Kabanata 8
Nahaplos ni Saki ang kanyang mga labi habang wala sa sariling naglalakad patungo sa taxi bay. Pakiramdam niya ay nakalutang pa rin siya sa ere kapag naaalala niya kung paanong matapos niyang itango ang kanyang ulo, tuluyang lumapat ang malalambot na mga labi ni Kon Ducani sa kanyang mga labi.
It was quick, but magical. Like a kiss of a prince in a fairytale she used to dream about when she was young. Ni hindi nga gumalaw si Kon at pareho lamang na sumara ang kanilang mga mata habang dinadama niya ang bolta-boltaheng kuryenteng dumaloy sa kanyang katawan.
Para siyang nanaginip. Tila hindi pa rin nga niya mapaniwalaang nahalikan siya ng isang Ducani. Talaga nga yatang pagdating sa Ducani, nahuhubad ang maskara niyang tigresa.
She squirmed and then tried to calm herself down again. Para siyang timang sa itsura niya at pasalamat na lamang siyang madaling araw na kaya kaunti na lamang ang pwedeng makakita sa kanya.
Dinukot niya ang kanyang phone sa kanyang pouch bag saka dinial ang numero ni Kanor. May usapan silang maglulugaw at alam niyang iyon ang pinaka perfect time para ipagmalaki rito na pumasa siya sa isang Ducani. Sayang nga lang at masyado siyang nalasing sa halik nila at nakalimutang kunin ang numero nito. Isa pa, pagkatapos siya nitong halikan, nagpaalam na itong uuwi na dahil may kailangan pa raw itong asikasuhin. Ang akala nga niya ay nadismaya ito sa halik na pinagsaluhan nila pero nang ngitian pa siya nito saka sinabing "I will remember that. Thank you, Saki," halos malaglag siya sa silyang inuupuan niya.
This night is as magical like in the movies. Panalangin na lamang niyang hindi ito ang una at huli kung hindi ay baka talagang magresign na siya sa trabaho niya at mag-apply na lang na janitress sa Ducani Empire gaya ni Kanor. Mukha namang maganda ang compensation plan sa kumpanyang iyon dahil parang ang daming pera ni Kanor para magpa-derma at manlibre ng sasakyan pauwi.
Labag man sa loob niyang kumain ng lugaw dahil hindi iyon makatarungan sa gandang mayroon siya, gusto niyang makita si Kanor nang masampal niya ito ng katotohanang malaki ang tyansa niyang maging isang Mrs. Ducani. Napangisi tuloy siya nang ma-imagine kung ano ang magiging reaksyon ni Kanor kapag nalaman nitong hinalikan siya ng isang Ducani.
Nangunot ang kanyang noo nang hindi sinagot ni Kanor ang tawag niya. Dati rati naman ay sandali palang, sinasagot na kaagad nito ang tawag na animo'y hinihintay nito ang tawag niya.
Naisip na lang niyang idial ulit ang numero nito ngunit nang tatlong ring pa lang ay pinatay na nito ang tawag niya, takang-taka siyang napatitig sa kanyang phone.
Aba't ang hinayupak? Ako pa talaga ang pinapatayan ng tawag?
Mariing magkalapat ang kanyang mga labi habang nagtitipa ng text para rito. Hindi niya alam kung bakit naiinis siya gayong pinatayan lang naman siya nito ng tawag.
"Hoy ano na? Akala ko ba kakain tayo ng lugaw?!" Aniya sa text, pilit kinakalma ang sarili alang-alang sa wrinkles-free niyang mukha. Hindi siya papayag na magkakaroon siya ng mga guhit sa mukha dahil lang may damuhong tinotopak ngayong gabi at ayaw sagutin ang tawag niya.
Wala pang ilang minuto ay nakapag-reply na ito. Ibig sabihin ay gising pa ang loko pero kung patayan siya ng tawag akala mo ay hindi ito ang nagyaya sa kanya. Ang mga lalake nga naman.
"Wag na inaantok na ko. Umuwi ka na." —Kanor
Naningkit ang mga mata ni Saki kasabay ng unti-unting pagkulo ng kanyang dugo. No, she isn't being this impulsive just because she's on her period, but because Kanor is being annoying right now in a way she can barely recognize. Never. Never siya nitong tinanggihan o inindian at hindi niya iyon matanggap!
Ayan ang napapala mo! Sinabi na kasing huwag mong sinasanay ang sarili mo sa presensya ng isang tao.
That's the sad part of life. We do not control other people's mind and heart. They can change in a snap if they want to. Childish man isipin pero ito ang pinakaayaw ni Saki sa lahat.
Magtitipa sana siya ng sagot nang muling nagtext si Kanor. Nang mabasa niya ito ay halos mabasag ang mga ngipin niya sa sobrang pagngingitngit dala ng inis.
"Umuwi ka na. Tinatamad pa kong makita ka." —Kanor
"Aba't!" Halos pumutok ang kanyang mga ugat sa ulo. "Ang punyetang ito?! Ang kapal ng mukhang tamaring makita ako?!" Singhal niya sa kanyang cellphone. Kung hindi lang ito bago, siguradong naihagis na niya ito dala ng sobrang bwisit kay Kanor.
Teka bakit ba siya naiinis? Was it because she finds his reply offensive on her end or because she isn't used to seeing Kanor this way. Pinagtitripan ba siya ng kumag o totoo ang sinasabi nito? Tanong niya sa sarili pero kasalanan din yata ng alak sa kanyang sistema dahil natatalo na ng kanyang emosyon ang kanyang rasyonal na pag-iisip.
"Ang kapal mo magyaya hindi mo naman pala itutuloy. Bwiset! At FYI, MAS NAKAKATAMAD MAKITA YANG LETSE MONG MUKHA!" Reply niya rito bago siya sumakay ng taxi at sinabi ang kanyang address.
Nang muling tumunog ang kanyang cellphone ay dali-dali niyang tinignan ang sagot nito.
"Okay, sorry. Tulog na ko."
Napaawang ang bibig niya. Jusko patawarin! Pero gusto niya yatang sugurin ito at komprontahin kung bakit biglang ganito ang pakikitungo nito sa kanya.
Calm your self down, Saki. Ang ganda-ganda ng gabi mo. Paalala niya sa sarili, ngunit hindi niya pa rin magawang alisin ang kanyang inis. Siguro ay dahil kahit kailan, hindi siya tinantanan ni Kanor at kapag nagyayaya ito, talagang hindi ito titigil hangga't hindi siya nito napapapayag. Isa pa, hindi natutulog ang kumag na hindi man lang nakakapag-goodnight sa kanya. Hindi tuloy niya maiwasang manibago.
Sa huli, hindi rin niya natiis na hindi magtipa ng text para rito. Ayaw niya naman ng lugaw pero sa hindi malamang dahilan, natagpuan na lamang niya ang sariling tinitext si Kanor ng mga salitang hindi niya inasahang sasabihin niya dala ng inis niyang hindi niya matumbok kung saan ba talaga nagmumula.
"EDI MATULOG KA! BANGUNGUTIN KA SANA! MAGLULUGAW AKONG MAG-ISA!"
Kabanata 9Kon had to rush to the hospital when he heard the news. Mabigat man sa loob niyang hindi matupad ang pangako kay Saki na maglulugaw sila, kailangan niyang unahin ang nangyari dahil walang ibang makatutulong sa matandang janitor kung hindi siya.It was the man he paid to watch over Lori who called him. Nag-hire siya ng sariling nurse para rito nang hindi nalalaman ni Tatay Manny upang masigurado niyang lahat ng kailangan ay nairereport sa kanya. Si Lori na lang ang mayroon ang janitor at dahil hindi siya nito itinuring na iba, walang sawa niya itong tutulungan sa abot ng kanyang makakaya.Napabuga siya ng hangin matapos niyang ipasok sa bulsa ng kanyang pantalon ang kanyang cellphone. Lumabas siya mula sa fire exit kung saan niya sinagot ang tawag, saka siya bumalik sa silid ni Lori, ang panganay ni Tatay Manny na nadiagnose na may butas sa puso. Lori's younger sister was taken by their mother. Naghiwalay kasi si Tatay Man
Kabanata 10Napasimangot na naman si Saki nang pumatak na't lahat ang alas dose ng gabi ay wala pa rin siyang tawag o text na natatanggap mula sa lintik na janitor na pinaasa siya ng lugaw date. Okay, she must be out of her mind for fussing around because of his version of date, but she just can't help it. Kumukulo talaga ang dugo niya at lalo lamang siyang naiinis dahil hindi niya kayang tukuyin kung saan ba talaga niya hinuhugot ang galit kay Kanor.Sa naunsyaming lugaw date o sa babaeng sumagot ng kanyang tawag?"None of the above, boba!" Sinampal-sampal niya ang kanyang mga pisngi bago sinabunutan ang sarili habang gumugulong sa kama. "Huwag mong sabihing isa sa mga 'yon ang rason mo?! Tanga! Tanga ka, Saki!" Asik niya sa kanyang sarili.She sighed. Bakit ba kasi niya iniisip pa iyon? Kanor should be the last of her concern. For goodness' sake they are not even friends, kung siya ang tatanungin. Mas lalong hindi
Kabanata 11Kon can't help but purse his lips when he read Saki's text. Sinasabi na nga ba niya at hindi rin siya matitiis nito kahit ano pang taray nito sa kanya. She's always been like that towards him yet they always end up together, eating something that costs very less than what he can actually afford.Hindi sa ayaw niyang gastusan si Saki. In fact he wanted to shower her with luxurious things but not right now when she still sees him as Kanor Baltazar, ang hamak lamang na janitor na nagtatrabaho para sa mga Ducani na siyang pangarap ni Saki. Gustong-gusto niya talaga ito kaya nga ang plano niya ay mapaibig muna ito bilang si Kanor bago niya aminin dito kung sino ba talaga siya.Bumaba siya sa hagdan kung saan naabutan niya si Keeno kasama ang sekretarya nito. Mukhang hindi pa tapos ang mga ito sa diskusyon tungkol sa planong itayo na resort ni Keeno sa La Union, ngunit nang mapansin niya ang champagne na nasa coffee table, hin
Kabanata 12Kanor pushed the door open a little more to hear what the senior supervisor of the finance department was talking about with his visitor. Nagpapanggap siyang nakikinig ng tugtog upang hindi mahalata ng empleyado ang kanyang ginagawang pakikinig habang nagma-mop ng sahig ng building na isa siya sa nagpundar kung tutuusin.Something is going on. Pinagnanakawan ang isa sa kanilang mga kumpanya gamit ang pagbabago sa financial reports. Ayaw ni Kanor na ungkatin ito sa legal na paraan habang wala pa silang matinong ebidensya dahil magiging hassle ito sa kapatid na tambak na rin ang mga ginagawa. Whoever the sneaky bastard is, he's going to find out by himself. He loves to catch people in the most unexpected ways anyway."Tell him to meet me next week at the Gala." Ani ng Senior Supervisor.Umismid si Kanor. Mukhang kakailanganin niya muli ang kanyang three-layer suit para sa imbestigastion sa susunod na lingg
Kabanata 13"Saki, kapag sinagot mo ko, magpapa-pyesta talaga ako." Nakangising sabi ni Kanor habang nakapangalumbaba.Napairap si Saki sa kawalan habang humihinga nang malalim, ang baga ay pinuno ng amoy barbequeng hangin. "Magpapapyesta ka diyan eh kung i-date mo ko kung hindi sa lugawan, sa ihawan!" She flipped her hair. "Tsaka excuse me. May date ako kasama ang isang Ducani."Naging makahulugan ang ngiting nakapinta sa mukha ni Kanor bago ito umayos ng upo sa monobloc chair. "Talaga?" His brows moved. "Saan?""Huh. Sa isang party. Exclusive party sa Sabado." Pagyayabang niya rito ngunit sa totoo lang, hinihintay niyang makitaan man lamang ito ng selos.Hindi niya rin sigurado kung bakit niya iyon ginagawa. Gusto lang ba niyang asarin si Kanor o talagang umasa siyang magseselos man lang ito? Ni minsan kasi ay hindi niya pa ito nakitaan ng selos kahit wala na siyang ibang bukambibig kung hindi ang
Kabanata 14Nakatulala si Saki sa kisame ng kanyang kwarto habang bahagyang nakaawang ang kanyang mga labi. She can't believe she just did "that" with Kanor. She let someone who isn't carrying the prestige surname she's been dreaming to have, pop her cherry.Sa totoo lang hindi niya magalugad sa puso niya ang pagsisisi. Kanor was so gentle with her and he kept telling her how lucky he is to meet her. Sinasabi pa nitong hindi na siya pakakawalan pa ngayong naangkin na siya at siya itong si tanga, umoo pa! Ngayon tuloy ay pakiramdam ni Kanor na may relasyon na silang dalawa at hindi na siya makaatras.Paano pa ba kasi siya aatras? Nabigay na niya ang Bataan kay Kanor at ngayon, napakahimbing na ng tulog nito sa kanyang tabi habang nakayakap sa kanyang baywang ang brasong tila hinulma mismo ng Diyos.Sa totoo lang ay halos sambahin niya ang katawan ni Kanor nang makita na niya ito nang tuluyan. Oh my goodness he is def
Kabanata 15"Hindi mo na dapat pinatulan."Halos magpanting ang tainga ni Saki sa narinig matapos niyang patayan ng tawag ang bruhang kausap. Awtomatikong tumaas ang kanyang kilay sa inis. Talagang kinakampihan pa rin nito ang babaeng iyon? Kumukulo tuloy lalo ang kanyang dugo."At bakit hindi? Halata namang gusto ka no'n tsaka hindi ko pa nakakalimutan kung gaano kalakas ang sampal ng bruhang 'yon sa pisngi ko ano!"Napabuntong hininga si Kanor saka masuyong kinuha ang kanyang kamay upang pagsalikupin ang kanilang mga palad."May sakit si Lori sa puso at kakagaling lang niya mg operasyon kaya hindi pa namin masabi kung talagang ayos na siya. Mabait siya sa akin at nagpupunta ako sa kanila para hindi sumama ang loob niya." Paliwanag nito ngunit lalo lamang tumalim ang tingin ni Saki."Nagkasakit din ang nanay ko hanggang sa maligwak dito sa mundo pero ni minsan hindi niya gina
Kabanata 16Hinaplos ni Saki ang pulang sequence dress na pinadala ni Kon Ducani sa kanyang opisina. Tama nga si Kanor sa hula nitong bibigyan siya mismo ni Kon ng isusuot para sa party.It is a formal, classic long gown with sexy back and long slit. Mababa ang parteng dibdib at tanging manipis na strap ang sa balikat ngunit napaka-elegante. Hindi na kailangan pang tanungin ni Saki kung magkano ang halaga ng damit dahil sa brand pa lamang na nakasulat sa kahon, alam na niyang ginto ang halaga nito.The dress came with a pair of red stilettos she bet costs an arm and a leg, too. Sakto ang sukat sa kanya na animo'y alam na alam ni Kon ang kanyang size. Sigurado siyang bagay sa kanya ang kulay ng damit at sapatos dahil sa kanyang kutis, ngunit sa kabila ng presyo ng mga ipinadala ni Kon, hindi niya magawang magbunyi.Ano ba ang nangyayari sa kanya? She's about to live her dream. Makaka-date na nga niya ang isang Ducani
HEARTS IN DISGUISE BOOK TWOA/N: Hi! This is the beginning of Saki and Kanor’s love story 2.0. This will revolve around their married/family life. I hope hindi lang ako ang naka-miss sa kanilang tambalan, hehe. So, here it is. Enjoy reading!KAGAGALING lamang ni Saki sa supermarket upang mamili ng ihahanda sa anniversary nilang mag-asawa nang marinig niya si Kon mula sa kusina. He’s on his phone again, talking to someone with so much sweetness while he’s flipping pancakes. Maingat na pumwesto si Saki sa pinto ng kusina, sinigurong hindi siya mapapansin ng magaling niyang asawa.Kanor put the spatula down and sighed. “Yes, I promise you I’ll be there. Tatapusin ko lang ‘to, okay? No, of course she’s not going to find out. Tatakas ako, yes, I love you.”Naningkit ang natural nang singkit na mga mata ni Saki. What the hell does this supposed to mean? Nambababae ba ang magaling na si Konnar Ducani?
EPILOGUE"If it's not too much to ask, I'm begging God to give me a hundred lifetimes more to love you, dahil hindi pa sapat sa akin ang ilang dekada, Saki. It ain't just 'til death do us part, mahal. 'Til eternity, we will never be apart."Hindi na yata naubos ang luha ni Saki kaiiyak sa tuwing sinasabi ni Kon ang wedding vows nito. Panglabin-limang simbahan na ito, ngunit sa tuwing lumalakad siya sa isle at nakikita kung gaano katamis ang ngiti nito sa kanya habang naluluha, pakiramdam niya, unang beses pa rin nilang maikakasal.He kept his promise. In just a month, he married her in all the churches where she demanded to be with a Ducani. Pinaramdam sa kanya ni Kon na ito ang tutupad ng panalangin niyang iyon, hindi lamang dahil iyon ang kahilingan niya kung hindi dahil ang makasama siya sa buhay na ito at sa mga susunod pa ang nais ng puso nito.Sa tuwing gumigising siya at napagmamasdan ang promise r
Kabanata 30NALUHA nang tuluyan si Saki habang nakatitig sa pares ng mga matang punong-puno ng pagmamahal para sa kanya. Those coal-black pools that never seem to dim its sparkle whenever he looks at her with the kind of affection she wouldn't wish to see on anyone else, slowly watered as Kon took in a deep breath."Saki..." His voice was a bit shaky compared when he asked the question.Nagtubig ang mga mata ni Saki. "Kon." She looked around. "S—Seryoso ba 'to? Eiji? Tito Khalil? Jay?"They all smiled at her with teary eyes, masaya para sa kanilang pareho ni Kon dahil sa wakas, malapit na nilang simulan ang panibagong buhay na magkasama.Muli niyang binalik ang tingin kay Kon na naghihintay ng kanyang tugon habang iniisip nito kung paano niyang binuo ang lahat para sa proposal na magmamarka sa kasaysayan, at magpapakilala nang tuluyan sa mundo kung paano magmahal ang isang Konnar Ducani.
Kabanata 29"SHE'S someone from the past but you have nothing to worry about her."Hanggang ngayon ay hindi pa rin natatanggal sa isip ni Saki ang naging tugon ni Kon nang tanungin niya ito kung sino ang Alice na kausap nito sa cellphone. Ayaw niyang magduda, ngunit ilang beses pa niyang nakitang ka-text ito ni Kon bago umuwi ng Pilipinas kaya ngayong mag-isa na siya sa Japan, hindi siya mapakali.Naalala niya ang sinabi noon ni Eiji. Nag-propose daw noon si Kon sa isang babae pero hindi sila kaagad nagpakasal dahil nanghingi pa ng ilang taon ang babaeng tinutukoy ni Eiji. Tinanong na niya ang kapatid niya tungkol sa sinabi nito noon pero wala ring idea si Eiji. Kon never revealed his life. Puro haka-haka kagaya ng pananatili nito sa dilim.Muli niyang pinakawalan ang hangin sa kanyang dibdib at tuluyang bumangon. Sinubukan niya itong tawagan, ngunit sa pangatlong pagkakataon, busy na naman ang linya ni Kon.
Kabanata 28BUMAGSAK ang mga balikat ni Saki nang makita ang resulta ng pregnancy test. Tatlo ang binili niya sa drugstore para makasiguro at lahat iyon, iisa ang result."It's negative." She said in a disappointed tone while still sitting on the bowl.Bumuntong hininga si Kon saka ito nagsquat sa kanyang harap. Inagaw nito ang mga test kits na hawak niya saka nito kinulong ang kanyang mga kamay sa mga palad nito."It's okay, Saki. We'll keep trying." Tugon nito, halatang binubuhay ang pag-asa niya bago siya nito hinatak upang mayakap. "Don't pressure yourself too much. Masyado pa rin namang maaga para sa baby. We can still enjoy each other first."Lumamlam ang kanyang mga mata. Sa totoo lang, hindi lang namin ito dahil sa hiling ng Daddy ni Kon na magka-apo na sa kanila. Gusto niya na ring maranasan ang magbuntis at magka-baby. Ewan ba niya pero mula nang magkabalikan sila ni Kon, nabuhay na ang ka
Kabanata 27MANGANI-NGANING tadyakan ni Kon sina Tobias at Secretary Beun nang habulin siya ng mga ito sa loob ng airport. Pinapapasok na ang lahat ng may ticket para sa Lucky Star Airlines sa departure area ngunit nang magbanyo siya sandali, sinundan siya ng dalawa at trinap sa loob at ngayon, ilang minuto na lang ay maiiwan na siya ng eroplano."Palabasin niyo na ko o masisisante ko talaga kayo!" Singhal niya sa mga ito ngunit hindi talaga nagsi-alis ng pinto.Sumasakit na ang ulo niya! Kanina pa siya pinuputakte ng dalawang ito at talagang diterminadong pigilan ang pag-uwi niya. He taught Tobias to be determined but not to use it someday towards him!"Sorry, bossing pero last choice na 'to." Ani Tobias at pinatunog pa ang leeg bago kumilos.Pinagtulungan siya ng dalawa at nang maagaw ni Tobias ang kanyang boarding pass at passport, pinagpupunit ito sa kanyang harap hanggang
Kabanata 26NAHILOT ni Kon ang kanyang sintido nang magsanib-pwersa si Tobias at Secretary Beun sa pagpigil sa kanyang umuwi na ng Pilipinas. Ayaw talagang ibigay ng mga ito ang maleta niya at parehas pang humarang sa trunk na animo'y mga rugby player na hindi siya hahayaang mailabas ang gamit niya.His lips pursed together as he sighed heavily. Sinamaan niya ng tingin ang mga ito ngunit kahit halatang takot, nanatili ang dalawa sa kanilang pwesto."Move or I will fire the both of you." Mariin niyang ani sa dalawa.Halos sabay na napalunok ang mga ito. Sandali pang nagkatinginan ngunit tila nag-usap pa gamit ang mga mata bago sabay ding iniling ang mga ulo."A—Ang bilin nila Sir Keeno, huwag kang uuwi nang walang Miss Saki." Nanginginig ang tinig na sabi ni Tobias bago umayos ng tindig at sinuntok ang dibdib. "At hindi rin kami papayag, Sir." Siniko nito si Secretary Beun.Tumikhim
Kabanata 25EVERYTHING went so fast. With just Kon's few swift moves, Saki is fully naked under him, moaning in his mouth and scratching her long fingernails on his back."Kon..." She cried in pure bliss as the sultry feeling consumed her.Hindi na gumagana ang rasyonal na bahagi ng kanyang isip at ang galit para rito, tuluyan nang tumilapon palabas ng nadadarang niyang katawan.The heat was too much for her to take. When his tongue glided inside her mouth to taste every corner, her plea for more brought more fuel to the fire that burns the both of them.Humagod sa kanyang baywang ang mainit na palad ni Kon, dinadama ang makinis niyang balat, at sa bawat piga at haplos, dumadaing siya sa pagkatupok."Two years." He growled lusciously as he suckled her neck. "Two fucking years I've been lonely."A series of delicious moan was her only answer. Maging
Kabanata 24HUMIHIKAB pa si Saki nang lumabas ng kanyang silid ngunit nang matanaw niya sa sala si Kon na abalang mag-vacuum ng carpet, sandali siyang natigilan. Hindi nga siya binabangungot. Naririto nga talaga ito at talagang pinanindigan ang pagiging all-around!Napailing si Saki. Nang matanaw siya nito ay sandali nitong in-off ang vacuum saka tumuwid ng tayo."Good morning, mahal." Nakangisi nitong bati sa kanya.Umikot ang mga mata ni Saki habang pababa ng hagdan. "Walang maganda sa umaga at huwag mo kong tawaging mahal hindi na tayo-""Mahal kong Ma'am Saki." Dugtong nito bago mahinang tumawa saka umiiling na binuhay muli ang vacuum.Nagngitngit ang mga ngipin ni Saki sa inis. Talagang hanggang ngayon talent pa rin nito ang bwisitin siya nang walang kahirap-hirap. Ang aga-aga, sira na kaagad ang mood niya at sigurado siyang hindi rin matatapos ang araw na hindi siya