SINIMAGUTAN ni Yesha si Shawn na panay ang asar sa kaniya. Kwinento kasi niya sa lalaki ang nangyari at pati ito tuwang tuwa sa nangyari. Inasar lang naman kasi siya ng mga kaklase niya na maging muse at hindi lang 'yon. Pati mga professor niya ay sinabihan na kaagad siya na kukunin siyang representative ng department nila kapag may mga beauty pageant.
Wala naman siyang problema sa pagrama at sa mga tanungan doon dahil danas na danas na niya iyan noon sa baranggay nila. Ayaw lang niya makakuha ng masyadong mraming atensiyon. Well, she's not attention seeker at all.
"Ang ganda naman po kasi..." pagpapatuloy ni Shawn ng asar sa kaniya. Hindi na lamang niya pinansin ang lalaki. Ito pa ang nagpumilit na magkwento siya tapos ngayon ito ang numero unong nang-aasar sa kan'ya. "Alam kong maganda ako Shawn Rios. Matagal na. Kaya mo nga ako nagustuhan e."
Ang kaninang malapad na ngiti ng lalaki ay biglang nawala. She wonder why. "Ano? Tahimik ka ngayon 'no?" pang-aasar ni
"MAAA!" masayang sinalubong niya ang kan'yang ina. Hindi niya pinansin si Shawn na abala sa pagpaparada ng sasakyan. "Yesha, anak! Napabisita ka, hindi mo man lang ako tinawagan." sinimangutan siya ng kan'yang ina at bakas sa boses nito ang pagtatampo."Surprise nga ma e, ikaw talaga huhu. Na-miss po kita." niyakap niya ang kan'yang ina at hinalikan ito sa pisngi. Natuon naman ang mata nito sa kasama niya kaya hinarap din niya si Shawn. "Hello po, tita." bati nito sa kan'yang ina. Pero dahil iba ang ibig sabihin niyon sa kan'ya, kaagad siyang nag-iwas ng tingin dahil nag-init ang kanyang pisngi."Pasok kayo, hijo. Hindi man lang kayo nagpasabi sa akin. Ipinagluto ko sana kayo." sabay silang pumasok ni Shawn sa loob. Ang ina naman niya ay abala sa pagluluto kahit na ilang ulit na niya itong pinigilan. Balak niyang ipagluto mamaya ang ina ng hapunan kaya naman wala na rin siyang choice kung hindi ang hayaan ito. Nami-miss na rin naman niya ang luto ng kaniyang mama.
MAAGA silang gumising dahil magsisimba sila ngayon. Si Shawn ay nagdesisyon na sa lapag na matulog. May sapin naman ito kaya hindi rin naman nahirapan ang lalaki. Nang magising siya ay wala na ito sa loob ng silid kaya naman mabilis siyang bumangon para maligo. Simpleng pambahay lang muna ang isinuot niya dahil mag-aalmusal pa naman sila."Good morning, people!" bati niya sa mga ito nang makbaba. Naabutan niyang nagluluto ang dalawa. Si Shawn ang katuwang ng kan'yang ina. Kahit nag-eenjoy pa siyang panoorin ang mga ito at inistorbo niya niya at mabilis na umupo.Kuumuha siya ng isang hotdog at pinapak lang iyon. Hindi niya alam kung bakit natutuwa siya sa isiping balang araw ay ipagluluto rin siya ni Shawn.Ang lalaking ito ang makakatuwang niya. Gigising sa umaga na katabi ito, maghahanda ng pagkain, maglilinis ng bahay, at kasama niyang bubuo ng pangarap niyang pamilya. Pero hindi pa naman niya pwedeng ibigay ngayon ang matamis niyang oo."Good morning,
DAYS had passed. At ang araw na hinihiling niyang huwag dumating ay dumating na. Abala sila ngayon ng kan'yang ina sa back stage. Si Shawn naman ay naroon na sa labas nakaupo. Sa may harap talaga puwesto ang lalaki para raw makita siya nito nang buo."Kinakabahan ako, ma." bulong niya sa kan'yang ina. Tinawanan lang siya nito saka pinisil ang kamay niya. Nag-hire pala si Shawn ng make-up artist kaya naman hindi siya namroblema. May taga ayos din naman siya.Walang nakakaalam kahit na sino sa mga kapitbahay nila noon na narito siya at sasali ulit. Napagpasyahan din naman nila ng kan'yang ina na dito na lang muna sa dating bahay nila magpalipas ng gabi."Huwag kang kabahan. Isipin mo na lang na sila-sila pa rin naman ang manonood sa iyo." alam niya kung ano ang tinutukoy ng kan'yang ina pero hindi naman iyion ang pinoproblema niya kung 'di si Shawn. Nanonood ito ngayon at sana lang hindi mawala sa isipan niya ang mga ginagawa niya. "Ma, katulad ng dating gawi, sa
HINDI pinahalata ni Yesha ang inis niya sa lalaki. Ayaw lang niya na mag-isip ng kung anu-ano sa kan'ya si Shawn. "Boyfriend," bulong nito habang tumatango-tango pa. Hinayaan lang niya ito sa kaabaliwan. Ayaw niyang patulan dahil baka mamaya ay mamatay ito sa kabaliwan. "Gaano na kayo katagal?" sarkastiko nitong tanong. Tumikhim naman si Shawn sa tabi niya. "Can you please mind your own business?" bakas sa boses nito ang iritasyon. Hindi naman niya masisisi si Shawn e, dahil maski siya ay napipikon din. Bakit ba kasi ito narito? Hindi naman ito imbitado, ah! Parang gusto na lang niay itong sipain palabas pero alam pa rin naman niya ang salitang respeto. "Ay, englishero. Alam mo bang piniperahan ka lang niyan?" Tatayo sana si Shawn ngunit kaagad naman niya itong napigilan. "Huwag mong patulan ang mga taong walang alam." paalala niya sa lalaki. Sinigurado niyang maririnig iyon ni Cardo. Sa dami ng manliligaw niya ito talaga ang pinakamakapal ang mukha s
DAYS, WEEKS, AND MONTHS had passed pero hindi nagbago ang pakikitungo ni Shawn sa kan'ya. Magmula nang sabihin niya rito na takot siyang masaktan ay mag nagdoble pa ang effort nito. Hindi rin ito pumapaltya sa paghahatid sundo sa kan'ya pero syempre minsan naman ay absent ito. Kailangan kasi ito bigla sa opisina. Hindi niya alam kung bakit hindi pa rin niya sinasagot si Shawn. Wala naman nang dahilan e. Siguro naman deserve na rin ni Shawn na matanggap ang oo niya. Hindi pa rin alam ng kan'yang ina ang relasyon na mayroon silang dalawa. Basta, wala pa sa plano niya ngayon na ipakilala ito bilang boyfriend na. She was in the mall looking for something that she would give to Shawn. Birthday kasi ngayon ng lalaki at gusto rin niyang iregalo rito ang matamis niyang oo. Hindi niya alam kung tama bang isabay ito sa kaarawan niya. Pero gusto niyang mas maging extra special ang araw na ito para sa lalaki. And for the sudden moment, may isang babaeng lumitaw sa ha
NAIINIS na sinamaan niya ng tingin si Shawn na parang tangang nakapangalumba at pinapanood nag ginagawa niyang pagluluto."Huwag ka ngang tumitig ng gan'yan. Hindi ako makapag-focus e," suway niya sa lalaki. RfPero hindi man lang nito binigyang pansin ang sinabi niya."Hoy, alisin mo naman ang paningin mo sa akin. Alam ko naman na maganda ang girlfriend mo."Shawn was just busy watching her. Hinayaan na nga lang niya ito saka mabilis na tinapos ang pagluluto. Sabay silang kumain at tahimik lang na nakikinig sa kan'ya si Shawn. Paminsan-minsan ay nagbibigay ito ng suhestiyon."Saan mo pala gusto pumunta mamaya?" tanong nito sa kan'ya. "Ikaw bahala, tutal ikaw namang ang nag-aya." pambabara niya sa lalaki. Napangiti siya nang makita na suot-suot nito ang singsing na iniregalo niya."Shawn, kamusta pala si lola?" pangangamusta niya sa lola ni Shawn. Ito ang unang taong nakasundo niya sa pamilya ni Shawn. Hindi naman kasi niya alam kung talagang tangga
OMATAPOS ANG EXAM a napagpasyahan ni Yesha na magtungo na lang muna sa library. Tinext siya ni Shawn na hindi masusundo pero magpapadala ito ng susundo sa kaniya. May emergency meeting daw kasi ito."Girlll!" Tawag sa kanya ng kung sino. Nang harapin niya iyon ay si Erika pala. "Hi? Bakit?" Tanong niya sa babae nang makalapit ito sa kanya. "Ano kasi, gusto mong sumama sa party ko mamaya? Birthday ko kasi e. Wala naman tayong major bukas kaya sana makasama ka." Napasimangot ito sa harapan niya at alam na niya kung ano ang dahilan."Oo na, sige ha. Pero itetext muna kasi. Hindi ko kasi alam kung papayagan ako pero susubukan ko." Malawak siya nitong nginitian saka mahigpit na niyakap. Alam niyang matagal na nitong gusto na makipagkaibigan sa kaniya pero dahil naiilang siya at hindi naman siya sanay na may kaibigan siya ay iniiwasan niya ito.Dahil hindi naman siya susunduin ni Shawn napagpasyahan niya na itext ang lalaki na huwag nang ituloy ang pagpapasundo kasi g
NAPUNO ng asaran ang buong paligid. Alam ni Yesha na hindi sila titigilan ng mga ito hanggang hindi nila snasabi ang totoo. Nang balikan naman niya ang kaniyang ina. Kita niyang nakangiti ito at nang-aasar ang mga tingin. Ang mga kaibigan naman ni Shawn ay kaniya kaniya ang pang-aalaska sa kanilang dalawa. Hindi alam ni Yesha kung sino ba ang dapat na maunang magsalita pero hindi naman na siya pinahirapan ni Shawn. Si Shawn ang bumasag sa pang-aasar ng mga ito. “Sorry kung hindi kaagad namin nasabi sa inyo,” bungad ni Shawn ngunit napuno na ng asaran ang buong paligid. Napayuko na lamang si Yesha sa labis na kahihiyan. Ang kaniyang ina naman ay ngiting-ngiti at tila ba nakakatuwang makita siyang naiipit sa gitna ng mga mapang-asar na lalaki. “Yowww!” muli na namang hiyawan ng mga ito. Nasapo na lamang ni Ace ang saril