Hola, Joey Maunes Lazaro! This chapter dedicated for you.🤍 Thank you for reading and for the support! I really appreciate it! Enjoy reading! *** Marhay na aldaw kaninyo ngamin!🤍 Your Author Proud Bicolano.🫶 ||° Black_Jaypei °||
Alas 3 ng madalis araw, pinadede ko siya at pinalitan ng diaper pero hindi na bumalik sa pagtulog kaya kahit gustong-gusto ko pang matulog binantayan ko na siya. Binuksan ko 'yong TV at dahil wala namang ibang naka-install doon kundi puro nursery rhymes. Tuwang-tuwa siya ng narinig ang alphabet songs at isa pa malakas ang sounds sa buong kwarto dahil naka-connect siya sa speakers. Hindi ko maiwasang matuwa dahil manghang-mangha si Zy. Para bang hinahanap niya kung saan nagmumula ang sounds na naririnig niya. Nakaidlip ako habang pinagmamasdan siya dahil inihili ako ng music. Sobra akong nagulat ng maramdaman ko ang kaluskos mula sa likuran ko dahil akala ko na hulog si Zy! “Z, anong ginagawa mo dito?” Inaantok ang boses ko pero 'yong puso ko luluwa sa dibdib ko dahil sa gulat sa ginawang pagsiksik niya. Oo, sumampa rin siya sa crib! Kaya kapag ito nagiba ng wala sa oras makakatikim siya sa akin ng tadyak. “Nagising ako sa ingay niyo kaya pumunta ako dito. Sobrang aga p
Maghapon na sa nursery room kami ni Zy. Tinuturuan ko siyang kabisaduhin ang alphabet at magbilang. Kahit hindi pa siya marunong magsalita he's making sounds. Itinuro niya ang snake sa letrang S. Ginawa ko ang sounds ng ahas. “It's snake and the sound is shh...” “Iyan, turuan mo siya kung paano maging ahas habang bata pa siya. Total diyan ka naman magaling!” Napalingon ako kay Obrey na nasa labas ng nursery room. Ipinikit ko ang mata ko dahil nakalimutan ni Manang na isara ang pinto ng lumabas ito. “Zyro Lee...” Basa niya sa pangalan ng anak ko na nakadikit sa wall pumasok siya sa loob at inikot ang mata sa loob. Uminit ang ulo ng tumungtong siya sa loob dahil ayoko na may ibang nakakapasok dito kundi kami lang ni Zy at ang mga taong gusto ko lang! “Mas maganda kong papalitan mo 'yan nang pangalan ng anak ko. Masyado kasing cheap ang pangalan ng anak mo, halatang mula sa agaw.” Inilagay ko sa crib si Zyro bago ko hinarap si Obrey. Ilang araw na akong nagtitimpi sa kaniya at hi
Isang buwan na akong nagtu-tutor online. Sa una nakakapagod hangang sa na sanay na ako at mas lalong ginaganahan na magturo nang makatanggap ako ng sweldo. Hindi ko pinagsabay-sabay ang mga students sa isang araw kahit pwede naman dahil dalawang oras lang naman. Ang sa akin kasi ayoko na mawalan ng oras kay Zy. Siya ng priority ko at uunahin ko kaysa sa sarili ko dahil siya ang binigay sa akin ng diyos na hindi ko hiningi. Kaya kahit may session ako everyday okay sa akin dahil two hours lang at lahat na kay Zy ang oras ko. Tulad ngayon, after ng session ko this morning. Naisipan kong ilabas si Zy dahil matagal-tagal na kaming hindi nakakapasyal at higit sa lahat sumahod ako at gusto ko ipamili si Zy. “Hm... Ang cute, bagay sa'yo 'to, baby.” Itinapat ko kay Zy ang hawak kong damit. Hindi nga ako nagkamali, mas po-pogi ang baby kung suot niya ito. Nabigla ako ng biglang may humablot nito sa kamay ko. Nasagi pa ang mukha ni Zy. Sasampalin ko na sana ang may gawa nito ng makita kong
Umikot ako sa harap ng salamin habang pinagmamasdan ang hubog ng katawan ko na tangging white silk sexy dress ang suot ko. Exposed ang balat ko dahil spaghetti stap then abot hangang kalahati ng hita ko. Sinuklay ko ang mahaba at tuwid na tuwid kong buhok gamit ang aking daliri. I smile on the mirror seeing my sexiest body boys die for. “Wala namang masama kung susubukan ko ang payo ni Manang...” Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan halos hindi na lumapat ang paa ko sa sobrang tingkayad akong maglakad. Wala rin akong suot na tsinelas dahil ayokong gumawa ng ingay. Ang sabi kasi sa akin ni Manang kanina nang kunin niya si Zy ay nagkakape ito sa sala. Nandito nga si Zyron at ngayon napansin nakatingin na sa akin kaya nginitian ko ito ng sobrang lapad. Halos mapatid ako ng lumingon rin sa akin ang mga lalaking kausap nito na halos maluwa ang mata ng makita ako. Gusto kong sugurin si Manang dahil wala siyang sinabi na may mga bisita! “Woah...” “Witwiw.” “Mary may kapatid ka
Hindi talaga makapaniwala ang mga kaibigan ni Zyron lalo na nang ipakita niya ang litrato ng binyag nito. Mas lalong nagpumulit sila na binyagan ulit si Zy dahil maski ako Wala sa picture. “Binyagan ulit, next month!” Benedict exclaimed. Hindi matapos-tapos ang usapin tungkol sa binyag hangga't hindi pumapayag si Zyron na binyagan si Zy sa unang kaarawan nito. Hindi ko maiwasang mapangiti habang nakatitig sa anak ko na tuwang-tuwa sa mga nakikita niya lalo pa't may dalawang isip bata na nakikipaglaro sa kaniya. Siguro nga, ito na ang pinaka-special na months birthday niya. Hindi ko rin akalain na mag-sponsor si Glen ng pagkain kaya ayon wala na kaming mapaglagyan sa sobrang dami. Tama nga si Delia mabait naman si Glen kaya alam kong hindi niya deserve kung anuman ang nangyari sa kaniya na mauwi pa sa therapy sa ibang bansa. “Tara na, lumabas na tayo.” Napaigtad naman ako ng biglang may bumulong sa tenga ko. Awtomatikong napatayo ako pero agad rin akong napabalik sa sofa ng mara
“Maraming salamat, Mory.” Bumaba ako sa sasakyan ng makarating kami sa tapat ng mansion. “You're Welcome, Miss Mary.” Kumaway ako habang pinagmamasdan ang papalayo nitong sasakyan. Nakakahiya man na si Mory pa mismo ang naghatid sa akin kahit nandoon naman ang driver niya. Masaya na rin ako dahil nakauwi ako ng maaga. “Manang, nakauwi na po ba si Zyron?” Tanong ko kay Manang ng pagbukas ako nito ng pinto. “Hindi pa ho, Ma'am. Mabuti na lang at dumating ka na, hindi ko mapatahan-tahan sa kakaiyak.” Kinabahan ako sa sinabi ni Manang kaya halos liparin ko na ang hagdan papunta sa nursery room. “Ano pong nangyari sa kaniya?” “May sinat siya. Pinainom ko na nang gamot at kakatulog pa lang.” Pinagmasdan ko si Zy na mahimbing na natutulog sa crib. Kapag ganitong may lagnat siya parang lalabas sa dibdib ko ng puso ko sa pag-aalala. Madalas kasi nitong nakaraan na magkalagnat siya. Sabi ni Manang lagnat-laki 'yon at dahil na rin sa tinutubuan siya ng ngipin. Dinala ko na rin siya sa cl
Abala ang lahat ng tao dito sa mansion dahil ngayon ang unang kaarawan ni Zy. Excited ang lahat at mas excited ako! Gusto ko na maging perfect ang araw na 'to para sa anak ko kaya gagawin ko ang lahat para maging maayos ng lahat. “Manang, kayo na po munang bahala dito. May pupuntahan lang po ako saglit. Babalik rin po ako ka agad.” Nagmamadaling paalam ko kay Manang. Kailangan kong umalis dahil pupuntahan ko si Mory upang kunin ang sahod ko. Sinabi ko sa kaniya kung pwede sa ibang araw ko na lang kunin dahil birthday ng anak ko pero ang sabi niya kung hindi ko pa kukunin ang pera ngayon ay wala na akong makukuha pa dahil pupunta sila sa ibang bansa. At kailangan ko rin naman ito ngayon para may pang bili ako ng mga kakailanganin pa dito sa party ni Zy. Nahinto ito sa pag-uutos at lumapit sa akin. “Oh siya, nandiyan naman si Sopot. Magpahatid ka na upang madali kang makarating sa pupuntahan mo.” “Sige ho. Ikaw na pong bahala kay Zy, pakisabi na rin kay Zyron na lumabas lang ako s
Gumuho ang mundo ko nang marinig ko ang masamang balita mula kay Uncle Sen. Mas lalo akong napa-iyak at mas niyakap ko ang sarili ko dahil hindi lang katawan ko ang masakit kundi ang puso ko. Sobrang sakit na para bang na dudurog ako. Wala nang mas sasakit pa sa isang anak na mawalan ng magulang. Ang sabi nila masakit mawalan ng magulang lalo na kapag Ina ang na wala pero para sa akin mas masakit kapag nawalan ka ng taong minamahal. Mabilis akong bumaba sa sasakyan ni Vico nang makarating kami sa mansion ng magulang ko. Malayo pa lang ako natatanaw ko na ang mga tao sa garden namin. Walang tigil sa pagluha ang mga mata ko ng makita ko ang magandang kabaong. Habang papalapit ako dito pasikip ng pasikip ang dibdib ko. “Daddy...” Usal ko. Napatakip ako sa bibig ko upang pigilan ang mapahagulhol ng malakas. Napatingin sa akin ang mga tao. Nagulat ang mga ito ng makita ako. Marahil, alam nila na matagal na akong tinakwil ng mga magulang ko at makikita ako nila dito. Ngunit wala sa