"Prepare your team, Agent Tetsuya. We're about to enter the club!"
NANG marinig iyon ni Akihiro ay palihim niyang sinulyapan ang iba pang kasamahan at patagong tumango sa mga ito, na ang ibig sabihin ay maghanda. Nasa loob sila ng club mga kasamahan ng gabing iyon at nagpapanggap bilang customers.
Pasimple niyang kinapa ang Calibre 45 na nakatago sa leather jacket niyang suot habang malikot ang mga mata na sinusuyod ang paligid. May ilang bantay rin ang club na nagkalat sa loob na pawang armado, kaya naman inihanda niya ang sarili sa mga posibleng mangyari.
Ilang saglit pa, ay nabulabog ang mga tao sa loob ng club nang pumasok ang NBI, kasama ang ilang pulis at nag-anunsyo ng raid. Si Aki at ang mga kasamahan naman niya ay maagap rin na nagsipagtayuan at tinututukan ang mga naroon.
"Raid 'to! Walang kikilos ng masama sa inyo at sumama kayo ng matiwasay!" malakas na sigaw ng NBI agent na kasama nila sa operasyong iyon. "Itaas niyo ang inyong mga kamay at ilagay sa likod ng ulo!" mariin pa nitong sigaw.
Sa labis na pagkabigla ay hindi nakahuma ang mga customers at empleyado ng The Hidden Paradise. Nahihintakutang tumalima ang mga ito at kaagad na itinaas ang kanilang mga kamay. Ngunit ang mga bantay ay agad nagpaputok dahilan upang magkagulo sa loob ng club. Nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng mga alagad ng batas at mga bantay.
Mabilis namang nailabas roon ang mga hinuling customer na sa kabutihang palad ay hindi na nanlaban. Marahil ay sa takot na masangkot ang iniingatang pangalan sa ganoong uri ng kaguluhan. Halos mayayamang negosyante ang parokyano ng club. Ang ilan pa nga ay pawang mga dayuhan lang. Maging ang mga kababaihan na ibinubugaw ay maingat din na nai-rescue at ligtas na nailabas roon.
Shit! Si Mr. Law! mariing mura ni Aki habang nakikipagpalitan ng putok sa mga kalaban. Marahil ay naalarma na ito at naghahanap na ng paraan kung paano makatatakas. Maging ang nagsisilbing floor manager ay hindi rin niya makita roon.
Binalingan ni Aki ang isa niyang kasamahan. "Agent Asis, hahanapin ko si Mr. Law. Backup-an mo 'ko!" utos niya rito saka siya lumabas sa pinagkukublihang pader at tinalunton ang daan patungo sa ikalawang palapag. Habang ang tauhan naman niya ay nakasunod sa likuran niya.
Malikot ang mga mata ni Akihiro habang nakatutok ang baril sa pasilyo. Bawat sulok na madaanan ay hinahalughog niya. Ilang sandali pa nga ay namataan niya si Mr. Law kasama ang floor manager at ilang mga tauhan na tumatakas at dumaan sa fire exit. Mabilis siyang humabol sa mga ito at naabutan niyang pababa na ang mga ito sa bakal na hagdan.
"Hindi ka makakatakas, Mr. Law! Magbabayad ka sa batas!" malakas na sigaw niya sa mga ito dahilan upang lingunin siya ng mga tauhan nito at puntiryahin. Ngunit mabuti na lamang at mabilis siyang nakailag. Nakipagpalitan siya ng putok sa mga apat na bodyguard nito at dahil sa bihasa siya sa ganoong larangan, madali niyang napatumba ang mga ito.
Bakas ang takot sa mukha ni Mr. Law nang maabutan niya ito. Maging ang babaeng manager na kasama nito ay bakas rin ang matinding takot. Tinutukan niya ng baril si Mr. Law habang pababa siya ng hagdan. Samantalang ang tauhan naman niya ay nakaalalay sa kanyang likuran.
"Mr. Law, sumuko ka na at pagbayaran ang mga kasalanan mo!" mariing utos ni Akihiro sa matandang intsik na noon ay tila naestatwa dahil sa takot.
"Napakaraming buhay ng kababaihan ang sinira mo! Ikaw at ng mga kasamahan mo sa negosyo. Hindi na kayo naawa! Ang gusto lang naman ng mga babaeng 'yon ay makapagtrabaho pero ginamit mo sila sa mga kademonyohan mo! Dapat kang mabulok sa kulungan!" galit na sigaw niya habang nakatutok ang baril dito.
"H-have mercy on me! 'Wag mo ako huli! I'll pay you, just don't arrest me! I don't want to go to in jail!" pagmamakaawa pa nito sa kaniya. Sa narinig ay lalong nagpuyos ang kalooban niya sa galit.
"Patatawarin lang kita, Mr. Law kung maibabalik mo sa dati ang mga buhay na sinira mo! Kaya mo ba, ha?!"
Subalit hindi na sumagot ang matandang Intsik at sa halip, mabilis itong bumunot ng baril at kaagad siyang pinaputukan. Pero maswerte niyang nailagan iyon, at mabilis siyang gumanti ng putok. Inasinta niya ito sa binti dahilan upang mapaluhod ito at mabitawan ang hawak na baril. Hindi na ito nakapanlaban pa. Maging ang babaeng kasama nito ay tila natulala dahil sa matinding takot. Kaagad niyang inaresto ang mga ito at isinakay sa mobile car ng pulis kasama ng mga nahuli.
"Good job to you and to your team, Agent Tetsuya! Dahil sa iyo, isa na namang illegal club ang naipasara natin. Bukod pa roon, ay nasagip natin ang mga kababaihang ibinubugaw ng hayop na Intsik na iyon!" saad ng Hepe ng kapulisan na katuwang nila sa raid na iyon. "Please, also tell to Mr. Dominguez, that his agency is very reliable because of having a great team." Nakipagdaop-palad pa hepe kay Akihiro pagkasabi niyon.
He gladly accepted the chief's handshake. "Thank you, Chief. We're just doing our job," tugon naman niya sa hepe.
"Anyway, mauna na ako sa iyo hijo, at kailangan nang masampahan ng kaso ang mga ito at nang maikulong na," wika nito na ang tinutukoy ay ang mga dinakip.
"Okay, Chief. Take care!" sagot n'ya rito saka sumaludo.
• • •
Damn, Kiah! Please lang, he said in his mind while looking at the innocent girl in front of him.
Nabuhay na naman kasi ang pagkalalaki niya sa nakatutuksong tanawin na iyon. Lihim rin siyang napailing nang maalalang wala nga pala itong undies at tanging ang t-shirt at boxer shorts lamang niya ang suot nito.
Samantalang si Kiah naman ay walang kaalam-alam sa nangyayari. "Ay, Sir! Mabuti at nakauwi na kayo," nakangiting bati ni Hezekiah nang pagbuksan ang amo. Hindi naman sumagot ang lalaki kaya't sinundan na lamang niya ito ng tingin nang maupo ito sa sofa saka sumandal at pumikit.
Bakas rin sa mukha ng kanyang amo ang matinding pagod at puyat habang pinagmamasdan ni Hezekiah. Kawawa naman si Sir, mukhang pagod na pagod. Kumusta kaya ang trabaho n'ya?
"Sir, kumain na ba kayo? Nagluto ako ng almusal para sa inyo," alok pa ni Kiah sa binatang amo pagkuwan.
Dumilat naman ito pagkarinig niyon kung kaya't nahuli siya ng lalaking nakatingin. Napapahiya namang nagbaba na lang ng tingin si Kiah dahil doon. Ikaw talaga, Hezekiah! Kabastusan iyang ginagawa mo! lihim pa niyang saway sa sarili.
"I'm okay. Nag-breakfast na 'ko," wika nito pagkatapos ay hinubad ang sapatos at jacket na suot. "How are you? Ano'ng pinagkaabalahan mo habang wala ako?"
"Naglinis ako ng bahay Sir, at saka naglaba ng mga damit. Napansin ko kasing marami kayong labahin."
Iyon kasi ang usapan nila ng lalaki---ang mamasukan siya rito bilang kasambahay. Nasiyahan rin siya ng husto nang malamang mataas ang kanyang magiging suweldo, idagdag pang doon na siya pinatitira ng lalaki dahil mayroon namang bakanteng silid doon.
Bukod pa roon, ipinangako pa ng kanyang mabait na amo na tutulungan nito ang Nanay at mga kapatid niya sa probinsya. Kung kaya't para kay Kiah, talagang hulog ng langit ang lalaki dahil sa kabutihang loob nito.
"Okay, good. I'm glad na madali kang matuto sa mga itinuro ko sa'yo," anang Akihiro na ang tinutukoy ay ang pagtuturo nito kay Kiah kung paano gumamit ng mga de-kuryenteng kasangkapan. "Anyway, nakalimutan pala kitang bilhan ng personal things mo. I was too busy with work. Kung p'wede, ikaw na lang ang bumili. Kaya mo ba?"
Sandaling nag-isip si Kiah. Nagdadalawang-isip kasi siya sa ideyang iyon. Wala pa siyang isang buwan sa Maynila at hindi pa niya gaanong kabisado ang lugar, maging ang transportasyon. Isa pa, natatakot rin siyang baka makita siya ng isa sa mga tauhan ni Mr. Law. Ayaw na niya pang bumalik sa masalimuot na club na iyon.
"Okay, sasamahan na lang kita. Pero bukas na lang siguro or mamaya. I need to sleep. I'm so tired," suhestyon naman ni Akihiro. Napansin kasi niya ang pag-aalinlangan sa mukha ng babae. Marahil ay natatakot itong mag-isa dahil sa hindi magandang experience nito sa Manila. "And don't worry, Kiah. Nakakulong na ang Mr. Law na 'yon. Nasagip na din ang mga kasamahan mo kaya wala ka nang dapat pang ipag-alala."
Sa narinig ay hindi mapigilang mapatalon ni Kiah sa tuwa. Talaga namang tinupad ng lalaki ang pangako nito sa kaniya. "Maraming salamat, Sir Akihiro. Ang totoo nga'y hindi ko rin mapigilang mag-alalala para sa kanila. Mabuti na lamang at nariyan kayo," nagagalak niyang tugon matapos maalala ang mga dating kasamahan sa club.
"Ginagawa ko lang ang trabaho ko, Kiah na sa palagay ko ay tama." Tumayo na ang lalaki pagkasabi niyon. "I need to sleep. Don't disturb me, okay? 'Wag mo na rin akong gisingin para kumain. Kakain ako kapag nagutom," paalala pa nito.
"Okay, Sir."
Ilang minuto ring abalabsi Hezekiah nang makarinig ng pag-doorbell. "May bisita kaya si Sir Akihiro? Pero wala naman siyang ibinilin sa'kin," takang tanong niya sa sarili.
Mabilis niyang tinungo ang pinto dahil muling tumunog ang doorbell, na sa pagkakataong iyon ay sunod-sunod na. Pinindot muna niya ang aparato na nag-uugnay sa labas ng pinto saka tiningan sa screen kung sino ang panauhin. At nang makitang isa itong babae ay nabuhay ang kuryosidad niya. Sino kaya siya? Nobya kaya siya ni Sir?
"Sino po kayo, Ma'am?" magalang na tanong ni Kiah sa monitor.
"What the hell?! Who are you?!" galit na sagot nito na ikinagulat niya.
Ang sungit naman! "E, Ma'am, kayo po ang---"
"Ako na, Kiah. She's my visitor."
Naputol ang sana'y sasabihin ni Kiah nang maulinigan sa kanyang likuran ang tinig ni Akihiro. Hindi na siya nakapagsalita nang ito na mismo ang magbukas sa pinto.
"Who are you, bitch? What are you doin' here?" mataray na tanong ng isang magandang babae kay Hezekiah nang tuluyang makapasok. "'Di mo ba 'ko kilala, huh?"
"Hey! Stop it, Melo. She's my maid," inis na sita naman ni Akihiro sa babae. Alam kasi n'yang inaatake na naman ito ng selos.
"Maid? Duh? I thought, ayaw mong may kasama sa bahay? Are you kiddin' me?" maarte pang sagot nito habang nakapamaywang pa sa harap ni Kiah.
Hindi naman kumibo si Kiah at nanahimik na lamang. Ngunit sa loob-loob niya, gusto niyang hilahin ang mahabang buhok nito dahil sa gaspang ng pag-uugali. Tse! Maganda nga pero kabaliktaran naman ang ugali!
Pinigil ni Aki ang tuluyang mainis kay Melody. May usapan kasi silang magpupunta ito sa condo niya ng araw na iyon, kung 'di pa nga nag-text ito na on the way na, ay hindi n'ya iyon maaalala. Ayaw rin n'yang mag-walkout ito. Ganoon kasi ang ugali ng babae kapag may hindi gusto.
He needs Melody, especially her body. Lalo ngayong nararamdaman na naman niya ang matinding pananabik sa sex. Melody is one of his flings, na hindi rin naman lingid sa kaalaman nito. Wala rin silang relasyon, pero kung minsan, daig pa nito ang girlfriend kung magselos.
"Love, I thought, you want to spend time with me?" malambing na tanong ni Aki sa babae at saka hinapit ito sa baywang nang mahigpit. Alam kasi niyang pag gan'on siya ay agad lumalambot ang babae. Hindi na rin niya alintana kung nakikita man ni Kiah iyon.
"Com'on, let's go to my room. My bed is waiting for you, love," bulong pa niya sa tenga ng babae na ikinangiti nito. Gumanti rin ito ng yapos saka hinalikan siya ng matagal sa labi.
Si Kiah naman ay nakaramdam ng hiya habang pinanonood ang mga ito. Gustuhin man niyang tumalikod at iwan ang mga ito ay hindi niya magawa. Ayaw kasi niyang magmukhang bastos. At isa pa, nalulungkot rin si Kiah nang malamang ganoon ang pag-uugali ng nobya ng kanyang mabait na amo.
Aaminin niyang bagay ang mga ito kung panlabas na anyo ang pag-uusapan. Maganda kasi ang babae. Matangkad, may magandang katawan at mukhang mayaman. Subalit ayaw lamang niya ang ugali nito, na kung tingnan siya ng babae kanina ay para bang isa lamang siyang basura.
Talagang walang nagagawa ang pera upang gamutin ang masamang pag-uugali ng tao, isip-isip ni Kiah habang palihim na pinagmamasdan ang dalawa.
"Let's go, love. I'm craving for you," bulong pa ng babae, na hindi naman nakaligtas sa pandinig ni Kiah. Magkayap pang tumalikod ang mga ito, ngunit bago pa tuluyang makalayo ang dalawa ay muli pa itong lumingon kay Kiah saka siya pinukol ng masamang tingin.
Hindi na lamang ito pinansin pa ni Kiah at ipinagpatuloy na lamang ang naantalang gawaing bahay.
"YOU'RE makin' me crazy, love. . ." anas ni Melody na sinabayan pa nang pag-arko ng katawan. Nakakapit pa ang dalawang kamay nito sa magkabilang gilid ng kama at tila nawawala na sa sariling katinuan dahil sa sobrang pagkaliyong nararamdaman.Ipinagpatuloy lang ni Aki ang paghaplos sa malulusog na dibdib nito habang ang kaniyang pagkalalaki ay abala sa pagpapala sa magandang korona ng dalaga. Kagat-labi pa s'yang ngumisi sa babae nang makitang napapapikit pa ito na parang ninanamnam ang erotikong nararamdaman.Lalong ginanahan si Aki sa nakikitang reaksyon ng babae, dahilan upang lalo niyang pagbutihin ang pag-galaw sa ibabaw nito. Inilipit pa niya ang bibig sa tenga ni Melody saka bahagyang kinagat iyon. "Do you like it, love?" bulong niya rito habang panay ang paggalaw ng ibabang bahagi ng katawan niya. Bahagya na rin siyang hinihingal
"Bakit kasi 'di mo sinabi na may ulcer ka pala? 'Di mo ba alam na p'wede mo 'yang ikamatay, Kiah, ha?" galit na sermon ni Akihiro sa babae.Nang mawalan kasi ito ng malay ay agad niya itong dinala sa pinakamalapit na ospital. At ayon nga sa doktor na sumuri kay Kiah ay mayr'on itong ulcer.Napayuko si Kiah habang kinakagat ang labi. Iniisip kasi niyang napakarami na niyang utang na loob sa lalaki, ngunit panay pa rin ang bigay niya ng sakit ng ulo rito. Nagsimulang uminit ang sulok ng mga mata niya dahil sa hiya kahit pa sila lamang dalawa ng lalaki sa pribadong silid na iyon na kinuha nito para sa recovery."I'm sorry po, Sir Aki kung marami na po akong sakit ng ulo na—" Tuluyan na siyang naiyak kaya hindi na niya na itinuloy pa ang sasabihin. Nakatungo lamang siya habang panay pagtulo ng luha niya.B
NAPABALIKWAS nang bangon si Akihiro nang marinig ang pag-ring ng sariling cellphone. Kaya naman kahit pikit pa ang mga mata ay kinapa n'ya ang aparato na nakapatong sa ibabaw ng side table. Hindi na rin siya nag-abala pang tingnan kung sino iyon at basta na lamang niya itong sinagot."Yes, hello?" namamaos pa ang tinig niya pagkasabi noon."Naistorbo ba kita, anak?"Nagising ang diwa ni Aki pagkarinig sa boses ng ina. Kaya naman inayos niya ang sarili bago muling nagsalita. "I'm sorry, Ma. Kagigising ko lang po," paghingi niya ng paumanhin. "Bakit po kayo napatawag?""It's okay, anak. Gusto ka lang sana
"Musuko, sore wa yoi kotodashi, anata wa ie ni iru! Hontōni aitaidesu. (Anak, mabuti naman at nakauwi ka na! Na-miss talaga kita.) bulalas ng kanyang Mommy nang makita siya.Napangiti naman si Akihiro nang marinig 'yon. Sinalubong niya ang yakap ng ina at saka yumapos rin nang mahigpit. "Mama mo hontōni koishī yo! (I really miss you too, Mama.)" nakangiting sabi niya sabay abot ng isang bouquet ng white roses. "Here, flowers for my lovely mother."Hindi naman maipinta ang saya na rumihistro sa mukha ng kanyang mommy nang tanggapin nito ang bulaklak.
"SO, you must be Ysabelle Madriaga?" nakangiting tanong ni Aki sa babaeng nakatayo sa harapan niya. Naririto siya ngayon sa isang kilalang restaurant upang kitain ang anak na dalaga ni Mario Madriaga--ang business partner ng Papa niya. Ngayon kasi ang nakatakdang araw na makikipagkita siya sa anak nito. Wala rin siyang ideya kung ano ang itsura ng babaeng ka-date. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras para alamin pa iyon.Kiming ngumiti ang babae kay Aki saka tumango. Sinuklian rin niya iyon ng matamis na ngiti saka inakay ito patungo sa mesa nila. Pasimple rin niyang pinasadahan ng tingin ang babae mula ulo hanggang paa. Maganda ang babae. Isang tipikal na anak mayaman kung titingnan. Maganda, maputi, makinis at elegante. Nakasuot ito ng dress pero medyo conservative ang istilo noon. May manggas kasi ito at may kwelyo."I'm pleased to meet you, Ysabelle Madriaga. Have a sit," malapad ang ngiti na anya
"MALIGAYANG bati sa inyo, Carlos at Hezekiah. Noon pa ma'y talagang gustong-gusto na kita, Carlos para sa aking anak. Alam ko kasing mabuti kang tao. Nawa'y magsama kayo nang maligaya at puno ng pagmamahalan sa isa't-isa.""Maraming salamat po, Nay Rebecca," nakangiting saad ni Carlos sa biyenan saka niya binalingan ang asawa. "Iingatan ko po ang inyong anak," dagdag pa niya saka masuyong ngumiti rito. Gumanti rin naman sa kan'ya ng ngiti si Hezekiah; isang napakagandang ngiti, saka kumawit sa kaniyang braso ng may paglalambing."O, tayo na't naghihintay na ang mga bisita sa pagdating ninyong mag-asawa. Masayang-masaya sila dahil kayo raw ang nagkatuluyan," anang Nanay Rebecca saka hinatak sa kamay ang anak."Nay, mauna na po kayo. May pag-uusapan lang po kami ni Carlos. Pakisabi na lang po sa mga bisita na susunod na kami," saad ni Kiah sa ina. Tumango naman ito
"TALAGA, mahal ko? Papayag kang bumalik ako sa Maynila upang magtrabaho?" nasisiyahang tanong ni Kiah sa asawa.Masuyong ngumiti ang kanyang Mister saka hinaplos siya sa buhok. "'Yan ang nais mo, hindi ba? Alam kong hindi ka papayag sa nais kong dumito na lamang at ako na ang bubuhay sa pamilya mo. May sarili kang paninindigan simula no'ng mga musmos pa tayo."Hindi mapigilang mapayakap ni Kiah sa asawa saka sumandig sa balikat nito na lagi niyang ginagawa simula pa noon. "Maraming salamat, mahal ko. Talagang napakabuti mo," nakangiting saad niya rito subalit mayamaya rin ay nabura ang mga ngiti niyang iyon nang maalala ang kalagayan ng asawa."May problema ba, mahal ko?" nag-aalalang tanong pa ni Carlos sa kaniya saka pilit pa siyang iniharap upang magpanagpo ang kanilang mga mata.Sinalubong ni Kiah ang masuyong tingin ni Car
"TELL ME your reason kups, kung bakit mo kinukop si Hezekiah Delgado?"Kunot-noong pinukol ng tingin ni Akihiro ang kaibigan. "Kanino mo ba kasi nalaman 'yan?" inis pa n'yang tanong.Ngumisi nang nakakaloko si Heinz sa kan'ya saka inikot-ikot ang swivel chair na kinauupuan nito. "Ayon sa report, 16 na babae ang nagtatrabaho sa The Hidden Paradise, but we rescued 15 only. The girl who's named Hezekiah Delgado was missing. Na ayon pa sa report, isang Japanese businessman daw ang naka-bid sa babae. . . which is ikaw."Mukhang wala na 'kong ligtas, ah? Bumuntong-hininga si Akihiro saka sumandal sa kinauupuan. Pinagkrus pa niya ang mga braso sa dibdib habang matamang nakatingin kaibigan.
After five years. . ."MOMMY, pauwi na po ba from work si Tito Gav?" tanong ng four years old na si Hikari sa kanyang mommy. Nasa kindergarten na ito at talagang napakabibong bata.Mula sa paghahalo ng nilutong caldereta para sa kanilang dinner, nilingon ni Hezekiah ang napaka-cute niyang anak saka hinaplos ang mahaba at kulot na buhok nito. "Yes, baby. Pauwi na ang Tito Gavin mo. Why?""E kasi po, Mommy, mag-pl-play po kami ng new doll ko," ani Hikari saka inakyat ang may kataasang stool at saka naupo. Bakas sa mukha ng musmos ang kasiyahan habang nakatingin sa kanyang mommy."Galing pa sa work ang Tito Gavin mo, baka pagod na siya,
Samantala, si Gavin ay kasalukuyang kinakaharap ang sariling kamatayan. Nakasuot sa katawan niya ang vest na may nakakabit na C-4 bomb. At hindi niya alam kung ilang minuto na lang ang nalalabi sa buhay niya. Ni wala siyang ideya kung sino ang mga dumukot sa kan'ya. Wala siyang kaaway lalong-lalo, wala siyang kinaatraso. Wala rin siyang kaalam-alam na sa mga oras na iyon, nasa panganib din ang buhay ng kanyang pamilya.Naroon siya ngayon sa isang lumang silid na mistulang isang bodega. Nakaimbak kasi roon ang kung anu-anong abubot na hindi niya mawari kung ano. Nakaupo siya sa mono block chair habang nakatali ang kanyang kamay at paa. Habang ang bibig ay mayroong duct tape.Kasabay nang nararamdamang takot at panginginig ng katawan nang mga sandaling iyon, lihim na lang ipinigdasal ni Gavin na sana ay may sumaklolo sa kan'ya sa bingit ng kamatayan.
"OKAY men, listen. Ang layunin ng misyon na ito ay upang mai-rescue si Mr. and Mrs. Tetsuya, pati na rin ang nakababatang kapatid ni Agent Tetsuya na ngayon ay hawak ng isang unknown kidnappers. Kasama rin natin sa operasyon na ito ang Cavite Provincial Police kaya makipag-cooperate kayo. Huwag magyabang. Ipakita ninyo na hindi basta-basta ang mga agents ng DISG. Am I clear?" malakas na turan ni Heinz sa mga ito.Si Agent Mikael Alvarez na matalik na kaibigan ni Akihiro ang team leader ng kanilang grupo na kung tawagin ay "The Black Squad". Ang nasabing grupo ay binubuo ni Akihiro Tetsuya, isang sniper; si Claude Scott na ekperto sa bomb denotation; si Raiko Ramos, Zyair Villanueva at Seven Cruz na pawang may excellent skills sa paghawak ng baril.Ang The Black Squad ang ipinadadala ng DISG sa m
"MASAYA kami ng Itay Luciano mo, anak at nadalaw mo kami. Talagang nami-miss ka na rin namin," nagagalak na ani Nanay Erlinda kay Hezekiah.Naisip kasi niyang dalawin ang mga biyenan at kumustahin ang mga ito. Matagal-tagal na rin kasi noong huli niyang nabisita ang mga ito. Iyong huli ay noong buhay pa si Carlos."Na-miss ko rin po kayo, Inay, Itay," nakangiti namang saad ni Hezekiah sa dalawang matanda. "Kumusta po naman kayo?" usisa pa niya sa mga biyenan."Medyo nagkakasakit na rin, anak dahil may edad na kami ng Inay Erlinda mo. Ngunit kayang-kaya pa naman," si Tatay Luciano niya ang sumagot noon na may kalakip na ngiti sa labi."Ako nga'y madalas na inaatake ng altapresyon," sabat ni Erlinda sa ma
Naglalakad si Gavin papunta sa parking lot ng St. Benedict University nang biglang may huminto na itim na van sa tapat niya. Hindi na sana niya papansinin pa iyon nang bigla siyang harangin ng dalawang lalaki na lumabas mismo sa loob ng sasakyan."Ano'ng kailangan n'yo sa'kin, ha?!" naalertong tanong ni Gavin habang palipat-lipat ang tingin sa dalawang lalaki.Nakasuot ang mga ito ng pawang itim at pero hindi naman nakatakip ang mga mukha. Kaya naman malaya niyang nakikita ang mga mukha nang mga ito kahit gabi na iyon at poste lang ng ilaw ang tumutunghay sa kanila."Sumama ka sa amin. Kung ayaw mong masaktan," banta ng isa sa mga ito at humakbang pa palapit kay Gavin."Ano?! Bakit ako sasama sa inyo?!" kinakabahan nang
"ANAK, Hezekiah?!"Masayang sinalubong si Kiah nang yakap ng kanyang Nanay Rebecca nang bumaba siya ng tricycle. Gumanti rin naman siya ng yakap rito ng may luha sa kanyang mga mata. Talagang nangulila siya sa kanyang pamilya at ngayong kasama na niya ang mga ito, labis na kaligayahan ang nadarama niya."Nay, na-miss ko po kayo," lumuluhang usal ni Hezekiah sa may edad na ina habang yakap ito nang mahigpit."Kami man, anak. Nangungulila kami sa'yo ng mga kapatid mo," turan naman ng matanda na noon ay lumuluha na rin. Ni hindi pa nga sila nakakapasok sa kanilang kabahayan, ngunit iyon na sila at kapwa umiiyak.Nagbitiw nang yakap ng dalawa saka nagpunas ng kanya-kanyang luha. "'Lika, anak. Pumasok na tayo sa loob," nakangiting ani Nanay Rebecca at saka kinuha ang
"Ano'ng update sa ipinatatrabaho ko sa'yo, Attorney?" tanong ni Alejandro Montenegro sa kanyang abogado. Naroon sila ngayon sa kanyang private office sa mismong mansyon niya."El hermano menor de Akihiro Tetsuya actualmente asiste a la Universidad de St. Benedict. (Akihiro Tetsuya's younger brother currently attends St. Benedict University.) And anytime, we can take him," nakangising saad ng tiwaling abogado. Matapos niyon, nagsalin ito ng mamahaling alak sa wine glass at inabot ang isa kay Alejandro."Bien, porque quiero comenzar mi venganza. (Good, because I want to start my revenge,)" ani Alejandro sa kausap at saka nakasusuklam na ngumiti sa kaharap."I'm sure he has no idea about our plan, Mr. Montenegro," se
MULA sa pagkakahiga sa malambot na kama ay bumalikwas ng bangon si Akihiro nang pumasok ang kanyang Mama sa kwarto niya."Mom," ani Aki sa kanyang Mama. Ipinagtaka rin niyang seryoso ang mukha nito nang humarap sa kan'ya. Mukha itong galit na ewan."I'm sorry kung hindi na ako kumatok, anak. Where's Ysabelle?" usisa nito matapos maupo sa kanyang tabi."Nasa bathroom pa. Mag-sh-shower raw muna s'ya bago mag-breakfast. Why, Mom?" clueless na tanong niya sa ina.Katulad kanina, walang kangiti-ngiti ang kanyang Mama, kaya nasisiguro ni Aki na importante ang sadya nito sa kan'ya. "Can we talk? Ngayon na. Hihintayin kita sa library."Tungkol siguro 'to sa away
"PAKIUSAP Gavin, huwag mo sanang sasabihin kay Akihiro at maging kay Mr. at Mrs. Tetsuya ang kalagayan ko," nakikiusap na turan ni Kiah sa lalaki."But why, Kiah? Bakit ayaw mong ipaalam kay Kuya Akihiro?" kunot-noong tanong ni Gavin. "May karapatan si Kuya dahil niya ang dinadala mo," dagdag pa ng binata na bakas ang pagtutol sa tinig.Yumuko si Kiah dahil sa sinabing iyon ng lalaki. Ni hindi niya magawang tingnan si Gavin sa mga mata nito dahil natatakot siyang bigla siyang bumuhos ng iyak. Kaya naman, tumungo na lamang siya at pinagsalikop ang nanginginig na mga kamay."Kung ayaw mong ipaalam kay Kuya, fine. Naiintindihan ko, Kiah," ani Gavin mayamaya. Sa sinabi nito ay hindi mapigilang lumuha ni Kiah.