Hello, Rina Magat! This chapter dedicated for you.🤍 *** Sana ay nagustuhan niyo ang update! Ingat pirmi. ||° Black_Jaypei °||
Abala ang lahat ng tao dito sa mansion dahil ngayon ang unang kaarawan ni Zy. Excited ang lahat at mas excited ako! Gusto ko na maging perfect ang araw na 'to para sa anak ko kaya gagawin ko ang lahat para maging maayos ng lahat. “Manang, kayo na po munang bahala dito. May pupuntahan lang po ako saglit. Babalik rin po ako ka agad.” Nagmamadaling paalam ko kay Manang. Kailangan kong umalis dahil pupuntahan ko si Mory upang kunin ang sahod ko. Sinabi ko sa kaniya kung pwede sa ibang araw ko na lang kunin dahil birthday ng anak ko pero ang sabi niya kung hindi ko pa kukunin ang pera ngayon ay wala na akong makukuha pa dahil pupunta sila sa ibang bansa. At kailangan ko rin naman ito ngayon para may pang bili ako ng mga kakailanganin pa dito sa party ni Zy. Nahinto ito sa pag-uutos at lumapit sa akin. “Oh siya, nandiyan naman si Sopot. Magpahatid ka na upang madali kang makarating sa pupuntahan mo.” “Sige ho. Ikaw na pong bahala kay Zy, pakisabi na rin kay Zyron na lumabas lang ako s
Gumuho ang mundo ko nang marinig ko ang masamang balita mula kay Uncle Sen. Mas lalo akong napa-iyak at mas niyakap ko ang sarili ko dahil hindi lang katawan ko ang masakit kundi ang puso ko. Sobrang sakit na para bang na dudurog ako. Wala nang mas sasakit pa sa isang anak na mawalan ng magulang. Ang sabi nila masakit mawalan ng magulang lalo na kapag Ina ang na wala pero para sa akin mas masakit kapag nawalan ka ng taong minamahal. Mabilis akong bumaba sa sasakyan ni Vico nang makarating kami sa mansion ng magulang ko. Malayo pa lang ako natatanaw ko na ang mga tao sa garden namin. Walang tigil sa pagluha ang mga mata ko ng makita ko ang magandang kabaong. Habang papalapit ako dito pasikip ng pasikip ang dibdib ko. “Daddy...” Usal ko. Napatakip ako sa bibig ko upang pigilan ang mapahagulhol ng malakas. Napatingin sa akin ang mga tao. Nagulat ang mga ito ng makita ako. Marahil, alam nila na matagal na akong tinakwil ng mga magulang ko at makikita ako nila dito. Ngunit wala sa
Gabi na nang makarating kami ni Vico sa mansion ni Zyron. Open gate kaya nakapasok ang sasakyan ni Vico hangang sa tapat ng bahay. Habang nasa byahe hindi mawala sa isip ko ang sinabi sa akin ni Mory. Kinakabahan ako sa maari niyang gawin sa anak ko pero mas kinabahan ako ng pagbuksan ni Vico ang passenger side. “Baba na! Tawagan mo ako kapag naka-problema ka.” “Aalis ka na?” “May mahalaga lang akong pupuntahan na hindi na pwedeng ipagpabukas.” Hindi pa ako nakapagpapasalamat sa kaniya ay mabilis na nawala ang sasakyan niya sa paningin ko. Huminga ako ng malalim ng makatayo ako sa tapat ng malapad na pinto. Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko ng makapasok ako ng mansion. Nagulat ako ng galit na mukha ni Zyron ang bumungad sa akin. “What is the fucking meaning of this?!” Kinilabutan ako ng marinig ang nakakalibot niyang boses na pumuno sa buong sala. Iyong galit niya na kaya niya akong saktan. Hindi lang siya ang naghihintay sa akin. Nandito si Percy, Cjay Benedict at
“Maraming salamat, Vico. Hindi naman sa ayaw kitang papasukin sa loob pero kasi alam mo naman si Mommy...” Nahihiya ako kay Vico dahil hangang ngayon nasa tabi ko pa rin siya mula kaninang umaga. Hindi kansi tumatanggap ng bisita si Mommy ng ganitong oras at sigurado akong hindi niya rin magugustuhin na makita ako. “Wala 'yon. Isipin mo na lang ang sarili mo at ang anak mo. Huwag mo akong alalahanin. Basta tawagan mo ako kapag may kailangan ka. Nandito ako para sa'yo...” “Maraming salamat...” Hinintay kong makaalis si Vico bago ko tinungo ang malapad na pinto ng mansion. Karga si Zy at bitbit ang traveling bag. Pinagbuksan ako ni Nanay Helen na mayordoma sa aming mansion. Nabigla ito ng makita ako. “Miss Mary, good evening ho! Mabuti naman po at bumalik na kayo! Welcome back!” Kinuha niya sa akin ang traveling bag. “Na saan si Mommy?” “Helen, sino 'yan?!” Boses iyon ni Mommy mula sa ikalawang palapag. Napalunok ako ng marinig ang tunog ng takon niya. “Madam, bumalik n
Hindi naging madali sa akin ang kalimutan ang nakaraan. Hindi rin naging madali para sa akin ang makalimot sa sakit na dinanas ko. Sobra akong nasaktan dahil nagmahal ako ng sobra. Nakampante ako sa buhay na mayroon ako sa nakaraan at hindi ko inakala na magiging mahirap para sa akin ang lahat. Sa lahat ng hirap ng pinagdaanan ko. Hindi ako makapaniwala na napagtagumpayan ko ang itaguyod si Zyro nang mag-isa. Ang makita siyang masaya at lumaking mabuting bata ay isang karangalan para sa akin. I'm standing at the edge. Watching my son who enjoying to be with the people who loved and care about him. “Happy @4th birthday, big boy!” Nagulat ako sa sunod-sunod na putok ng confetti na hawak ni Kiko at Bugoy. Napuno ng kalat ang sala dahil sa ginawa nila. “Blow your candle na but first! Make a wish my baby...” Nakangiting lumapit ako sa kaniya hawak ang cake na ipinagawa ko at Spider-Man theme 'yon. “Okay, Mommy!” He closed his eyes while he was smiling. A minutes past he stared
“Hoy, Zy! Play na tayo bilis! Isusumbong kita kay Mommy ayaw mo na naman ako kalaro!” Parang bata nitong sambit kay Zyro. “Hindi mo nga Mommy ang Mommy ko! Ang kulit mo naman e, ako lang baby niya! Ah? Ang laki-laki mo na paano ka niya magiging baby?” Pangangatwiran ni Zyro. “Eh bakit ka naging bata ulit? Turuan mo ako dali. Gusto ko maglaro kasama ng mga bata na hindi sila natatakot sa akin! Love mo ako 'di ba? Zy... Zyron. Zy! Zy! Please.” Pakanta-kanta nitong sabi sa huli. “Waahhh! You know what you're crazy. My name is Zyro Lee not Zyron! Ang laki-laki mo na hindi ka na dapat nakikipaglaro!” My son frustratedly said. Nilingon ko si Bugoy at Kiko na tumatawa sa gilid. Ako si Carlota at Stela tinitingnan ang lalaking baliw na kamukhang-kamuha ni Zyron! Akala ko kanina siya ito pero habang tumatagal na nakikita ko siyang kausap ang anak ko. Masasabi kong hindi siya si Zyron dahil bukang bibig niya si Zyron! “Sige ka, hindi ko na 'to ibabalik sa'yo!” Iwinagayway nito ang ginton
Umupo ako sa gilid ng kama at sinulyapan si Zyro na mahimbing na itong natutulog. Inayos ko ang kumot niya at nilagyan ko siya ng unan sa kabilang side. Hinalikan ko siya sa noo at ilang beses na hinaplos ang kaniyang pisngi. Natigilan ako sa paghaplos sa kaniya nang maalala ko ang sobre na ibinigay sa akin ni Carlota. Kinuha ko ito sa loob ng drawer bago ako nagtungo sa tapat ng bintana dito sa kwarto namin ni Zyro. Binuksan ko ito at kinuha ang isang nakatuping papel. Habang pinagmamasdan ko ito ay kinakabahan ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko na hindi ko maipaliwanag. Masakit at sobrang sakit na isipin na wala na si Daddy. At ang sulat na 'to? Natatakot ako sa mababasa ko at kinakabahan ako. My Maria, Kamusta ka aking Maria? Sobrang miss ko na ng ngiti at mga lambing mo. Kung sakaling mabasa mo 'to, gusto ko na makita ang ngiti sa labi mo. Marahil ay wala na ako pero ayoko na makikita kang umiiyak, Maria ko. Kung anuman ang nagawa mo, matagal na kitang pinatawad. Mahal kita, an
“Wow. Mommy! You're so pretty.” My son giggles while watching me standing in front the big mirror. I am wearing a white tube gown. There's a lot of silver beads that shining the whole gown. Nakabandera ang maputi at makinis kong balikat at dibdib. Nakasilip rin ang may kalakihan kong suso at cleavage. My long straight black hair turn into a wavy with a silver dot design on top. My earring is a silver tread style that had 2 inches long. Ngumiti ako sa anak ko nang matagpo ang mata naming dalawa sa salamin. Nakasuot siya ng pang kasuotan na parang prince. Kulay puti ito na may yellow sa mga manggas. Nakaayos na ang kaniyang buhok at mas lalong lumabas ang kaniyang kagwapohan. “Mommy, you're really my queen!” Nag-bow siya tulad ng ginagawa ng mga prinsipe sa kanilang Reyna. Tumakbo siya papalapit sa akin at hinawakan ang kamay ko. Hinalikan niya ang likod ng palad ko bago tumingin sa akin na may matamis na ngiti. “And you're my handsome prince... Look, you're so handsome my ba