“F*ck!”Napatigil si Mhia sa paglalakad palabas ng kaniyang bahay. Alanganing tiningnan niya ang sarili dahil hindi maalis-alis ni Skyler ang mga mata roon mula pa noong lumabas siya sa pintuan.May mali ba sa suot niya? Pero ang sabi naman ng lalaki dapat naka-formal attire, at formal naman ang suot niya.Last night, bago siya inihatid ni Skyler, sinabi nito sa kaniya na siya ang isasama nito sa thanksgiving party bilang date. Mabilis naman siyang umoo. Ngayong malinaw na ang relasyon nila, nararapat lang naman na gampanan niya ang kaniyang tungkulin bilang girlfriend nito.She was wearing a sequined black ball gown. Off shoulder iyon na nagpahantad sa makikinis niyang mga balikat at leeg, at may malaking uka sa bandang tiyan, showing some of her silky smooth skin there. She wore a pair of lace gloves na hanggang punong braso ang haba. Katerno sadya iyon ng damit na suot na niya.Mataas ang itim na heels na suot niya, habang hawak niya sa isang kamay ang kulay kremang purse. Naka-Fre
Pagbaba nilang dalawa sa nineteenth floor, halos naroon na ang lahat ng bisita at mga empleyado ng lalaki, at sila na lang ang hinihintay.Lahat ng mga mata ay napatutok nang lumabas sila sa private elevator nito. Mahigpit na nakakawit ang braso niya rito, na marahan naman nitong tinatapik.Nang igala niya ang mga mata, karamihan sa mga naroon ay pananaghili ang nakalarawan sa mukha— lalo na ang mga kababaihan. They were jealous of her. Ang iba nga kulang na lang ay balatan siya ng buhay sa klase ng pagtitig na ginagawa ng mga ito sa kaniya.Alanganin siyang umagapay kay Skyler. She could still feel on her waist his loose underwear. Nag-aalala siyang baka bigla na lang iyong mahubad paglakad niya.“Relax. . .” bulong ni Skyler sa tenga niya.“How can I if I am wearing your boxer!” inis na ganting bulong niya rito.Amused na tiningnan siya nito. Alam niyang gustong-gusto na nitong matawa, pinipigilan lang ang sarili.“Hijo!”Natigil sila sa paglalakad nang makitang palapit ang isang ma
“What is this place?” takang tanong ni Mhia kay Skyler. Hindi na rin nila tinapos ang party. Ipinaubaya na ng lalaki sa mga executive nito ang pamamahala roon.“Just my simple hideout,” anito habang niluluwagan ang suot na necktie, pagkuwa’y isa-isang inalis sa pagkakabutones ang suot na long sleeves.Napalunok siya. Agad siyang nag-iwas ng mga mata rito at pinagmasdan ang kinaroroonan nila.Hindi naman sila lumabas ng gusaling pagmamay-ari nito. Naroon pa rin sila, nga lang, iba ang bumungad sa kaniya nang bumukas ang elevator kanina.Sigurado siyang nasa twentieth floor sila, sa mismong silid nito roon. Dahil noong lagpasan nila kanina ang isang tinted glasswall ay tumambad na sa kaniyang mga mata ang isang malaking silid— kung silid nga bang matatawag iyon, dahil para lang naman iyong isang malaking open space na may kama sa gitna, isang sofa sa gilid at kulay gray na lamesang marmol.Subalit, ang mas nakatawag ng kaniyang pansin ay ang isang jacuzzi na walang kahit anong partition
Maagang nag-ayos si Mhia ng isang basket ng daisies. Dadalhin niya iyon sa kaibigan. Matagal na niya itong hindi nadadalaw at naisip niyang baka magtampo na ito sa kaniya.“Ngayon ba iyon, Ma’am?” tanong ni Rexie sa kaniya.Tumango siya. “Yes.” Naroon pa rin sa bulaklak ang kaniyang pansin. She’s making that to make it’s totally perfect.“Daisy po talaga ang poborito niya?”Muli siyang tumango. “Iyon talaga ang paborito niya noon pa man.”“Nga po pala, tumawag ang secretary ni Mr. dela Merced dito kanina. Nag-order po ulit siya ng white roses. Hindi na nga lang kagaya nang dati na isangdaang piraso. Dalawang piraso na lang po iyon ngayon.”Sandali siyang nag-isip bago ito nilingon. “It’s for his wife,” aniya.Nagulat naman ito. “Wife po?”Ngumiti siya. “His deceased wife,” paglilinaw niya.“Ah. . .” Tumango-tango ito. “Akala ko talagang my asawa pa siya.”Natawa siya. “Hindi ako papatol sa kaniya kung may asawa pa siya. Ayokong makasakit ng kapwa ko babae. Pinagdaanan ko na iyon.”“Ta
Kunot-noong lumabas ng kaniyang sasakyan si Mhia. Iginala niya ang mga mata sa kinaroroonan, bago nag-doorbell.Ang sabi ni Rexie, may bago raw silang kliyente at um-order ng napakaraming buhay na halaman. May in house plants at may outdoor plants na kailangan talagang itanim, kung hindi sa mismong lupa, ay sa paso.Sabi pa ng kaniyang assistant kailangan daw rin ng serbisyo nila para sa pagsasaayos niyon sa garden. Akala naman niya, simpleng garden lang ang aayusin niya kaya nagpresinta na siya— dahil wala naman silang gaanong kliyente at araw ng Sabado. Iyon pala napakalawak niyon!At kaya nangungunot ang noo niya dahil kay Skyler na bahay iyon sa Green Sky Village!“Ano na naman kayang tumatakbo sa isip ng isang iyon?” bubulong-bulong na wika niya sa sarili.Muli siyang nag-doorbell dahil mukhang hindi iyon naririnig ng lalaki. Alam niyang naroon ito dahil nasa labas ang sasakyan nito.Bumukas ang malaking wooden door sa entrada ng bahay nito. Lumabas doon ang lalaki na naka-toples
Nagpatuloy ang pagtatrabaho ni Mhia, hindi lamang sa bakuran ni Skyler, maging sa buong bahay niya. Tinotoo niya ang sinabing hihingin niya lahat ng opinyon nito.Magkatulong sila sa pag-iisip ng naaayong disenyo sa loob at labas ng kaniyang bahay. Pero karamihan ng mga suhestyon doon galing kay Mhia. He really wanted to do that, because he wanted her to be part of everything he wanted to do from that moment on.Tama na ang pag-aalinlangan at ang pagiging duwag. He wanted their relationship to be on another level. He’s Skyler dela Merced; matinik sa babae, parang kidlat kung gumalaw. At pagdating sa totoong pag-ibig, hindi siya nag-aaksaya ng oras.Pero naisip niya rin na hindi siya aakto kagaya noong pakasalan niya si Adreianne. He had all the reasons why he had to be careful. Bukod sa nasaktan siya nang husto, he had doubts that love isn’t really for him. Kaya niya ginagawa ang bagay na iyon ngayon kasama si Mhia.Slowly, he planned to open up to her. Para alam niyang nauunawaan nit
Palaging lumulutang sa alapaap ang pakiramdam ni Mhia hanggang sa mga sandaling iyon. Ang mga planong inumpisahang buuin nila ni Skyler sa bahay nito ay halos patapos na. Nagmistula na talaga iyong totoong bahay— na may mga gamit at taong nakatira, dahil halos doon na rin siya umuuwi.She never really imagined herself doing that. Pinalaki pa rin siya ng kaniyang Lola Gloria at dalawang tiyahin na may takot sa Diyos at alam kung ano ang tama sa mali. Umaayon sa tradisyon.Kahit saang anggulo kasi tingnan, alam niyang mali ang ginagawa niya. Alam niyang mali na halos nagsasama na sila ni Skyler na wala namang basbas ng simbahan, o kahit papel man lang na kaniyang panghahawakan.Alam niyang siya ang talo sa huli, kung saka-sakaling hindi mag-work ang lahat sa kanilang dalawa. Pero paano ba niya pipigilan ang puso? Paano niya ba sasabihan ang sarili na mali ang ginagawa niya, kung alam naman niyang tama ang pagmamahal na kaniyang nadarama? Na totoo ang lahat. Na kahit sugal ang ginagawa,
“There goes my heart beating,’Cause you are the reason,I’m losing my sleep,Please come back now. . .”Skyler swayed their bodies as the music filled the air. Inaya siya nitong mag-date. Akala naman niya isang simpleng date nga lang iyon sa bahay nito— dahil ganoon naman kalimitan, pero hindi naman niya akalaing aarkilahin pala nito ang isang buong football field sa Pampanga. Sumakay pa sila ng chopper para makarating doon nang mabilis. Iwas traffic na rin.Mabuti na lang talaga at lagi siyang handa. She wore her best dress on her closet. Isang silver dress na above the knee ang haba at may plunging neckline. Hapit na hapit iyon sa katawan niya, kaya naman kitang-kita ang perpektong hubog niyon. Every male specie would drool on her outfit.Nasasanay na rin siyang bumili ng mga seductive dress dahil kay Skyler. She wanted to impress him. Iyong tipong siya lang ang tanging tititigan nito buong buhay. That she will be the most beautiful woman in his eyes alone.Lihim siyang napangiti.
“Rexie, nai-ready na ba ang mga orders today para sa event ng Herrera-Antonio wedding?” tanong ni Mhia sa kaniyang manager-assistant.Nasa flower shop siya sa araw na iyon. Sa isang buwan, dalawang beses siyang pumupunta roon para mag-check.“Opo, Ma’am. Tapos na po namin iyon kanina pa.”“How about iyong para sa isang resto? Okay na rin ba?”Tumango ito. “Tapos na rin po,” mabilis nitong tugon.“Ganoon ba? Wala na bang ibang gagawin ngayon?”“Wala na po. Nagawa na po namin. Maghihintay na lang tayo ng delivery ng mga wala na nating bulaklak, pero mamaya pa iyong gabi.” Ngumiti ito sa kaniya.“Good.” Bumalik siya loob ng kaniyang opisina. Tiningnan niya ang oras, tamang-tama lang mamaya kasi ihahatid doon si Kaia ng ama nito. Sabay na silang uuwi ng San Marcelino.Sa paglipas ng mga araw, napapansin niya ang mabilis na pagbabago ni Kaia. Hindi na ito masyadong bulol at matatas na rin itong magsalita. May pagkamausisa ito na kung minsan ay siya na mismo ang sumusuko sa dami nitong tano
Napabalikwas ng bangon si Mhia nang makarinig ng kaluskos mula sa may bintana. Hindi siya makatulog dahil naririnig niyang umiiyak na si Noah sa kabilang silid. Hinahanap na nito si Skyler. Panay naman ang pagpapakalma ni Samuel dito. Alam niyang, alam ng bata ang mangyayari sa kapatid kapag hindi ito tumahan.Hindi niya alam kung nasaan si Adreianne. Mukhang wala roon ang babae, base na rin sa naririnig niyang usapan ng magkapatid.Tumayo siya at naglakad patungo sa bintana. May nakita siyang puting papel na nakaipit doon. Pilit niya iyong inabot. Nang makuha ay madali niya iyong binasa.ESCAPE.Iyon lang ang nakalagay doon.Lumipad ang mga mata niya sa natutulog na anak. Mabilis siyang lumapit dito at binuhat. Pinakinggan niya ang dalawang bata sa kabilang silid. Tahimik doon.She thinks. Pagkuwa’y mas idinikit ang ulo roon. “Samuel! Noah!” paanas niyang tawag sa dalawa.Walang tugon kaya inulit niya ang pagtawag. Narinig niyang may gumalaw. May maliliit na yabag na lumapit sa kinat
“Er-Er, may balita na ba?” namamaos ang tinig na iyon ni Lola Gloria habang kausap niya ito sa telepono.Isang buong araw ng nawawala sina Mhia at Kaia. At hindi pa rin nila alam kung sino ang dumukot sa mga ito.Sinabi niya agad ang bagay na iyon kina Lola Gloria dahil alam niyang mag-aalala ito nang husto. Isa pa, inalam niya rin kung may napansin itong umaali-aligid sa flower farm o di kaya ay kung may nakaaway si Mhia. Pero alam nilang lahat na imposible iyong mangyari dahil mabuting tao si Mhia.Huminga siya nang malalim. Kahit siya ay sobrang nasasaktan sa mga nangyayaring iyon.“I’m sorry, Lola, pero wala pa rin ho. But I will do my best to find them. I’ll make sure I’ll do. Dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanila.”“Please do that. At tawagan mo ako kaagad kapag nakita mo na sila. Baka hindi ko kayanin kapag may nangyaring masama sa mga apo,” nakikiusap na wika nito.“Ako rin, Lola. Ako rin. . .”Pagkatapos niyang magpaalam dito ay tinawa
“Sir, may naghihintay po sa inyo sa loob,” ani Thelma pagdating niya sa opisina.Napakunot ang noo niya. Tiningnan niya ang suot na wristwatch. “At this hour?” Alas-diyes na kasi ng gabi.Kagagaling niya lang sa conference room. May meeting siya kanina sa board at nahuli lang siya nang kaunti kay Thelma. May ipinaasikaso pa siya rito, samantalang naipit naman siyang makipagkwentuhan kay Uncle Tom niya. Kinukumusta nito ang twins. Dadalaw raw ito sa isang araw sa kaniyang bahay.“Yes, Sir. . .” Halatang aligaga ito base sa itsura nito.“What is it? At saka, bakit hindi ka pa umuuwi? Hindi ba sabi ko sa iyo umuwi ka na pagkatapos mong gawin ang ipinagagawa ko?”Napakamot ito sa noo. “Eh, kasi, Si—”“God, hijo! Bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa namin tinatawagan hindi mo naman sinasagot ang cell phone mo.”Mas lalong dumami ang gatla sa noo niya nang bumukas ang kaniyang opisina at iluwa noon ang hindi niya inaasahang bisita. Napatingin siya kay Thelma.Mabilis itong nagyuko ng ulo. “S-
“Mama, danda dito,” ani Kaia habang nakaupo sa swivel chair niya sa loob ng kaniyang opisina sa flower shop. Pakuya-kuyakoy ang mga paa nito habang tila ito ang boss na may hawak pang papel at ballpen na kunwari ay binabasa nito.Isinama niya si Kaia sa opisina dahil may checkup si Auntie Pillar niya kasama ang kaniyang Lola Gloria. Hindi naman niya ito pwedeng iwanan sa kaniyang Auntie Fe dahil maraming gagawin sa flower farm.Napangiti siya sa sinabi ng anak. “Soon, this will be yours,” aniya.“Lelly, Mama?!” Namilog ang mga mata nito na nakatingin sa kaniya. Nakaupo siya sa upuang nasa harap ng kaniyang lamesa.Sunod-sunod siyang tumango. “Yes. Kaya dapat mag-aaral kang mabuti.”“I will, Mama. Pelo, di pa po alal ako. Tagal pa. Inip ako,” reklamo nito sabay nguso.Tuluyan na siyang natawa. “Huwag dapat mainip si Kaia. Kasi kapag pumasok ka na, hindi mo na ako laging makakasama. Ma-m-miss kita palagi.” Naglungkot-lungkutan pa siya.“Don’t wolly, Mama, miss din po kita. Pelo, Kaia wi
Habang tumatagal, napapalagay na rin ang loob ni Noah kay Skyler. Madalang na rin nitong hanapin si Ismhael, samantalang mas lalo pang lumalalim ang samahan nito at ni Samuel.Nang bigyan ito ng mga doctor ng clearance pauwi, hindi na siya nagdalawang-isip pa na sa kanila dalhin si Noah. Doon naman talaga ito nararapat tumira.“Wow, Samuel! Your house is really big. Totoo ang sinabi mo!” bulalas nito kasabay ng panlalaki ng mga mata habang iginagala ang mga iyon sa kabuuan ng kanilang bahay.“I told you; this will be your home from now on,” aniya habang nakaalalay sa tabi nito.“Daddy is right. You will now be living with us,” segunda ni Samuel na hindi binibitawan ang kamay ni Noah.“Really, Mommy?” Nilingon nito si Adreianne na nasa isang tabi.“Yes, honey. Magkakasama na tayong titira dito.” At pagkasabi niyon ay lumingon ito sa kaniya.Hindi siya sumagot. Sa ngayon, wala pa siyang magagawa sa sitwasyon nila. Dinidinig na ang annulment nila, at kapag natapos iyon, tapos na rin ang
Ilang araw ng hindi na halos umuuwi sa kanilang bahay si Skyler. Sinigurado niyang naroon siya lagi sa tabi ni Noah kapag kailangan siya nito.Kinausap siya ni Adreianne. Hindi pa raw nito masabi sa anak nila na siya ang ama nito dahil ayaw raw nitong mabigla si Noah at baka mas lalo lang daw lumala ang sakit nito. At kahit labag sa loob niya ay pumayag naman siya sa kagustuhan ng babae. Subalit binigyan niya lang ito ng isang buwan para itama ang lahat.May asthma kasi si Noah at kapag na-e-excite o nabibigla ito ay na-tr-trigger iyon hanggang sa hindi na ito halos makahinga. Walang lunas ang sakit na iyon ayon sa mga doktor inirekomenda sa kaniya ni Brayden pero maaari naman daw makontrol. Kakailanganin nga lang daw talaga ng pag-inom ng gamot araw-araw at dapat laging may handang inhaler just in case na bigla itong atakihin. Ibinilin din ng mga doktor na hindi pwedeng sumali sa kahit na anong pangmalakasang sports si Noah. At marami pang iba na hindi naman niya kinalimutan.Nang ar
Skyler drove like a madman. Hindi niya alintana ang malalakas na busina ng mga commuter na nilalagpasan niya sa bilis ng kaniyang pagmamaneho. Iisa lang ang gusto niyang mangyari, ang mabilis na makarating sa ospital na kinaroroonan ng isa pa niyang anak.Akala niya away babae lang ang magaganap kanina nang sundan niya si Adreianne sa flower shop ni Mhia. Hindi niya alam na marami pala siyang matutuklasan. Para tuloy sasabog ang dibdib niya sa halo-halong emosyong nakapaloob doon. All this time, isang malaking lihim pala ang pilit na itinatago ni Adreianne sa kaniya. Hindi na niya kailangan pang alamin kung bakit madalas itong lumabas nitong mga nakaraang buwan. Dahil kung nasa ospital nga ang isa niyang anak, malamang ay roon nagpupunta ang babae.Ang hindi niya makayang tanggapin sa lahat ng ginawa nito ay ang hindi nito nakuhang pagkatiwalaan siya. Na mas ninais nitong ipaubaya ang kapakanan ng kaniyang sariling anak sa ibang lalaki. Ipinamukha nito sa kaniya na isa siyang walang k
Sabay silang napalingon ni Adreianne sa pinanggalingan ng tinig. At hindi nakaligtas sa kaniyang mga mata ang pagkawala ng kulay sa mukha ng babaeng katabi.“S-Skyler. . .” Halos pabulong lang ang pagkakabigkas na iyon ni Adreianne sa pangalan ng asawa.Naniningkit ang mga mata ng lalaking lumapit sa kanila. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. You know me, Adreianne. Kaya kung ayaw mong mawala nang tuluyan sa buhay ng anak natin, magsabi ka ng totoo— ngayon din!” galit na bulyaw nito sa asawang hindi na malaman ang gagawin sa mga sandaling iyon.Kagat-labing nagyuko si Adreianne ng ulo. Pero ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin ito nagsasalita.“Adreianne!” Pareho silang napapitlag nito sa lakas ng tinig na iyon ni Skyler. Kahit siya ay natatakot sa inilalabas na galit ng mga mata nito.“Skyler, calm down. . .” awat niya rito. Binalingan siya nito. “Tell me exactly what you saw. Sino ang sinasabi mong may sakit?” Bukod sa galit, mababanaag sa mga mata nito ang kalituhan.Nag