Share

CHAPTER 2

Author: Gladyjane
last update Last Updated: 2023-03-28 22:47:09

GINALYN

Maagang umalis si ate Apple, para na rin hindi daw siya ma traffic sa daan. At ngayon mag isa nalang ako sa apartment. Napatingin ako sa cellphone kong d-keypad, wala pa rin kasing tawag mula kahapon tungkol sa naging interview ko sa hotel na papasukan. Pero sabi ni ate Apple ay magtatanong-tanong daw siya mamaya doon.

Napabuntong hinga akong kinuha nalang ang walis at nagsimulang maglinis. Nang matapos maglinis saka ako naligo, tinupi ang mga damit na tuyo na sa sampayan at inilagay sa orocan.

Nang magtanghalian, nag luto lang ako ng noodles. Gustuhin ko man magluto, hindi pwede at baka magkasunog. Hindi ko alam kung bakit wala talaga akong alam sa pagluluto. Minsan kasi akong nag prisintang magluto sa bahay namin, para makapag pahinga ang nanay Bebeng. Pero binigyan ko lang siya ng alalahanin ng masunog ang niluto kong ulam.

Ganoon din sa bigas kapag nagsasaing, tinuruan naman ako ng ilang beses na. Pero hindi ko talaga makuha kahit ano'ng turo sa'kin. Kaya mula noon, hindi na nila ako pinapalapit sa kusina kung hindi rin lang kakain na lang.

Matapos kumulo ang tubig nilagay ko na ang noodles. Naglagay na rin ako ng isang itlog, mabuti na lang at nagsaing si ate Apple ng kanin kanina bago umalis.

Nang maluto ang noodles, nilagay ko lang ito sa bowl at inilapag sa mesa. Kumuha na rin ako ng kanin sa rice cooker, at sinimulang kumain.

HINDI ko alam kung ilang oras akong nakatulala lang ng biglang tumunog ang kanina ko pang tinitingnan na cellphone sa harap ko. Nanlaki ang matang dinampot ko ito at tiningnan ang numerong tumatawag.

Kinakabahan kong pinindot ang answer call, huminga ng malalim bago nagsalita.

"Hello?"

"Hello, can I speak to Ms. Ginalyn Gana?"

"This is she— I mean, ako po si Ginalyn Gana."

Napahigpit ang hawak ko sa cellphone, dalawang kamay na ang gamit ko dahil sa kaba.

"Oh good to hear that, by the way you're hired."

Napatayo ako sa tuwa, napalundag at napakagat labi.

"Talaga po, tanggap ako sa trabaho?"

"Yes, you can come to the hotel tomorrow for your training. And after your training, if you pass. You can be one of our full-time employee."

Yes!

"Thank you po, pangako gagawin ko po ang best ko sa trabaho!"

" Okay, just come early to report."

"Yes ma'am!"

Nangingiti akong nakatingin sa cellphone ko. Ilang minuto ng wala ang kausap ko, pero nakatingin pa rin ako sa hawak na cellphone. Napatili akong tumalon talon, nakataas ang dal'wang kamay sa ere. Napahiga ako sa sopa, excited na iwinagayway ang dalawang paa.

Niyakap ko ang cellphone at napapikit. Huminga ako ng malalim, gagawin ko ang lahat para magtagal sa trabaho.

Hindi ko alam kung ano ang natapos ko, kaya ito ang trabahong pinasukan ko. Mabuti nalang talaga at napakiusapan ni nanay ang isa niyang pamangkin na kunan ako ng I. D sa munisipyo na pinatatrabahuan nito, gamit ang pangalan ng magiging anak sana nila.

Nag take din ako ng exam, nag aral ako sa ALS. Mula elementary hanggang high school, at nakapasa naman ako.

Matapos ang maliit na selebrasyon ko sa sarili, tinawagan ko na sila nanay at ibinalita ang pagkatanggap ko sa trabaho. Sobrang saya nila, naiyak pa si nanay. Kahit ako ay naluha ng marinig ko siyang naiyak. Namiss ko sila kahit ilang araw pa lang ang nakakalipas.

"Mag-iingat ka d'yan anak, huwag mong pababayaan ang sarili mo."

"Opo 'nay, kayo rin po ni tatay. Mag-iingat po kayo d' yan, tatawag - tawag nalang po ako ulit."

Matapos makapag paalam, ibinaba ko na ang tawag. Napahinga ako ng malalim, napangiti ng maalala kung bakit ako nandito ngayon. Para 'to sa kanila, para sa pamilya ko.

NANG makauwi si ate Apple galing trabaho, ibinalita ko rin sa kanya ang magandang balita. Natuwa siya at naglukundag pa sa saya.

"Mabuti' yan, sabay tayong papasok simula bukas!"

Masaya akong tumango, may dalang pagkain si ate Apple at 'yon ang kinain namin sa hapunan. Matapos makapagligpit, masigurado na naisara ang pinto, pumnta na ako sa sariling kwarto at nahiga.

Nakatihaya ako, ang dalawang kamay ay nasa tiyan ko, nakatingala ako sa kisame. Sana maging maayos ang maging trabaho ko bukas at hindi ako pumalpak. Kailangan ko ang trabahong ito.

Tumagilid ako at ginawang unan ang dalawang kamay ko, pumikit at umusal ng panalangin bago tuluyang matulog.

MAAGA kami parehong nagising ni ate Apple, nauna na akong maligo at nagluluto siya ng almusal namin. Matapos maligo, dumeretso na ako sa kwarto at nag ayos.

Mabuti nalang talaga at magkasing katawan lang kami ni ate Apple, kaya napahiram niya ako ng damit niya. Nagsuot ako ng baby blue dress na lagpas tuhod, inilugay ko lang ang lagpas balikat kong buhok.

Matapos makapag ayos, lumabas na ako bitbit ang maliit kong bag. Nakita kong nakabihis na din si ate Apple, nakangiti niya akong niyayang kumain.

Matapos kumain, sabay kaming lumabas ng pinto. Dahil lutang ako, kinakabahan pa. Nagkabungguan kami sa pinto, nagkatinginan kami at sabay na natawa.

"Relax, nandito ako at hindi kita pababayaan mamaya."

Tinapik niya ang balikat ko, tumango nalang ako. Napahingang malalim, sinara na niya ang pinto at nagsimulang maglakad. Magkapanabay kaming naglakad papuntang sakayan.

Nang makarating sa hotel, dumeretso muna kami sa managers office. Pagkatapos sabihin ang dapat kong gagawin, binigyan nila ako ng uniform. Nakangiti akong pumunta sa locker room, may naabutan pa ako doon na katulad ko ay nagbibihis din. Ngumiti ako at yumukod, gumanti naman siya ng ngiti.

"Bago ka?"

Nakangiti akong tumango, lumapit siya sa'kin at tinapik ang balikat ko.

"Goodluck!"

Nagpasalamat ako, nagpaalam na din siya at umalis. Matapos makapag bihis, pumunta na ako sa kasamahan kong tulad ko ay kailangan ng orientation. Matapos kaming i - orient, sinabak na kami sa training.

Sa una ay nahirapan ako, lalo na at mabigat ang mga kobre kama na pinapalitan namin. Pero kinaya ko, inisip ko na pagkatapos nito magiging full time na akong empleyado dito.

Natuwa ako ng makitang isa si ate Apple sa mga nagsu-suppervise sa'min, nakaalalay kung tama ang ginagawa namin.

At ganoon ang naging routine ko sa tatlong araw, natuwa ako dahil matapos ang training sa'min. Pare-pareho kaming natanggap kasama ang mga kasabayan kong nag training.

"Sa wakas, nakapasa tayo!"

Masayang turan ni Mary, nakipag apir sa'kin at kay Silvia.

"Oo nga, magkakasama na tayong magtatrabaho dito ngayon."

Ngumiti lang ako pero sa loob loob ko, sobrang saya ko. Nang makauwi kami ni ate Apple, deretso ako sa kwarto ko at bagsak ako sa kama. Ang dami kasi naming nilinis na kwarto kanina, lalo na at marami ang guest ng hotel. Marami ang nag check in, marami din ang nag check out.

Napabangon ang ulo ko ng may kumatok sa pinto, bumukas 'yon at dumungaw ang ulo ni ate Apple.

"Kakain na."

"Busog pa po ako ate, kayo nalang po muna."

"Naku, paniguradong pagod ka. O sige magpahinga ka nalang, ilalagay ko nalang sa ref ang pagkain kapag nagutom ka, kumain ka nalang."

"Salamat ate."

Sumara ang pinto, bumalik ang pagkakasubsob ko sa mukha ko sa kama. Napapikit ako at nahilot ang likod, ilang beses akong huminga ng malalim ng makaramdam ng sakit. Mabuti nalang at kalaunan ay nawala rin.

"CONGRATS sa'tin, isa na tayong ganap na employees dito!"

Excited na saad ni Silvia sa'min ni Mary, nandito kami ngayon sa locker at nagbibihis. Inilagay ko na ang nameplate ko sa bandang dibdib, pinasadahan ko ito ng kamay ko at napangiti.

"Hoy Ginalyn, ang ganda ng ngiti mo ah. Alam mo, hindi pa rin ako makapaniwala na dito ka nagtatrabaho. Sa ganda mong 'yan, dapat nasa front desk ka o kaya ay supervisor. Parang hindi bagay ang beauty mo para lang maging hotel room service."

Napahawak pa sa baba niya si Mary na tila napapa isip.

Nailing akong napangiti, tinampal naman ni Silvia si Mary sa balikat.

" Ano ka ba, maganda lang talaga itong si Ginalyn. Magtrabaho nalang tayo, baka masita tayo sa first day natin. "

Napanguso si Mary, ngumiti lang ako sa kanya.

Nang magsimula na kaming maglinis sa mga kwarto, naging seryoso na kaming tatlo. Kami ang magkakasama bawat kwartong nililinis namin. Matapos ang ang ilang kwarto na nilinis namin, bumaba na kami sa quarters namin at naghanda na para sa tanghalian.

Nakangiti lang akong nakasunod sa kanila, nagbabangayan kasi sila at nasa likod lang ako. Napahinto ako ng huminto sila pareho, magkaundapa ang mga kamay nila at may tinitingnan sa harap. Nang hahaba ang leeg kong sumilip, nakakunot ang noong tiningnan kung ano ang nakapagpatigil sa kanila.

Doon may nakita akong isang makisig na lalaki, naka suit, may kausap ito sa haway na cellphone sa tainga at seryoso na walang emosyon na mababakas sa mukha.

Bumalik ang tingin ko sa dalawa, napailing ako ng makita kung pa'no nila tingnan ang lalaki.

"Ang gwapo niya talaga!"

Si Mary na parang nangangarap pa, nagningning ang mga mata.

"Oo nga, siyempre ikaw ba naman ang may ari nitong hotel. Ang hot pa!"

Natampal na ni Silvia ang braso ni Mary, mahina silang napatili.

Bumalik ang tingin ko sa lalaki, at sakto naman na tumingin din siya sa 'min. Napasinghap ako ng magtama ang mga mata namin, napatingin ako sa mata niyang parang.. galit? Teka, bakit galit siya? Bigla siyang tumalikod at nagmamadaling umalis.

"Ay wala na si pogi!"

Nanghihinayang na saad ni Mary, itinaas pa nito ang kamay na parang inaabot ang lalaki.

Napapikit ako ng biglang kumirot ang ulo ko, napahawak ako sa ulo.

"Oy Ginalyn, ayos ka lang?"

Napakiling ang ulo ko, huminga ako ng malalim at nawala naman ang sakit.

"Ayos lang ako." sagot ko kay Silvia, napahinga ito ng malalim.

"Hoy Mary, halika na. Tama na 'yang pagpapantasya mo!"

Hinila na niya si Mary, nagising naman ito sa tela natutulog na diwa at natatawang nagpahila kay Silvia. Napahilot ako sa sintido, at habang naglalakad napatingin ako sa daang tinahak ng lalaki kanina.

Hindi ko alam pero ng makita ko ang mata niya, may iba akong naramdaman na hindi ko maintindihan.

Related chapters

  • HIS LOST BRIDE    CHAPTER 3

    GINALYN“ Hoy,kanina ka pa tulala d’yan!”Nailing na lang ako ng malingunan si Mary,napahawak ako sa dibdib ko dahil sa bigla niyang pagsulpot at pinalo ang braso ko. Napahawak nalang ako sa braso ko.“ Wala ,bigla lang akong may naisip.”“ Sus,may crush ka na din kay Mr. Smith ‘no?”Napailing ako sa sinabi niya,pero parang pamilyar sa pandinig ko ang sinabi niyang Smith.Nagtataka ko siyang tiningnan,napakunot naman ang noo niya. Napabuntong hinga,inilagay ang magkabilang braso sa dibdib at pinagkrus.“ Si Mr. Smith,siya ‘yong president at may ari nitong hotel na pinagtatrabahuan natin,ano ka ba.”Napangiwi nalang ako,hindi ko kasi natatanong pa ang pangalan ng may ari. “ Bumalik nalang tayo sa trabaho,mag o-ot ka ba ngayon?”Iniba ko na ang usapan namin ,hinila ko na siya at tapos na din ang break namin.Uwian at nagpapaalam na kami sa isa’t isa,nasa labas na kami ng hotel nang may mapansin akong babae. Sinundan ko ‘yon ng tingin,hanggang sa sinalubong nito ang isang lalaki. Napaiw

    Last Updated : 2023-03-28
  • HIS LOST BRIDE    PROLOGUE

    Chandrie"Are you fucking telling me na wala parin kayong lead? I've been paying you a lot of my money pero hindi niyo pa rin siya mahanap?" galit na tanong ko sa mga personal investigator na binayaran ko para ipahanap siya. Napatayo na ako sa aking mesa. It's been years, 3 long fucking years. Pero wala pa din, hindi ko pa rin siya mahanap." I'm so sorry sir, pero wala talaga kaming mahanap. Pero baka po totoo na wala na talaga siya." mabilis na nagngalit ang kamay ko at sinugod ko ito, sinuntok."Don't you even dare say it. Buhay siya I can feel it. Alam niyong walang bangkay na na recover. Kaya alam kong buhay pa siya."nanghihina akong napaupo sa visitor's chair at sinabunutan ang sailing buhok."Aalis na po kami, ipapagpatuloy po namin ang paghahanap, pero I suggest na ihanda ang iyong sarili. Hindi po natin alam baka bangkay na po niya ang mahanap namin." yumokod ito bago umalis ng aking opisina. Alam ko naman eh, ako nalang ang umaasa. Kahit ang sariling pamilya nito ay sumok

    Last Updated : 2023-03-28
  • HIS LOST BRIDE    CHAPTER 1

    CHANDRIE Parang pinukpok ng martilyo ang ulo ko pagkagising. Fucking hungover, tumayo na ako at dumiretso sa shower. Pagkatapos kong maligo at makapag-ayos ay lumabas na ako. Tumawag nalang ako sa bahay para ipalinis ang kalat sa condo ko. I drive myself sa company."Get me a coffee Joel. " utos ko sa secretary ko at pumasok na sa opisina.Umupo na ako sa swivel chair ko at napasandal ng kumirot ang ulo ko. Napapikit nalang ako at maya maya naman ay pumasok ang secretary ko at inilapag nito ang kape. Napatingin ako sa kanya ng maglapag din ito ng advil. Ngumiti naman ito at lumabas ulit. Ininom ko nalang ito at napasandal uli sa swivel chair at napapikit. Narinig ko nalang na bumukas ulit ang pinto sa office ko. "Sir, your schedule for today is ang bisitahin ang hotel niyo. Doon na din ang meeting niyo with Mr. Tan. At after po noon ay wala na po maliban nalang po sa mga papeles na kailangan niyo pong pirmahan." napadilat ako at tiningnan siya bago pumikit ulit."Ok, just inform me

    Last Updated : 2023-03-28

Latest chapter

  • HIS LOST BRIDE    CHAPTER 2

    GINALYN Maagang umalis si ate Apple, para na rin hindi daw siya ma traffic sa daan. At ngayon mag isa nalang ako sa apartment. Napatingin ako sa cellphone kong d-keypad, wala pa rin kasing tawag mula kahapon tungkol sa naging interview ko sa hotel na papasukan. Pero sabi ni ate Apple ay magtatanong-tanong daw siya mamaya doon.Napabuntong hinga akong kinuha nalang ang walis at nagsimulang maglinis. Nang matapos maglinis saka ako naligo, tinupi ang mga damit na tuyo na sa sampayan at inilagay sa orocan.Nang magtanghalian, nag luto lang ako ng noodles. Gustuhin ko man magluto, hindi pwede at baka magkasunog. Hindi ko alam kung bakit wala talaga akong alam sa pagluluto. Minsan kasi akong nag prisintang magluto sa bahay namin, para makapag pahinga ang nanay Bebeng. Pero binigyan ko lang siya ng alalahanin ng masunog ang niluto kong ulam.Ganoon din sa bigas kapag nagsasaing, tinuruan naman ako ng ilang beses na. Pero hindi ko talaga makuha kahit ano'ng turo sa'kin. Kaya mula noon, hindi

  • HIS LOST BRIDE    CHAPTER 1

    CHANDRIE Parang pinukpok ng martilyo ang ulo ko pagkagising. Fucking hungover, tumayo na ako at dumiretso sa shower. Pagkatapos kong maligo at makapag-ayos ay lumabas na ako. Tumawag nalang ako sa bahay para ipalinis ang kalat sa condo ko. I drive myself sa company."Get me a coffee Joel. " utos ko sa secretary ko at pumasok na sa opisina.Umupo na ako sa swivel chair ko at napasandal ng kumirot ang ulo ko. Napapikit nalang ako at maya maya naman ay pumasok ang secretary ko at inilapag nito ang kape. Napatingin ako sa kanya ng maglapag din ito ng advil. Ngumiti naman ito at lumabas ulit. Ininom ko nalang ito at napasandal uli sa swivel chair at napapikit. Narinig ko nalang na bumukas ulit ang pinto sa office ko. "Sir, your schedule for today is ang bisitahin ang hotel niyo. Doon na din ang meeting niyo with Mr. Tan. At after po noon ay wala na po maliban nalang po sa mga papeles na kailangan niyo pong pirmahan." napadilat ako at tiningnan siya bago pumikit ulit."Ok, just inform me

  • HIS LOST BRIDE    PROLOGUE

    Chandrie"Are you fucking telling me na wala parin kayong lead? I've been paying you a lot of my money pero hindi niyo pa rin siya mahanap?" galit na tanong ko sa mga personal investigator na binayaran ko para ipahanap siya. Napatayo na ako sa aking mesa. It's been years, 3 long fucking years. Pero wala pa din, hindi ko pa rin siya mahanap." I'm so sorry sir, pero wala talaga kaming mahanap. Pero baka po totoo na wala na talaga siya." mabilis na nagngalit ang kamay ko at sinugod ko ito, sinuntok."Don't you even dare say it. Buhay siya I can feel it. Alam niyong walang bangkay na na recover. Kaya alam kong buhay pa siya."nanghihina akong napaupo sa visitor's chair at sinabunutan ang sailing buhok."Aalis na po kami, ipapagpatuloy po namin ang paghahanap, pero I suggest na ihanda ang iyong sarili. Hindi po natin alam baka bangkay na po niya ang mahanap namin." yumokod ito bago umalis ng aking opisina. Alam ko naman eh, ako nalang ang umaasa. Kahit ang sariling pamilya nito ay sumok

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status