compared when he asked the question.Nagtubig ang mga mata ni Saki. "Kon." She looked around. "S—Seryoso ba 'to? Eiji? Tito Khalil? Jay?"They all smiled at her with teary eyes, masaya para sa kanilang pareho ni Kon dahil sa wakas, malapit na nilang simulan ang panibagong buhay na magkasama.Muli niyang binalik ang tingin kay Kon na naghihintay ng kanyang tugon habang iniisip nito kung paano niyang binuo ang lahat para sa proposal na magmamarka sa kasaysayan, at magpapakilala nang tuluyan sa mundo kung paano magmahal ang isang Konnar Ducani.
Kabanata 29"SHE'S someone from the past but you have nothing to worry about her."Hanggang ngayon ay hindi pa rin natatanggal sa isip ni Saki ang naging tugon ni Kon nang tanungin niya ito kung sino ang Alice na kausap nito sa cellphone. Ayaw niyang magduda, ngunit ilang beses pa niyang nakitang ka-text ito ni Kon bago umuwi ng Pilipinas kaya ngayong mag-isa na siya sa Japan, hindi siya mapakali.Naalala niya ang sinabi noon ni Eiji. Nag-propose daw noon si Kon sa isang babae pero hindi sila kaagad nagpakasal dahil nanghingi pa ng ilang taon ang babaeng tinutukoy ni Eiji. Tinanong na niya ang kapatid niya tungkol sa sinabi nito noon pero wala ring idea si Eiji. Kon never revealed his life. Puro haka-haka kagaya ng pananatili nito sa dilim.Muli niyang pinakawalan ang hangin sa kanyang dibdib at tuluyang bumangon. Sinubukan niya itong tawagan, ngunit sa pangatlong pagkakataon, busy na naman ang linya ni Kon.
Kabanata 28BUMAGSAK ang mga balikat ni Saki nang makita ang resulta ng pregnancy test. Tatlo ang binili niya sa drugstore para makasiguro at lahat iyon, iisa ang result."It's negative." She said in a disappointed tone while still sitting on the bowl.Bumuntong hininga si Kon saka ito nagsquat sa kanyang harap. Inagaw nito ang mga test kits na hawak niya saka nito kinulong ang kanyang mga kamay sa mga palad nito."It's okay, Saki. We'll keep trying." Tugon nito, halatang binubuhay ang pag-asa niya bago siya nito hinatak upang mayakap. "Don't pressure yourself too much. Masyado pa rin namang maaga para sa baby. We can still enjoy each other first."Lumamlam ang kanyang mga mata. Sa totoo lang, hindi lang namin ito dahil sa hiling ng Daddy ni Kon na magka-apo na sa kanila. Gusto niya na ring maranasan ang magbuntis at magka-baby. Ewan ba niya pero mula nang magkabalikan sila ni Kon, nabuhay na ang ka
Kabanata 27MANGANI-NGANING tadyakan ni Kon sina Tobias at Secretary Beun nang habulin siya ng mga ito sa loob ng airport. Pinapapasok na ang lahat ng may ticket para sa Lucky Star Airlines sa departure area ngunit nang magbanyo siya sandali, sinundan siya ng dalawa at trinap sa loob at ngayon, ilang minuto na lang ay maiiwan na siya ng eroplano."Palabasin niyo na ko o masisisante ko talaga kayo!" Singhal niya sa mga ito ngunit hindi talaga nagsi-alis ng pinto.Sumasakit na ang ulo niya! Kanina pa siya pinuputakte ng dalawang ito at talagang diterminadong pigilan ang pag-uwi niya. He taught Tobias to be determined but not to use it someday towards him!"Sorry, bossing pero last choice na 'to." Ani Tobias at pinatunog pa ang leeg bago kumilos.Pinagtulungan siya ng dalawa at nang maagaw ni Tobias ang kanyang boarding pass at passport, pinagpupunit ito sa kanyang harap hanggang
Kabanata 26NAHILOT ni Kon ang kanyang sintido nang magsanib-pwersa si Tobias at Secretary Beun sa pagpigil sa kanyang umuwi na ng Pilipinas. Ayaw talagang ibigay ng mga ito ang maleta niya at parehas pang humarang sa trunk na animo'y mga rugby player na hindi siya hahayaang mailabas ang gamit niya.His lips pursed together as he sighed heavily. Sinamaan niya ng tingin ang mga ito ngunit kahit halatang takot, nanatili ang dalawa sa kanilang pwesto."Move or I will fire the both of you." Mariin niyang ani sa dalawa.Halos sabay na napalunok ang mga ito. Sandali pang nagkatinginan ngunit tila nag-usap pa gamit ang mga mata bago sabay ding iniling ang mga ulo."A—Ang bilin nila Sir Keeno, huwag kang uuwi nang walang Miss Saki." Nanginginig ang tinig na sabi ni Tobias bago umayos ng tindig at sinuntok ang dibdib. "At hindi rin kami papayag, Sir." Siniko nito si Secretary Beun.Tumikhim
Kabanata 25EVERYTHING went so fast. With just Kon's few swift moves, Saki is fully naked under him, moaning in his mouth and scratching her long fingernails on his back."Kon..." She cried in pure bliss as the sultry feeling consumed her.Hindi na gumagana ang rasyonal na bahagi ng kanyang isip at ang galit para rito, tuluyan nang tumilapon palabas ng nadadarang niyang katawan.The heat was too much for her to take. When his tongue glided inside her mouth to taste every corner, her plea for more brought more fuel to the fire that burns the both of them.Humagod sa kanyang baywang ang mainit na palad ni Kon, dinadama ang makinis niyang balat, at sa bawat piga at haplos, dumadaing siya sa pagkatupok."Two years." He growled lusciously as he suckled her neck. "Two fucking years I've been lonely."A series of delicious moan was her only answer. Maging
Kabanata 24HUMIHIKAB pa si Saki nang lumabas ng kanyang silid ngunit nang matanaw niya sa sala si Kon na abalang mag-vacuum ng carpet, sandali siyang natigilan. Hindi nga siya binabangungot. Naririto nga talaga ito at talagang pinanindigan ang pagiging all-around!Napailing si Saki. Nang matanaw siya nito ay sandali nitong in-off ang vacuum saka tumuwid ng tayo."Good morning, mahal." Nakangisi nitong bati sa kanya.Umikot ang mga mata ni Saki habang pababa ng hagdan. "Walang maganda sa umaga at huwag mo kong tawaging mahal hindi na tayo-""Mahal kong Ma'am Saki." Dugtong nito bago mahinang tumawa saka umiiling na binuhay muli ang vacuum.Nagngitngit ang mga ngipin ni Saki sa inis. Talagang hanggang ngayon talent pa rin nito ang bwisitin siya nang walang kahirap-hirap. Ang aga-aga, sira na kaagad ang mood niya at sigurado siyang hindi rin matatapos ang araw na hindi siya