“Anong ginagawa mo dito?”
Hinihingal na napakapit siya sa dalawa niyang tuhod saglit bago siya lumapit sa akin at sinabing may photoshoot siya tapos tinakasan niya ng makita ako! “Hayst! Dalawang araw nang bugbog ang katawan ko sa taping, ayoko na!!” “Sa ginawa mong 'yan, wala ka na talagang trabaho!” Piningot ko ang tenga nito kaya napaupo naman siya sa buhanginan. “Ayoko na talaga, asawahin mo na lang ako!” “Baliw ka talaga!” Sisipain ko na sana siya ng mapansin ang apat na lalaking papalapit sa kinaruruonan namin. Si Z, Cjay, Benedict at Glen. Napakapit si Vico sa hita ko kaya winawaksi ko ito kasi daig pa akong Mommy niya. Ayan na naman siya takot na naman! “Tatawagin ko na ba si Sak?” Sunod-sunod siyang umiling. “Hindi! Hindi si Sak ang kailangan ko. Si Tak!” “Tak?” “Takbooooo!” Sobrang bilis na sana nang ginawang takbo ni Vico kaso hindi pa siya nakakalimang hakbang nadapa siya kaya nahuli siya ni Cjay! “Waahhh! Sak! Mila! Magpakita kayo!” Napatingin naman sa paligid si Cjay dahil akala niya may lalabas dahil may tinatawag ito. “May sayad yata ang isang 'to!” “OA! Nakakabingi ka na, Vico!” Saway ko sa kaniya kasi panay sigaw niya na akala mo naman babaeng ginagahasa! “Saklolo! Milagro kasi 'yon! Alangan naman Virgin Mary ang tawagin ko, hindi ka na naman na vir— Hinawakan ko ang braso ni Percy na nakahawak sa kwelyuhan nito. Tumingin pa ito kay Z bago binitawan. “Bitawan mo na siya, wala siyang ginagawang masama!” “Wala pa kasi kung hindi kami dumating hindi naman masama ang gagawin niyo kundi milagro!” Ngumisi si Glen at tinap ang balikat ni Z. “Tol, sigurado ka na ba talagang sa'yo ang anak niyan? Mamaya niyan nagpapalaki ka pala ng bastardo!” “Glen!” Banta ni Benedict. “Hoy! Ang sama ng tabas ng dila mo, lamang lang ng isang pitik 'yang katawan mo sa katawan ko kung hindi manghihiram ka ng mukha sa gagamba!” Kinuwilyuhan ni Glen si Vico at inilapit sa mukha niya ang mukha nito kaya naman kabadong-kabado si Vico na humihingi ng saklolo sa amin. “Kahit pa pareho tayo ng pitik na katawan hindi ka pa rin mananalo sa akin!” Itinulak ito ni Glen kaya sumubsob si Vico sa buhangin! Tutulungan ko sanang tumayo si Vico ng hawakan ako ni Z sa braso. Imbes na magpasabi ako sa tingin niya tinulungan ko pa rin si Vico at hinila papunta pabalik sa lugar namin. Wala naman silang nagawa kaya sumunod na lang sila sa amin at naligo sa dagat kong na saan si Delia at Percy. “Hanep! Bakit mo ako dinala dito?” “Para humingi ng pasensya sa inasta ng mga 'yon. Saan ka ba pinaglihi at napakaduwag mo?” Tinulak niya ako sa balikat at tumayo ng tuwid habang maangas ang datingan. “Anong duwag? Ang tawag do'n iwas sa gulo. Alam mo naman na hindi ako pwedeng masangkot sa kahit anong gulo dahil patay ako sa Daddy ko at kapag nalaman niyang si Zyron pa ang nakalaban ko baka siya pa bumugbog sa akin at palayasin na ako ng tuluyan sa bahay!” Oo nga naman. Nakamata sa kaniya ang media dahil isa siyang tagapag-mana ng isang production company! “Wala ka namang ginagawa.” “Akala mo lang 'yon!” Nakangiting inakbayan ako ni Vico. Kumaway ako kay Delia ng makitang papunta siya sa kinaruruonan ko. Nagulat ako na parang pagong na nagtago sa likuran ko si Vico! “Mary, anong ginagawa mo dito? Maligo na tayo!” Kunot-noo itong sumulyap sa likuran ko. Tinapik ko ang kamay ni Vico na nakahawak sa balikat ko dahil ang higpit! “What the hell is she doing here?” Bulong ni Vico habang nakasilip kay Delia. “Siya ang nagyaya sa akin dito.” Hinila ako ni Delia kaya tuluyan niyang nakita si Vico na hindi alam kung saan itatago ang mukha. Napatakip ako sa bibig ng mapagtanto na dating magkarelasyon nga pala si Delia at Vico! “What the hell are you doing here?” “Bakit bawal ba? Hindi mo naman siguro pag-aari 'to kaya pwede akong tumungtong 'no!” Binilatan ni Vico si Delia dahilan para magpapadyak naman si Delia sa asar dito. “Kahit kailan talaga, napaka-isip bata mo! Buwisit! Umalis ka sa harapan ko dahil nandidilim ang paningin ko sa'yo!” “Luh! Kinaganda mo 'yan?” Hinila ko na lang si Vico palayo kay Delia dahil baka sumabog pa 'yon sa galit kay Vico. Hindi ko nga alam kung paano silang naging magkasintahan na palagi silang nagbabangayan, hayst! Mas bata sa amin si Vico pero dahil sa taglay nitong gwapo, tindig at matangkad mapagkamalaan lang na magkasing-edad lang kami. Kung isip naman ang basehan sure na akong baby na baby pa siya. Ang isip bata niya eh! Sumapit ang lunch nandito pa rin si Vico. Kumain kami ng magkakasama maliban kay Obrey dahil nakatulog daw ito. Ang totoo niyan nakita lang nito si Vico para itong nakakita ng multo! “Tabi!” Tinulak ni Z si Vico kaya bumanga ito kay Cjay na katabi nito. Sumiksik naman si Z sa pagitan namin ni Vico at pa simple naman akong siniko ni Delia. “Sa tingin ko bet ka ng lalaking 'to.” Bulong niya kaya pinanliitan ko siya ng mata kasi ang lapit lang ni Z baka marinig siya. “Hoy!” Ayaw ko namang mag-assume pero sana nga! Nag-aaway pa kami sa tingin ni Delia. Inaasar niya kasi ako kaya pinandidilatan ko siya ng mata na tumigil siya. “What do you want to eat?” “Ikaw.” Nagulat ako sa tanong niya pero mas nagulat naman ako sa sagot ko. Halos lahat kami nagulat! Natigilan Si Z, well, kung banat 'yon. Buhangin lunurin mo na ako! Si Delia nagpipigil tawa. Si Percy at Cjay parehong na ubo samantalang si Benedict pasipol-sipol. Si Vico kung lumuluwa lang ang mata kanina pa nasa plato niya habang nakatingin sa akin samantalang si Glen tinitingnan ako na may pangmamaliit. Napayuko ako ng dumako sa kaniya ang tingin ko. Zy is on my arms so I sway a little to erase the tense. “Marunong ka na niyan ah.” Ipinatong niya sa sandalan ng silya ang braso niya at ang isa naman sa mesa. “Magaling ka bang sumubo?” “What?!” Napalakas yata ang boses ko kaya napalingon naman silang lahat sa amin! Kasi naman 'yong ibinulong niya sa akin nakakatindig balahibo! Awtomatiko akong napalingon sa kaniya at isa iyong pagkakamali! Halos magkadikit na ang mukha naming dalawa at ramdam ko pa ang hininga niya sa mukha ko! Tapos 'yong titig niya sa akin ang lagkit! At ito namang magaling kung kaibigan tumayo kaya nasagi si Z dahilan para maglapat ang labi naming dalawa na ikinagulat ng lahat! “Ay. Sorry!” Nagpeace sign pa si Vico sa akin. “Masarap ba?” Kung hindi lang si Zy ang hawak ko binato ko na si Vico. Sinulyapan niya ang mga kasalo namin na tumatawa. Wala lang ang nangyari samantalang ako ay halos halikan ko na si Zy sa sobrang pagkakayuko. “Subo. Ang sabi ko susubuan kita.” Sinusubuan niya akong kumain kahit sinabi kong huwag na pero para akong walang kamay sa ginagawa niya at talagang share pa kami sa isang utensils! Tuwang-tuwa ang mga ito na inaasar kami habang si Glen ay animo'y walang naririnig pero ang tingin sa akin daig pa akong ililibing ng buhay. “Hindi lumpo ang babaeng 'yan kaya niyang pakainin ang sarili niya. Kung ako sa'yo Zyron si Obrey ang pupuntahan ko sa kwarto upang kamustahin. Masama ang pakiramdam niya bakit hindi siya ang alagaan mo kaysa diyan sa babaeng wala namang sakit?” “Glen!” Sabay-sabay na tawag sa kaniya ni Cjay, Percy at Benedict. Tumawa ng pagak si Glen. “Hoy, Delia! Bantayan mo 'yang asawa mo. Wag mong papalapitin diyan sa kaibigan mo ahasin pa niyan si Benedict, 'di ba may kaibigan ka? Sino nga 'yon? Kayla? Yeah! Kayla you tried to steal her boyfriend nang hindi ka magtagumpay si Zyron ang inakit mo!” “Glen, tumahimik ka!” Sawa ni Delia at hinaplos ang likod ko. “Kung makapagsalita ka para namang kilalang-kilala mo si Mary! Hoy, Glen! Wala kang alam, bakit ka ganiyan magsalita ah? Akala ko pa naman mataas ang pinag-aralan ang mga tao dito mga wala palang kwenta ang pinag-aralan niyo na hindi niyo alam kung paano rumespeto!” “Anong sinabi mo?!” Itinulak ni Cjay si Vico dahilan para mapatihaya ito sa buhanginan. Tumayo si Vico at itinulak din si Cjay dahilan para masubsob ito sa mesa sa harap ni Glen. “Putang ina mong gago ka!” Itinapon ni Glen ang table napkin at sinugod si Vico. “Makikita mo ang hinahanap mo!” “Stop!” Natigilan sila sa sigaw ni Z. Nanliliit talaga ako kapag si Glen ang kaharap. Ako talaga ang malaking kahihiyan na nagpapagulo sa mga taong nakapaligid sa akin. Tumayo ako upang tulungan si Vico pero pingilan ako ni Z. Alam mo 'yong wala kang magawa sa taong nagpapahalaga sa'yo? Dumating ang manager ni Vico dahil kanina pa ito naghahanap sa kaniya. Kahit pa takasan ni Vico ang showbiz hindi siya makakaligtas dahil ito ang mamanahin niya sa kaniyang mga magulang. Kaya kahit makulit hindi nawawala sa television. Magkikita pa naman kami ni Vico, makakapagpasalamat pa rin ako sa kaniya at makakahingi ng tawad. Tinanggal ko ang kamay ni Z sa braso ko at lumapit ako kay Delia upang ibigay sa kaniya si Zy. Hinarap ko si Glen. “Hoy! Ikaw! Gusto kitang sampalin alam mo 'yon?” Sarkastikong tumawa si Glen. Lumapit ito sa akin at umuklo pa na inilapit sa mukha ko ang mukha niya. “Bakit? Alin ba sa dalawang sinabi ko ang totoo? 'yong hindi kay Zyron ang batang 'yan o babagsak ka rin sa kama ni Benedict?!” Kumuyom ang kamao ko sa sobrang galit sa kaniya. Hindi ko mapigilan ang galit. Sinampal ko siya ng mag-asawang sampal. Inambangan niya ako ng suntok pero agad siyang na itulak ni Cjay. “Tol, kalma. Kalma! Babae lang 'yan." Saway ni Cjay. “Puta kamo!” Kinalas ni Glen ang hawak ni Cjay at lumapit sa akin na galit na galit. Sinampal ko ulit siya dahil hindi ako ganu'ng babae! “Alam mo ikaw! Pwede mo akong husgahan hangang sa mamatay ka pero wag na wag mong idadamay ang anak ko! Wala siyang ginagawa sa'yo kaya mo siyang dinadamay dito! Bago ka manghusga ng iba! Tingnan mo muna 'yang sarili mo kung perpekto ka o isa ka rin sa taong mababa pa sa mga katulad ko!” Wala lang kay Z ang ginagawa ng kaibigan niyang si Glen. Ni hindi niya ito magawang sawayin sa ang bunganga nito mabuti pa sila Percy marunong makaramdam! Pumunta muna ako sa duyan para pakalmahin ang sarili ko. Nagagalit ako sa sarili ko sa mga nagawa ko sa nakaraan bakit ba kasi ganito ang kapalaran? Bakit ako mahihirapan ng ganito? Wala naman akong ibang gusto kundi ang maging tahimik ang buhay ko! Lumaking mabuting bata ang anak ko na may takot sa diyos. “Sorry, baby. I'm sorry kung nabuo ka sa isang pagkakamali pero hindi ko pinagsisihan na dumating ka sa buhay ko...” Hinaplos ko ang mukha nito habang tumutulo ang luha ko. “Patawarin mo ako kung lalaki ka na masama ang tingin ng tao sa mommy mo, sana wag dumating ang araw na pati ikaw ay magilit sa akin dahil hindi ko kaya...” “Mahal na mahal kita...” Pinunasan ko ang mga luha ko at ipinikit ang mata ko upang ipahinga. I want to relax my mind, my body and the whole me. “Wag kang magtulog-tulogan diyan, naririnig ko pa ang boses mo habang naglalakad ako palapit dito.” Iminulat ko ang mata ko at masamang tingin ang itinapon ko kay Z na umupo sa bangko harap sa akin. Nakasuot siya ng itim na bench short habang may tuwalya na nakasambay sa balikat niya. “Bakit hindi ka magswimming? Sayang naman 'yang suot mo kung hindi mo man lang ililigo sa dagat.” “Kung alam mo lang kung gaano ko gustong yakapin ang dagat pero hindi ko magawa dahil sa kagagawan mo! Hindi pa kita napapatawad sa iniwan mong mga marka sa dibdib ko!” Mahina siyang tumawa at pinisil pa ang tungki ng ilong ko kaya tinapik ko ito. Akala mo naman nakakatuwa siya! “Kapag napuna nila sabihin mo na lang na nakagat ka ng insikto kapag hindi naniwala sabihin mo na lang na...” Nagkagat-labi siya. “M*****g na Zyron ang may gawa.”Kinindatan niya ako. Sa inis ko sa kaniya nadampot ko ang milk bottle ni Zy at pinalipad iyon sa kaniya pero nahilagan pa rin! “Hindi bale na! Uuwi na lang kami ni Zy bago pa may masabing masama 'yang kaibigan mo.” “About Glen, kahit na anong sabihin niya hindi mo dapat ginawa 'yon sa kaniya. Asawa kita pero wala kang karapatan na manakit ng kahit na sino sa kaibigan ko.” Bakit parang kasalanan ko pa rin? Ang sakit lang kasi harap-harapan na akong binabastos ng kaibigan niya wala siyang ginagawa at ito pa rin ang kinakampihan niya. “Ide sorry, ako kasi ang nagsimula ng away. Hindi naman kasi masyadong bungangero 'yong kaibigan mo.” Umalis ako sa duyan. “Kaya pala kahit nakikita mo na wala kang ginagawa kasi mas matimbang sila kaysa sa akin. Mabuti pa 'tong si Percy at Cjay hindi ko asawa pero naramdaman ko man lang na ipagtanggol.” Bumalik ako sa cottage. Niligpit ko ana ang mga damit ni Zy. “Where do you think your doing?” “Uuwi na upang mas mag-enjoy mo ang outing na 'to! Maintindihan naman ni Delia kung bakit hindi na ako makaka-stay until 3 days.” “Aalis ka nang dahil lang sa sinabi ko? Ang unfair mo naman sa part na ayaw mong masaktan ko ang Natividad na 'yon pero si Glen sinampal mo!” “Bakit kita hahayaang saktan si Vico, eh wala naman siyang ginagawang masama? Ibahin mo siya kay Glen dahil wala siyang ginagawa sa'yo!” “Meron, Marylee! Meron!” Sinuntok niya ang pinto. “He's trying to steal what's belongs to mine!” Pagak akong natawa. Ano namang pagkakainteresan ni Vico sa kaniya? Eh, wala namang hilig sa business ang lalaking 'yon! Kalokohan lang ang alam no'n sa buhay. Maloko lang talaga ang lalaking 'yon at mga easy works lang ang gagawin no'n! “Kung anuman ang bagay na pinakakainteresan niyang agawin sa'yo, ide good luck!” Kinuha ko ang bag at maingat na binuhat si Zy. Iniwan ko siya sa loob ng cottage pero nahabol niya pa rin ako bago makalabas ng resort. “Stay.” Malalim ang boses niya na tila nangungusap. Hinarap ko siya bago binawi ang kamay ko. Gustuhin ko mang mag-stay hindi na maari. “Ayoko rin na manatili pa dito na pilit ibinabalik sa akin ang madilim kong nakaraan. Isa pa, isang gabi lang ang kaya kong bayaran na rent ng cottage.” Natigilan siya sa sinabi ko. Matagal bago siya nakatingin sa akin na may pagtataka. Bakit hindi niya ba alam? O, nakalimutan niya dahil kay Obrey na siya nagbibigay? Hindi naman kasi pwedeng simutin ang laman ng ATM kaya may 50k balance. Ayoko naman na maclose ang account na 'yon dahil siya ang nagbigay. Ang totoo niyan ang saving ko na ang ginagastos ko. Iyon ang ipon ko ng nasa college pa ako. Hindi naman kasi siya sa akin nagbibigay mula ng gumastos siya ng kalahating milyon para sa birthday ni Zy. Hindi naman ako humingi sa kaniya dahil hindi ko naman kailangan magsabi sa kaniya kung magbibigay siya direkta sa accounts pero ilang buwan na siyang hindi nagbibigay inisip ko na 'yong half million na 'yon ay katumbas na nang ilang buwang pantustos sa kailangan ni Zy. “Alam ko na si Obrey at ang anak niyo ang priority mo pero sana naman kahit kaunti kada buwan para sa anak ko maibigay mo rin. Hindi naman ako humihingi para sa sarili ko ang totoo niyan, wala din akong balak na humingi sa'yo kung para lang din sa sarili kong kagustuhan.” Tinalikuran ko na siya bago pa tumulo ang luha ko sa harapan niya. Habang naghihintay ng masasakyan walang tigil sa pag-agos ang luha ko. Responsibility niya 'yon kay Zy dahil nag-gagatas, diaper at vitamins! He need to provide everything for Zy because he's also his son! Sobra ko nang tinitipid 'yong savings ko para sumakto sa pangangailan ni Zy. Ang totoo niyan, ilang beses ko na ring sinubukang mag-apply sa ilang school pero walang tumatanggap sa akin dahil wala pa akong experience. Teacher ang tinapos kung course at license teacher pero hindi ko na gamit dahil nakampante ako sa buhay na meron ako noon.Hola, Ms L E! This chapter is dedicated for you.♡ Thank you so much for the gems and comment.🤍 *** Enjoy reading and have a nice day, Everyone. Don't forget to: Leave a comments, send gems and review. Thank you so much. Keep safe!♡ I really appreciate it! ||•Black_Jaypei•||
Gabi na nang makarating kami sa mansion. Nagtataka pa nga si Manang na hindi ko kasama si Z na umiwi. Alam niya din pala na sasama sa outing na 'yon si Z pero wala rin siyang na banggit sa akin. Inasikaso ni Manang si Zy habang inaayos ko naman ang sarili ko. Pagkatapos kong maligo, sunod-sunod na notifications ng phone ko. Kumunot ang noo ko at halos maluwa ang mata ko sa tatlong magkasunod na deposit sa account ko na may halagang milyon. Naiiling na hindi sumampa ako sa kama. Natulog na ako pagkatapos kong kumain halos hindi ako makatulog dahil iyak ng iyak lang si Zy hangang sa sumapit ang umaga kaya para akong robot dahil sa puyat pero 'yong anak ko gwapo pa din kahit iyakin. Mabuti na lang talaga nandito si Manang siya na muna ang mag-aalaga kay Zy habang nagpapahinga ako. Alam niya kasing pagod ako dahil sa outing kaya gusto niyang makapagpahinga ako. Maghapon akong nakahilata sa kama nang magising ako gabing-gabi na. Muntik pa akong mahulog sa kama sa gulat ng makita ko si Z
“Berta sandali!” Sigaw ko mula dito sa veranda. Pagising ko naalala ko ang nangyari. Tumakbo ako papunta sa veranda. Nakita ko si Berta na nabitawan ang garbage bag at inilipad sa pool kukunin niya ito kaya pinigilan ko. Wala akong pakialam kong wala akong suot na tsinelas basta tumakbo ako pababa hangang sa marating ko ang pool! “Bakit ho Ma'am?” Magalang nitong tanong na ipinagtaka ko naman! Hindi ko siya pinansin. Lumapit ako sa pool ng wala akong makitang lumulutang dito maliban sa plastic. Sinilip-silip ko pa ang kailim-laliman ng pool pero hindi ko matagpuan ang two pieces ko na hinubad kagabi ni Z! “Ano bang hinahanap mo diyan, Ma'am?” Nilingon ko si Manang na hawak ang panglinis sa pool. “Iyong... Hindi ko pwedeng sabihin. Ako na lang po ang maghahanap!” Nameywang ako ng hindi ko makita sa table 'yong towel na dala ko na hindi ko naman nakagabi. 'yong tsinelas ko wala na rin hindi kasi ako naglakad pa akyat sa kwarto dahil karga ako ni Z. Iyong two pieces ko talaga ang ka
Mabilis akong bumaba sa sala upang maabutan si Zyron. Tumawag kasi ang Uncle Sen. At sinabing gusto niya akong bumisita ngayon sa kaniya. Magpapa-alam ako kay Zyron dahil isasama ko si Zy! Natigilan ako ng bumungad sa akin si Zyron na may hawak na bouquet. Ngumiti ito ng makita ako at nilapitan ako. “For you...” Tiningnan ko ang bulaklak na inaabot sa akin ang bouquet of red roses. “Hindi naman sa nakalimutan kong bumili, just this past few days, nahuli akong bumili kaya ubos na ang gusto kong bilhin. Hindi ako bumibili ng iba at ayoko bumili sa ibang shop.” Kumumpas ang kamay niya. Pumasok ang tatlong delivery boy na may dala na malalaking bouquet ng rosas. Purple, Blue and pink ang kulang ng mga ito. “Ang dami naman niyang bulaklak!” “Tsk! Paniguradong humingi na naman 'yan kay Sir! Alam mo naman na kapag nagtatampohan sila kinabukasan babahain ng bulaklak dito sa mansion.” “Mga chismosa! Balik sa trabaho!” Iyong bulongan ni Berta at Lena sa gilid rinig naman dit
Gusto ko ng pumunta sa kwarto pero pinaki-usapan ako ni Uncle na mag stay muna kahit sandali pa. Wala na talaga akong gana na pumarty nang makita ko si Kayla at Cholo. Bumalik kasi sa akin 'yong lahat ng sakit ng nakaraan. Matagal ko na 'yong kinalimutan pero ng makita ko sila biglang bumalik sa akin ang ala-ala ng limang taon naming magkarelasyon ni Cholo. Mula highschool magkaibigan na kami ni Kayla, hindi pareho ang antas namin sa buhay dahil mayaman ako at mahirap siya pero hindi 'yon ang dahilan para hindi kami magkasundo sa lahat ng bagay. Noon pa man ay lapitan talaga ako ng lalaki. Karamihan nagpapatulong kay Kayla na makipagkilala sa akin. Hindi ko nga alam kong ano ang nagustuhan nila sa akin para sa unang kita pa lang ay magkagusto na sila. Malala pa ng tumungtong ako ng college dahil walang umaga na hindi napupuno ang locker ko ng flowers from random guy. Nakilala ko din si Delia at naging kaibigan dahil kaklase ko ito. Madaming sumubok na manligaw sa akin, I reje
Maingat kong ibinaba sa crib ang anak kong mahimbing na nakatulog sa bisig ko. Isang buwan siya kahapon, magarbong celebration ang ganap na ihinanda ng Daddy niya ngunit wala naman akong ito.Nagtungo ako sa tambayan ng asawa ko sa tuwing nandidito siya sa bahay. Ang library sa mansion na ginagawa niyang opisina.Binuksan ko ang pinto ng hindi kumakatok. Bumungad sa akin ang asawa ko na nakaupo sa kaniyang sviwel chair sa harap ng laptop. Magkasalubong ang kilay nito habang tinitipa ang laptop ngunit hindi nabawasan ang kaniyang kagwapuhan.“Z, kung wala kang gagawin bukas. Baka pwede nating ilabas si Baby.” Isinara nito ang laptop. Masamang tingin ang itinapon nito sa akin. “Don't you know how to knock?”“Kailangan pa ba 'yon? Asawa mo'ko. Hindi naman siguro nakakaabala sa'yo ang pagpunta ko dito.”Palagi siyang abala sa trabaho at mainit ang ulo sa tuwing nandito sa bahay. Hinahayaan ko na lang dahil alam ko naman na dahil iyon taong nagnakaw ng malaking pera sa kaniyang kompanya a
Galit na galit nga sa akin ang asawa ko ng gabing 'yon. Nagkasagutan kami at sa huli ako ang talo dahil nakita niya ang ginawa ko kay Berta.Ang masakit lang kasi mali ang taong kinampihan niya. Ako 'yong asawa pero hindi niya man lang inalam ang totoo. Wala naman siguro ang mababago kapag nalaman niya ang pambabastos na ginagawa sa akin ni Berta baka nga sabihin niya pa na; Well done, Berta.Hinatid kami ni Manang sa labas ng gate kung saan naghihintay ang taxi na ne-rent ko. Iyong driver kasing ibinigay sa akin ni Z katulad rin ni Berta halos silang dalawa ang magkasundo. Ayokong makasama 'yong mga taong mapanghusga at masama ang tingin sa akin.Isa pa baka kung ano pa ang sabihin no'n kay Z na mas lalong ikakagalit no'n sa akin.“Oh, mag-iingat kayo ah? Tsaka, mamaya ayusin niyo na rin 'yong problema niyo ni Sir.”Tumango lang ako kay Manang bago sumakay sa taxi na pinagbuksan mismo ng driver. Sinabi ko sa kaniya ang buong pangyayari at may tiwala ako sa kaniya na para nga siyang
Niyaya ko siyang kumain sa labas kasama si Baby pero tumangi siya. Niyaya ko rin siyang mamasyal kami pero tumangi rin siya. Nagpaluto ako ng lunch tapos dinala ko sa opisina niya pero hindi niya kinain dahil nagpadala ng lunch si Obrey at 'yon ang gusto niya. Nagpahanda rin ako ng dinner sa garden with candle lighting para romantic ang paghingi ko ng sorry pero hindi siya umuwi ng gabing 'yon.Halos isang linggo ko na 'yong ginagawa pero wala akong napapala kundi ang matigas niyang hindi. Humingi na ako ng sorry sa kaniya at gusto ko na magka-ayos kami pero malaki talaga ang galit niya kaya nagsawa na lang ako sa panunuyong ginagawa ko.Ako na nga ang-sorry kahit wala akong natatandaan na ginagawang kasalanan siya pa rin ang nagmamatigas. Alam ko naman kung gaano niya ako gustong itulak palabas dito sa mansion niya tulad ng kawalang gusto sa akin ni Berta na manatili dito.“Ma'am, ipagluto ko kaya si Sir ng adobo para sabay kayong kumain ng dinner mamaya.”“Wag na ho, Manang, mapapa
Paglabas ko ng banyo napatitig ako kay Z na karga si Zy. Nakasuot siya ng itim na pajama habang walang saplot pang itaas. Nakapagtataka na nandito pa siya na ngayon ang opening ng restaurant ni Obrey.“Seducing me huh?”Nanlaki ang mata ko at awtomatikong napatakip sa bibig ko ng dumampi ang labi niya sa labi. Humigpit ang hawak ko sa tuwalya na nakatapis sa katawan ko, bakit ba kasi ngayon ko pa na isipang magbihis sa closet?!“Damn! You ready for baby number two?”Nagulat kasi ako ng makita siya kaya imbes na dumiretso sa closet ay napatitig ako sa kanila ni Zy. Ang mas ikinagulat ko ang ginawa niyang paghalik sa akin!“Pinagsasabi mo!”Nagkatitigan ang mata naming dalawa para akong hinihipnotismo sa titig niya kaya ng hawakan niya ang kamay upang tanggalin sa bibig ko ay napagtianod.“Inaakit mo'ko...”Muli niyang idinampi sa labi ko ang labi niya. Mabilis lang 'yon pero dalawang beses niyang ginawa dahilan para humigpit ang hawak ko sa kamay niya na kumuha sa kamay ko kanina.He c