Maingat kong ibinaba sa crib ang anak kong mahimbing na nakatulog sa bisig ko. Isang buwan siya kahapon, magarbong celebration ang ganap na ihinanda ng Daddy niya ngunit wala naman akong ito.
Nagtungo ako sa tambayan ng asawa ko sa tuwing nandidito siya sa bahay. Ang library sa mansion na ginagawa niyang opisina. Binuksan ko ang pinto ng hindi kumakatok. Bumungad sa akin ang asawa ko na nakaupo sa kaniyang sviwel chair sa harap ng laptop. Magkasalubong ang kilay nito habang tinitipa ang laptop ngunit hindi nabawasan ang kaniyang kagwapuhan. “Z, kung wala kang gagawin bukas. Baka pwede nating ilabas si Baby.” Isinara nito ang laptop. Masamang tingin ang itinapon nito sa akin. “Don't you know how to knock?” “Kailangan pa ba 'yon? Asawa mo'ko. Hindi naman siguro nakakaabala sa'yo ang pagpunta ko dito.” Palagi siyang abala sa trabaho at mainit ang ulo sa tuwing nandito sa bahay. Hinahayaan ko na lang dahil alam ko naman na dahil iyon taong nagnakaw ng malaking pera sa kaniyang kompanya at hangang ngayon ay hindi pa rin nalalaman kong sino. Isang billion dollar ang nanakaw hanga nga ako sa gumawa no'n dahil ang lakas ng loob niyang nakawan ang pinamayamang tao sa mundo. Kung ako ang tatanungin, barya ang pera na nawala sa kaniya ngunit ang taong tulad niya ay hindi papalampasin ang ganitong bagay dahil isang kahihiyan iyon sa kaniya na kasalukuyang CEO. “You are interrupting me, for what?” Lumapit ako sa harap ng desk niya. Napansin ko na pagod siya nitong mga nakaraan at hindi makapagpahinga ng maayos. Kahit nga sa araw ng anak namin wala siya dahil 'yon pa rin ang inaatupag niya. “Kahapon hindi ka namin kasama ni Baby sa celebration baka pwede tayong lumabas bukas, pambawi mo naman ang sa kaniya...” Alam kong busy siya pero kahit kalahating araw lang total linggo naman bukas. Hindi naman siguro masama na bawiin namin 'yong kahapon na hindi kami kompleto sa birthday ni Baby. “Isn't enough yesterday? It cost half million then you have the fortitude to demand?” Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ang malamig niyang boses. Sa pananalita parang labag sa loob ang inihandang selebrasyon kahapon. Hindi ko 'yon hiniling sa kaniya kusa niya iyong ginawa para sa bata dahil wala naman akong ibang gusto kundi ang magkasam kaming tatlo kahapon pero wala ka! “Z, ipinapa— Tumunog ang cellphone niya kaya nanahimik ako. Dumapo ang mata niya sa akin nang marinig ang sinabi ng nasa kabilang linya. “Yeah. 7 AM.” Ibinaba niya ang cellphone. “I can't.” Napayuko ako sa simple niyang salita bago ibinalik ang atensyon sa laptop. Iyon ang sagot niya sa alok ko kaya wala akong magagawa na baguhin ang sinabi niya. Kapag siya nagdesisyon hindi na 'yon mababago ng kahit na sino, maging ako na asawa niya. Umalis na ako sa library ng ilang minuto na akong nakatayo roon at hindi niya pinapansin. Wala siyang balak na kausapin ako kung hindi importe. Ayoko namang mangulit at pilitin siya na sumama sa amin bukas dahil ayoko siyang magalit sa akin na mas lalo pang magtutulak palayo. Marahil, importante ang tawag na natanggap niya kaya uunahin niya ito kaysa ang makasama kami. Ganu'n naman talaga ang mga asawang lalaki, inuuna ang negosyo dahil ginagawa lang nito ang tungkulin na ibigay ang lahat ng kailangan ng pamilya. I convince myself of that though. Alam ko naman kung bakit ganu'n siya kalamig sa akin at hindi niya ako magawang tingnan tulad ng tingin ng isang asawa na mahal na mahal ang asawa nito. Ako ang may kasalanan ng lahat at kung hindi ko man maramdaman 'yong pagmamahal na gusto kong makuha ay naiintindihan ko. Bumalik ako sa silid upang tingnan si Baby, mahimbing pa itong natutulog. Hindi ko akalain paglipas ng siyam na buwan ay isa na akong ganap na Ina. Sobrang bilis ng pangyayari at hindi pa rin ako makapaniwala na nandidito ako sa lugar na 'to na minsan ko nang pinangarap. As a first time mom, everything are strange to me. Akala ko sapat na ang kaalaman ko ng 25 na taon dito sa mundo pero nagkamali ako. Na realize ko na mumulat pa lang ako sa tunay na mundo. Kakabukas pa lamang ng pinto sa akin nang pagiging isang Ina. Handa akong matuto at malaman kung gaano kasaya ang maging Ina habang nasubaybayan ang paglaki ng anak. Tulad ng mag-asawa hindi palaging mainit ang pagsasama. Hindi lahat ng oras ay bed of roses darating ang mga pagsubok na magpapatibay sa relasyon gaya ng pagiging Ina. Ang pagkakaroon ng anak ay biyaya ito ang magbibigay ng kaligayan sa'yo at lakas ngunit darating na mga pagsubok at mapapatanong ka na talaga bang tama ang naging desisyon mo sa buhay. Nakakapagod ang maging Ina lalo na kung bago ang lahat sa'yo tulad na lang ng sleepless night at kahit gustong-gusto mong magpahinga hindi mo magawa dahil uunahin mo ang anak mo. I been experiencing that this moment but despite of that my son is my happiness, my everything and the love for him is no one can do the same. Sa tuwing nakikita ko ang mukha niya parang hinahaplos ang puso ko sa sobrang tuwa. Sa tuwing nakikita ko ang ngiti niya nawawala lahat ng pagod ko siya ang energy ko. Pagod at puyat ako kagabi dahil sa okasyon na dinaos kaya sumampa ako sa kama at umidlip. Wala pang kalahating oras akong nakahiga sa kama narinig ko na ang iyak ni Baby. Kahit tamad akong bumangon ay nilapitan ko siya at pinalitan ng diaper dahil puno na ito. Bumalik naman agad siya sa pagtulog. Gabi na kaya imbes na bumalik ako sa pagtulog ay nagtungo ako sa banyo at mabilisang ligo ang ginawa ko dahil 'yon naman talaga kapag Ina ka na. Mabuti na lang at tulog pa siya ng matapos akong maligo. Nag-aayos ako ng sarili ko upang makababa nang makakain ako habang tulog pa siya. May kumatok sa labas ng pinto ng silid na ikinagulat ni Baby dahilan para umiyak ito. Binuhat ko ito at tinungo ang pinto. Bumungad sa akin si Manang ng buksan ko ito. “Ma'am, pinapasundo ka na ni Sir, kakain na ng hapunan.” “Sige, Manang, papatulogin ko muna si Baby.” Hindi naman ako hinayaan ni Manang na magtagal pa. Kinuha niya sa akin si Baby dahil siya na muna ang magbabantay dito habang kumakain ako. “Na saan ang Sir mo?” Tanong ko sa maid na nagsasalin ng juice sa baso. Nakahanda na ang maraming pagkain sa mesa. Kumunot ang noo ko dahil dalawa lang kami pero ang ipinahanda niya parang may fiesta! “Nasa garden, nag-uusap sila ni Miss beautiful Obrey,” Inismiran ako nito. “Kaya ikaw, sulitin mo na 'yang masasayang araw mo na nakahiga ka sa malambot na kama!” Nagmana siguro kay Z ang mga kasambahay niya sa kasungitan niya. Isa lang iyon si Berta sa kasambahay na ayaw sa akin. Hindi ko naman sila masisisi. “Hmp! Mang-aagaw.” Bulong pa nito bago tuluyang umalis. Sa totoo lang, nasasaktan ako sa mga naririnig ko sa kanila. Hindi naman ito ang unang beses na ganu'n sila sa akin halos mula ng dumating ako dito at kung may mabait man sa akin dito ay si Manang Henya lang. Alam ko naman ang totoo sa sarili ko pero masakit lang kasi ganu'n ang tingin nila sa akin na para bang napakasama kong babae na hindi na dapat isinilang pa. Umupo na ako sa kaliwang silya sa tabihan kung saan ang lugar ng isang asawa sa hapag. Tumuwid ako ng upo at ngumiti ako ng marinig ko ang papalapit na yabag pero agad ring nawala ang ngiti sa labi ko ng bumungad sa akin si Obrey. Natigilan ito ng makita ako pero dumiretso pa rin ito sa tabihan ko. Napayuko ako dahil sa uring titig niya ay nanliliit ako. “Excuse me.” “Ha?” Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Ibinigay niya ka Berta ang bag niya na tuwang-tuwa naman ito ng makita siya. Nagbatian silang dalawa na para bang mas amo pa niya si Obrey kaysa sa akin. “Hoy! Wag kang tumunganga lang diyan! Pwesto 'yan ni Madam ko kaya kung pwede lumipat ka!” Matagal bago nag-sink in sa utak ko ang sinabi ni Berta. Mula kasi ng dumating ako dito, itong silya na ang pwesto ko tapos may nagmamay-ari na pa lang iba. “Tingnan mo 'to, silya na lang papatagalin mo pang ibigay kay Madam, ang hilig mo talagang mang-agaw ng hindi sa'yo!” Tumayo ako at hinarap si Berta. Taas noo ako nitong tiningnan na para bang hindi man lang natatakot sa akin. Kanina pa ako nagtitimpi sa kaniya dahil ang gaspang niyang magsalita, mas lalo pang lumakas ang loob niyang nandito si Obrey. “Wag mong sasabihin na papatulan mo si Berta, bakit totoo naman 'di ba?” Nabaling ako kay Obrey. Naikuyom ko ang kamao ko kating-kati ko na silang sapakin pero alam ko na kapag ginawa ko 'yon ako lang naman ang mananagot kay Z. Dumating na si Z, kaya naman nakangiting sinalubong siya ni Obrey. Nakatingin siya sa akin kaya yumuko ako dahilan alam ko na ang iniisip niya na gumagawa ako ng gulo. Ipinaghugot pa nito ng upuan ang asawa ko bago ako itinulak ng bahagya para siya ang umupo sa pwesto ko. Huminga ako ng malalim bago ako umupo sa pangatlong silya dahil ayokong makatabi si Obrey kaya nagbigay ako ng space. “Babes, you really know my favorites.” Nakangiting kumuha si Obrey ng beef steak. Kaya naman pala napakaraming pagkain na nakahanda sa harap namin dahil dito si Obrey at paborito pa nitong pagkain. “Enjoy the foods, Ladies.” Ipinagpatuloy ni Z ang pagkain. Ako naman nagdadalawang-isip pa kung kakain pa ba ako o hindi na kasalo sila pero bakit ako aalis? Ako ang asawa at bisita lang siya kung tutuosin. Inabot ko ang steak pero natigilan ako ng pigilan ni Obrey ang kamay ko. “If you don't mind, this is my favorite as long as I'm eating I don't share. Let me finish.” Nahihiyang binawi ko ang kamay ko. Napayuko ako sa plato ko na kanin pa lang ang laman samantalang sila ay nasa kalagitnaan na nang pagkain. Gusto ko ng steak pero kung tira-tira ni Obrey lang ang matitikman ko, I go for adobo. “Oops, niluto ko 'to para kay Z.” Kinuha niya ang bowl at inilipat sa tabihan ng asawa ko na may ngiti. “Do you like it, babes?” “Delicious.” “Ubusin mo 'yan dahil ako lang ang nakakapaghain sa'yo ng paborito mo ng ganito ka sarap.” Matamis ang ngiti sa labi ni Obrey na nakatingin sa asawa ko bago ito pa simpleng lumingon sa akin na para bang sinasabi niyang kahit asawa ko si Z pag-aari niya pa rin ito. Alam ko naman na magaling talaga siya sa kusina dahil magiging chef ba siya kung hindi? Kung pinaparingan niya ako, okay. Ako na walang alam sa kusina, talo ako doon. Humigpit ang hawak ko sa mga utensils dahil sa ginagawa ni Obrey ayaw niya akong pakainin. Ito namang asawa ko wala man lang sinasabi na para bang wala lang sa kaniya ang ginagawa ni Obrey. Madami pang ibang putahe na nasa mesa pero ayoko ng kumuha ng kahit ano dahil ayokong may marinig ulit kay Obrey dahil baka masapak ko na talaga siya! Uminom na lang ako ng juice. Walang sabi-sabing iniwan ko sila dahil daig ko pa ang bodyguard na kasalo sa hapag na hindi naman gustong pakainin. Nagtaka si Manang ng makabalik agad ako sa kwarto. Nagtanong siya kung tapos na ako tango lang ang sinagot ko sa kaniya at umalis na siya para asikasuhin doon. Kinuha ko ang cell phone ko at um-order ng pagkain online. Gutom na gutom na ako eh at hindi ko na mahihintay pa ang umaga para kumain ng almusal. Papalitan ko sana si Baby ng mapansin ko na napalitan na ito ni Manang at mahimbing na ulit na natutulog. Makalipas ang 15 minutes bumaba na ako para sa ibaba na hintayin ang pina-deliver ko. Pababa pa lang ako ng hagdan ng makita ko si Berta na kausap ang guard at may hawak ito ng plastic na may tatak ng restaurant na pinag-orderan ko. “Berta, pakiabot na lang ito kay Ma'am Mary!” “Ano naman 'to? Pagkain? Nasa harap na kanina ng pagkain hindi pa kumain, ang arte-arte! Wala na ngang ginagawa grabi pa kung makagastos ng pera ni Sir!” Nakita ako ng guard kaya hindi ito mapakali at sininyasan niya si Berta pero patuloy pa rin ito sa pagsasalita. “Ang concern mo naman masydo. Hayaan mo, sa dami ng pera ng asawa ko hindi siya mauubusan ng perang pampasahod sa'yo!” Inagaw ko sa kaniya ang plastic. Nagulat at napaawang ang labi niya ng makita ako. Sinilip ko ang laman ng plastic, kompleto at walang kulang pero wala na akong ganang kumain dahil kanina pa ako nagtitimpi sa kaniya. “Mamamahalin at masarap ang lahat ng 'to, mukhang hindi ka pa nakakatikim kaya sa'yo na lang!” Nakangiting isiniksik ko sa dibdib niya ang plastic. Nagulat siya maging ang guard pero wala itong na gawa. “Mabulunan ka sana...” Inirapan ko ito bago ko iniwan. Ayaw ko sa lahat na hinuhusgahan ako na na kilalang-kilala ako pero wala nga silang ambag sa buhay ko. Gutom na gutom na ako pero mas nanaig ang galit sa dibdib ko sa katulong na 'yon! “Z?” Nanigas ako ng makita ang asawa ko na nakatayo sa itaas ng hagdanan. Kahit anong iwas ko na wag makagawa ng bagay na ikakagalit niya sa huli nanamnamin ko pa rin ang sakit ng mga salita niya.Galit na galit nga sa akin ang asawa ko ng gabing 'yon. Nagkasagutan kami at sa huli ako ang talo dahil nakita niya ang ginawa ko kay Berta.Ang masakit lang kasi mali ang taong kinampihan niya. Ako 'yong asawa pero hindi niya man lang inalam ang totoo. Wala naman siguro ang mababago kapag nalaman niya ang pambabastos na ginagawa sa akin ni Berta baka nga sabihin niya pa na; Well done, Berta.Hinatid kami ni Manang sa labas ng gate kung saan naghihintay ang taxi na ne-rent ko. Iyong driver kasing ibinigay sa akin ni Z katulad rin ni Berta halos silang dalawa ang magkasundo. Ayokong makasama 'yong mga taong mapanghusga at masama ang tingin sa akin.Isa pa baka kung ano pa ang sabihin no'n kay Z na mas lalong ikakagalit no'n sa akin.“Oh, mag-iingat kayo ah? Tsaka, mamaya ayusin niyo na rin 'yong problema niyo ni Sir.”Tumango lang ako kay Manang bago sumakay sa taxi na pinagbuksan mismo ng driver. Sinabi ko sa kaniya ang buong pangyayari at may tiwala ako sa kaniya na para nga siyang
Niyaya ko siyang kumain sa labas kasama si Baby pero tumangi siya. Niyaya ko rin siyang mamasyal kami pero tumangi rin siya. Nagpaluto ako ng lunch tapos dinala ko sa opisina niya pero hindi niya kinain dahil nagpadala ng lunch si Obrey at 'yon ang gusto niya. Nagpahanda rin ako ng dinner sa garden with candle lighting para romantic ang paghingi ko ng sorry pero hindi siya umuwi ng gabing 'yon.Halos isang linggo ko na 'yong ginagawa pero wala akong napapala kundi ang matigas niyang hindi. Humingi na ako ng sorry sa kaniya at gusto ko na magka-ayos kami pero malaki talaga ang galit niya kaya nagsawa na lang ako sa panunuyong ginagawa ko.Ako na nga ang-sorry kahit wala akong natatandaan na ginagawang kasalanan siya pa rin ang nagmamatigas. Alam ko naman kung gaano niya ako gustong itulak palabas dito sa mansion niya tulad ng kawalang gusto sa akin ni Berta na manatili dito.“Ma'am, ipagluto ko kaya si Sir ng adobo para sabay kayong kumain ng dinner mamaya.”“Wag na ho, Manang, mapapa
Paglabas ko ng banyo napatitig ako kay Z na karga si Zy. Nakasuot siya ng itim na pajama habang walang saplot pang itaas. Nakapagtataka na nandito pa siya na ngayon ang opening ng restaurant ni Obrey.“Seducing me huh?”Nanlaki ang mata ko at awtomatikong napatakip sa bibig ko ng dumampi ang labi niya sa labi. Humigpit ang hawak ko sa tuwalya na nakatapis sa katawan ko, bakit ba kasi ngayon ko pa na isipang magbihis sa closet?!“Damn! You ready for baby number two?”Nagulat kasi ako ng makita siya kaya imbes na dumiretso sa closet ay napatitig ako sa kanila ni Zy. Ang mas ikinagulat ko ang ginawa niyang paghalik sa akin!“Pinagsasabi mo!”Nagkatitigan ang mata naming dalawa para akong hinihipnotismo sa titig niya kaya ng hawakan niya ang kamay upang tanggalin sa bibig ko ay napagtianod.“Inaakit mo'ko...”Muli niyang idinampi sa labi ko ang labi niya. Mabilis lang 'yon pero dalawang beses niyang ginawa dahilan para humigpit ang hawak ko sa kamay niya na kumuha sa kamay ko kanina.He c
“I've been searching for you, what the fuck are you doing here?!”Bulaslas ni Z nang makatayo sa ibaba nitong walking house. May pawis sa noo niya pero agad itong na alis ng suklayin niya ito gamit ang daliri.“Sinabi ko bang hanapin mo kami?” Bahagya akong lumihis ng tingin sa kaniya at inihili si Zy habang nakaupo dito sa silya na gawa sa kawayan.“Hindi pero kanina ka pa hinahanap ni Delia! Kakain na! Alam mo pa VIP ka.” Nagulat ako ng umakyat siya at umupo sa kaharap kong silya. Pinakatitigan niya ako kaya yumuko na lang ako upang titigan si Zy habang hinahaplos ang kamay nito.“Tsk! Let's go.”Kung hindi nakakahiya kay Delia hindi na ako sasama sa pagkain ng hapunan. Naghihintay na sila sa amin. Nagdahilan na lang ako na nakatulog kami ni Zy sa cottage. Nalaman na rin nila na sa lovers cottage kami tumuloy ni Zy.“Babes, can you teach me with this?” May plastic gloves siya sa mga kamay niya. Kakain kasi kami ng nakakamay. Inihila ako ni Z ng silya sa tabi ni Delia bago siya um
“Anong ginagawa mo dito?” Hinihingal na napakapit siya sa dalawa niyang tuhod saglit bago siya lumapit sa akin at sinabing may photoshoot siya tapos tinakasan niya ng makita ako! “Hayst! Dalawang araw nang bugbog ang katawan ko sa taping, ayoko na!!” “Sa ginawa mong 'yan, wala ka na talagang trabaho!” Piningot ko ang tenga nito kaya napaupo naman siya sa buhanginan. “Ayoko na talaga, asawahin mo na lang ako!” “Baliw ka talaga!” Sisipain ko na sana siya ng mapansin ang apat na lalaking papalapit sa kinaruruonan namin. Si Z, Cjay, Benedict at Glen. Napakapit si Vico sa hita ko kaya winawaksi ko ito kasi daig pa akong Mommy niya. Ayan na naman siya takot na naman! “Tatawagin ko na ba si Sak?” Sunod-sunod siyang umiling. “Hindi! Hindi si Sak ang kailangan ko. Si Tak!” “Tak?” “Takbooooo!” Sobrang bilis na sana nang ginawang takbo ni Vico kaso hindi pa siya nakakalimang hakbang nadapa siya kaya nahuli siya ni Cjay! “Waahhh! Sak! Mila! Magpakita kayo!” Napatingin naman sa pali
Gabi na nang makarating kami sa mansion. Nagtataka pa nga si Manang na hindi ko kasama si Z na umiwi. Alam niya din pala na sasama sa outing na 'yon si Z pero wala rin siyang na banggit sa akin. Inasikaso ni Manang si Zy habang inaayos ko naman ang sarili ko. Pagkatapos kong maligo, sunod-sunod na notifications ng phone ko. Kumunot ang noo ko at halos maluwa ang mata ko sa tatlong magkasunod na deposit sa account ko na may halagang milyon. Naiiling na hindi sumampa ako sa kama. Natulog na ako pagkatapos kong kumain halos hindi ako makatulog dahil iyak ng iyak lang si Zy hangang sa sumapit ang umaga kaya para akong robot dahil sa puyat pero 'yong anak ko gwapo pa din kahit iyakin. Mabuti na lang talaga nandito si Manang siya na muna ang mag-aalaga kay Zy habang nagpapahinga ako. Alam niya kasing pagod ako dahil sa outing kaya gusto niyang makapagpahinga ako. Maghapon akong nakahilata sa kama nang magising ako gabing-gabi na. Muntik pa akong mahulog sa kama sa gulat ng makita ko si Z
“Berta sandali!” Sigaw ko mula dito sa veranda. Pagising ko naalala ko ang nangyari. Tumakbo ako papunta sa veranda. Nakita ko si Berta na nabitawan ang garbage bag at inilipad sa pool kukunin niya ito kaya pinigilan ko. Wala akong pakialam kong wala akong suot na tsinelas basta tumakbo ako pababa hangang sa marating ko ang pool! “Bakit ho Ma'am?” Magalang nitong tanong na ipinagtaka ko naman! Hindi ko siya pinansin. Lumapit ako sa pool ng wala akong makitang lumulutang dito maliban sa plastic. Sinilip-silip ko pa ang kailim-laliman ng pool pero hindi ko matagpuan ang two pieces ko na hinubad kagabi ni Z! “Ano bang hinahanap mo diyan, Ma'am?” Nilingon ko si Manang na hawak ang panglinis sa pool. “Iyong... Hindi ko pwedeng sabihin. Ako na lang po ang maghahanap!” Nameywang ako ng hindi ko makita sa table 'yong towel na dala ko na hindi ko naman nakagabi. 'yong tsinelas ko wala na rin hindi kasi ako naglakad pa akyat sa kwarto dahil karga ako ni Z. Iyong two pieces ko talaga ang ka
Mabilis akong bumaba sa sala upang maabutan si Zyron. Tumawag kasi ang Uncle Sen. At sinabing gusto niya akong bumisita ngayon sa kaniya. Magpapa-alam ako kay Zyron dahil isasama ko si Zy! Natigilan ako ng bumungad sa akin si Zyron na may hawak na bouquet. Ngumiti ito ng makita ako at nilapitan ako. “For you...” Tiningnan ko ang bulaklak na inaabot sa akin ang bouquet of red roses. “Hindi naman sa nakalimutan kong bumili, just this past few days, nahuli akong bumili kaya ubos na ang gusto kong bilhin. Hindi ako bumibili ng iba at ayoko bumili sa ibang shop.” Kumumpas ang kamay niya. Pumasok ang tatlong delivery boy na may dala na malalaking bouquet ng rosas. Purple, Blue and pink ang kulang ng mga ito. “Ang dami naman niyang bulaklak!” “Tsk! Paniguradong humingi na naman 'yan kay Sir! Alam mo naman na kapag nagtatampohan sila kinabukasan babahain ng bulaklak dito sa mansion.” “Mga chismosa! Balik sa trabaho!” Iyong bulongan ni Berta at Lena sa gilid rinig naman dit
𝐃 𝐈 𝐒 𝐂 𝐋 𝐀 𝐈 𝐌 𝐄 𝐑 This is work of fiction. Name, characters, businesses, places, event and incident are either product of the author's imagination or are use fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or death. Events, places, businesses is entirely coincidental. *** This book or any portion thereof may not be reproduced or use in manner whatsoever without the express written permission of the author. Any infringement of copyright is punishable by law. PLAGIARISM IS A CRIME. _ _ _ 𝐉 𝐀 𝐘 𝐏 𝐄 𝐈 ' 𝐒 M E S S A G E Hello, Everyone! I hope this message find you well. ’Marhay na aldaw!’ First of all, I can proudly said; HIS LOYAL WIFE (HLW) officially reached the finish line! You can read the whole and complete story of Zyron and Marylee! Ang pagmamahal, hindi ipinapakita sa ibang mapaparaan, hindi rin dapat na itinatago. Ang pagmamahal ay ipinapadama at ipinapakita sa pamamaraan na makikita kung gaano kahalaga ang isang tao para sa'yo.
Ang maglakad sa altar na nakasuot ng mamahalin at mahabang gown na puti ay hindi na bago sa akin. Ngunit ang nararamdaman ko ay tulad pa rin ng unang beses na ihaharap ako ni Zyron sa altar. Nasa gitna kami ng karagatan sakay ng isang malaki at bagong biling barko ni Zyron, ginaganap ang aming kasal. Hindi madali ang naging simula nang aming pagsasama ni Zyron. Hindi namin inaasahan na ang 'yong isang gabing pinagsaluhan namin ang magbubuklod sa amin sa panghabang-buhay. Ang maikasal sa kaniya ng gabing 'yon ay hindi ko inaasahan ngunit nangyari sa isang kisap-mata. Nagkaroon kami ng anak na naging tulay na buohin ang aming pamilya. We meet, I run—because I thought we are not marriage anymore. Look at now, we are here again, promising and cherish our loved. Saksi ang aming pamilya, mga anak namin, ang Mommy at Uncle Sen, ang Mommy at Daddy ni Zyron. Ang kapatid naming si Vico, sila Zymon at Obrey, ang mga kaibigan niyang palaging nandiyan para sa amin. Hindi rin nawala si C
“Lumayas ka dito! Doon ka sa Mrs. Lopez mo!” Hinampas ko siya ng hinubad niyang coat. Sinasalo niya ang hampas ko habang umaatras. “Baby, kalma! Kalma!” Sinalo niya ang kamay ko at kinuha ang coat niya. “Wala lang 'yon! Okay? Sinadya niya 'yong gawin dahil nakita ka niyang dumating.” He explained. “Malaman ko lang talaga na may relasyon kayong dalawa, iiwan kita Zyron! Hinding-hindi mo makikita ang mga bata!” Banta ko sa kaniya at ibinato sa mukha niya ang coat niya. “Tang Ina naman oh! Akala ko ba three months lang ang paglilihi bakit kahit eight months na si baby napaka-selosa mo pa din?!” Maktol niya at umupo sa couch. Napakurap-kurap ako ng makita si Cjay at Vico na nakatayo sa sulok ng sala, pinagmamasdan nila kami ni Zyron. “Nariyan pala kayo?” Hindi makapaniwalang tanong ko sa dalawa. Napakamot sa ulo si Cjay at umiwas ng tingin sa akin at si Vico naman ngumiti ng pilit. “Ah... Oo! Hi, Mary!” “Armalite rin pala bunganga mo? Buti napagtitiisan pa ni Kuya.” Pilit na ngum
Kinabukasan, nagising ako na tinatamad na bumangon. Nakita ko si Zyron na nakatayo sa harap ng salamin, inaayos ang suot na necktie. “Are you leaving?” I asked him while I'm still on the bed. “Hey! How do you feel?” Nilapitan niya sa kama at ginawaran ng halik sa pisngi at noo. “Good morning, baby.” “Morning...” I close her eyes and I felt his lips on my cheek again. “Baby, I'm so worried about you. I ask Cjay to bring the doctor here, you don't have to worry about the kids—Henya will staying here for a while. All you need to do is to rest, okay?” “Okay. I'm sure, wala akong sakit. Madalas lang akong mahilo at masama ang pakiramdam ko nitong nakaraan.” “I want to make sure.” He kiss my hand. “I cook breakfast. Ipapadala ko na lang kay Henya para hindi ka bumaba.” “Dito ka lang. I want you here, Zyron.” My eyes is pleading. “Baby, I'll be right back.” Alam kong abala siya ngayon dahil sa nalalapit na pagbukas ng kaniyang hotel pero sa tuwing iniisip ko na makakasama niya si Mrs.
“Baba... Baba. Baba...” I woke up because of my son's tender voice that music sounds to my ears. Tumama ang mata ko kay Rohan na nakaupo sa may uluhan ko habang hinahaplos ang buhok ko. He look sad but he smile when he saw I open eyes. “Baba!” “Why you're here?” Inilibot ko ang paningin sa kwarto. Walang ibang tao sa kwarto maliban sa aming mag-ama. Umaga na pero hindi niya pa rin ako pinapansin, nakakainis! “Baba sick?” Worried flash on his beautiful eyes. “Nah. Let's go shower?” I kiss his cheek. “Va bene!” I chuckled as I heard his Italian language. Binuhat ko siya at dinala sa banyo. Imbes na makipagtalo sa kaniya natulog na lang ako. Nagseselos ako at naghihintay lang naman ako ng lambing pero hangang ngayon hindi niya pa rin ako nilalapitan. Kung alam niya lang kung gaano ko siya gustong yakapin at halikan. I miss her didn't she miss me too? If you are wondering why we end up together? It's a long story but I make quick and simple. Three days after rejected my propo
***FIVE YEARS LATER*** “Baba! Baba?! Baba!” A cute voice of my son filled my ears and interrupt the man who discussing in front of me. Inikot ko ang sviwel chair na kinauupuan ko upang harapin ang anak ko. Hindi nga ako nagkamali, nakatayo siya sa may pinto na mahaba ang nguso at galit ang mga mata—na minana niya sa kaniyang Mama. Nasa likod niya ang sekretarya ko na nakayuko. “I'm sorry, Sir.” Ikinumpas ko ang kaliwang kamay ko tanda na umalis na ang sekretarya bago kumumpas muli ang kamay ko tanda na lumapit sa akin ang anak ko. “Baba!” Mabilis siyang tumakbo papalapit sa akin at bakas sa mukha niya ang tuwa. Dinala niya ang sarili sa kandungan ko at yumakap. Pinagmamasdan ako ni Benedict, Glen at Cjay na nandito rin sa loob ng conference room. “Baba's busy.” I whispered on him before I kiss his cheek. “Baba, Sono annoiato.” He answered with the Italian accent and language. “Mister Zacarious, do he is your son to Miss Roxanne?” Mister Portem asked, isa sa mga ka m
“Let's play. I have online game here.” “Later. Picture muna tayo, gayahin mo ako.” Nilabas niya ang dila niya at pinalaki ang mata. Imbes na gayahin siya hinalikan ko siya sa pisngi dahil natutuwa ako sa kaniya. Na inis siya sa akin dahil sa ginawa kong hindi pagsunod sa kaniya napindot niya na. I love it, suit for my wallpaper. He changed my lock screen, his photo. Nakangiti at lumabas ang biloy niya. Nakapikit ang isa niyang mata na animo'y nakakindat. He look so handsome in that photo, really cool. I play Mobile Legends while teaching him. His not that hard to teach, ang bilis niyang makuha. Naglaro siya hangang sa makatulog na nakakulong sa bisig at katawan ko. Inayos ko na siya sa kama at tinabihan ko ang Mommy niya pero hindi ako makatulog dahil dumikit lang sa'kin ang katawan niya nabubuhay ang katawang lupa ko. Hindi ako nakapagpigil, I put my hard cock inside her reddish tight pussy and fuck! I feel, relax and I fall asleep. That moment, I felt I've got my family. Sulo
“Putang Ina!” “Hoy! Gago!” “Yawa maling mansion yata 'tong napuntahan ko!” “Shit! Na saan ang cell phone ko? Paniguradong viral 'to with a caption. 'Ang dakilang si Zyron Zacarious naka-pampers!'” Nagtawanan sila nang makita ako. Mabilis akong bumangon sa kama pero hindi ako makakilos ng mapagtanto na ginapos ang mga kamay at paa ko! “Putang Ina! Zymon!” Pilit akong kumakawala sa gapos. “Get that fuck off!” Sita ko kay Benedict na kinukunan ako ng vedio. Isang umaga, nagising na lang akong nakagapos sa kama at nakasuot ng pampers at nakagapos sa kama! Ang natatandaan ko lang, uminom ako ng makauwi ako sa mansion at gumamit ng marihuwana. It's keep me up all night but why the fuck is that I fuckin' don't know what happened! Why I don't do use drugs? I still care about my health. Drugs not good at all even if it's makes me money for me. “What the fuck are you all standing there?! Kalagan niyo ako!” Ang bilis ng pintig ng ugat sa sintido ko dahil sa galit. “Gising na p
Umuklo ako upang magkatapat ang mukha naming dalawa. Hindi siya nagpatinag kaya mas lalo akong natuwa sa kaniya. Nanginginig pa ang mga kamay ko nahawakan siya sa ulo pero hindi pa 'yon nakakalat sa kaniya ng may humila sa kaniya. “Tatay! Tatay niaaway niya ako! Kinuha niya si Poging baliw!” Sumbong niya kay Bugoy. “Sir! Pasensya na ho kayo sa ginawa ng anak mo! Pasensya na po talaga!” Pinunasan niya ang sapatos ko gamit ang hawak niyang towel bago kinarga niya ang anak ko. Naikuyom ko ang kamao ko habang nakatitig sa kaniya ng masama kahit na nakasuot ako ng shades alam ko na ramdam niya ang galit doon dahil nagbaba ito ng tingin. Ang lakas ng loob niyang angkinin nito ang anak ko! Gusto ko siyang bugbogin pero hindi sa harap ng anak ko. Bumaba si Glen at tinap ako sa balikat. Sumakay ako sa sasakyan ng hindi nilingon ang anak ko dahil baka hindi ko pa mapigilan ang sarili ko, maisama ko pa siya. “Fuck shit!” Sunod-sunod akong mapamura ng makitang hinahabol ng anak ko