"MAMU, hindi ko po kaya ang magsuot ng ganito," nininerbiyos na wika ni Kiah sa may edad na babaeng floor manager.
Pilit niyang hinihila pababa ang laylayan ng suot niyang hapit na kulay pulang bistida na kalahati ng kanyang hita ang haba. Hindi rin siya mapakali sa dibdib niyang halos litaw na ang kalahati dahil sa mababang uka sa dibdib ng naturang damit.
Napayuko naman si Kiah dahil sa matinding takot dahil sa posibleng sasapitin kung hindi niya susundin ang gusto ng kaharap. Nakaramdam din siya ng pagkapahiya sa mga kasamahan niyang naroon sa dressing room at kasalukuyang nagbibihis din.
"Gusto mo ng trabaho, 'di ba?" Atubiling tumango si Kiah sa kaharap. "Pwes, magtiis ka! Sundin mo ang lahat ng ipinagagawa ko sa'yo! 'Wag kang tonta! Kung ayaw mong ibartolina ulit!" sigaw nito na mukhang naubusan na ng pasensya sa kaniya.
Napapahiyang napatango na lamang si Kiah. "O-Opo, M-Mamu," nauutal niyang turan habang pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang pumatak sa kaniyang mga mata. Nay, ayaw ko na po rito. Gusto ko na pong umuwi. . .
"Sige na! Mag-ayos ka na't mayamaya ay ipapakilala na namin kayong mga baguhan sa mga parokyano!" sigaw pa nitong muli. Nininerbiyos namang muling tumango si Kiah sa floor manager at mabilis na tumalima. "Angelica, ikaw na'ng bahala sa mga 'yan. Aasikasuhin ko lang ang mga VIPs natin," bilin pa nito sa isang niyang kasamahan na si Angelica. Ito ang pinagkakatiwalaang tauhan ng kanilang floor manager.
"Yes, Mamu!" kaagad namang sagot ni Angelica.
Lumabas na si Mamu pagkatapos niyon, samantalang nilapitan naman ni Angelica si Kiah at inalo-alo. "Masanay ka rin, Kiah. Gan'yan talaga si Mamu pero mabait naman 'yan. Basta't 'wag lang matigas ang ulo mo, okay? Mag-ayos ka na, bago pa kayo tawagin sa stage," saad pa nitong sinamahan pa ng ngiti.
Hindi naman nabawasan ang kaba at takot ni Kiah sa sinabing iyon ni Angelica, pero wala siyang nagawa kung hindi tumango na lamang sa kaharap. "Salamat, Angelica," saad niyang pilit pang ngumiti.
Matapos niyon ay iniwan na rin siya ni Angelica, kaya naman ibinaling na niya ang tingin sa malaking salamin na nasa harapan niya. Naroon din sa kanyang harapan ang mga gamit sa pagme-makeup at kung anu-ano pang gamit pampaganda, na kahit papaano ay pinag-aralan niyang gamitin.
Bumuntong-hininga na lamang si Kiah bago naupo sa puting monoblock at pinagmasdan ang sariling imahe sa harapan ng salamin. Lihim pa siyang napailing bago dinampot ang brush, pati na rin ang compact powder. Nagsimula siyang iduldol ang brush sa pulbos at saka pinahid iyon sa namumutla niyang pisngi. Subalit habang nakatunghay si Kiah sa repleksyon sa malaking salamin, tila ba nakikita rin niya ang mga kaganapan kung paano siya napunta sa trabahong iyon. . .bilang isang bayarang babae.
• • •
"GOOD evening, Gentlemen! The beautiful faces of The Hidden Paradise!"
Isa-isang sinipat ni Akihiro ang bawat kababaihang lumalabas sa entablado suot ang mga sexy dresses. Ang The Hidden Paradise kung saan siya naro'n ang misyon niya sa gabing iyon. Ayon sa surveillance team, sa gabing iyon ay may magaganap na bidding ng mga kababaihan. Kaya naman agad siyang nagtungo roon at nag-disguise bilang isang Japanese businessman, na sinusuportahan pa ng mga fake documents.
Mayamaya pa'y nagsimula nang ipakilala isa-isa ang bawat babaeng nasa entablado. Ayon sa babaeng nagmistulang emcee, ang bawat kababaihan ay may katapat na presyo. At ayon pa rito, ang bawat customer na gustong mai-table sa mga ito ay kailangan munang mag-deposito. Kung gusto namang ilabas ang mga ito, ay kinakailangan munang magbayad ng buo depende sa magiging usapan ng babae at ng customer.
Subalit ang labis na ipinagtataka ni Akihiro, walang bidding na nangyari sa mga babaeng iyon. Kung ganoon, posible kayang nagkamali lang ang intel? Pero alam niyang imposible itong mangyari. Kahit kailan ay hindi pa sumablay ang kanilang intel sa pagbibigay ng impormasyon.
I'd like to kill those bastard! nanggagalaiting turan ni Akihiro sa isipan habang nakatingin sa mga kalalakihang naroon sa stage at pumipili sa mga babae. Kahit gustong-gusto na niyang sugurin ang mga ito ay pinigil niya ang sarili. Hindi iyon ang tamang oras para hulihin ang mga ito. Naroon lang siya sa The Hidden Paradise ng gabing 'yon upang magmanman.
Mula sa kinaroroonan, kitang-kita ni Akihiro sa mukha ng mga kababaihang naroon ang pagtutol sa nangyayari. Nakaramdam siya ng awa para sa mga ito, at tila nga may nagtutulak pa sa kanyang iligtas ang mga ito sa kamay ng mga kalalakihang naroon. Subalit alam niyang hindi pa iyon maaari sa ngayon, dahil mabubulilyaso ang kanyang misyon pag nagkataon.
Ang plano kasi niya'y magmasid lang at alamin ang nangyayaring illegal activities sa club, partikular sa nangyayaring prostitusyon. Kailangan niyang makukuha ng sapat at matibay na ebidensya na magdidiin sa naturang club. At iyon ang ginagawa niya sa mga sandaling iyon.
Mayamaya pa'y napakunot-noo si Akihiro nang magpalakpakan ang mga costumers nang lumabas ang isang babae. Mataman niyang pinagmasdan ang bagong dating. Hindi makakailang bakas sa mukha nito ang takot habang panay ang hila sa suot nitong maikling pulang fitted dress. Maganda ang babae, matangkad, may katamtamang katawan at morena. Sa tingin rin niya ay nasa early twenties lamang ang edad nito.
"Gentlemen! The beautiful woman in front of you is the Star of the night!" anunsyo ng babaeng emcee nang maghiyawan ang ibang kalalakihang customers na naroon.
Samantalang si Akihiro naman ay hindi mapigilang makaramdam ng matinding galit habang pinagmamasdan ang kawawang babae. Kitang-kita kasi sa mukha nito ang matinding takot ng mga sandaling iyon. Namumutla ito at para bang hihimatayin anumang oras.
Shit! Siya ba
ang ibi-bid? Fuck! She needs my help! usal ni Akihiro sa sarili habang nakakuyom nang mahigpit ang mga kamao. Hindi niya maintindihan ngunit tila mas matindi ang pagnanais niyang iligtas ang babaeng iyon kaysa sa mga nauna."Okay, as usual, the Star of the Night is open for bidding. And once you get her, you can do whatever you want, gentlemen!" Muling namang naghiyawan ang mga customer na animo'y nakakita ng mapaglalaruan sa katauhan ng kawawang babae. Lalo tuloy umigting ang galit na nararamdaman sa dibdib ni Akihiro dahil sa hayop na mga lalaking iyon. Parang kating-kati na nga siyang pagdadamputin ang mga ito at ikulong. Pero alam niyang imposible iyon. Wala iyon sa kanyang plano. Ni wala rin siyang abiso sa nakatataas.
"Okay, gentlemen! The bid for this beautiful woman in front of you is now officially open!" muling anunsyo ng emcee.
"Five thousand!"
"Ten thousand!"
"Twenty thousand!"
"Thirty thousand!"
"Fifty thousand!"
"Woah! These gentlemen seems very eager to have you, Star of the Night!" anang emcee saka ngumisi pa sa babaeng ibini-bid. "Okay, fifty thousand are the highest bid! Going once? Going twice?"
Pakiramdam ni Akihiro ay para siyang sinisilihan ng mga sandaling iyon. May nagtutulak sa kaniyang sagipin ito, kaya naman nakabuo siya kaagad ng pasya. Hindi niya alam kung tama ba ang gagawin niya pero iyon lang ang paraang naiisip niya para iligtas ang kawawang babae sa kamay ng mga kalalakihang naroon.
Noon din ay kaagad siyang tumayo sa kinauupuan at mabilis na nagpunta sa harap ng stage. Dahilan upang pagtinginan siya ng mga costumers na naroon. Subalit hindi na iyon pinansin pa ni Akihiro at nagtuloy-tuloy lang siya sa pag-akyat ng stage, saka lumapit sa Star of the Night. Hinawakan niya ito braso at hinila palapit sa babaeng nagsasalita sa mikropono.
"I'll take her," tiim-bagang niyang aniya sa emcee na halatang nagulat sa kanyang inasal. "My bid is one hundred thousand," dagdag pa niya na rito sa pormal ngunit maotoridad na tono. Mabilis namang itong tumango bilang sagot.
"O-Okay, gentlemen! The Star Of The Night was sold to Mr.?" anunsyo ng babaeng emcee sabay tingin sa kaniya.
"Yamamoto," seryoso pa ring saad ni Akihiro gamit ang peke niyang identity.
"O-Okay, gentlemen! The Star Of The Night was sold to Mr. Yamamoto!"
Kaagad namang hinila ni Akihiro pababa ng stage ang babae na noon ay takot na takot pa rin. Dinala niya ito sa mesa kung saan siya nakapwesto kanina. "Stay here," maotoridad pang bilin niya babae na noon ay nakayuko lang at hindi makatingin sa kan'ya. Yakap lang nito ang sarili habang nakayupyop sa silyang kinauupuan.
Napabuntong-hininga na lang siya saka hinubad ang coat at isinuot sa babae. "Wear this," kalmado nang wika niya rito. Alam niyang iniisip nitong paris siya ng mga babaeng naroon.
Nang sa wakas ay ng-angat ng paningin ang babae dahilan para magtama ang kanilang mga paningin. Hindi niya mabasa kung takot o pasasalamat ang nababasa niya sa mga inosenteng mata nito. Pero aaminin niyang parang nagdulot 'yon ng wirdong pakiramdam sa kaniya.
"S-Salamat po, Sir. . ." anitong nanginginig pa ang boses nang magsalita.
Hindi matukoy ni Aki ang kakaibang pakiramdam nang marinig ang boses nito, subalit hindi na niya ito pinag-aksayahang alamin pa. Tumango na lang siya sa dalaga at tinungo ang opisina ng club para magbayad. Nang mabayaran ng cheque at sumang-ayon sa ilang mga kasunduan ng club ay binalikan niya ang babae na noon ay mukhanh basang sisiw. "Hey, let's go! Sumama ka sa'kin," pakli niya sa babae.
Sa sinabi ay nahintakutan itong tumingin sa kan'ya at saka sunod-sunod na umiling. "S-Sir? Saan niyo po ako dadalhin? M-Maawa po kayo sa akin. . ." pagmamakaawa pa nito sa kanya.
Humugot muna nang malalim na buntong-hininga si Akihiro nang makita ang takot at panginginig ng babae habang nakatingin sa kan'ya. Marahil ay iniisip nitong may balak siyang masama rito. "Ano'ng pangalan mo, Miss?"
"H-Hezekiah po. . ."
"Com'on, it's your choice. But make it sure na 'pag pinili mong magpaiwan dito, babayaran mo rin ang isandaang libo na ibinayad ko para sa'yo. Dahil ang sabi ng boss mong Intsik, 'di raw 'yon refundable, okay?" paliwanag pa n'ya upang kumbinsihin nito.
Sinikap pa ni Akihiro na maging pormal sa harap ng dalaga para huwag itong makaramdam ng takot sa kan'ya. Isa pa, gusto rin niyang makuha ang tiwala nito at maging palagay ang loob para maisama niya ito.
Tahimik lang ito hanggang sa makarating sila sa parking area ng club. Sandali muna niyang binitiwan ang babae para umikot sa passenger's side para pagbuksan ito ng pinto, pero gano'n na lang ang gulat niya nang mabilis itong tumakbo palayo.
"Hey! Come back, here! Hey!" sigaw niya subalit huli na. Mabilis na itong nawala sa kanyang paningin. "Fuck! Goddammit!" malakas niyang mura saka mabilis na sumakay sa kotse at dali-daling minani-obra paalis sa parking lot.
Nakaramdam siya ng pag-aalala para sa dalaga dahil alas-dos na ng madaling-araw noon. Maraming nagkalat na masasamang tao sa kalye. Delikado para rito ang mag-isa lalo pa't ganoon ang suot nito. Madaling itong makakatawag ng pansin.
Pinaharurot niya ang sasakyan at tinahak ang daan kung saan nagtungo ang babae. Habang nagmamaneho ay sinusuyod niya ang bawat sulok ng kalsada subalit nakapagtatakang hindi niya makita ito. Shit! Where are you, bitch? Kapag nakita kita, makakatikim ka sa akin!
Hanggang sa mapadaan siya sa isang grupo ng mga kabataan na tila may pinagkakaguluhan. Inatake agad siya ng kaba nang maisip na baka ang babaeng hinahanap niya iyon. Mabilis na ihininto ni Akihiro ang kotse at saka kaagad na bumaba roon.
Nagtagis ang kanyang mga ngipin at nakaramdam ng matinding galit nang makitang ito nga ang babaeng hinahanap niya. Umiiyak ito habang pinagpapasa-pasahan ng mga kabataan. Punit-punit na rin ang kapirasong damit nito, dahilan para halos hubad na ito ng mga sandaling iyon.
"Hoy! Pulis ako! Itigil n'yo 'yan!" malakas niyang sigaw sa mga ito na sa tantiya niya ay may sampung kabataan na pawang mga lalaki. Patakbo siyang lumapit sa mga ito dahilan para magpulasan at magtakbuhan ang mga ito palayo.
Mabilis naman niyang sinaklolohan si Kiah na noon ay humahagulhol ng iyak. "Are you okay? Bakit ka ba kasi tumakbo? Wala naman akong balak na masama sa'yo! Mukha ba akong rapist, ha?!" galit niyang sermon sa umiiyak na babae.
Pinangko ito ni Akihiro gamit ang dalawang bisig saka mabilis na isinakay sa kotse. Matapos ay pinaharurot na niya ang sasakyan palayo sa lugar na iyon. Samantalang walang tigil naman ang pag-iyak ni Kiah habang nasa byahe. Mistulan na nga itong bata kaiiyak at nagpupunas ng naghalong sipon at luha. Wala naman siyang magawa kung hindi sulyapan lang ito habang nagmamaneho.
Isa pa, dumagdag rin sa problema niya nang mga sandaling iyon ang pagiging active ng kanyang si Polaris. Paano ba naman kasi, nakalantad sa kanyang harapan ang halos hubad ng katawan ng babae. Pati na rin ang hita at tayong-tayo na dibdib nito dahil halos punit na ang hapit na bistidang suot ng babae.
Oh, please! 'Wag ngayon, Polaris! 'Di kita mapagbibigyan. Off limits ang isang 'yan! lihim niyang saway sa nagwawalang alaga.
"STOP crying, okay? Naririndi na ako sa kaiiyak mo. Here, drink this."Pinunasan ni Kiah ang mga luha sa mata at saka pigilan ang sarili na muling maiyak pa. Pagkatapos ay inabot niya ang baso na may lamang tubig. "S-Salamat po, Sir," aniyang hindi mapigilan ang panginginig ng boses. Mabilis niyang ininom ang tubig hanggang sa masaid iyon, saka niya muling inilapag sa babasaging mesa."Calm down, okay? Safe ka na. Wala na 'yong mga lalaki. For mean time, dinala muna kita sa condo ko. 'Di ko kasi alam kung saan ka dadalhin. Is it okay to you?" tanong pa ng estrangherong lalaki saka naupo sa tapat niya.Napayuko si Kiah nang mapansing nakakunot-noo ang lalaki habang nakatingin sa kaniya. Marahil ay iniisip nitong nag-iinarte pa siya gayong nagmamagandang-loob lamang ito. Subalit ayaw din niyang lubusang magtiwala agad. Lalo pa't ganoon ang dinan
"Prepare your team, Agent Tetsuya. We're about to enter the club!"NANG marinig iyon ni Akihiro ay palihim niyang sinulyapan ang iba pang kasamahan at patagong tumango sa mga ito, na ang ibig sabihin ay maghanda. Nasa loob sila ng club mga kasamahan ng gabing iyon at nagpapanggap bilang customers.Pasimple niyang kinapa ang Calibre 45 na nakatago sa leather jacket niyang suot habang malikot ang mga mata na sinusuyod ang paligid. May ilang bantay rin ang club na nagkalat sa loob na pawang armado, kaya naman inihanda niya ang sarili sa mga posibleng mangyari.Ilang saglit pa, ay nabulabog ang mga tao sa loob ng club nang pumasok ang NBI, kasama ang ilang pulis at nag-anunsyo ng raid. Si Aki at ang mga kasamahan naman niya
"YOU'RE makin' me crazy, love. . ." anas ni Melody na sinabayan pa nang pag-arko ng katawan. Nakakapit pa ang dalawang kamay nito sa magkabilang gilid ng kama at tila nawawala na sa sariling katinuan dahil sa sobrang pagkaliyong nararamdaman.Ipinagpatuloy lang ni Aki ang paghaplos sa malulusog na dibdib nito habang ang kaniyang pagkalalaki ay abala sa pagpapala sa magandang korona ng dalaga. Kagat-labi pa s'yang ngumisi sa babae nang makitang napapapikit pa ito na parang ninanamnam ang erotikong nararamdaman.Lalong ginanahan si Aki sa nakikitang reaksyon ng babae, dahilan upang lalo niyang pagbutihin ang pag-galaw sa ibabaw nito. Inilipit pa niya ang bibig sa tenga ni Melody saka bahagyang kinagat iyon. "Do you like it, love?" bulong niya rito habang panay ang paggalaw ng ibabang bahagi ng katawan niya. Bahagya na rin siyang hinihingal
"Bakit kasi 'di mo sinabi na may ulcer ka pala? 'Di mo ba alam na p'wede mo 'yang ikamatay, Kiah, ha?" galit na sermon ni Akihiro sa babae.Nang mawalan kasi ito ng malay ay agad niya itong dinala sa pinakamalapit na ospital. At ayon nga sa doktor na sumuri kay Kiah ay mayr'on itong ulcer.Napayuko si Kiah habang kinakagat ang labi. Iniisip kasi niyang napakarami na niyang utang na loob sa lalaki, ngunit panay pa rin ang bigay niya ng sakit ng ulo rito. Nagsimulang uminit ang sulok ng mga mata niya dahil sa hiya kahit pa sila lamang dalawa ng lalaki sa pribadong silid na iyon na kinuha nito para sa recovery."I'm sorry po, Sir Aki kung marami na po akong sakit ng ulo na—" Tuluyan na siyang naiyak kaya hindi na niya na itinuloy pa ang sasabihin. Nakatungo lamang siya habang panay pagtulo ng luha niya.B
NAPABALIKWAS nang bangon si Akihiro nang marinig ang pag-ring ng sariling cellphone. Kaya naman kahit pikit pa ang mga mata ay kinapa n'ya ang aparato na nakapatong sa ibabaw ng side table. Hindi na rin siya nag-abala pang tingnan kung sino iyon at basta na lamang niya itong sinagot."Yes, hello?" namamaos pa ang tinig niya pagkasabi noon."Naistorbo ba kita, anak?"Nagising ang diwa ni Aki pagkarinig sa boses ng ina. Kaya naman inayos niya ang sarili bago muling nagsalita. "I'm sorry, Ma. Kagigising ko lang po," paghingi niya ng paumanhin. "Bakit po kayo napatawag?""It's okay, anak. Gusto ka lang sana
"Musuko, sore wa yoi kotodashi, anata wa ie ni iru! Hontōni aitaidesu. (Anak, mabuti naman at nakauwi ka na! Na-miss talaga kita.) bulalas ng kanyang Mommy nang makita siya.Napangiti naman si Akihiro nang marinig 'yon. Sinalubong niya ang yakap ng ina at saka yumapos rin nang mahigpit. "Mama mo hontōni koishī yo! (I really miss you too, Mama.)" nakangiting sabi niya sabay abot ng isang bouquet ng white roses. "Here, flowers for my lovely mother."Hindi naman maipinta ang saya na rumihistro sa mukha ng kanyang mommy nang tanggapin nito ang bulaklak.
"SO, you must be Ysabelle Madriaga?" nakangiting tanong ni Aki sa babaeng nakatayo sa harapan niya. Naririto siya ngayon sa isang kilalang restaurant upang kitain ang anak na dalaga ni Mario Madriaga--ang business partner ng Papa niya. Ngayon kasi ang nakatakdang araw na makikipagkita siya sa anak nito. Wala rin siyang ideya kung ano ang itsura ng babaeng ka-date. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras para alamin pa iyon.Kiming ngumiti ang babae kay Aki saka tumango. Sinuklian rin niya iyon ng matamis na ngiti saka inakay ito patungo sa mesa nila. Pasimple rin niyang pinasadahan ng tingin ang babae mula ulo hanggang paa. Maganda ang babae. Isang tipikal na anak mayaman kung titingnan. Maganda, maputi, makinis at elegante. Nakasuot ito ng dress pero medyo conservative ang istilo noon. May manggas kasi ito at may kwelyo."I'm pleased to meet you, Ysabelle Madriaga. Have a sit," malapad ang ngiti na anya
"MALIGAYANG bati sa inyo, Carlos at Hezekiah. Noon pa ma'y talagang gustong-gusto na kita, Carlos para sa aking anak. Alam ko kasing mabuti kang tao. Nawa'y magsama kayo nang maligaya at puno ng pagmamahalan sa isa't-isa.""Maraming salamat po, Nay Rebecca," nakangiting saad ni Carlos sa biyenan saka niya binalingan ang asawa. "Iingatan ko po ang inyong anak," dagdag pa niya saka masuyong ngumiti rito. Gumanti rin naman sa kan'ya ng ngiti si Hezekiah; isang napakagandang ngiti, saka kumawit sa kaniyang braso ng may paglalambing."O, tayo na't naghihintay na ang mga bisita sa pagdating ninyong mag-asawa. Masayang-masaya sila dahil kayo raw ang nagkatuluyan," anang Nanay Rebecca saka hinatak sa kamay ang anak."Nay, mauna na po kayo. May pag-uusapan lang po kami ni Carlos. Pakisabi na lang po sa mga bisita na susunod na kami," saad ni Kiah sa ina. Tumango naman ito
After five years. . ."MOMMY, pauwi na po ba from work si Tito Gav?" tanong ng four years old na si Hikari sa kanyang mommy. Nasa kindergarten na ito at talagang napakabibong bata.Mula sa paghahalo ng nilutong caldereta para sa kanilang dinner, nilingon ni Hezekiah ang napaka-cute niyang anak saka hinaplos ang mahaba at kulot na buhok nito. "Yes, baby. Pauwi na ang Tito Gavin mo. Why?""E kasi po, Mommy, mag-pl-play po kami ng new doll ko," ani Hikari saka inakyat ang may kataasang stool at saka naupo. Bakas sa mukha ng musmos ang kasiyahan habang nakatingin sa kanyang mommy."Galing pa sa work ang Tito Gavin mo, baka pagod na siya,
Samantala, si Gavin ay kasalukuyang kinakaharap ang sariling kamatayan. Nakasuot sa katawan niya ang vest na may nakakabit na C-4 bomb. At hindi niya alam kung ilang minuto na lang ang nalalabi sa buhay niya. Ni wala siyang ideya kung sino ang mga dumukot sa kan'ya. Wala siyang kaaway lalong-lalo, wala siyang kinaatraso. Wala rin siyang kaalam-alam na sa mga oras na iyon, nasa panganib din ang buhay ng kanyang pamilya.Naroon siya ngayon sa isang lumang silid na mistulang isang bodega. Nakaimbak kasi roon ang kung anu-anong abubot na hindi niya mawari kung ano. Nakaupo siya sa mono block chair habang nakatali ang kanyang kamay at paa. Habang ang bibig ay mayroong duct tape.Kasabay nang nararamdamang takot at panginginig ng katawan nang mga sandaling iyon, lihim na lang ipinigdasal ni Gavin na sana ay may sumaklolo sa kan'ya sa bingit ng kamatayan.
"OKAY men, listen. Ang layunin ng misyon na ito ay upang mai-rescue si Mr. and Mrs. Tetsuya, pati na rin ang nakababatang kapatid ni Agent Tetsuya na ngayon ay hawak ng isang unknown kidnappers. Kasama rin natin sa operasyon na ito ang Cavite Provincial Police kaya makipag-cooperate kayo. Huwag magyabang. Ipakita ninyo na hindi basta-basta ang mga agents ng DISG. Am I clear?" malakas na turan ni Heinz sa mga ito.Si Agent Mikael Alvarez na matalik na kaibigan ni Akihiro ang team leader ng kanilang grupo na kung tawagin ay "The Black Squad". Ang nasabing grupo ay binubuo ni Akihiro Tetsuya, isang sniper; si Claude Scott na ekperto sa bomb denotation; si Raiko Ramos, Zyair Villanueva at Seven Cruz na pawang may excellent skills sa paghawak ng baril.Ang The Black Squad ang ipinadadala ng DISG sa m
"MASAYA kami ng Itay Luciano mo, anak at nadalaw mo kami. Talagang nami-miss ka na rin namin," nagagalak na ani Nanay Erlinda kay Hezekiah.Naisip kasi niyang dalawin ang mga biyenan at kumustahin ang mga ito. Matagal-tagal na rin kasi noong huli niyang nabisita ang mga ito. Iyong huli ay noong buhay pa si Carlos."Na-miss ko rin po kayo, Inay, Itay," nakangiti namang saad ni Hezekiah sa dalawang matanda. "Kumusta po naman kayo?" usisa pa niya sa mga biyenan."Medyo nagkakasakit na rin, anak dahil may edad na kami ng Inay Erlinda mo. Ngunit kayang-kaya pa naman," si Tatay Luciano niya ang sumagot noon na may kalakip na ngiti sa labi."Ako nga'y madalas na inaatake ng altapresyon," sabat ni Erlinda sa ma
Naglalakad si Gavin papunta sa parking lot ng St. Benedict University nang biglang may huminto na itim na van sa tapat niya. Hindi na sana niya papansinin pa iyon nang bigla siyang harangin ng dalawang lalaki na lumabas mismo sa loob ng sasakyan."Ano'ng kailangan n'yo sa'kin, ha?!" naalertong tanong ni Gavin habang palipat-lipat ang tingin sa dalawang lalaki.Nakasuot ang mga ito ng pawang itim at pero hindi naman nakatakip ang mga mukha. Kaya naman malaya niyang nakikita ang mga mukha nang mga ito kahit gabi na iyon at poste lang ng ilaw ang tumutunghay sa kanila."Sumama ka sa amin. Kung ayaw mong masaktan," banta ng isa sa mga ito at humakbang pa palapit kay Gavin."Ano?! Bakit ako sasama sa inyo?!" kinakabahan nang
"ANAK, Hezekiah?!"Masayang sinalubong si Kiah nang yakap ng kanyang Nanay Rebecca nang bumaba siya ng tricycle. Gumanti rin naman siya ng yakap rito ng may luha sa kanyang mga mata. Talagang nangulila siya sa kanyang pamilya at ngayong kasama na niya ang mga ito, labis na kaligayahan ang nadarama niya."Nay, na-miss ko po kayo," lumuluhang usal ni Hezekiah sa may edad na ina habang yakap ito nang mahigpit."Kami man, anak. Nangungulila kami sa'yo ng mga kapatid mo," turan naman ng matanda na noon ay lumuluha na rin. Ni hindi pa nga sila nakakapasok sa kanilang kabahayan, ngunit iyon na sila at kapwa umiiyak.Nagbitiw nang yakap ng dalawa saka nagpunas ng kanya-kanyang luha. "'Lika, anak. Pumasok na tayo sa loob," nakangiting ani Nanay Rebecca at saka kinuha ang
"Ano'ng update sa ipinatatrabaho ko sa'yo, Attorney?" tanong ni Alejandro Montenegro sa kanyang abogado. Naroon sila ngayon sa kanyang private office sa mismong mansyon niya."El hermano menor de Akihiro Tetsuya actualmente asiste a la Universidad de St. Benedict. (Akihiro Tetsuya's younger brother currently attends St. Benedict University.) And anytime, we can take him," nakangising saad ng tiwaling abogado. Matapos niyon, nagsalin ito ng mamahaling alak sa wine glass at inabot ang isa kay Alejandro."Bien, porque quiero comenzar mi venganza. (Good, because I want to start my revenge,)" ani Alejandro sa kausap at saka nakasusuklam na ngumiti sa kaharap."I'm sure he has no idea about our plan, Mr. Montenegro," se
MULA sa pagkakahiga sa malambot na kama ay bumalikwas ng bangon si Akihiro nang pumasok ang kanyang Mama sa kwarto niya."Mom," ani Aki sa kanyang Mama. Ipinagtaka rin niyang seryoso ang mukha nito nang humarap sa kan'ya. Mukha itong galit na ewan."I'm sorry kung hindi na ako kumatok, anak. Where's Ysabelle?" usisa nito matapos maupo sa kanyang tabi."Nasa bathroom pa. Mag-sh-shower raw muna s'ya bago mag-breakfast. Why, Mom?" clueless na tanong niya sa ina.Katulad kanina, walang kangiti-ngiti ang kanyang Mama, kaya nasisiguro ni Aki na importante ang sadya nito sa kan'ya. "Can we talk? Ngayon na. Hihintayin kita sa library."Tungkol siguro 'to sa away
"PAKIUSAP Gavin, huwag mo sanang sasabihin kay Akihiro at maging kay Mr. at Mrs. Tetsuya ang kalagayan ko," nakikiusap na turan ni Kiah sa lalaki."But why, Kiah? Bakit ayaw mong ipaalam kay Kuya Akihiro?" kunot-noong tanong ni Gavin. "May karapatan si Kuya dahil niya ang dinadala mo," dagdag pa ng binata na bakas ang pagtutol sa tinig.Yumuko si Kiah dahil sa sinabing iyon ng lalaki. Ni hindi niya magawang tingnan si Gavin sa mga mata nito dahil natatakot siyang bigla siyang bumuhos ng iyak. Kaya naman, tumungo na lamang siya at pinagsalikop ang nanginginig na mga kamay."Kung ayaw mong ipaalam kay Kuya, fine. Naiintindihan ko, Kiah," ani Gavin mayamaya. Sa sinabi nito ay hindi mapigilang lumuha ni Kiah.