Rainbow
What I had was something not perfect but I was contented. Hindi man marangya ang buhay na kinagisnan ko, masaya naman. Mahirap kung minsan pero nakakaraos din. I got so used to the warmth that I wasn’t able to brace myself for the cold and dark. That’s what became of us when my mother died. She was our warmth and light. Ngayong wala na siya, naging madilim ang lahat sa amin ni Papa.
“Papa, tama na po iyan. Lasing na po kayo,” yugyog ko sa balikat niya.
Mahihinang ungol lang naging sagot niya sa akin. Ilang buwan na rin ang nakalipas mula nang mamatay si Mama. Mula noon, ganitong eksena palagi ang naaabutan ko tuwing umuuwi galing sa eskwela. Si Papa, lupaypay dahil sa kalasingan.
Sa maraming beses ko siyang ganoon, kalaunan ay nasanay na rin ako. Hindi ako nagreklamo sa tuwing umuuwi akong gutom at walang nadadatnang pagkain sa kusina. Minsan ay umaga na kung umuwi si Papa galing kung saan, lasing. Everything really turned upside down when my mom left us.
“Papa, nagugutom po ako.” Isang araw nang hindi ko na napigilan.
Gustong-gusto ko nang umiyak ng mga panahong iyon, sa kawalang-magawa at sa matinding gutom. If only I was old enough to look for something to eat on my own. But what could I possibly do? I was just a little kid.
Sa mga panahong ganoon ko lalo namimiss si Mama. I miss everything about her. The way she took care of everything I need, the way she caresses me every time I cry, the food she prepares. Lahat ng iyon.
“Maghanap ka nalang diyan. Matutulog na ako,” malamig niyang sambit.
Gaya ng sabi niya, naghanap ako ng makakain. But finding food made me even hungrier gayong wala naman akong nahanap. I cried so hard that night in hopes that he would come for me and comfort me. Gaya ng ginagawa niya palagi noon. But it didn’t happen.
That’s when I started harboring ill feelings towards my father. Pero kahit gaano ko patigasin ang puso ko pagdating sa kanya, hindi ko tuluyang magawa. Tatay ko pa rin siya. At hindi magbabago iyon.
I thought he would get better as years passed. Akala ko sa pagdaan ng mahabang panahon, tuluyan din niyang maibabaon ang lungkot sa pagkawala ni Mama. But he only got worse. May mga linggong hindi siya nakakauwi ng bahay na labis kong pinag-aalala. Pero kalaunan ay nakakauwi rin at nakakapagdala pa ng pagkain at ibang gamit para sa bahay.
“May trabaho na po ulit kayo?”
Tanong ko habang nakapangalumbabang nakatitig sa kanya mula sa hamba ng pinto. Abala siya sa pagsasalansan ng mga dala niyang grocery. I remember him not going to work for years now. Sa halos araw-araw ba naman niyang paglalasing, malamang ay natanggal na siya sa trabaho noon pa lang.
Hilaw ang ngiting bumaling siya sa akin, iniiwasan akong tingnan sa mga mata. I know him too well when he’s lying. At iyon ang nakikita ko ngayon.
“O-Oo anak,” ngiti niya na agad ibinalik ang tingin sa ginagawa. “Kumain ka na ba?”
Kahit may napapansin na ako ng mga panahong iyon, pilit kong binalewala. I was too preoccupied with school and my part time jobs that I didn’t have enough time to check on him.
Ilang buwan ulit siyang hindi umuwi matapos iyon. At sa tuwina, kahit nahihirapan na ang loob ko at napapagod na ang katawan ko, pilit kong hindi ininda ang lahat. Ipinangako ko sa sarili kong sisikapin kong makatapos ng pag-aaral, maiahon lang ang sarili ko mula sa pagkalugmok. I don’t want to continue living like this. Like hell I would.
“Congrats sa atin! Finally graduate na tayo!”
“Oo nga! My god, after all the hardships sa wakas talaga!”
They both hugged me at halos mapatili kaming tatlo sa tuwa. Life had been so hard on me for the past years. Kaya mabuti nalang at may mga kaibigan akong maaasahan sa lahat ng oras. Kung hindi rin dahil sa kanila, hindi ko rin makakayanan ang hirap.
“Ano ba iyan, Julienne. Naiiyak ako, putek.”
“Ako rin Avery,” they both cried while hugging me tight.
“Oh, ba’t hindi ako kasali sa group hug?”
We all turned only to see Nathan smiling from ear to ear. Nakisali rin siya sa yakapan naming tatlo.
I roamed my eyes around to look for him that day. Sa puso ko, lihim akong umaasa na kahit sa araw man lang na ito, magawa niya akong samahan. Kung kailan pakiramdam ko nalagpasan ko ang isa sa pinakamahirap na pagsubok sa buhay ko, gusto ko nandiyan siya. But he didn’t came. I went home to the deafening silence of our house that day.
I totally gave up after that day. Nag focus nalang ako sa paghahanap ng trabaho habang naghahanda rin sa board exam para maging ganap na accountant. Malaking bagay na nairekomenda ako sa bangko kung saan ako nag OJT noong college. Nakapasok ako roon bilang teller.
That’s when I met Francis. Unang kita ko pa lang sa kanya alam kong may kakaiba na akong naramdaman. But I tried to suppress it. I was so focused on earning for myself that I didn’t give myself a chance to feel those kind of emotions. But he noticed me and courted me.
I was attracted to him, I admit that. But what made me fall in love with him was his gentleness and warmth. He made me feel so loved. That one thing I longed so much for so many years. Kahit ayaw ko mang aminin sa sarili ko, lihim na hinanap ng kailaliman ng puso ang ganoong klase ng pagmamahal. Lahat ng kahungkagan sa puso ko siya ang pumuno. He was my rainbow after the rain.
“Mountains or seas?”
Isang araw ay bigla niyang tanong habang hinahatid niya ako pauwi. I was ranting out of worry dahil lalabas na kinabukasan ang resulta ng board exams.
“Huh?”
He smiled and turned to me. Siya na rin ang nagtanggal ng seat belt ko at hinawakan ako sa magkabilang braso.
“Mountains or seas?”
“Ano’ng mayroon? Ba’t mo tinatanong?” Taka ko siyang tinitigan.
“Just answer it, babe.”
“Mountains, okay na?”
He nodded and caressed my cheek. Kahit papaano ay kumalma ako mula sa pag-iisip sa resulta ng board exam.
“Kinakabahan ako para bukas,” sambit ko.
“You’ll make it. I’m sure of that,” may kasiguraduhan niyang bulong at hinalikan ako sa noo.
“You think so?”
“I know you’ll pass. So relax and rest well,” ngiti niya.
Wala akong nasabi at napayakap nalang sa kanya. He really knows how to comfort me in a way only he can do.
Maaga pa lang ay sinalubong na ako ng yakap ni Julienne. Tigagal akong napatitig sa iba naming katrabaho dahil sabay-sabay silang nagpalakpakan.
“Congrats sa atin, Almene. We both passed,” hagulgol niya sa balikat ko.
Wala akong nagawa kundi ang mapatunganga sa gulat at saya. Ito na kaya iyon? Ang bunga ng lahat ng hirap na pinagdaanan ko noon. Ang kapalit ng sakit at pagod na dinanas ko. Sana ito na nga iyon at sana magtuloy-tuloy na. Wala na akong mahihiling pa kung ito na nga iyon.
“I told you, you’d pass.”
Isiniksik ko pa lalo ang sarili sa dibdib niya. He hugged me tighter and played with my hair using his fingers. We’re in the middle of a vast grassland on top of a hill. Nasa lilim kami ng malaking puno at nakahiga sa inilatag niyang picnic blanket. He surprised me with a date kaya niya pala tinanong iyon noong nakaraan.
“Thank you,” ngiti ko.
I wanted to say so much more than that but all these emotions are overwhelming that I couldn’t utter more words.
“I love you,” he whispered back.
My heart sunk with what he said. It ached happily that I couldn’t help myself but look at him in the eyes while he was saying that. I studied his face closely like I was trying to memorize everything about it. Ang may kasingkitan niyang mga mata na ngumingiti rin pag ngumingiti siya, his pointed nose, pinkish thin lips, and his softly chiseled jaw. He looked like an angel in my eyes. Ang angel who’s always there to protect and love me.
“I love you,” bulong ko.
He cupped my face and pulled me closer to him. I closed my eyes as I anticipate for his kisses. My heart warmed with the way he kissed me softly and passionately. Like he’s afraid he’d break me if he won’t stop himself from being aggressive. Siya rin ang kusang bumitaw at tinitigan ako ng mariin.
Tigagal akong napatitig sa kanya nang mahagip ng tingin ko ang hawak niyang kahita. Inside it is a beautiful diamond ring. Kumikislap iyon sa tuwing natatamaan ng sinag ng araw. Wala pa man ay naiiyak na ako sa sari-saring emosyon.
“Almene, the moment I laid my eyes on you I knew right then and there that I want to spend the rest of my life with you. I love you so much and I always dream of waking up every morning next to you, do everything we want to do together. I’ve always longed for you to be my wife. Please marry me, babe.”
My tears just won’t stop from falling. I have long forgotten this warmth, this bliss. Half of my life were filled with pain and darkness. At buong akala ko mananatiling ganoon ang buhay ko. Until he came and brought back the warmth I longed for. Like I said, he was my rainbow after the rain. And I grow even more in love with him as days passed.
Nanatili akong nakatitig sa kanya, namamangha. I wanted this moment to be etched in my memory forever, our forever. Saka ako dahan-dahang tumango, lalong bumuhos ang mga luha.
“Y-Yes. Of course I will marry you,” hagulgol ko habang natatawa.
His face lit up and he kissed me aggressively now. Tila ba naipon ang lahat ng pananabik at ngayon lang tuluyang napakawalan.
Sa nanginginig na mga kamay ay isinuot niya sa akin ang singing. I couldn’t take my eyes away from it even for a moment. Nabaling lang ang tingin ko sa kanya nang hawakan niya ang pisngi ko at punasan ang natitirang luha.
I hugged him tight and silently wished for this moment to last for a lifetime. Lihim kong hiniling na tumigil ang oras at panatilihin ang tagpong iyon.
All I wanted at first was to get out of the misery I was in. Ang gusto ko lang ay mapabuti ang buhay gaya ng dati. When he came to me, I became a little more greedy. I wanted to build a family of my own, with him, the man I love. At ngayong magkakatotoo na nga iyon ay walang pagsidlan ang sayang nararamdaman ko. It was like nothing could ever ruin it.
I went home feeling light. Hindi matanggal sa isip puso ko ang kaba at saya. I kept thinking of what would happen next.
I was so deep in my thoughts that I didn’t notice another presence inside the house. Halos mapatalon ako sa gulat nang makitang may nakaupo sa pang-isahang sofa sa sala. Nakahinga lang ako ng maluwag nang makitang si Papa lang pala iyon.
Akma ko na siyang lalagpasan nang tumayo siya at alanganing lumapit sa akin. Sa huli ay pinili niyang tumayo malayo sa kung nasaan ako.
I nearly forgot what he looked like. Ilang buwan din siyang hindi umuwi at hindi ko rin naman alam kung nasaan siya ng mga panahong iyon. He aged a lot. Ang mga kulubot sa mukha niya ay lalong dumami pati na rin ang puting buhok.
I looked away. I cannot bear seeing him like this. He used to be a lively man. Ngayong nakikita ko siyang ganito ang itsura, hindi ko maiwasang masaktan.
“Almene, anak. Tulungan mo ako...”
He fell into his knees na ikinataranta ko at agad na umalalay sa kanya. He sobbed like a child which left me dumbfounded and worried.
To be continued...
DilimI already had a bad feeling about this long time ago. Pero inignora ko ang lahat ng iyon at nagfocus sa sarili. I was too preoccupied with surviving alone that I neglected my duty as a daughter for all those time. Tama, siguro nga kasalanan ko rin. Kasalanan ko kung bakit nalugmok at nalulong sa sugal si Papa. Kasalanan ko na hindi ko inalam ang mga bagay-bagay na ginagawa niya ng mga panahong hindi siya umuuwi ng bahay.Gusto kong matawa. Sa samu't saring emosyong nararamdaman ko, gusto ko nalang matawa. Sabi ko na nga ba may kapalit ang lahat ng sayang naramdaman ko sa nakalipas na mga araw. Kaya nakakatakot maging masaya. Kasi hindi mo alam kung hanggang kailan ang sayang iyon, at kung ano ang kapalit."Almene, tulungan mo ako. Ipapakulong nila ako. Ang laking halaga niyon. Hindi ko kayang bayaran. Saan ako k-kukuha ng ganoon kalaking halaga?" Hagulgol niya habang nakalugmok sa sahig.Hindi ko na rin napigilan ang sariling maiyak. Oh damn, why does this have to happen now?"A
BayadA loud ring deafened my ear. Hindi ko lubusang maintindihan ang sinasabi ng mga kaibigan ko. I can see their mouth moving but I can't hear a word they're saying. Namalayan ko na lamang ang sarili kong inaalalayan nilang tatlo at mula roon ay unti-unting luminaw ang pandinig ko."Oh my god, Almene!" Dinig kong hiyaw ni Julienne.Julienne ang Avery held both of my shoulders. Tigmak ng luha ang pisngi ng dalawa."A-Ano'ng sabi niyo?" Nanginginig kong tanong. Hindi ko na lubusang mabalanse ang sarili.Nag-iwas silang dalawa ng tingin habang si Nathan naman ay igting ang bagang na nakatitig sa akin. I can clearly see pity in his eyes. Pilit akong kumawala sa pagkakahawak nilang dalawa at akmang lalabas na ng simbahan para pumunta sa pamilya ni Francis.Avery held me back kaya naman inis kong binalikwas ang kamay niya."Ano ba?!""Almene..." hirap nilang sambit."T-Tell me. A-Ano'ng nangyari kay F-Francis?"I glared at the three of them and didn't stop until someone broke the silence.
ParusaTigagal akong napatitig sa lalaking nagsabi niyon. Hindi pa maproseso ng utak ko ang narinig.His brows shot up giving me the 'that's the truth' look. Gusto kong pumalag at magsalita pero walang boses na lumalabas sa bibig ko.Pambayad ng utang? Are you fucking kidding me?!I looked at my father to look for an explanation ngunit ganoon pa rin ang itsura niya, nakayuko at hindi magawang salubungin ang galit ko."Woah..." Namamangha sa galit kong bulalas.Napaatras pa ako nang hindi na halos mabalanse ang sariling tayo."What the fuck?" I cursed at the air. "Talaga ba, Pa? Magagawa mo sa kin iyon?" Puno ng hinanakit kong bulong."Almene, anak.""Ha!" Hindi ko napigilang maiyak sa galit. Nanginginig na rin ang katawan ko."Anak, m-maawa ka. I-Ipapakulong nila ako," nawawalan ng lakas na aniya. "M-Maniwala ka man sa hindi, labag din sa loob ko na gawin ito... Pero saan ako kukuha ng sampung milyon para ipambayad-""Bakit ka ba kasi nagkaroon ng ganyan kalaking utang?!" I shouted at
MarryI wish I could deny the reality of the things happening right now. Iyon ang naiisip ko habang bumibyahe kami kung saan man kami papunta.Habang papalayo ay paunti-unting kabahayan din ang nakikita ko. Sa totoo lang gusto ko nang manginig sa takot. I don't know what these men are planning. Mukha man silang hindi masama ay hindi pa rin ako mapanatag. And who are we meeting by the way? Is it some old and grumpy billionaire? Oh god. "I just want to clear something here..." panimula ko. The man named Raul turned to me. Habang ang katabi niya namang lalaki ay bahagya lang akong nilingon at binalik din ang tingin sa labas. "Yes, what is it Miss Villareal?" I breathe hard before giving Raul my full attention. "Hindi ibig sabihin na sumama ako ngayon ay payag na ako sa kung anumang gusto ng boss niyo. O kung anuman ang napag-usapan nila ng Papa ko. I came with you to personally talk to your boss. Iyon lang at wala nang iba." Matapos sabihin iyon ay ibinalik ko ang tingin sa bintana
PerfectI stared at both my feet on the tiled floor of the hospital. Nagtatalo ang loob ko kung tutuloy ba ako sa pagpasok o hindi. Wala naman akong ginagawang masama pero nahihiya akong pakiharapan ang pamilya ni Francis. I don't know what to think anymore. And how will I ever face him at times like these?I forced myself to walk towards the ICU. Kung saan alam kong nandoon si Francis. Si Jade lang ang naabutan kong nandoon. Agad siyang nag-angat ng tingin nang mapansin ang presensiya ko."Ate..."I went near her and handed a paperbag. Pagod niya akong nginitian na hindi ko man lang masuklian kahit konting pag-angat man lang ng gilid ng labi."How's he?" I asked as I look at the closed door of the room. Dinig na dinig sa labas ang tunog ng monitor."M-Medyo bumubuti na raw ang kalagayan ni kuya. Ililipat siya sa private ward mamaya."Gusto kong maiyak sa narinig. My heart is full of relief. Hindi na ako makapaghintay na tuluyan siyang magising. I miss him so much.Hindi nga nagtagal
YesMabigat ang pakiramdam ko kinaumagahan. I haven't had a proper sleep these past few days. Mainit din ang hininga ko at mukhang lalagnatin pa. I closed my eyes again when my head hurt."Oh damn."Napamulat ako nang maalala ang nangyari ng nagdaang gabi. Gusto kong isipin na may paraan pa para makawala ako sa sitwasyong kinasasadlakan ko ngayon. But hearing that devil's threats left me hopeless.I forced myself to get up and prepare for work. Naabutan ko si Papa na naghahanda ng almusal pagkalabas ko ng kwarto. He turned to me and smiled awkwardly. Hindi ko siya pinansin at dumiretso sa pinto."H-Hindi ka ba mag-aagahan muna, anak?" Habol niya.Bahagya akong natigilan sa narinig. And the way he's acting like this pissed me off even more. Maraming mga masasakit na salita akong gustong sabihin. At pakiramdam ko tuluyan lang akong matatahimik kung mailalabas ko lahat ng galit na mayroon ako dahil sa nangyayari.Tuluyan ko siyang hinarap at humakbang palapit. Napahinto lang ako nang mak
WarningI woke up feeling warm that morning. Marahan kong dinama ang lambot ng kamang hinihigaan ko. It was unusually soft to the point of unfamiliarity. Agad akong nagmulat para lang masilaw sa liwanag ng araw na mula sa bintana."Gising na siya," aniyang boses nang isang babae. Bakas ang tuwa.I tried looking for the one who spoke. Napakunot-noo ako sa nakita. I then roamed my eyes around the large room. It wasn't mine.Nasaan ako?Agad akong bumangon para lang mahilo at mapapikit sa biglaang pagkirot ng ulo."Naku, huwag ka munang bumangon, hija. Hindi ka pa tuluyang gumagaling."Pilit kong inaninag ang nagsalita. She's somewhat familiar. Ilang sandali ko pang inalala kung ano'ng nangyari ng nagdaang araw.Right. Sumugod ako kay Lideon sa hotel. And then I passed out. Ibig bang sabihin nasa hotel pa rin ako hanggang ngayon? Pero papaanong nandito ang mayordoma nila?"Nasaan po ako?" I manage to utter."Nasa bahay ka ni Lideon, hija. Kumusta ang pakiramdam mo? Masakit pa ba hanggang
GoodnightLutang ang isip ko habang tinutulungan ng stylist na magbihis. I’m in a high-end store to try on few dresses sa kagustuhan na rin ni Lideon. Katatapos ko lang sa spa at salon na siyang pakana rin ng bruho. Inis kong tiningnan ang sarili sa salamin. Medyo nanlalabo pa ang mga mata ko dahil sa hindi pa tuluyang gumagaling mula sa trangkaso.Kung hindi lang kasalanan ang pumatay, wala na sana sa mundong ito ang antipatikong iyon. Ganoon ako ka-galit sa mga pinapagawa niya sa akin ngayon.I’m wearing a light peach tube dress. Hanggang itaas ng tuhod ang haba niyon at tama lang ang pagkakahapit sa hubog ng katawan ko. My hair is rolled up into a messy bun at ilang hibla ng buhok ay nasa gilid ng pisngi ko. Hindi rin ganoon ka kapal ang make-up ko ba bumagay lang din sa suot kong hikaw at damit.Kahit ganoon ay hindi ko man lang magawang purihin ang sarili ko. Truly I look different with these extravagance on, pero hindi man lang natatabunan niyon ang kahungkagang nararamdaman ko.
GazeRemembering what happened still pains me. Nagawa ko mang magmahal ulit pero alam ko sa sariling may bahagi sa puso kong nakalaan lang kay Francis at walang makakapagbago niyon. Kung ako lang ang masusunod ay ayaw ko munang pag-usapan ang bagay na ito. But I feel the need to open up if that would somehow help another person.He froze from where he was standing while I look at his back. Hindi siya nagsalita kaya pilit kong hinanap sa isip ang mga sasabihin."My fiance died a month after the accident," I continued. "I didn't know about the details at ngayon ko lang din nalaman ang nangyari sa fiancee mo. I'm really sorry for what happened."I can feel my chest tightening so I refrain myself from saying more. Nanatili naman siya sa ganoong posisyon hanggang unti-unti siyang humarap sa akin. His eyes are now unreadable and his face bears no emotion."So what?" He asked coldly."S-Sorry?""Why are you telling me this? Sa tingin mo ba magagawa mo akong kumbinsihin sa mga salita mo? Well
AccidentHis eyes looked like a blackhole.Iyon ang una kong napansin pagkakita sa kanya. His eyes emits no emotions at all it made me speechless. Iyon ang palagi kong binabalik-balikan habang nakatunganga sa loob ng hotel room na nai-book ko papunta rito. Raul went back to Manila as per my instruction. Ayaw niya pa ngang pumayag noong una pero kalaunan ay napapayag ko rin. Lideon bombarde me with calls all day asking if I was okay. Katatapos niya nga lang tumawag kaya may pagkakataon na akong mag-isip.I couldn't help but feel pity for that man now that I've seen him. Labis din akong nasaktan nang mawala si Francis, while he lost his fiancee too in that accident. Ang sabi sa article ay dead on the spot ang fiancee niya habang siya naman ay naisugod sa hospital at naka-survive.I walked through the small balcony of the room. Agad na sumalubong sa akin ang malamig na hangin na siyang nagbigay ginhawa sa nararamdaman ko. My eyes fixed on the sparkling lights of the different establishmen
BurnMy tears fell before I know it. Bahagya pang nanginig ang katawan ko sa biglaang pagbugso ng emosyon. I have never paid attention to what really happened after the accident. Ang tanging inalala ko lang ng mga panahong iyon ay ang kalagayan ni Francis. For once...it didn't occur to me that this could happen."Hey, hey."Lideon tried getting my attention through pulling me from my seat. Hindi ko maigalaw ang katawan ko sa gulat na kailangan niya pang hawakan ang dalawang braso ko para tumayo. My tears poured down even more when he hugged me."I'm sorry, I'm sorry. I didn't know. I won't let you do this," he whispered over and over again while I cry on his chest.Hanggang sa pag-uwi ay hindi ako makausap nang maayos. I always end up spacing out thinking about the article and the accident. And the fact that I have to face that man and talk to him bother me even more."Do you want us to eat out or we'll head home straight?"I went back to my senses when Lideon held my hand. Nawala sa
ArticleI couldn't take my eyes off him even when he's busy with other things. Hindi naman ako dating ganito bago kami tumulak sa honeymoon na iyon. Maybe because we became more intimate with each other? Or was it because he confessed?Naguguluhan man ay hindi ko rin maipagkakaila sa sariling masaya ako sa nangyayari. I hate to admit it but I can't deny either that I'm starting to develop something for him. Even when a lot of things are unclear between us, lalo na ang pabigla-bigla niyang pag-amin ng nararamdaman. He had always been straightforward, I'm aware of that. But, something else is bothering me.Walang ibang laman ang isip ko kundi iyon kahit sa kalagitnaan ng presentation ng mga empleyado ni Lideon. They were presenting different designs of buildings. They were great. Kahit naman wala akong madyadong alam sa Architecture ay marunong naman akong tumingin ng magandang gawa ng sining."I heard you personally wanted Mr David Allen for this project, Mr Webb?" Lideon's voice is co
SmittenSabay silang nag-angat ng tingin nang pabalibag kong sinarado ang pinto. Lindsay smirked at me and bend closer to Lideon. Bahagya niya pang isinanggi ang dibdib niya sa balikat ni Lideon bago tuluyang lumayo."Opps! I thought your 'wife' isn't coming?" Mapanuyang aniya na diniinan ang salitang 'wife.'Though affected, I just looked at them with indifference. Tila noon lang natauhan si Lideon at mabilis na tumayo at naglakad palapit sa akin."It's not what you think," he quickly held my arm when I was about to turn my back on him.Imbes na tingnan siya pabalik ay muli akong bumaling sa nakangising si Lindsay. She's giving me the kind of look that she knows something I don't. At lalo lang nagngitngit ang loob ko dahil doon."Mukhang may ginagawa yata kayong importante. Nakakaistorbo ba ako?" May diin sa boses ko nang tanungin si Lideon. I stared at his hand on me then to his face. Naroon ang pagkataranta sa mga mata niya.He clenched his jaw and let out an exasperated sigh. Pagi
Torture"What are you thinking?" He whispered softly.Hindi ako umimik. It doesn't feel right to open up to him just because something happened between us. Naninibago ako. At hindi ko rin alam kung tama bang hayaan ko ang sarili nang ganito. Lalo pa't hanggang ngayon hindi pa rin natatanggal sa isip ko si Francis. Ilang linggo pa lang mula nang mailibing siya. And I don't think what I'm feeling is right.I don't know anymore. Maybe it's safer to just distance myself even after what happened. It don't feel right about everything at all.He caressed my stomach lightly which tingled my insides. Marahan niya akong iniharap sa kanya at sinilip ang mukha ko."You're making me nervous," aniya at hinawakan ako sa pisngi.God, it would have been simpler if he's not treating me like this. I roamed my eyes around and all I could ever see were unfamiliar faces. He couldn't be doing this for people to see, right? Kung ganoon, bakit?I couldn't bring myself to ask him either. Kung ano na ba kami ng
FearIt's probably because I'm tipsy. Right. It's probably the alcohol. There's no way I'd be this affected with his gazes when I'm sober. Dahil lang sa alak ito. Ang init na ito, dahil lang din sa alak.But why can't I withdraw myself from staring back at him?I know I should gather my senses together. Dahil alam kong pagsisisihan ko itong lahat kapag nagising ako kinabukasan. This heat, this tension... This desire. Ngayon lang ito."Almene," his hoarse voice tingled my skin.Napakurap ako at tumitig sa kanya nang maayos. His eyes remained the same. The emotions I see in them are still the same. Desire, lust, and something else I couldn't name."O-Oh?" Nanunuyo ang lalamunan kong sambit.I don't understand myself anymore. I want him near, so near until I couldn't get ahold of my sanity. I want him so close to me I feel like dying. Ano itong nangyayari sa katawan ko?His fingers trailed from the bed to the hem of my shirt. Bahagyang nasagi ng kamay niya ang balat ko na lihim akong nap
WantI stared at the blue sky reflecting on the waves as I try to gather my thoughts. Kung bakit ako nakaramdam nang ganoon ay hindi ko rin mawari. These past days have been confusing, kahit alam kong hindi naman dapat.I shouldn't get curious about who that woman is. That wouldn't be right in any way. Kanina ko pa kinakastigo ang sarili sa mga isiping iyon. O dahil kaya to sa nangyari ng nagdaang gabi? Siguro nga.The deafening silence bore me that I decided to go out and explore the whole cruise. What else would I be doing in a ship like this? Hindi ko pa alam kung saan papunta ito at nakalimutan ko ring itanong kay Lideon. Not that it matters. Gayong palabas lang naman ang lahat ng ito. So might as well enjoy myself while this extravagance lasts.I went out to see if Lideon's around but he wasn't. Ni anino niya ay hindi ko mahagilap sa mga guests na paroon at parito sa corridors. Karamihan sa mga guests ay mga foreigner. May mangilan-ngilang mukhang pinoy.Nagsimula kong tahakin an
GreedyHindi ko alam kung paano niya nagawang kumbinsihin ako para sa palabas na ito. But here I am, following him while dragging my small luggage. Sinalubong kami ng mga staff ng cruise ship at kinuha ang mga maletang dala namin. I turned to look at Lideon's bodyguards, sakto namang pag-alis ng van na sinakyan namin."Let's go," Lideon turned to me and held my waist.Napapakurap akong sumunod, hindi matanggal sa paligid ang tingin. His warm hand ignited my skin that I jolted a little with his touch. Hindi rin nakatulong na hindi mawala sa isip ko ang mga nangyari ng nagdaang gabi.It was my first time being intimate on that level with a man. Matagal man ang naging relasyon namin ni Francis pero kailanman hindi umabot sa ganoon ang intimacy naming dalawa. Sure he kisses me and I do, too. But what I felt last night with Lideon's touch and kisses was different.Ipinilig ko ang ulo para pawiin ang mga naiisip. Pero kahit ano'ng gawin ko pilit sumisilip sa utak ko ang mga nangyari. Hindi