Share

CHAPTER 1

Author: Gladyjane
last update Huling Na-update: 2023-03-28 22:46:36

CHANDRIE

Parang pinukpok ng martilyo ang ulo ko pagkagising. Fucking hungover, tumayo na ako at dumiretso sa shower. Pagkatapos kong maligo at makapag-ayos ay lumabas na ako. Tumawag nalang ako sa bahay para ipalinis ang kalat sa condo ko. I drive myself sa company.

"Get me a coffee Joel. " utos ko sa secretary ko at pumasok na sa opisina.

Umupo na ako sa swivel chair ko at napasandal ng kumirot ang ulo ko. Napapikit nalang ako at maya maya naman ay pumasok ang secretary ko at inilapag nito ang kape. Napatingin ako sa kanya ng maglapag din ito ng advil. Ngumiti naman ito at lumabas ulit. Ininom ko nalang ito at napasandal uli sa swivel chair at napapikit. Narinig ko nalang na bumukas ulit ang pinto sa office ko.

"Sir, your schedule for today is ang bisitahin ang hotel niyo. Doon na din ang meeting niyo with Mr. Tan. At after po noon ay wala na po maliban nalang po sa mga papeles na kailangan niyo pong pirmahan." napadilat ako at tiningnan siya bago pumikit ulit.

"Ok, just inform me later before we go." at pumikit  ulit ako.

"Yes sir," at narinig ko nalang na nagsara ang pinto.

This is always my routine, getting drunk, papasok sa office. Sa bar at condo, ni wala akong kinakausap na tao ngayon maliban sa private investigator ko at mga kliyente. Even my brother, pagkatapos ng nangyari ay hindi na kami nagkibuan lalo na ng malaman niya ang totoong nangyari sa gabing iyon.

Pumasok ang secretary ko at ininform ako sa schedule ko at pupunta na ako ngayon sa hotel ko. Yes it's my hotel, kaya nga tinanggihan ko ang offer ni mom na ako ang mag manage ng school kasi I want to build my own hotel. At two years na din ito ngayon.Bumaba na ako at sinalubong naman ako ng vallet at binati ng mga empleyado. Pumasok na ako sa loob at tiningnan ang kabubuan ng first floor.

This hotel has 50 floors at syempre penthouse na ang 50th floor.Naglakad na ako papasok at may mga empleyadong bumabati sa akin.

Dinadayo din ito dahil narin sa ganda ng design ng mga rooms at makikita ang kagandahan nito sa lobby palang. Malaking chandelier, mga mamahaling sofa, para sa mga customer na magchecheck-in at naghihintay. This design, all of this even the littlest thing in this hotel. She design this, ito iyong pangarap ko at sinabi ko sa kanya na siya ang mag design bago pa ito itayo. Napahinga nalang ako ng malalim at pumunta na din sa opisina ko dito sa 10th floor. I checked all the document's and later at lunch I have meeting with Mr. Tan.

Pagkatapos kong Icheck ang lahat at kailangan kong balikan mamaya para pirmahan ay bumaba na ako sa restaurant nitong hotel para icheck din. Pagkapasok ko sa restaurant lahat ng empleyadong nakakita sa akin ay nagbibigay galang. Tumatango lang ako at nagpatuloy sa pag pasok. May lumapit naman sa akin na manager.

"Good day po Mr. Smith." bati nito sa akin at yumukod pa.

"How's everything here?" tanong ko sa kanya, pero ang tingin ko ay nasa mga kumakain. Kunti palang ang tao at ang iba naman ay papasok palang, maglulunch-time na kasi.

"Ah yes sir, everything is fine here. We're accommodating all of the customers." Sagot nito sa akin.

Nagpatuloy na akong pumasok at dumiretso na sa table kung saan ay pinap'reserve ko tuwing may ka-meeting ako. Umupo na ako at sinabihan ang manager na dalhin nalang dito ang ka-meeting kapag ito ay dumating na.

Nagpadala nalang muna ako ng kape habang naghihintay at nakatingin sa labas. This restaurant has glass walls kaya Makikita mo talaga kung anong nangyayari sa loob at labas. Mayamaya naman ay dumating na ang kape ko. Sumisimsim lang ako nito ng dumating na ang ka-meeting.

We talk about the business at investment na e-iinvest niya sa company. Nag-order na din ako ng lunch namin, we're talking while eating.

Magandang kausap si Mr. Tan strict but mabait naman. I closed the deal at nangakong magpipirmahan na ng contract bukas. We were just talking casually ng magawi ang tingin ko sa labas. May nakatayo doon na babae at mukhang may hinihintay. I don't know but she got my attention.

Nakikinig pa din ako sa usapan namin ni Mr. Tan habang nakatingin sa babae sa labas. Long hair, lagpas balikat. Naka simpleng blouse, morena, pants at sneakers shoes. Bigla naman itong lumingon ng may tumawag sa pangalan nito. At may lumapit na isa ding babae at nagyakapan sila. Nagulat ako ng makita ko ang mukha niyang naka side view sa akin.

"S-Sam. " nabanggit ko  sa pangalan. Bigla silang naglakad paalis kaya nataranta ako at tumayo.

"I'm sorry Mr. Tan but I have to go. " paalam ko sa kausap habang nakatingin pa rin sa labas.Tumingin naman ako kay Mr. Tan ng magsalita ito.

"Ok, see you tomorrow then." tumayo na din ito nakipagkamay. Nagkamay kami at nagpa alam na din siya.

Tumingin ako sa labas ng hindi ko na sila makita. Tumakbo na ako palabas ng restaurant, pero pagkalabas ko ay hindi ko na sila makita. Tumakbo pa ako hanggang sa na palayo na ako sa hotel. Hinanap ko ang babae pero nawala na sila.

"It can't be," napahawak ako sa tuhod ko dahil sa pagod. Tumayo ako at nasapo ang aking dibdib.

"I'm sure it's Sam, or I'm just hallucinating again?"

Sabi ko sa sarili ko, naglakad na ako pabalik ng hotel. This is not the first time though. Maraming beses na itong nangyari sa akin. Hindi lang ngayon,sa bar o kahit saan man ako mag punta ay nakikita ko siya. Even in my condo, smiling at me. Maybe this is just one of those days. Napailing nalang ako at ng makarating sa hotel ay dumeretso na sa opisina ko dito para tapusin ang naiwan na trabaho.

........

Someone's POV

"Ginalyn... "napalingon naman agad ako sa tumawag sa akin at lakad takbo itong lumapit sa akin. Nandito ako sa labas ng hotel at dito ko nalang hinihintay si ate Apple, pagkatapos ng interview ko kanina.Napangiti naman ako ng tuluyan na itong nakalapit.

" Ate Apple," bati ko sa kanya at niyakap ito.

"Bakit hindi ka sa loob naghintay, ang init kaya dito sa labas. Kumusta ang interview mo? Pasensya na natagalan ako sa loob, chineck ko pa kasi kung nakapasok na iyong sweldo ko." hinging paumanhin nito.

"Ayos naman ate, tatawag daw sila mamaya o bukas. " nakangiti kong sagot sa kanya.

"Oh sige tara na, at dahil nakapasok na ang sweldo ko ay kakain tayo sa Jollibee at dahil day-off ko naman ay ipapasyal nalang muna kita. Mag window shopping tayo, para pagnaka sahod kana saka na natin bilhin! " excited niyang saad at nagsimula na kaming naglakad.

Nang may nakita kaming jeep na masasakyan ay sumakay na kami papuntang mall at nagpunta muna sa Jollibee para kumain. Pagkatapos  namin na kumain ay tulad nga ng sinabi ni Ate Apple ay nag window shopping kami. Kahit saang store lang kami pumapasok, nahihiya na nga ako kasi pinagtitingin na kami ng sales lady. At nang maghapon na ay napagpasyahan nalang namin na kumain naman sa MCDo para hindi na kami magluto pa pagdating sa apartment at makapag pahinga nalang.

Pagkatapos namin kumain ay sumakay na uli kami at umuwi na sa tinutuluyan namin na apartment. Pagkadating namin ay nagpaalam na si ate Apple na mauna na siya mag pahinga at napagod daw siya. Umupo muna ako dito sa maliit namin na sofa.

Tiningnan ko ang kabuuan ng apartment, kahit maliit ay simple lang ito. Dalawang kwarto at isang cr may sarili na din na kusina. Apartment ito ni ate Apple at kasamahan niya dati, ang kaso ay nakapag-asawa na daw at umalis na.

Matanda lang siya ng apat na taon sa akn, 23 na ako at siya naman 27. Pinsan ko sa side ng nanay si Ate Apple at kakaluwas ko lang din kahapon dito galing sa probinsya. Namiss ko tuloy sila nanay at tatay. Sumandal ako at napapikit ng mata at inalala ang nangyari noong papaluwas na ako dito.

......

"Nanay ayos lang po ako, kaya ko na po ang sarili ko kaya huwag na po kayong mag-alala." Ani ko sa nanay bebeng ko. Dahil ayaw niya talaga akong payagan na magtrabaho sa maynila.

"Mahal, pabayaan mo na ang anak mo, malaki na iyan. At si Apple naman ang kasama niyan doon sa maynila at nangako naman ang anak mo na tatawagan tayo palagi." lumapit na si tatay at inalo si nanay. Napailing-iling naman ito kay tatay at nagsalita.

"Alam mo naman na dilikado ang maynila Dodong, kaya pigilan mo ang anak mo." Saad nito kay tatay at umiiyak na din.

"Nay" tawag ko dito. "Malaki na po ako at kasama ko naman po si ate Apple doon. At hindi naman po ito para sa sarili ko lang,gusto ko pong tumulong para matubos ang naisanla ninyong sakahan dahil na rin sa pagpapagamot ninyo sa akin. Kaya po sana hayaan niyo po ako naman po ang magtrabaho, magpahinga naman po kayo ni tatay. "Saad ko dito at naiiyak na din.

Umiling lang si nanay, kaya napatingin ako kay tatay at sinenyasan akong umakyat na ako sa kwarto ko at siya na daw ang bahalang kausapin si nanay.

Nagpunas ako ng aking luha umakyat na. Simpleng bahay kubo lamang itong bahay namin pero naging masaya din ako sa piling nila. At naramdaman kong minahal nila ako ng tunay kahit hindi nila ako kadugo.

Hindi naman sila nagsinungaling sa akin at sinabi nilang  nakita lang nila ako dati sa tabing ilog at dinala sa hospital. Isang lingo daw akong tulog noon dahil na operahan ang ulo ko dahil sa bubog na nakabaon sa kaliwang ulo ko.

Nangangapa ako noong una  dahil hindi ko alam kung nasaan at sino ang kasama ko. Sinabi sa akin ng doctor na nagka-amnesia daw ako. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko noon, pero sinabi ng doctor na babalik naman daw ang alaala ko 'wag lang daw pwersahin na makaalala at baka sumakit lang ang ulo ko.

At dahil narin naubos na ang ipon nila nanay noon ay napagpasyahan nilang bumalik sa probinsya, wala silang anak at hindi na daw nabiyayaan pa.

Kinabukasan ng nag-aagahan kami ay kinausap ako ni nanay, at pumayag na siya basta 'wag lang daw makalimot na tumawag sa kanila, dahil mami miss daw nila ako. Ganoon din naman ako, mami miss ko sila, pero kailangan kong gawin ito. Para matubos ang sakahan namin na naisanla at ito lang ang tanging magagawa ko.

Tinawagan ko ka agad si ate Apple pagkatapos ng aming umagahan at sinabi sa kanya ang balita na pumayag na si nanay. At kinabukasan din agad ay lumuwas na ako. Tahimik si nanay noong umalis ako, at panay ang bilin sa akin na palaging mag-ingat.

Kahit tahimik sila ng umalis ako at nakangiti alam kong nalulungkot pa din sila. Ngumiti at niyakap ko sila ng mahigpit bago sumakay sa bus.

Napadilat ako ng matapos alalahanin ang nangyari, at may parte sa akin na gusto kong malaman kung ano ba talaga ang nangyari sa akin dati. Tatlong taon na din ang lumipas, hindi ko alam kong may naghahanap sa akin noon ng maaksidente ako. Ang sabi sa akin nila nanay ay hindi na daw nila nagawag ireport sa autoridad ang nangyari sa akin dahil hindi daw nila alam, at nagmamadali na din daw silang makauwi sa probinsya dahil wala na silang pera noon na pantustos sa pang- araw-araw namin.

Tumayo na ako at dumeretso dito sa kwarto ko na katabi lamang ng kwarto ni ate Apple. Nagbihis at napagpasyahan ko na din na matulog, ayaw ko na munang isipin ang nangyari sa akin. Ang kailangan kong isipin ngayon ay ang pagbawi sa naisanla naming sakahan. Humiga na ako at pumikit.

"Sana matanggap ako sa trabaho" dasal ko bago matulog.

Kaugnay na kabanata

  • HIS LOST BRIDE    CHAPTER 2

    GINALYN Maagang umalis si ate Apple, para na rin hindi daw siya ma traffic sa daan. At ngayon mag isa nalang ako sa apartment. Napatingin ako sa cellphone kong d-keypad, wala pa rin kasing tawag mula kahapon tungkol sa naging interview ko sa hotel na papasukan. Pero sabi ni ate Apple ay magtatanong-tanong daw siya mamaya doon.Napabuntong hinga akong kinuha nalang ang walis at nagsimulang maglinis. Nang matapos maglinis saka ako naligo, tinupi ang mga damit na tuyo na sa sampayan at inilagay sa orocan.Nang magtanghalian, nag luto lang ako ng noodles. Gustuhin ko man magluto, hindi pwede at baka magkasunog. Hindi ko alam kung bakit wala talaga akong alam sa pagluluto. Minsan kasi akong nag prisintang magluto sa bahay namin, para makapag pahinga ang nanay Bebeng. Pero binigyan ko lang siya ng alalahanin ng masunog ang niluto kong ulam.Ganoon din sa bigas kapag nagsasaing, tinuruan naman ako ng ilang beses na. Pero hindi ko talaga makuha kahit ano'ng turo sa'kin. Kaya mula noon, hindi

    Huling Na-update : 2023-03-28
  • HIS LOST BRIDE    CHAPTER 3

    GINALYN“ Hoy,kanina ka pa tulala d’yan!”Nailing na lang ako ng malingunan si Mary,napahawak ako sa dibdib ko dahil sa bigla niyang pagsulpot at pinalo ang braso ko. Napahawak nalang ako sa braso ko.“ Wala ,bigla lang akong may naisip.”“ Sus,may crush ka na din kay Mr. Smith ‘no?”Napailing ako sa sinabi niya,pero parang pamilyar sa pandinig ko ang sinabi niyang Smith.Nagtataka ko siyang tiningnan,napakunot naman ang noo niya. Napabuntong hinga,inilagay ang magkabilang braso sa dibdib at pinagkrus.“ Si Mr. Smith,siya ‘yong president at may ari nitong hotel na pinagtatrabahuan natin,ano ka ba.”Napangiwi nalang ako,hindi ko kasi natatanong pa ang pangalan ng may ari. “ Bumalik nalang tayo sa trabaho,mag o-ot ka ba ngayon?”Iniba ko na ang usapan namin ,hinila ko na siya at tapos na din ang break namin.Uwian at nagpapaalam na kami sa isa’t isa,nasa labas na kami ng hotel nang may mapansin akong babae. Sinundan ko ‘yon ng tingin,hanggang sa sinalubong nito ang isang lalaki. Napaiw

    Huling Na-update : 2023-03-28
  • HIS LOST BRIDE    PROLOGUE

    Chandrie"Are you fucking telling me na wala parin kayong lead? I've been paying you a lot of my money pero hindi niyo pa rin siya mahanap?" galit na tanong ko sa mga personal investigator na binayaran ko para ipahanap siya. Napatayo na ako sa aking mesa. It's been years, 3 long fucking years. Pero wala pa din, hindi ko pa rin siya mahanap." I'm so sorry sir, pero wala talaga kaming mahanap. Pero baka po totoo na wala na talaga siya." mabilis na nagngalit ang kamay ko at sinugod ko ito, sinuntok."Don't you even dare say it. Buhay siya I can feel it. Alam niyong walang bangkay na na recover. Kaya alam kong buhay pa siya."nanghihina akong napaupo sa visitor's chair at sinabunutan ang sailing buhok."Aalis na po kami, ipapagpatuloy po namin ang paghahanap, pero I suggest na ihanda ang iyong sarili. Hindi po natin alam baka bangkay na po niya ang mahanap namin." yumokod ito bago umalis ng aking opisina. Alam ko naman eh, ako nalang ang umaasa. Kahit ang sariling pamilya nito ay sumok

    Huling Na-update : 2023-03-28

Pinakabagong kabanata

  • HIS LOST BRIDE    CHAPTER 1

    CHANDRIE Parang pinukpok ng martilyo ang ulo ko pagkagising. Fucking hungover, tumayo na ako at dumiretso sa shower. Pagkatapos kong maligo at makapag-ayos ay lumabas na ako. Tumawag nalang ako sa bahay para ipalinis ang kalat sa condo ko. I drive myself sa company."Get me a coffee Joel. " utos ko sa secretary ko at pumasok na sa opisina.Umupo na ako sa swivel chair ko at napasandal ng kumirot ang ulo ko. Napapikit nalang ako at maya maya naman ay pumasok ang secretary ko at inilapag nito ang kape. Napatingin ako sa kanya ng maglapag din ito ng advil. Ngumiti naman ito at lumabas ulit. Ininom ko nalang ito at napasandal uli sa swivel chair at napapikit. Narinig ko nalang na bumukas ulit ang pinto sa office ko. "Sir, your schedule for today is ang bisitahin ang hotel niyo. Doon na din ang meeting niyo with Mr. Tan. At after po noon ay wala na po maliban nalang po sa mga papeles na kailangan niyo pong pirmahan." napadilat ako at tiningnan siya bago pumikit ulit."Ok, just inform me

  • HIS LOST BRIDE    PROLOGUE

    Chandrie"Are you fucking telling me na wala parin kayong lead? I've been paying you a lot of my money pero hindi niyo pa rin siya mahanap?" galit na tanong ko sa mga personal investigator na binayaran ko para ipahanap siya. Napatayo na ako sa aking mesa. It's been years, 3 long fucking years. Pero wala pa din, hindi ko pa rin siya mahanap." I'm so sorry sir, pero wala talaga kaming mahanap. Pero baka po totoo na wala na talaga siya." mabilis na nagngalit ang kamay ko at sinugod ko ito, sinuntok."Don't you even dare say it. Buhay siya I can feel it. Alam niyong walang bangkay na na recover. Kaya alam kong buhay pa siya."nanghihina akong napaupo sa visitor's chair at sinabunutan ang sailing buhok."Aalis na po kami, ipapagpatuloy po namin ang paghahanap, pero I suggest na ihanda ang iyong sarili. Hindi po natin alam baka bangkay na po niya ang mahanap namin." yumokod ito bago umalis ng aking opisina. Alam ko naman eh, ako nalang ang umaasa. Kahit ang sariling pamilya nito ay sumok

DMCA.com Protection Status