Share

Chapter 22

Author: Milly_Melons
last update Last Updated: 2021-11-02 22:15:46

"Misty!" sigaw ko habang naglalakad papunta kung saan naroroon si Misty, hindi niya ako narinig at akmang sisigaw na ulit sana ako pero sumulpot sa harapan ko si Zale.

"Oh Ava? Anong ginagawa mo rito?" tanong agad sa akin ni Zale. Tumingin naman ulit ako kung nasaan si Misty at wala na siya doon, marahil ay tuluyan na itong nakaalis. 

"Wala. Congrats! I'm sure masaya si Misty kase paniguradong gagawin kayong loveteam ng mga ka-schoolmates natin," nakangiting saad ko naman sa kanya. Kita ko sa kanyang mga mata na hindi niya nagustuhan ang mga sinasabi ko ngunit nagpatuloy lang ako. 

"Kamusta kayo ni Harris?" biglang tanong naman sa akin ni Zale dahilan upang nabigla ako at kabahan. Alam niya ba na May namamagitan na sa amin ni Harris? 

"Kami? Wala..." kinakabahan kong sabi at tumawa.

"Ikaw naman bakit ba si Harris pinag-uusapan natin diba dapat mag celebrate tayo? N

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • Happier (Tagalog)    Chapter 23

    Nahiga na ako sa aking kama pagkatapos kong maglinis ng katawan. Grabe at sobrang bigat ng tiyan ko, marahil siguro ay napaka dami kong kinain kanina. Sa buong buhay ko ay ngayon palang ako nakakain ng ganoon karami at ka sarap, iba pala talaga kapag pang mayaman ang pagkain sobrang sarap.Nagulat naman ako at biglang kinabahan dahil hindi si Harris ang nag text sa akin kung hindi ay si Zale."Magkita tayo bukas sa dati nating pinupuntahan, sa Yata park. Huwag kang mag-alala gusto lang kita makausap. Congrats pala sa inyo ni Harris, good night," text sa akin ni Zale, hindi ko naman maiwasan ang sarili ko na isipin kung anong pag-uusapan namin bukas, siguro ay tungkol iyon sa aming dalawa.Lalo naman akong kinabahan dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya. Magagalit ba siya? Nasaktan ba siya kanina? O hindi naman niya iyon ininda? Hindi ko alam, bakit ba ang sarili ko ang tinatanong

    Last Updated : 2021-11-03
  • Happier (Tagalog)    Chapter 24

    Lumipas pa ang ilang mga araw at naging sobrang masaya ako. Araw-araw ay ginaganahan akong pumasok dahil makikita ko si Harris, at madaling mag aral dahil wala na rin akong problema. Palagi lang kaming nagtatawanan nila Harris, Jade and Vie. Kung nawala si Misty ay si Harris naman ang pumalit bilang bagong myembro ng pagkakaibigan namin.Sa paglipas din ng mga araw ay unti-unting nakilala ko pa si Harris. Mas makulit at mas clingy pa pala ito kaysa sa inaasahan ko. Minsan ay may pagka seloso rin ito kaya hindi na ako masyadong nakikipaghalubilo sa iba pang lalaking estudyante para walang gulo.Halos araw-araw din ay nasa bahay siya dahil gustong gusto ng mama ko na nandoon siya. Palagi silang nag-uusap, lalo na't madaming alam si Harris sa mga bulaklak at ang nanay ko naman ay mahilig sa mga bulaklak.Samantalang napag-uusapan na rin namin ni Harris ang pagpapakilala niya sa akin sa pamilya niya. Higit isang

    Last Updated : 2021-11-03
  • Happier (Tagalog)    Chapter 25

    "Harris kinakabahan ako," mahinang sabi ko habang hawak-hawak ko ang kamay ni Harris. Ito na ang araw na ipapakilala ako ni Harris sa pamilya niya. Halos lumabas na ang puso ko sa aking dibdib dahil sa sobrang lakas ng kabog nito at halos manginig naman ang mga kamay ko, nilalamig din ako. "Huwag kang kabahan, I'm with you and I will make you feel safe. Let's go?" saad ni Harris at inaya na niya akong lumabas ng sasakyan. Pagkalabas ko naman ng sasakyan ay agad na namilog ang mga mata ko dahil sa ganda at laki ng bahay nila Harris. Para itong palasyo dahil sa sobrang laki at ganda nito. Makikita rin ang iba't ibang sasakyan na nakaparada na sa unang tingin palang ay halatang mamahalin na iyon. Tanaw ko din ang napakalaking hardin na punong puno ng mga magagandang bulaklak. Kahit na nasa labas pa lang kami ay kamangha-manghang na ang bahay nila Harris at sobrang laki na nito para sa akin, paano pa kaya k

    Last Updated : 2021-11-05
  • Happier (Tagalog)    Chapter 26

    Nakarating na kami dito sa resort ng uncle ni harris. Napaka ganda ng lugar at talagang nakaka-relax dito kaya nabawi agad ang lakas ko kahit na tatlong oras kami ni Harris sa byahe. Hindi masyadong marami ang mga tao, siguro ay private ito. Mukhang mamahalin ang lugar at pati narin ang mga gamit. Mukhang mayaman din ang mga tao rito kaya nakakahiya.Naglalakad na kami ngayon habang sinusundan namin ang babaeng magdadala sa aming nakatakdang kwarto. Ayaw ko sanang magkasama kami ni Harris sa iisang kwarto ngunit ang sabi ng isang babae kanina ay lahat daw ng kwarto dito ay pang dalawang tao at may dalawang kama naman daw kaya pumayag na rin ako.Sino ba naman kasi ang hindi matatakot kung kasama mo itong si Harris sa iisang kwarto, baka mamaya virgin akong pumasok at na devirginized na ako paglabas.Napailing na lang ako dahil alam ko namang may respeto at nirerespeto ako ni Harris. Minsan lang talaga a

    Last Updated : 2021-11-05
  • Happier (Tagalog)    Chapter 27

    Nagising na lang ako na mag isa at wala sa tabi ko si Harris. Tumayo agad ako ng kama at nag ayos ng sarili. Naalala ko rin na kailangan ko na pala umuwi dahil hindi ko pa nakakausap ang nanay ko, baka isipin niya ay nagtanan na kami ni Harris.Isa pa sa dahilan kung bakit kailangan ko ng umuwi ay may pasok na kami ni Harris. May natitirang dalawang linggo pa kami upang pumasok dahil patapos na ang school year.Dumiretso ako sa banyo at naligo, pagkatapos no'n ay sinuot ko na ang mga damit na binigay sa akin ni Harris. Pansin ko rin na sobrang ganda ng mga damit na binili ni Harris para sa akin, bagay na bagay at sakto lang sa katawan ko. Mukhang mamahalin din dahil sa ganda ng design at ng tela na ginamit para magawa ang damit na to.Saktong pagkatapos kong mag ayos ng buhok ay may kumatok sa pintuan kaya agad ko iyong binuksan. Bumungad sa akin ang isang babae na empleyado sa resort na ito na nakangit

    Last Updated : 2021-11-05
  • Happier (Tagalog)    Chapter 28

    "Dahan-dahan lang Hera, isipin mong may bata d'yan sa sinapupunan mo," nag-aalalang paalala ng uncle ni Harris na sa pagkakasabi niya sa akin ay Atlas ang pangalan."Tumahimik ka," tipid at masungit na balik lang ng nobya niya na ang pangalan ay Hemera.Napatawa naman kami ng mahina ni Harris. Halos kanina pa kami dito tawa ng tawa dahil sa dalawang ito. Sobrang nakakatuwa sila. Para silang aso at pusa kung mag away. At ang mas nakakatuwa pa ay ang uncle ni Harris ang laging talo at ang nobya niya ang laging nasusunod sa huli.Pumunta sila sa lamesa namin dahil mas gusto raw ng babae dito pumwesto."Ano nga ulit pangalan mo?" kung kanina ay masungit ang tono ni ate Hemera kay uncle Atlas, ngayon naman ay sobrang lambot at hinhin ng boses nito ng tinanong ako."Ava po," sagot ko naman habang nakangiti rin.Lumipat sila dito sa lamesa namin dahil na

    Last Updated : 2021-11-05
  • Happier (Tagalog)    Chapter 29

    "Mag-iingat kayo Ava," paalam sa amin ni ate Hemera at si uncle Atlas naman ay tumango lang at kumaway sa amin nila Harris.Nabaling ang tingin ko kay Harris nang hawakan niya ang kamay ko at pagkatapos noon ay nagsimula na kaming maglakad papunta sa kotse.Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan at pumasok naman ako doon, tumabi siya sa akin na ikinataka ko."Hmm. Hindi ba ikaw ang magmamaneho?" tanong ko sa kanya. Agad namang nag-iba ang timpla ng mukha niya."Uncle Atlas said we should get a driver. Baka raw sa ibang lugar kita dalhin," naasar na sagot niya sa akin. Natawa naman ako."What's funny? Nakaka-asar nga, hindi kita makakasama mag-isa," sabi niya pa."Huwag ka na mainis. Mabuti nga iyon dahil totoong driver at bihasa ang magmamaneho para sa sa atin," agad naman siyang nagsalita."I'm go

    Last Updated : 2021-11-07
  • Happier (Tagalog)    Chapter 30

    Gumising akong katabi si Harris. Dahan-dahan akong tumayo at napatingin sa bintana, lumabas na ang haring araw. Nabaling naman ang tingin ko kay Harris na hanggang ngayon ay mahimbing pa rin ang tulog.Umalis na ako sa higaan at dumiretso ako sa malaking bintana na gawa sa salamin at makikita mo ang napakagandang view mula dito sa kwarto namin. Nasa hotel kasi kami ngayon at ang kinuhang kwarto ni Harris ay iyong nasa mataas na bahagi ng building at dahil doon ay napakagandang tanawin ang bumungad sa amin ngayong umaga.Natigil ang pagtingin ko sa napakagandang tanawin nang maramdaman ko na may yumakap sa akin. Lumingon ako at nakita kong si Harris ito, nagising na pala siya.Nanatili lang akong nakaharap sa bintana at nakatingin pa rin sa labas, habang si Harris naman ay mahigpit na nakayakap sa akin at nakalagay ang baba niya sa balikat ko."How's your sleep baby?" bulong sa akin ni Har

    Last Updated : 2021-11-07

Latest chapter

  • Happier (Tagalog)    Author's Note

    Good day! This is Milly or Milly_Melons, the author of this book! I just wanted to say thank you for all the love and support. Maraming salamat sa mga nagbasa, patuloy na nagbabasa at sa mga magbabasa pa lang! Maraming salamat din sa mga nagbibigay ng gems! Kung nakarating ka hanggang dulo, at tinapos mo talaga ang storya ko, maraming salamat po! Ito po ang kauna-unahang storya na sinulat ko kaya ipinapagpaumanhin ko po ang mga grammatical errors, spelling mistakes at iba pa. Sana po ay natuwa kayo sa storya kong ito at nagkaroon ito, o ang mga karakter nito ng espesyal na lugar sa mga puso niyo. I also thank GoodNovel for giving me this opportunity to write and earn while doing my passion, it is really great working with them. Hinihiling ko na hindi rito matatapos ang paglalakbay natin, ako bilang manunulat at kayo, bilang

  • Happier (Tagalog)    Chapter 68

    I put down my pen and stand up. Naglakad ako papuntang pintuan upang pakinggan ang ingay na nanggagaling sa labas ng opisina ko."Naglalaro na naman sila," i whispered and smiled.Dahan-dahan na binuksan ko ang pintuan at doon bumungad sa akin ang mga hagikgik ni Vaia. Ang anak namin."Are you playing again with Dammy?" tanong ko at saka lumuhod upang magkapantay kami nito."Dammy said it's okay to play. I already finished my homeworks mommy.""Are you sure?" lumingon ako sa paligid."I don't want you to fail your class."Lumapit ito sa akin at hinawakan ang dulo ng summer dress na suot ko. This girl really. She's using her beautiful eyes to me again."I will not fail, mommy. I promise, i will not forget my studies."My mouth curved into a smile. Itong ugali niya na ito ang namana niya sa akin. Sh

  • Happier (Tagalog)    Chapter 67

    Tumayo ang mga balahibo ko nang maramdaman ko ang mabigat niyang kamay na naglalandas sa aking hita...pataas sa aking dibdib."N-ngayon?" napalunok ako at napahawak sa unan."Yes, ngayon. May ibang oras pa ba?""H-hindi k-kasi—""I want to do it, now."Ibinaba ni Harris ang katawan niya upang mahalikan niya ako. Noong una ay wala sa isip ko ang gumanti sa halik niya ngunit dahil sa malikot na dila niya ay hindi ko namalayan na nakikipagtastasan na pala ako ng halik sa kanya.Iniharap niya ako sa kanya at tuluyan na siyang pumatong sa akin. Mas lumalim naman ang halik niya sa akin.Napasinghap ako nang maghiwalay ang mga labi namin ni Harris. Humagilap ako ng hangin dahil halos maubusan na ako ng hininga dahil sa paghahalikan namin."H-harris...""Take off your clothes."

  • Happier (Tagalog)    Chapter 66

    8 na ng gabi nang maisipan ni Harris na umuwi muna upang makapagpahinga siya sa bahay nila. Sabay kaming bumaba ng hagdan habang si Harris ay nakaakbay sa akin.Ngunit sabay kaming nagulat nang makita namin ang isang bisita na hindi namin inaasahan na darating..."Anak, nandito si Zale," anunsyo ni mama kaya sabay kami na napatingin ni Harris sa sofa. Doon nga ay nakita namin si Zale na nakaupo na mukhang naghihintay sa amin.Samantala, naramdaman ko naman ang pag-iba ng sitwasyon. Tumingin ako kay Harris at kita ko ang madilim na mukha nito."Are you okay?"Tumango lang ito sa akin ngunit madilim pa rin ang mukha niya. Hindi ko na lang ito ininda at dumiretso na ako sa paglalakad papuntang sofa upang batiin si Zale."Zale! Kumusta?" paunang bati ko kay Zale. Nag-angat naman ito ng tingin sa akin at agad akong nginitian. Grabe ang pinagkaiba niya ngayon

  • Happier (Tagalog)    Chapter 65

    Nagising na lang ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto. Nakita ko na iniluwa nito si mama kaya agad akong tumayo. Lumapit sa akin si Mama at mahigpit na niyakap naman ako nito."Kumusta ang pakiramdam mo, anak?"Umayos ako at hinigpitan rin ang yakap ko sa aking ina."M-medyo masakit lang po ang katawan," saad ko."Pinag-alala mo ako...akala ko kung ano na ang nangyari sa iyo, Ava. Hindi ko rin matatanggap kung tuluyan na masasaktan ka ni Misty..."Unti-unting lumuwag ang yakap namin ni mama sa isa't isa. Tumingin lang ako sa mukha ni mama na puno ng pag-aalala sa akin. Ngumiti ako at muling niyakap si mama."Okay na po ako, tignan niyo nga po, oh. Nayayakap niyo pa po ang anak ninyo," biro ko at mahinang tumawa."Anong nararamdaman mo? Nagugutom ka ba? Ipaghahanda kita ng pagkain."Tumayo si mama ng hig

  • Happier (Tagalog)    Chapter 64

    "I'm telling you, Misty. Stop being obsessed with Harris's girl. What's the point of killing her, anyway?""To get my fucking revenge? Naghintay lang ako ng limang taon para sa wala dahil sa 'yo!"Napalunok ako dahil sa naririnig kong usapan nila. Kahit na lumayo sila sa akin at may manipis na harang, rinig ko pa rin iyon. Nagpatuloy na lang ako sa pagsipsip ng sabaw na ibinigay sa akin ng lalaki na ang pangalan ay Nico."Stop attacking her. Kapag pinagtangkaan mo na naman siyang saktan, ikukulong talaga kita sa condo."Mayamaya pa ay lumabas na silang dalawa. Parang pusa na kumalma si Misty ngunit masama pa rin ang tingin sa akin nito. Si Nico naman ay nakangiti lang sa akin."K-kailan dadating si H-harris?" kinakabahan na tanong ko. Hindi na ako natatakot sa kanilang dalawa, ngunit ang nasa isip ko ay kailangan ko na makaalis dito sa lugar na ito."Don't worry. I already contacted him. I just hope he doesn't call the police.""Of co

  • Happier (Tagalog)    Chapter 63

    Nagising na lang ako nang maramdaman ko malamig na hangin na dumapo sa balat ko. Iginala ko ang tingin ko sa paligid at nagsitayuan ang mga balahibo dahil sa nakita.Medyo madalim, sobrang tahimik ng lugar, halatang abandonado ang lugar."Mabuti naman at gising ka na," lumingon ako sa aking gilid at nakita ko doon si Misty na nay buhat na timba na puno ng tubig. Lumapit ito sa akin at ibinuhos iyon mismo sa ulo ko. Mas lalo naman akong nagising dahil sa malamig na tubig na iyon."You really think you're a princess, huh? After being liked by so many boys, you convinced yourself that you're a princess."Binato ni Misty ang hawak niya na timba na nakagawa ng malakas na tunog. Mas lalo naman akong matakot. Ang lugar na ito ay siguradong tago at hindi masyadong mahahanap. Isa pa, pakiramdam ko ay walang titulo sa akin dito."M-misty..." bulong ko habang nagsisimula ng manginig ang aking katawan."Do you think someone will save you her

  • Happier (Tagalog)    Chapter 62

    "H-hello? Yes, i just wanted to ask if Harris is there? Oh— okay...thank you, bye."Nilapag ko ang telepono ko sa lamesa at hinawakan ko ang ulo ko at hinilot iyon. Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Misty kagabi.Kinuha ko na ang bag ko at sumakay sa kotse ko. Nakabihis na ako kanina pa dahil simula nang tawagan ako ni Misty, hindi na ako muling nakatulog.Tinawagan ko ang sekretarya niya kanina. Wala raw si Harris, ang sabi sa kanya magiging busy ito. Simula rin daw nang umalis ito kagabi ay hindi na bumalik ng office. Kaya napapaisip ako..."N-no! H-he can't do that! Harris will not cheat on me..." mahina na pangungumbinsi ko sa sarili ko habang nagmamaneho.Huminga ako nang malalim. Hindi pa rin ako mapakali kaya naman kinuha ko ang telepono ko sa katabi kong upuan habang nagmamaneho. Tinignan ko iyon upang malaman kung tinawagan o kung nag-text man lang sa akin si H

  • Happier (Tagalog)    Chapter 61

    Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang sinabi ni Misty. Humakbang siya ng isang beses at huminto. Ako naman ay palihim na umaatras."Why? Hindi mo ba ako gustong makita? Come-on, hindi ka ba nabitin? Hindi mo ba ako na-miss? Five years kang nawala, ah."Tumawa siya. Napansin ko naman na ang kamay niya ay nasa bulsa lang ng itim na jacket na suot niya. Posibleng doon niya itinatago ang armas niya. Kailangan kong mag-ingat dahil mahirap na, baka maulit muli ang nangyari noong nakaraang Linggo. At baka hindi na ako swertehin ngayon."S-seryoso ka ba talaga sa mga binabalak mo?" pinilit kong hindi ipahalata na hindi ako natatakot sa kanya. Tumigil ako sa pag-atras at ganu'n din siya, tumigil siya sa paghakbang."Oo. Masaya 'to. Hindi ka ba nag-e-enjoy?""Misty, bakit mo 'to ginagawa?" napalunok ako. Ibang-iba na siya. The way she speaks and the words that is coming from h

DMCA.com Protection Status