Share

CHAPTER 138

HABANG nakikinig si Yesha sa kaniyang ina. Hindi naman niya maiwasang hindi mapangiti. Sa dami ng sinabi at naikwento nito sa kaniya ay nakakuha na rin naman siya ng ideya kahit na papaano. Ngayon, pinapanood niya ito habang nagluluto. Talagang hindi na niya napigilan. Gustong-gusto kasi nito na ipinapagluto siya. Ayaw na rin naman niyang mag-inarte dahil pakiramdam niya ay gusto rin niya kumain ng kahit na anong luto ng kaniyang ina ngayon. 

"Mama, kaya palaging in love sa 'yo si papa, e. Ang sarap mo kasing magluto." Kaagad na namula ang pisngi ng kaniyang ina. Tulad noon ay wala pa rin itong pinagbago. Mabilis kiligin sa kaniyang ama. At iyon ang gusto niyang makita palagi. Hindi siya mapapagod na tingnan ang mga ngiti nito dahil alam niyang dito masaya ang mama niya. Ito ang nagpapasaya sa kaniya. 

"Anak, ikaw? Kumusta kayo ni Shawn? Nagkikita naman tayo pero hindi ko natatanong sa 'yo. Ayaw kong masaktan ka ulit tulad noon

Ms_SnowWhitee

will continue tomorrow. I'll edit this too.

| Like
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status