NAPUNO ng asaran ang buong paligid. Alam ni Yesha na hindi sila titigilan ng mga ito hanggang hindi nila snasabi ang totoo. Nang balikan naman niya ang kaniyang ina. Kita niyang nakangiti ito at nang-aasar ang mga tingin. Ang mga kaibigan naman ni Shawn ay kaniya kaniya ang pang-aalaska sa kanilang dalawa. Hindi alam ni Yesha kung sino ba ang dapat na maunang magsalita pero hindi naman na siya pinahirapan ni Shawn. Si Shawn ang bumasag sa pang-aasar ng mga ito.
“Sorry kung hindi kaagad namin nasabi sa inyo,” bungad ni Shawn ngunit napuno na ng asaran ang buong paligid. Napayuko na lamang si Yesha sa labis na kahihiyan. Ang kaniyang ina naman ay ngiting-ngiti at tila ba nakakatuwang makita siyang naiipit sa gitna ng mga mapang-asar na lalaki.
“Yowww!” muli na namang hiyawan ng mga ito. Nasapo na lamang ni Ace ang saril
“Ano ka ba naman, Yesha anak? Syempre, tayong dalawa na nga lang pababayaan pa ba kita?” Mahigpit na niyakap ni Yesha ang kaniyang ina. Kahit kailan talaga, hinding-hindi niya ito bibiguin. Kakayod siya nang kakayod para lamang maiahon ang kaniyang ina sa kahirapan. Ayaw niyang matapos ang lahat sa wala. “Thank you mama, thank you sa lahat. Pangako ko sa iyo ma, mag-aaral ako nang mabuti.” Gagawin niya ang lahat para maibigay ang buhay na nababagay sa kaniyang ina. Kahit sobrang sakit ng pagkawala sa kanila ng haligi ng kanilang tahanan, alam naman ni Yesha na hindi ito ang gustong buhay ng papa niya sa kanilang dalawa. Sila ang prinsesa nito, ang ina niya ang reyna nito, hindi kailanman papayag ang isang hari na hindi maging maayos ang kalagayan ng kaniyang mag-ina. “Anak, alam mo nakikita kong magiging mabuting asawa sa iyo si Shawn.” Nag-init bigla ang mukha ni Ziah sa sinabi ng kaniyang ina. Si mam
NAPAINAT si Yesha nang tuluyan na ngang matapos ang exam nila. Kaya naman napagpasyahan ni Yesha na magtungo na lang muna sa library. Tinext siya ni Shawn na hindi masusundo pero magpapadala ito ng susundo sa kaniya. May emergency meeting daw kasi ito."Girlll!" Tawag sa kanya ng kung sino. Nang harapin niya iyon ay si Erika pala. "Hi? Bakit?" Tanong niya sa babae nang makalapit ito sa kanya. "Ano kasi, gusto mong sumama sa party ko mamaya? Birthday ko kasi e. Wala naman tayong major bukas kaya sana makasama ka." Napasimangot ito sa harapan niya at alam na niya kung ano ang dahilan."Oo na, sige ha. Pero itetext muna kasi. Hindi ko kasi alam kung papayagan ako pero susubukan ko." Malawak siya nitong nginitian saka mahigpit na niyakap. Alam niyang matagal na nitong gusto na makipagkaibigan sa kaniya pero dahil naiilang siya at hindi naman siya sanay na may kaibigan siya ay iniiwasan niya ito.Dahil hindi naman siya susunduin ni Shawn napagpasyahan niya na itext a
NGITING aso ang mga kaibigan ni Shawn habang naghihintay ano ang isasagot nilang dalawa. "Kayo na ba?" Nag-aasar na tanong ng ina niya. Nahihiya tuloy siya. Alam naman niya na walang kaso iyon sa ina."Hindi ba kayo sasagot?" Napakagat siya ng labi saka sinulyapan si Shawn na halatang nanghihingi ng permiso."Ma, kami na po ni Shaw----" hindi pa nga siya nakakatapos ay himiyaw na ang mama niya. Nahihiyang tinakpan niya ang bibig nito. "Ma! Huwag ka naman maingay huhu." Hindi siya pinansin ng ina. Tumawa ito at parang kululangin ng hangin sa katawan."Kayo na talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ng ina niya. Paulit-ulit siyang tumango. Ang akala niyang tahimik na dinner nila ay umingay dahil sa ina niya na tuwang tuwa sa kanila.Pagkauwi nila ay hindi pa rin mawala ang ngiti nito. Gusto pa siyang kausapin ng mama niya pero nagpaalam na siya na mauna na dahil maaga pa ang pasok nila bukas.Pagkauwi na pagkauwi nila ay kaagad na naglambing ang kasinta
YESHA stayed in the mall. Sinabi niya kay Shawn na may bibilhin lang siyang mga gamit sa eskuwelahan. Year had passed and today she decided to surprise Shawn for their first anniversary. Dapat lamang na paghandaan niya itong mabuti. Sa loob ng isang taon, naging mabuting boyfriend sa kaniya si Shawn kaya naman dapat lang na bumawi siya. Gusto niya itong maging masaya. At hindi lang 'yon, dahil kaarawan ng lalaki, dalawa ang binili niyang regalo. One for his birthday and one for their Anniversary. "Magkano ang relong 'to?" Tanong niya sa saleslady. Nakakita kasi siya ng couple watch. Kailangan nila iyon dahil pareho silang busy. Mahalaga ang oras nilang dalawa. Marami silang nakakalimutang bagay kaya naman kailangan nila pareho ang relo. Hindi man ito kasingmahal ng relo ni Shawn. Alam niyang maa-appreciate pa rin iyon ng lalaki. "$200, Ma'am." Nakangiting sagot ng babae sa kaniya. Kagat-labing kumuha siya ng pambayad. Kahit na pinag-upunan niya ang araw na it
HAWAK-KAMAY silang pumasok sa bahay ni Shawn. Puro sila kwentuhan, tawanan, at alam niyang ito ang isa sa mga bagay na nakakapagpatatag sa kanilang dalawa. Hindi kailanman hinayaan ni Shawn na masaktan siya. Shawn always showed that her feelings was valid. Kapag may problema siya, Shawn always there to comfort her. Papangitiin, papatawanin at higit sa lahat, hindi nito hahayaan na matulog siya nang maraming iniisip."Shawn," Tawag niya sa lalaki na ngayon ay kakaupo lang sa sofa. "Bakit?" Inabot nito ang kamay niya saka pinaglaruan."Masaya ka ba kahit na ako lang ang kasama mo ngayon sa birthday mo? I mean, look... last year, we didn't celebrate your birthday---" Nagulat si Yesha nang hilahin siya ni Shawn."Shh, yung birthday ko last year, 'yon ang pinaka the best na birthday ko. Sinagot kasi ako ng babaeng mahal ko." Nakagat ni Yesha ang labi upang pigilan ang pagsilay ng kaniyang ngiti. Kahit isang taon na, pakiramdam pa rin niya ay bago lang sila. Kinikilig
TAHIMIK na pinapakinggan ni Yesha ang mga katabi niya na abala sa pag-k-kwentuhan. "Paano nangyari? I mean, walang alam yung babae?" tanong ni Sandra na ikinatango naman ni Erika. Hindi niya maintindihan kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito."Pero, limang taon na ang relasyon nila 'di ba?" Bumuntong-hininga si Yesha saka dinukot ang cellphone niya at itinext si Shawn."Oo nga, pero hindi man lang sinabi kahit isang beses ng lalaki na nakabuntis siya. I mean, mahal niya si girl pero hindi niya alam kung paano sasabihin iyon sa babae." She was about to send her message when she heard it.She stopped and start listening to them. "Huh? Kawawa naman siya. Pero anong naging reaction ng babae? Okay na ba sila ngayon?" Erika shrugged. "Hindi ko alam, basta. Ang sabi lang niya, her boyfriend was acted stranged lately. Then boom! She found it out!" Umaakto pa ito habang nag-k-kwento. Hindi niya alam kung matatawa ba siya sa ginagawa ni Erika o kakabahan sa kinukwento ng
ALAM naman niya na hindi magagawa ni Shawn ang saktan siya dahil masyado siya nitong pinapahalagahan. Ganoon din ang relasyon nilang dalawa. Pero kung ano man ang tinatago sa kaniya ng lalaki, gagawin niya ang lahat para malaman iyon."Ang tahimik mo naman yata, wife?" biglang sulpot ni Shawn mula s akung saan. Tipid lamang niya itong tinanguan saka isinara ang psychology book niya."May iniisip lang ako." naupo si Shawn sa tapat niya saka hinawakang ang kamay ni Yesha. Ngayon pa lang ay gusto na niyang humingi ng tawad kay Shawn dahil kung anu-ano ang iniisip niya tungkol dito. "tungkol pa rin ba 'yan sa kanina?" tanong nito sa kaniya na ikinatahimik niya. Alam niyang pagod ang lalaki dahil galing ito sa trabaho."Hindi May mga bagay lang talaga minsang tumatakbo sa isipan ko. Alam mo naman itong girlfriend mo 'di ba?"Hindi pa rin mawala sa paningin nito ang pangamba.Malalim siyang bumuntong-hininga saka hinawakan si Shawn sa mukha. "Sorry kung,
NGITING-NGITI si Shawn habang pinapakinggan ang mga sinasabi ni Yesha. Gusto niyang alisin ang talukbong pero gusto pa niya marinig ang lahat ng sasabihin nito. Gusto niyang malaman kung gaano na siya kamahal ni Yesha para kapag dumating ang araw na handa na siyang aminin sa babae ang nakaraan niya ay hindi siya nito kakayaning bitawan. Alam naman niyang maiintindihan ni Yesha pero hindi pa siya handang malaman iyon ng babae ngayon.Naramdaman niya ang pagyakap sa kaniya ng babae kaya naman hinayaan na lamang niya ito. Kinabukasan, maagang gumising si Shawn para ipagluto si Yesha. Palagi n alang kasi ito ang gumagawa niyon para sa kaniya. Gusto niyang makabawi. Palagi na lang siyang abala sa trabaho at minsan wala na siyang oras kay Yesha para ipagluto ito. Hindi man ito nagrereklamo sa kaniya, alam niya na minsan hiniling din nito na ipagluto siya.He cooked scrambled eggs, rice, fried chicken, and tocino. Hindi naman kasi nawawala sa ref nila ang tocino. Kapag nag-g-