Ashy Lopez galing sa isang simpleng pamilya. Biniyayaan ng mapagmahal na magulang at isang kapatid na babae. Hindi man mayaman, hindi naman sila kinukulang sa anumang pangangailangan. Siya ay nasa 4th year college kumukuha siya ng Business Management dahil pangarap naman talaga niya 'yon. Ang magtrabaho sa isang kumpanya. Kung pwede nga lang ay sa isang malaking kumpanya.
Dahil malayo ang paaralan sa kanilang bahay kinailangan niyang umupa sa isang boarding house kasama ang mga kaibigan niya na kaklase din niya. Ok namn sila, masaya siya dahil nakatutok siya sa pagaaral niya. Katunayan niyan ay deans lister nga siya mula pa noong 1styear pa lang siya.
Simple lang naman talaga ang pangarap niya sa buhay, ang makapagtapos magkaroon ng magandang trabaho at magkaroon ng simple ngunit masayang pamilya. Sa ganda niya, maraming nanliligaw sa kanya pero ni isa ay wala siyang mapusuan. Hindi naman siya lesbian siguro ay talagang wala pa sa kanya ang love. Nasa 4thyear college na siya, konting kembot na lang at ga-graduate na rin sa wakas. Ngaun pa lang ay excited na siya.
Papasok na sana si Ashy sa school nang may kumatok sa pinto ng kwarto nila. Nabungaran niya dito si Mark, isa rin sa mga boardmate niya.
"Ohh Mark bakit?" tanong niya rito."Ash favor naman pahiram muna yung speaker mo may play kasi kami mamaya ehh kailangan ng background music, please...balik ko din agad." Nag-cross finger pa ito na nagsusumamo. Kilala kasi siya nito. Alam niya na maingat siya sa mga gamit niya at kung pwede ay ayaw niyang pina-pakialaman ang mga ito nang hindi niya alam."Oo na dami mo na namang sinabi," sabay abot sa kanya ng speaker."Salamat. Siya nga pala si Storm Robles bago nating boardmate kakalipat niya lang kagabi. Tulog kana kasi nun ehh. Storm si Ash," pagpa-pakilala niya rito."Hi! Nice to meet you," bati nito skanya.Tiningnan lang niya iyo na parang wala lang. Tapos nag-paalam na ito para pumasok sa clase niya.Stressed ang araw na ito para sa kanya, gabi na ng matapos ang klase niya. May trabaho kasi ang professor niya sa major subject niya kaya gabi na natatapos ang klase niya. Dahil malapit lang ang school sa boarding niya nilakad na lang niya ito..
Pagkatok niya sa gate lalong nahaluan ng stressed ang kaninang stressed na niyang pagkatao. Laking gulat niya nang kung sino ang magbukas ng gate para sa kanya.
"Hi! Uyy gabi na ahh, "sabi nito.
"So anong problema mo?" sagot nito sa kanya na parang naiinis na."Ehem! Gabi na po kasi tapos mag-isa ka. Hindi kaba natatakot?" Lakas loob na tanong niyo sa kanya."Hindi. Tsaka bakit ba? Daig mo pa tatay ko kung makapuna sakin ahh!" sagot nito na naiirita na. Sobrang naiinis siya dito na parang nananadya sa mga ginagawa niya. May sasabihin pa sana ito sa kanya pero naglakad na ito papasok sa loob ng kuwarto nila."Nakakainis!" yamot na sabi niya sabay bagsak ng bag niya sa kama, na napuna naman agad ito ng kaibigan.
"Oyy..bakit? Anong meron? Bakit yamot na yamot ka diyan?" tanong ni Jem kasama niya sa kwarto at kaibigan niya."Ayy alams ko na. Baka nakita niya yung crush niya na kasama yung girlfriend tapos sweet na sweet kaya siya ganyan," mapanlokong sagot naman ni Weng, kaibigan niya na mapang- asar at may pagkaliberated."None of the above, score zero," sagot nito."Ehh ano nga?" Usisa ni Jem sa kanya."Alam niyo nakakainis talaga yang bagong boardmate natin, daig pa ang tatay ko kung makapagsabi sakin tungkol sa pag-uwi ko ng ganitong oras. ""Hmmm.. baka naman concern lang," sagot ni Weng sabay palo sakanya."Well diko kailangan ang concern niya. Hindi kami close," depensa parin niya."Soon magiging close kayo, uyy mabait naman siya, alam mo ba? Ang lakas ng sense of humor niya. Nako pag nakausap mo siya baka ma-inlove kana gurl!" Kilig pang pahayag ni Jem."Ako? Mai-inlove diyan? Okay ka lang? Binabangungot kana yata," sagot nito na para bang malayong mangyari ang sinasabi ng mga ito."Hayy! Mahirap magsalita ng tapos, kung ako sayo, magbihis kana at sumunod kana sa kusina at kakain na tayo ng mawala naman yang init ng ulo mo," sabay kindat dito..Pag minalas-malas nga naman maka-kaharap pa pala niya sa pagkain itong lalaking kinaiinisan niya. Wala naman na siyang choice kundi ang kumain nalang ng kumain, dahil araw araw na niya itong makakasama sa pagkain..
"Need help?" naghuhugas siya ng plato ng biglang may magsalita sa likod niya. Muntikan na niyang mabitawan ang plato dahil nagulat siya.
"Ikaw wala ka talagang magawang maganda sa buhay mo.. Ang hilig mo makialam. Umalis ka nga dito!" pagtataboy nito sakanya."Lahhh grabe ka ha! Gusto lang namang tumulong ehh," nakatitig lang ito sakanya."I dont need help. I can manage isa pa maliit n bagay lang 'to. Kaya pwede ka ng umalis.""Hmmm bantayan nalang kita. Baka mamaya may multo dito ehh," pang-aasar parin niya saka siya naupo sa mesa.Kung hindi lang sana kabastusan, kanina pa sana niya ito binuhusan ng tubig para umalis na ito sa paningin niya, sadyang i-pinanganak na yata itong walang ibang gagawin sa buhay kundi manggulo sa buhay ng may buhay.
Lagi silang ganun. Wala yatang araw na hindi sila nag-aasaran o nag-kakainisan.
Hanggang sa lumipas pa ang mga araw at buwan. Nagkapalagayan sila ng loob kahit nandun parin siyempre ang minsang asaran hindi yun nawawala. Oo nga malakas nga talaga ang sense of humor nito na sobrang ikinatuwa naman niya. May tinatago din naman pala itong kagandahang asal. O baka di lang niya ito makita nuon dahil natakpan ito ng pag-kainis niya rito.
Habang tumatagal mas nakikilala nila ang isa't-isa mas naiintindihan nila ang ugali ng bawat isa.
"Uyy Ashy, mukhang ok na kayo ni Storm ahh." Minsan nasabi ni Jem..
"Hmmm...medyo ok naman may konting bait din namang tinatago ang loko," sabi niya sabay tawa.."Girl, bka naman ma-inlove kana niyan tandaan mo, never ka pang na-inlove buong buhay mo. Try mo minsan para magka idea ka," patawang sabi ni Jem na halata namang nagbibiro nanaman ito.Natawa naman si Ashy. Bigla tuloy siyang napaisip,,paano nga ba? Paano nga ba ang pakiramdam kapag nagmahal kana?
Paano nga ba nito babaguhin ang buhay.?
Every weekend ay umuuwi si Ashy sa bahay nila dahil yun ang isang request ng parents niya sa kanya na once a week dapat umuwi siya. Kaya bumabalik na lang siya ng boarding nila tuwing Sunday afternoon dahil may pasok nga siya ng Lunes maaga. Ganun lagi ang routine niya. "Ashy, bakit ang tagal mo nman, kanina pa kmi naghihintay sayo," reklamo ni Jem habang nasa sala at naghihintay."Bakit anong meron?" Tanong niya rito na parang may lakad sila."Ehh, napagkasunduan kasi namin kahapon na picnic tayo ngaun. Dika kasi makontak kahapon ehh.""Wala kasing signal kahapon sa bahay," sagot niya rito"Ohh! Siya sige na ayusin mo na yang mga dala mo magbihis kana at sunod na tayo sa kanila sa dagat," pagmamadali nito sa kanya. Malapit lang ang dagat sa boarding nila. Ilang minutong lakad lang at nasa dagat kana, kya madali lang sa kanila ang magkaroon ng ganung mga bonding moments. " Ohh ang aga ngaun ni Storm ahh. Akala ko ba Monday pa yan pupunta rit
Dumaan pa ang mga araw at buwan. Mas naging panatag sila sa isa't-isa. Hindi naman sila tinigilan ng mga kaibigan nila sa kaaasar sa kanila. Hanggang sa isang gabi, habang silang lahat ay kumakain. "Kinikilig naman ako sa mga nangyayari," sambit ni Weng sabay subo ng pagkain."Saang banda ka naman nakaramdam ng kilig, ehh halos naman lahat ng nakikita mong lalake nakakaramdam ka ng kilig," pang-aasar ni Jem sabay tawanan."Atleast ako umaamin, ehh yung iba diyan, halatang halata na dipa umaamin, " sabay kindat kay Jem. Alam na naman nila kung kanino mapupunta ang usapan sa knila na naman ni Storm natuon ang pansin. Nakakaramdam na nga si Ashy ng hiya kasi parang naasar na si Storm."Tumigil nga kayo diyan. Mamaya kung ano pang isipin nitong si Storm, " sambit ni Ashy na halatang nakakaramdam na nga ng hiya. May punto naman kasi ang mga kaibigan niya. Itago man niya alam niya mismo sa sarili niya na habang nakikilala niya si Storm naging malapit na ang
"Wow!..ako??? Ako talaga ha???" Sagot ni Ash sa sarkastikong tanong.Napatingin lang si Storm sa kanya na parang naghihintay ng kung ano pang sasabihin nito. "Ok ka lang ba? Ako talga ang umiiwas Storm? Hindi ba ikaw? Diba ikaw nga 'yang unang umiwas? Everytime na nasa sala ang lahat at nagkataon that I was there anong ginagawa mo? Diba umaalis ka? Pero kapag wala ako sa grupo ayun kasama ka nila, akala mo ba hindi ko yun pansin?" Paliwanag niya.'"Sorry,""Sorry? Is that all you can say now? Bakit? May nagawa ba akong mali may nasabi ba ako? Na offend ba kita? Ano??? Sabihin mo para naman hindi ako parang tanga lang, na bigla-bigla na lang iniiwasan mo na parang ang bigat ng kasalanan ko sayo.!" Sabi nito na maluha-luha na. Pakiramdam niya sobrang nasaktan siya sa mga nakaraang araw hindi dahil sa pag-iwas nito kundi dahil sa katotohananag mahal na niya ito. "Mahal kita Ash," pag-amin nito. Makikita sa mga mata nito ang sincerity sa sinabi nito."M
Habang kumakain pa ang lahat, kapansin-pansin naman ang pagiging sweet ng dalawa."Nakoh! Baka bukas puro pantal na tayo," sambit ni Jem na parang kinikiliti."Ha? Bakit may allergy ka ba sa mga pagkain?" Takang tanong ni Weng sakanya."Wala nman..""Ehh bakit nga? Wala din namang alak, so anong ina-arte mo diyan?""Pano naman kasi paniguradong lalanggamin tayo ngaung gabi dahil sa dalawang 'to," sabay turo kina Ashy at Storm, nangingiti na lang din sila sa sinabi nito. Tawanan ang lahat dahil sa sinabi nito.Sa kainan hindi nawawala ang daldalaln, kaya naman ginabi na silang natapos na magligpit ng mga kinainan nila. Naglakad-lakad muna ang iba samantalang sina Storm at Ashy ay naiwan na sa bording dahil medyo sumama na rin ang pakiradam ni Ashy kaya sinamahan nalang siya ni Storm... Nagku-kwentuhan naman ang dalawa, habang nakahiga. Kung ano-ano lang ang napag-uusapan nila. Hinawakan ni Storm ang kamay ni Ashy..Bumangon ito upang umupo n
"Ashy, may naghahanap sayo kanina. Babae daw sabi ni Weng." Yan ang bungad sa kanya ni Jem pagkagaling niya sa school nang umagang yun. "May iniwan bang bilin? Sinabi ba ang pangalan?" Tanong niya. Wala naman siyang inaasahang bisita ng araw na 'yon. "Walang sinabi na pangalan ehh. Ang sabi lang daw niya is, babalik daw siya." "Hmmm.. ganun ba? Sige wala naman na akong pasok ngaung hapon. Si Storm ba wala pa?" Tanong niya. Dalawang araw na kasi mula nung nagsimula ulit ang klase, pero hindi parin nagpaparamdam sa kanya si Storm. Kahit text o tawag man lang ay wala itong paramdam sa kanya. "Wala pa Ash ehh.. Nasaan na kayo 'yon? Dapat nga inaayos na niya ang OJT niya ngaun eh." Balik na tanong sa kanya ni Jem, habang nakatutok lang ito sa sinusulat niya. "Nag-aalala na nga ako. Hindi ko na alam kung anong nangyayari. Hindi ko nga alam kung kumusta na siya, kung okay lang ba siya? May sakit ba siya?" Bagsak ang balikat niya n
NAUPO siya sa gilid ng kama niya at dun ay humagulhol na siya ng iyak. Ni hindi niya magawang tumingin sa kaibigan niya dahil sa sobrang kahihiyan. Nanatili namang nakatayo si Jem sa harap niya na hindi alam ang gagawin kung aaluin ba niya ang kaibigan o susumbatan niya ito dahil sa nalaman niya. "Ash...." pagbasag ni Jem sa pagitan nilang dalawa."Maiintindihan kita Jem kung huhusgahan mo ako. Alam ko naman na mali ang nagawa ko na pagpatol kay Storm kahit may girlfriend na siya." Panimula niya. "Ash.. wala namang may alam na mag girlfriend na siya diba? So wala kang kasalanan dun. Biktima ka lang din dito." Pagpapakalama sa kanya ni Jem. Hinawakan ni Ashy ang kamay ni Jem." Alam ko Jem. Inamin niya sa akin pero mas nangibabaw sa akin yung kagustuhan kong mahalin siya." Pag-amin nito. Hiyang-hiya siya sa sarili niya nang mga sandaling yun. "Ash naman....bakit? Hindi kita kilalang ganyan." Ramdam ni ash ang pagkadismaya ng kaibigan sa kanya.
PAgkatapos mag-usap nina Storm at Ashy, nag-palam na ito sa kanya. Gustuhin man niyang magtagal ay hindi pwede dahila ayaw niya na matunugan sila at baka hindi matuloy ang plano nilang magtanan. Alam ni Ashy na marami ang masasakripisyo sa gagawin niyang iyon, pag-aaral niya, reputasyon ng pamilya niya at lalong-lalo na ang mararamdaman ng pamikya niya kapag ginawa niya iyon. Pero alam niya na maiintindihan siya ng pamilya niya. Ganun niya kamahal si Storm handa niyang isakripisyo ang lahat. Pagpasok niya sa kwarto ay nandoon si Jem na halata namang naghihintay sa kanya. Niyakap siya nito. "Kumusta ang pag-uusap niyo Ash?" Tanong nito na mababakas sa mukha niya ang pag-aalala."Okay naman Jem, nasabi ko naman lahat ng dapat kong sabihin. Nagpaliwanag din naman siya. Na kaya sinabi ni Girlie yun sa akin ay dahil yun ang gusto ng magulang nila na pakasalan siya. Kubg hindi ay aalisin nila ang share nila sa kompanya ng papa niya. Buntis nga naman talaga si Girlie per
LUNES NG UMAGA.May nabasang message ang mama ni Storm sa cellphone nito. Alam niya na galibg ito kay Ashy kaya binura agad ito. Kinuha kasi nila ang cellphone nito nubg malaman ang relasyon nila.Na hindi puwedeng matuloy dahil kailangan niyang pakasalan si Girlie. Si Storm ay anak bg mama niya sa ibang lalake. At bilang pagtanaw ng utang na loob sa asaw niya ngaun, kailabgang isakripisyo niya ang kaligayahan ng anak. ***************Nagmamadali si Storm na ayusin ang mga gamit niya para sa pagkijuta nila ni Ashy. Hindi pwedeng mahalata ng mga kasama niya sa bahay na aalis siya. Nang biglang bumukas ang pintuan sa kawarto niya. Huli na ng itago sana niya ang bag nito. "Storm? Ano to?" Sabay tingin sa mga damit na nakakalat sa kama niya. Alam na niya ang ibig sabihin nito pero hindi niya pinahalata ang tungkol dito."Aalis ka?""Ma, you know the reason why I need to do this. Ma, please. Hayaan mo nalang akong umalis." Paki-usap nito sa ina."Sto
Isang umaga ay may kumakatok sa pintuan ng kwarto niya. Napabalikwas siya dahil sa lakas nito."Ma ano ba iyon?" nakasimangot na tanong nito sa mama niya."Anak,magbihis ka si Storm nasa baba hinihintay ka. Emergency daw,si Paul hindi maganda ang lagay." tuliro na sabi ng mama niya. Halata s amukha nito ang pag-aalala."Ha? Bakit ma, ano daw ba ang nangyari?" tanong niya."Hindi ko alam. Mabuti pa magbihis ka na para makaalis na kayo." utos ng mama niya saka ito dali-daling bumaba.Agad namang nagbihis si Ashy. Hindi niya alam kung ano ang gagawin ng mga oras na iyon.Nag-aalala siya sa pwedeng mangyari kay Paul.Pagdating sa sala ay nakita niya agad si Storm."Ash, sumama ka sa akin. Gusto kang makausap ni Paul. Kahit saglit lang."pakiusap nito."Kaya nga andito na ako diba? Tara na," agad na sabi nito. Nakalimutan na nga niyang magpaalam sa mama niya dahil sa labis na pag-aalala.Habang nasa sasakyan sila
Lumabas sa veranda si Ashy dahil tulog na si Paul. Kinailangan niyang tawagan ang mama niya dahil kailangan niyang pagbigyan si Paul sa hiling nito.Habang nasa veranda ay lihim naman siyang oinagmamasdan ni Storm. Kapansin-pansin ang pagbabago ng katawan nito base na rin sa suot niyang bestida.Lumobo ang katawan niya ng bahagya na bumagay naman sa maganda niyang mukha.Maya-maya pa ay lumaoit na ito sa kanya."Nandito ka pala, mabuti naman at pinagbigyan mo si Paul na dumito ka ngayong gabi." boses iyon ni Storm mula sa likuran.Panandalian siyang lumingon rito tsaka ibinalik ang tingin sa labas."Maliit na bagay lang ang hinihiling niya. Sino ba naman ako para tumanggi. Isa pa, may pinagsamahan din kami at naging mabuti siya sa akin. Maliit na bagay lang ito kumpara sa kasalanang nagawa ko sa kanya." sagot nito na halos hindi maalis ang tingin niya sa kausap."Sabagay tama ka. Mabuti naman at naisip mo iyon." walang anu-anong
Sinubukan siyang habulin ni Storm. Sapilitan niya itong isinakay at dinala kung saan. Hanggang sa magdidilim na at sinabayan pa iyo ng malakas na ulan. Walang nagawa nag mga ito kundi tumigil s aisang tabi."Kailangan ko ng umuwi Storm. Hahanapin ako ni mama. Ano ba kasing pumasok diyan sa utak mo at bakit mo ako dinala dito?" galit na tanong niya rito."Dahil gusyo kong malaman kung talaga bang wala na tayong pag-asa pa. Gusto kong malaman kung hanggang dito na lang ba tayo." sagot nito.Hindi niya ito binigyan ng pagkakataong magsalita pa.Agad niya itong hinila sa backseat ng sasakyan niya. Doon hinalikan niya ito."Storm ano ba? Pati ba naman dito? Ano bang akala mo sa akin?" pagpupumiglas nito ngunit hindi siya tumigil.Hinalikan niya ito ng halik na kailanman ay hindi niya malilimutan hanggang sa naramdaman niyang hinahalikan na din siya nito."I'm sorry pero kailangan ko itong gawin." gigil na sagot nito.Hinalikan
Halos matumba na si Ashy nang paakyat siya sa hagdan upang umakyat sa kanyang kwarto.Mabuti na kang at may matipunong katawan ang nakasalo sa kanya.Hindi na siya nag-abala pang tingnan iyo. Ipinikit na niya ang kanyang mga mata at hinayaan na lang ugong kargahin siya at ipasok sa kanyang kwarto.Pagkalapag sa kanya ay napaungol siya.. ramdam niya ang pananakit ng kanyang ulo.Pagdilat niya ng mata ay nakita niya ang mukha ni Storm."Don't cry, nandito na ako. Hindi ka na ulit masasaktan. Ramdam niya ang pagpahid nito sa mga luha niya sa mata.Dahan-dahang bumaba ang mukha nito at hinalikan siya. Nagpaubaya siya dahil iyon din naman ang gusto ng puso niya."Storm, mahal na mahal kita. Wala akong ibang minahal kundi ikaw lamang." malambing na turan nito habang si Storm ay abala sa paghalik sa buo niyang katawan.Bumalik ito sa mukha niya at hinalikan siya ulit sabay bulong.."Mahal na mahal din kita Ashy, hindi ko
Hindi pumasok si Ashy ng isang linggo dahil sa nangyari. Mas ginusto niyanv manatili sa kanilang bahay upang sa ganon ay makapag-isip. Pakirama niya unti-unting dinuduro ag puso niya.Bakit nga ba kailangan naying masaktan ng sobra?Bakit may mga bagay sa mundo na kailangan nating isakripisyo?Bakit may mga bagay na kailangan nating tiisin para lang maprotektahan ang iba?Bakit kailangang tayo lagi ang umuunawa?Totoo nga naman na ang isip ng tao ay hindi pare-pareho.Habang nakaupo sa may veranda ng bahay nila ay narinig niyanh may kausap ang ina. Naisip niya na baka si Jem iyon at dinadalaw siya."Anak may bisita ka,"maya-maya ay narinig niyang sabi ng kanyang ina na noon ay nasa likuran na niya.Nakangiti siyang nilingon ito at agad na nawala ang mga ngiti sa kanyang labi nabg makita kung sino ang bisita niya.Si Paul.May dala iyong bulaklak na halata namang ibibigay sa kanya. Simole lang ang suot nito n
Pagbalik niya sa loob ng bahay ay nakita niya ang mama niya na nasa pintuan. Hindi na niya mitatago pa ang katotohanan.Umupo siya sa sofa at umiyak ng umiyak.Naramdaman niya ang paglapit ng mama niya at umupo ito sa tabi niya."Bakit kailangan mong itago? Tinanong kita kung may problema ka. Hindi mo dapat itago sa akin anak. Nanay mo ako, kubg meron mang isang tao na dapat makakaibtindi sayo, walang iba kundi ako." itinaas nito ang baba niya upang makita ang mukha nito."Natakot ako ma. Natakot ako na masira ang magandang pagkakakilala niyo kay Paul. Ayokong mawala ang respeto na ibibigay niyo sa kanya. Ayokong maramdaman niya yung dating naramdaman na niya sa mga magulang niya.""Dahil sa kagustuhan mong protektahan ang nararamdaman ng iba hindi mo namamalayan na sarili mo na ang nasasaktan. Dahil sa kagustuhan mong protektahan ang nararamdan ni Paul hindi mo namamalayan na unti-unti ng nawawala sayo ang lalakeng minahal mo ng sobra. Bakit a
Lumabas na ito mula sa bahay ng magkapatid.Halos hindi ito masabayan ni Jem sa paglalakad dahil sa bilis nito."Ash sandali. Please kausapin mo ako." maya mayapa ay sinundansiya ni Storm.Hinarap niya ito at binigyan ng mag-asawang sampal."Sige saktan mo ako kung yana ng makakatulong sa'yo upang ilabas ang nararamdaman mo. Tatanggapin ko dahil alam kong mas masakut pa ang nararamdan mo sa ngayon. Patawarin mo ako kung hindi ko agad sinabi sa'yo. Alam ko pero wala akong karapatang manghimasok sa buhay ng ibang tao. Kapatid ko siya pero may mga bagay na siya dapat ang magsabi sa'yo." paliwanag nito."Alam mo. Pero hindi mo sinabi sa akin. Hinayaan mo lang na gawin akong tanga ng kapatid mo. Habang nagpapakatanga ako sa pag-aayos sa kasal namin mag-isa. Sa bawat pagkakataon na sinayang mo para sabihin sa akin doble ang balik na sakit nun dito," itinuro nito ang bahagi ng puso niya."Bakit Ash? Kung sinabi ko ba sa iyo noon pa,maniniwala
Natapos ang isang araw na hindi siya kinausap man lang ng maayos ni Paul. Papalabas na siya ng opisina ng makita niya si Jem na papalabas na rin."Ohh ano kumusta? Nagkausap na ba kayo?" tanong ng kaibigan sa kanya habang naglalakad sila palabas."Hindi pa, lalo pa nga siyang nagalit sa akin ehh. Nasahot ko kasi yung bisita niya kanina. Paano kasi, pabalang kung magtanong at sumagot sino ba naman ang matutuwa. Tama ba naman na panghimasukan niya ang pagiging sekretarya ko?" nakasimangot na tugon niya sa kaibigan na noon ay napatigil sa paglalakad."Iyon bang gwapo na bagong mukha? Nagoubta na iyon dito nun. Noong wala kayo ni Storm. Business partner daw, mukhang nagkakaproblema yata sa kabilang branch." sagot ng kaibigan."Kaya siguro maiinitin ang mga ulo. Pati ako damay.""Hayaan mo na muna. Magrelax ka din kaya. Ano akin tayo?""Sige, sagot niyo.Nakarating ang maga ito sa isang kainan. Doon ay simple lang ngunit mukhang mama
Masama man ang pakiramdam ay bumangon parin si Ashy upang pumasok sa trabaho. Inaasahan niya na makikita niya si Paul at baka sakaling kausapin siya nito.Pagdating sa opisina ay nakita niya na wala pang tao sa opisina ni Paul. Ibig sabihin ay hindi pa ito dumatingMaya-maya pa ay dumating na ito. Tumayo si Ashy upang salubungin sana siya ngunit nilampasan lang siya nito na para bang wala siyang nakita.Sinundan niya ito sa loob."Goodmorning sir," bati nito. Bahagya siyang lumapit sa kanya upang mapansin niya na nasa loob siya."Yes? What can I do to help?" pormal na tanong nito.Inilapag niya ang mga dokumento na kailangan niyang pag-aralan."Ito yung mga projects na kailangan ng approval niyo. Kailangan na kadi yan ngayong araw na ito sir." tipid na sagot nito.Nasaktan siya sa lamig ng pakikitungo nito sa kanya ngunit naiintindihan niya dahil alam niya na nasaktan niya ito."Storm will do the review. May mga ma