Patamad na umupo si Elias sa kaniyang upuan sa loob ng kaniyang opisina sa Regional Trial Court ng NCR. Katatapos lang ng huling kasong kaniyang dininig at medyo pinasakit ng mga iyon ang ulo niya.
Sa RTC ng NCR siya itinalaga bilang hukom. Sa Tierra del Ricos niya sana nais magpa-assign, pero mas mainam na rin daw iyon sabi ng kaniyang ama. Mas malapit sa promotion niyang ninanais sa Supreme Court. Isa kasi siya sa napipisil na maging Associate Justice. At kung saka-sakaling palarin, siya ang magiging pinakabatang husgado na mauupo sa Supreme Court bilang Associate Justice.
Hinagod niya ang sentido at tumingin sa kawalan. Unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi niya.
Hindi pa rin nawawala sa isip niya ang naganap noong nakaraang birthday salubong na inihanda ng kaniyang mga kaibigan. Dahil doon, nakalimutan niyang umuwi. Labis-labis na nagdamdam ang kaniyang ina, pero sinabi niya ritong babawi siya at uuwi sa susunod na weekend. Pero sigurado siyang mahihirapan siyang suyuin ito. Iyon kasi ang kauna-unahang pagkakataon na hindi niya ito nakasama sa birthday niya.
Magkaganoon man, isa sa mga highlight ng birthday niya ay ang regalo ng kaniyang kaibigan na si Jacob. Alam na alam talaga nito ang gusto niya. Mas exciting pa dahil sinadya ng kaibigan na birhen talaga ang ibigay sa kaniya. Muntik pa nga siyang magduda, dahil noong makita niya ang babae, halatang malapit na itong mag-thirty at sa isip niya ay may karanasan na ito.
Subalit, nagkamali siya. Kaya naman, natatak talaga ito sa isip niya. Hindi naman talaga biro na umaabot sa ganoong edad na wala pang karanasan ang isang babae; na kahit sa paghalik ay wala rin. Kaya bukod sa tumaas ang tingin niya sa sarili— dahil siya ang nakauna rito, napahanga siya ng babae. Ngunit sa kasamaang palad, hindi niya nahingi ang pangalan nito. Sa muli niyang paggising ay nakaalis na ito.
Nanghihinayang siya sa nangyari. Pero naisip niya rin na marami pa namang darating sa kaniya. Kagaya ng ibang babae, madali niya itong makalilimutan.
“Judge?”
Napatingin siya sa pintuan ng kaniyang opisina. Nakatayo roon ang kaniyang sekretarya na si Belinda. May hawak itong isang maliit na box.
“What is it?” he asked. Umayos siya ng pagkakaupo.
“This came early today. Hindi ko lang po naiabot sa inyo kanina dahil may pinuntahan kayo.” Ibinigay nito ang hawak na box sa kaniya.
Nakakunot ang noo niyang tinanggap iyon. “Salamat.”
Pagkaiwan sa kaniya ng sekretarya, pinagmasdan muna niya iyong mabuti. Nakabalot iyon na pam-birthday, kaya alam niyang para talaga iyon sa kaniya. Walang pangalan kung kanino iyon galing.
Huminga siya nang malalim. Binuksan niya ang drawer sa gilid ng mahabang niyang lamesa. Muli siyang napabuntonghininga nang makita ang mga nakalagay roon. Kapareho ng hawak niyang kahon ang balot ng mga kahong naroon. Ilang taon na ring may nagpapadala ng regalo sa kaniya mula sa hindi niya kilalang sender. At ayaw na niyang alamin pa kung sino iyon. Nakatitiyak naman na siya kung saan galing ang mga regalo.
Isinara niya ang drawer saka tumingin sa orasan. Malapit ng mag-alas-singko. Malapit na rin siyang umuwi.
Hindi siya ang tipo ng husgado na nananamantala sa posisyon. Pumapasok siya sa tamang oras at ganoon din sa paglabas. Hindi niya binabalewa ang paghihirap ng mamamayang Pilipino para lang mapasahod siya. Sinisiguro niyang napupunta sa tama ang tax na ibinabayad ng mga ito sa gobyerno.
Sumandal siya sa kinauupuan at hinagod ng tingin ang ibabaw ng kaniyang lamesa. Wala namang urgent na kailangang pirmahan. Hindi pa rin naipapadala sa opisina niya ang mga kasong kailangang dinigin kaya maluwag pa ang oras niya.
Napukaw ang atensyon niya nang tumunog ang kaniyang cell phone. Napangiti siya nang mabasa kung sino ang tumatawag.
“Yes, baby?”
“Kailan ka ba talaga uuwi?” iritableng tanong nang nasa kabilang linya.
Mas lalo siyang napangiti. “Is she pestering you?”
“Ewan ko sa ’yo! Sa tuwing may kasalanan ka, ako ang pinaglilinis mo.” Narinig niya ang padabog nitong pag-upo sa kung saan. Kahit hindi niya ito nakikita alam niyang nanghahaba ang nguso nito.
“Well, kung ayaw mo naman ng trip to Europe, ibibigay ko na lang sa iba.” Tumayo siya at namulsa, saka lumakad patungo sa bintanang may vinyl blinds. Bahagya siyang sumilip doon.
Traffic. Iyon ang unang bumungad sa mga mata niya. Bumper-to-bumper ang mga sasakyan na tila wala namang pag-usad.
Napailing siya. Iyon ang isa sa kinaaayawan niya sa pagtira niya sa Maynila, masyadong ma-traffic, masyadong polluted. Hindi kagaya sa probinsya nila na sariwa ang malalanghap na hangin. Sinadyang pangalagaan ang kalikasan para makita pa ang maberdeng paligid ng susunod na henerasyon.
“Well, kung ayaw mo naman ng trip to Europe na ibibigay ko with free allowance, ibibigay ko na lang kay Rylan o Khari ang ipinagagawa ko sa iyo. I’m sure hindi iyon tatanggihan ng dalawa, kung isang sasakyan ang kapalit,” nakangising wika niya.
“Ughh! Grrr! Nakakainis ka talaga, Kuya! You’re so— ughh!” inis na palatak ng kapatid niyang si Dheyna sa kabilang linya. Alam niyang hindi na maipinta ang pagmumukha nito.
Malakas siyang tumawa. Pumuno iyon sa buong opisina niya.
“I just know how to make a deal,” aniya habang hinahagod ang dibdib sa pagtawa.
“Hmmp! Mabuti na lang isinama siya ni Daddy ngayon. Pupunta sila ng hacienda,” imporma nito.
“How about you? Wala ka bang hawak na kaso ngayon?”
Dheyna is also a lawyer, just like their father. Sa mismong law firm din ng kaniyang ama nagtatrabaho ang kapatid, kaya ito ang naatasan niyang maglambing sa kanilang ina para sa kaniya. Huling-huli kasi nito ang kiliti ng mommy nila, dahil nag-iisa itong babae sa kanilang magkakapatid. She’s his mothers’ bestfriend, and vice versa. Pero para sa kaniya, Dheyna is his savior. Ito ang kadalasang nagtatakip sa mga kalokohan niya.
He knew Dheyna could at least minimized the damage he had cause. Para pag-uwi niya, hindi na ganoon kalaki ang pagdaramdam sa kaniya ng ina. Binigyan naman niya ito ng allowance para doon, plus, iyon ngang trip to Europe na pangako niya. Kailangan iyon ng kapatid dahil dalawang beses na rin itong natalo sa kasong hawak nito. At kapag ganoon, kinakailangan nitong magpalamig muna.
Ang kambal naman nilang bunso na sina Rylan at Khari ay parehong tungkol sa pagnenegosyo ang tinapos. Si Khari ay focus ang atensyon sa pag-e-export nito ng mga sasakyan at mga negosyo ng pamilya nila sa Maynila, habang si Rylan naman ay ang hacienda ng kanilang mga lolo at lola ang inaasikaso, katulong ng kanilang Tita Eirhyn.
“Mayroon. Pero hindi naman mabigat. Walang thrill. Madali na lang iyong ipanalo,” patamad nitong tugon.
Napataas ang kilay niya. “Kaya pala . . .”
“Kaya pala ano?” asik nito.
“Kaya pala dalawang beses kang natalo na ang sabi mo noon ay sisiw lang sa iyo. Tsk! Mukhang humihina na ang karisma mo, baby,” pangangantyaw niya rito.
Hilig niya talagang asarin ang kapatid na babae. Ito lang naman ang mahilig ding gumanti sa kaniya. Mula’t sapul din ay lagi na silang magkakumpitensya; malimit ay pagdating sa pag-aaral. Hindi naman iyon labanan ng atensyon mula sa kanilang mga magulang, pero para lang ma-push silang pareho sa hangganan ng kanilang mga kakayahan.
It was a siblings’ competition, no harm done. No hard feelings. Dahil pareho naman silang masaya sa naaabot ng isa’t isa.
Kaya kung ito ang bestfriend ng mommy nila, para sa kaniya, si Dheyna ang kaniyang sandigan sa lahat ng sandali; maliban sa isa— babae.
He chose to be so private from his family, when it comes to his escapades. Alam niyang mali ang paglaruan ang mga babae, but he has no intention of being in a serious relationship as of the moment. Wala pa iyon sa plano niya. Isa pa, sinisiguro naman niya na hindi niya inaagrabyado ang mga nakakasama niya. Sinisiguro niya na may consent ng mga babaeng nakakasama niya ang ginagawa nila. Hindi siya ang tipo ng lalaki na namimilit. Iyon lang may gusto ang pinapatulan niya. At, nililinaw niya muna sa mga ito kung ano ang gusto niya. Kung pumayag, maganda. Kung hindi, ayos lang. And most of all, he never hurt any woman. Iyon ang isang bagay na hinding-hindi niya gagawin hanggang kamatayan. Ni kahit ang dulo ng mga daliri ng mga ito ay hindi niya kayang kantiin.
“You’re such an A-hole, Kuya! Nananadya ka ba?” asar na wika ni Dheyna sa kabilang linya.
Umiling siya. “Hindi naman. Pero kailangan mo na siguro nang mas mabigat na kaso para naman ganahan ka.”
“Iyon na nga ang gusto ko, but Dad won’t let me. Saka na raw kapag naipanalo ko na itong huling kasong hawak ko.”
“Wala naman palang problema. Sabi mo nga, kayang-kaya mo naman. So, prove it. Para naman matuwa si Dad sa iyo,” muli niyang pangangatyaw rito.
“Heh! Tigilan mo na nga ako, Kuya! Basta, umuwi ka ngayong weekend, dahil kung hindi, ako mismo ang hindi kakausap sa iyo,” banta nito.
“Ouch! Bigla naman akong natakot, Attorney Dheyna Salviejo! Kailangan ko na bang mag-hire ng magaling na abogado? But wait! Ako rin ang lilitis ng kaso ko, kaya talo ka!” At sinabayan niya iyon ng malakas na pagtawa.
“Urgh! Ewan!”
End tone na lang ang narinig niya sa kabilang linya. Naiiling na ipinasok niya sa suot na slacks ang cell phone, saka bumalik sa kinauupuan.
Tumingin siya sa wall clock. Eksaktong alas-singko na kaya madali niyang kinuha ang susi ng kaniyang sasakyan. Kinuha niya rin ang coat at attache case. Pabuhat niyang ipinatong ang kamay na kinalalagyan ng mga iyon at ipinatong sa balikat, saka isinuot ang itim niyang shades. Pasipol-sipol siyang lumabas ng kaniyang opisina, habang pinaglalaruan sa ere ang susi.
“Bye, Belinda . . .” nakangiting wika niya sa sekretarya na mabilis na tumayo.
“Bye, judge. Ingat po.”
Tumango siya at tinungo ang elevator. Malapad ang ngiti niya habang pinipindot iyon.
Isa lang ang nasa isip niya. Gusto niyang maging wild sa gabing iyon.
Napahampas si Vhanessa sa manibela ng second hand niyang sasakyan. Unti-unti kasi iyong humihinto.Agad niyang itinabi iyon bago pa tuluyang tumigil. Saka siya bumaba at tiningnan kung ano ang nangyari.Napahagod siya sa nakalugay na buhok.“Spark plug na naman!” palatak niya sabay hinga nang malalim. Ilang segundo niya rin iyong tinitigan, bago gumalaw ang kaniyang mga paa. Patungo siyang bayan sa mga sandaling iyon, pero mukhang hindi siya makararating sa pupuntahan.Kinuha niya ang toolbox sa trunk ng kaniyang sasakyan. Napaiiling na lang siya kapag napatitingin sa suot. Nakapalda at blouse siya, habang nakasuot ng de-takong na sapatos. Hindi naman niya akalaing masisiraan siya dahil kapagagawa niya lang sa kaniyang kotse noong isang linggo.Inayos niya ang pagkakabukas ng hood. Inilagay niya ang tools niya sa gilid. Dahil sanay na siyang masiraan, natutunan niya n
“Home . . .” bulong ni Elias sa sarili habang ipinapasok ang sasakyan sa bakuran ng kanilang dalawang palapag na bahay; na wala namang gate at tanging mga tanim na halaman ng kaniyang ina ang nakapalibot doon. Nagmistula tuloy iyong mini farm/garden. Dahil bukod sa namumulaklak na mga halaman, marami ring tanim na gulay sa paligid. Iyon na talaga ang kinalakihan niya, kaya kahit papaano, na-m-miss din niya ang umuwi.“Kuya!” sigaw ni Dheyna na palabas ng main door nila. Nagmamadali itong sumalubong ng yakap sa kaniya, pagkuwa’y hinalikan siya sa pisngi.“Bakit parang bumigat ka yata?” biro niya nang tingnan ito mula ulo hanggang paa.“Kahit kailan, Kuya, ang sama mo!” Sinabayan pa nito iyon ng paghampas sa balikat niya.Natawa siya. Gusot na kaagad ang mukha nito.“Baka hindi ka maulian sa itsura mong iyan. Sige ka . . .
Pabaling-baling sa kaniyang higaan si Vhanessa. Hindi siya makatulog. Ilang gabi na rin siyang ganoon, at ang salarin— ang lalaking si Elias!Inis na inihampas niya ang dalawang kamay sa magkabila niyang gilid. Tumitig siya sa kulay puting kisame, pagkuwa’y ipinatong ang isang braso sa noo.Tagos-tagusan ang tingin niya sa kisame habang nag-iisip. Subalit, hindi maiwasang hindi niya makita roon ang ginawa nila ng lalaki nang araw na iyon sa isang hotel sa Maynila.“Ah!” inis niyang wika sabay pikit nang mariin. Pilit niyang iwinaksi sa isip ang mga nakikita, pero para naman iyong sirang plaka na paulit-ulit na tumatakbo roon.She vividly saw every single moved the man did to her. She could even feel his touch, his smell, his warm breath beneath her skin, his kisses— his moans! Even the way the sweat fell from his body to hers! She was driving her into madness!She swallowed hard. And without even knowing, she touched her neck in a featherly manner.Napapikit siya kasabay ng pagliyad.
“At long last!” Malakas na sumuntok sa hangin si Attorney Dheyna Salviejo habang naglalakad sila palabas ng Municipal Trial Court ng Tierra del Ricos. Katatapos lang ng hearing ng kliyente nito at nanalo sila. Isang bagay na pinakaaasam-asam nito dahil dalawang sunod na rin itong natalo.“Let’s go out! My treat!” nakangiting wika nito sa kaniya. Iyon ang gusto niya rito, kahit anong resulta ng hearing— manalo o matalo, hindi ito pinanghihinaan ng loob.“Sige po. Maaga pa rin naman. Babalik pa po ba tayo ng opisina?”“Naku, hindi na! And please stop using po. Ilang beses ko na rin iyang sinabi sa iyo noon pa. We are outside our workplace. Kapag nasa labas tayo, ate kita.” Ipinulupot pa nito ang braso sa kaniyang bisig.Napangiti siya. Kapag ganoon ito, pakiramdam tuloy niya nagkaroon siya ng kapatid. Nag-iisa kasi siyang anak kaya sabik siyan
Hanggang sa makarating sa restaurant, ang narinig pa rin sa telepono ang tumatakbo sa isip ni Vhanessa. She’s affected and she didn’t know why. Hindi na talaga niya alam kung ano ba ang nangyayari sa kaniya— kung ano ba iyong kakaibang nararamdaman niya. She was looking for something she can’t explain. Something that made her wants to ease the fire she was feeling.“The place is great, right?” tanong ni Dheyna sa kaniyang tabi habang papasok sila ng restaurant. Nakakapit pa ito sa braso niya. Para talaga silang mapagkakamalang magkapatid nito.Nakangiting iginala niya ang mga mata sa paligid. “Yeah. Maganda nga rito. Hindi ko alam na may ganito na palang lugar sa San Lucas.”The place was overlooking to the mountainous areas in Quezon. Mataas ang kinatatayuan niyon kaya kitang-kita ang maberdeng kabundukan ng Sierra Madre. Doon pa lang busog na busog na ang mga mata niya.The said restaurant is uniqu
Halos hindi na malunok ni Vhanessa ang pagkain niya. Ang makasalo ang lalaking gumugulo sa kaniyang isipan, ay mas lalo pang nakapagpagulo hindi lang sa isip, lalong higit sa sistema niya.Ano ba kasi talagang mayroon sa lalaki? Saka, bakit ba roon nito naisipang umupo sa tabi niya. Hindi na nga siya makakain, hindi pa siya makakilos nang maayos. Bigla pati siyang naging conscious kahit sa pagsasalita.“This is good. You’re a good cook, Chef Elias. I wonder . . . may asawa ka na ba?” ani Dheyna sa kaniyang katabi.Naubo silang pareho, bago nagkatinginan. Ang dalawa namang nasa harapan nila ay titig na titig sa kanila.Tiningnan ni Dheyna si Elias. “May nasabi ba akong masama? Kasi, kung ako lang ang tatanungin, mabilis akong mahuhulog sa kagaya mo na magaling magluto. At least hindi na ako mahihirapan pagdating sa kusina,” wika nito bago sumubo ng ensaladang tinapa.
Elias sighed. Hindi niya maintindihan ang babae.Kanina, sinadya ni Dheyna na magpaiwan sa loob para sermunan siya. Halos dumugo ang tenga niya sa pinagsasabi ng kapatid. Katakot-takot namang kantyaw ang natamo niya kay Kristoff.He told her sister everything, except for the fact he and Vhanessa shared a meaningful night. Sinadya niyang hindi iyon isama dahil baka lalong magwala si Dheyna. Alam niya ang kapasidad ng kapatid. Kayang-kaya siya nitong paikutin sa mga kamay.Nalaman din niya mula kay Dheyna kung ano ang koneksyon nito kay Vhanessa. Napagtanto niyang hindi pala talaga mahirap hagilapin ang babae. Abala lang talaga siya sa trabaho niya sa Maynila at iba pang gawain, kaya hindi niya agad natuklasan na ito pala ang sekretarya ng kapatid niya.Small world, huh?Kaya para maibsan ang mga gumugulo sa kaniyang isipan, at upang makilala na rin ang babae, minabuti niy
“Are you mad?” tanong sa kaniya ni Elias habang nagmamaneho ito.Nakatingin siya sa labas, sa dinaraanan nila at hindi umiimik. Hindi niya alam kung saan sila pupunta, pero ayaw na niyang magtanong pa. She didn’t want to start any conversation with him.“Is there any reason why I would feel that way?” She sounds sarcastic. Sinadya niya talaga iyon para ipamukha ritong hindi siya natutuwa sa ginawa nito.“Sorry. I forgot to ask your number kaya dumeretso na ako sa bahay ninyo,” hingi nito ng paumanhin.Hindi siya sumagot. Baka kasi kung ano pa ang masabi niya rito dahil sa inis.“Yaan mo, I’ll take note about it,” dagdag pa nito.Napataas ang kilay niya. “Are you sure? Dahil palagay ko, ikaw ang tipo ng tao na hindi marunong tumupad sa usapan. Wala kang isang salita.”“Aray! Ang sakit mo namang magsalita. Hindi mo pa nga ako nakikilala nan
“Chinnyboo! Chinnyboo! Where are you?” malakas na tawag ni Elias sa kaniyang asawa. Kanina pa niya ito hinahanap pero hindi niya ito matagpuan. Naikot na yata niya ang buong silid nila pero hindi pa rin niya ito makita. Doon lang naman niya iniwan ang asawa kanina na nagpaluto sa kaniya ng pansit na may mangga.Naiiling na tiningnan niya ang bitbit na pagkain. Kahit kailan, weird ang panlasa nito sa tuwing magbubuntis.She’s five months on the way now. Ang kambal nila ay nairaos nitong iluwal nang nakaraang taon. At pinayuhan sila ng doktor na mas mainam na masundan agad ang dalawa, para hindi raw mahirapan si Vhanessa.She’s forty now. Forty and still looking young. Siguro, dahil sa regular nilang digmaan iyon. Sa edad rin nito napatunayan niyang may mga babae pala talagang pinagpala. Dahil hindi nauubusan ang kaniyang asawa, nag-uumapaw ito at laging handa sa kaniya.“
Kinakabahan si Vhanessa habang nakatingin sa puting kurtinang nakatabing sa kaniya. Their wedding entourage was already marching forward. Ilang saglit na lang, siya na ang susunod.Hindi niya alam kung papaano ipaliliwanag ang nararamdaman sa mga sandaling iyon. Her heart was filled with so much joy. Halos hindi niya na nga malaman kung ano ang nangyayari sa paligid. Tanging ang focus niya ay ang makita si Elias, na ilang araw niya ring hindi nakita dahil hindi sila payagan ng kani-kanilang pamilya. Bad luck daw iyon.Nang akayin siya ng wedding coordinator, pinuno niya ng hangin ang dibdib. When the white curtain finally opened for her, lahat ng mga mata ay napatutok sa kaniya.She knew her look was way too simple. She didn’t pick extremely expensive gown— whick Elias preferred, and just ask Macy to look for someone who made local wedding gowns. Madali naman iyong nagawan ng paraan ng kaniyang kaibigan. And
“Can we go out? I have good news,” bungad ni Elias nang sagutin ni Vhanessa ang cell phone nito. Nag-file na mula siya ng leave para maasikaso ang dapat na asikasuhin sa kanila. Para hindi na rin sagabal ang pagparoo’t parito niya sa Tierra del Ricos at Maynila.“Uhm . . . Office hours pa. Hindi pa ako p’wedeng mag-out nang maaga,” malambing na sagot nito.“Don’t worry about it. I already talked to Dheyna. Umoo na siya kaya p’wede ka ng lumabas. Hihintayin kita rito,” wika niya bago pinindot ang end button ng cell phone niya. Nasisiguro na niyang nagmamadali na itong lumabas.He even counted backwards from ten to one. At eksaktong pagpatak ng one ay itinutulak na nito ang bubog na entrance door ng law firm.Mabilis siyang bumaba ng sasakyan para salubungin ito. Ibinukas niya ang mga kamay. Patakbong pumaloob naman doon si Vhanessa.&n
“Are you ready, son?” tanong ng kaniyang amang si Ethan. Magkasama silang dalawa para dalawin ang taong may malaking kasalanan sa kanila.Tumango siya. “I am, Dad. I am very much ready.”“Alright. Let’s go.” Nauna itong bumaba ng sasakyan. Kinuha nito ang attache case nito sa backseat bago pumasok sa loob ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa. Nakasunod lang siya rito.Pagdating nila sa entrance, ipinakita ng kaniyang ama ID nito— ganoon din siya. Sumaludo pa ang gwardiyang naroon sa kaniya.May isang nag-assist sa kanila papasok sa loob ng kulungan. Dinala sila nito sa visiting area na para sa mga abogado at preso.“Hanggang dito na lamang po tayo. Hintayin na lang po natin ang paglabas ng sadya ninyo rito,” anang escort nila.Tumango ang kaniyang ama rito. “Salamat.”Magkatabi silang naupo ng kaniyang ama sa harap ng isa
Kinabukasan, nagtungo sila ni Elias sa bayan. Dinalaw nila ang kaniyang ina— na sa wakas, unti-unti ng bumabalik sa dati. Nakakausap na ito nang maayos, kahit pa nga may pagkakataong natutulala pa rin ito.Sinabi sa kaniya ng doktor, kahit parang walang pakialam sa mundo noon ang kaniyang ina, dahil lagi rin siyang present sa tabi nito, hindi na ito nanibago pa sa itsura niya o sa pagbabago ng mga araw. Hindi man ramdam ang presensya nito bilang isang ina habang siya ay lumalaki, nag-r-reflect naman daw iyon sa utak nito, hindi nga lang daw talaga pa makawala sa nangyari sa nakaraan. Kaya hindi na siya nahirapan pang ipakilala ang sarili rito, at kung bakit ito naroroon sa pasilidad na iyon.Ipinakilala niya si Elias sa kaniyang ina. Hindi man ito sanay pa sa ibang tao, nakuha pa rin naman ng kaniyang ina na ngumiti at kahit papaano ay kausapin ang kaniyang kasintahan.Yes. She’s officially dating Elias now.
Kinakabahan si Vhanessa sa kaniyang gagawin, pero naroon na siya. Wala na iyong atrasan pa.Mabilis siyang napatayo nang marinig ang ugong ng humimpil na sasakyan sa labas ng kanilang bahay. Tiningnan niya ang silid ng kaniyang lola. Nakapagpaalam na siya rito at hindi naman na siya nito pinigilan pa.“Hi . . .” nakangiting bungad ni Elias sa malaking pintuan ng kanilang bahay. Hinayaan talaga niya iyong bukas dahil hinihintay niya ito.Bago pa siya makalapit dito, inilabas na nito ang dala-dalang bulaklak. As usual, it’s sunflower.“For you.” Iniabot nito iyon sa kaniya.“T-thanks,” kiming wika niya sabay ngiti. Bumalik siya sa may lamesa at inilapag iyon doon, saka muling hinarap ang lalaki. “Let’s go.”Iginala ni Elias ang mga mata nito sa kabahayan nila. “Si Lola Cresing?” tanong nito
Sa labas pa lang ng bakuran nila ay tanaw na ni Elias ang kaniyang ina. Abala na naman ito sa pagtatanim ng kung ano-ano. Napatigil ito nang makitang papasok ang sasakyan niya sa driveway.“Mom . . .” mahinang wika nang makababa ng sasakyan. Hindi niya magawang ihakbang ang mga paa palapit dito dahil pakiramdam niya, ano mang sandali, babagsak ang mga luha niya.Literal na naging iyakin na siya. At sa mga sandaling iyon, ang gusto niya lang ay maramdaman ang mga yakap nito.Lumapit ito sa kaniya sa kaniya, lakip ang pag-aalala sa mga mata. Pinagmasdan din siya nitong mabuti.“Mom—”“You don’t have to say it, anak. I understand.” Kagyat siya nitong niyakap kahit marumi ang kamay nito. Hindi na niya iyon pinansin dahil iyon naman talaga ang iniuwi niya sa kanila— ang maramdaman ang mainit nitong yakap.Matag
Tamad na tamad na bumangon si Vhanessa. Gusto pa nga sana niyang matulog pero may pupuntahan sila ng kaniyang lola. Dadalawin nila ngayon ang kaniyang ina.Patamad na nagtungo siya sa banyo at naligo. Baka sakaling mawala ang pagkapagal ng katawan niya kapag nalapatan iyon ng tubig.Bahagya ngang gumaan ang pakiramdam niya pagkatapos maligo. Nagbihis siya kaagad at inayos ang sarili. Habang nakatigin sa repleksyon niya sa salamin, kitang-kita ang pagbabago ng aura niya. Wala na ang kislap ng kaniyang mga mata, nangangalumata na rin siya.Napabuntonghininga siya. Pinipilit niya ang sariling kumilos nang normal at kalimutan ang nangyayari, pero hindi siya tantanan ng nakaraan niya. Ilang beses na rin niyang napanaginipan ang nangyari sa kaniyang ama. Matagal na ang huling beses na nangyari iyon— high school pa yata siya. Ngunit ngayon, dahil sa mga nalaman niya ay muli iyong bumalik.Natatakot si
“Hey . . . That’s enough, bro.” Si Jacob ang unang lumapit sa kaniya. Dahan-dahan nitong kinuha ang bote ng alak sa kaniyang kamay na mahigpit niyang hawak. “Kung ano man ang problema mo, we are here. We are ready to listen,” malumanay nitong wika.Tiningnan niya isa-isa ang mga ito, pati na rin ang lalaking sinuntok niya. “Who is he?”Tiningnan ni Jacob ang kaniyang tinutukoy. “Kuatro. New friend,” sagot nito nang lingunin siyang muli.“New friend, huh?” Pagak siyang natawa, bago muling inagaw ang alak sa kamay nito. Uminom siyang muli. Hindi naman siya pinigilan ng kahit na sino sa mga ito.Tahimik siyang pinagmasdan ng mga kaibigan. Mabuti na lang, hindi pa masyadong matao roon, kaya ang nangyari kanina ay hindi nakagulo sa takbo ng business ni Zhione.“Samahan ka na lang naming uminom,” ani Kristoff