Hanggang sa makarating sa restaurant, ang narinig pa rin sa telepono ang tumatakbo sa isip ni Vhanessa. She’s affected and she didn’t know why. Hindi na talaga niya alam kung ano ba ang nangyayari sa kaniya— kung ano ba iyong kakaibang nararamdaman niya. She was looking for something she can’t explain. Something that made her wants to ease the fire she was feeling.
“The place is great, right?” tanong ni Dheyna sa kaniyang tabi habang papasok sila ng restaurant. Nakakapit pa ito sa braso niya. Para talaga silang mapagkakamalang magkapatid nito.
Nakangiting iginala niya ang mga mata sa paligid. “Yeah. Maganda nga rito. Hindi ko alam na may ganito na palang lugar sa San Lucas.”
The place was overlooking to the mountainous areas in Quezon. Mataas ang kinatatayuan niyon kaya kitang-kita ang maberdeng kabundukan ng Sierra Madre. Doon pa lang busog na busog na ang mga mata niya.
The said restaurant is uniqu
Halos hindi na malunok ni Vhanessa ang pagkain niya. Ang makasalo ang lalaking gumugulo sa kaniyang isipan, ay mas lalo pang nakapagpagulo hindi lang sa isip, lalong higit sa sistema niya.Ano ba kasi talagang mayroon sa lalaki? Saka, bakit ba roon nito naisipang umupo sa tabi niya. Hindi na nga siya makakain, hindi pa siya makakilos nang maayos. Bigla pati siyang naging conscious kahit sa pagsasalita.“This is good. You’re a good cook, Chef Elias. I wonder . . . may asawa ka na ba?” ani Dheyna sa kaniyang katabi.Naubo silang pareho, bago nagkatinginan. Ang dalawa namang nasa harapan nila ay titig na titig sa kanila.Tiningnan ni Dheyna si Elias. “May nasabi ba akong masama? Kasi, kung ako lang ang tatanungin, mabilis akong mahuhulog sa kagaya mo na magaling magluto. At least hindi na ako mahihirapan pagdating sa kusina,” wika nito bago sumubo ng ensaladang tinapa.
Elias sighed. Hindi niya maintindihan ang babae.Kanina, sinadya ni Dheyna na magpaiwan sa loob para sermunan siya. Halos dumugo ang tenga niya sa pinagsasabi ng kapatid. Katakot-takot namang kantyaw ang natamo niya kay Kristoff.He told her sister everything, except for the fact he and Vhanessa shared a meaningful night. Sinadya niyang hindi iyon isama dahil baka lalong magwala si Dheyna. Alam niya ang kapasidad ng kapatid. Kayang-kaya siya nitong paikutin sa mga kamay.Nalaman din niya mula kay Dheyna kung ano ang koneksyon nito kay Vhanessa. Napagtanto niyang hindi pala talaga mahirap hagilapin ang babae. Abala lang talaga siya sa trabaho niya sa Maynila at iba pang gawain, kaya hindi niya agad natuklasan na ito pala ang sekretarya ng kapatid niya.Small world, huh?Kaya para maibsan ang mga gumugulo sa kaniyang isipan, at upang makilala na rin ang babae, minabuti niy
“Are you mad?” tanong sa kaniya ni Elias habang nagmamaneho ito.Nakatingin siya sa labas, sa dinaraanan nila at hindi umiimik. Hindi niya alam kung saan sila pupunta, pero ayaw na niyang magtanong pa. She didn’t want to start any conversation with him.“Is there any reason why I would feel that way?” She sounds sarcastic. Sinadya niya talaga iyon para ipamukha ritong hindi siya natutuwa sa ginawa nito.“Sorry. I forgot to ask your number kaya dumeretso na ako sa bahay ninyo,” hingi nito ng paumanhin.Hindi siya sumagot. Baka kasi kung ano pa ang masabi niya rito dahil sa inis.“Yaan mo, I’ll take note about it,” dagdag pa nito.Napataas ang kilay niya. “Are you sure? Dahil palagay ko, ikaw ang tipo ng tao na hindi marunong tumupad sa usapan. Wala kang isang salita.”“Aray! Ang sakit mo namang magsalita. Hindi mo pa nga ako nakikilala nan
“Where are we? Parang ang layo naman na yata natin sa Tierra del Ricos,” anang babae nang bumaba ito ng sasakyan. Sa harapan nila ay isang hindi kalakihang bahay.“My place, outside our town,” sagot niya bago namulsa. “Come. Let’s get inside.” Nakangiting nilingon niya ito.Iginala nito ang mga mata sa paligid. Wala namang ibang makikita roon kung hindi mga puno at halamang namumulaklak. Wala rin siyang kapitbahay— na sinadya talaga niya. Gusto niya ay tahimik lang na lugar at iyon ang lugar na napili niya. It was liked he was leaving in the middle of wilderness. Lush of green on the ground and blue skies above. Perfect getaway from the noisy city.“Ano’ng tawag dito?” Itinuro ni Vhanessa ang may dalawang silid niyang bahay. Hindi iyon kalakihan, sakto lang sa gusto niyang gawin roon— bakasyunan.“Amakan ang tawag diyan. I
Nakapangalumbaba si Vhanessa sa kaniyang table sa puwesto niya sa labas ng opisina ni Dheyna. Kanina pa siya patingin-tingin sa cell phone niya. Hindi niya maunawaan ang sarili. Kapag wala si Elias sa tabi niya, para bang gustong-gusto niya itong makita. Samantalang, kapag naroon naman ang lalaki, kulang na lang ay ipagtabuyan niya ito.Dala ba iyon ng kaniyang edad? Nag-m-menopause na ba siya?Ipinilig niya ang ulo. Imposible iyon. Thirty-eight pa lang naman siya. Wala pa ngang forty. Masyado namang maaga para sa bagay na iyon.Huminga siya nang malalim at tumingin sa kawalan. Nakikita niya roon kung paano siya asikasuhin ng lalaki noong nag-date sila sa bahay nito. Para siyang isang reyna kung paglingkuran nito, isang bagay na kahit kailan ay hindi pa niya naranasan. At may palagay siya na sa tuwing makakasama niya ang lalaki, lahat ng mga bagay na hindi pa niya nararanasan noon ay matitikman niya sa piling nito. That
“Saang lupalop na naman ito ng Pilipinas?” tanong niya sa lalaki habang nakasandal sa hood ng sasakyan nito.Ang lugar na pinagdalhan nito sa kaniya ay nasa mataas na parte. Kita roon ang buong bayan ng Tierra del Ricos, na sumasabay na rin sa pag-unlad ng ibang malalaking syudad sa bansa. May matataas na ring gusali.However, green is still visible. Mas malawak pa rin ang maberdeng kapaligiran, gaya ng kinaroroonan nila sa mga sandaling iyon.“Some quite place. Isa ito sa mga lugar na madalas kong puntahan dito sa atin. At huwag kang mag-alala, dahil property ko na ito. Nagustuhan ko kaya binili ko na,” sagot nitong tinungo ang hulihan ng sasakyan. Naririnig niya ang kaluskos na ginagawa nito, pero hindi niya pinansin. She was staring in front of her, appreciating the marvelous beauty of nature.“Doon na lang tayo kumain.”Nagulat siya. Nasa t
“I won’t force you if you don’t like,” basag ng lalaki sa kaniyang pag-iisip.Bahagya siyang ngumiti. “No. I want to. I want to try this new adventure of yours.” Siya na mismo ang kusang tumawid sa pagitan ng mga mukha nila, kahit hindi pa naman siya ganoon karunong humalik. Basta ang marinig na umuungol ang lalaki ay nakapagbibigay ng ibayong saya sa kaniya.His hands started to explore her body. From her back to her arms, to her neck. Masuyo nitong minasahe ang parteng iyon ng katawan niya.“Ohh!” Mas lalo niyang diniinan ang paghalik dito. Hanggang sa maramdaman niya ang isang kamay nito sa bandang hita niya.Bahagya siya kumawala rito. Sumagap siya ng hangin at pinuno ang dibdib. “W-wala bang makakakita sa atin dito? I mean . . . there’s still light,” may pag-aalinlangang wika niya.“No one will come here
Hindi kumikilos si Vhanessa. Pinakikiramdaman niya ang sarili. Hindi na niya alam kung paano pa ba siya nakauwi sa kanila, kung anong oras na iyon. Basta ang alam niya, pinagpahinga lang siya sandali ni Elias sa sasakyan nito bago siya inihatid nito.Bahagya siyang kumilos. Napangiwi siya nang kumirot ang nasa pagitan ng mga hita niya. Hindi lang iyon, pakiramdam niya, bugbog na bugbog ang buong katawan niya. Iyon ba namang wala man lang kahit anong malambot na puwede nilang higaan ni Elias kagabi. Tanging yoga mat lang ang nakasapin sa sasakyan nito na hindi naman umobra dahil matigas ang bakal, pati na ang metal ng sasakyan nito.Para pa ngang naririnig niya sa tenga ang sinabi nito kagabi sa kaniya.“On our next adventure, I’ll bring foldable mattress. Para naman hindi ka masyadong mahirapan.” Hinalikan pa siya ng lalaki pagkasabi niyon.Parang ewan na hinawakan niya ang
“Chinnyboo! Chinnyboo! Where are you?” malakas na tawag ni Elias sa kaniyang asawa. Kanina pa niya ito hinahanap pero hindi niya ito matagpuan. Naikot na yata niya ang buong silid nila pero hindi pa rin niya ito makita. Doon lang naman niya iniwan ang asawa kanina na nagpaluto sa kaniya ng pansit na may mangga.Naiiling na tiningnan niya ang bitbit na pagkain. Kahit kailan, weird ang panlasa nito sa tuwing magbubuntis.She’s five months on the way now. Ang kambal nila ay nairaos nitong iluwal nang nakaraang taon. At pinayuhan sila ng doktor na mas mainam na masundan agad ang dalawa, para hindi raw mahirapan si Vhanessa.She’s forty now. Forty and still looking young. Siguro, dahil sa regular nilang digmaan iyon. Sa edad rin nito napatunayan niyang may mga babae pala talagang pinagpala. Dahil hindi nauubusan ang kaniyang asawa, nag-uumapaw ito at laging handa sa kaniya.“
Kinakabahan si Vhanessa habang nakatingin sa puting kurtinang nakatabing sa kaniya. Their wedding entourage was already marching forward. Ilang saglit na lang, siya na ang susunod.Hindi niya alam kung papaano ipaliliwanag ang nararamdaman sa mga sandaling iyon. Her heart was filled with so much joy. Halos hindi niya na nga malaman kung ano ang nangyayari sa paligid. Tanging ang focus niya ay ang makita si Elias, na ilang araw niya ring hindi nakita dahil hindi sila payagan ng kani-kanilang pamilya. Bad luck daw iyon.Nang akayin siya ng wedding coordinator, pinuno niya ng hangin ang dibdib. When the white curtain finally opened for her, lahat ng mga mata ay napatutok sa kaniya.She knew her look was way too simple. She didn’t pick extremely expensive gown— whick Elias preferred, and just ask Macy to look for someone who made local wedding gowns. Madali naman iyong nagawan ng paraan ng kaniyang kaibigan. And
“Can we go out? I have good news,” bungad ni Elias nang sagutin ni Vhanessa ang cell phone nito. Nag-file na mula siya ng leave para maasikaso ang dapat na asikasuhin sa kanila. Para hindi na rin sagabal ang pagparoo’t parito niya sa Tierra del Ricos at Maynila.“Uhm . . . Office hours pa. Hindi pa ako p’wedeng mag-out nang maaga,” malambing na sagot nito.“Don’t worry about it. I already talked to Dheyna. Umoo na siya kaya p’wede ka ng lumabas. Hihintayin kita rito,” wika niya bago pinindot ang end button ng cell phone niya. Nasisiguro na niyang nagmamadali na itong lumabas.He even counted backwards from ten to one. At eksaktong pagpatak ng one ay itinutulak na nito ang bubog na entrance door ng law firm.Mabilis siyang bumaba ng sasakyan para salubungin ito. Ibinukas niya ang mga kamay. Patakbong pumaloob naman doon si Vhanessa.&n
“Are you ready, son?” tanong ng kaniyang amang si Ethan. Magkasama silang dalawa para dalawin ang taong may malaking kasalanan sa kanila.Tumango siya. “I am, Dad. I am very much ready.”“Alright. Let’s go.” Nauna itong bumaba ng sasakyan. Kinuha nito ang attache case nito sa backseat bago pumasok sa loob ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa. Nakasunod lang siya rito.Pagdating nila sa entrance, ipinakita ng kaniyang ama ID nito— ganoon din siya. Sumaludo pa ang gwardiyang naroon sa kaniya.May isang nag-assist sa kanila papasok sa loob ng kulungan. Dinala sila nito sa visiting area na para sa mga abogado at preso.“Hanggang dito na lamang po tayo. Hintayin na lang po natin ang paglabas ng sadya ninyo rito,” anang escort nila.Tumango ang kaniyang ama rito. “Salamat.”Magkatabi silang naupo ng kaniyang ama sa harap ng isa
Kinabukasan, nagtungo sila ni Elias sa bayan. Dinalaw nila ang kaniyang ina— na sa wakas, unti-unti ng bumabalik sa dati. Nakakausap na ito nang maayos, kahit pa nga may pagkakataong natutulala pa rin ito.Sinabi sa kaniya ng doktor, kahit parang walang pakialam sa mundo noon ang kaniyang ina, dahil lagi rin siyang present sa tabi nito, hindi na ito nanibago pa sa itsura niya o sa pagbabago ng mga araw. Hindi man ramdam ang presensya nito bilang isang ina habang siya ay lumalaki, nag-r-reflect naman daw iyon sa utak nito, hindi nga lang daw talaga pa makawala sa nangyari sa nakaraan. Kaya hindi na siya nahirapan pang ipakilala ang sarili rito, at kung bakit ito naroroon sa pasilidad na iyon.Ipinakilala niya si Elias sa kaniyang ina. Hindi man ito sanay pa sa ibang tao, nakuha pa rin naman ng kaniyang ina na ngumiti at kahit papaano ay kausapin ang kaniyang kasintahan.Yes. She’s officially dating Elias now.
Kinakabahan si Vhanessa sa kaniyang gagawin, pero naroon na siya. Wala na iyong atrasan pa.Mabilis siyang napatayo nang marinig ang ugong ng humimpil na sasakyan sa labas ng kanilang bahay. Tiningnan niya ang silid ng kaniyang lola. Nakapagpaalam na siya rito at hindi naman na siya nito pinigilan pa.“Hi . . .” nakangiting bungad ni Elias sa malaking pintuan ng kanilang bahay. Hinayaan talaga niya iyong bukas dahil hinihintay niya ito.Bago pa siya makalapit dito, inilabas na nito ang dala-dalang bulaklak. As usual, it’s sunflower.“For you.” Iniabot nito iyon sa kaniya.“T-thanks,” kiming wika niya sabay ngiti. Bumalik siya sa may lamesa at inilapag iyon doon, saka muling hinarap ang lalaki. “Let’s go.”Iginala ni Elias ang mga mata nito sa kabahayan nila. “Si Lola Cresing?” tanong nito
Sa labas pa lang ng bakuran nila ay tanaw na ni Elias ang kaniyang ina. Abala na naman ito sa pagtatanim ng kung ano-ano. Napatigil ito nang makitang papasok ang sasakyan niya sa driveway.“Mom . . .” mahinang wika nang makababa ng sasakyan. Hindi niya magawang ihakbang ang mga paa palapit dito dahil pakiramdam niya, ano mang sandali, babagsak ang mga luha niya.Literal na naging iyakin na siya. At sa mga sandaling iyon, ang gusto niya lang ay maramdaman ang mga yakap nito.Lumapit ito sa kaniya sa kaniya, lakip ang pag-aalala sa mga mata. Pinagmasdan din siya nitong mabuti.“Mom—”“You don’t have to say it, anak. I understand.” Kagyat siya nitong niyakap kahit marumi ang kamay nito. Hindi na niya iyon pinansin dahil iyon naman talaga ang iniuwi niya sa kanila— ang maramdaman ang mainit nitong yakap.Matag
Tamad na tamad na bumangon si Vhanessa. Gusto pa nga sana niyang matulog pero may pupuntahan sila ng kaniyang lola. Dadalawin nila ngayon ang kaniyang ina.Patamad na nagtungo siya sa banyo at naligo. Baka sakaling mawala ang pagkapagal ng katawan niya kapag nalapatan iyon ng tubig.Bahagya ngang gumaan ang pakiramdam niya pagkatapos maligo. Nagbihis siya kaagad at inayos ang sarili. Habang nakatigin sa repleksyon niya sa salamin, kitang-kita ang pagbabago ng aura niya. Wala na ang kislap ng kaniyang mga mata, nangangalumata na rin siya.Napabuntonghininga siya. Pinipilit niya ang sariling kumilos nang normal at kalimutan ang nangyayari, pero hindi siya tantanan ng nakaraan niya. Ilang beses na rin niyang napanaginipan ang nangyari sa kaniyang ama. Matagal na ang huling beses na nangyari iyon— high school pa yata siya. Ngunit ngayon, dahil sa mga nalaman niya ay muli iyong bumalik.Natatakot si
“Hey . . . That’s enough, bro.” Si Jacob ang unang lumapit sa kaniya. Dahan-dahan nitong kinuha ang bote ng alak sa kaniyang kamay na mahigpit niyang hawak. “Kung ano man ang problema mo, we are here. We are ready to listen,” malumanay nitong wika.Tiningnan niya isa-isa ang mga ito, pati na rin ang lalaking sinuntok niya. “Who is he?”Tiningnan ni Jacob ang kaniyang tinutukoy. “Kuatro. New friend,” sagot nito nang lingunin siyang muli.“New friend, huh?” Pagak siyang natawa, bago muling inagaw ang alak sa kamay nito. Uminom siyang muli. Hindi naman siya pinigilan ng kahit na sino sa mga ito.Tahimik siyang pinagmasdan ng mga kaibigan. Mabuti na lang, hindi pa masyadong matao roon, kaya ang nangyari kanina ay hindi nakagulo sa takbo ng business ni Zhione.“Samahan ka na lang naming uminom,” ani Kristoff