PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV"HINDI NA PO kailangan! Hindi na namin kailangan ang tulong mo!" seryoso kong sagot sa tatay kong walang kwenta. Hindi ko na din hinihintay pa ang magiging sagot nito at kaagad ko nang pinatay ang tawag!Talagang hindi ko na kailangan ang tulong niya dahil wala na eh! Nakagawa na ako ng bagay na hindi ko dapat gawin! Tapos na at hindi na maibabalik pa ang mga nangyari na.Babalik sana ulit ako sa aking pagtulog nang muli na namang tumunog ang aking cellphone! Yamot kong tiningnan kung sino ang tumatawag at ganoon na lang ang salakay ng inis na naararamdaman ko nang ang walang kwenta ko na namang Tatay ang tumatawag! Sa sobrang inis ko, ini-off ko ang aking cellphone at muling nagtalukbong ng kumot at muling nakatulog.Nagising ako eksakto alas tres ng hapon at nang maalala ko si Mommy, kahit na masama pa ang aking pakiramdam, dali-dali na akong bumangon sa higaan. Kailangan ko na pala siyang puntahan sa hospital pero bago niyan dadaan muna ako ng banko. K
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV SAKTONG pagkalabas ko sa makitid ng iskinita at nag-aabang ng masasakyang jeep ng may biglang tumigil na puting van sa harapan ko. Dideadmahin ko sana iyun nang magulat na lang ako nang may biglang bumaba na mga kalalakihan na sakay noon at basta na lang akong nilapitan at hinila papasok ng van. Sisigaw sana ako para makahingi ng tulong pero hindi ko na nagawa pa nang bigla na lang nilang takpan ng panyo ang bibig ko kasabay ng biglang pagdilim ng buong paligid. Nagising ako na nakaupo na ako sa isang malambot na sofa. Takot akong iminulat ang aking mga mata at ganoon na lang ang galit na nararamdaman ng puso ko nang tumamapad sa paningin ko ang isang tao na ayaw ko na sanang makita pa habang buhay! Ang aking ama na si Gustavo Rodriguez! Katabi niya ang kanyang kerida na si Rosalinda tapos sa kabilang bahagi naman ng sofa ay ang kanyang anak-anakan na si Aurora. "Ano ang ibig sabihin nito?" kaagad kong tanong! Wala sa sariling napahawak ako sa
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV "Kung wala na po kayong sasabihin, pwede po bang uuwi na ako?" muling tanong ko sa ama ko na mukhang wala yata akong balak na pakawalan. Anong oras na ba? Tiyak akong sarado na lahat ng banko. Hindi na ako aabot gayung kailangang kailangan ko nang mapa-schedule ang surgery ni Mommy sa lalong madaling panahon. Hindi pwedeng ipagpaliban iyun lalo na at deilkado na ang kalagayan nito. "Hindi pwede. Bukas ng umaga ang kasal mo at hindi ka na pwedeng lumabas pa ng bahay!" seryosong sagot ni Daddy labis kong ikinagulat! Wala sa sariling mabilis akong napatayo para umalis na. Hindi niya naman ako piniigilan pero pagdating ng gate, ayaw naman akong palabasin ng mga bantay. Wala akong choice kundi ang muling bumalik sa living room para muling kumprontahin ang magaling kong ama. "Ano ba! Dad! Wala na bang kahit na katiting na konsensya ang natitira sa utak mo? Sinabi ko naman kasi sa iyo diba? Hindi kita kailangan! Hindi ka na namin kailangan!" galit kon
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV BUONG GABI na wala akong ibang ginawa kundi ang mag-isip ng paraan kung paano makatakas. Kaya lang, wala eh! Sa mismong labas ng silid ko, may dalawang lalaking nagbabantay. Hindi din ako makalabas dahil mismong pintuan ng kwarto kung saan ako naroroon ay naka-lock. Ganoon sila ka-sigurista! Ganoon ka walang kwenta si Gustavo Rodriguez dahil kahit sarili nitong anak ay kaya niyang ipagkanulo kahit na kanino. Gustuhin ko mang tawagan si Risa para ipaalam dito kung nasaan ako hindi ko din naman magagawa. Kinuha kasi nila ang cellphone ko. Mabuti na lang talaga at hindi nila pinakialaman ang bag ko kung nasaan nakalagay ang cheke na ibinayad sa akin kagabi ni Mr. Lucian. Habang pabaluktot na nakaupo sa kama, hindi ko mapigilan ang maluha. Hindi ko alam kung sadyang malas lang ba talaga ako simula noong ipinanganak ako or minalas lang din talaga ako ng sobra dahil si Gustavo ang naging ama ko. Ano man ang dahilan ay isa lang ang sigurado ako! HIndi ako
Precious Amber Rodriguez Pov "Mr. Andres Marcelo, do you take MIss Precious Amber Rodriguez to be your lawfully wedded wife,to have and to hold, in sickness and in heath, in good times and woe, for richer or poorer, keeping yourself solely unto her for as long as you both shall live?? " narinig kong sambit ng Pari. Nasa exciting part na kami ng aming kasal at hangang ngayun, hindi pa rin maampat-ampat ang pagpatak ang luha sa aking mga mata. Iniisip marahil ng nakakarami na luha ito ng kaligayahan kaya walang nangahas na tumulong sa sitwasyon ko ngayun or talagang wala silang mga puso at hinayaan lang nila akong maikasal sa mukhang butanding na nasa tabi ko. " Of course Father! With all my heart...I will accept her to be my beautiful and sexy wife !" proud na sagot ng butanding este ng groom ko na nasa tabi ko na kanina ko pa napapansin na kung makatingin sa akin ay parang gusto na akong lapain ng buhay! Pagkatapos sumagot ng groom, ako naman ang hinarap ni Father para tanu
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ "Uncle, ano ang ginagawa mo dito? Kilala mo si Amber?" narinig ko namang sabat ni David. Hindi ko naman maiwasan na magulat sa naging pagtawag niya kay Lucian? Uncle? Uncle ni David si Lucian Montefalco Ferrero? Kailan pa? Kaya ba pareho sila ng apelyedo? "David! My nephew? Ano ang ginagawa mo dito?Don't tell me na isa ka sa guest ng walang kwentang kasal na ito?" seryosong tanong naman ni Lucian kay David. Kaagad namang naglakad palapit sa amin si David habang kitang kita ko ang matinding pagtataka na nakaguhit sa mga mata nito. "Kilala mo si Amber? I mean...uncle, Amber was my girlfriend." walang paligoy ligoy na bigkas ni David. Hindi ko mapigilan ang maikuyom ang kamao ko. Anong sabi niya, girlfriend? Paano niya nasabing girlfriend niya ako gayung wala siyang ginawa para iligtas ako sa kasalan na ito. "Girlfriend? Kailan pa? Because as far as I know, Precious is mine!" seryoso at walang paligoy-ligoy ding na sagot ni Lucian dito. Ayaw din patalo e
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ Binuhat niya ako na bridal style habang blanko ang expression ng kanyang mukha. Narinig ko ulit ang mahinang pagsinghap ng mga bisita habang mabilis na naglakad palabas ng venue si Lucian habang buhat-buhat niya pa rin ako. "Mr. Ferrero, saan mo ako dadalhin?" hindi ko maiwasang tanong kay Lucian. Tuluyan na kaming nakalayo sa venue ng kasal pero wala pa rin yata siyang balak na ibaba ako. Nahihiya na ako sa mga taong nakakasalubong namin. '"Somewhere na malayo sa kanila para hindi ka na mahabol ni Mr. Marcelo!" seryoso niyang sagot sa akin. Tinahak niya ang exit ng hotel at pagkalabas namin, direcho siya sa nakahintong itim na sasakyan. BAgo pa kami nakalapit, binuksan naman kaagad iyun ng isa sa kung hindi ako maaring magkamali ay bodyguard niya at ipinasok ako sa loob. Hindi na ako nagsalita pa dahil wala naman din akong ibang gusto kundi ang makalayo sa lugar na ito. Makalayo kay Daddy at makabalik ng hospital para makumusta ang kalagayan ni Mommy.
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV PAGDATING ng hospital, nagpasalamat lang ako kay Lucian tsaka bumaba ng kotse at walang lingon-likod na naglakad papasok ng hospital. Ni hindi ko na nga napasin pa na nakasuot pa pala ako ng wedding gown. Mamaya na ako magpapalit ng damit dahil walang mas importante sa akin ngayun kundi ang makita si Mommy at ma-check ang kalagayan nito. Iyun nga lang, pagkadating ko sa ward kung saan naka-pwesto si Mommy ay ganoon na lang ang gulat ko nang wala na ito doon. Kaagad na bumaha ang matinding kaba sa puso ko at mabilis na lumabas ng ward at ganoon na lang ang laking pasalamat ko nang makasalubong ko si Risa. Napansin ko ang pagkagulat sa mukha nito nang makita niya ako. "Amber...ano ang nangyari sa iyo? Bakit ganiyan ang suot mo?" gulat niyang tanong sa akin. Wala sa sariling napatitig ako sa kanya at nang mapansin ko na namamaga ang mga mata niya kaagad akong kinain ng matinding pag-aalala. " Mahabang istorya! Si Mommy? Nasaan si Mommy?" kinakabahan k
LUCIAN POV Bago sumikat ang araw sa silangan, natupad ang utos ko sa tauhan kong si Ike na dalhin sa harap ko ang tatlong katao. Una si Lauren, sumunod si Aurora at pangatlo ay ang kasambahay na si Petra. Lahat sila ay kitang kita ang takot sa mga mukha. “Lucian, ano ito? Ano ang ibig sabihin nito?” nahintakutang tanong ni Lauren sa akin.Nakatali silang tatlo sa isat isa. “Tinatanong mo ako kung ano ang ginagawa niyo dito? Kailangan niyo pa bang itanong sa akin iyan imbes na ikumpisal niyo sa akin ang mga kasalanan niyo?” galit kong sigaw. “Hi-hindi ko alam kung ano ang sinasabi niyo. Hi-hindi ko maintindihan!’ ramdam ko ang panginginig sa boses ni Aurora na bigkas niya. “Hindi mo alam? Talaga bang hindi mo alam ang mga kalokohan na ginawa niyong dalawa ni Lauren? Ha?” galit kong sigaw sabay abot ko kay Ike ng hawak niyang latigo at walang sabi-sabing basta ko na lang iyun inihampas sa balat ni Lauren. “Lucian…No! Huwag! Huwag!” nahintakutang sigaw ni Lauren kasabay ng
LUCIAN MONTEFALCO FERRERO POV “Walang titigil. Hanapin niyo si Precoius!” halos dumagundong ang boses ko sa buong paligid dahil sa sobrang lakas ng pagkakasabi ko. Frustrated at pagkatapos kong makausap si Mommy, muli akong bumalik dito sa dating bahay. Tuluyan nang naapula ang apoy, naglaho na ang usok pero kasabay noon ay naglaho din ang katawan ni Precious. Sinuyod na din nila ang mga lugar kung saan ito posibleng napadpad kung sakaling nakatakas man ito sa nagngangalit na apoy pero negative. Walang Precious silang nakita at halos mabaliw na ako sa sobrang pag-aalala. “Boss, pasensya na po talaga pero hindi po talaga namin mahanap ang katawan ni Mam.” Kaagad na balita sa akin ng kanan kong kamay na si Ike. Ang takot na nararamdaman ng puso ko ay lalong nadagdagan. Hindi kaya napasama si Precious sa nasusunog na bahay? Na hindi siya nakaligtas at ang labi niya ay kasama na sa mga tumpok na mga abo na nakikita ko? SA kondisyon ng katawan niya bago namin siya iniwan, malabo t
LUCIAN MONTEFALCO FERRERO POV PAGDATING ko sa location ng lumang bahay kung saan ko ikinulong si Precious, naabutan kong tuuyan nang naapula ang apoy. Dali-dali kong nilapitan ang aking tauhan para tanungin at hanapin kung nasaan na si Precious. "Kumusta? Nasaan siya? Nasaan si Precious?" seryoso kong tanong. Isang malungkot na pag-iling lang ang naging sagot sa ng kanyang tauhan na nagbigay ng labis na takot sa puso ko. Hindi ako makapaniwala. Ang dating matayog na lumang bahay na nakatayo ay biglang naglaho sa isang iglap lang. "Inutil! Ano ba ang ginawa niyo? Bakit nagkasunog at bakit hindi niyo binantayan ang buong bahay?" galit kong sigaw at hindi na ako nakapagpigil pa. Sinipa ko siya na siyang dahilan kaya kaagad itong natumba sa lupa. Bakas ang takot sa mukha ng kasama nito at siya naman ang nilapitan ko. "Boss! Patawad! Umalis lang kami saglit para bumili ng pagkain ni Mam pero pagbalik namin nasusunog na ang bahay." kinakabahan nitong sagot. "Paanong nasunog a
LUCIAN MONTELFALCO FERRERO Kahit na hindi naman ako ganoon ka closed sa sarili kong Ina hindi ko pa rin naman maipagkaila sa lahat na sobrang nag-aalala ako sa kalagayan niya. Masyadong masakit sa akin ang makita siyang nakahandusay sa malamig na tiles ng mansion at umaagos ang dugo sa kanyang ulo. Ni sa hinagap, hindi ko akalain na magagawa ni Precious iyun. She's gentle, kind at ang tingin ko sa kanya noon ay hindi niya kayang manakit ng tao. Pero sa ginawa niya kay Mommy, lahat ng paghanga na nararamdaman ko dito ay napalitan ng galit at pagkadimaya sa isang iglap lang. Feeling ko hindi siya ang babaeng para sa akin. Sa lahat ng ayaw ko iyung mas bayolente pa sa akin. Walang sino man ang pwedeng manakit sa mga taong mahalaga sa akin. Ako lang ang pwedeng magsiga-sigaan at wala nang iba. "Doc, kumusta? Kumusta ang kalagayan ni Mommy?" kaagad kong tanong sa Doctor na tumitingin ka kay Mommy pagkalabas niya ng ICU. "She's okay. Stable na ang kanyang kondisyon at hintayin
THIRD PERSON POV "PATAY na ba?" seryosong tanong ng isang maganda at sexy na babae habang nakikipag-usap gamit ang kanyang cellphone. "Yes Mam. Sinigurado namin na sa pagbalik ni Sir Lucian sa warehouse, wala na siyang maabutan kundi abo na lang." proud na sagot ng kausap nito. "Good! Very good! Sabi ko na nga ba at maasahan ka eh. Ang bayad sa iyo ay ita-transfer ko nalang sa bank account mo. Magpalamig muna kayo at tatawagan ko na lang kayo ulit kapag kailangan ko pa ang serbisyo niyo." nakangising sagot naman ng babae na walang iba kundi si Lauren Yes...siya nga! Ang nag-iisang Lauren na walang takot na pumatay mapasakanya lang ulit si Lucian. May inutusan lang naman siyang mga hired killer para sunugin ang warehouse kung saan nakakulong si Precious Amber. Ayaw niya na kasing magbakasakali pa. Gusto niyang mamatay ang babaeng iyun para wala na siyang kaagaw pa kay Lucian Naniniwala siya na ang feelings ng tao ay nagbabago. Maaring galit ngayun si Lucian sa babaeng iyun
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ Hindi ko alam kung ilang oras akong nawalan na malay at muli akong nagising na namamanhid ang aking katawan. Nakahandusay ako sa malamig na semento ng silid na ito at kadiliman ang kaagad na sumalubong sa akin. Wala sa sariing napahawak ako sa aking tiyan. Sa kabila nang sakit ng katawan na nararanasan ko, ramdam ko ang gutom. Hindi ko na alam kung anong oras na at nasaan ako. Hindi ko din alam kung ilang oras na akong nawalan ng malay. Hindi ko mapigilan ang muling mapahagulhol ng iyak. Hindi ko mapigilan ang makaramdam ng awa sa aking sarili. Hindi ko inaasahan na dadanasin ko ang ganitong kasakit na parusa ng kapalaran sa akin. Hindi ko din inaasahan na basta na lang akong talikuran ni Lucian. Gamit ang natitira kong lakas, dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakahandusay sa malamig na semento ng silid. Pagkatapos noon, dahan -dahan akong naglakad patungo sa pintuan. Pagkadating ko doon, kaagad kong pinihit ang seradura at ganoon na lang an
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV NANG muli kong imulat ang aking mga mata ay nasa isang madilim na lugar na ako. Pinilit kong pakaisipin kung ano ba talaga ang nangyari at nang biglang dagsa sa isipan ko ang lahat bago ako nawalan ng malay ay wala sa sariling dali-dali akong napabangon pero muli ding napahiga nang maramdaman ko ang kirot sa aking pisngi. "Lucian! Lucian!" tawag ko sa pangalan niya. Sobrang dilim ng buong paligid at wala akong makita na kahit na ano. Hindi ko mapigilan ang mapaiyak. "Lucian. Lucian, nasaan ka?" tawag ko ulit sa pangalan niya. Napansin ko ang dahan-dahan na pagbukas ng pintuan ng silid kasabay ng pagbaha ng liwanag sa buong paligid. Nang mapatingin ako sa pintuan ay ganoon na lang ang tuwa na nararamdaman ko nang masilyan ko si Lucian "Lucian..nasaan ako? Nakakatakot ang lugar na ito. Bakit ang dilim?" sunod-sunod kong tanong sa kanya! Seryoso ang mukhang naglakad siya palapit sa akin at ganoon na lang ang gulat ko nang bigla niya na lang akong samp
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ KUNG gaano kainit ng pagtangap ni Lolo at Lola ni Lucians akin sa mismong party nila, kabaliktaran naman ang ipinapakitang pag-uugali ng Mommy nito. Hayag-hayagan nitong ipinapakita sa lahat na ayaw niya talaga sa akin. Nadagdagan pa ang kontrabida ng buhay ko nang bigla na lang dumating si David kasama si Aurora. Ayaw ko sana silang pansinin pero itong si Aurora na mismo ang lumapit sa akin at naunang bumati "Hi, Amber!" nakangiti nitong sambit. Pinakatitigan ko siya at hindi ko maiwasan na magtaka dahil wala man lang akong nabasang kahit na anong kaplastikan sa pagmumukha nito. Genuine ang ngiti sa labi at nagmumukha siyang anghel sa harapan ko. "HI!" malamig ang boses na bati ko sa kanya. Sa muling pag-ikot ng aking paningin, isang tao na naman ang nakita ko na ayaw ko sanang makita. Walang iba kundi si Lauren na magiliw na sinalubong ng Mommy ni Lucian. Hindi ko na lang pinansin pa at sakto naman na nag-umpisa na ang program. Nagsalita ang Lol
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV PAGKATAPOS akong masampal ng Mommy ni Lucian, mabilis na akong naglakad paalis. Patuloy pa rin siya sa pagdadakdak at gusto ko talaga siyang iwasan. Wala akong time para pakingan ang kung ano man ang mga nakakinsultong sinasabi niya. Mas lalo lang masasaktan ang kalooban ko at ayaw kong dumating sa punto na patulan ko siya. Na kailangan pang mag bastusan kaming dalawa para lang ipakita sa mga tsismosa kung sino ba talaga ang tama sa aming dalawa. "Ano ba iyang hilaw mong biyanan. Ang sama ng ugali." narinig kong sambit ni Risa sa akin. Direcho na kami sa labas para mag-abang ng taxi na masasakyan. Uuwi na lang kami ng penthouse dahil nawalan na ako ng gana sa pamamasyal. "Hayaan mo na. Wala tayong magagawa! Ayaw niya sa akin! Mababang uri na babae ang tingin iya sa akin." mahinang sambit ko. Ramdam ko pa rin ang pamamanhid ng pisngi ko dahil sa tinamo kong sampal. Mamayang gabi pa naman uuwi si Lucian at tiyak akong magtatanong iyun kung napaano ang pi