[Letlet]
HINDI lumalabas ng kwarto si Letlet simula ng mangyari ang nakakahiyang nangyari kagabi. Kapag naaalala niya ang pinsan n'yang si Kuya Lucian ay nanggigil talaga siya sa sobrang inis.Kung pwede lang na ihagis niya ito sa dagat ay ginawa na niya!"Ahhh, kaasar talaga!" Inis na tili niya habang sinisipa ang dingding ng kwarto niya.Alam niya na aksidente ang nangyari pero hindi maalis sa isip niya ang mainit na kamay ng pinsan sa dibdib niya, isama pa ang mainit at mahabang bagay na dumikit sa ibaba niya-Oo at sanay na siyang makakita ng gano'ng bagay, pero hindi lang niya nakita ang bagay na meron si Lucian, nadikitan pa siya! Hindi lang basta kung saan kundi sa mismong perlas na pinakatatago niya! Wala naman siyang pakialam kahit na madikit pa 'yon sa kahit saang parte ng katawan niya, wag lang sa perlas na pinakaiingatan niya at wag lang din sa kanyang dibdib!"Bwisit talaga!" Kulang pa ang paulit-ulit na hampas na ginawa niya rito! Dapat ay binali rin niya ang kamay nito!"Letlet, balak mo bang sirain ang dingding?!" Malakas na sigaw ng Lola niya mula sa kusina.Umupo siya at bumuga ng hangin. Ngayon paano niya haharapin ang pinsan niya, gayong sa tuwing nakikita niya 'to ay naaalala niya ang nangyari.Hindi naman pwede na palagi nalang siyang nasa kwarto para lang iwasan ito. Bakit ba kasi naubusan pa ng gaas ang gasera nila sa banyo kagabi? Bakit ba ang malas niya palagi?Hindi na nga niya nakuha ang lipstick na gustong-gusto niya, nahawakan pa at napisil ang dibdib niya!Kung hindi lang niya pinsan si Lucian ay baka pinaanod na talaga niya ito sa dagat![Lance]KANINA pa ang tingin ni Lance sa kwarto ni Letlet. Rinig niya ang impit na tili nito at parang nagwawala ito mula sa loob.Sumimsim siya ng kape."Lucian apo, pakiabot nga ang malaking pakwan na 'yon." Turo ni Lola Asun sa gilid ng mesa kung saan siya nakaupo.Muntik na n'yang maibuga ang iniinom na kape ng maalala ang nahawakan niya kagabi.Damn! Since he cupped her breast, he couldn't sleep well. Hindi maalis sa isip niya ang malaking pakwan ni Letlet -"Lucian! Bingi ka ba?!" Sigaw ng matanda.Napangiwi siya at agad na inabot dito ang pakwan saka muling uminom ng kape."Nakipag away ka ba kagabi kaya ang dami mong pasa sa mukha, ha?" Tanong ng matanda.Tuluyan na n'yang naibuga ang kape na iniinom sa tanong ni Lola Asun. Hindi niya nagawang magsalita, tanging pag ubo lang ang nagawa niya.Paano niya sasabihin na kaya siya nagkaro'n ng mga pasa ay dahil sa paghawak at pagpisil niya sa dibdib ng mahal nitong apo?"Ano ba ang nangyayari sa inyong mga bata kayo, hindi kayo makausap ng matino!" Iiling-iling ba sambit ni Lola Asun bago tumayo dala ang malaking pakwan.Nakahinga siya ng maluwag ng umalis na ang matanda."Bwisit ka talaga!" Muli n'yang narinig ang boses ni Letlet.Napangiwi siya. Alam niya kasi kung sino ang bwisit na tinutukoy nito.Matapos magkape ay tumayo siya para ilagay ang tasa na ginamit sa lagayan ng hugasan. Kumunot ang noo niya ng mapansin ang isang picture frame na nakapatong sa isang lumang radyo. Lumapit siya ro'n at dinampot 'yon para tingnan.Umawang ang labi niya sa nakita."What the fuck!" Hindi makapaniwala na bulalas niya.Paanong hindi siya magugulat, kung ang nasa litrato ay kamukhang-kamukha niya!"Lucian!"Muntik na n'yang mabitiwan ang hawak ng marinig ang malakas na pagtawag ni Lola Asun. Binalik niya ang picture frame sa kinalalagyan nito bago nilapitan si Lola Asun."Mamaya ay mangingisda ang ilang kabinataan dito sa Isla, gusto ko na sumama ka para hindi ka naman mainip habang narito ka! Maghanda ka na at mamaya ay aalis na kayo!"Wala sa sarili na tumango siya rito bago pumasok sa kwarto niya at nahiga.Ngayon ay alam na niya kung bakit ginigiit ng matanda na siya ang apo nito noong una palang.Dahil kamukhang-kamukha niya pala talaga ang apo nito."Damn! Paanong nangyari na may kamukha ako?" Dagli siyang umupo ng may hinala na nabuo sa isip niya.Hindi kaya may kakambal siya noong pinanganak siya at nagkahiwalay lang sila dahil nakidnap ito?O baka naman ampon lang talaga siya at apo talaga siya ni Lola Asun?Marahas na umiling siya. Imposible! Kamukhang-kamukha niya ang daddy niya kaya naman imposible na ampon lang siya.Hindi kaya.... nagkaroon ng affair ang daddy niya sa ibang babae at ang apo ni Lola Asun ang bunga, kaya magkamukha sila?Imposible din ang bagay na 'yon. He know how his father loved his mother so much. Noong nabubuhay pa ang mga ito ay halos hindi mapaghiwalay ang dalawa, kaya imposible ang naiisip niya.Nagkataon lang ba na kamukha niya ang apo ni Lola Asun na si Lucian? Kung gano'n ay nasaan naman ito at hanggang ngayon ay hindi pa 'to nakakabalik sa Isla?"Fuck!" Malakas na mura niya.Baka kaya hindi na 'to nakabalik sa Isla dahil nakita na ito ng Uncle Ben niya at pinatay sa pag aakala na iisa lang sila!Nanghina ang tuhod niya sa naisip. Kung tama ang hinala niya ay sigurado na papatayin siya ni Lola Asun at isusumpa ni Letlet kapag nangyari 'yon!Alam niya na hindi habangbuhay ay narito siya, balang araw ay malalaman din ng mga 'to ang totoo tungkol sa pagkatao niya.Napasintido siya.Hinala palang niya ang bagay na 'yon. Sa ngayon ang kailangan n'yang gawin ay manatili dito sa Isla at mapaniwala ang Uncle Ben niya na patay na siya, iyon ay kung hindi pa nito hawak ang totoong pinsan ni Letlet at mapagkamalan ito na siya -"Shit!" Hindi kaya ng konsensya n'yang isipin na may ibang tao na napahamak ng dahil sa kanya.Sana ay hindi hawak ng Uncle Ben niya ang totoong Lucian at ligtas ito kung nasaan man 'to. Hindi niya gusto na masaktan ang mag-Lola ng dahil sa gulo na dinala niya.Bumuntong-hininga siya. Hindi niya muna iisipin ang mga hinala na nasa isip niya ngayon. Sa ngayon ay kailangan niya munang pangatawanan ang pagpapanggap niya at ang kunwaring pagkawala ng kanyang alaala.[Lance]NAGTATAWANAN ang mga kasama ni Lance sa bangka habang nagku-kwentuhan. Narito na sila sa laot at nangingisda."Lucian, ikaw? Kailan mo balak mag asawa?" Tanong ni Rogelio sa kanya.Lihim siyang napangiwi. Pati ba naman dito ay pag aasawa ang maririnig niya?"Wala pa akong balak na mag asawa." Magpapakasawa siya sa buhay binata. Lalong magpapayaman at lilibutin ang mundo. Bibilhin niya rin lahat ng bagay na naisin niya."Gano'n ba? Ibig sabihin ay mauuna si Letlet na mag asawa sa inyong dalawa?" Tumingin si Rogelio sa katabing lalaki. "Eh Balug, kailan ba kasi ang kasal niyo ni Letlet?"Tumaas ang kilay niya. Si Letlet, mag aasawa na?"Malapit na, Rogelio. Hinihintay ko nalang ang pagpayag ni Letlet, alam niyo naman si Letlet, hindi maamin sa akin ang nararamdaman niya." Abot hanggang langit ang ngiti na sabi ng katabi ni Rogelio.Teka, ano nga ulit ang pangalan nito? Balot?"Sandali." Tinaas niya ang kamay. "Sino nagsabi na mag aasawa na si Letlet?" Wala naman nabanggit si Letlet, o maging si Lola Asun."Pinsan, hindi ba nabanggit ni Letlet sayo? Nobyo niya ako."Pinsan? Hinawakan niya ang binti para pigilan ang sarili na wag sipain ito.Pinasadahan niya ng tingin si Balot mula ulo hanggang paa. Hindi ito matangkad, hindi maputi, hindi gwapo at walang kadating-dating.Anong nagustuhan ni Letlet dito?"Hindi pa pwedeng mag asawa ang pinsan ko, Balot. Masyado pa siyang bata." Pagdadahilan niya."Hindi Balot ang pangalan ko, pinsan, Balug." Maasim ang mukha na pagtatama ni Balug sa kanya."Ah basta, hindi pa pwede na magpakasal si Letlet."Natigilan siya ng mapansin na nakatingin ang lahat sa kanya. Ano ang masama sa sinabi niya? Totoo naman na masyado pang bata si Letlet para mag asawa."Bente na ang edad ni Letlet, hindi na siya bata. Dito sa Isla ay maari ka na mag asawa sa edad na kinse." Paliwanag ni Lito na isa sa kasamahan nila.Para sa mga ito ay matanda na ang bente? The fuck! Siya nga na trenta ay marami pang gusto na marating sa buhay!"Teka, bakit parang ayaw mo na makasal kami ni Letlet, pinsan. Sabihin mo nga sa akin, may gusto ka ba-""Of course not! She's not my type!" Putol niya kay Balot.Nagkatinginan ang mga ito."Anong sabi mo, pinsan?"Hinawakan n'yang muli ang binti. Isang tawag pa ng 'Pinsan' ay masisipa na talaga niya si Balot."Ang sabi ko, syempre wala!" Sagot niya.Lumaki ang ngiti ni Balug. "Ah, akala ko kasi ay may gusto ka na ibang lalaki para kay Letlet."Napanganga siya. Ito ang ibig sabihin ni Balot? Kung gano'n ay nag overreact siya kanina? Damn! Bakit nga naman ito magtatanong ng gano'n, gayong ang alam nito ay pinsan siya ni Letlet?"Wag kang mag alala, pinsan-"Huli na para pigilan niya ang binti. Nasipa na niya si Balot![Letlet]NAGMAMADALI na tumakbo si Letlet papasok ng kwarto niya ng makita si Lucian na parating.Pagkasara niya ng pinto ng kwarto niya ay hinawakan niya ang dalawang dibdib.Ewan ba niya, simula kasi ng mahawakan siya ng pinsan niya sa dibdib ay palagi n'yang naaalala ang mainit nitong kamay, at hindi niya alam kung bakit."Letlet!"Wala siyang nagawa kundi lumabas ng kwarto ng marinig ang malakas na pagtawag ni Lola Asun."Tulungan mo si Lucian na linisan itong mga isda na dala niya. Kayo na ang maglinis n'yan dahil ang sakit ng katawan ko ngayon, magpapahinga na ako at mauuna ng matulog." Tumayo ang Lola niya habang nakahawak sa balakang.Napasimangot siya. Dahil wala din naman siyang magagawa ay sumunod nalang siya sa utos ng Lola niya.Habang naglilinis ng isda ay hindi siya mapakali. Pakiramdam niya kasi ay may matang nakatingin sa kanya.Hindi naman niya magawa na lingunin ang katabing pinsan dahil naiilang siya. Pero paano kung ito pala ang nakatingin sa kanya? Ang masaklap ay baka sa dibdib niya ito nakatingin!Dahil sa naisip ay na-itaas niya ang isdang hawak at hinampas ito sa ulo."Aray-damn it, Letlet! Ano ba?!" Reklamo ni Lucian habang hawak siya sa pulsuhan.Natigilan siya ng matauhan sa ginawa. "Pasensya na, Kuya Lucian." Nag iwas siya ng tingin rito at nagyuko ng ulo. Nakakahiya ang ginawa niya!Hinila niya ang kamay.Kumunot ang noo niya ng hindi nito binitiwan ang kamay niya.Nag angat siya ng tingin at tumingin dito. "Kuya Lucian, ang kamay ko." Muli n'yang hinila ang kamay pero hindi pa rin siya nito binitiwan."Letlet, masyado ka pang bata."Lalong lumalim ang kunot ng noo niya. Ano daw?"Maniwala ka sa akin, Letlet. Mas matanda ako sayo kaya alam ko na marami ka pang pwede na marating sa buhay.""Ang kamay ko nga!" Sinubukan niya uli na hilahin ang kamay."Saka marami ka pang makikilala bukod sa kanya. Mas gwapo, matangkad, mayaman at lamang ng isang milyong paligo."Ano ba ang mga pinagsasabi nito? Hindi kaya napasukan ng tubig-alat ang utak ng pinsan niya?"Pinsan mo ako kaya makinig ka sa akin, hindi ka pa pwede. Kahit si Lola Asun ay sigurado ako na ganito din ang sasabihin sayo. Kaya kung maaari ay putulin mo na ang nararamdaman mo sa kanya."Natigilan siya ng makita na seryoso na ang mga mata ni Lucian habang nakayuko at nakatingin sa kanya."Naiintindihan mo ba, Letlet?" Halos bulong na tanong nito."Naiintindihan ang ano?" Naguguluhan na tanong niya.Nalukot ang mukha ni Lucian. "Damn, ganyan mo ba siya kagusto at nagagawa mong magbingi-bingihan?" Halata ang inis sa boses nito.Siya din ay naiinis na. Ano ba kasi ang pinagsasabi nito? Nahampas niya lang ng isda sa ulo ay nagkaganito na 'to?Nasobrahan ba siya sa paghampas?"Hindi ako papayag na ituloy mo pa ang pagkagusto sa... sa Balot na 'yon."Sumusobra na ito! Paano nito nasasabi na ayawan niya ang balot, gayong lahat ng tao ay gustong-gusto ang balot!"Alam mo, Kuya Lucian, sumusobra ka na! Wala kang karapatan na pakialam ako kung ano ang gusto ko! Matanda na ako at ako ang masusunod kung gusto ko 'yon o hindi!" Malakas na singhal niya.Awang ang labi ng pinsan niya. Halatang nabigla ito sa sinabi niya at tila wala sa sarili na binitiwan ang kamay niya."G-Gusto mo talaga siya?" Halata na hindi ito makapaniwala.Hinihimas ang pulsuhan na tumingin siya rito ng masama. "Oo! Ano masaya ka na? Paborito ko at hindi ako magsasawa sa kanya!"[Lance]WALA sa sinisibak na kahoy ang tingin ni Lucian, kundi na kay Letlet.Hindi siya makapaniwala na gano'n kagusto ni Letlet si Balot. Wala namang espesyal sa lalaking 'yon. "Ahh-damn!" Halos magpagulong-gulong siya sa sakit ng tamaan ng palakol ang paa niya.Tangina, ang sakit!"Kuya Lucian! Naku naman, naputol na ang daliri mo sa paa!" Tarantang sabi ni Letlet.Dahil sa sinabi ng dalaga ay namutla siya. Damn it! Hindi pwede na mabawasan ng kahit isang daliri lang ang paa niya! Kabawasan sa pagiging lalaki niya 'yon! "Lola! Si Kuya Lucian, naputulan ng paa!" Malakas na hiyaw ni Letlet.Nagmamadaling lumabas ng bahay si Lola Asun at agad na nilapitan siya. Kagat ang labi na binitiwan niya ang duguan na paa."Daplis lang naman, anong naputulan ng paa ang sinasabi mo d'yan?" Isang batok ang natamo ni Letlet sa Lola.Natigilan siya at tiningnan ang paa niya. Tama si Lola Asun, daplis nga lang. Napangiwi siya. Halos magpagulong-gulong pa siya sa lupa sa pag aakala na naputol na ang
[Lance] KAGABI pa napansin ni Lance na may kakaiba kay Letlet. Halos hindi mawala-wala ang ngiti sa labi nito.Nagdududa tuloy siya na baka nakipagkita 'to kahapon kay Balot. Hindi niya mapigilan ang mainis sa naisip. Ang tigas talaga ng ulo ng dalaga! Walang kahirap-hirap na hinati niya ang mga kahoy gamit ang palakol."Ingat, Kuya Lucian, baka maputol na talaga ang paa mo n'yan." Paalala ni Letlet na halos mapunit ang labi sa kakangiti.Inis na binagsak niya ang palakol. "Anong nginingiti-ngiti mo, ha?" Hindi nakatiis na tanong niya. "Nakipagkita ka ba kahapon sa kanya? Di'ba sabi ko naman sayo na bata ka pa?"May pagtataka na bumakas sa mukha ng dalaga. "Oh, ano naman kung nakipagkita ako? Ano bang masama do'n?"Naisabunot niya ang kamay sa buhok dahil sa inis. "Damn!" Mura niya bago iniwan ang dalaga.Kailangan n'yang gumawa ng paraan para mapaghiwalay ang dalawa. Masyado ng nahuhumaling ang pinsan niya sa lalaking 'yon kaya naman kailangan na n'yang kumilos.[LetletScene]"ANO
[Lance]TAMA si Lola Asun, kailangan n'yang humingi ng tawad kay Letlet. Pumunta siya sa kwarto ng pinsan at kumatok."Letlet—""Wag mo 'kong kausapin dahil baka matabas ko 'yang dila mong bwisit ka!" Malakas na singhal ng dalaga.Bumuntong-hininga siya. "Alam ko na mali ako, Letlet. Sorry na please... nag aalala lang talaga ako sayo kaya bilang pinsan mo ay ginawa ko lang ang alam kong tama—""Ang sabihin mo may tama ka na sa utak!" Mukhang mahihirapan siyang mapaamo ang dalaga. "Alright, tama ka na, may tama ako. Ayos na ba?" Hindi tumugon ang dalaga. "Patawarin mo na ako, Letlet. Ano ba ang gusto mo para patawarin mo na ako? Sabihin mo lang—" Halos mapatakbo siya sa gulat ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Letlet at walang reaksyon ang mukha na nakatingin 'to sa kanya.Napapalunok na lumayo siya sa dalaga sa takot na bigla nalang 'to lumundag sa kanya na parang pusa at kalmutin na naman siya."Sigurado ka na ibibigay mo sa akin lahat ng gusto ko?" Nakita niya ang pagkisla
[Letlet]Sinadya n'yang agahan ang gising. Agad na hinanap niya ang salamin at nakangiting naglagay ng lipstick sa labi."Magandang umaga, Lola!" Naibuga ni Lola Asun ang kape na iniinom. Masyado yatang nagandahan sa kanya. Tama nga si Birang. Nakakaganda ang lipstick.Napahagikgik siya. "Lola, pupuntahan ko lang si Birang!" Hindi na niya hinintay na magsalita ang Lola niya, agad na umalis siya ng bahay na halos mapunit ang labi sa pagkakangiti. Lahat ay napapatingin sa kanya kaya mas lalo siyang napapangiti. Katulad ng Lola niya ay tiyak na nagulat ang mga 'to sa kagandahan niya.Gumanda rin sa wakas!Nang makita si Birang ay agad niya 'tong nilapitan. "Ay aswang!" Nakahawak sa dibdib na sambit ni Birang ng makita siya.Aswang?Teka nga, siya ba ang tinutukoy nito? Nalukot ang mukha niya."Aba, Birang, ang ganda ng umaga ko kaya wag mong sirain!" Maka-aswang naman 'to, parang di araw-araw nakikita ang sarili sa salamin.Sinuri ng mabuti ni Birang ang mukha niya. "Anong ginawa mo s
[Letlet]"Ako ay nagpapasalamat sa'yong pagmamahal sa aking anak, Kulas. Sana ay ingatan mo siya katulad ng aking pag iingat sa kanya. Huwag mo sana siyang sasaktan at alagaan. Maikasal man kayong dalawa ay huwag sanang magbago ang pagmamahal mo katulad ngayon." Madamdamin na lintanya ni Mang Goryo, habang ang katabing anak nito na si Geka ay maluha-luhang nakikinig."Hindi ako makapaniwala na ipinagpalit niya si Geka sa isang bangka." Aniya sa mahinang boses. Nabalitaan niya na binigyan ni Kulas si Mang Goryo ng isang bangka. Si Mang Goryo ay ama ni Geka na mapapangasawa ni Kulas. Katulad nga ng nangyayari rito sa kanilang isla.Pinagpapalit ang mahal.Napasimangot siya ng maalala si Balug. Ang sabi nito ay mahal siya nito, katulad ng sinasabi ni Kulas kay Mang Goryo, mahal daw nito si Geka. At iyon na nga, kapalit nito ay bangka. Ngayon nga ay manhikan na at sa sunod na buwan ay nakatakda na ang pag iisang dibdib ng mga ito."Nakakainggit naman sila." Kumikinang ang mata na sambit n
[Letlet]Pagkarating sa kanilang bahay ay nakita niya ang pinsan na abala sa pag inom ng tuba sa kusina na ikinataka niya. Nakita niya kasi ito na tumatanggi na uminom ng tuba sa tuwing aalukin ito ng mga taga isla kanina.Sa tulong ng liwanag na nagmumula sa gasera ay kita niya ang pamumula ng makinis nitong mukha.Pumasok siya sa kwarto ng abuela, pero agad din lumabas ng makita na wala ito. "Kuya Lucian, si Lola hindi mo kasamang umuwi?" Tiyak na lasing na ang Lola Asun niya. Ito kasi ang tipo na kapag nakainom ng tuba ay hindi humihinto sa pag inom hangga't hindi bumabagsak sa kalasingan.Nakatulog na marahil ito dahil sa pagkalasing.Hindi sumagot ang pinsan niya, bagkus ay tumungga lang ito ng tuba kaya napakamot siya sa ulo. Mukhang lasing na ang pinsan niya.Pumasok siya sa kwarto niya at humiga. Nakangiti na nagpapadyak siya ng paa at tila batang nagtitili sa sobrang tuwa.Puno talaga ng kaba ang dibdib niya kanina sa pag aakala na pagmamahal ang nararamdaman niya para kay Ba
[Lance]Malakas na sinuntok niya ang puno dahilan para magdugo ang kanyang kamao. Hindi siya makapaniwala na nagawa niya ang bagay na 'yon kay Letlet kagabi. Paano kung umiwas ito sa kanya? Matakot?Muli n'yang sinuntok ang puno na nasa harapan. "Damn, Lance! What's happening to you?!" Aniya sa sarili, hindi niya alintana ang sakit at pagdurugo ng kamao niya.Ang dami n'yang tanong sa sarili. Bakit hindi niya tinanggap ang hamon ni Balug? Takot nga ba siya na magustuhan ito ni Letlet? Bakit? Ano naman sa kanya 'yon? Hindi ba dapat ay wala na siyang pakialam ro'n? Pekeng pinsan lang naman siya kaya ano ang pakialam niya?Nang marinig niya na may mahal na si Letlet ay hindi niya matanggap at halos madurog ang dibdib niya. Kaya nagawa n'yang uminom araw-araw ng tuba at iwasan ito, pero sa huli ay hindi niya rin napigilan ang sarili na huwag itong sundan palagi.Dahil natatakot siya na makipagkita ito sa taong mahal nito kaya palagi siyang nakamasid rito.Sumandal siya sa puno at pumikit.
[Letlet]Tulala at wala sa sarili. Simula ng may mangyaring halikan sa pagitan nila ng kanyang pinsan na si Lucian ay tila walang laman ang katawan niya.Pati yata ang kaluluwa niya ay tinakasan na siya."Letlet, mahal ko!" Awtomatikong gumalaw ang kamay niya at kinuha ang tsinelas niya, saka iyon hinampas sa mukha ni Balug ng tangkain siya nitong yakapin."Grabe ka talaga sa akin, mahal ko. Di bale, mahal pa rin naman kita kahit ganyan ka." Nakangiti pa na sabi ni Balug na para bang hindi nasaktan. "Bakit ang aga mo naman yata rito sa bahay, Letlet? Miss mo ba ako—" Mabilis na lumayo ito ng hahampasin niya sana uli ng tsinelas."Manahimik ka nga d'yan kung ayaw mong hampasin kita ng paulit-ulit." Banta niya.Iniwas niya ang tingin kay Birang ng mapansin na nakataas ang kila nito habang nakatingin sa kanya, na para bang binabasa nito ang reaksyon niya."Bakit parang wala ka sa sarili ngayon?" Nilapit pa ni Birang ang mukha sa mukha niya. "Wala sa sarili tapos umiiyak kanina. Hmmm... S
[Lance] "Ahhhhh!!!!! Bwisìt ka, Lance Kerford!!!! Hindi ka na makakaulit sa akin!!!!" Umalingaw sa paligid ang malakas na boses ng asawa niya habang sakay ito ng stretcher. Hindi na siya sumunod pa papasok sa loob ng silid kung saan manganganak na ito. Hindi niya kayang makita si Letlet na nanganganak. Nanghihina ang tuhod niya sa nerbyos. Namewang si Birang at tumawa ng malakas. "Hindi na daw makakaulit pero pang-sampong anak niyo na 'yan! Aba, Lance! Paabutin niyo naman ang isang taon ang pagitan ng tanda ng mga anak niyo! Sinunod- sunod mo naman ang kaibigan ko!" Ngumiwi si Birang habang sapo ang malaking tiyan. Si Vicencio naman ay natatarantang lumapit sa asawa. "Mahal, manganganak ka na rin? Gaano katagal ang pagitan ng pagsakit? Humihilab na naman ba?" Magkakasunod na tanong ni Vicencio kay Birang. Napailing nalang siya. Tsk. Kung magsalita ito ay parang hindi pang- sampo ang nasa tiyan na ipinagbubuntis ngayon. Aba'y kapag buntis si Letlet at buntis din ito. Kung m
[Letlet]NAGHAHANDA siya ng pagkain para dalhin kina Lance at Stefano. Naroon rin kasi si Lance ngayon. Nakakaawa nga dahil pinatulog din ito ni Kapitan Tanggol sa takot na baka mangarate din ito katulad ni Stefano. Pagkatapos magluto ay agad na umalis siya para magpunta sa dalawa. Nasalubong pa niya ang isang babae na Menggay ang pangalan. Kilig na kilig ito at may dala din itong pagkain para kay Stefano."Ang swerte mo talaga, Letlet. Palagi ka nalang nagugustuhan ng mga imported at makikisig na lalaki!" Inipit niya ang buhok sa likod ng tenga at ngumiti. "Gano'n yata talaga kapag maganda, hehe." "Sabihin mo naman ang sikreto mo. Gusto ko na rin mag-asawa, eh!"Huminto siya sa paghakbang ng makita ang isang lalaki na nakatingin sa kanya mula sa hindi kalayuan. Natatandaan niya na Balug daw ang pangalan nito ayon kay Lance. Napansin niya na simula ng magising ito mula sa pagkahimatay ay palagi na itong nakatingin sa kanya mula sa malayo. Hanggang ngayon ay tila hindi ito makapaniwa
[Lance]MASAMA ang tingin niya kay Stefano kanina pa. Narito sila ngayon sakay ng Yatch nito papunta ng Isla. Nagpasya siyang do'n niya dadalhin si Letlet. Marami silang alaala ng magkasama sa Isla kaya baka makatulong 'yon para agad na bumalik ang alaala nito. Tsk. Ang hindi niya maintindihan ay bakit kailangan pang sumama ng Stefano na ito sa kanilang dalawa ni Letlet. Ang sarap itulak sa dagat. Pasipol- sipol pa ang gagò!"Letlet." Dinikit niya ang katawan sa dalaga. Grabe! Pakiramdam niya ay kinukuryente siya. Hindi pa rin talaga nagbabago ang epekto nito sa kanya."Bakit, Lance?" Malambing na tanong ni Letlet. Napatitig siya sa labi nito na mamula- mula. Gusto n'ya itong halikan!'Shìt! Control yourself, Lance! Baka mamaya ay matakot mo siya!' Kastigo ng utak niya. Tinaas niya ang braso para akbayan si Letlet, pero may pumigil sa kanya- si Stefano! Napahilot siya sa sintido. Limang araw na siyang nagtitimpi sa siraùlong ito. Paano ay hindi siya makaporma kay Letlet dahil palagi
[Lance]Lumipas ang bente minuto bago niya naramdaman ang pagbalik ng kanyang pakiramdam. Puno ng katanungan na tumingin siya rito. "What the hell are you doing here, Vicencio?!" Sa pagkakaalam niya ay mahigpit at hindi basta- basta nakakapasok sa PDA events. Kaya ano ang ginagawa ni Vicencio rito?Umawang ang kanyang labi ng makita ang mga high-end weapons na nakasiksik sa tagiliran nito."Don't tell me..." Hindi siya makapaniwala ng aminin sa kanya ni Vicencio ang lahat. Isa pala ito sa miyembro ng Knights at maging si Joey. Kaya pala taon ng hindi nagpapakita ang isa pa nilang kaibigan ay dahil sa buwis-buhay na misyong ginagawa nito ngayon.Damn! Lahat ba ng malapit sa kanya ay kasapi ng organisasyong ito?Pinigilan na naman siya ni Vicencio ng maglakad siya pabalik sa loob kung nasaan nagkakasiyahan ang miyembro ng PDA.Madilim ang mukha na tumingin siya sa kaibigan. "Naglihim ka sa akin, Vicencio. Nakita mo kung paano ako umiiyak araw-araw dahil sa pagkawala niya. Pero hindi mo
NAGKAKASIYAHAN ang lahat sa Isla Lasun sa nalalapit na kasal ng magkasintahan na sina Lance at Letlet. Itinaas ni Kapitan Tanggol ang hawak na Red Horşe. "Para sa magandang kinabukasan nila Lance at Letlet! Magsaya tayong lahat at hilingin na silay magkaanak ng sampo o higit pa!" Wika nito sabay tungga."Walang uuwi ng hindi gumagapang!" Si Mang Hagud ay itinaas din ang hawak na Tandųay Ice na kulay pula. Tuwang-tuwa ito dahil ngayon lang ito nakainom ng iba't ibang kulay ng alak.Lahat ng matatanda sa Isla ay tuwang- tuwa dahil sa iba't ibang klase ng alak na dala ni Lance na galing pa ng Maynila. Ang mga kadalagahan naman ay kanya- kanyang pahid ng kolorete sa mukha gamit ang mga iba't ibang klase ng makeup na dala pa ni Letlet galing din ng kapatagan."Letlet, salamat nga pala dito, ha. Pakiramdam ko ay gumanda ako ng isandaang porsyento dahil sa mga 'to." "Anong gumanda? Aba, hoy, Menggay wag ka ng umasa na gaganda ka! Partida lasing pa ako neto pero hindi ka naman gumanda sa pan
[Letlet]HINDI niya mapigilan ang luha na patuloy sa pag-agos habang naglalakad sa altar kung nasaan si Gian naghihintay. Katunayan ay kanina pa siya umiiyak kahit noong inaayusan palang siya.Hindi niya gustong ma-ikasal kay Gian pero wala siyang magawa. Gusto n'yang humingi ng tulong sa kanyang Lola at sabihin na napipilitan lang siya subalit natatakot siya sa maaaring gawin ng mag-amang Garry at Gian kay Lance.Kaunti lamang ang bisita at pili lang dahil bukod sa minadali ang kasal nila ay iyon din ang gusto ng mag-ama. Ngayon ay malinaw na ang lahat sa kanya kung bakit gustong madaliin ni Gian ang kasal nila. Napakasama ng mga ito... mga walang puso...Inamin din ni Gian sa kanya na maging ang pagpadpad ng mga ito sa Isla ay planado, maging ang pagdating ni Chloe doon... ang masakit pa ay nalaman n'yang maging ang nangyari 2 years ago at ang aksidente kung bakit nawalan ng alaala si Lance ay ito ang mga dahilan...Nakakasuklam... hindi na yata tao sina Garry at Gian... masyadong ma
[Lance]Muntik na siyang matumba sa kanyang narinig mula sa kanyang Lolo Lauro. Si Letlet ay ikakasal na daw sa loob ng dalawang linggo.Nanlalabo ang kanyang mata dahil sa luha. "Lance!" Tawag ng kanyang Lolo.Hindi siya lumingon at agad na umalis para puntahan si Letlet.Sunod-sunod ang ginawa n'yang pagpindot ng doorbell at makailang ulit na kinalampag ang gate ng mansion ng Mardones."Sir, pasensya na po pero ayaw ni Ma'am na harapin kayo———""Pakisabi sa kanya na hindi ako aalis dito hangga't hindi niya ako kinakausap." Napakamot na lamang sa ulo ang kasambahay bago umalis. Mayamaya pa ay lumabas si Letlet na nakasuot pa ng pantulog."Umuwi ka na, Lance. Wala na tayong dapat lang pag-usapan." Iwas ang mata na sabi ni Letlet sa kanya.Akmang aalis na ito ng pigilin niya ito sa braso. "Bitiwan mo nga ako———" Natigilan ito ng makita ang kanyang mukha na puno na ng luha."P-Please, wag kang magpakasal sa kanya..."Bumagsik ang mukha ni Letlet at hinila ang braso mula sa kanya. "Wal
[Gian]"Ano ba, Gian! Bitiwan mo nga ako!" Pilit na hinila ni Lizeth sa kanya ang braso subalit hindi niya ito binitiwan, bagkus ay mas lalo lamang dumiin ang pagkakahawak niya sa braso ng dalaga.Punýeta! Ginagalit talaga siya ng babaeng ito! Ang tagal n'yang nagpakabuti makuha lamang ang tiwala nito, tapos makikita niya itong kasama si Lance at dinala pa ito sa hospital!"Nasasaktan ako, Gian—–—""Talagang masasaktan ka kapag inulit mo pa ang ginawa mo!" Banta niya kay Lizeth. Halata na nagulat ito sa sinabi niya subalit wala siyang pakialam. Sobra ba ang selos niya at galit... "Nangako ka sa akin na hindi na makikipaglapit pa kay Lance, hindi ba?!"Kahit minsan ay hindi ni Lizeth sinabi na mahal siya nito. Ramdam niya na wala itong pagmamahal sa kanya kahit na siya ang nasa tabi nito sa paglipas ng 2 taon. Kaya naman ang puso niya ay nanggagalaiti sa sobrang selos at galit ng makita na kasama nito si Lance.Kitang-kita ng kanyang dalawang mata ang pag-aalala ni Lizeth para kay Lance
[Letlet]"Ma'am, mayro'n dumating na mga bagong bulaklak galing kay Mr. Kerford." Imporma ng kanyang secretary habang inilalagay ang napakaraming bulaklak dito sa loob ng kanyang opisina.Napahilot siya sa sintido. Hindi pa ba sapat ang mga sinabi niya para tantanan na siya nito? "Itapon mo lahat ng iyan. Sa susunod na magpadala siyang muli ng mga bulaklak ay itapon mo na agad at huwag ng ipasok dito sa office ko." Agad naman na tumango ito sa sinabi niya.Dalawang buwan na simula ng bumalik siya ng Pilipinas, at isang buwan siyang kinukulit ni Lance. Panay ang padala nito ng mga bulaklak ba may kalakip na note na 'sorry'. Hindi lang iyon, palagi din siya nitong inaabangan at sinusundan saan man siya magpunta. Mabuti na lamang at hindi ito nagpapang-abot at si Gian. "Ma'am?" Untag ng kanyang secretary sa kanya. "Ipapaalala ko lang po ang meeting ninyo mamaya kay Mr. Ferrer." Tumango siya at saka tumayo.Siya na ngayon ang CEO ng Mardones Group of Companies. Dalawang taon na rin mula