Share

CHAPTER 7

"Ingat ka pauwi Alya. Tawagan mo ko kapag nakarating ka na sa hacienda okay?"bilin ng Tita Rhian niya habang yakap siya nito.

"Okay po Tita. Thank you sa pabeach mo kagabi. Sobrang masaya ako."nakangiting sambit niya ng bumitaw.

"You're welcome. Balik ka ulit dito sa susunod huh? Irereto kita sa anak ni Lianna."panunukso nito sa kanya.

Malakas siyang natawa at napailing ng maalala ang anak ng kumare nito. Sumama sa bonding nila sa beach ang kumare at anak na lalaki tas as usual, siya ang kumpulan ng tukso. Pinasayaw pa sila nito served daw as a last dance at ang labis niyang ikinahiya kagabi ay ang aksidenteng paghalik niya sa labi nito nang dahil sa pinsan niyang nanulak bigla. Namumula siyang humingi ng pasensya kagabi dahil sa nakainom na rin siya at tukso ng mga nakakatanda.

"Lein, nasa loob na ang gamit mo. Pinadala ko sa  bagger. Ingat ka."biglang sulpot ng pinsan niyang kalog.

"Thank you. Lutuan mo ko ulit kapag bumisita ako dito ah?"natatawang sabi niya.

"Ulol, hindi nako magpapakita sayo. Ang kulit mo."irap nito sa kanya.

"Sira ka. Babye na,pupunta ka pa ng restaurant."mahinang hampas niya sa balikat nito. Bumaling siya sa Tita at yumakap ulit,"Thank you Tita. I owe you for keeping the secret."mahinang bulong niya at mas yumakap ng mahigpit.

Bumitaw ang Tita niya at nakangiting tinitigan ang maamo niyang mukha. Napapikit pa siya ng masuyo nitong hinaplos ang pisngi niya.

"You deserved to be happy so I'll support you baby."makahulugang sambit nito kaya di niya maiwasang maluha.

Napakunot lang ang nuo ng pinsan niya habang tinitingnan silang magyakapan ni Tita Rhian ulit. Wala siyang ideya sa pinag-uusapan ng mga ito.

Malalim na bumuntong-hininga ang dalaga habang nakasakay sa eroplano. Hindi niya alam kung anong mangyayari pagdating niya sa kanila. Hindi niya alam kung paano kakausapin ang binata. Hindi niya alam kung paano aamin.

"Kuya,pwedeng pakidala nalng ng maleta ko papunta sa parking?Tatawag lang ako ng grab po."sabi niya sa staff ng airport.

Kinuha niya ang phone sa bag at nagtitipa ng mensahe ng maamoy niya ang sobrang pamilyar na pabango. Kunot-noong nag-angat siya ng tingin at natigilan ng makita ang blangkong mukha ni Yuan. Nakasuot ito ng simpleng long sleeve black polo kapares ang maong shorts nito.

Kita sa mukha ang kakulangan sa tulog nito dahil na rin sa makakapal nitong eye bags. Lumunok siya ng ilang beses bago naglakas loob na magsalita.

"What are you doing here?"mahinang tanong niya.

"Mom asked me to fetch you here."malamig ang boses nitong sagot.

"Baka may importante kang gagawin, I can take a cab."iwas niya rito.

Wala siyang lakas para pag-usapan ang nangyari sa kanila sa Bohol. Hindi niya alam paano magsisimula eh.

"No, I'm not busy. Tara na."aya nito sa kanya at naunang maglakad.

Ilang beses na bumuntong-hininga ang dalaga bago sumunod rito. Nang makarating kung saan nakaparada ang kotse nito ay hinintay niyang pagbuksan siya ng pinto gaya ng ginagawa nito noon pero napaawang ang labi niya ng lumiko ito papunta sa driver seat at naunang pumasok sa kotse. Sa lagay nila ngayon ay parang siya pa ang may kasalanan rito. Napailing siya at mapaklang natawa sa kilos ng binata.

Tiningnan niya ito ng makapasok sa kotse pero iwas lang ang tingin nito sa kanya. Dismayadong umayos ng upo ang dalaga sa backseat habang nasa hita ang luxury bag niya. Inayos niya pa ang suot na skirt dahil masyadong maikli at nilalamig siya sa lakas ng aircon.

"Pwedeng ioff mo ang aircon nito? Nilalamig ako."kalmadong sambit niya habang yakap ang sarili. Kung ganito kalamig ay dapat nagsuot na siya ng sweater eh. Pinagsisihan niya ang pag-suot ng crop top at skirt ngayon.

"Tss, sino ba kasing nagsabi na magsuot ka ng ganyan kaikli? Hindi mo to kotse para magreklamo."aroganteng sabi nito imbes na ioff ang aircon.

"Ganito ako manamit noon pa. Bat ngayon mo pa naisipang magreklamo?"pigil niyang mainis.

"Tss, umiiwas ako dahil sa kasalanang ginawa mo"sarkastikong sabi nito sabay paandar ng kotse.

Di na naiwasan ng dalaga na magalit sa sinabi nito. Parang siya lang ang gumawa sa tinutukoy nito ah.

"Wow lang Yuan, ako pa talaga?! Ngayon mo bubuksan ang topic na yan? Matapos mo kong iwan non kinabukasan?Wag mo kong ginagago."bwelta niya rito.

"Pero inakit mo ko!Alam mong engaged ako at kapatid kita Alya!"sigaw nito sa kanya.

"Hindi kita kapatid, kahit kailan ay hindi kita tinuring na kapatid Yuan. Tinatawag kitang Kuya dahil na rin kay Mom."pag-amin niya."At sinabi mong inakit kita? Ginagago mo ko eh. Lasing ako non at ikaw ang nasa katinuan pero hinayaan mo ko. Inangkin mo ko Yuan."galit pa na sumbat niya rito."At isa pa, bat mo ba sinisisi sa'kin? Eh halatang nagustuhan mo rin naman."walang hiyang dagdag niya.

Kita niya ang paghigpit ng kapit nito sa manubela kaya napalunok ang dalaga. Parang puputok na ang mga ugat nito sa panggigil. Akma siyang magsasalita ng sulyapan siya ng matalim na tingin ng kapatid.

"Kalimutan na natin yung nangyari. Ayokong makarating ito kay Angela. Kagagaling lang niya sa lagnat niya at ayokong biglain siya sa wlang kwentang dahilan Alya. Hope you understand that."mariing bilin nito sa kanya.

Napailing at mapaklang natawa nalang ang dalaga sa sinabi nito. Kung makapagsalita ng walang kwenta ay isang simpleng babae lang siya sa kanto. Yung mga babaeng nagtratrabaho sa bar lang. Umiwas siya ng tingin at pinunasan ang ilang butil ng luhang tumulo sa pisngi niya. Ang sakit ng sinabi ng binata sa kanya. Buong byahe ay tahimik lang siyang umiiyak kahit ramdam niya ang paminsan-minsang pagsulyap sa kanya ng binata mula sa salamin ng kotse.

Nang huminto ang kotse sa bahay nila ay agad siyang bumaba at dali-daling inayos ang sarili para hindi magduda ang Mommy nila. Masyado siyang kilala ng mommy niya para di malaman na umiyak siya kaya dapat maayos siyang haharap rito.

"Welcome home, my little princess!!!"masayang salubong ng ina niya ng makapasok siya sa bahay.

Natawa pa siya sa pa confetti ng mga kasambahay at ang magandang disenyo ng dining table. Lahat ng kasambahay pati na ang mga driver nila ay andito sa loob.

"Mom naman eh."nakangusong sambit niya at agad na yumakap sa ina."I missed you Mom."naglalambing niyang bulong.

"I missed you too. Blooming ng baby ko ah."masayang usal ng ina habang hinahaplos ang buhok niya."Rhian told me that you met Lianna's son. Is he the reason why you're very lovely now?"tukso ng ina niya ng bumitaw.

"I don't know."sagot nalang niya at bumati sa lahat habang nasa tabi niya ang ina.

Kahit nasaktan siya sa araw na iyon ay nagpapasalamat siya sa mga trabahador at sa mama niyang walang minutong hindi siya pinapasaya. Sumalo ang binata sa kasiyahan pero mas piniling umiwas ng dalaga. Ayaw niyang makausap ito ulit.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status