MABUTI na lamang at napigilan ni Yesha ang kaibigan niya nang magising na tawagan si Shawn. Kahit na inulan siya ng katanungan ng babae. Pinayagan na rin naman siya ng doctor na umuwi na at magpahinga. Pero bago iyon, hinila niya si Erika sa mall. May gusto siyang kainin na hindi niya magawang ipaliwanag.
"Bess, sigurado ka na ba talaga sa plano mo na wala kang balak sabihin 'yan sa boyfriend mo?" pangungulit na naman nito. Dumiretso lang siya sa paglalakad habang lumilinga-linga.
"Sigurado ako, Erika. Not now. Not with this situation. Alam mo naman kung gaano pa kami kagulo ngayon, 'di ba?" alam nito ang lahat at paniguradong naiintindihan ni Erika ang nangyayari. Kaya nga ito na lang din ang hinila niya papunta sa hospital. Ito lang ang taong kaya niyang pagkatiwalaan sa ngayon. Kahit na may sarili itong problema, palaging may oras sa kaniya ang kaibigan. Kaya nga nagawa rin niyang ipangako sa kaniyang sarili na kahit anong mangyari sa ora
NAPUNO ng tawanan sina Shawn, Yesha at Erika. Maya-maya pa ay namalayan na rin nilang nariyan na rin si Adrian at nagplano na lang silang apat ng double date. Alam ni Yesha na bihira lang nila itong magawa kaya naman hindi na siya kumontra pa. Ngayon lang nagka-time si Shawn at sigurado siyang pagkatapos ng araw na ito ay magiging abala na ulit silang lahat."Alam mo, sis. Minsan bilib din ako sa dalawang 'yan," bulong sa kaniya ni Erika. Pinagmasdan din naan niya ang likod ng dalawa na abala sa pagpili ng coat. Dapat daw kasi ay maayos ang hitsura nila dahil magkakaroon sila ng special dinner tonight."sobrang close at magkakasundo silang lahat. Walang kontrahan, walang inggitan at hindi sila nagsasakitan." dagdag pa nito. Napatango naman siya ngunit kaagad na pumait ang kaniyang hitsura nang biglang makaramdam na para bang naduduwal siya. "Tara sa r-restroom." Pigil ang sarili niyang pag-aya kay Erika."Ha? Bakit? Anong nararamdaman mo?" Umiling siya at itinur
NAKANGIWING pinagmamasdan ni Yesha ang kaibigan niyang abala sa pagpili ng damit. Wala kasi talaga itong balak na suoting kung ano ang binili ng dalawa. Maski rin naman siya, e. Pero iniisip niya kung ano ang magiging reaction nila Shawn."Here, sukatin mo ito. Paniguradong bagay sa 'yo." Pag-abot ni Erika ng dress sa kaniya na kulay green. Natatawang tinanggap niya iyon. "Alam mo, paniguradong masisira ang gabi ng dalawang iyon." Natatawang sabi niya sa kaniyang kaibigan. Tinawanan lang siya ng babae at ipinakita ang sa kaniya."Okay ba sa akin?" kulay blue naman ang sa kaniya. Ngumiti siya at nag-thumbs up pa. "Bilisan na natin. Baka magtaka sila kung bakit matagal tayo." Kaagad naman siyang inaya ng kaniyang kaibigan bayaran na ang kanilang biniling damit. Hinila siya nito sa girl's room at doon nagpalit."May pabango ka pa ba riyan?" tanong niya kay Erika dahil amoy na amoy na bago ang kanilang suot. "Meron, pero ayaw kong gumamit. Buntis ka." Walang nagawa
TULAD ng pinag-usapan nila Shawn kanina. Si Yesha ang pinapili nito. Napapansin niyang medyo may kakaibang kinikilos ang dalawa pero hindi naman niya magawang tukuyin kung ano iyon.Abala sa pag-uusap ang dalawa samantalang lumilipad naman ang kaniyang isipan. Sa opisina, nahihirapan siyang makasama si Kristle. Alam niyang binabantayan nito ang kaniyang kilos. Kung hindi naman dahil kay Yesha, wala naman siyang balak na tanggapin ito, e. Wala siyang balak na papasukin ito sa kaniyang opisina. At isa pa, ayaw niyang makagulo ito sa kanilang dalawa. Mabuti na lamang at nabunutan siya ng tinik kahit papaano sa kaniyang dibdib kahit na masakit para sa kaniya na malamang ang ama niya ang may gawa ng lahat ng ito.Kahit gusto niyang kumilos, kahit gusto niyang pagbayarin ito, hindi pa rin niya kaya. Hanggang walang ginagawang kahit na anong makakapanakit sa kanila ang kaniyang ama. Mananahimik na lang muna siya. Hindi siya kikilos o mangunguna. Ku
HINDI naman na umalma ang mga lalaki sa naging sagot ng kaniyang kaibigan kaya ngayon, pauwi na sila ni Shawn. Pansin niya ang pananahimik nito dahilan upang hawakan niya sa kamay ang lalaki."May problema ba?" tanong niya gamit ang kaniyang mahinang boses. Ginulo lamang ng lalaki ang kaniyang buhok at tinapatan ang kaniyang mukha. "Are you okay?" balik nito ng tanong sa kaniya. Kaagad na pumasok sa kaniya ang laman ng kaniyang tiyan at hindi niya maiwasang makonsensiya."Yeah," pigil ang sariili na mautal. Dumiretso naman siya ng tingin sa labas. "Kanina napansin kong wala kang ganang kumain." Pagpupuna nito na kaniyang ikinatawa."Alam mo, Shawn. Kumain kasi tayo kanina, kaya medyo nawalan na ako ng gana." Muli niya itong hinarap saka hinalikan sa pisngi. "Huwag kang mag-alala, ayos lang ako. Uwi na tayo? Doon na lang tayo mag-usap?" tahimik lamang itong tumango sa kaniya. Pansin naman niyang hindi na ito maayos.
HANGGANG sa maihatid siya ni Shawn sa bahay ng kaniyang ina. Hindi pa rin mawala sa kaniyang isipan ang sinabi nito. Ayaw niyang pumayag na pumunta sa ibang bansa at umalis dahil alam niyang hindi namans iya mag-e-enjoy roon. Pero may sinabi itong nakapgpagulo sa kaniyang isipan. Alam niyang malai rin ang kaniyang maitutulong pero nag-aaral pa siya. May trabaho rin siyang hindi puwedeng maiwanan kaya naman alam niyang kung aalis siya kahit malaki ang maitutulong niyon, hindi pa rin naman niya magagawang iwanan ang lahat ng ginagawa niya rito. Isa sa mga pangarap niya ang makapagtapos at alam ni Yesha na kung lalayo siya, malabo na namang mangyayari iyon.Gaano ba katagal ang kaniyang hihintayin? Gaano katagal ulit bago siya makakatungtong sa paaralan? Lalo na ngayong may laman ang kaniyang tiyan. Masaya siya dahil magkakroon na sila ng anak. Pero hindi pa rin niya maiwasang hindi mag-isip ng kung anu-ano."Anak? Kanina ka pa tulala riyan? Ma
HABANG nakikinig si Yesha sa kaniyang ina. Hindi naman niya maiwasang hindi mapangiti. Sa dami ng sinabi at naikwento nito sa kaniya ay nakakuha na rin naman siya ng ideya kahit na papaano. Ngayon, pinapanood niya ito habang nagluluto. Talagang hindi na niya napigilan. Gustong-gusto kasi nito na ipinapagluto siya. Ayaw na rin naman niyang mag-inarte dahil pakiramdam niya ay gusto rin niya kumain ng kahit na anong luto ng kaniyang ina ngayon. "Mama, kaya palaging in love sa 'yo si papa, e. Ang sarap mo kasing magluto." Kaagad na namula ang pisngi ng kaniyang ina. Tulad noon ay wala pa rin itong pinagbago. Mabilis kiligin sa kaniyang ama. At iyon ang gusto niyang makita palagi. Hindi siya mapapagod na tingnan ang mga ngiti nito dahil alam niyang dito masaya ang mama niya. Ito ang nagpapasaya sa kaniya. "Anak, ikaw? Kumusta kayo ni Shawn? Nagkikita naman tayo pero hindi ko natatanong sa 'yo. Ayaw kong masaktan ka ulit tulad noon
NAUPO si Shawn sa sofa kung saan katabi niya ang ina ni Yesha. Kahit masakit ang kaniyang batok, talagang dumiretso siya rito. Gusto niyang makita si Yesha. Masyado nang magulo ang kaniyang araw kanina. Kailangan niya ng inspiration na makikita.Kailangan niyang makita ang kaniyang nobya.Napatayo siya nang biglang bumaba si Yesha. Para pa rin itong isang reyna sa kaniyang mata. Hindi niya maalis ang kaniyang tingin. Aware siyang maraming tumitingin kay Yesha at hindi niya maiwasang hindi mainis kapag nakikita iyon. Yesha is for him only. "Hi, love..." mukhang antok pa nitong bati nang makalapit sa kaniya. Ilang oras lang silang naghiwalay, pero pakiramdam niya ay miss na miss na niya ang babae. Hindi niya maiwasang hindi ito yakapin."Hi, love. Nakatulog ka ba?" kumusot naman ng mata si Yesha saka tumango. Narinig naman nila ang pagtikhim ng ina nito dahilan upang mamula ang mukha ng babae katulad ng dati.
NAPANGITI si Yesha nang makita ang dati nilang bahay. Hindi nagawang makasama ni Shawn dahil abala ito. Haharapin din kasi nito ang ama ngayon kaya hindi rin niya magawang ikampante ang kaniyang isipan. Alam niyang wala namang gagawing masama ang ang ama nito sa anak, pero hindi lang niya maiwasang alisin ang takot. Ang pangamba.Pero sa ngayon, kailangan muna niyang kalimutan ang mga bagay na makakasira ng kaniyang araw dahil kasama niya ang kaniyang ina. Ayaw niyang isipin nito na hindi siya masaya."Anak? Nasaan ang mga cup cake?" pagtatanong ng kaniyang ina. Malalim siyang napabuntong hininga saka ipinakita rito ang dala. Gamit din nila ang kotseng regalo ni Shawn sa kaniyang ina."Nandito mama. Sobra ito kaya ayos lang. Walang dapat problemahin," sagot niya. Tumango at ngumiti naman ito. Bitbit nito ang mga inumin. Hindi mapigilan ni Yesha ang matuwa. Noon, pangarap lang nila itong dalawa. Noon, palagi niyang iniisi
HABANG abala ang dalawa sa pag-a-almusal. Nakatanggap si Ziah ng tawag mula sa kaniyang agency. Hindi pa man sa kaniya sabihin ay alam na kaagad niya na may kinalaman ito kay Ace. Kasi pa hindi aminin sa kaniya. Alam niyang ang lalaki lang ang puwedeng sabihin ng mga ito. Wala naman kasi silang mga personal na usapan at mas lalong hindi rin naman siya nakikisama sa mga ito kahit noon pa. Si Ken, never din silang lumabas ng lalaki nang sila lang dahil alam niya kung ano ang nararamdaman nito at ayaw niyang kahit anong signal o motibo. "Are you going out today?" biglang pagtatanong ni Ace na ikinatahimik ni Ziah. Hindi siya nagpapaalam sa lalaki kapag sa agency ang punta niya. Alam niyang delikado iyon para sa kanilang dalawa at hindi niya gustong mapahamak si Ace dahil lang sa kaniyang mga ginagawa niya. Alam niyang naiintindihan nito kung ano man ang mundong kaniyang ginagalawan. "Mahal?" Kusa siyang napaangat ng tingin sa sinabi nito. Napangiti siyang bigla. "Hindi ko lang alam, p
HINDI maialis ni Ziah ang kaniyang masamang titig sa lalaki. Hindi siya papayag na ganituhin lang at hindi siya puwedeng manahimik na lamang dahil alam niya sa kaniyang sarili na may maling nagaganap at kung ano man 'yon, pilit niyang aalamin. "Wala kang ibang gagawin," may halong pagbabanta nito sa kaniya. Napangisi na lamang si Ziah sa sinabi ni Ken. Humakbang siya papalapit sa lalaki. "Bakit? May kinakatakot ka bang malaman ko?" Wala siyang mabasa na kahit anong reaction sa mukha ng lalaki. Kung puwede lang niyang basahin ang isip nito ay matagal na rin niyang ginawa. "Lumalagpas ka na sa linya mo, Ziah." Tumayo siya nang tuwid dahil ngayon may kung anong namumuong paghihinala na sa kaniyang isipan. Parang bigla siyang nawalan ng tiwala sa organization nila. "Hindi lumalagpas, boss." May halong sarkasmo niyang ani rito. "Ginagawa ko lang ang alam kong tama. Ginagawa ko lang ang alam kong makakatulong at mas makakapagpabuti sa lahat." Hindi niya magawang deretsuhin ang kaniyang

TALAGANG walang planong magpatalo si Ziah kay Steffanie. Kung inaakala nito na gano'n gano'n lamang siya maaapi. Well, she's wrong. Wala sa ugali niy ang magpatalo sa mga bagay, kay Ace pa kaya? Kay Ace na nobyo niya at mahal niya? Hindi niya alam kung paano siya magtitimpi kapag ganito ang ugali ng mga tao na nasa harapan niya dahil alam niya sa kaniyang sarili na hindi rin magpapatalo ang mga taong ito. "Kung wala ka nang ibang sasabihin, mabuti pa umalis ka na. Dahil hindi mo naman afford ang mga bags dito. Next time, bago ka maugod, make sure na alam mo muna kung saan ka lulugar. Hindi 'yong sugod ka nang sugod, pero hindi mo naman kinikilala kung sino ang binabangga mo." banat pa niya. She doesn't even care kung nawawala na 'yong manner niya sa pakikipagsagutan sa babaeng ito. Wala rin siyang pake kung nawawala na rin ang kaniyang pagpipigil sa sarili. Dahil kahit hindi gustuhin ni Ziah, kusang nagsasalita ang kaniyang bibig upang sagutin nang pabalang si Steffanie. KUng hindi
HINDI maialis ni Ziah ang kaniyang masamang titig sa lalaki. Hindi siya papayag na ganituhin lang at hindi siya puwedeng manahimik na lamang dahil alam niya sa kaniyang sarili na may maling nagaganap at kung ano man 'yon, pilit niyang aalamin. "Wala kang ibang gagawin," may halong pagbabanta nito sa kaniya. Napangisi na lamang si Ziah sa sinabi ni Ken. Humakbang siya papalapit sa lalaki. "Bakit? May kinakatakot ka bang malaman ko?" Wala siyang mabasa na kahit anong reaction sa mukha ng lalaki. Kung puwede lang niyang basahin ang isip nito ay matagal na rin niyang ginawa. "Lumalagpas ka na sa linya mo, Ziah." Tumayo siya nang tuwid dahil ngayon may kung anong namumuong paghihinala na sa kaniyang isipan. Parang bigla siyang nawalan ng tiwala sa organization nila. "Hindi lumalagpas, boss." May halong sarkasmo niyang ani rito. "Ginagawa ko lang ang alam kong tama. Ginagawa ko lang ang alam kong makakatulong at mas makakapagpabuti sa lahat." Hindi niya magawang deretsuhin ang kaniyang
HABANG abala ang dalawa sa pag-a-almusal. Nakatanggap si Ziah ng tawag mula sa kaniyang agency. Hindi pa man sa kaniya sabihin ay alam na kaagad niya na may kinalaman ito kay Ace. Kasi pa hindi aminin sa kaniya. Alam niyang ang lalaki lang ang puwedeng sabihin ng mga ito. Wala naman kasi silang mga personal na usapan at mas lalong hindi rin naman siya nakikisama sa mga ito kahit noon pa. Si Ken, never din silang lumabas ng lalaki nang sila lang dahil alam niya kung ano ang nararamdaman nito at ayaw niyang kahit anong signal o motibo. "Are you going out today?" biglang pagtatanong ni Ace na ikinatahimik ni Ziah. Hindi siya nagpapaalam sa lalaki kapag sa agency ang punta niya. Alam niyang delikado iyon para sa kanilang dalawa at hindi niya gustong mapahamak si Ace dahil lang sa kaniyang mga ginagawa niya. Alam niyang naiintindihan nito kung ano man ang mundong kaniyang ginagalawan. "Mahal?" Kusa siyang napaangat ng tingin sa sinabi nito. Napangiti siyang bigla. "Hindi ko lang alam, p
NAWALAN ng imik si Ziah dahil sa tanong ni Ynahn. Talagang hindi siya nito titigilan hanggang hindi nakakakuha ang babae ng tamang sagot at alam din niyang ang katotohanan lamang ang tatanggapin nito ngayon. Malalim siyang huminga dahil mukhang wala na siyang choice kung 'di ang sabihin sa kaibigan kung ano ang totoo. "Ynah..." Kagat ang sariling labi niyang usal sa pangalan nito. Bakas sa mukha ng kaibigan na naghihintay ito sa kung ano man ang balak niyang sunod na sabihin. "Kasi ano... si Ace at ako ano..." paputol-putol niyang simula. Mas lalo lamang lumalim ang gatla sa noo ng kaniyang kaibigan."Ano?" naiinip nitong tanong. "kami na." Buong tapang at titig na titig niyang dugtong upang makita ang reaksiyon ng kaibigan. Wala siyang nabasa kahit na anong gulat mula sa pagmumukhang nito na para bang ini-expect na nito kung ano ang kaniyang sasabihin. "Ynah?" pagpukaw niya rito. Tinaasan naman siya nito ng kilay saka umayos ng upo. "Well..." nagpunas ito ng labi. "I already expe
HAWAK kamay silang lumabas ng opisina, hindi maialis ni Ziah ang ngiti sa kaniyang labi. Wala namang bago, palagi naman silang ganito ni Ace at hindi na rin nagugulat ang mga tauhan nito. Kahit saan sila magpunta. Pababa na sila ng building ng biglang maranamdaman ni Ziah na may kung sinong nakamasid sa kaniya. Hindi niya alam kung sino ngunit ramdam na ramdam niya ang talim ng mga tingin nito. Kaagad na binalot ng kaba ang kaniyang puso dahilan upang bumitaw siya sa amay ni Ace na siyang ikinataka ng lalaki. "Why?" naguguluhan nitong tanong. Ngumii lamang siya rito at hindi ipinahalata ang pag-iwas. Alam niyang hindi iyon magugustuhan ni Ace. Gustong-gusto pa naman palagi ng lalaki na magkahawak sila ng kamay. "Wala lang, ramdam ko kasi ang pamamasma ng kamay ko." pagpapalusot niya. Hindi niya alam kung tama ba ang kaniyang ipinalusot ngunit alam niyang posibleng magtampo sa kaniya si Ace. Gustong-gusto na lamang batukan ni Ziah ang kaniyang sarili. When she tried to look around,