Lumipas pa ang ilang mga araw, abala pa rin ako sa mga dapat kong gawin sa paaralan. Araw-araw ay nag-eensayo kami ni Harris para sa padating na pageant at ganun din sila Zale at Misty.
Hanggang ngayon walang pagbabago hindi parin ako pinapansin ni Misty at tuluyan na itong hindi sumama kina Jade at Vie. Pero ayos na rin dahil nakikita ko ang saya at mga ngiti niya kapag kasama niya si Zale. Habang patagal ng patagal din ay nahahalata kong nagiging komportable na si Zale sa kanya.
"Ava focus, ayusin mo ang lakad mo," paalala sa akin ni Vie. Siya kasi ang nag-eensayo sa akin. Hindi naman siya sumasali sa mga pageant pero bihasa siya dahil isang beauty-queen ang kanyang ina, namana naman niya ang kagandahan nito.
"Paano ba kasi? Kahit naman may heels ako ay mukha pa rin akong bata. Ang hirap maglakad Vie!" pagrereklamo ko, napakamot na lang ito sa kanyang ulo. Hindi ko kasi talaga alam kung paano ba ito gawin ng tama
Nagising ako nang marinig ko ang pagbukas ng gate namin. Sinubukan kong tumayo ngunit nakaramdam ako kirot kaya napahiga ulit ako sa aking higaan. Mayamaya pa ay sinubukan ko ulit na tumayo ng dahan-dahan.Nakatayo na ako at unting-unti naglalakad ako papunta sa direksyon ng pintuan. Nang makarating naman ako sa tapat ng pintuan ng kwarto ko ay dinikit ko ang tainga ko dito at pinakinggan kung sino man ang dumating."Upo ka muna Zale... Nagpapahinga pa ata si Ava..." iyon lamang ang aking narinig na sinabi ni mama. Alam ko na agad na nandito si Zale dahil sa nasambit ito ni mama. Pinakinggan ko ulit ito at narinig ko namang nagsalita ulit si mama. "Sandali lamang Harris at Zale at maghahanda lang ako ng inumin," doon ko na nalaman na hindi pa rin pala nauwi si Harris. Napasampal naman ako sa aking noo dahil paniguradong nanlilisik na naman ang mga mata ng dalawang iyon habang nakatingin sa isa't isa."Salamat po,"
Nagising na lamang akong iniinda ang sakit sa aking paanan. Maliit na sugat lang naman ito sa dalawa kong paa pero talagang iniinda ko ang sakit at hapdi na nararamdaman ko lalo na kapag natatanaab. Nakapagpahinga naman ako ngunit sadyang hindi mawala sa aking isipan ang pag uusap namin ni Zale. Ganito naman ako palagi, lahat na lang iniisip ko. Ako rin minsan ang may kasalanan kung bakit masakit ang ulo ko dahil kahit maliit na bagay at wala namang kabuluhan ay iniisip ko pa rin.Pero hindi talaga mawala sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni Zale. Talagang pinapakita at idinidiin niya sa akin na may pagtingin sa akin si Harris. Ayaw kong maniwala, ayaw ko umasa, ayaw kong hayaan ulit si Harris na saktan ako.Sa kanilang dalawa ni Zale at Harris ay aaminin kong mas gusto ko si Harris. Hindi ko alam kung bakit si Harris pa ang nagustuhan ko kahit na mas matino naman si Zale. Kahit na sinaktan ako ni Harris ay mas gusto ko pa rin siya, ma
Makalipas ang ilang linggo ay gano'n pa rin ang pakikitungo ng dalawa sa isa't isa. Hindi iyon nagbago, simula noon ay masaya kaming magkakasama sa tuwing may kailangan kaming gawin bilang estudyante. Day by day we create happy memories that we will remember.As far as I know Zale will study in other country because that's what his parents want. Pumasok lang naman siya sa public school dahil sa akin. And Harris, I don't know what his plan is after this school year. Narinig kong naging matino siya sa school namin at gumanda ang grado niya. I'm so proud of him, naalala ko pa dati na nanghihingi lang siya ng sagot sa akin ngunit ngayon ay isa na siya sa mga matatalino sa aming klase.My tears suddenly fall. I miss Misty, she really end our friendship and it was so easy for her while everyday I'm suffering. Mabuti na lang ay nandyan parin sila Jade and Vie, and Harris and Zale too.I opened my phone once
Ngayong araw na gaganapin ang pageant na sinalihan namin nila Zale at Harris. Hindi naman ako kinakabahan dahil hindi ko rin namang gustong manalo sa paligsahan na ito.Sumali lang ako dahil kay Vie. Ngunit ang inaalala ko ay ang muling pagkikita namin ni Misty. Matagal tagal na rin mula ng nagkaroon kami ng interaksyon sa isa't isa. Ang palagi niya lang kasama ay si Zale sa tuwing nag-eensayo sila at pagkatapos naman ng klase ay agad na itong uuwi.Tungkol naman sa amin ni Zale ay parang normal lang ang lahat. Siguro nga ay hindi niya napansin ang naging pag-uusap namin ni Harris nung nakaraang gabi. Nag-aalala naman ako dahil hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya na si Harris ang tinitibok ng puso ko. Hindi ko rin alam ang magiging reaksyon ni Harris sa oras na malaman niyang magkakaroon ako ng date kasama si Zale sa katapusan ng school year.Natigil naman ako sa pagbibihis dahil nakatanggap ako ng me
"Misty!" sigaw ko habang naglalakad papunta kung saan naroroon si Misty, hindi niya ako narinig at akmang sisigaw na ulit sana ako pero sumulpot sa harapan ko si Zale."Oh Ava? Anong ginagawa mo rito?" tanong agad sa akin ni Zale. Tumingin naman ulit ako kung nasaan si Misty at wala na siya doon, marahil ay tuluyan na itong nakaalis."Wala. Congrats! I'm sure masaya si Misty kase paniguradong gagawin kayong loveteam ng mga ka-schoolmates natin," nakangiting saad ko naman sa kanya. Kita ko sa kanyang mga mata na hindi niya nagustuhan ang mga sinasabi ko ngunit nagpatuloy lang ako."Kamusta kayo ni Harris?" biglang tanong naman sa akin ni Zale dahilan upang nabigla ako at kabahan. Alam niya ba na May namamagitan na sa amin ni Harris?"Kami? Wala..." kinakabahan kong sabi at tumawa."Ikaw naman bakit ba si Harris pinag-uusapan natin diba dapat mag celebrate tayo? N
Nahiga na ako sa aking kama pagkatapos kong maglinis ng katawan. Grabe at sobrang bigat ng tiyan ko, marahil siguro ay napaka dami kong kinain kanina. Sa buong buhay ko ay ngayon palang ako nakakain ng ganoon karami at ka sarap, iba pala talaga kapag pang mayaman ang pagkain sobrang sarap.Nagulat naman ako at biglang kinabahan dahil hindi si Harris ang nag text sa akin kung hindi ay si Zale."Magkita tayo bukas sa dati nating pinupuntahan, sa Yata park. Huwag kang mag-alala gusto lang kita makausap. Congrats pala sa inyo ni Harris, good night," text sa akin ni Zale, hindi ko naman maiwasan ang sarili ko na isipin kung anong pag-uusapan namin bukas, siguro ay tungkol iyon sa aming dalawa.Lalo naman akong kinabahan dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya. Magagalit ba siya? Nasaktan ba siya kanina? O hindi naman niya iyon ininda? Hindi ko alam, bakit ba ang sarili ko ang tinatanong
Lumipas pa ang ilang mga araw at naging sobrang masaya ako. Araw-araw ay ginaganahan akong pumasok dahil makikita ko si Harris, at madaling mag aral dahil wala na rin akong problema. Palagi lang kaming nagtatawanan nila Harris, Jade and Vie. Kung nawala si Misty ay si Harris naman ang pumalit bilang bagong myembro ng pagkakaibigan namin.Sa paglipas din ng mga araw ay unti-unting nakilala ko pa si Harris. Mas makulit at mas clingy pa pala ito kaysa sa inaasahan ko. Minsan ay may pagka seloso rin ito kaya hindi na ako masyadong nakikipaghalubilo sa iba pang lalaking estudyante para walang gulo.Halos araw-araw din ay nasa bahay siya dahil gustong gusto ng mama ko na nandoon siya. Palagi silang nag-uusap, lalo na't madaming alam si Harris sa mga bulaklak at ang nanay ko naman ay mahilig sa mga bulaklak.Samantalang napag-uusapan na rin namin ni Harris ang pagpapakilala niya sa akin sa pamilya niya. Higit isang
"Harris kinakabahan ako," mahinang sabi ko habang hawak-hawak ko ang kamay ni Harris. Ito na ang araw na ipapakilala ako ni Harris sa pamilya niya. Halos lumabas na ang puso ko sa aking dibdib dahil sa sobrang lakas ng kabog nito at halos manginig naman ang mga kamay ko, nilalamig din ako. "Huwag kang kabahan, I'm with you and I will make you feel safe. Let's go?" saad ni Harris at inaya na niya akong lumabas ng sasakyan. Pagkalabas ko naman ng sasakyan ay agad na namilog ang mga mata ko dahil sa ganda at laki ng bahay nila Harris. Para itong palasyo dahil sa sobrang laki at ganda nito. Makikita rin ang iba't ibang sasakyan na nakaparada na sa unang tingin palang ay halatang mamahalin na iyon. Tanaw ko din ang napakalaking hardin na punong puno ng mga magagandang bulaklak. Kahit na nasa labas pa lang kami ay kamangha-manghang na ang bahay nila Harris at sobrang laki na nito para sa akin, paano pa kaya k
Good day! This is Milly or Milly_Melons, the author of this book! I just wanted to say thank you for all the love and support. Maraming salamat sa mga nagbasa, patuloy na nagbabasa at sa mga magbabasa pa lang! Maraming salamat din sa mga nagbibigay ng gems! Kung nakarating ka hanggang dulo, at tinapos mo talaga ang storya ko, maraming salamat po! Ito po ang kauna-unahang storya na sinulat ko kaya ipinapagpaumanhin ko po ang mga grammatical errors, spelling mistakes at iba pa. Sana po ay natuwa kayo sa storya kong ito at nagkaroon ito, o ang mga karakter nito ng espesyal na lugar sa mga puso niyo. I also thank GoodNovel for giving me this opportunity to write and earn while doing my passion, it is really great working with them. Hinihiling ko na hindi rito matatapos ang paglalakbay natin, ako bilang manunulat at kayo, bilang
I put down my pen and stand up. Naglakad ako papuntang pintuan upang pakinggan ang ingay na nanggagaling sa labas ng opisina ko."Naglalaro na naman sila," i whispered and smiled.Dahan-dahan na binuksan ko ang pintuan at doon bumungad sa akin ang mga hagikgik ni Vaia. Ang anak namin."Are you playing again with Dammy?" tanong ko at saka lumuhod upang magkapantay kami nito."Dammy said it's okay to play. I already finished my homeworks mommy.""Are you sure?" lumingon ako sa paligid."I don't want you to fail your class."Lumapit ito sa akin at hinawakan ang dulo ng summer dress na suot ko. This girl really. She's using her beautiful eyes to me again."I will not fail, mommy. I promise, i will not forget my studies."My mouth curved into a smile. Itong ugali niya na ito ang namana niya sa akin. Sh
Tumayo ang mga balahibo ko nang maramdaman ko ang mabigat niyang kamay na naglalandas sa aking hita...pataas sa aking dibdib."N-ngayon?" napalunok ako at napahawak sa unan."Yes, ngayon. May ibang oras pa ba?""H-hindi k-kasi—""I want to do it, now."Ibinaba ni Harris ang katawan niya upang mahalikan niya ako. Noong una ay wala sa isip ko ang gumanti sa halik niya ngunit dahil sa malikot na dila niya ay hindi ko namalayan na nakikipagtastasan na pala ako ng halik sa kanya.Iniharap niya ako sa kanya at tuluyan na siyang pumatong sa akin. Mas lumalim naman ang halik niya sa akin.Napasinghap ako nang maghiwalay ang mga labi namin ni Harris. Humagilap ako ng hangin dahil halos maubusan na ako ng hininga dahil sa paghahalikan namin."H-harris...""Take off your clothes."
8 na ng gabi nang maisipan ni Harris na umuwi muna upang makapagpahinga siya sa bahay nila. Sabay kaming bumaba ng hagdan habang si Harris ay nakaakbay sa akin.Ngunit sabay kaming nagulat nang makita namin ang isang bisita na hindi namin inaasahan na darating..."Anak, nandito si Zale," anunsyo ni mama kaya sabay kami na napatingin ni Harris sa sofa. Doon nga ay nakita namin si Zale na nakaupo na mukhang naghihintay sa amin.Samantala, naramdaman ko naman ang pag-iba ng sitwasyon. Tumingin ako kay Harris at kita ko ang madilim na mukha nito."Are you okay?"Tumango lang ito sa akin ngunit madilim pa rin ang mukha niya. Hindi ko na lang ito ininda at dumiretso na ako sa paglalakad papuntang sofa upang batiin si Zale."Zale! Kumusta?" paunang bati ko kay Zale. Nag-angat naman ito ng tingin sa akin at agad akong nginitian. Grabe ang pinagkaiba niya ngayon
Nagising na lang ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto. Nakita ko na iniluwa nito si mama kaya agad akong tumayo. Lumapit sa akin si Mama at mahigpit na niyakap naman ako nito."Kumusta ang pakiramdam mo, anak?"Umayos ako at hinigpitan rin ang yakap ko sa aking ina."M-medyo masakit lang po ang katawan," saad ko."Pinag-alala mo ako...akala ko kung ano na ang nangyari sa iyo, Ava. Hindi ko rin matatanggap kung tuluyan na masasaktan ka ni Misty..."Unti-unting lumuwag ang yakap namin ni mama sa isa't isa. Tumingin lang ako sa mukha ni mama na puno ng pag-aalala sa akin. Ngumiti ako at muling niyakap si mama."Okay na po ako, tignan niyo nga po, oh. Nayayakap niyo pa po ang anak ninyo," biro ko at mahinang tumawa."Anong nararamdaman mo? Nagugutom ka ba? Ipaghahanda kita ng pagkain."Tumayo si mama ng hig
"I'm telling you, Misty. Stop being obsessed with Harris's girl. What's the point of killing her, anyway?""To get my fucking revenge? Naghintay lang ako ng limang taon para sa wala dahil sa 'yo!"Napalunok ako dahil sa naririnig kong usapan nila. Kahit na lumayo sila sa akin at may manipis na harang, rinig ko pa rin iyon. Nagpatuloy na lang ako sa pagsipsip ng sabaw na ibinigay sa akin ng lalaki na ang pangalan ay Nico."Stop attacking her. Kapag pinagtangkaan mo na naman siyang saktan, ikukulong talaga kita sa condo."Mayamaya pa ay lumabas na silang dalawa. Parang pusa na kumalma si Misty ngunit masama pa rin ang tingin sa akin nito. Si Nico naman ay nakangiti lang sa akin."K-kailan dadating si H-harris?" kinakabahan na tanong ko. Hindi na ako natatakot sa kanilang dalawa, ngunit ang nasa isip ko ay kailangan ko na makaalis dito sa lugar na ito."Don't worry. I already contacted him. I just hope he doesn't call the police.""Of co
Nagising na lang ako nang maramdaman ko malamig na hangin na dumapo sa balat ko. Iginala ko ang tingin ko sa paligid at nagsitayuan ang mga balahibo dahil sa nakita.Medyo madalim, sobrang tahimik ng lugar, halatang abandonado ang lugar."Mabuti naman at gising ka na," lumingon ako sa aking gilid at nakita ko doon si Misty na nay buhat na timba na puno ng tubig. Lumapit ito sa akin at ibinuhos iyon mismo sa ulo ko. Mas lalo naman akong nagising dahil sa malamig na tubig na iyon."You really think you're a princess, huh? After being liked by so many boys, you convinced yourself that you're a princess."Binato ni Misty ang hawak niya na timba na nakagawa ng malakas na tunog. Mas lalo naman akong matakot. Ang lugar na ito ay siguradong tago at hindi masyadong mahahanap. Isa pa, pakiramdam ko ay walang titulo sa akin dito."M-misty..." bulong ko habang nagsisimula ng manginig ang aking katawan."Do you think someone will save you her
"H-hello? Yes, i just wanted to ask if Harris is there? Oh— okay...thank you, bye."Nilapag ko ang telepono ko sa lamesa at hinawakan ko ang ulo ko at hinilot iyon. Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Misty kagabi.Kinuha ko na ang bag ko at sumakay sa kotse ko. Nakabihis na ako kanina pa dahil simula nang tawagan ako ni Misty, hindi na ako muling nakatulog.Tinawagan ko ang sekretarya niya kanina. Wala raw si Harris, ang sabi sa kanya magiging busy ito. Simula rin daw nang umalis ito kagabi ay hindi na bumalik ng office. Kaya napapaisip ako..."N-no! H-he can't do that! Harris will not cheat on me..." mahina na pangungumbinsi ko sa sarili ko habang nagmamaneho.Huminga ako nang malalim. Hindi pa rin ako mapakali kaya naman kinuha ko ang telepono ko sa katabi kong upuan habang nagmamaneho. Tinignan ko iyon upang malaman kung tinawagan o kung nag-text man lang sa akin si H
Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang sinabi ni Misty. Humakbang siya ng isang beses at huminto. Ako naman ay palihim na umaatras."Why? Hindi mo ba ako gustong makita? Come-on, hindi ka ba nabitin? Hindi mo ba ako na-miss? Five years kang nawala, ah."Tumawa siya. Napansin ko naman na ang kamay niya ay nasa bulsa lang ng itim na jacket na suot niya. Posibleng doon niya itinatago ang armas niya. Kailangan kong mag-ingat dahil mahirap na, baka maulit muli ang nangyari noong nakaraang Linggo. At baka hindi na ako swertehin ngayon."S-seryoso ka ba talaga sa mga binabalak mo?" pinilit kong hindi ipahalata na hindi ako natatakot sa kanya. Tumigil ako sa pag-atras at ganu'n din siya, tumigil siya sa paghakbang."Oo. Masaya 'to. Hindi ka ba nag-e-enjoy?""Misty, bakit mo 'to ginagawa?" napalunok ako. Ibang-iba na siya. The way she speaks and the words that is coming from h