Share

HIS LOYAL WIFE 3

Niyaya ko siyang kumain sa labas kasama si Baby pero tumangi siya. Niyaya ko rin siyang mamasyal kami pero tumangi rin siya. Nagpaluto ako ng lunch tapos dinala ko sa opisina niya pero hindi niya kinain dahil nagpadala ng lunch si Obrey at 'yon ang gusto niya. Nagpahanda rin ako ng dinner sa garden with candle lighting para romantic ang paghingi ko ng sorry pero hindi siya umuwi ng gabing 'yon.

Halos isang linggo ko na 'yong ginagawa pero wala akong napapala kundi ang matigas niyang hindi. Humingi na ako ng sorry sa kaniya at gusto ko na magka-ayos kami pero malaki talaga ang galit niya kaya nagsawa na lang ako sa panunuyong ginagawa ko.

Ako na nga ang-sorry kahit wala akong natatandaan na ginagawang kasalanan siya pa rin ang nagmamatigas.

Alam ko naman kung gaano niya ako gustong itulak palabas dito sa mansion niya tulad ng kawalang gusto sa akin ni Berta na manatili dito.

“Ma'am, ipagluto ko kaya si Sir ng adobo para sabay kayong kumain ng dinner mamaya.”

“Wag na ho, Manang, mapapagod lang kayo. Hindi natin sigurado kung dito siya uuwi pagkatapos niya sa trabaho.”

Narinig ko kasi na nag-uusap si Berta at ang driver na si Sopot na kaya madalas ng hindi umuwi si Z dahil doon na ito kay Obrey umuuwi.

“Maryyyy!”

Nabulabog ang tao sa buong mansion dahil sa sigaw mula sa labas ng gate. Mula dito sa veranda na kinatatayuan ko nakita ko si Vico sa labas na kumakaway habang tumatalon-talon pa.

Nag-uunahan namang pumunta sa may gate si Manang, Berta at Sopot. Nag-uusap ang mga ito maya-maya pa itinuro ako ni Vico kaya naman tumango ako kay Manang para sabihing patuloyin.

Ibinaba ko si Baby sa crib at siniguro na hindi ito magigising basta-basta bago ako bumaba sa sala. Nakapamaywang na palibot-libot ang tingin ni Vico at nagulat ng makita ako.

“Ibang klase! Gawa ba sa ginto ang bahay na 'to? Wag kang nagsumbong sa asawa mo, bubuhatin ko na 'tong couch!”

Sinubukan niyang buhatin ang couch pero hindi niya ito maiangat kahit man lang ng kaunti.

“Wag na pala!” Pinagpag nito ang kamay.

“Nang huling pumunta dito, ayaw ni Z na may basura sa tapat ng bahay niya. Ano sa tingin mo ang mangyayari sa'yo ngayong nandito ka sa loob?”

“Huh! Wala dahil siniguro ko na wala si Zyron bago ako pumunta dito!”

“Ang lakas talaga ng trip mo, eh!”

Umupo ako sa sofa at tinabihan naman ako nito na sobrang dikit na dikit sa akin kaya agad ko itong na itulak palayo sa akin ng mapansin na nandito si Berta at Sopot nanunuod sa amin.

“Anong ginagawa niyo diyan? Imbes na tumayo kayo ikuha niyo kami ng mainom ni Vico!”

Pinaningkitan ako ng mata ni Berta at ayaw pang umalis kahit na hinihila na ito ni Sopot papuntang kusina.

Iwan ko ba kung anong pinuputok ng butse niyang si Berta hangga't kaya kong magtimpi, magpipigil ako dahil mauuna pa yata akong mapapalayas dito kaysa sa kaniya.

“Hindi ka na sana nagpahanda, may dala akong meryenda!” Binuksan nito ang plastics na nasa ibabaw ng center table. “Binili ko 'to sa bagong bukas na shop! Tikman natin mukhang masarap naman eh.”

Hindi pa ako nakakapagsalita nang dumating na si Berta dala ang tray na may lamang dalawang baso ng juice. Labag sa loob na inilapag nito sa mesa ang dala.

“Enjoy your foods!”

“Huh? Wala kang dalang pagkain 'no! Alisin mo na nga 'tong juice sa harapan ko. Sawang-sawa na ako diyan!” Napakamot si Vico sa ulo.

“Berta.” Tawag ko dito ng talikuran ang juice. Masama pa rin sa loob na kinuha niya ito at dinala sa kusina.

“Tikman mo 'ko dali.” Iniumang sa akin ni Vico ang sliced cheese cake kaya sinamaan ko siya ng tingin. “I mean, tikman mo 'to!”

Tinanggap ko ang iniumang ni Vico at napapatango ako ma nginunguya iyon dahil sa sobrang chessy, paborito ko 'to!

“Masarap?”

“Mas masarap ako.” Biro ko dito. “Hindi na ako magtatanong kong biro 'yan dahil hindi ako maniniwala hangga't hindi galing sa bibig ni Zyron!”

“Epal nito!” Tinulak ko ang mukha niya at inagaw sa kaniya ang tinidor ako na mismo ang nagpakain sa sarili ko. “In fairness, alam mo 'yong paborito ko!”

“Kung hindi mo naitatanong ako kaya bumibili ng mga pagkain na binibigay sa'yo ni Cholo kaya alam na alam ko mga paborito mo 'no!”

Napaawang ang labi ko sa katutuhanan na nalaman ko. Napatitig ako sa kaniya sa lahat ng sinabi niya ito lang ang hindi biro.

“Ayoko na babanggitin mo ulit ang pangalan ng gago na 'yon kung gusto mo pang makauwi ng buhay!”

“Sino bang pinagmamayabang mo 'tong tigre na 'to? Huh! Pusa lang 'to sa akin. Kaya ko siyang durugin ng pinong-pino na parang polboron!”

Tumayo pa si Vico habang dinuro-duro ang portrait ni Zyron na nakasabit sa pader. Nanlaki ang mata ko at hinila ang laylayan ng damit ni Vico ng biglang sumulpot si Z pero ang tanga walang preno ang bibig.

Malakas na tumawa si Berta at Sopot sa sulok dahilan para mapalingon kami ni Vico dito at kung hindi ako nagkakamali narinig ng mga ito nag lahat.

“Patay ka ngayon... Hala Sir! Gulpihin mo na 'yan!”

“Tingnan natin kong sino ang pulbos na lalabas!”

“Hay!”

Napatalon pa si Vico at nagtago sa likod ko ng makita si Zyron. Ako naman ang kinabahan dahil sa akin tumatama ang masamang tingin ni Z. Sinasabi ko na nga ba puro salita lang ang isang 'to!

“Pwede bang tawagin mo si Sak?” Bulong niya.

“Sinong Sak?”

“Sakloloooo!”

Itinulak ako ni Vico dahilan para masubsob ako sa dibdib ni Z at iyon ang kinuha niyang pagkakataon para makatakbo siya palabas ng bahay.

Itinulak niya ako palayo sa kaniya at akmang susundan si Vico pero hinawakan ko ang braso niya.

“Hayaan mo na siya dahil kaibigan ko siya. Kung galit ka na pinatuloy ko dito, sa akin mo na lang ibuntong ang galit mo, wala siyang ginagawa.”

Nagtama ang mata namin at saglit kaming nagkatitigan. Wala akong natanggap na sagot kaya tinalikuran ko na siya ng marinig na tinatawag ako ni Manang dalhin gising na ang anak ko.

Hindi ko nga alam kung dapat ba akong matuwa na umuwi siya ng maaga kasya sa inaasahan pero alam ko naman na hindi pa rin kami ayos.

Hindi ko nga alam kung ano ang ikinagagalit niya kay Vico na mabuti naman ito sa akin at bakit ko naman siya susundin na layuan si Vico kung napapangiti ako nito?

Ipinagtimpla ko ng gatas si Baby at pinadede ito. Kung may gatas lang na lumalabas sa suso ko hindi ako nagdadalawang-isip na magbreastfeed.

Habang pinapainom ng gatas si Baby nakatulog rin ako sa tabi niya kaya ng magising ako ay gabi na. Sinamantala ko ang oras na tulog pa si Baby para maligo at asikasuhin ang sarili ko sakto naman ng magising ito ay siya naman ang inasikaso ko at pinagtimpla ulit ng gatas.

“Ma'am, handa na ang hapunan, pinapasabi ni Sir na sabay na kayong kumain.”

“Pinapadede ko pa ho si Baby, mauna na kamo siya.”

Kung maari ayokong bumaba kung nandiyan si Obrey. Kapag dito 'yon kumakain ng dinner si Z pa mismo ang magdi-drive pa uwi ang ending hindi ko alam kung umuuwi pa ba si Z dito sa amin o hindi na.

“Wag kang mag-alala, wala si Madam Obrey.”

Hindi na ako nagprotesta kay Manang ng kunin niya sa akin ang anak ko at siya na nagpainom ng gatas. Inayos ko ang suot kong white floral long dress. Hindi siya masyadong fit pero nakikita pa rin nag kurba ng katawan ko kahit ano namang isuot ko.

“Why you took so long?”

Pagbaba ko sa sala nandoon siya sa couch nakaupo. Nagsu-surf sa I*******m. Nang makita ako agad na ibinulsa ang cell phone at nilapitan ako.

“Don't you hear me?” He's sarcastic.

“Pinapainom ko ng gatas ang anak ko. Hindi mo na sana ako hinintay kung na gugutom ka na.”

Nakita kong umarko ang sulok ng labi niya. Marahil sa sinabi kong 'anak ko' lang. Ngayon ko lang din ginamit ang salitang 'yon kasi ramdam ko naman na ako lang ang nagpapakamagulang kay Baby Zy.

Bumaba ang tingin ko sa kamay niya na dumapo sa bewang ko. May kakaibang init na hatid iyon kaya awtomatikong napalingon ako sa kaniya ngunit isang malaking pagkakamali ang ginagawa ko dahil dumampi sa pisngi niya ang labi ko!

“So-sorry...”

Nagkukumahog na lumayo ako sa kaniya pero hindi niya ako hinayaan. Para akong robot na iginaya niya sa dinning room. Hinugot niya ang silya na pwesto kuno ni Obrey kaya napatingin ako sa kaniya.

“Sit.” Gumalaw pa ang kilay niya.

Tinanggal ko ang kamay niya sa bewang ko at umupo sa pangatlong silya. Ayoko na umupo sa silya na may nagmamay-ari na!

Malakas na tumipa ang kamay niya sa sandalan ng silya na hinugot niya kaya napatingin ako sa kaniya. Bakas ang asar sa mukha niya dahil halatang napahiya siya kay Berta at Sopot na nakatayo sa kanto.

“Walang plato na naka-pwesto diyan alangan naman sa mesa ako kumain.”

Dalawang plato ang nakalagay sa mesa 'yong isa sa kaniya at 'yong isa dito sa harap ng silya na inupuan ko. Umigting ang panga niya ng makitang ganu'n ang set-up ng mesa bago dumapo ang mata kay Berta.

“Hayaan mo na, mabubusog naman ako dito.”

Sa klase kasi ng tingin niya kay Berta nilalamayan na kahit buhay pa. Ganitong-ganito rin 'yong nakahain nang dito kumain si Obrey kaya nagdadalawang-isip tuloy ako kung kakain ba talaga ako o hindi.

Umupo na siya at nagsandok ng pagkain. Imbes na tumunganga ako na kumakain siya ay tumayo ako.

“Where you doing? Don't you like the food? Isn't it your favorite?”

Oo, paborito ko ang mga 'yan kaya nga akala ko nang nandito si Obrey para sa akin ang mga 'yon pero hindi lang pala ako ang may gusto sa pagkain na 'yan kaya ayoko na!

“Mauna ka ng kumain, magluluto lang ako ng pansit canton, mabilis lang 'yon.”

Mabilis akong pumunta sa kitchen. Kung may alam man akong lutuin ay mga instant-instant lang 'yon. Bumalik ako sa dining na nakangiti habang inamoy ang pansit canton na niluto ko.

Natigilan ako ng makitang medyo nagulo ang ayos ng mesa. Nakasandal si Z sa silya niya habang nakatingala at nakapikit ang mata si Berta at Sopot naman halos mangalay na sa kakayuko at napansin ko ang panginginig ni Berta.

“Berta, ayos ka lang?” Tumango ito na hindi inaangat ang ulo. Weird.

“Pansit canton for dinner?”

“O-uhm. Busog pa kasi ako ng meryenda na dala ni Vico.” Nagulat ako sa malakas na pagtipa ni Z sa mesa at tinalikuran ako nito. “I lost my appetite!”

Bahala siya basta ako kakain. Sayang 'tong niluto ko ito na nga lang ang specialty ko masasayang pa!

“Obrey's new branch restaurant opening tomorrow. Let's have dinner at 8 there.”

Natigilan ako sa paghaplos ng mukha ng anak ko. Kahit kasi tulog na ito sa bisig ko gusto ko pa rin itong titigan sa ilalim ng maliwanag na buwan at mga bituwin dito sa veranda.

“Hindi na, masarap naman ang pagkain dito kahit si Manang lang ang nagluluto.”

Hindi niya naman masyadong ipinapamukha sa akin na madami na ang napagtagumpayan ni Obrey at her age, actually we the same age. Samantalang ako, trophy lang ang meron.

“Last time, your keep on asking me out. Now that I had time you're rejecting me.”

“For sure, nandoon si Obrey. Mas masarap kumain na kasalo ang nagluto.”

Pinigilan kong tumulo ang luha ko kaya bago pa mangyari 'yon naglakad na ako papasok sa loob ng kwarto. Inilapag ko ang anak ko sa crib nito.

“Kaya naman pala ayaw mong kainin 'yong pinahanda ko para sa'yo dahil busog ka sa pinameryenda sa'yo ni Natividad? It's that what you mean?”

“Z, sa ating dalawa ikaw 'yong hindi kumain kanina. Sino ang busog sa ating dalawa ngayon?”

Pinigilan ko ang sarili ko na wag sumigaw dahil kababa ko lang sa anak ko. Bakit ba napakabig deal sa kaniya ang pagtanggi ko? Samantalang sa ilang beses ko siyang niyaya nitong nakaraan kapag sinabi niyang hindi, wala akong angal.

Hindi na natuloy ang sasabihin niya ng tumunog ang cell phone niyang na iwan sa veranda. Napasuklay siya sa buhok bago tinungo ito at sinagot.

Nahiga na ako sa kama at nagkunyaring tulog habang hinihintay siyang tabihan ako pero pagbukas at sara ng pinto ang narinig ko tanda na umalis siya pagkatapos niyang makipag-usap sa phone.

Hindi man lang magawang magpa-alam kahit na alam niya na gising pa ako. Nang makaalis siya kinuha ko si Baby sa crib at dinal sa tabihan ko.

Kinabukasan pagbaba ko. Nakasalubong ko si Manang na may ngiti sa labi na dala-dala ang isang bouquet of roses.

“Ma'am, para sa inyo! Galing kay Sir, nagkabati kayo 'no?”

“Ho?”

“Tingnan mo na lang, may card sa loob!”

Tiningnan ko ang card at nakisilip na rin si Manang total siya naman ang may hawak.

“Good morning. –Z.”

Binasa ng malakas ni Manang ang nakasulat dahilan para magkatinginan kami. Salubong ang mga kilay ko habang si Manang naman ay ngiting-ngiti.

“Kung sino man po ang nagdala niyan paniguradong nagkamali lang.”

Halos isang taon na akong nakatira dito sa mansion niya wala akong natatanggap na bulaklak mula sa kaniya. Wala ring nakalagay na para sa akin 'yon kaya bakit ako matutuwa?

Paano pala kung para kay Obrey 'yon tapos dito lang na dala? Nakangiting kinuha ko ito kay Manang at maayos na inilapag sa center table.

“Wag niyo pong gagalawin dito baka may maghanap po,”

Dinala ko si Baby sa garden. First time kung paliguan si Baby dito sa likod bahay. Buong araw na si Baby ang inaatupag ko, I make sure na sobrang linis at bango niya kahit hindi ko maasikaso ang sarili ko basta sobrang linis niya.

“Bakit hindi mo tinanggap ang pinadala ko?”

Pagpasok na pagpasok ni Z sa kwarto 'yan agad ang sinabi niya nakuha ko naman ang ibig niyang sabihin.

“Iyong bulaklak ba? Walang nakalagay kung para sa akin 'yon. Isa pa hindi mo ako binabati ng ganu'n kaya inisip kong baka nagkamali ka lang ng pinadalhan.” Kinuha ko ang baby bottle ng anak ko. “Nga pala sa susunod, wag ka nang magpapadala ng mga ganu'ng bagay sa tuwing hindi ka matutulog dito.”

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Black_Jaypei
Hi! This is your Author, hope you have fun and enjoy reading. Interact with me!♡
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status