Happy reading!
[Letlet]"Dalian mo, Letlet!" Halos mayanig ang buong bahay nila na gawa sa pawid sa lakas ng sigaw ng kanyang Lola Asun.Taranta na tumakbo siya para sundin ang iniutos ng kanyang Lola, ang kumuha ng isang uri ng halamang gamot para sa sugat."Aray ko po!" Malakas na hiyaw niya ng madapa. Katulad ng palaging nangyayari ay nauna na naman ang kanyang mukha, nagasgasan na naman tuloy ang mukha niya.Nagmamadali siyang tumayo. Baka bugahan siya ng apoy ng Lola Asun niya kapag hindi agad siya nakabalik.Nang makuha ang kailangan niya ay nagmamadali siyang tumakbo pabalik. Kailangan daw ito para magising na ang pinsan niya. Malala kasi ang sugat na natamo nito dahil sa disgrasya kaya naman ginagamot ito ngayon ng kanyang mabait na Lola."Oh, Letlet, may bangas na naman ang Maganda mong mukha. Sabi ko naman sayo di'ba kapag may kailangan kang gawin ako nalang ang utusan mo. Para sa'yo gagawin ko lahat. Ganyan kita kamahal!"Hindi niya pinansin si Balug. Nilagpasan lang niya ito katulad ng pa
[Letlet]HALOS mapunit ang labi ni Letlet sa tindi ng pagkakangiti. Puno na ang dala n'yang dalawang bayong ng iba't ibang klase ng gulay at prutas. Tama nga siya, malaki ang pakinabang ng pagkakaroon ng imported na pinsan!Lahat ng kadalagahan sa Isla nila ang nagbigay sa kanya ng mga 'to. Pero syempre ay hindi 'yon libre at may kapalit. Pumayag siya na bisitahin ng mga 'to ang makisig n'yang pinsan. Pero isang beses na pagbisita lang, kapag gusto nilang umulit ay kailangan nila na magbigay ng panibagong suhol sa kanya para makabisita sila ulit.Hindi pa tuluyang gumagaling ang Kuya Lucian niya. Hindi parin ito nakakalabas ng kanilang bahay, pero nakakatayo na 'to at naigagagalaw na rin nito ang braso kahit paano. Sana ay tuluyan na 'tong gumaling, para naman may katulong na siya sa mga gawain sa bahay. Palagi nalang din kasi siya ang inuutusan ng kanyang Lola Asun."Letlet!" Napangiwi siya ng marinig ang boses ni Birang, ang babae na pakiramdam yata ay ubod ng ganda. Tiyak na nakar
[Letlet]KULANG nalang ay halikan ni Letlet si Birang sa sobrang tuwa ng iabot nito sa kanya ang lipstick na pinangako nito."Letlet, siguraduhin mo na ipapakilala mo na ako mamaya kay Lucian, ah." Parang bulateng nilagyan ng asin na sabi ni Birang. Paano ay halos mangisay ito hindi pa man niya naipapakilala sa kanyang pinsan.Tumango siya kay Birang. May isang salita naman siya. Isa pa ay sobrang natuwa talaga siya sa lipstick na binigay nito kaya naman talagang tutupad siya. Habang naglalakad ay muli na naman siyang nangudngod sa lupa. Napangiwi siya ng malasahan ang kapirasong lupa na pumasok sa kanyang bibig. Sanay na siya dahil palagi nalang 'tong nangyayari. Ano ba ang bago?Sumalampak siya ng upo habang inaalis ang dumi sa mukha niya. "Clumsy." Nag angat siya ng tingin at nakita na nakatayo sa harap niya ang pinsan niya. Nakasuot ito ng damit na halos butas na dahil sa kalumaan, ang short na suot naman nito ay kupas din at halatang luma, suot din ng pinsan niya ang tsinelas n
[Letlet]HINDI lumalabas ng kwarto si Letlet simula ng mangyari ang nakakahiyang nangyari kagabi. Kapag naaalala niya ang pinsan n'yang si Kuya Lucian ay nanggigil talaga siya sa sobrang inis.Kung pwede lang na ihagis niya ito sa dagat ay ginawa na niya!"Ahhh, kaasar talaga!" Inis na tili niya habang sinisipa ang dingding ng kwarto niya.Alam niya na aksidente ang nangyari pero hindi maalis sa isip niya ang mainit na kamay ng pinsan sa dibdib niya, isama pa ang mainit at mahabang bagay na dumikit sa ibaba niya-Oo at sanay na siyang makakita ng gano'ng bagay, pero hindi lang niya nakita ang bagay na meron si Lucian, nadikitan pa siya! Hindi lang basta kung saan kundi sa mismong perlas na pinakatatago niya! Wala naman siyang pakialam kahit na madikit pa 'yon sa kahit saang parte ng katawan niya, wag lang sa perlas na pinakaiingatan niya at wag lang din sa kanyang dibdib!"Bwisit talaga!" Kulang pa ang paulit-ulit na hampas na ginawa niya rito! Dapat ay binali rin niya ang kamay nito!
[Lance]WALA sa sinisibak na kahoy ang tingin ni Lucian, kundi na kay Letlet.Hindi siya makapaniwala na gano'n kagusto ni Letlet si Balot. Wala namang espesyal sa lalaking 'yon. "Ahh-damn!" Halos magpagulong-gulong siya sa sakit ng tamaan ng palakol ang paa niya.Tangina, ang sakit!"Kuya Lucian! Naku naman, naputol na ang daliri mo sa paa!" Tarantang sabi ni Letlet.Dahil sa sinabi ng dalaga ay namutla siya. Damn it! Hindi pwede na mabawasan ng kahit isang daliri lang ang paa niya! Kabawasan sa pagiging lalaki niya 'yon! "Lola! Si Kuya Lucian, naputulan ng paa!" Malakas na hiyaw ni Letlet.Nagmamadaling lumabas ng bahay si Lola Asun at agad na nilapitan siya. Kagat ang labi na binitiwan niya ang duguan na paa."Daplis lang naman, anong naputulan ng paa ang sinasabi mo d'yan?" Isang batok ang natamo ni Letlet sa Lola.Natigilan siya at tiningnan ang paa niya. Tama si Lola Asun, daplis nga lang. Napangiwi siya. Halos magpagulong-gulong pa siya sa lupa sa pag aakala na naputol na ang
[Lance] KAGABI pa napansin ni Lance na may kakaiba kay Letlet. Halos hindi mawala-wala ang ngiti sa labi nito.Nagdududa tuloy siya na baka nakipagkita 'to kahapon kay Balot. Hindi niya mapigilan ang mainis sa naisip. Ang tigas talaga ng ulo ng dalaga! Walang kahirap-hirap na hinati niya ang mga kahoy gamit ang palakol."Ingat, Kuya Lucian, baka maputol na talaga ang paa mo n'yan." Paalala ni Letlet na halos mapunit ang labi sa kakangiti.Inis na binagsak niya ang palakol. "Anong nginingiti-ngiti mo, ha?" Hindi nakatiis na tanong niya. "Nakipagkita ka ba kahapon sa kanya? Di'ba sabi ko naman sayo na bata ka pa?"May pagtataka na bumakas sa mukha ng dalaga. "Oh, ano naman kung nakipagkita ako? Ano bang masama do'n?"Naisabunot niya ang kamay sa buhok dahil sa inis. "Damn!" Mura niya bago iniwan ang dalaga.Kailangan n'yang gumawa ng paraan para mapaghiwalay ang dalawa. Masyado ng nahuhumaling ang pinsan niya sa lalaking 'yon kaya naman kailangan na n'yang kumilos.[LetletScene]"ANO
[Lance]TAMA si Lola Asun, kailangan n'yang humingi ng tawad kay Letlet. Pumunta siya sa kwarto ng pinsan at kumatok."Letlet—""Wag mo 'kong kausapin dahil baka matabas ko 'yang dila mong bwisit ka!" Malakas na singhal ng dalaga.Bumuntong-hininga siya. "Alam ko na mali ako, Letlet. Sorry na please... nag aalala lang talaga ako sayo kaya bilang pinsan mo ay ginawa ko lang ang alam kong tama—""Ang sabihin mo may tama ka na sa utak!" Mukhang mahihirapan siyang mapaamo ang dalaga. "Alright, tama ka na, may tama ako. Ayos na ba?" Hindi tumugon ang dalaga. "Patawarin mo na ako, Letlet. Ano ba ang gusto mo para patawarin mo na ako? Sabihin mo lang—" Halos mapatakbo siya sa gulat ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Letlet at walang reaksyon ang mukha na nakatingin 'to sa kanya.Napapalunok na lumayo siya sa dalaga sa takot na bigla nalang 'to lumundag sa kanya na parang pusa at kalmutin na naman siya."Sigurado ka na ibibigay mo sa akin lahat ng gusto ko?" Nakita niya ang pagkisla
[Letlet]Sinadya n'yang agahan ang gising. Agad na hinanap niya ang salamin at nakangiting naglagay ng lipstick sa labi."Magandang umaga, Lola!" Naibuga ni Lola Asun ang kape na iniinom. Masyado yatang nagandahan sa kanya. Tama nga si Birang. Nakakaganda ang lipstick.Napahagikgik siya. "Lola, pupuntahan ko lang si Birang!" Hindi na niya hinintay na magsalita ang Lola niya, agad na umalis siya ng bahay na halos mapunit ang labi sa pagkakangiti. Lahat ay napapatingin sa kanya kaya mas lalo siyang napapangiti. Katulad ng Lola niya ay tiyak na nagulat ang mga 'to sa kagandahan niya.Gumanda rin sa wakas!Nang makita si Birang ay agad niya 'tong nilapitan. "Ay aswang!" Nakahawak sa dibdib na sambit ni Birang ng makita siya.Aswang?Teka nga, siya ba ang tinutukoy nito? Nalukot ang mukha niya."Aba, Birang, ang ganda ng umaga ko kaya wag mong sirain!" Maka-aswang naman 'to, parang di araw-araw nakikita ang sarili sa salamin.Sinuri ng mabuti ni Birang ang mukha niya. "Anong ginawa mo s
[Lance] "Ahhhhh!!!!! Bwisìt ka, Lance Kerford!!!! Hindi ka na makakaulit sa akin!!!!" Umalingaw sa paligid ang malakas na boses ng asawa niya habang sakay ito ng stretcher. Hindi na siya sumunod pa papasok sa loob ng silid kung saan manganganak na ito. Hindi niya kayang makita si Letlet na nanganganak. Nanghihina ang tuhod niya sa nerbyos. Namewang si Birang at tumawa ng malakas. "Hindi na daw makakaulit pero pang-sampong anak niyo na 'yan! Aba, Lance! Paabutin niyo naman ang isang taon ang pagitan ng tanda ng mga anak niyo! Sinunod- sunod mo naman ang kaibigan ko!" Ngumiwi si Birang habang sapo ang malaking tiyan. Si Vicencio naman ay natatarantang lumapit sa asawa. "Mahal, manganganak ka na rin? Gaano katagal ang pagitan ng pagsakit? Humihilab na naman ba?" Magkakasunod na tanong ni Vicencio kay Birang. Napailing nalang siya. Tsk. Kung magsalita ito ay parang hindi pang- sampo ang nasa tiyan na ipinagbubuntis ngayon. Aba'y kapag buntis si Letlet at buntis din ito. Kung m
[Letlet]NAGHAHANDA siya ng pagkain para dalhin kina Lance at Stefano. Naroon rin kasi si Lance ngayon. Nakakaawa nga dahil pinatulog din ito ni Kapitan Tanggol sa takot na baka mangarate din ito katulad ni Stefano. Pagkatapos magluto ay agad na umalis siya para magpunta sa dalawa. Nasalubong pa niya ang isang babae na Menggay ang pangalan. Kilig na kilig ito at may dala din itong pagkain para kay Stefano."Ang swerte mo talaga, Letlet. Palagi ka nalang nagugustuhan ng mga imported at makikisig na lalaki!" Inipit niya ang buhok sa likod ng tenga at ngumiti. "Gano'n yata talaga kapag maganda, hehe." "Sabihin mo naman ang sikreto mo. Gusto ko na rin mag-asawa, eh!"Huminto siya sa paghakbang ng makita ang isang lalaki na nakatingin sa kanya mula sa hindi kalayuan. Natatandaan niya na Balug daw ang pangalan nito ayon kay Lance. Napansin niya na simula ng magising ito mula sa pagkahimatay ay palagi na itong nakatingin sa kanya mula sa malayo. Hanggang ngayon ay tila hindi ito makapaniwa
[Lance]MASAMA ang tingin niya kay Stefano kanina pa. Narito sila ngayon sakay ng Yatch nito papunta ng Isla. Nagpasya siyang do'n niya dadalhin si Letlet. Marami silang alaala ng magkasama sa Isla kaya baka makatulong 'yon para agad na bumalik ang alaala nito. Tsk. Ang hindi niya maintindihan ay bakit kailangan pang sumama ng Stefano na ito sa kanilang dalawa ni Letlet. Ang sarap itulak sa dagat. Pasipol- sipol pa ang gagò!"Letlet." Dinikit niya ang katawan sa dalaga. Grabe! Pakiramdam niya ay kinukuryente siya. Hindi pa rin talaga nagbabago ang epekto nito sa kanya."Bakit, Lance?" Malambing na tanong ni Letlet. Napatitig siya sa labi nito na mamula- mula. Gusto n'ya itong halikan!'Shìt! Control yourself, Lance! Baka mamaya ay matakot mo siya!' Kastigo ng utak niya. Tinaas niya ang braso para akbayan si Letlet, pero may pumigil sa kanya- si Stefano! Napahilot siya sa sintido. Limang araw na siyang nagtitimpi sa siraùlong ito. Paano ay hindi siya makaporma kay Letlet dahil palagi
[Lance]Lumipas ang bente minuto bago niya naramdaman ang pagbalik ng kanyang pakiramdam. Puno ng katanungan na tumingin siya rito. "What the hell are you doing here, Vicencio?!" Sa pagkakaalam niya ay mahigpit at hindi basta- basta nakakapasok sa PDA events. Kaya ano ang ginagawa ni Vicencio rito?Umawang ang kanyang labi ng makita ang mga high-end weapons na nakasiksik sa tagiliran nito."Don't tell me..." Hindi siya makapaniwala ng aminin sa kanya ni Vicencio ang lahat. Isa pala ito sa miyembro ng Knights at maging si Joey. Kaya pala taon ng hindi nagpapakita ang isa pa nilang kaibigan ay dahil sa buwis-buhay na misyong ginagawa nito ngayon.Damn! Lahat ba ng malapit sa kanya ay kasapi ng organisasyong ito?Pinigilan na naman siya ni Vicencio ng maglakad siya pabalik sa loob kung nasaan nagkakasiyahan ang miyembro ng PDA.Madilim ang mukha na tumingin siya sa kaibigan. "Naglihim ka sa akin, Vicencio. Nakita mo kung paano ako umiiyak araw-araw dahil sa pagkawala niya. Pero hindi mo
NAGKAKASIYAHAN ang lahat sa Isla Lasun sa nalalapit na kasal ng magkasintahan na sina Lance at Letlet. Itinaas ni Kapitan Tanggol ang hawak na Red Horşe. "Para sa magandang kinabukasan nila Lance at Letlet! Magsaya tayong lahat at hilingin na silay magkaanak ng sampo o higit pa!" Wika nito sabay tungga."Walang uuwi ng hindi gumagapang!" Si Mang Hagud ay itinaas din ang hawak na Tandųay Ice na kulay pula. Tuwang-tuwa ito dahil ngayon lang ito nakainom ng iba't ibang kulay ng alak.Lahat ng matatanda sa Isla ay tuwang- tuwa dahil sa iba't ibang klase ng alak na dala ni Lance na galing pa ng Maynila. Ang mga kadalagahan naman ay kanya- kanyang pahid ng kolorete sa mukha gamit ang mga iba't ibang klase ng makeup na dala pa ni Letlet galing din ng kapatagan."Letlet, salamat nga pala dito, ha. Pakiramdam ko ay gumanda ako ng isandaang porsyento dahil sa mga 'to." "Anong gumanda? Aba, hoy, Menggay wag ka ng umasa na gaganda ka! Partida lasing pa ako neto pero hindi ka naman gumanda sa pan
[Letlet]HINDI niya mapigilan ang luha na patuloy sa pag-agos habang naglalakad sa altar kung nasaan si Gian naghihintay. Katunayan ay kanina pa siya umiiyak kahit noong inaayusan palang siya.Hindi niya gustong ma-ikasal kay Gian pero wala siyang magawa. Gusto n'yang humingi ng tulong sa kanyang Lola at sabihin na napipilitan lang siya subalit natatakot siya sa maaaring gawin ng mag-amang Garry at Gian kay Lance.Kaunti lamang ang bisita at pili lang dahil bukod sa minadali ang kasal nila ay iyon din ang gusto ng mag-ama. Ngayon ay malinaw na ang lahat sa kanya kung bakit gustong madaliin ni Gian ang kasal nila. Napakasama ng mga ito... mga walang puso...Inamin din ni Gian sa kanya na maging ang pagpadpad ng mga ito sa Isla ay planado, maging ang pagdating ni Chloe doon... ang masakit pa ay nalaman n'yang maging ang nangyari 2 years ago at ang aksidente kung bakit nawalan ng alaala si Lance ay ito ang mga dahilan...Nakakasuklam... hindi na yata tao sina Garry at Gian... masyadong ma
[Lance]Muntik na siyang matumba sa kanyang narinig mula sa kanyang Lolo Lauro. Si Letlet ay ikakasal na daw sa loob ng dalawang linggo.Nanlalabo ang kanyang mata dahil sa luha. "Lance!" Tawag ng kanyang Lolo.Hindi siya lumingon at agad na umalis para puntahan si Letlet.Sunod-sunod ang ginawa n'yang pagpindot ng doorbell at makailang ulit na kinalampag ang gate ng mansion ng Mardones."Sir, pasensya na po pero ayaw ni Ma'am na harapin kayo———""Pakisabi sa kanya na hindi ako aalis dito hangga't hindi niya ako kinakausap." Napakamot na lamang sa ulo ang kasambahay bago umalis. Mayamaya pa ay lumabas si Letlet na nakasuot pa ng pantulog."Umuwi ka na, Lance. Wala na tayong dapat lang pag-usapan." Iwas ang mata na sabi ni Letlet sa kanya.Akmang aalis na ito ng pigilin niya ito sa braso. "Bitiwan mo nga ako———" Natigilan ito ng makita ang kanyang mukha na puno na ng luha."P-Please, wag kang magpakasal sa kanya..."Bumagsik ang mukha ni Letlet at hinila ang braso mula sa kanya. "Wal
[Gian]"Ano ba, Gian! Bitiwan mo nga ako!" Pilit na hinila ni Lizeth sa kanya ang braso subalit hindi niya ito binitiwan, bagkus ay mas lalo lamang dumiin ang pagkakahawak niya sa braso ng dalaga.Punýeta! Ginagalit talaga siya ng babaeng ito! Ang tagal n'yang nagpakabuti makuha lamang ang tiwala nito, tapos makikita niya itong kasama si Lance at dinala pa ito sa hospital!"Nasasaktan ako, Gian—–—""Talagang masasaktan ka kapag inulit mo pa ang ginawa mo!" Banta niya kay Lizeth. Halata na nagulat ito sa sinabi niya subalit wala siyang pakialam. Sobra ba ang selos niya at galit... "Nangako ka sa akin na hindi na makikipaglapit pa kay Lance, hindi ba?!"Kahit minsan ay hindi ni Lizeth sinabi na mahal siya nito. Ramdam niya na wala itong pagmamahal sa kanya kahit na siya ang nasa tabi nito sa paglipas ng 2 taon. Kaya naman ang puso niya ay nanggagalaiti sa sobrang selos at galit ng makita na kasama nito si Lance.Kitang-kita ng kanyang dalawang mata ang pag-aalala ni Lizeth para kay Lance
[Letlet]"Ma'am, mayro'n dumating na mga bagong bulaklak galing kay Mr. Kerford." Imporma ng kanyang secretary habang inilalagay ang napakaraming bulaklak dito sa loob ng kanyang opisina.Napahilot siya sa sintido. Hindi pa ba sapat ang mga sinabi niya para tantanan na siya nito? "Itapon mo lahat ng iyan. Sa susunod na magpadala siyang muli ng mga bulaklak ay itapon mo na agad at huwag ng ipasok dito sa office ko." Agad naman na tumango ito sa sinabi niya.Dalawang buwan na simula ng bumalik siya ng Pilipinas, at isang buwan siyang kinukulit ni Lance. Panay ang padala nito ng mga bulaklak ba may kalakip na note na 'sorry'. Hindi lang iyon, palagi din siya nitong inaabangan at sinusundan saan man siya magpunta. Mabuti na lamang at hindi ito nagpapang-abot at si Gian. "Ma'am?" Untag ng kanyang secretary sa kanya. "Ipapaalala ko lang po ang meeting ninyo mamaya kay Mr. Ferrer." Tumango siya at saka tumayo.Siya na ngayon ang CEO ng Mardones Group of Companies. Dalawang taon na rin mula