“There goes my heart beating,’Cause you are the reason,I’m losing my sleep,Please come back now. . .”Skyler swayed their bodies as the music filled the air. Inaya siya nitong mag-date. Akala naman niya isang simpleng date nga lang iyon sa bahay nito— dahil ganoon naman kalimitan, pero hindi naman niya akalaing aarkilahin pala nito ang isang buong football field sa Pampanga. Sumakay pa sila ng chopper para makarating doon nang mabilis. Iwas traffic na rin.Mabuti na lang talaga at lagi siyang handa. She wore her best dress on her closet. Isang silver dress na above the knee ang haba at may plunging neckline. Hapit na hapit iyon sa katawan niya, kaya naman kitang-kita ang perpektong hubog niyon. Every male specie would drool on her outfit.Nasasanay na rin siyang bumili ng mga seductive dress dahil kay Skyler. She wanted to impress him. Iyong tipong siya lang ang tanging tititigan nito buong buhay. That she will be the most beautiful woman in his eyes alone.Lihim siyang napangiti.
Skyler stared at the drawer on his table for a long while. Pagkatapos, huminga siya nang malalim at binuksan ang drawer na nasa ibabaw niyon. Kinuha niya ang isang susi saka iyon ibinukas sa drawer, na simula nang mamatay si Adreianne ay nananatiling nakasara. He never dared to open it, even just once.He sighed. Dahan-dahan ang ginawa niyang paghila roon hanggang sa tumambad sa kaniya ang isang picture frame, wooden box, at isang envelope.Kinuha niya ang picture frame at pinakatitigan iyon. Larawan nila iyong dalawa noong una silang nagkita sa Bali. At ang alaalang kalakip ng picture na iyon ay nagbalik sa kaniyang isipan. . .“Hi! Good morning,” anang babaeng tumabi sa kaniya sa waiter ng hotel na iyon.Nasa restaurant siya ng hotel at kasalukuyang kumakain ng agahan. Medyo late na nga kaya brunch na iyon.“Good morning, Ma’am. Anything you want to eat?” Ngumiti ang waiter dito.“Yes, please. Do you have a Nasi Goreng and Gado-gado?” tanong nito.Nasi goreng is an Indonesian fried
Napabuntonghininga si Skyler nang bumalik ang isip niya sa kasalukuyan. That’s how he and Adreianne’s relationship started to grow. Bawat araw na dumadaan may bago silang nadidiskubre sa isa’t isa. It was thrilling and fascinating how they discovered some differences and similarities all throughout. Iyon nga lang, it happened in a shortest period of time. Dahil binawi rin kaagad sa kaniya ang pagmamahal at kasiyahang unang beses niyang nadama sa buong buhay niya.He looked at the wooden box. Kinuha niya iyon at binuksan. Old-happy memories never fades. Laman niyon ang mga simpleng notes na hilig gawin ni Adreianne para sa kaniya. Bukod pa roon, may mga inipon din si Adreianne doon na mga petals ng bulaklak na ibinibigay niya rito araw-araw, pati na ang mga notes na kasama niyon. Naroon pa ang resibo sa hotel na tinuluyan nila sa Bali at ang brochure nito.Tiningnan niya ang unang drawer na binuksan kanina. Kinuha niya roon
“What are we going to do here?” takang tanong ni Mhia sa katabing si Skyler habang papasok ang sinasakyan nila sa isang lugar.Nakangiting tumingin ito sa kaniya. “I want you to meet her.”Hindi agad siya nakaimik. Prinoproseso pa niya sa isip ang narinig mula rito.Iginilid muna nito ang sasakyan, bago siya hinarap. “I’m sorry if I surprised. But I want you to know who she was. That’s why I brought you here.” Nag-aalala ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya.“A-are you sure it is fine to see her? Hindi kaya magalit siya?” nauutal niyang tanong. Kinakabahan siya, pero hindi niya alam kung bakit.Normal lang naman siguro iyon, sa loob-loob niya.Tumawa si Skyler. “Of course not! She won’t get mad. Mas magagalit siya kung hindi kita ipakikilala sa kaniya.”
Nakatitig sa kisame ng kaniyang bahay si Mhia. Hindi pa rin siya makapag-isip ng tama kaya hindi muna siya pumasok sa flower shop. She’s in real dilemma of telling the truth or not to Skyler. Kapag sinabi niya ang totoo, baka magalit ito. Kapag hindi naman niya sinabi, magagalit din ito. She sighed and looked outside the window. The sky was blue. Maayos ang panahon at mainit. Malakas din ang ihip ng hangin dahil sumasayaw ang mga dahon ng punong mangga sa labas ng kaniyang townhouse. Kung dati, kayang pagaanin ng mga nakikita niya sa labas ang kaniyang nadarama, ngayon hindi. Ang bigat sa kaniyang dibdib ay mas lalo pa yatang bumigat nang makita niya ang singsing na nasa daliri niya. Hinubad niya iyon at inilagay sa side table. Hindi niya maiwasang humikbi, hanggang sa tuluyan na iyong maging isang malakas na pag-iyak. Litong-lito na siya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. It was out of her hands.  
Agad na tinakpan ng babae ang bibig ni Mhia. Nanginginig ang buong katawan niya nang lumapat ang mainit nitong balat sa kaniya. Bigla ay para siyang napaso at nais na kumalawa rito, pero nanlalambot ang mga tuhod niya. Walang lakas ang mga iyon para gumalaw.Akala niya namamalik-mata lang siya pero totoo pala iyon. Totoo ang lahat. Akala niya minumulto na siya o kinakain ng kaniyang konsensya, pero hindi.The woman was really real! She’s alive for Christ’s sake!“Please, Mhia. . . stop screaming. I know I scared the hell out of you, but please. . . we need to talk. I badly need a friend right now,” anito sa nakikiusap na tinig.Umiling siya. Namimilog pa rin ang mga mata niyang nakatitig dito. Hinihingal din siya dahil sa samu’t saring nararamdaman.“Mommy. . . who is she? Is she your friend you are talking about?” tanong ng isang batang
Three years ago. . .“You need this break, Adie. Hindi ka rin naman na tumatanda. Kung pwede lang kitang samahan, sumama na ako sa iyo. But I have a lot of works here,” maarteng wika ni Tiffany habang kumakain sila sa isang restaurant.“Tiffany is right. We already booked your ticket and all you have to do is pack your things and go! Malay mo naman, sa Bali mo pala matatagpuan ang lalaking totoong magmamahal sa iyo. Forget about Rick. Noon pa naman talaga hindi na kayo bagay sa isa’t isa,” ani Mhia.Inirapan siya ni Adreianne. “Nagsalita ang may boyfriend!” palatak nito. “Tigilan mo nga ako, Mhia. Kailan ka pa natutulong magsalita nang ganiyan, eh, sa ating apat, ikaw ang NBSB.” Naghagikhikan ang tatlo niyang kaibigan.“Mga bru
“Mhia? Mhia?” Tapik sa pisngi ang gumising sa kaniya. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Wala na siya sa kusina kun’di nakahiga na siya sa sofa sa sala. “What happened?” she asked Adreianne. “You passed out. Ayos ka lang ba?” Pinagmasdan siya nitong mabuti. Tumango siya. “Y-yeah. I’m fine.” Bumangon siya. “No.” Napatingin siya rito sa nagtatanong na mga mata. “Kanina ko pa napupuna na namumutla ka. You need to consult a doctor.” Umiling siya. “There’s no need to do that. Masyado lang akong nabigla sa mga nangyayari. Knowing you’re alive after all these years, sino bang hindi mabibigla?” aniya na may halong sarkasmo ang tinig. She just couldn’t help herself but to blame Adreianne from everything that’s happening to her. “I-I. . . I’m so sorry. I didn’t mean to shock you. It’s just that. . . I badly need your help