"SINABI KO naman kasi sa'yo na hindi katiwa-tiwala ang lalaking iyon. O ano ka ngayon? Nganga! Masyado ka kasing nagtiwala sa boyfriend mo na iyon e masyado namang babaero iyon."
"Stop it Beverly. Pakiabot nalang ng tissue please."Si Beverly ay ang bagong hanap niyang kaibigan dito sa Singapore. She came from Philippines taking Fashion Designing at dito sa Singapore ay kumuha ng kursong Business Administration. Kung paano niya ito nakilala ay involved ang mga lalaking laman ang panaginip niya."Marami pang mga lalaki Pauleen. Kung gusto mo ay dalhin pa kita sa FVC eh—""Sige ba! Kailan? Saan?"Iling-iling itong tinapal ng tissue ang noo niya. "Sino ba sa mga FVC members ang gusto mong makita?" Nawala na ang pagka-heart Broken niya ngayong binabanggit ni Beverly ang FVC. Sigurado siya na kilala ng kaibigan ang mga kalalakihang iyon. At syempre, palalagpasin niya ba iyon?"Silang lahat.""Paano na si Josh?" Si Josh ang boyfriend niya—ex-boyfriend na ipinalit siya sa babaeng mukhang Donsol."Mamatay na siya. Di hamak naman na mas kanasa-nasa ang mga taga FVC kaysa sa kanya no? Tse!" Itinapon niya sa kung saan ang hawak na tissue at malanding iwinasiwas ang buhok."Paano ka nainlove doon kung hindi iyon ka-gwapohan?""Hay, oo na nga! Oo na. Gwapo na si Josh pero mas gwapo pa rin talaga si Xorxell eh." Yes. Si Xorxell ang naging daan kung bakit nakilala niya ang iba't-ibang miyembro ng FVC. Kalat ang mga mukha nito sa internet ng minsang mapagawi siya sa pags-scroll roon at nakuha nito ang kanyang atensyon."O edi si Xorxell pala ang love mo sa kanila?""Silang lahat siyempre. Pero kakaiba ang alindog ni Xorxell eh.""May girlfriend na iyon.""Correction. Lahat sila may girlfriend na. Kakatapos lang nila sa College graduation—""Hindi. Si Xorxell lang ang may girlfriend. The rest. Single na!"Pinanliitan niya ng mga mata si Beverly. "Bakit mas magaling ka pa sa'kin Bev?'"Kasi kaibigan sila ng pinsan Kong si Cognac...""OMG! OMG!""Wengya! Maghunus-dili ka nga. Kung makasakal ito e. Gusto mo ba akong mamatay?""Hindi. Pero 'di nga. Totoo ba Bev? Pinsan mo si Cognac Wyatt?""Oo nga. Hindi ba halata?" Alam niya na hindi marunong magbiro ang kaibigan niya. Kaya ngayong nandito sila sa bench ng University na kanilang pinasukan dito sa Singapore. Nagulat na lamang si Pauleen ng marinig ang boses ng lalaki sa cellphone ni Beverly. And it was Cognac Wyatt. They are having a video call now.Nagtitili si Pauleen na parang wala ng bukas nang marinig ang napaka-manly ng boses ni Cognac sa cellphone ni Beverly. Totoong magpinsan nga ang mga ito. Kaya nang pinatay ng kaibigan ang tawag ay dinakma na naman niya ng yakap ito. Tuloy ay mas lalong nanaig ang kagustuhan niyang makapunta sa Ferrer's Villages of Courts. Ang lugar kung saan naroon ang lahat ng kanyang sinisinta.Beverly was her friend at mag-iisang taon niya ng kaibigan ito. Marami silang napagkasunduan sa lahat ng bagay kaya mabilis silang nagkagaanan ng loob. Hindi rin lingid sa kaalaman niya na may mga kaibigan itong naiwan sa Pilipinas na sina Cris, Devon at Zephanie na minsan niya na ring nakausap sa cellphone sa pamamagitan na rin ni Beverly.Her father was a filipino and her mother was a Singaporean. Paminsan-minsan ay bumibisita sila sa Pilipinas pero kailanman ay hindi siya nakatapak sa FVC dahil mahirap itong pasukin lalo na at kung wala kang koneksyon.Kaya nga naiinggit siya ng husto kay Beverly dahil nagpabalik-balik na pala ang kaibigan niya sa lugar na iyon."Babae, nandyan ang ex-boyfriend mo kasama ang Donsol na bago niya." Natawa siya ng maging ito ay iyon na rin ang pantukoy na ginagamit sa bagong girlfriend ng dating nobyo niya."Hayaan mo siya Bev. Hindi ko na siya bet.""Paanong mahahayaan ko ang mga iyan. E mukhang dito pa nga sa direksyon natin ang punta. Duh? Ano, babanatan ko na ba ng pamatay kong pick up line?""Sira!""Hi, Pauleen." At talagang binati pa siya ng hudas niyang ex-boyfriend. Ayaw niyang mabahiran ng kapangitan ang araw niya kaya sarkasmong ngiti ang iginawad niya kay Josh at Cleer na bagong girlfriend nito."Ano ang sadya natin? Ibinabalandra mo na naman ba sa buong eskwelahan iyang girlfriend mong Donsol?""Donsol?""Excuse me, are you referring to me?""E kung pakiramdam mo na ikaw ang tinutukoy ko. Why not?" Kumunot ang noo ni Cleer. Hindi pala ito nakakaintindi ng tagalog kaya malaya niyang lait-laitin ito. "Pakyu ka! You are a madapaka bitch—""That's enough Pauleen. Alam mo naman na hindi ka maiintindihan ni Cleer. Stop being a kid.""Babe, what is she taking about?""Nothing babe. Pauleen said you are pretty and sexy. That's all." Aba! Kailan naging pretty ang translation ng 'pakyu ka' at sexy ang 'madapaka bitch'? Napapantiskuhan tuloy siyang nakamasid sa papalayong bulto ng mga ito heaving Cleer's stare left at her."Madapa ka sana! Pangit! Donsol!""You nailed it Paula. Hayun at sapong-sapo na naman si Josh sa katabilan ng dila mo.""Ano namang masama kung ganito na talaga ako? Atsaka pangit naman talaga iyang si Cleer. Ewan ko lang kung ano ang ginamit na translator app ni Josh at nakuha niya ang ganoong mga salitang tranlisado ang mga sinabi ko. Hmmp! Magsama kayong mga pangi—on the second thought. Si Cleer lang naman talaga ang pangit. Nadawit lang si Josh pero sige...dahil makikita ko na ang lahat na taga-FVC. Pangit ka na rin sa paningin ko ngayon Josh! Pwe!""You're gross. Baka after ten years mo pa makikita ang mga iyon." Doon niya lang binalingan si Beverly na manghang nakatitig sa kanya."Whatever. Kahit twenty years pa. I don't care." When her wristwatch beeped. Natutop ni Pauleen ang bibig. "OMG! Uwian na pala. Naghihintay na panigurado iyong kapatid ko sa bahay para sa tutoring class namin today.""H-hey! Ang books mo!" Napabalik siya ng wala sa oras sa bench."Thank you Bev. Mauna na ako ha? Text text nalang or call. May susundo naman siguro sa'yo di'ba? Nandito na siguro ang sundo ko. Just go—ay palaka!" Muntik na siyang mabangga sa brick wall na bukod tanging atraksyon sa kanilang eskwelahan."Ayan, sige! Kape pa Paula.""Heh! Tigilan mo ako Beverly."Same goes for Beverly na agad nakatanggap ng tawag sa sundo nito sa araw na iyon. Pauleen were busy packing her things nang makarating sa sasakyan."You're late.""Sorry naman dad. Oh, nasaan si Rancho?" Rancho was her younger brother."Nasa bahay na at kanina pa naghihintay sa'yo. Wala silang klase lahat ng level sa primary school dahil may sakit ang principal at na-quarantined ng isang buwan.""O, isang buwan rin sila walang klase ganoon?""I don't know. Baka pansamantalang isasara ang eskwelahan at mag-stick nalang sa modular." Binabaybay na nila ngayon ang daan papuntang subdivision ng bahay nila.Sinalubong agad siya ni Rancho ng ngiwi imbes na yakap at halik."You're a minute late Paula.""Atleast dumating di'ba?" Itinapon niya sa nakababatang katapid ang bagpack niya. "Ilagay mo sa kwarto ko. Then sa kwarto mo na ikaw didiretso.""I am not your maid. Kabit ba ako ang always mapagsisidkahan mo?" Ang ama niya na nasa likuran ay banayad na napahalakhak dahil sa kakenkuyan ng kapatid niya.Umirap si Pauleen sa ere."That's not 'kabit' because that is bakit. And that's not 'mapagsisidkahan' dahil mapagdidiskitahan iyon. Alam mo Rancho minsan ang sarap mong ingudngod sa inidoro. Huwag ka nalang magsalita ng tagalog kung hindi mo kaya okay?""You're the one who is prone to filipino languages. So you should understand me, dad? I want to enroll in a language school para naman magrakanoon ako ng learning about sa filipino languages and all of their beliefs and all.""Magkakaroon Rancho! Pumasok ka na nga sa loob at naalibadbaran ako sa'yo.""Pangit!""Aba at...""Hayaan mo na iyang kapatid mo Paula.""At mas lalong hindi Paula ang pangalan ko 'pa.""Paula or Pauleen pareha naman iyon. Magkaiba nga lang ng spelling. Paula for short of your name masyado kasing mahaba e." Katwiran nito."Kaya nakuha rin ni Beverly iyang pangalan ko na iyan sa inyo e." Nagmamaktol siyang pumanhik sa kwarto ni Rancho and do some tutoring hanggang sa tinulugan siya nito.Napanguso nalang si Pauleen dahil wala pang dalawang oras ay bagsak na agad ang ulo ng kapatid niya. She enjoyed herself browsing some information of the FVC. Wala namang pinagbago at ganoon pa rin ng dati. Kagaya ng nararamdaman niya sa tuwing nakikita ang magagandang imahe ng lugar. Napi-pin point niya rin ang gwapong mukha ni Xorxell kasama siya at ipinapasyal siya sa lugar."When will I going to see you?" Usal niya."You will never see him because you are ugly and that guy in your phone is indeed a Greek god." Nayayamot siyang binaling ang tingin kay Rancho na gising na pala at nasa likuran niya lang. Saka siya nito masamang nginitian. "Daddy. Paula has been in love with a guy in her—""Ssh! Ssh! Ano ka ba?" Pinasakan niya ng papel ang bunganga ng kapatid. Saka niya ito iniwanan sa kwarto.For a brief second that she left Rancho's room. Her father arrived on her brother's room asking why he yelled that was more likely seeing a ghost."Paula was in love daddy.""You must be kidding me Rancho. Your sister doesn't have a boyfriend." Dahil hindi naman talaga pormal na kilala ng mga magulang niya si Josh dahil...ewan. basta ayaw niya lang ipakilala hanggang sa maghiwalay na nga sila."Ask her yourself dad. With mom. Confront her and let's see what will she answer.""Nanaginip ng gising iyang si Rancho 'pa kaya huwag mo ng patulan." Isinungaw niya ang ulo sa maliit na siwang na pintuan sa kwarto ni Rancho. "Obviously. He's only trying to mock a joke pero hindi naman nakakatuwa."Wala siyang oras makipagtalo sa kapatid niya kaya malayang tinalon ni Pauleen ang katawan niya sa malambot na kama at doon ay tumihaya, gumilid saka nagpagulong-gulong.Enough for this day. She saw Cognac Wyatt in the phone. Pero counted pa rin iyon kahit ng hindi sa personal. She is looking forward to meet the men of her dreams.Isa na nga roon si Xorxell na siyang pinakanatatangi sa lahat.Wait for me baby. Just wait for me. Big X ka na sa'kin Josh dahil hindi hamak na kalyo ka lang ng mga hot fafa's ko.PANG SAMPONG beses na yata siyang napapagawi ang tingin kay Beverly nang marinig ang malalakas na buntong-hininga nito. They are in the fashion boutique na collaboration nilang dalawa. Mangilan-ngilan rin sa mga gawa nila ay na-fatured na ni Eerah sa mga modelong masyadong maamor para irampa ang mga iyon sa fashion week.And Pauleen concluded that with their tandem. The Beverly-Pauleen collaboration. They would pass as the great designers in the world. Dinaig nila ang mga pusong babae na naayon sa designing ang mga kurso. And she can say, kahit mas stick si Beverly sa pamamahala ng Pretsonsubway. Mas nakahiligan ng kaibigan ang fashion designing. Kaya nga labis ang paghanga niya rito na wala ng kinikilalang pahinga. Makahawak lang sa mga gowns na pinaghirapan nilang buuin.Pero batid ni Pauleen na may bumabagabag kay Beverly. Lalo na ng maispatan niya ang mens magazine na featured roon ang guwapong mukha ni Architect Xander Leeyung at Engineer Jackson Lim. Mukhang nawalan ng poise ang
"PABILI NGA ng bouquet of Santan and Bougainvillea flowers, miss."Itinuro ni Beverly ang kanyang sarili ng sa kanya nakatingin ang customer na lalaki. Nandito siya sa flowershop ni Architect Xander Leeyung para mamasyal ngunit napagkamalan pa siyang tindera ng mga bulaklak."Miss?""Ay naku sir. Mukhang sarado pa ang flowershop ni Architect kasi wala pa namang mga tindera...""Hindi ka ba crew sa shop na ito gayong kitang-kita naman ang mga bulaklak sa malalapad na estante?" Ramdam niya na ang iritasyon sa mukha ng lalaking customer."Naku sorry po. Napabisita lang rin ako dito e kaya pasensya kung hindi ko kayo...""Makaalis na nga!" Ay mabuti pa nga para wala ng istorbo sa pamamasyal ko rito. Doon kasi siya dinala ng mga paa niya at nakapokus nalang ang atensyon sa mga bulaklak ni Architect na nanganganib manakawan dahil masyadong exposed ang mga iyon sa bawat estante."Bakit pinaalis mo ang customer?" Nilingon niya ang nagsalita at nakita niyang nakabulsa ang mga kamay ni Bruce Be
NAKAPASKIL na sa mukha ni Pauleen ang iritasyon ngayong nasa harapan na siya ng kwarto ni Bruce. May placard pang nakalagay sa pintuan nito na 'knock twice' pero dalawang katok na ang ginawa niya gamit ang paa ay hindi pa rin siya nito pinagbuksan."Senyorito. Yohoo! Nandito na ang agahan mo," batid niyang may sarkasmong tinig ang pagkakabanggit niya niyon.Si Zeus na mismo ang nagsabing ang maton na lalaking ito na ang bahala sa kung ano ang gagawin nito sa kanya. Kaya heto ang drama niya ngayon. Katulong. Gusto niyang sipain ang pintuan ng kwarto nito sapagkat nangangalay na ang mga kamay niya sa food tray na hawak niya.Masyado ba siyang maaga e alas sais trenta y cingko pa lang naman. Nasanay siya ng ganoon sa trabaho niya. Nilang dalawa ni Beverly. At hindi niya talaga inaasahan na maski ang bakasyon niya dito sa FVC ay mauuwi pa sa isang bangungot."Bruce hoy!"Nang sa wakas ay dahan-dahang bumukas ang pinto revealing Bruce's messy hair. Ang damit ay lukot-lukot pagkatapos ay na
"BRUCE..."Umangat ang kilay ni Pauleen nang marinig ang boses ng babaeng tinatawag si Bruce na ngayon ay nasa kasagsagan ng pag-inom. Pagtungga agad ng alak ang inatupag nito kahit na kadarating lang nila sa FVC hall.Anniversary party pala ang dinaluhan nila. Pero hindi niya alam kung bakit sa halip na atupagin ni Bruce ang magandang babae na nasa harapan nito. Kung saan-saan na umabot ang mga paningin nito na tila ay may hinahanap. She was standing a meter away from the two kaya nang tumama ang tingin nito sa kanya. Hindi niya alam kung bakit nagbago ang reaksyon nito from stiff to smooth. Saka siya nito nilapitan. Aware si Pauleen na nakatingin pa rin sa kanila ang babae na kausap lang ni Bruce kanina."I've been looking for you. Nandito ka lang pala."Kumunot ang noo niya. Masyadong mabait, mapagkumbaba at mahinahon ang boses nito. Taliwas sa buwitreng boses nito kapag nasa bahay siya nito. Kaya nang nginitian siya ni Bruce ay mas lalong nagtaka siya."Hey,""Ahh yes..." Sabay ik
MASYADONG MABILIS lumipas ang oras kung kaya't hindi na namamalayan ni Pauleen na masyado ng nalasing si Bruce nang malingunan niya ito pasado alas dyes kwarenta ng gabi.And because she was her pretend girlfriend for the night. Na hindi na rin lingid sa kaalaman ng mga kaibigan nito dahil nandito si Cassandra. She played her role vitaly. Walang kaabog-abog na nilapitan niya ang lalaki."Kailangan mo ng umuwi.""Mamaya na," sagot nito."Lasing ka na." Sa sinabi niyang iyon ay nagpang-abot ang kilay ni Bruce na iniharap ang baso sa kanya na sa tingin ni Pauleen ay ang pinakamatapang na inumin na siyang kanina pa nito tinutungga. "Sinong lasing?""Dapat hindi ninyo siya hinahayaang umiinom kung ganyang Broken Hearted ito sa dating nobya niya," tuloy ay nakatanggap ng speech sina Henjie at Barkley sa kanya dahil ito lang naman ang mga kainuman ni Bruce. The rest ay may sari-sarili ng mundo.Napapansin niya ang kanina pa pagnanakaw ng tingin ni Cassandra sa kanila. At si Zeus na nasa sulo
"I WOULDN'T THOUGHT that you could be this funny Xorxell...""Ikaw rin naman kasi ay napakarami mong niri-reveal na kalokohan," natatawang saad rin ni Xorxell. They are both sipping an ice cream ngayong nasa malawak na Parke sina Xorxell at Pauleen sa FVC. Pauleen thought that they looked like the same couples na kasabayan rin nilang namamasyal roon. Both was in love with each other habang nakaupo sa may seawall.FVC gives her lots of memories. Isa na nga rito ang pagsasama nilang dalawa ngayon ni Xorxell. Sa hindi inaasahang pagkakataon ni Pauleen. She happened to see him walking in distate at katulad niya ay gustong mamasyal. Nagulat pa siya ng ito na mismo ang nang-imbita kung maaari ba itong samahan niya.That was her cue kasi syempre. Time niya na talaga iyon. Ngayon pa ba siya aayaw gayong libreng-libre ang oras niya dahil pinahintulutan siya ng asungot na si Brent na mamasyal?"Pero maiba nga tayo. How are you in Bruce's custody?" Mula sa balintataw niya ay kitang-kita ni Paule
"OKAY LANG naman, bakit mo naitanong?" Pero ang totoo ay parang namanhid yata ang backbone niya dahil mukhang umepekto agad ang steel wall na kung saan tumama ang likuran niya kanina."N-never mind," sagot ni Bruce. Naglakad siya malapit sa pintuan ng muli itong magtanong. "Saan ka pupunta?"Nakangiti niyang nilingon si Bruce. "Gagawan kita ng sopas para magkalaman iyang...""Don't bother." Suplado nitong iniwas sa kanya ang tingin at nagtalukbong pa ng kumot bago patalikod sa kanya na nahiga. Napabuntong-hininga na lang si Pauleen ng maisara niya ang pinto, but there's no one can stop her making him soup. Ramdam na ramdam pa niya ang init ng katawan nito ng magkadaiti ang mga balat nila kanina. Pauleen can't turn an eye on him. Matatawag niyang amo ito sa FVC kahit nawa'y masyadong makaaso ang ugali nitong hindi niya mapagsino.Pagkatapos niyang maihain ang sopas ay pinatong niya iyon sa food tray bago siya pumanhik paakyat. Nakasara na ang kurtina sa glass wall na kanina lang ng iwa
MAG-ISANG nira-ransacked ni Pauleen ang kanyang bagahe ng may maalala siyang gamit na ipinusod niya sa gilid ng kanyang maleta. Hindi naman siya ganoon ka-ulyanin para hindi malaman kung nandito pa ba sa maleta niya ang bagay na iyon o wala na. As per on checking, wala siyang binibigyang permiso na hawakan kahit na sino ang mga gamit niya. Not even Bruce Bergman na ngayon ay nasa likuran niya lang bago magsalita."Are you looking for something?" Ikalimang araw ni Pauleen iyon sa FVC. At si Bruce ay gumaling na rin sa lagnat nito. Thanks for her didication to heal him faster."Oo. Dito ko lang talaga inilagay iyon e." Sagot niya ng hindi pa rin ito nililingon."Gaano ba iyon ka-importante?"Hindi naman talaga ganoon ka-importante. Pero may sintimental value iyon sa kanya. Lalo at iyon lamang ang nag-iisang bagay na nagpapaala sa kanya kay—"Josh Lauriente in this picture was young. In my calculations, this was taken 2 years ago. So, you were a third year colleger that time?" Marahas ni
"I WOULDN'T thought you can be this handsome as you were in the magazine Bruce. Aba'y hindi talaga ako makapaniwala na girlfriend mo iyong anak ko..."Mula sa pasimano ay rinig ni Pauleen ang usapan ng mga magulang niya at si Bruce. Finally, ito na ang hinahangad ng mga magulang niya. Ang makita si Bruce ng personal kahit ang kapatid niya. Hindi pa natapos ang isang buwan ng kanyang bakasyon pero himala at walang pag-aatubiling inaprubahan ni Zeus ang gustong paglabas ni Pauleen sa bansa patungong Singapore. Ni hindi siya nakahuma ng umuwi si Bruce sa bahay nito na sinabing pwede na nitong makita ang mga parents niya kahit hindi pa natapos ang kanyang isang buwan na bakasyon.Si Beverly at Xander ay nauna ng bumyahe sa kanila at sa parehong rason, si Zeus ay hindi nag-aatubiling payagan ito. Iyon nga lang, kaya bumalik sa Singapore si Beverly kasama si Xander ay upang trabahuin ang planong pagpapakasal ng dalawa. For some reason ay bahagyang nakaramdam siya ng inggit. Mabuti pa kasi s
PATAPOS NA si Pauleen sa pinanood niyang segment ng documentary ng maulinigan niya ang di-tiyak na ingay mula sa labas. Kakagising niya pa lang at diretsong sumalampak siya ng upo sapinanood ng documentary segment ng marinig niya ang tila ba ay nabasag na gamit mula sa labas. Sure si Bruce ang nagkarga sa kanya mula sa helipad kaya napatanong siya sa sarili kung ganoon nga ba siya kapagod para hindi man lang magising?Not to mention she was perfectly relax pero iyon na nga. Hindi siya mapakali sa ingay na iyon kaya bumaba na siya.Hawak pa niya ang walis tambo na pinuslit niya lang sa ilalim ng hagdan para ipukpok sa ulo ng siguro ay kawatan. But she came into a halt when she saw Bruce. Parang hindi nito alam ang gagawin kung pupulutin ba ang nabasag na plato o unahin ang sangkalan sa stove na kung may anong niluto doon."Bruce!" She hissed at mabilis na nilapitan ang binata. "Ano ba ang ginagawa mo at nakabasag ka pa?""Nagluluto.""Alam ko pero bakit—""Nadulas sa kamay ko iyang pl
"BAKIT KAYO magkasama ni Josh?"Mahigpit na hinawakan ni Pauleen ang laylayan ng kanyang damit at napayuko nalang ng magtanong si Bruce kung kailan papanhik na sana siya sa kwarto.She was almost raped by Josh!Nanginginig ang tuhod niyang hindi makasagot sa binata. His voice scare her. Lalo pa at sa bawat tono ng salita nito ay nababanayad ang panggagalaiti at pagtitimpi. Pinigilan ni Pauleen ang sariling hindi mapahikbi."I went home at five para sana surpresahin ka pero tahimik at bagong style na ng unit ko ang sumalubong sa'kin. Now tell me Pauleen, was it fun? Anong oras na for petes sake at nagmukha akong tangang kakahintay sa'yo doon sa baba!" Hindi siya agad nakaimik."Pauleen!" Kasabay ng malakas na sigaw ni Bruce ay napapitlag siya. Hindi na ni Pauleen napigilan ang napaluha."Oh shit!" Mabibilis ang mga hakbang nitong nilapitan siya. Checking her face kasabay ng pagdilim ng mukha nito bago muling bumaba ang tingin sa damit niyang bahagyang kita na ang dibdib niya."That bas
"MATATAGALAN SIGURO ako doon bago ako umuwi or baka gagabihin na ako. After that, diretso na ang lipad natin patungo sa FVC dahil nasa hangar naman ang private chopper ko...""E bakit ba ay hindi mo ako magawang isama?""As long as I want to, Pauleen. Hindi pwede dahil delikado."Pinanatili ni Pauleen ang magaspang na mukha. They are supposed to leave the city pero tumawag ang mga empleyado nito na nagkaroon daw ng aberya ang construction firm na pinapatakbo ni Bruce sa Laguna. Hindi niya rin mapigilan ang pait sa sikmura niya. Sure, she doesn't want Bruce to leave. Natapos na siyang mag-empake ng sumunod ito sa kanya sa kwarto para ipaalam na may emergency at kailangan ni Bruce na umalis.Bagsak ang balikat niyang ibinalik ang tingin sa maliit na baggage."Kung ako lang talaga ang masusunod ay hindi ako aalis despite the LPA, ay luluwas tayo agad sa FVC. Pero kailangan talaga ang presensya ko doon e. Tatawag na lang ako sa'yo pagkarating ko doon, how's that?""Don't bother Bruce. Jus
"HI, PAULEEN..."Mula sa bachelor's pad ni Bruce sa itaas. They decided to eat breakfast at the groundfloor, Monday morning. Nagbabadya pa rin ang maya't-mayang pag-uulan dulot ng low pressure area na kakapasok pa lang sa bansa.Kakatapos pa lang nilang mag-agahan actually and Bruce happened to ease himself in the comfort room kaya naiwan si Pauleen sa kanilang lamesa, with this woman na hindi pamilyar sa kanya. Or was it because she's Bruce girlfriend in the eyes of everybody kung kaya't madadawit ang pangalan niya kung sakaling makikita siya ng mga tao kahit hindi mga media? Yes, it is probably the answer."I assumed you doesn't know me.""Yes.""Then let me introduce myself. I am Michelle Alcazar. Bruce Bergman's ex-girlfriend. It's my pleasure to finally meet you in personal," manhid na siya kung hindi niya malasahan ang sarkasmo sa sinabi nito at pagdiin sa sinabi sa huling salita. She extended her hands at hanggang maaari ay pakikisamahan niya ang babaeng walang balak na itama a
HAPONG-HAPO at pagod na pagod si Pauleen sa maghapong kaliwaang interview sa kanilang dalawa ni Bruce. Napaluwas siya ng wala sa oras sa syudad hindi para umuwi sa Singapore pero upang pilit na tangkilikin ang walang katapusang imbitasyon.Sa Megamall ginanap ang interview. At kagaya ng inaasahan niya ay marami ang nagtaka. Nayayamot at higit sa lahat ay nagluksa. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang ganito na ang estado ng buhay niya agad. With Bruce, walang imposible. Nakausap niya na ang binatilyo kung bakit hindi nito magawang tanggihan ang mga imbitasyon. Isa lang naman ang sagot at bored daw ito. Walang magawa si Pauleen kundi ay ang maging sunod-sunuran kahit nawa'y naalibadbaran na siya sa mga flashes of cameras dahil kaninang alas syete pa sila nagsimula at natapos ay alas singko na ng hapon.Hindi niya na mabilang kung makailang ulit siyang ngumiti ng peke. Oh, it started since the interview begin. Pinanatili nilang dalawa ang intimation sa isa't-isa at ilang beses na nga siy
KINAGABIHAN AY nakatanggap ng tawag si Pauleen sa kapatid niya. Si Rancho."Paula. Mommy and daddy wanted to talk to you,""Ano 'daw ba kasi iyon?" Sinulyapan niya ang wall clock at alas syete y media pa lang naman ng gabi. Ganoon ba siya kapagod para makaidlip ng mahaba-habang oras?"You'll be doomed."Then at the end of the line ay umalingawngaw ang sigaw ng papa niya. Nailayo niya ang cellphone sa tainga dahil bahagyang nabingi siya."...ano itong naririnig naming may boyfriend ka na 'daw riyan sa FVC? Aba'y dalhin mo agad riyan dito sa Bahay para mabalatan ko ng buto.""'pa!" Hininaan niya ang boses dahil baka magising iyong si Bruce sa kabilang kwarto."Why the hell are you whispering? Nasa tabi mo lang ba ang lalaki mo riyan sa FVC? At ano itong sinasabi ng kapatid mo na...isa daw ang lalaking iyan na boyfriend mo ngayon ang kinahuhumalingan mo?""Honey, calm down!" That's her mommy."How should I calm down?" Mababakas sa boses ng papa niya ang iritasyon. Kasabay ng pagbukas ng
"START YELLING NOW..."Tumabingi ang ulo ni Bruce ng hindi siya nakaimik pagkatapos nilang dalawang makapasok sa bahay nito. Totoo nga pala ang kasabihan na malakas lang ang loob mong harapin ang tao kapag hindi mo pa iyon makikita, pero sa eksenang iyon kanina with Josh ay literal na nanghina ang tuhod niya."Well Pauleen?"Then he snapped out his finger. "hoy! You're spacing out." Saka lang siya nag-angat ng tingin. His smile really melts her like an ice cream when his eyes meet hers. "Now, how's my acting? Sigurado ako na paniwalang-paniwala ang kulugo na iyon na magkasintahan nga tayo. Hah! Ang lakas ng loob niyang lapitan ka e di'ba ay siya nga ang nag-cheat?""Bruce...""Yes, honey?""I'm troubled.""What do you mean trouble?" Simpleng napahawak siya sa kanyang dibdib. "What the fuck is happening? Bakit hindi mo sinabing may sakit ka sa puso?" Siya man ay gustong humalakhak sa pagkataranta nito."Bakit nakangiti ka pa? Mamamatay ka na nga't lahat!""Gago!" Bruce Bergman's reacti
MAG-ISANG nira-ransacked ni Pauleen ang kanyang bagahe ng may maalala siyang gamit na ipinusod niya sa gilid ng kanyang maleta. Hindi naman siya ganoon ka-ulyanin para hindi malaman kung nandito pa ba sa maleta niya ang bagay na iyon o wala na. As per on checking, wala siyang binibigyang permiso na hawakan kahit na sino ang mga gamit niya. Not even Bruce Bergman na ngayon ay nasa likuran niya lang bago magsalita."Are you looking for something?" Ikalimang araw ni Pauleen iyon sa FVC. At si Bruce ay gumaling na rin sa lagnat nito. Thanks for her didication to heal him faster."Oo. Dito ko lang talaga inilagay iyon e." Sagot niya ng hindi pa rin ito nililingon."Gaano ba iyon ka-importante?"Hindi naman talaga ganoon ka-importante. Pero may sintimental value iyon sa kanya. Lalo at iyon lamang ang nag-iisang bagay na nagpapaala sa kanya kay—"Josh Lauriente in this picture was young. In my calculations, this was taken 2 years ago. So, you were a third year colleger that time?" Marahas ni