"TALAGA, mahal ko? Papayag kang bumalik ako sa Maynila upang magtrabaho?" nasisiyahang tanong ni Kiah sa asawa.
Masuyong ngumiti ang kanyang Mister saka hinaplos siya sa buhok. "'Yan ang nais mo, hindi ba? Alam kong hindi ka papayag sa nais kong dumito na lamang at ako na ang bubuhay sa pamilya mo. May sarili kang paninindigan simula no'ng mga musmos pa tayo."
Hindi mapigilang mapayakap ni Kiah sa asawa saka sumandig sa balikat nito na lagi niyang ginagawa simula pa noon. "Maraming salamat, mahal ko. Talagang napakabuti mo," nakangiting saad niya rito subalit mayamaya rin ay nabura ang mga ngiti niyang iyon nang maalala ang kalagayan ng asawa.
"May problema ba, mahal ko?" nag-aalalang tanong pa ni Carlos sa kaniya saka pilit pa siyang iniharap upang magpanagpo ang kanilang mga mata.
Sinalubong ni Kiah ang masuyong tingin ni Car
"TELL ME your reason kups, kung bakit mo kinukop si Hezekiah Delgado?"Kunot-noong pinukol ng tingin ni Akihiro ang kaibigan. "Kanino mo ba kasi nalaman 'yan?" inis pa n'yang tanong.Ngumisi nang nakakaloko si Heinz sa kan'ya saka inikot-ikot ang swivel chair na kinauupuan nito. "Ayon sa report, 16 na babae ang nagtatrabaho sa The Hidden Paradise, but we rescued 15 only. The girl who's named Hezekiah Delgado was missing. Na ayon pa sa report, isang Japanese businessman daw ang naka-bid sa babae. . . which is ikaw."Mukhang wala na 'kong ligtas, ah? Bumuntong-hininga si Akihiro saka sumandal sa kinauupuan. Pinagkrus pa niya ang mga braso sa dibdib habang matamang nakatingin kaibigan.
PAGLABAS ni Akihiro sa DISG ay agad siyang dumiretso sa hotel kung saan madalas silang mag-check in ni Zea. Nang marating iyon ay mabilis niyang ipinarada ang sasakyan at dumiretso sa lobby."Hi, I'm Akihiro Tetsuya. I'm with Zea Fuentes," pakli niya sa babaeng receptionist. Ngumiti naman ng matamis ang maganda at sexing babae sa kan'ya saka tila kinikilig pang sumagot."Alright, Sir. Ma'am Fuentes is waiting for you. Her room is number 271, third floor," magalang namang sagot ng babae saka ngumiti muli ng matamis sa kan'ya.Kakaiba rin ang tingin nito, at alam na niya kung anong ibig sabihin n'on. Hindi na 'yon bago sa kan'ya. Pero hindi na muna niya ito papatulan. Sa susunod na lang, wika niya sa isipan habang nakangiti rin dito.
"MAHAL ko, kumusta ang pakiramdam mo? Maayos na ba?" masuyong tanong ni Kiah sa asawa habang marahan niya itong hinahaplos sa buhok.Nasa ospital sila ngayon sa kabayanan dahil bigla na lamang natumba si Carlos habang nagtatrabaho sa bukid. Ayaw na sana niya itong payagan pang magtrabaho subalit mapilit ang asawa niya. Lalo raw siyang magkakasakit kapag naglagi raw siya sa bahay. Kung kaya't wala na siyang magawa kung 'di pabayaan ito. Subalit hindi naman niya akalain na ganoon ang aabutin ni Carlos. Tuloy ay sising-sisi siya.Ginagap ni Carlos ang kamay ng asawa na humahagod sa kaniyang buhok saka iyon dinala sa mga labi. Pagkatapos ay ngumiti siya rito. "'Wag ka nang mag-alala, mahal ko. Maaayos na ang pakiramdam ko. Siguro ay napagod lang ako sa pag-gapas ng palay."Ngunit alam ni Carlos na kasinungalingan lamang iyon. Alam
"HERE'S your order, Sir. One brandy on the rocks.""Gracias," nakansakaang turan ni Akihiro sa bartender saka dinampot ang baso na may lamang alak.Pangatlong araw na niyang nagsu-surveillance sa El Casa Montenegro ng gabing iyon. Patuloy pa rin ang pangangalap niya ng mga ebidensya na magdidiin sa nasabing club. May mga ilang impormasyon na rin naman siyang nakukuha, pero sa tingin niya ay kulang pa rin iyon kaya naman mas pinaghuhusayan pa niya ang pagmamanman.Gamit ang kaniyang hidden camera na kasing liit ng butones ay kinukuhanan niya ang lahat ng mga kaganapan sa loob. Hindi rin nakaligtas sa camera niya ang mga kabataan na lantarang nag-po-pot session. At dahil doon, napatunayan ni Aki na drug den nga ang lugar at front lamang ang nightclub.
"Just wait for my signal Agent Tetsuya, bago ka kumilos. And make sure na secure ang loob bago kami pumasok!"Pasimpleng inayos ni Akihiro ang earpiece niya nang marinig iyon saka kunwaring may inayos sa kwelyo bago sumagot. "Copy."Malikot ang mata niya ng mga sandaling iyon at mas tinalasan pa ang pakiramdam. Ngayong gabi nila sasalakayin ang nightclub. Naroon na rin siya sa loob at nagpapanggap pa rin bilang isang customer. Sa labas ay nakapwesto na ang PDEA, NBI at Quezon City Police Dis
HALOS tatlong araw ang itinagal ng biyahe ni Kiah bago siya makarating sa pier ng Maynila. Sa isang transportasyon na kung tawagin ay roro siya sumakay na kung saan, ang bus na sinakyan niya paalis sa kanilang probinsya ay isinasakay sa isang barko. Noong una kasi siyang umuwi sa probinsya, ay sa eroplano siya pinasakay ni Akihiro kung kaya't halos isang oras lang ang itinagal noon.Naku! Paano ba 'yan? Hindi ko alam kung paano pumunta sa Makati! Namomroblemang inililibot ni Hezekiah ang paningin sa pier. Hindi kasi niya kabisado ang Maynila kaya hindi niya alam kung paano makakapunta sa Makati, kung saan naroon ang condo unit ng amo."
Humahangos na dumating si Aki sa Metro Manila Police District station 11. Pagpasok niya sa presinto ay hinahanap agad ng mata niya si Kiah. At hindi nga siya nabigo, nakita niya ang babaeng nakayupyop sa isang tabi at tila basang sisiw. Umiling-iling pa muna siya bago niya ito mabilis na nilapitan."Kiah, what happen?" pakli niya rito saka umupo sa bakanteng upuan katabi nito. Nang makita siya ng babae ay biglang itong bumulalas ng iyak pagkatapos ay walang anu-anong yumapos sa kan'ya."Sir Aki, maraming salamat po at dumating kayo!" humahagulhol na wika ng dalaga sa kan'ya. Bakas sa mukha nito ang relief nang makita siya.Nabigla man si Akihiro sa pagyakap ng babae ay hinayaan lang niya ito. Besides, parang hinaplos ang puso niya dahil sa yakap na 'yon. Feeling kasi niya, ay kailangang-kailangan siya ni Kiah nang mga oras na iyon.
"BUT Kiah, 'di mo ba naiisip na lalaki ako?" pigil ang inis na tanong ni Akihiro sa babae na noon ay inosenteng nakatingin lang sa kan'ya. Goddammit! Mare-rape ka na, wala ka pa ring kaalam-alam! frustrated n'yang wika sa isipan habang pinagmamasdan ang kabuohan nito.Tumungo ang dalaga dahil sa sinabi niya. "E, Sir Aki. . . may tiwala naman po ako sa inyo," sagot nitong hindi pa rin makatingin sa kan'ya."My God Kiah! Kaya ka naloloko kasi mabilis kang magtiwala!" inis niyang saad habang masama ang mukha na nakatingin dito. "'Di lahat ng kaharap mo ay mapagkakatiwalaan mo, okay? Matuto kang makiramdam!""P-pero sir, kayo naman po iyan. Alam ko pong mapagkakat
After five years. . ."MOMMY, pauwi na po ba from work si Tito Gav?" tanong ng four years old na si Hikari sa kanyang mommy. Nasa kindergarten na ito at talagang napakabibong bata.Mula sa paghahalo ng nilutong caldereta para sa kanilang dinner, nilingon ni Hezekiah ang napaka-cute niyang anak saka hinaplos ang mahaba at kulot na buhok nito. "Yes, baby. Pauwi na ang Tito Gavin mo. Why?""E kasi po, Mommy, mag-pl-play po kami ng new doll ko," ani Hikari saka inakyat ang may kataasang stool at saka naupo. Bakas sa mukha ng musmos ang kasiyahan habang nakatingin sa kanyang mommy."Galing pa sa work ang Tito Gavin mo, baka pagod na siya,
Samantala, si Gavin ay kasalukuyang kinakaharap ang sariling kamatayan. Nakasuot sa katawan niya ang vest na may nakakabit na C-4 bomb. At hindi niya alam kung ilang minuto na lang ang nalalabi sa buhay niya. Ni wala siyang ideya kung sino ang mga dumukot sa kan'ya. Wala siyang kaaway lalong-lalo, wala siyang kinaatraso. Wala rin siyang kaalam-alam na sa mga oras na iyon, nasa panganib din ang buhay ng kanyang pamilya.Naroon siya ngayon sa isang lumang silid na mistulang isang bodega. Nakaimbak kasi roon ang kung anu-anong abubot na hindi niya mawari kung ano. Nakaupo siya sa mono block chair habang nakatali ang kanyang kamay at paa. Habang ang bibig ay mayroong duct tape.Kasabay nang nararamdamang takot at panginginig ng katawan nang mga sandaling iyon, lihim na lang ipinigdasal ni Gavin na sana ay may sumaklolo sa kan'ya sa bingit ng kamatayan.
"OKAY men, listen. Ang layunin ng misyon na ito ay upang mai-rescue si Mr. and Mrs. Tetsuya, pati na rin ang nakababatang kapatid ni Agent Tetsuya na ngayon ay hawak ng isang unknown kidnappers. Kasama rin natin sa operasyon na ito ang Cavite Provincial Police kaya makipag-cooperate kayo. Huwag magyabang. Ipakita ninyo na hindi basta-basta ang mga agents ng DISG. Am I clear?" malakas na turan ni Heinz sa mga ito.Si Agent Mikael Alvarez na matalik na kaibigan ni Akihiro ang team leader ng kanilang grupo na kung tawagin ay "The Black Squad". Ang nasabing grupo ay binubuo ni Akihiro Tetsuya, isang sniper; si Claude Scott na ekperto sa bomb denotation; si Raiko Ramos, Zyair Villanueva at Seven Cruz na pawang may excellent skills sa paghawak ng baril.Ang The Black Squad ang ipinadadala ng DISG sa m
"MASAYA kami ng Itay Luciano mo, anak at nadalaw mo kami. Talagang nami-miss ka na rin namin," nagagalak na ani Nanay Erlinda kay Hezekiah.Naisip kasi niyang dalawin ang mga biyenan at kumustahin ang mga ito. Matagal-tagal na rin kasi noong huli niyang nabisita ang mga ito. Iyong huli ay noong buhay pa si Carlos."Na-miss ko rin po kayo, Inay, Itay," nakangiti namang saad ni Hezekiah sa dalawang matanda. "Kumusta po naman kayo?" usisa pa niya sa mga biyenan."Medyo nagkakasakit na rin, anak dahil may edad na kami ng Inay Erlinda mo. Ngunit kayang-kaya pa naman," si Tatay Luciano niya ang sumagot noon na may kalakip na ngiti sa labi."Ako nga'y madalas na inaatake ng altapresyon," sabat ni Erlinda sa ma
Naglalakad si Gavin papunta sa parking lot ng St. Benedict University nang biglang may huminto na itim na van sa tapat niya. Hindi na sana niya papansinin pa iyon nang bigla siyang harangin ng dalawang lalaki na lumabas mismo sa loob ng sasakyan."Ano'ng kailangan n'yo sa'kin, ha?!" naalertong tanong ni Gavin habang palipat-lipat ang tingin sa dalawang lalaki.Nakasuot ang mga ito ng pawang itim at pero hindi naman nakatakip ang mga mukha. Kaya naman malaya niyang nakikita ang mga mukha nang mga ito kahit gabi na iyon at poste lang ng ilaw ang tumutunghay sa kanila."Sumama ka sa amin. Kung ayaw mong masaktan," banta ng isa sa mga ito at humakbang pa palapit kay Gavin."Ano?! Bakit ako sasama sa inyo?!" kinakabahan nang
"ANAK, Hezekiah?!"Masayang sinalubong si Kiah nang yakap ng kanyang Nanay Rebecca nang bumaba siya ng tricycle. Gumanti rin naman siya ng yakap rito ng may luha sa kanyang mga mata. Talagang nangulila siya sa kanyang pamilya at ngayong kasama na niya ang mga ito, labis na kaligayahan ang nadarama niya."Nay, na-miss ko po kayo," lumuluhang usal ni Hezekiah sa may edad na ina habang yakap ito nang mahigpit."Kami man, anak. Nangungulila kami sa'yo ng mga kapatid mo," turan naman ng matanda na noon ay lumuluha na rin. Ni hindi pa nga sila nakakapasok sa kanilang kabahayan, ngunit iyon na sila at kapwa umiiyak.Nagbitiw nang yakap ng dalawa saka nagpunas ng kanya-kanyang luha. "'Lika, anak. Pumasok na tayo sa loob," nakangiting ani Nanay Rebecca at saka kinuha ang
"Ano'ng update sa ipinatatrabaho ko sa'yo, Attorney?" tanong ni Alejandro Montenegro sa kanyang abogado. Naroon sila ngayon sa kanyang private office sa mismong mansyon niya."El hermano menor de Akihiro Tetsuya actualmente asiste a la Universidad de St. Benedict. (Akihiro Tetsuya's younger brother currently attends St. Benedict University.) And anytime, we can take him," nakangising saad ng tiwaling abogado. Matapos niyon, nagsalin ito ng mamahaling alak sa wine glass at inabot ang isa kay Alejandro."Bien, porque quiero comenzar mi venganza. (Good, because I want to start my revenge,)" ani Alejandro sa kausap at saka nakasusuklam na ngumiti sa kaharap."I'm sure he has no idea about our plan, Mr. Montenegro," se
MULA sa pagkakahiga sa malambot na kama ay bumalikwas ng bangon si Akihiro nang pumasok ang kanyang Mama sa kwarto niya."Mom," ani Aki sa kanyang Mama. Ipinagtaka rin niyang seryoso ang mukha nito nang humarap sa kan'ya. Mukha itong galit na ewan."I'm sorry kung hindi na ako kumatok, anak. Where's Ysabelle?" usisa nito matapos maupo sa kanyang tabi."Nasa bathroom pa. Mag-sh-shower raw muna s'ya bago mag-breakfast. Why, Mom?" clueless na tanong niya sa ina.Katulad kanina, walang kangiti-ngiti ang kanyang Mama, kaya nasisiguro ni Aki na importante ang sadya nito sa kan'ya. "Can we talk? Ngayon na. Hihintayin kita sa library."Tungkol siguro 'to sa away
"PAKIUSAP Gavin, huwag mo sanang sasabihin kay Akihiro at maging kay Mr. at Mrs. Tetsuya ang kalagayan ko," nakikiusap na turan ni Kiah sa lalaki."But why, Kiah? Bakit ayaw mong ipaalam kay Kuya Akihiro?" kunot-noong tanong ni Gavin. "May karapatan si Kuya dahil niya ang dinadala mo," dagdag pa ng binata na bakas ang pagtutol sa tinig.Yumuko si Kiah dahil sa sinabing iyon ng lalaki. Ni hindi niya magawang tingnan si Gavin sa mga mata nito dahil natatakot siyang bigla siyang bumuhos ng iyak. Kaya naman, tumungo na lamang siya at pinagsalikop ang nanginginig na mga kamay."Kung ayaw mong ipaalam kay Kuya, fine. Naiintindihan ko, Kiah," ani Gavin mayamaya. Sa sinabi nito ay hindi mapigilang lumuha ni Kiah.