"Ashy, may naghahanap sayo kanina. Babae daw sabi ni Weng." Yan ang bungad sa kanya ni Jem pagkagaling niya sa school nang umagang yun.
"May iniwan bang bilin? Sinabi ba ang pangalan?" Tanong niya. Wala naman siyang inaasahang bisita ng araw na 'yon.
"Walang sinabi na pangalan ehh. Ang sabi lang daw niya is, babalik daw siya."
"Hmmm.. ganun ba? Sige wala naman na akong pasok ngaung hapon. Si Storm ba wala pa?"
Tanong niya. Dalawang araw na kasi mula nung nagsimula ulit ang klase, pero hindi parin nagpaparamdam sa kanya si Storm. Kahit text o tawag man lang ay wala itong paramdam sa kanya.
"Wala pa Ash ehh.. Nasaan na kayo 'yon? Dapat nga inaayos na niya ang OJT niya ngaun eh." Balik na tanong sa kanya ni Jem, habang nakatutok lang ito sa sinusulat niya.
"Nag-aalala na nga ako. Hindi ko na alam kung anong nangyayari. Hindi ko nga alam kung kumusta na siya, kung okay lang ba siya? May sakit ba siya?" Bagsak ang balikat niya na umupo sa tabi ni Jem. Ang totoo niyan hindi talaga niya maintindihan kung bakit biglaan ang hindi pagpaparamdam sa kanya ni Storm. Hindi naman sila nag-away para atleast man lang sana ay may alam siyang dahilan kung bakit hindi ito nagpaparamadam. Minsan nga naisip niya na tinataguan na siya nito dahi sa may nangyari sa kanila. Pero hindi naman siya ganung klaseng babae para habulin o ipag-pilitan ang sarili niya kung sakali mang ayaw na sa kanya nito.
"Ash.. ano kaya kung puntahan natin siya sa bahay nila. Malay mo pabebe lang siya kaya ganun," bigla ay napatingin sa kanya si Jem. May point naman ang kaibigan niya. Baka gusto lang ni Storm n malaman kung concern ba siya rito kaya kunwari ehh hindi siya nagpaparamdam. Pero, naisip din niya na baka magalit naman ito kapag nagpunta siya sa bahay nila na walang pasabi.
"Bad idea Jem. I won't bite that idea, sorry pero hindi ko talaga gagawin yan. Yung ipakilala nga niya ako nuon sa parents niya tinaggihan ko ehh. Ngaun pa kaya na ako mismo ang pupunta dun?" Sabi ko.
"Gaga ka ba? Gusto ka niyang ipakilala sa parents niya tinanggihan mo? Alam mo ba na halos karamihan sa mga babae yun ang pinapangarap sa buhay? Yung ipakilala sa magulang ng boyfriend nila? Tapos ikaw tinanggihan mo lang?" Tumayo pa ito at ikinumpas-kumpas ang kamay niya habang nagsasalita. Makikita sa mukha niya ang pagkadismaya sa sinabi ni Ashy.
"Sira, siyempre may dahilan naman kung bakit ko ginawa 'yun. Alam mo na," hindi na itinuloy pa ni Ashy ang sasabihin dahil hindi niya alam kung anong magiging reaksiyon ng kaibigan kapag nalaman nito na pinatulan niya si Storm kahit may girlfriend ito. Hangga't maari ay hanggang dun nalang sana muna ang alam nito.
"Alam mo Ash whatever be the reason, its not right. Alam mo 'yon, hindi naman tama na tinanggihan mo siya. Alam mo baka iyan ang isang dahilan kung bakit hindi na siya nagpaparamdam sayo." Biglang nasabi ni Jem. Paano nga ba kung yun nga talaga ang dahilan? Paano kung nagtampo nga ito dahil sa tinaggihan niya nuon na makilala ang mga magulang niya.
Pero naisip niya, hindi naman siguro ganun kababaw ang dahilan ni Storm para iwasan siya ng bongga. Puwede niya naman itong kausapin. Hindi yung bigla-bigla nalang itong hindi magpaparamdam sa kanya. Nasa kwarto na siya ng subukan niya ulit tawagan ang cellphone number ni Storm. Gaya ng dati ring lang ito ng ring pero wala namang sumasagot. Hindi na niya ito inulit pa. Pero sa isip niya, paano sila makakapag-usap kung 'di man lang ito magparamdam sa kanya.?
Makakaidlip na sana siya ng biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto nila. Dahan-dahan niyang minulat ang mga mata niya saka siya dahan-dahang bumangon para bukasan ang pinto.
"May naghahanap sayo. Yung sinasabi ni Weng kanina," pabulong na sabi ni Jem sa kanya.
"Sige, pupuntahan ko na," sagot niya na naka-kunot pa ang noo dahil wala nga siyang inaasahang bisita lalo at babae pa.Bigla siyang hinila ni Jem. "Kapag kailangan mo ng resbak sabihin mo lang ha?" Pabirong sabi ni Jem habang naglalakad sila papunta sa kinaroroonan ng babae.Matangkad ito. Sosyal tingnan kumpara sa kanya na simpleng simple lang kung manamit. Halatang may kaya sa buhay at hindi basta-basta. Napatigil siya sa paglalakad, never pa talaga niyang nakita ang babae at talagang hindi niya ito kilala. Nilakasan na lang niya ang loob niya at kausapin kung sino ba ang babaeng ito.
Magsasalita na sana siya nang....
"So you must be Ashy, Ash for short. Finally, we met. Hindi mo ba tatanungin kung sino ako?" Taas-kilay na tanong sa kanya ng babae habang pinapasadahan siya nito mula ulo hanggang paa.Napalunok siya bago magsalita. "So sino ka nga? Hindi kasi kita kilala, tsaka ngaun lang kita nakita." "As expected, hindi mo talaga ako kilala. Pero ako marami na akong alam sayo. Well, maliit ka nga. Pero maganda ka, at obviously kahit maliit ka...... Marami kang kayang gawin. Aren't you?" Sabi nito na mukhang galit at mukhang may pinupunto."Pasensiya ka na ha? Pero hindi kita maintindihan eh. Tsaka, paano mo naman ako makikilala? Ngaun nga lang tayo nagkita. Hindi din naman ako sikat para makilala mo." Sagot ni Ashy na medyo nakakaramdam na ng inis sa babaeng kaharap niya. Habang si Jem na kaibigan niya ay kanina pa nakakunot ang noo.
"Do I need to say it little by little? Do I need to spill it out word by word?" Sadyang inilapit pa ng babae ang mukha nito sa mukha niya.
"Bring it on. Sino ka ba? Anong kailangan mo sa akin?" Timping sagot ni Ashy kahit sobrang nangagalaiti na ito sa pagka-inis sa kaharap niya."Then hold your breath."
"Im Girlie Roxas, soon to be Mrs. Storm Robles, at yun ay kung titigilan mo ang kakatihan mo." Galit na tingin nito sa kanya. Dun na nagsink-in sa isip niya kung sino ang babaeng ito. Tama.. ito yung girlfriend ni Storm na sinasabi niya. At tama nga ito sa itsura palang niya ay nasa tipo na nito ang nakukuha ang anumang gustuhin niya."Ako lang naman ang girlfriend ng lalakeng inaahas mo. Ako yung girlfriend ng lalakeng pinatulan mo kahit alam mo naman na committed na sa iba. What were you thinking? Na kaya mo siyang sulutin sa akin. Well I'm here to let you know na hindi mo siya makukuha sa akin. You know what, it was not the first time na ginawa ko to. So it means its not only you. Marami kayo." Mapait na ngiti ang binigay nito sa kanya.
"Siguro nga, pero mahal ko siya at mahal niya ako," sagot niya rito bilang pagtatanggol sa sarili niya.
"Mahal? Mahal mo siya, siguro.... ehh siya mahal ka ba niya? Sige sabihin nating mahal ka niya. Nasaan siya ngaun? Nandito ba siya para ipagtanggol ka? Diba wala? Ni hindi nga siya nagpaparamdams sa iyo diba? Kasi, gusto niyang patunayan sa akin na ako ang mahal niya." Pag-diin nito sa sinabi niya.
"Hindi ako naniniwala sayo. Alam ko na ginagawa mo lang ito para magalit din ako sa kanya. Ano pa bang gusto mo? Bakit di mo na lang pabayaan si Storm? Alam naman nating pareho na may mahal ka ng iba diba?" Depensa niya. Ayaw niyang maniwala sa sinasabi nito dahil gusto niyang panghawakan ang pangako sa kanya ni Storm na hindi sila bibitiw sa pangako nila kahit ano pa man ang mangyari.
"I love Storm more than anything and he knows that. He supports me in evertything I want because he loves me more. Its just that malayo ako, at may mga pangangailangan siya. At naiintindihan ko yun dahil ganun din naman ako. In short, we understand each others needs. Nagkataon nga lang na ikaw yung nakapuno sa pangangailangan niya this time. But don't get it wrong girl, alisin mo sa isip mo na mahal ka talaga niya. Wake-up from your innosence, lahat ng lalake sasabihin na mahal nila ang isang babae para lang makuha ang gusto nila. At ganun ang ginawa ni Storm sayo. Hindi naman na niya kasalanan yun kung madali kang mabola at mauto." Mahabang sabi nito na hindi parin inaalis sa mukha niya ang tingin.
"Gusto ko paring maka-usap si Storm. Dahil siya lang ang mkakapagsabi sa akin kung ano ang totoong nagyayari. Hindi sayo.!" Sagot nito na halos hindi na niya mapigilan ang pagpatak ng luha niya dahil sa mga narinig niya.
"Don't worry he will see you as soon as matapos ang pinagkaka-abalahan niya ngaun. He was just fixing something so important that can no longer wait. Just after his graduation kasi, magpapakasal na kami para matigil na rin ang pambababae niya. So hindi mo ba kami babatiin?" Pang-aasar pa sa kanya ng babae.
Halos hindi siya makapag-salita sa narinig niya. Tama ba ang narinig niya? Magpapakasal na si Storm? Bakit ang bilis.
"Seryoso ka, ang alam ko kasi hindi siya magpapakasal sa isang tao na hindi naman niya mahal at hindi siya masaya. At lalong lalong hindi di sayo," sagot niya rito kahit sa mga sandaling yun ang naguguluhan na siya.
"Bilib din naman ako sa fighting spirit mo. Ganun na rin sa kapal ng mukha mo. The nerve of you talk to me that way. Baka nakakalimutan mo, ako ang niloko niyo. I'm here to wake you up from your dreams. He's been mine and he will always be mine. Wala pang kahit na sinong babae ang nanalo sa akin. At kung ikaw lang din naman. You will not going to to win over me." Paninigurado ng babae sakanya.
Pakiramdam niya ng maga sandaling yun ay para siyang nauubos na kandila. Sa kahihiyan at sa sakit na nararamdaman niya. Lalo at narinig ng kaibigan niya ang lahat. Hindi siya makatingin dito dahil alam niyang maraming tanong ang haharapin niya.
"Tapos ka na ba?" Tanong niya rito dahil siya man ay gusto na ring umalis sa kinatatayuan niya.
"Bkit? Hindi mo na ba kaya? Theres more. I'm pregnant, and Storm is going to be the father of this child. Baka gusto mong maging ninang, but nevermind. Ayoko naman na impluwensiyahan mo ang magiging anak ko sa pagiging home wrecker mo." Sabi pa nito."Well congrats. Sana maging masaya kayo.
"Yes we will at kung may konti ka pang hiya na nararamdaman sa sarili mo, siguro naman ikaw na mismo ang lalayo sa amin." Sagot nito sa kanya."Once na nalaman ko na gumagawa ka pa ng ikakagulo namin, baka hindi mo na magustuhan ang gagawin ko. Masama akong kalaban Ashy, at alam ko you wouldn't love to see me mad. So don't mess with me or else you'll regret it for the rest of your life.
"Hindi mo ako kailangang takutin. Alam ko kung saan ako lulugar. At alam ko kung kung ano ang tama...
"Really? If you really do, hindi ka na sana pumatol sa boyfriend ko." Sagot nito na magkakainitan na talaga sila.Pumagita na sa kanila si Jem at pinakiusapan na lamang niya si Girlie na umalis na ito.
"Bago ko pala makalimutan, don't wait for him to come back, he will no longer stay here. Lumipat na siya g pag-stay yan niya para na rin maka-iwas sayo. Bawas-bawasan mo ang kapal ng mukha mo at wag ka ng magsumiksik. Leave us alone!" Sigaw nito saka lumabas ng bahay.
Nang makaalis na ang babae halos manghina si Ashy na naupo sa sopa. Humagulgol ito ng iyak, hanggang sa mga oras na iyon ayy hindi parin niya ma-absorb lahat ng nangyari. Hindi siya mkapaniwala. Parang binabangungot siya ng mga oras na iyon. Ni hindi siya makatingin ng deretso kay Jem dahil hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag dito ang lahat. Alam kasi nito na hindi siya ganung klaseng babae. Na hindi siya yung papatol sa isang taong nakatali na, pero ngaun, anong nangyari. Siya mismo ang nakagawa nito.
Nakayuko parin siya ng mga sandaling yun. Hindi niya alam kung tatayo siya o ano.
Wala siyang mahanap na salita kung paano mababawasan ang sakit..
Umakyat siya sa kwarto nila dahil hindi na niya matagalan ang kahihiyan na inabot niya.
NAUPO siya sa gilid ng kama niya at dun ay humagulhol na siya ng iyak. Ni hindi niya magawang tumingin sa kaibigan niya dahil sa sobrang kahihiyan. Nanatili namang nakatayo si Jem sa harap niya na hindi alam ang gagawin kung aaluin ba niya ang kaibigan o susumbatan niya ito dahil sa nalaman niya. "Ash...." pagbasag ni Jem sa pagitan nilang dalawa."Maiintindihan kita Jem kung huhusgahan mo ako. Alam ko naman na mali ang nagawa ko na pagpatol kay Storm kahit may girlfriend na siya." Panimula niya. "Ash.. wala namang may alam na mag girlfriend na siya diba? So wala kang kasalanan dun. Biktima ka lang din dito." Pagpapakalama sa kanya ni Jem. Hinawakan ni Ashy ang kamay ni Jem." Alam ko Jem. Inamin niya sa akin pero mas nangibabaw sa akin yung kagustuhan kong mahalin siya." Pag-amin nito. Hiyang-hiya siya sa sarili niya nang mga sandaling yun. "Ash naman....bakit? Hindi kita kilalang ganyan." Ramdam ni ash ang pagkadismaya ng kaibigan sa kanya.
PAgkatapos mag-usap nina Storm at Ashy, nag-palam na ito sa kanya. Gustuhin man niyang magtagal ay hindi pwede dahila ayaw niya na matunugan sila at baka hindi matuloy ang plano nilang magtanan. Alam ni Ashy na marami ang masasakripisyo sa gagawin niyang iyon, pag-aaral niya, reputasyon ng pamilya niya at lalong-lalo na ang mararamdaman ng pamikya niya kapag ginawa niya iyon. Pero alam niya na maiintindihan siya ng pamilya niya. Ganun niya kamahal si Storm handa niyang isakripisyo ang lahat. Pagpasok niya sa kwarto ay nandoon si Jem na halata namang naghihintay sa kanya. Niyakap siya nito. "Kumusta ang pag-uusap niyo Ash?" Tanong nito na mababakas sa mukha niya ang pag-aalala."Okay naman Jem, nasabi ko naman lahat ng dapat kong sabihin. Nagpaliwanag din naman siya. Na kaya sinabi ni Girlie yun sa akin ay dahil yun ang gusto ng magulang nila na pakasalan siya. Kubg hindi ay aalisin nila ang share nila sa kompanya ng papa niya. Buntis nga naman talaga si Girlie per
LUNES NG UMAGA.May nabasang message ang mama ni Storm sa cellphone nito. Alam niya na galibg ito kay Ashy kaya binura agad ito. Kinuha kasi nila ang cellphone nito nubg malaman ang relasyon nila.Na hindi puwedeng matuloy dahil kailangan niyang pakasalan si Girlie. Si Storm ay anak bg mama niya sa ibang lalake. At bilang pagtanaw ng utang na loob sa asaw niya ngaun, kailabgang isakripisyo niya ang kaligayahan ng anak. ***************Nagmamadali si Storm na ayusin ang mga gamit niya para sa pagkijuta nila ni Ashy. Hindi pwedeng mahalata ng mga kasama niya sa bahay na aalis siya. Nang biglang bumukas ang pintuan sa kawarto niya. Huli na ng itago sana niya ang bag nito. "Storm? Ano to?" Sabay tingin sa mga damit na nakakalat sa kama niya. Alam na niya ang ibig sabihin nito pero hindi niya pinahalata ang tungkol dito."Aalis ka?""Ma, you know the reason why I need to do this. Ma, please. Hayaan mo nalang akong umalis." Paki-usap nito sa ina."Sto
HINDI nagtagal ay nakauwi na rin sina Ashy. Kahit paano ay bumubuti na rin ang kalagayan ng papa nito. Ngaun, kailangan naman nitong harapin ang problemang naiwan niya. Kailangan niyang magreport sa school nila dahil malapit na ang graduation nila. Isa pa, kailangan niyang makita si Storm. Kailangan niya iyong maka-usap at magpaliwanag ng personal kung bakit hindi ito nakasipot sa usapan nila, positibo naman ito na maiintindihan niya ang sasabihin niya. Bago siya umalis ng bahay ay pinuntahan muna nito ang papa niya. "Goodmorning pa, kumusta po ang pakiramdam niyo?" Nakangiting tanong nito.Umaliwalas naman ang mukha ng papa biya nang makita siya."Okay na okay ako anak. Ikaw kumusta ka naman? Hindi ka ba pupunta sa school niyo, ang tagal din na hindi ka nakapasok," ngiti ng papa niya sa kanya."Pupunta ako ngaun pa, sumaglit lang po ako dito to make sure you're okay po," hinalikan niya ito sa noo at umupo sa tabi niyo. Maya-maya ay hinawakan n
Sa kabilang banda. Hirap parin si Storm na tanggapin ang lahat. Ni wala siyang alam sa anumang nabgyari sa buhay ni Ash. Lahat ng konektado sa kanya ay iniwasan niya. Pinutol niya lahat ng komunikasyon sa kanila dahil sa sama ng loob. Lalo na ng malaman niya na nagpubta si Ashy sa bahay nila hindi upang mkausap siya kundi para sabihin na wala na itobg aasahan pa sa kanya. Sinabi niya mismo sa mama niya na sabihan siya na huwag na siyang guluhin. Gustuhin man niyang puntahan ito mas nanaig ang sama ng loob niya rito, ang hiya at panghihina. "Where are you going?" Palabas siya ng bahay nuon ng biglang lumitaw ang mama niya sa likuran niya."I just want some fresh air ma, it won't take long," sagot niya sa ina."You want some fresh air or you want another trouble? Come on son, I know you. You can have everythibg you want. All you have to do is to marry......" hindi na yun natuloy ng ina niya dahil itinaas na biya ang kamay niya senyales na patitigilin na niya itong magsal
PAGDATING sa harap nina Girlie ay ilang minuto pa itong nanatili sa kotse niya. Dahan-dahan siyang bumaba at pinindot ang door-bell. Habang hinihibtay na mabuksan ang gate ay hindi niya alam kung paano haharapin si Girlie.Maya-maya pa ay bumukas na ang gate. Pibapasok naman agad siya ng maid. Nadatnan niya sa sala ang mga magulang ni Girlie. Halata sa mga mukha nila ang pag-aalala at kalubgkutan." Storm," sambit ni Mrs. Roxas na agad siya nitong niyakap. Gumaan naman ang pakiramdam niya. Hi di kasi ito ang inaasahan niyang reaksiyon ng mga ito kapag nakita siya. Ang akala niya magagalit ang mga ito sa kanya."Tita, tito. Patawarin niyo po ako. Hindi ko po alam na may ganitong karamdaman ni Girlie. Kanina ko lang din po nalaman kina mama at papa," paliwanag nito na seryosong nakatibgin sa mag-asawa."Naiintindihan namin Storm, we understand how you feel about this. Alam namin na nasaktan ka tin ni Girlie. At maiintindihan namin kubg bakit hindi ka namin mpagbigy
SA KABILA ng mga mapapait na pinagdaanan ni Ashy, may mga magagandang bagay naman na nangyari sa buhay niya na labis niyang ipinagpasamalat. Isa na dito ang nakapagtapos siya na Magna Cum Laude, pangalawa ay hindi ito nahirapang makahanap ng trabaho. Kasalukuyan siya ngaung nagtatrabaho sa PSB Company dahil matalino siya nsa mataas na posisyon naman siya at kontento na ito sa ganun. Abala sila sa araw na iyon dahil inaasahan nila na darating ang magigibg boss nila. Na ayon sa naririnig nilang tsismis ay anak ito ng may-ari ng kumpanya ay siya na ang hahawak ng negosyo. Na-excite naman ang lahat na may halong takot dahil hindi nga nila ito kilala. "Kumusta ang kaibigan ko na ipinaglihi sa lakas ng loob?" Isang araw habang nasa canteen siya para mag-lunch ay tumabi sa kanya ang kaibigang si Jem. "Grabe ka naman sissy," natatawang turan nito. Nakasanayan na niya itong tawagin ng ganun mula nung mgtrabaho sila sa kumpanya. Lalo na kapag silang dalawa labg
Kinagabihan naghahanda si Ashy para sa welcome party. Isinuot niya ang simpleng dress na binili niya, naglagay ng kaunting kulay sa bibig niya at nagwisik ng pabango sa katawan niya. Lumabas siya ng kuwarto niya at nakita niya ang mama niya na naghihintay sa kanya. "Ma, bakit gising ka pa? Okay na po ako 'wag niyo po akong alalahanin," humalik siya sa kanyang ina. Tamang tama na bumusina na ang sasakyan ng kaibigan niyang si Jem kaya dali-dali na itong lumabas. "Huwag mo na akong hintayin ma ha? Matulog ka na po. I love you," paalam nito sabay halik sa ina. "Sige mag-iingat kayo." Sagot naman ng ina habang nakatingin ito sa kanya habang papasakay sa sasakyan ng kaibigan. Nasanay na siya sa ganung set-up. Minsan dindaanan siya ng kaibigan dahil wala naman siyang sariling sasakyan. Para sa kanya hindi muna yun ang dapat niyang isipin. Tahimik lang silang magkaibigan habang nasa loob ng sasakyan. Ninenerbiyos kmsi Ashy sa gabing iyon na napansin
Isang umaga ay may kumakatok sa pintuan ng kwarto niya. Napabalikwas siya dahil sa lakas nito."Ma ano ba iyon?" nakasimangot na tanong nito sa mama niya."Anak,magbihis ka si Storm nasa baba hinihintay ka. Emergency daw,si Paul hindi maganda ang lagay." tuliro na sabi ng mama niya. Halata s amukha nito ang pag-aalala."Ha? Bakit ma, ano daw ba ang nangyari?" tanong niya."Hindi ko alam. Mabuti pa magbihis ka na para makaalis na kayo." utos ng mama niya saka ito dali-daling bumaba.Agad namang nagbihis si Ashy. Hindi niya alam kung ano ang gagawin ng mga oras na iyon.Nag-aalala siya sa pwedeng mangyari kay Paul.Pagdating sa sala ay nakita niya agad si Storm."Ash, sumama ka sa akin. Gusto kang makausap ni Paul. Kahit saglit lang."pakiusap nito."Kaya nga andito na ako diba? Tara na," agad na sabi nito. Nakalimutan na nga niyang magpaalam sa mama niya dahil sa labis na pag-aalala.Habang nasa sasakyan sila
Lumabas sa veranda si Ashy dahil tulog na si Paul. Kinailangan niyang tawagan ang mama niya dahil kailangan niyang pagbigyan si Paul sa hiling nito.Habang nasa veranda ay lihim naman siyang oinagmamasdan ni Storm. Kapansin-pansin ang pagbabago ng katawan nito base na rin sa suot niyang bestida.Lumobo ang katawan niya ng bahagya na bumagay naman sa maganda niyang mukha.Maya-maya pa ay lumaoit na ito sa kanya."Nandito ka pala, mabuti naman at pinagbigyan mo si Paul na dumito ka ngayong gabi." boses iyon ni Storm mula sa likuran.Panandalian siyang lumingon rito tsaka ibinalik ang tingin sa labas."Maliit na bagay lang ang hinihiling niya. Sino ba naman ako para tumanggi. Isa pa, may pinagsamahan din kami at naging mabuti siya sa akin. Maliit na bagay lang ito kumpara sa kasalanang nagawa ko sa kanya." sagot nito na halos hindi maalis ang tingin niya sa kausap."Sabagay tama ka. Mabuti naman at naisip mo iyon." walang anu-anong
Sinubukan siyang habulin ni Storm. Sapilitan niya itong isinakay at dinala kung saan. Hanggang sa magdidilim na at sinabayan pa iyo ng malakas na ulan. Walang nagawa nag mga ito kundi tumigil s aisang tabi."Kailangan ko ng umuwi Storm. Hahanapin ako ni mama. Ano ba kasing pumasok diyan sa utak mo at bakit mo ako dinala dito?" galit na tanong niya rito."Dahil gusyo kong malaman kung talaga bang wala na tayong pag-asa pa. Gusto kong malaman kung hanggang dito na lang ba tayo." sagot nito.Hindi niya ito binigyan ng pagkakataong magsalita pa.Agad niya itong hinila sa backseat ng sasakyan niya. Doon hinalikan niya ito."Storm ano ba? Pati ba naman dito? Ano bang akala mo sa akin?" pagpupumiglas nito ngunit hindi siya tumigil.Hinalikan niya ito ng halik na kailanman ay hindi niya malilimutan hanggang sa naramdaman niyang hinahalikan na din siya nito."I'm sorry pero kailangan ko itong gawin." gigil na sagot nito.Hinalikan
Halos matumba na si Ashy nang paakyat siya sa hagdan upang umakyat sa kanyang kwarto.Mabuti na kang at may matipunong katawan ang nakasalo sa kanya.Hindi na siya nag-abala pang tingnan iyo. Ipinikit na niya ang kanyang mga mata at hinayaan na lang ugong kargahin siya at ipasok sa kanyang kwarto.Pagkalapag sa kanya ay napaungol siya.. ramdam niya ang pananakit ng kanyang ulo.Pagdilat niya ng mata ay nakita niya ang mukha ni Storm."Don't cry, nandito na ako. Hindi ka na ulit masasaktan. Ramdam niya ang pagpahid nito sa mga luha niya sa mata.Dahan-dahang bumaba ang mukha nito at hinalikan siya. Nagpaubaya siya dahil iyon din naman ang gusto ng puso niya."Storm, mahal na mahal kita. Wala akong ibang minahal kundi ikaw lamang." malambing na turan nito habang si Storm ay abala sa paghalik sa buo niyang katawan.Bumalik ito sa mukha niya at hinalikan siya ulit sabay bulong.."Mahal na mahal din kita Ashy, hindi ko
Hindi pumasok si Ashy ng isang linggo dahil sa nangyari. Mas ginusto niyanv manatili sa kanilang bahay upang sa ganon ay makapag-isip. Pakirama niya unti-unting dinuduro ag puso niya.Bakit nga ba kailangan naying masaktan ng sobra?Bakit may mga bagay sa mundo na kailangan nating isakripisyo?Bakit may mga bagay na kailangan nating tiisin para lang maprotektahan ang iba?Bakit kailangang tayo lagi ang umuunawa?Totoo nga naman na ang isip ng tao ay hindi pare-pareho.Habang nakaupo sa may veranda ng bahay nila ay narinig niyanh may kausap ang ina. Naisip niya na baka si Jem iyon at dinadalaw siya."Anak may bisita ka,"maya-maya ay narinig niyang sabi ng kanyang ina na noon ay nasa likuran na niya.Nakangiti siyang nilingon ito at agad na nawala ang mga ngiti sa kanyang labi nabg makita kung sino ang bisita niya.Si Paul.May dala iyong bulaklak na halata namang ibibigay sa kanya. Simole lang ang suot nito n
Pagbalik niya sa loob ng bahay ay nakita niya ang mama niya na nasa pintuan. Hindi na niya mitatago pa ang katotohanan.Umupo siya sa sofa at umiyak ng umiyak.Naramdaman niya ang paglapit ng mama niya at umupo ito sa tabi niya."Bakit kailangan mong itago? Tinanong kita kung may problema ka. Hindi mo dapat itago sa akin anak. Nanay mo ako, kubg meron mang isang tao na dapat makakaibtindi sayo, walang iba kundi ako." itinaas nito ang baba niya upang makita ang mukha nito."Natakot ako ma. Natakot ako na masira ang magandang pagkakakilala niyo kay Paul. Ayokong mawala ang respeto na ibibigay niyo sa kanya. Ayokong maramdaman niya yung dating naramdaman na niya sa mga magulang niya.""Dahil sa kagustuhan mong protektahan ang nararamdaman ng iba hindi mo namamalayan na sarili mo na ang nasasaktan. Dahil sa kagustuhan mong protektahan ang nararamdan ni Paul hindi mo namamalayan na unti-unti ng nawawala sayo ang lalakeng minahal mo ng sobra. Bakit a
Lumabas na ito mula sa bahay ng magkapatid.Halos hindi ito masabayan ni Jem sa paglalakad dahil sa bilis nito."Ash sandali. Please kausapin mo ako." maya mayapa ay sinundansiya ni Storm.Hinarap niya ito at binigyan ng mag-asawang sampal."Sige saktan mo ako kung yana ng makakatulong sa'yo upang ilabas ang nararamdaman mo. Tatanggapin ko dahil alam kong mas masakut pa ang nararamdan mo sa ngayon. Patawarin mo ako kung hindi ko agad sinabi sa'yo. Alam ko pero wala akong karapatang manghimasok sa buhay ng ibang tao. Kapatid ko siya pero may mga bagay na siya dapat ang magsabi sa'yo." paliwanag nito."Alam mo. Pero hindi mo sinabi sa akin. Hinayaan mo lang na gawin akong tanga ng kapatid mo. Habang nagpapakatanga ako sa pag-aayos sa kasal namin mag-isa. Sa bawat pagkakataon na sinayang mo para sabihin sa akin doble ang balik na sakit nun dito," itinuro nito ang bahagi ng puso niya."Bakit Ash? Kung sinabi ko ba sa iyo noon pa,maniniwala
Natapos ang isang araw na hindi siya kinausap man lang ng maayos ni Paul. Papalabas na siya ng opisina ng makita niya si Jem na papalabas na rin."Ohh ano kumusta? Nagkausap na ba kayo?" tanong ng kaibigan sa kanya habang naglalakad sila palabas."Hindi pa, lalo pa nga siyang nagalit sa akin ehh. Nasahot ko kasi yung bisita niya kanina. Paano kasi, pabalang kung magtanong at sumagot sino ba naman ang matutuwa. Tama ba naman na panghimasukan niya ang pagiging sekretarya ko?" nakasimangot na tugon niya sa kaibigan na noon ay napatigil sa paglalakad."Iyon bang gwapo na bagong mukha? Nagoubta na iyon dito nun. Noong wala kayo ni Storm. Business partner daw, mukhang nagkakaproblema yata sa kabilang branch." sagot ng kaibigan."Kaya siguro maiinitin ang mga ulo. Pati ako damay.""Hayaan mo na muna. Magrelax ka din kaya. Ano akin tayo?""Sige, sagot niyo.Nakarating ang maga ito sa isang kainan. Doon ay simple lang ngunit mukhang mama
Masama man ang pakiramdam ay bumangon parin si Ashy upang pumasok sa trabaho. Inaasahan niya na makikita niya si Paul at baka sakaling kausapin siya nito.Pagdating sa opisina ay nakita niya na wala pang tao sa opisina ni Paul. Ibig sabihin ay hindi pa ito dumatingMaya-maya pa ay dumating na ito. Tumayo si Ashy upang salubungin sana siya ngunit nilampasan lang siya nito na para bang wala siyang nakita.Sinundan niya ito sa loob."Goodmorning sir," bati nito. Bahagya siyang lumapit sa kanya upang mapansin niya na nasa loob siya."Yes? What can I do to help?" pormal na tanong nito.Inilapag niya ang mga dokumento na kailangan niyang pag-aralan."Ito yung mga projects na kailangan ng approval niyo. Kailangan na kadi yan ngayong araw na ito sir." tipid na sagot nito.Nasaktan siya sa lamig ng pakikitungo nito sa kanya ngunit naiintindihan niya dahil alam niya na nasaktan niya ito."Storm will do the review. May mga ma