Share

Chapter 56

last update Last Updated: 2025-03-10 14:42:00

"Ang Pinakamagandang Regalo"

(Third Person POV)

Lumipas ang mga araw, at dumating na ang pinakahihintay na sandali—ang pagsilang ng anak nina Marina at Sebastian. Sa loob ng ospital, punong-puno ng tensyon si Sebastian habang naglalakad-lakad sa labas ng delivery room. Paulit-ulit niyang sinusubukang kumalma, pero hindi niya mapigilan ang kaba.

"Sebastian, hijo, umupo ka muna at magpahinga," sabi ni Nanay Gloria, na hindi rin mapakali.

Umiling si Sebastian. "Hindi ko kaya, Nay. Gusto kong siguraduhin na ayos lang si Marina."

---

Ang Pagsilang ng Kanilang Anak

Ilang oras pa ang lumipas bago tuluyang narinig ni Sebastian ang munting iyak ng isang sanggol mula sa loob ng delivery room. Napahinto siya, tila hindi makapaniwala.

Lumabas ang isang doktor at ngumiti sa kanya. "Congratulations, Mr. Monteclaro. Isang malusog na baby boy ang isinilang ng asawa mo."

Nanghina ang tuhod ni Sebastian sa sobrang tuwa at pananabik. Halos hindi siya makahinga sa labis na emosyon. Ag
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • He Hates Me But He Loves Me   Chapter 57

    Sa araw ng binyag ni Santino Gabriel Monteclaro, masayang nagsama-sama ang pamilya at malalapit na kaibigan nina Marina at Sebastian. Napuno ng tawanan at kasiyahan ang buong simbahan, lalo na’t espesyal ang araw na ito para sa kanilang mag-asawa. Nakisaya rin si Lexie, na dumating kasama ang kanyang dalawang taong gulang na anak, si Selena. Napansin nina Marina at Sebastian ang kawalan ng ama ng bata, kaya hindi nila naiwasang mag-usisa. “Lex, asan ang daddy ni Selena?” tanong ni Marina habang inaalalayan si Lexie sa pag-upo sa reception. Natawa lang si Lexie at umiwas ng tingin. “Ah… well, kasal na ako, actually,” sagot niya, ikinagulat ng lahat. Napakunot-noo si Sebastian. “Kasal? Kailan pa?” Ngumiti si Lexie pero halatang may tinatago. “Matagal na. Pero ipapakilala ko na lang soon.” Nagtaka si Marina sa sagot ng kaibigan. Parang may kakaiba sa kilos nito—tila may itinatago o may hindi sinasabi. Ngunit bago pa siya makapagtanong ulit, biglang sumingit ang isa sa mga nin

    Last Updated : 2025-03-11
  • He Hates Me But He Loves Me   Chapter 58

    Sa paglipas ng panahon, lumaki si Santino Gabriel Monteclaro na isang matalino, mabait, at responsableng bata. Dahil lumaki siyang napapalibutan ng pagmamahal mula sa kanyang pamilya, lumaki rin siyang palakaibigan at madaling pakisamahan. Sa lahat ng kaibigan niya, may isang taong pinakamalapit sa kanya—si Luna Estrella, ang anak ng matalik na kaibigan ng kanyang ina. Magkaiba man ang kanilang ugali, hindi maikakailang hindi kumpleto ang isa nang wala ang isa. Si Santino ay tahimik, seryoso, at madalas pinag-iisipan ang bawat kilos niya. Samantalang si Luna ay masayahin, palabiro, at laging may pakana ng kung anu-anong kalokohan. Ngunit sa kabila ng kanilang pagkakaiba, hindi nila maitatanggi na sila ang unang takbuhan ng isa't isa sa tuwing may problema o tuwing gusto lang nilang may makasama. Palagi silang nagshi-share ng halos lahat—mga sikreto, pangarap, at maging pagkain. Pero kung may isang bagay na hindi nila kailanman napagkasunduan, iyon ay ang pag-ibig. "Alam mo, Sa

    Last Updated : 2025-03-11
  • He Hates Me But He Loves Me   Chapter 59

    LUNA ESTRELLA’S POV Naglalakad ako sa hallway, palinga-linga habang hinahanap si Santino. Halos nalibot ko na ang buong campus, pero kahit anino niya, hindi ko makita. Napabuntong-hininga ako at kinuha ang cellphone ko. Wala man lang siyang text o tawag. Napailing ako. Kahapon lang, halos hindi siya mapakali kakakwento sa akin tungkol sa babaeng gusto niya, tapos ngayon, bigla na lang siyang nawala nang parang bula. Habang naglalakad pa ako, napansin kong may ilang estudyanteng nagkukumpulan sa may gilid. Hindi ko man gustong makinig, pero malinaw ang usap-usapan nila. "Ang sweet nila, parang sila na talaga!" "Nakakakilig, hindi mo aakalain na may tinatago palang soft side si Santino!" "Ang ganda niyo tingnan together!" Napalunok ako. Santino? Dahan-dahan akong lumapit, at doon ko siya nakita. Santino, kasama ang babaeng matagal na niyang gusto. Nakatayo sila sa ilalim ng malaking puno sa campus, malapit sa benches kung saan madalas kaming tumambay. Hindi ko alam kun

    Last Updated : 2025-03-11
  • He Hates Me But He Loves Me   Chapter 60

    LUNA ESTRELLA'S POV Bumuntong-hininga ako bago humiga sa kama. Pagod ako, pero hindi ako dalawin ng antok. Sanay akong laging kasama si Santino. Sa tuwing may free time siya, magkasama kami—sa canteen, sa library, kahit sa walang kwentang lakad sa hallway. Pero ngayon… magbabago na ba ang lahat? Napatingin ako sa kisame. Ano ba ang gagawin ko bukas sa school? Ngayon na may ibang kasama si Santino, paano na ako? Napailing ako at pinilit ipikit ang mga mata. Hindi ko dapat iniisip ‘to. Masaya siya, ‘di ba? Dapat masaya rin ako para sa kanya. Pero bakit parang may kung anong kulang? THIRD PERSON POV Habang inaayos ni Luna ang kanyang gamit bago umalis, napansin ng kanyang mama ang kakaibang katahimikan nito. "Luna, anak, okay ka lang ba?" tanong ng kanyang ina habang naghahanda rin para sa trabaho. Ngumiti siya at pilit na tumango. "Ayos lang po ako, Ma. Mauna na po ako sa school." Napansin ng kanyang ina na hindi na siya hinihintay ni Santino tulad ng dati. Alam

    Last Updated : 2025-03-12
  • He Hates Me But He Loves Me   Chapter 61

    LUNA POV Pagpasok ko sa quarters ng mga kasambahay, hindi ko inaasahan ang presensya ni Santino. Nakapangalumbaba siya sa lamesa, nakatingin sa akin na parang may pinaplanong sermon. "Bakit ngayon ka lang umuwi?" malamig niyang tanong, ngunit halata sa tono ang inis. Napangiti ako. "Naglakad-lakad lang kasama si Jake. Ang saya nga eh—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla siyang tumayo. Lumapit siya sa akin, at sa isang iglap, nasa harapan ko na siya. "Luna, gabi na. Alam mo namang hindi safe sa labas, lalo na kung kung kani-kanino ka sumasama." Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. "Kung kani-kanino?" Napailing ako. "Jake ang kasama ko, at kaibigan natin siya, 'di ba?" "Hindi ko sinabing hindi siya mabuting tao," sagot niya, pero kita ko ang paninigas ng panga niya. Lumapit ako para yakapin siya—o kahit man lang dampian ng halik sa pisngi tulad ng dati naming ginagawa—pero umiwas siya. Napahinto ako. Napalunok. Hindi ko alam kung bakit biglang nanikip

    Last Updated : 2025-03-12
  • He Hates Me But He Loves Me   Chapter 62

    LUNA’S POV Pagdating ko sa school, agad akong sinalubong ni Jake. Naka-ngiti siyang lumapit at inakbayan ako. "Good morning, Luna! Sabay na tayo sa cafeteria? May bago raw silang tinitindang milktea doon." Napangiti ako. "Sige, pero sagot mo." Napahalakhak si Jake. "Gano'n? Mukha yatang gusto mong manlibre ako ngayon, ah?" Sasagot pa sana ako nang biglang napahinto si Jake at tumingin sa isang direksyon. "Aba, nariyan pala si bossing." Napalingon ako at nakita ko si Santino kasama ang girlfriend niya. Magkahawak-kamay ang dalawa habang may sinasabi ang babae sa kanya, pero halata sa mukha ni Santino na hindi ito nakikinig nang maayos. Ngumiti ako. "Oh, nariyan na ang lovebirds." Pero nang tumama ang tingin ko kay Santino, imbes na ngitian din niya ako pabalik, isang malamig na tingin lang ang isinagot niya. Para bang naiinis siya… o may bumabagabag sa kanya. Nagtaka ako. Bakit parang ang sungit niya? Dati naman, kahit may girlfriend siya, hindi niya ako tinitingnan n

    Last Updated : 2025-03-12
  • He Hates Me But He Loves Me   Chapter 63

    SANTINO’S POV Napansin ko na lang na unti-unting lumalayo si Luna. Hindi ko alam kung kailan nagsimula, pero mula nang maging kami ni Denise, parang may malaking pader na namamagitan sa amin ng best friend ko. Dati, siya mismo ang kusang lumalapit sa akin. Siya ang unang nagme-message, unang sumasalubong sa akin sa hallway, unang nagyayayang kumain sa cafeteria. Pero ngayon, ni hindi ko na nga siya makausap nang matagal. At mas lalo kong napansin kanina—ayaw niyang sumabay sa amin ni Denise pauwi. Noon, kahit anong pilit ko, kahit anong pang-aasar ko, sasama ‘yon. Pero ngayon? Wala. Nakita kong mabilis siyang naglakad palayo, hindi man lang lumingon. "Santino, let’s go," sabay hawak ni Denise sa braso ko. Hindi ko alam kung bakit, pero parang may kung anong bumara sa lalamunan ko. Tumango lang ako at pumasok sa sasakyan. Habang nagda-drive ako, hindi ko maiwasang mapaisip. Lumalayo ba talaga si Luna? O ako lang ang hindi nakapansin na matagal na siyang lumulayo? Tahi

    Last Updated : 2025-03-12
  • He Hates Me But He Loves Me   Chapter 64

    Habang naglalakad sila sa plaza, napadako ang tingin ni Luna sa isang vendor na nagbebenta ng iba't ibang klase ng pagkain. Napahinto siya at biglang tinapik si Santino. "Tingnan mo ‘yon oh," turo niya sa isang stall na may nakahilerang mahahabang saging na binalot ng caramelized sugar. "Ang laki, ‘no?" Napahinto si Santino at tumingin sa direksyon na tinuturo ni Luna. Pagtingin niya sa saging, napangisi siya. "Mahilig ka pala sa mahahaba, Luna." Napakunot-noo siya. "Ha?" Lumingon si Santino sa kanya na may mapanuksong ngiti. "I mean, sa pagkain. Mahilig ka pala sa mahahabang pagkain." Namula si Luna at mabilis siyang bumawi. "Duh, anong iniisip mo?!" kinuha niya ang isang stick ng banana cue at sinadya niyang dahan-dahang kagatin ito habang nakatingin kay Santino. "Tingnan mo, ang sarap pa." Napakagat-labi si Santino at umiling habang tumatawa. "Luna, kung hindi kita kilala, iisipin kong sinasadya mo ‘yan." Sinamaan siya ng tingin ni Luna pero halatang aliw na aliw ito

    Last Updated : 2025-03-12

Latest chapter

  • He Hates Me But He Loves Me   Chapter 80

    LUNA’S POV Lumipas ang ilang araw, at unti-unting nasanay ako sa tahimik na pamumuhay sa isla kasama si Matteo. Hindi ko inaasahan na makakahanap ako ng ganitong katahimikan—malayo sa magulong emosyon at alaala na iniwan ko sa resort. Pero kahit paano, nakaramdam ako ng kapayapaan. Isang umaga, habang nakaupo ako sa veranda ng maliit na kubo ni Matteo, lumapit siya sa akin. "Luna, bukas pupunta tayo sa resort," biglang sabi niya. Napakunot ang noo ko. "Ha? Bakit?" "May kikitain akong tao doon," sagot niya, sabay inom ng kape. "Gusto mo bang sumama?" Nagdalawang-isip ako. Parte ng sarili ko ang gusto pang lumayo, pero hindi ko rin maikakaila na gusto kong malaman kung ano na ang nangyari sa kanila—kay Santino. Napansin ko ang pagiging pormal ng tono ni Matteo. Iba sa nakasanayan kong kalmado at mapaglarong pagsasalita niya. Parang may tinatago siyang hindi ko pa alam. "Matteo," tawag ko, pinagmamasdan ang ayos niya. "Parang hindi ka pang ordinaryong tao, ah." Napangiti

  • He Hates Me But He Loves Me   Chapter 79

    LUNA’S POV Ang sakit ng ulo ko. Para bang may mabigat na bagay na nakapatong sa noo ko, at ang katawan ko ay parang binugbog ng paulit-ulit. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Hindi pamilyar ang paligid. Ang kisame ay gawa sa kahoy, at ang malamlam na liwanag mula sa isang gasera sa sulok ng silid ang tanging nagbibigay-ilaw sa loob. Ramdam ko rin ang bahagyang panghahapdi ng aking braso. Napakurap ako at napabangon mula sa hinihigaan kong banig. Saglit akong natigilan. Nasaan ako? At saka bumalik sa akin ang mga malalabong alaala ng nakaraang gabi—ang pag-inom, ang sakit na naramdaman ko nang makita si Santino at Chelsey, ang pakiramdam ng kawalan habang naglalakad ako mag-isa sa dalampasigan… Napahawak ako sa aking ulo. Ano bang ginawa ko? Maya-maya pa, biglang bumukas ang pinto, dahilan upang mapalingon ako. Isang matangkad at matipunong lalaki ang pumasok. May mabigat ang ekspresyon nito, at tila inis na inis. "Sa wakas, gising ka na," anito habang nakatayo

  • He Hates Me But He Loves Me   Chapter 78

    Napansin ni Santino ang kakaibang kilos ni Jake. Halatang aligaga ito, hindi mapakali habang mabilis na tinatahak ang bawat sulok ng isla. Hindi nagtagal, nakuha rin nito ang atensyon ni Chelsey. "Bakit parang gulong-gulo ka, Jake?" tanong ni Chelsey, bakas sa mukha ang pagtataka. Ngunit hindi ito pinansin ni Jake at patuloy lang sa paghahanap. Napakunot-noo si Santino bago siya tumayo mula sa kanyang pwesto. "Anong nangyayari?" malamig niyang tanong. Huminto si Jake at tumingin kay Santino. "Nawawala si Luna." Saglit na natahimik si Santino. Hindi siya nagpakita ng kahit anong emosyon, ngunit sa loob niya, may kung anong gumapang na kaba. Alam niyang lasing na lasing si Luna bago pa siya umalis. Alam din niya… kung saan ito maaaring pumunta. "Hindi niyo siya mahahanap dito sa resort," kalmado ngunit matigas ang tono ni Santino. Nagulat si Jake at Carla sa sinabi niya. "Anong ibig mong sabihin? Alam mo ba kung nasaan siya?" tanong ni Carla. "Oo," sagot ni Santino habang

  • He Hates Me But He Loves Me   Chapter 77

    Tahimik ang lahat habang pinapanood ang pag-ikot ng bote sa gitna ng kanilang bilog. Parang bumagal ang oras sa bawat pag-ikot nito, habang ang ilan ay palihim na nagdarasal na huwag sa kanila tumapat ang leeg ng bote. Si Luna, kahit anong pilit niyang huwag magpakita ng emosyon, hindi niya mapigilang kabahan. Lalo na nang mapansin niyang si Santino ay walang reaksyon, parang wala lang sa kanya ang laro, o mas malala—parang wala lang si Luna sa harapan niya. "Come on, come on, sino kaya ang unang sasagot?" bulong ni Carla, excited na excited. Napalunok si Jake habang palihim na sinusulyapan si Luna. Alam niyang hindi ito ang tipo ng laro na dapat nilang laruin ngayon, lalo na't nariyan si Santino at Chelsey. Pero wala na silang magagawa. Nandito na sila. Hanggang sa unti-unti nang bumagal ang pag-ikot ng bote. "Oh my God, tumatapat na!" sigaw ni Erick, halos hindi makahinga sa pag-aabang. At nang tuluyang huminto ang bote, natutok ang dulo nito kay— Luna. Napatigil si

  • He Hates Me But He Loves Me   Chapter 76

    Kinabukasan, masiglang pumasok si Carla sa silid ni Luna, sabik na yayaing sumama sa kanila. "Luna! Mag-speed boat tayo! Ang saya nun, promise!" excited na sabi ni Carla habang nakaupo sa gilid ng kama ni Luna. Umiling si Luna, agad na bumagsak ang balikat. "Huwag na, Carla. Alam mo namang takot ako sa dagat…" mahina niyang sagot, ramdam ang kaba sa dibdib. Napakunot-noo si Carla. "Ha? Bakit ka naman takot?" Nag-aalangan si Luna bago sumagot. "May phobia ako. Hindi ko kaya… baka lang… baka mag-panic ako sa gitna ng dagat." Napabuntong-hininga si Carla pero hindi na nagpumilit. "Okay, fine! Kami na lang ni Jake ang sasama." Nang marinig ni Luna ang pangalan ni Jake, napatingin siya kay Carla. "Teka… kayo ni Jake?" Ngumiti si Carla at tumango. "Yeah! Magkaibigan kami. Matagal na." Nagulat si Luna. "Ha? Akala ko hindi kayo magkakilala?" Tumawa si Carla. "Well, hindi lang kasi natin napag-uusapan. Matagal ko nang kaibigan si Jake. At guess what? Sa kanya pala itong resor

  • He Hates Me But He Loves Me   Chapter 75

    LIMANG TAON ANG LUMIPAS... Sa malawak na auditorium, nakatayo si Luna sa entablado, suot ang kanyang toga. Hawak niya ang kanyang diploma at medalya bilang cum laude—isang pangarap na matagal niyang hinintay na matupad. Dapat masaya siya. Dapat ipagdiriwang niya ang araw na ito. Ngunit habang pinagmamasdan niya ang dagat ng mga nagsasaya at niyayakap ng kanilang pamilya at mga kaibigan, hindi niya mapigilang mapansin ang kakulangan. Wala si Santino. Noon, madalas nilang pag-usapan kung paano sila sabay na aakyat sa entablado, tatawaging magkasunod ang pangalan, at maghahawakan ng kamay habang nakangiti sa isa’t isa. Pero ngayon, siya lang ang nandito. Pagkatapos ng seremonya, dumiretso siya sa isang tahimik na sulok ng unibersidad. Umupo siya sa isang bench, ipinikit ang mga mata, at marahang huminga. “Ginawa ko na, Santino,” mahina niyang bulong sa hangin. “Pero bakit parang kulang?” Limang taon na rin ang lumipas mula noong huli siyang tumapak sa mansyon ng Monteclaro.

  • He Hates Me But He Loves Me   Chapter 74

    THIRD POV Habang unti-unting nilulubog ng araw ang kalangitan, nakatayo si Luna sa veranda ng Monteclaro mansion. Nakatitig siya sa malayo, pilit inaalis sa isip ang matinding pag-aalala na bumabalot sa kanya. Wala pa sina Marina at Sebastian. Hindi niya alam kung ano na ang nangyayari sa ospital. Gusto niyang sundan si Santino, gusto niyang makita ang lagay nito, pero… may bahagi ng sarili niyang nag-aalangan. “Bakit ba ako ganito?” mahina niyang bulong, mahigpit na niyakap ang sarili. "Hindi ba dapat masaya ako? Pinutol ko na ang koneksyon namin. Hindi ba ito ang gusto ko?" Ngunit sa bawat segundo na hindi niya nakikita si Santino, sa bawat minutong lumilipas na wala siyang balita tungkol dito, mas lalong bumibigat ang pakiramdam niya. Para siyang sinasakal ng guilt at takot—takot na baka huli na ang lahat. Napapikit siya, pilit nilulunok ang namumuong luha. "Hindi, hindi ko dapat maramdaman 'to. Wala akong karapatan—" Biglang bumukas ang malaking gate ng mansyon. Napa

  • He Hates Me But He Loves Me   Chapter 73

    MANSYON NG MONTECLARO – LUNA’S POV Maagang gumayak si Luna para pumasok sa eskwela. Pilit niyang inaayos ang sarili, pilit niyang inilalayo ang isip sa nangyari kahapon. Tapos na. Wala nang sila—wala nang Santino at Luna. Paulit-ulit niyang sinasabi iyon sa sarili, kahit parang may kung anong kirot sa dibdib niya. Pagbaba niya sa hagdan, isang kakaibang katahimikan ang bumungad sa kanya. Hindi tulad ng dati na punong-puno ng sigla ang mansyon, ngayon ay tila may bumalot na lungkot sa buong paligid. Pagdating niya sa sala, nakita niya si Marina—ang mommy ni Santino. Naka-upo ito sa sofa, yakap-yakap ng kanyang asawa, si Sebastian. Nanginginig ang balikat ng ginang habang hagulgol nang hagulgol. Si Sebastian naman ay pilit siyang inaalo, ngunit bakas din sa mukha nito ang matinding lungkot. Nanatili si Luna sa kinatatayuan niya, hindi sigurado kung lalapit ba o aalis na lang nang tahimik. Pero bago pa siya makagalaw, biglang tumayo si Marina at mabilis siyang nilapitan. "Ikaw!

  • He Hates Me But He Loves Me   Chapter 72

    Habang nakatayo sa gitna ng cafeteria, naramdaman ni Santino ang bigat sa kanyang dibdib. Para bang may kung anong bagay na pumipigil sa kanya, isang bagay na hindi niya kayang kontrolin. Tumingin siya sa direksyon kung saan lumabas si Luna. Mas lalo siyang naguluhan. Bakit ba parang ang hirap niyang maabot ngayon? Bakit parang kahit anong gawin niya, palayo na ito nang palayo? Napabuntong-hininga siya, napapailing habang napabulong sa sarili. "Mali pala ang mahalin ka, Luna…" Bar Scene – Santino’s POV Sa loob ng bar, malakas ang tugtog. Mga ilaw na kumikislap, tawanan ng mga lasing, at usok ng sigarilyo ang bumalot sa paligid. Pero para kay Santino, wala siyang naririnig kundi ang tahimik na sigaw ng puso niya. Isang shot ng alak ang tinungga niya. Isang mapait na hagod sa lalamunan—pero hindi kasing pait ng nararamdaman niya ngayon. Sa harap niya, nakaupo si Jake, tahimik lang na pinagmamasdan siya. "Tama na 'yan, pare," saway ni Jake, pero umiling lang si Santino. "

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status