Share

CHAPTER 2

"Ano namang trip mo at nagprepare ka ng ganito ka social na dinner?"usisa ng kaibigan niyang si Julie habang nakaupo sila sa living room.

Kasama nito ang employee lang din daw sa hotel. Sinabi niyang ito na sana ang gumawa pero pagod raw ito at kailangan naman daw ng extra income ang kasama nitong lalaki kaya hindi na rin nag-usisa pa ang dalaga. Ang kaibigang si Julie ay nakilala niya lang nu'ng minsang nag check-in ang team niya sa hotel na pinagtratrabahuan nito. Masaya siya dahil isang housekeeper ito noon pero grabe ang blessing na natanggap dahil napromote bilang manager makaraang buwan ang nakalipas.

"Nothing. I just want to prepare a special and romantic dinner for my family."inosente niyang ngiti.

Napailing ang kaibigan dahil alam nitong nagsisinungaling siya,"Brat-coded ka na naman noh? Ba't ba ayaw mong maikasal ang Kuya mo?"natatawang usisa nito sa kanya.

"Tss, I don't like his fiancee. Napakaplastik at ewan ko ba kung bakit pero kumukulo yung dugo ko sa mukha non."inis na sagot niya habang iniisip ang mukha ng mapapangasawa ng kapatid.

"Baka naman, nagseselos ka lang kasi naikwento mo nga sa'kin noon na magmula nu'ng dumating sa buhay ng kuya mo yang sinasabi mong babae ay nawalan na kayo ng time para mag-bonding."komento nito habang umiinom ng tea.

Napangiwi ang dalaga dahil parang isa din yun sa dahilan. Dati rati ay naglalaro pa sila ng chess at pinapasakay din siya ng alagang kabayo ng kapatid pero lahat ng bonding moments nila ay nawala dahil sa gf nito. May sched pa nga sila pero naglaho na parang bula ngayon. Dalawang taon lang ang tanda ng step-brother niya pero nasanay siyang tawagin itong Kuya. Di pa nga niya nasubukang tawagin ito sa mismong pangalan eh.

"Alam mo Alya, hindi na kayo bata at matanong ko nga kung ilang taon na yang kapatid mo?"kuryos na tanong ng kaibigan.

"He's 26 years old na."nakangusong sagot niya.

"Hmm, sakto na para mag-asawa. Alangan namang hintayin pa ng Kuya mo na lumagpas pa sa kalendaryo yang edad niya."natatawang sabi nito.

"Hindi naman sa gano'n. He promised to me years ago that I will always be his baby. And not only that, I don't like Angela for her. PERIOD"mariin niyang saad.

"Para ka namang 10 years old niyan eh. Paalala ko lang na 24 ka na Alya. Bigay mo na yung blessing mo sa kanila."

"No way. Mas gugustuhin ko pang manatiling single si Kuya kaysa makasal sa bruhang yun."iling niya pa.

"Sus, kung papayag ka lang ay baka sa pinagtratrabahuan ko iheld ang kasal diyan. Mas kikita kami ng malaki non Alya."biro nito kaya inis niyang binato ng throw pillow ang kaibigan.

Nanatili pa ng ilang oras ang kaibigan ng dalaga bago ito nagpaalam na babalik na ng siyudad kasama ang employee nito. Sinabihan din siya na imbes na cash ang ibayad ay through bank account nalang na wala din namang problema kay Alyanna. Tumingin siya sa relong pambisig at napatango ng makitang alas kuwatro na ng hapon. May oras pa siya para magbihis. Saglit niyang chineck ang dining at napangiti dahil sa ganda ng ayos. Mga naggagandahang bulaklak sa gitna na napapaligiran ng candle lights. Nakaready na rin ang mga utensils at plates na gagamitin pati red wine glass at goblet. Pumunta din siya sa kusina para mangamusta sa mga kusinera. Amoy palang ng mga niluluto ay sobrang natatakam na siya. Binilin niya muna sa lahat ang paghahanda sa dinner dahil kailangan niya ding ihanda ang sarili. Dapat maganda siya sa gaganaping dinner. Useless ang pang-aasar niya mamaya kung di siya prepared.

"Alya? Alya baby? Are you there?"katok ng ina niya ang nagpatigil kay Alya sa pagpipili ng susuotin sa closet.

Tinungo niya ang pinto at nakangiting pinagbuksan ang ina. Nakasuot lang siya ng roba habang ang ina niya ay nakasuot ng floral dress. Kahit matanda na ito ay sobra pa rin sa ganda. Walang kupas.

"Para saan yung special na dinner sa baba? Am I expecting something or you already said yes to your brother's wedding?"kita sa mata ang kislap nito.

"Nah, I'm just happy coz I received a wonderful gift Mom. And I want to celebrate it with you and Kuya. Also with Dad even his not here physically." malambing niyang sagot.

Patay na ang Daddy niya dahil sa sakit na cancer pero kahit wala na ito ay ramdam pa rin nila ang gabay ng kinikilala niyang ama.

"You're sweet. May I know what gift?"usisa nito habang yakap-yakap siya.

"It's a secret Mom. Sorry HAHAHA"natatawang sagot niya.

"Okay², btw Angela is waiting down there with your Kuya."imporma nito sa kanya na tinanguan niya.

Humalik siya sa pisngi ng ina bago nagpaalam na magbibihis muna. Dapat maganda siya pagbaba para worth it ang paghihintay ng kapatid at ng bruha nitong fiancee. Maswerte na si Angela para maimbita sa dinner.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status