"Bakit kasi 'di mo sinabi na may ulcer ka pala? 'Di mo ba alam na p'wede mo 'yang ikamatay, Kiah, ha?" galit na sermon ni Akihiro sa babae.
Nang mawalan kasi ito ng malay ay agad niya itong dinala sa pinakamalapit na ospital. At ayon nga sa doktor na sumuri kay Kiah ay mayr'on itong ulcer.
Napayuko si Kiah habang kinakagat ang labi. Iniisip kasi niyang napakarami na niyang utang na loob sa lalaki, ngunit panay pa rin ang bigay niya ng sakit ng ulo rito. Nagsimulang uminit ang sulok ng mga mata niya dahil sa hiya kahit pa sila lamang dalawa ng lalaki sa pribadong silid na iyon na kinuha nito para sa recovery.
"I'm sorry po, Sir Aki kung marami na po akong sakit ng ulo na—" Tuluyan na siyang naiyak kaya hindi na niya na itinuloy pa ang sasabihin. Nakatungo lamang siya habang panay pagtulo ng luha niya.
Bumuntong-hininga si Akihiro habang pinagmamasdan ang umiiyak na babae. Bahagya rin siyang nakaramdam ng guilt dahil sa pagsesermon dito. "'Di naman tungkol d'on ang ikinagagalit ko, Kiah. Ang sa'kin lang, responsibilidad na kita ngayon. Kaya 'pag may nangyari sa 'yong masama, sagutin kita. Ang gusto ko lang naman, magsabi ka kapag may problema. Pa'no pala kung na-late ako ng uwi? E 'di baka patay ka na ngayon," himig nagpapaunawa niyang turan sa babae.
Pero hindi ito tumigil sa pag-iyak na parang bata kaya naman lihim na lamang siyang napailing. Ang g'wapo ko pero pinasasakit mo talaga ang ulo ko, wika pa niya sa isipan habang nakatingin dito.
Ayon sa doctor, nawalan ito ng malay dahil sa matinding pananakit ng tiyan. Ipinagpapasalamat na lang niyang dumating siya bago iyon mangyari. Kung hindi, baka kung ano na ang nangyari sa babae. "Please, stop crying, Kiah. Baka makasama sa'yo," turan pa niya rito.
Hinawakan pa ni Akihiro ang balikat ng dalaga upang mapilitan itong humarap sa kaniya. Nag-angat naman ito ng tingin habang hilam ng luha ang mga mata. "P-Pasensya na po, Sir Akihiro. H-Hindi ko lang po talaga mapigilang umiyak. Hindi ko alam na ganito pala ang ibubunga ng sakit kong ito," umiiyak na paliwanag ni Kiah sa kaniya.
"'Di naman delikado ang ulcer basta naagapan. You only need to take medicine as a treatment. May mga binigay rin si dok na listahan para sa do's and don't," paliwanag niya rito. "Kaya tumigil ka na sa pag-iyak para mamaya ay makalabas ka na," pangungbinsi pa niya sa dalaga. Tumango naman ito at saka pinahid ang luha at bahagyang inayos ang hibla ng buhok na tumabing sa mukha nito.
Palibhasa'y halos katabi lamang ni Akihiro ang babae dahil nakaupo siya sa couch na katabi ng hospital bed, lubos niyang napagmasdan ang maamong mukha ng dalaga. Aaminin niyang no'ng una pa lang ay maganda na ang tingin niya rito. Pero mas maganda pala itong lalo 'pag malapitan.
Hindi ito iyong tipo ng ganda na 'tulad sa mga artista o kaya naman ay tulad ng mga babaeng idini-date niya. For him, kakaiba ang ganda ni Kiah. Iyon bang simple lang pero malakas ang appeal. Her face was small and heart-shaped. Ang mga mata naman nito ay bilugan at mapupungay na pinarisan ng malalantik na mga pilik. Maliit at matangos din ang ilong nito na bumagay sa labi nitong manipis at mamula-mula. At kahit nga morena lang ito, hindi mapagkakailang makinis din ang dalaga.
She looks so pure and innocent. Iyon bang tila walang kamuwang-muwang kung anong klaseng lalaki siya kapag inaatake siya ng kalibugan. Nabuhay tuloy ang takot ni Akihiro sa kanyang sarili dahil sa naisip. Hindi niya alam kung para saan ang takot na iyon. Para ba sa kanyang sarili o para sa babaeng kaharap. Kilalang kilala niya ang sarili, alam niyang wala siyang pinipili. Basta't makaramdam siya ng pangangailangan sa sex ay hindi maaaring hindi niya tugunin. Pero paano kapag hindi n'ya mapigilan ang sarili at ito ang mapagbalingan niya?
At hindi ba, kaya naman talaga niya tinulungan ang babae ay dahil na-attract siya sa angking charisma nito? Sa maganda nitong katawan at malulusog na dibdib? Bakit ngayon ay nakararamdam yata siya ng pag-aalinlangan?
I think, I just made my own problem. . .
Naputol ang pagninilay-nilay ni Akihiro nang pukawin ng sunod-sunod na katok ang pinto ng recovery room kung saan sila naroon ni Kiah. Mabilis siyang tumayo at tinungo ang pinto upang buksan iyon.
"Good evening, Mr. Tetsuya. Here's your hospital bill. Maaari na po kayong umuwi kapag nabayaran na po ninyo iyan sa cashier," anang babaeng nurse saka inabot ang isang papel. Tiningnan naman niya ito at nagpasalamat.
"Thank you, nurse."
"You're welcome, Mr. Tetsuya. Mauna na rin po ako. May patients pa po akong aasikasuhin," paalam ng nurse. Tinanguan na lamang niya ito bilang sagot at matapos ay lumabas na ito pagkuwan.
"Sir Aki, maaari ko bang hulugan na lang ang mga utang ko sa inyo? Kung gusto n'yo, ibawas na lang ninyo ito sa sweldo ko," pakli naman ni Kiah na ikinakunot-noo naman ng lalaki. Hala! Nagalit kaya si Sir? Baka ayaw niya ng pinangungunahan? Ano ka ba naman kasi,
Hezekiah! Ikaw na nga'ng may utang na loob, ikaw pa'ng may gana na magbigay ng kundisyon, lihim niyang sermon sa sarili."Sino naman ang may sabi sa'yo na sinisingil kita, Kiah?" tanong ng lalaki na ikinamaang niya.
"S-Sir?"
Umiling-iling ang lalakk sa kan'ya. "'Di kita sinisingil, okay? I just want to help you. 'Tsaka 'wag kang mag-alala, tutuparin ko ang pangako kong tutulungan ko rin ang pamilya mo. Ibigay mo sa'kin ang address n'yo sa probinsya at nang maasikaso ko na habang 'di pa ako busy sa work."
Sa mga narinig ay hindi mapigilang magalak ni Kiah, dahil totoong napakabait ng amo sa kaniya. Ngunit sa isang banda, ipinagtataka rin niya kung bakit ganoon kabait ang lalaki sa kan'ya. Hindi naman siguro mamasamain ni Sir Aki kung tatanungin ko, usal niya sa isipan. "Pero, Sir, bakit ninyo ito ginagawa? Bakit napakabait ninyo sa akin?" tanong ni Kiah rito.
Nagkibit-balikat lamang ito at saka tumayo na. "Siguro, dahil alam kong mabuti kang babae kaya gusto kitang tulungan. Isa pa, wala din kasi akong kapatid na babae. I'm only child kaya pakiramdam ko nagkaroon ako ng lil' sister sa katauhan mo."
"Talaga, sir? Nakatutuwa namang malaman na kapatid ang turing n'yo sa akin, Sir Aki! Napakabuti po ninyo!" nasisiyahang tugon pa ni Kiah sa lalaki. Masaya siyang malaman na pamilya ang turing sa kan'ya ng lalaki at hindi ibang tao. Isa pa, mas palagay na siya sa Maynila kahit nga ganoon pa ang dinanas niya roon. Dahil alam niyang may tao na siyang maituturing na kakampi sa mabangis na lungsod na iyon.
"Yup. So pa'no? Lalabas muna ako at pupunta sa cashier. Mag-ayos ka na at magbihis. Nasa paper bag na nakapatong sa mesa 'yung mga gamit na binili ko sa'yo. Pagbalik ko, uuwi na tayo," bilin pa nito habang nakaturo sa paper bag na nakapatong sa mesang malapit sa kan'ya.
"Okay, Sir. Salamat po nang marami." Tumango na lamang ito bago lumabas.
Dali-dali nang bumangon si Kiah at hinalungkat ang laman ng paper bag upang kunin ang bihisan. Ngunit ganoon na lamang ang pagkadismaya niya nang makitang masyadong lantad ang istilo ng mga iyon. Isa kasing manipis na sando na kulay pula at mababa ang uka sa bandang dibdib ang pang-itaas, habang ang salawal naman ay maikling shorts na maong na sa palagay niya ay isang dangkal lamang ang haba.
Paano ako magsusuot ng mga ganitong damit? Hindi ako sanay sa mga ganito. Isa pa, hindi naman ito bagay sa'kin, wika niya sa isipan. "Pero baka magalit si Sir Aki kapag hindi ko sinuot ang binili niya," saad niya na ang kausap ay sarili.
Walang nagawa si Kiah kung hindi kunin ang mga iyon at dalhin sa banyo. Maging ang panloob na bra at panty na kasama ng mga bihisan ay masyado ring revealing ang istilo para kay Kiah. Isang may manggas lamang kasi na blouse at t-shirt at abot-tuhod na shorts ang madalas niyang suotin. Subalit wala siyang pagpipilian kung hindi isuot iyon. Ipinagpapasalamat na lamang niya na tila isinukat sa kaniya ang mga iyon dahil saktong sakto ang laki ng mga ito.
Paano kaya nalaman ni Sir 'yung sukat ko? Hindi naman niya ako tinanong, ah? nagtataka niyang tanong pa sa sarili. Nang makapaghilamos at sepilyo ay agad na rin siyang lumabas ng banyo. Naabutan niya roon ang lalaki na tila hinihintay na siya.
"Kanina pa kayo, Sir Aki? Pasensya na, medyo natagalan kasi ako sa pagpapalit ng damit, eh," wika niya rito bahagya pang nahihiya dahil sa suot. Hatak-hatak pa niya ang laylayan ng maikling shorts habang nakatunghay sa lalaki. Subalit ipinagtaka niya na nanatili lamang na nakatingin sa kaniya ito na tila hindi makapaniwala sa nakikita. Hala! Baka napuna agad niya na hindi bagay sa akin ang mga binili niya. Ano ba 'yan! Nakakahiya!
"Y-you look good, Kiah. Bagay sa'yo. Ayaw mo ba ng suot mo?" saad ng lalaki na ipinagtaka niya.
"Binobola niyo lang yata ako, sir, eh. Pangmayaman at magandang babae lang po ang nababagay sa ganitong damit. Paris ni Ma'am Melody. Hindi po bagay sa akin ang ganitong bihis. Isa pa, hindi po ako sanay. Nahihiya po ako," sabi niyang sinabayan pa ng mahinang pagtawa. Napansin naman ni Kiah na tila nagbago ang anyo ng lalaki dahil sa sinabi niya.
"Don't say that, Kiah. Maganda ka. Don't underestimate yourself. You are beautiful in your own way, okay?" Napangiti naman siya dahil sa sinabi ng lalaki. Nakaramdam din siya ng tiwala sa sarili dahil doon.
"'Tsaka walang batas na nagsasabing mayayaman at magagandang babae lang ang pwedeng magsuot n'yan. Lahat ng tao, may karapatan at malayang gawin ang gusto basta walang inaargabyado. Got it?" dagdag pa nito dahilan upang lalong humanga si Kiah sa lalaki. Para sa kaniya ay perpekto ito. Magandang lalaki, mayaman at higit sa lahat, mabait. Mga katangian na karaniwang hinahanap ng isang babae. Napakaswerte naman ni Ma'am Melody, usal niya sa isipan.
"Maraming salamat po Sir Aki, sa pagpapalakas ng loob," pasasalamat niya rito nang nay kasamang ngiti sa labi.
"Wala 'yon," tugon naman ni Aki saka kinuha ang paper bag na may lamang pinagbihisan ng babae. "Let's go, lumalalim na ang gabi. At para makapagpahinga ka na rin." Binuksan na niya ang pinto ng silid at pinauna ang babae sa paglabas doon habang siya naman ay nakaalalay sa likurang bahagi nito.
Matapos makapagbayad ng hospital bill, mabilis na tinungo ni Akihiro at Kiah ang parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan, at nang makarating ay mabilis niya itong pinagbuksan ng pinto. Inalalayan n'ya itong maupo sa passengers seat saka siya umikot sa driver's side. Nang makapasok ay kinabig niya ang sasakyan at minaniobra palabas ng parking lot.
Tahimik ang kanilang byahe kaya naman naisipan niyang basagin ang katahimikan. Isa pa, gusto niyang ma-distract dahil ramdam na naman niya ang pagkabuhay ng pagkalalaki niya dahil sa kaakit-akit na tanawin ng mga sandaling iyon.
Hindi niya expect na ganoon ang magiging epekto ng babae sa kaniya dahil lang sa nakita niya itong nakabihis ng ganoon. Na kung tutuusin ay normal lang na tanawin para sa kan'ya. Halos lahat naman kasi ng babaeng kilala niya ay gano'n manamit.
Subalit pagdating kay Kiah, feeling niya ay galing siya sa panahon ni Rizal na noon lamang nakakita ng babaeng ganoon ang bihis. Kaya naman bago pa siya mawala sa katinuan, naisip niyang itanong ang tungkol sa sakit nito bilang pamuksa sa tila halimaw na unti unting nabubuhay sa kaibuturan niya.
"Kiah, matagal na ba 'yang sakit mo?" pukaw niya sa babae na noon ay nakatingin lamang sa labas ng bintana. Sa sinabi ay nilingon siya nito.
"Matagal-tagal na din, sir. No'ng 19 years old ako unang sinumpong. Nasa bukid ako noon at naggagapas ng palay."
Napatango-tango siya habang ang paningin ay nakatutok sa daan. "Alam ba 'yan ng Mama mo?" Umiling ito.
"Hindi ko sinabi kay Nanay dahil ayaw kong mag-alala pa s'ya. At saka hindi naman ito grabeng sakit kaya itinago ko na lang," paliwanag pa ng babae habang ang tingin ay nasa labas.
"Lagi ka sigurong nagpapalipas ng gutom kaya gano'n. Masama 'yon, Kiah. Siguro nagda-diet ka, 'no?"
Tumingin ang babae sa kan'ya at sunod-sunod ang pag-iling. "Naku sir! Hindi po ako nagda-diet. Talaga lamang na salat kami sa pera, kaya ang sana'y pera na para sa pangkain ko 'pag nasa trabaho ay isinisinop ko na lang. At iyon ang ibinibili ko ng pasalubong sa Nanay at mga kapatid ko, Sir Aki."
Ang bait niyang anak at ate. Masuwerte ang Nanay n'ya, wika ni Aki sa isipan pagkatapos ay sumulyap rito. Nakita niyang nakangiti ito na para bang inaalala ang itsura ng kaniyang kapatid at ina. Nadagdagan rin ang paghanga niya sa babae. Dahil kahit nakaranas ito ng matinding hirap ay hindi nawala ang pagiging mabuting tao nito.
Hindi paris ng iba na kahit naabot na ang nais sa buhay, pinipili pa rin ng mga ito na gumawa ng masama dahil sa kasakiman. Patunay na lamang nito ang mga politiko at mayayamang negosyante na katulad ni Mr. Law, na ginagamit ang kapangyarihan para makagawa ng bagay na labag sa batas at sa mata ng Diyos.
"Don't worry, Kiah. I'll promise, bukas na bukas din ay magpapadala ako ng tulong sa Nanay at mga kapatid mo. Just give the address, okay?"
"P-pero Sir—"
"Wala nang pero-pero," putol niya sa sana ay sasabihin nito. "Para 'yon sa pamilya mo, okay? 'Tsaka 'wag kang mag-alala, 'di naman kita sisingilin. Basta gawin mo lang ang trabaho mo. Ayos ba?" tanong ni Aki na ngumiti pa rito.
"Salamat talaga nang marami, Sir Aki. Napakabuti n'yo," nagagalak at taos-pusong pasasalamat ni Kiah sa lalaki.
"Don't mention it," sagot naman ni Aki at saka bahagyang ngumiti sa dalaga.
NAPABALIKWAS nang bangon si Akihiro nang marinig ang pag-ring ng sariling cellphone. Kaya naman kahit pikit pa ang mga mata ay kinapa n'ya ang aparato na nakapatong sa ibabaw ng side table. Hindi na rin siya nag-abala pang tingnan kung sino iyon at basta na lamang niya itong sinagot."Yes, hello?" namamaos pa ang tinig niya pagkasabi noon."Naistorbo ba kita, anak?"Nagising ang diwa ni Aki pagkarinig sa boses ng ina. Kaya naman inayos niya ang sarili bago muling nagsalita. "I'm sorry, Ma. Kagigising ko lang po," paghingi niya ng paumanhin. "Bakit po kayo napatawag?""It's okay, anak. Gusto ka lang sana
"Musuko, sore wa yoi kotodashi, anata wa ie ni iru! Hontōni aitaidesu. (Anak, mabuti naman at nakauwi ka na! Na-miss talaga kita.) bulalas ng kanyang Mommy nang makita siya.Napangiti naman si Akihiro nang marinig 'yon. Sinalubong niya ang yakap ng ina at saka yumapos rin nang mahigpit. "Mama mo hontōni koishī yo! (I really miss you too, Mama.)" nakangiting sabi niya sabay abot ng isang bouquet ng white roses. "Here, flowers for my lovely mother."Hindi naman maipinta ang saya na rumihistro sa mukha ng kanyang mommy nang tanggapin nito ang bulaklak.
"SO, you must be Ysabelle Madriaga?" nakangiting tanong ni Aki sa babaeng nakatayo sa harapan niya. Naririto siya ngayon sa isang kilalang restaurant upang kitain ang anak na dalaga ni Mario Madriaga--ang business partner ng Papa niya. Ngayon kasi ang nakatakdang araw na makikipagkita siya sa anak nito. Wala rin siyang ideya kung ano ang itsura ng babaeng ka-date. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras para alamin pa iyon.Kiming ngumiti ang babae kay Aki saka tumango. Sinuklian rin niya iyon ng matamis na ngiti saka inakay ito patungo sa mesa nila. Pasimple rin niyang pinasadahan ng tingin ang babae mula ulo hanggang paa. Maganda ang babae. Isang tipikal na anak mayaman kung titingnan. Maganda, maputi, makinis at elegante. Nakasuot ito ng dress pero medyo conservative ang istilo noon. May manggas kasi ito at may kwelyo."I'm pleased to meet you, Ysabelle Madriaga. Have a sit," malapad ang ngiti na anya
"MALIGAYANG bati sa inyo, Carlos at Hezekiah. Noon pa ma'y talagang gustong-gusto na kita, Carlos para sa aking anak. Alam ko kasing mabuti kang tao. Nawa'y magsama kayo nang maligaya at puno ng pagmamahalan sa isa't-isa.""Maraming salamat po, Nay Rebecca," nakangiting saad ni Carlos sa biyenan saka niya binalingan ang asawa. "Iingatan ko po ang inyong anak," dagdag pa niya saka masuyong ngumiti rito. Gumanti rin naman sa kan'ya ng ngiti si Hezekiah; isang napakagandang ngiti, saka kumawit sa kaniyang braso ng may paglalambing."O, tayo na't naghihintay na ang mga bisita sa pagdating ninyong mag-asawa. Masayang-masaya sila dahil kayo raw ang nagkatuluyan," anang Nanay Rebecca saka hinatak sa kamay ang anak."Nay, mauna na po kayo. May pag-uusapan lang po kami ni Carlos. Pakisabi na lang po sa mga bisita na susunod na kami," saad ni Kiah sa ina. Tumango naman ito
"TALAGA, mahal ko? Papayag kang bumalik ako sa Maynila upang magtrabaho?" nasisiyahang tanong ni Kiah sa asawa.Masuyong ngumiti ang kanyang Mister saka hinaplos siya sa buhok. "'Yan ang nais mo, hindi ba? Alam kong hindi ka papayag sa nais kong dumito na lamang at ako na ang bubuhay sa pamilya mo. May sarili kang paninindigan simula no'ng mga musmos pa tayo."Hindi mapigilang mapayakap ni Kiah sa asawa saka sumandig sa balikat nito na lagi niyang ginagawa simula pa noon. "Maraming salamat, mahal ko. Talagang napakabuti mo," nakangiting saad niya rito subalit mayamaya rin ay nabura ang mga ngiti niyang iyon nang maalala ang kalagayan ng asawa."May problema ba, mahal ko?" nag-aalalang tanong pa ni Carlos sa kaniya saka pilit pa siyang iniharap upang magpanagpo ang kanilang mga mata.Sinalubong ni Kiah ang masuyong tingin ni Car
"TELL ME your reason kups, kung bakit mo kinukop si Hezekiah Delgado?"Kunot-noong pinukol ng tingin ni Akihiro ang kaibigan. "Kanino mo ba kasi nalaman 'yan?" inis pa n'yang tanong.Ngumisi nang nakakaloko si Heinz sa kan'ya saka inikot-ikot ang swivel chair na kinauupuan nito. "Ayon sa report, 16 na babae ang nagtatrabaho sa The Hidden Paradise, but we rescued 15 only. The girl who's named Hezekiah Delgado was missing. Na ayon pa sa report, isang Japanese businessman daw ang naka-bid sa babae. . . which is ikaw."Mukhang wala na 'kong ligtas, ah? Bumuntong-hininga si Akihiro saka sumandal sa kinauupuan. Pinagkrus pa niya ang mga braso sa dibdib habang matamang nakatingin kaibigan.
PAGLABAS ni Akihiro sa DISG ay agad siyang dumiretso sa hotel kung saan madalas silang mag-check in ni Zea. Nang marating iyon ay mabilis niyang ipinarada ang sasakyan at dumiretso sa lobby."Hi, I'm Akihiro Tetsuya. I'm with Zea Fuentes," pakli niya sa babaeng receptionist. Ngumiti naman ng matamis ang maganda at sexing babae sa kan'ya saka tila kinikilig pang sumagot."Alright, Sir. Ma'am Fuentes is waiting for you. Her room is number 271, third floor," magalang namang sagot ng babae saka ngumiti muli ng matamis sa kan'ya.Kakaiba rin ang tingin nito, at alam na niya kung anong ibig sabihin n'on. Hindi na 'yon bago sa kan'ya. Pero hindi na muna niya ito papatulan. Sa susunod na lang, wika niya sa isipan habang nakangiti rin dito.
"MAHAL ko, kumusta ang pakiramdam mo? Maayos na ba?" masuyong tanong ni Kiah sa asawa habang marahan niya itong hinahaplos sa buhok.Nasa ospital sila ngayon sa kabayanan dahil bigla na lamang natumba si Carlos habang nagtatrabaho sa bukid. Ayaw na sana niya itong payagan pang magtrabaho subalit mapilit ang asawa niya. Lalo raw siyang magkakasakit kapag naglagi raw siya sa bahay. Kung kaya't wala na siyang magawa kung 'di pabayaan ito. Subalit hindi naman niya akalain na ganoon ang aabutin ni Carlos. Tuloy ay sising-sisi siya.Ginagap ni Carlos ang kamay ng asawa na humahagod sa kaniyang buhok saka iyon dinala sa mga labi. Pagkatapos ay ngumiti siya rito. "'Wag ka nang mag-alala, mahal ko. Maaayos na ang pakiramdam ko. Siguro ay napagod lang ako sa pag-gapas ng palay."Ngunit alam ni Carlos na kasinungalingan lamang iyon. Alam
After five years. . ."MOMMY, pauwi na po ba from work si Tito Gav?" tanong ng four years old na si Hikari sa kanyang mommy. Nasa kindergarten na ito at talagang napakabibong bata.Mula sa paghahalo ng nilutong caldereta para sa kanilang dinner, nilingon ni Hezekiah ang napaka-cute niyang anak saka hinaplos ang mahaba at kulot na buhok nito. "Yes, baby. Pauwi na ang Tito Gavin mo. Why?""E kasi po, Mommy, mag-pl-play po kami ng new doll ko," ani Hikari saka inakyat ang may kataasang stool at saka naupo. Bakas sa mukha ng musmos ang kasiyahan habang nakatingin sa kanyang mommy."Galing pa sa work ang Tito Gavin mo, baka pagod na siya,
Samantala, si Gavin ay kasalukuyang kinakaharap ang sariling kamatayan. Nakasuot sa katawan niya ang vest na may nakakabit na C-4 bomb. At hindi niya alam kung ilang minuto na lang ang nalalabi sa buhay niya. Ni wala siyang ideya kung sino ang mga dumukot sa kan'ya. Wala siyang kaaway lalong-lalo, wala siyang kinaatraso. Wala rin siyang kaalam-alam na sa mga oras na iyon, nasa panganib din ang buhay ng kanyang pamilya.Naroon siya ngayon sa isang lumang silid na mistulang isang bodega. Nakaimbak kasi roon ang kung anu-anong abubot na hindi niya mawari kung ano. Nakaupo siya sa mono block chair habang nakatali ang kanyang kamay at paa. Habang ang bibig ay mayroong duct tape.Kasabay nang nararamdamang takot at panginginig ng katawan nang mga sandaling iyon, lihim na lang ipinigdasal ni Gavin na sana ay may sumaklolo sa kan'ya sa bingit ng kamatayan.
"OKAY men, listen. Ang layunin ng misyon na ito ay upang mai-rescue si Mr. and Mrs. Tetsuya, pati na rin ang nakababatang kapatid ni Agent Tetsuya na ngayon ay hawak ng isang unknown kidnappers. Kasama rin natin sa operasyon na ito ang Cavite Provincial Police kaya makipag-cooperate kayo. Huwag magyabang. Ipakita ninyo na hindi basta-basta ang mga agents ng DISG. Am I clear?" malakas na turan ni Heinz sa mga ito.Si Agent Mikael Alvarez na matalik na kaibigan ni Akihiro ang team leader ng kanilang grupo na kung tawagin ay "The Black Squad". Ang nasabing grupo ay binubuo ni Akihiro Tetsuya, isang sniper; si Claude Scott na ekperto sa bomb denotation; si Raiko Ramos, Zyair Villanueva at Seven Cruz na pawang may excellent skills sa paghawak ng baril.Ang The Black Squad ang ipinadadala ng DISG sa m
"MASAYA kami ng Itay Luciano mo, anak at nadalaw mo kami. Talagang nami-miss ka na rin namin," nagagalak na ani Nanay Erlinda kay Hezekiah.Naisip kasi niyang dalawin ang mga biyenan at kumustahin ang mga ito. Matagal-tagal na rin kasi noong huli niyang nabisita ang mga ito. Iyong huli ay noong buhay pa si Carlos."Na-miss ko rin po kayo, Inay, Itay," nakangiti namang saad ni Hezekiah sa dalawang matanda. "Kumusta po naman kayo?" usisa pa niya sa mga biyenan."Medyo nagkakasakit na rin, anak dahil may edad na kami ng Inay Erlinda mo. Ngunit kayang-kaya pa naman," si Tatay Luciano niya ang sumagot noon na may kalakip na ngiti sa labi."Ako nga'y madalas na inaatake ng altapresyon," sabat ni Erlinda sa ma
Naglalakad si Gavin papunta sa parking lot ng St. Benedict University nang biglang may huminto na itim na van sa tapat niya. Hindi na sana niya papansinin pa iyon nang bigla siyang harangin ng dalawang lalaki na lumabas mismo sa loob ng sasakyan."Ano'ng kailangan n'yo sa'kin, ha?!" naalertong tanong ni Gavin habang palipat-lipat ang tingin sa dalawang lalaki.Nakasuot ang mga ito ng pawang itim at pero hindi naman nakatakip ang mga mukha. Kaya naman malaya niyang nakikita ang mga mukha nang mga ito kahit gabi na iyon at poste lang ng ilaw ang tumutunghay sa kanila."Sumama ka sa amin. Kung ayaw mong masaktan," banta ng isa sa mga ito at humakbang pa palapit kay Gavin."Ano?! Bakit ako sasama sa inyo?!" kinakabahan nang
"ANAK, Hezekiah?!"Masayang sinalubong si Kiah nang yakap ng kanyang Nanay Rebecca nang bumaba siya ng tricycle. Gumanti rin naman siya ng yakap rito ng may luha sa kanyang mga mata. Talagang nangulila siya sa kanyang pamilya at ngayong kasama na niya ang mga ito, labis na kaligayahan ang nadarama niya."Nay, na-miss ko po kayo," lumuluhang usal ni Hezekiah sa may edad na ina habang yakap ito nang mahigpit."Kami man, anak. Nangungulila kami sa'yo ng mga kapatid mo," turan naman ng matanda na noon ay lumuluha na rin. Ni hindi pa nga sila nakakapasok sa kanilang kabahayan, ngunit iyon na sila at kapwa umiiyak.Nagbitiw nang yakap ng dalawa saka nagpunas ng kanya-kanyang luha. "'Lika, anak. Pumasok na tayo sa loob," nakangiting ani Nanay Rebecca at saka kinuha ang
"Ano'ng update sa ipinatatrabaho ko sa'yo, Attorney?" tanong ni Alejandro Montenegro sa kanyang abogado. Naroon sila ngayon sa kanyang private office sa mismong mansyon niya."El hermano menor de Akihiro Tetsuya actualmente asiste a la Universidad de St. Benedict. (Akihiro Tetsuya's younger brother currently attends St. Benedict University.) And anytime, we can take him," nakangising saad ng tiwaling abogado. Matapos niyon, nagsalin ito ng mamahaling alak sa wine glass at inabot ang isa kay Alejandro."Bien, porque quiero comenzar mi venganza. (Good, because I want to start my revenge,)" ani Alejandro sa kausap at saka nakasusuklam na ngumiti sa kaharap."I'm sure he has no idea about our plan, Mr. Montenegro," se
MULA sa pagkakahiga sa malambot na kama ay bumalikwas ng bangon si Akihiro nang pumasok ang kanyang Mama sa kwarto niya."Mom," ani Aki sa kanyang Mama. Ipinagtaka rin niyang seryoso ang mukha nito nang humarap sa kan'ya. Mukha itong galit na ewan."I'm sorry kung hindi na ako kumatok, anak. Where's Ysabelle?" usisa nito matapos maupo sa kanyang tabi."Nasa bathroom pa. Mag-sh-shower raw muna s'ya bago mag-breakfast. Why, Mom?" clueless na tanong niya sa ina.Katulad kanina, walang kangiti-ngiti ang kanyang Mama, kaya nasisiguro ni Aki na importante ang sadya nito sa kan'ya. "Can we talk? Ngayon na. Hihintayin kita sa library."Tungkol siguro 'to sa away
"PAKIUSAP Gavin, huwag mo sanang sasabihin kay Akihiro at maging kay Mr. at Mrs. Tetsuya ang kalagayan ko," nakikiusap na turan ni Kiah sa lalaki."But why, Kiah? Bakit ayaw mong ipaalam kay Kuya Akihiro?" kunot-noong tanong ni Gavin. "May karapatan si Kuya dahil niya ang dinadala mo," dagdag pa ng binata na bakas ang pagtutol sa tinig.Yumuko si Kiah dahil sa sinabing iyon ng lalaki. Ni hindi niya magawang tingnan si Gavin sa mga mata nito dahil natatakot siyang bigla siyang bumuhos ng iyak. Kaya naman, tumungo na lamang siya at pinagsalikop ang nanginginig na mga kamay."Kung ayaw mong ipaalam kay Kuya, fine. Naiintindihan ko, Kiah," ani Gavin mayamaya. Sa sinabi nito ay hindi mapigilang lumuha ni Kiah.