[Letlet]Pagkarating sa kanilang bahay ay nakita niya ang pinsan na abala sa pag inom ng tuba sa kusina na ikinataka niya. Nakita niya kasi ito na tumatanggi na uminom ng tuba sa tuwing aalukin ito ng mga taga isla kanina.Sa tulong ng liwanag na nagmumula sa gasera ay kita niya ang pamumula ng makinis nitong mukha.Pumasok siya sa kwarto ng abuela, pero agad din lumabas ng makita na wala ito. "Kuya Lucian, si Lola hindi mo kasamang umuwi?" Tiyak na lasing na ang Lola Asun niya. Ito kasi ang tipo na kapag nakainom ng tuba ay hindi humihinto sa pag inom hangga't hindi bumabagsak sa kalasingan.Nakatulog na marahil ito dahil sa pagkalasing.Hindi sumagot ang pinsan niya, bagkus ay tumungga lang ito ng tuba kaya napakamot siya sa ulo. Mukhang lasing na ang pinsan niya.Pumasok siya sa kwarto niya at humiga. Nakangiti na nagpapadyak siya ng paa at tila batang nagtitili sa sobrang tuwa.Puno talaga ng kaba ang dibdib niya kanina sa pag aakala na pagmamahal ang nararamdaman niya para kay Ba
[Lance]Malakas na sinuntok niya ang puno dahilan para magdugo ang kanyang kamao. Hindi siya makapaniwala na nagawa niya ang bagay na 'yon kay Letlet kagabi. Paano kung umiwas ito sa kanya? Matakot?Muli n'yang sinuntok ang puno na nasa harapan. "Damn, Lance! What's happening to you?!" Aniya sa sarili, hindi niya alintana ang sakit at pagdurugo ng kamao niya.Ang dami n'yang tanong sa sarili. Bakit hindi niya tinanggap ang hamon ni Balug? Takot nga ba siya na magustuhan ito ni Letlet? Bakit? Ano naman sa kanya 'yon? Hindi ba dapat ay wala na siyang pakialam ro'n? Pekeng pinsan lang naman siya kaya ano ang pakialam niya?Nang marinig niya na may mahal na si Letlet ay hindi niya matanggap at halos madurog ang dibdib niya. Kaya nagawa n'yang uminom araw-araw ng tuba at iwasan ito, pero sa huli ay hindi niya rin napigilan ang sarili na huwag itong sundan palagi.Dahil natatakot siya na makipagkita ito sa taong mahal nito kaya palagi siyang nakamasid rito.Sumandal siya sa puno at pumikit.
[Letlet]Tulala at wala sa sarili. Simula ng may mangyaring halikan sa pagitan nila ng kanyang pinsan na si Lucian ay tila walang laman ang katawan niya.Pati yata ang kaluluwa niya ay tinakasan na siya."Letlet, mahal ko!" Awtomatikong gumalaw ang kamay niya at kinuha ang tsinelas niya, saka iyon hinampas sa mukha ni Balug ng tangkain siya nitong yakapin."Grabe ka talaga sa akin, mahal ko. Di bale, mahal pa rin naman kita kahit ganyan ka." Nakangiti pa na sabi ni Balug na para bang hindi nasaktan. "Bakit ang aga mo naman yata rito sa bahay, Letlet? Miss mo ba ako—" Mabilis na lumayo ito ng hahampasin niya sana uli ng tsinelas."Manahimik ka nga d'yan kung ayaw mong hampasin kita ng paulit-ulit." Banta niya.Iniwas niya ang tingin kay Birang ng mapansin na nakataas ang kila nito habang nakatingin sa kanya, na para bang binabasa nito ang reaksyon niya."Bakit parang wala ka sa sarili ngayon?" Nilapit pa ni Birang ang mukha sa mukha niya. "Wala sa sarili tapos umiiyak kanina. Hmmm... S
[Letlet]Gusto n'yang sabihin sa Kuya Lucian niya na huwag siyang palaging tingnan nito. Paano ay wala itong ginawa kundi tingnan siya ng malagkit. Mabuti nalang at hindi 'yon napapansin ng kanilang Lola Asun. Narito sila ngayon sa bahay at kasalukuyang nanananghalian. At katulad dati ay magkaharap sila ng binata.Iniwas niya ang tingin sa binata ng biglang sumagi sa isip niya ang mainit na halikan sa pagitan nila kahapon. "Letlet, nakikinig ka ba?" Seryosong tanong ng Lola niya."Po?" Bumuntong-hininga ang matanda. "Kinausap ako ni Mario. Siya na ang kumausap sa akin tungkol sa inyong dalawa ni Balug. Ang akin lang, nasa tamang edad ka na at maaari ng magpakasal. Bilang Lola mo ay naisip ko na mainam na kung kay Balug ka nalang mapupunta kaysa sa kaninong binata rito sa Isla. Malapit naman ang pamilya natin—"Gulat silang napatingin sa Kuya Lucian niya ng malakas nitong ibagsak ang kamao sa mesa.Nakaramdam siya ng kaba at takot.Sa sobrang dilim ng mukha ng binata ay tila papatay
[Letlet]Siya lang daw ang gusto nito!Pinamulahan siya ng mukha."Pwede bang huwag mo ako tawagin 'kuya' kapag tayong dalawa lang?" Kagat ang labi na tumango siya."Damn! Ang labi mo talaga ang kahinaan ko." Ani Lucian at muling sinakop ang labi niya.Nilayo niya ang labi sa binata. "Kuya Lucian —L-Lucian pala," Nagyuko siya ng ulo. "G-Gusto mo ako kahit na hindi ako imported na tulad mo?" Naalala niya ang sinabi ni Birang.Malabo na magustuhan ng tulad nito ang kagaya nila.Hinawakan nito ang baba niya at saka itinaas. Ang mata nito na nakatingin sa kanya ngayon ay punong-puno ng emosyon na hindi niya mapangalanan.Pagmamahal ba ang mayro'n sa tingin nito?"Wala akong pakialam kahit na maging langit at lupa ang layo ng agwat natin sa buhay, sweetheart. Ilang beses ko bang sasabihin na ikaw lang ang..." Lumunok si Lucian, kita niya ang bahagyang pamumula ng tenga nito. "Ikaw lang ang nagustuhan ko ng ganito... Hindi lang kita gusto... M-Mahal kita." Umawang ang labi niya sa pagkabig
[Letlet]"Ano ba, Lucian?! Buksan mo nga 'tong pinto?" Malakas na utos ng kanyang Lola. "Lucian?!"Narinig niya ang pagbukas ng pinto. "Lola Asun, bumalik kayo. May nakalimutan ka po ba?" Kalmadong tanong ni Lucian.Samantalang siya, narito sa ilalim ng papag at nanginginig sa sobrang kaba na baka mahuli sila."Ay oo, nakalimutan ko ang pitaka ko. Nasaan nga pala si Letlet?" Rinig niya na tanong ng Lola niya."Hindi niyo ba nasalubong, Lola? Kakaalis lang niya. Nagpaalam siya sa akin na pupuntahan si Birang." Pagsisinungaling pa ng binata.'Patawad po, Lola' Paulit-ulit na usal ng isip niya."Anong pinuntahan si Birang? Aba'y nakita ko si Birang bago ako bumalik rito, hindi niya kasama si Letlet."Namutla siya.Baka mabuko sila ng Lola niya!"Lucian, ayos ka lang ba? Pinagpapawisan ka?" Nag aalalang tanong ni Lola Asun kay Lucian. Nanlaki ang mata niya ng makita ang paa ni Lola Asun malapit sa ulo niya—Pumasok sa kwarto ang Lola niya!"A-Ayos lang ako, Lola. Huwag ninyo akong alalaha
[Lance]Naghintay siya na magsabi si Letlet na biro lang ang sinabi nito pero hindi 'yon nangyari. Walang bakas ng pagbibiro sa luhaan nitong mukha."Nagbibiro ka ba?" Hindi niya napigilang tanong.Sinamaan siya ng tingin ni Letlet. "Lucian naman! Sa tingin mo ba magbibiro ako sa ganitong sitwasyon?" Hindi siya nagsalita.Tsk. Ano ang sasabihin niya? Na 'Oo' at naniniwala siya? Kapag sinabi naman n'yang hindi ay baka magalit pa 'to sa kanya?"Noong limang taong gulang ako ay pumalaot daw kami sabi ni Lola Asun. T-Tapos bigla nalang may dumating na mga masamang tsokoy at... at pinatay sina nanay at tatay." Katulad kanina ay umiiyak na naman ang dalaga. "D-Dahil sa takot ko sa nangyari ay wala akong maalala. K-Kahit mga mukha ng magulang ko ay hindi ko matandaan." Tumingin si Letlet sa kanya. "K-Kaya mas lalo akong nasasaktan, kasi hindi ko man lang naalala ang mukha ng mga magulang ko sa tuwing araw ng kamatayan nila."Niyakap nalang niya ang nobya. Kung gano'n ay wala pala itong maala
[Lance]His arm felt numb while chopping wood. He stretched out his arm so could see the movement of his muscular arm. Nabaling ang atensyon niya kay Rogelio ng makita itong may dalang banyera, na may lamang mga fresh na seefood."Magandang umaga, Lucian. Nari'yan ba si Letlet at Lola Asun?" Tanong ng binata, na agad n'yang tinanguhan.Kagabi pa hindi mawala sa isip niya ang tungkol sa pag alis sa isla para kausapin ang abuelo niya. Gusto n'yang sabihin lahat rito ang tungkol sa mga nangyari sa kanya.Hindi niya maiwasan ang makaramdam ng galit sa kanyang Uncle Ben. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang nagawa nitong balakin na patayin siya.Sisiguraduhin niya na maipapakulong nila ito sa oras na makabalik siya. Hindi niya hahayaan na maging malaya ito sa kabila ng ginawa sa kanya. Saka paano kung hindi lang siya ang magawang saktan nito? Paano kung idamay nito sa Letlet?Humigpit ang hawak niya sa palakol.Mayro'n pa siyang kailangang gawin bago umalis ng isla at umamin
[Lance] "Ahhhhh!!!!! Bwisìt ka, Lance Kerford!!!! Hindi ka na makakaulit sa akin!!!!" Umalingaw sa paligid ang malakas na boses ng asawa niya habang sakay ito ng stretcher. Hindi na siya sumunod pa papasok sa loob ng silid kung saan manganganak na ito. Hindi niya kayang makita si Letlet na nanganganak. Nanghihina ang tuhod niya sa nerbyos. Namewang si Birang at tumawa ng malakas. "Hindi na daw makakaulit pero pang-sampong anak niyo na 'yan! Aba, Lance! Paabutin niyo naman ang isang taon ang pagitan ng tanda ng mga anak niyo! Sinunod- sunod mo naman ang kaibigan ko!" Ngumiwi si Birang habang sapo ang malaking tiyan. Si Vicencio naman ay natatarantang lumapit sa asawa. "Mahal, manganganak ka na rin? Gaano katagal ang pagitan ng pagsakit? Humihilab na naman ba?" Magkakasunod na tanong ni Vicencio kay Birang. Napailing nalang siya. Tsk. Kung magsalita ito ay parang hindi pang- sampo ang nasa tiyan na ipinagbubuntis ngayon. Aba'y kapag buntis si Letlet at buntis din ito. Kung m
[Letlet]NAGHAHANDA siya ng pagkain para dalhin kina Lance at Stefano. Naroon rin kasi si Lance ngayon. Nakakaawa nga dahil pinatulog din ito ni Kapitan Tanggol sa takot na baka mangarate din ito katulad ni Stefano. Pagkatapos magluto ay agad na umalis siya para magpunta sa dalawa. Nasalubong pa niya ang isang babae na Menggay ang pangalan. Kilig na kilig ito at may dala din itong pagkain para kay Stefano."Ang swerte mo talaga, Letlet. Palagi ka nalang nagugustuhan ng mga imported at makikisig na lalaki!" Inipit niya ang buhok sa likod ng tenga at ngumiti. "Gano'n yata talaga kapag maganda, hehe." "Sabihin mo naman ang sikreto mo. Gusto ko na rin mag-asawa, eh!"Huminto siya sa paghakbang ng makita ang isang lalaki na nakatingin sa kanya mula sa hindi kalayuan. Natatandaan niya na Balug daw ang pangalan nito ayon kay Lance. Napansin niya na simula ng magising ito mula sa pagkahimatay ay palagi na itong nakatingin sa kanya mula sa malayo. Hanggang ngayon ay tila hindi ito makapaniwa
[Lance]MASAMA ang tingin niya kay Stefano kanina pa. Narito sila ngayon sakay ng Yatch nito papunta ng Isla. Nagpasya siyang do'n niya dadalhin si Letlet. Marami silang alaala ng magkasama sa Isla kaya baka makatulong 'yon para agad na bumalik ang alaala nito. Tsk. Ang hindi niya maintindihan ay bakit kailangan pang sumama ng Stefano na ito sa kanilang dalawa ni Letlet. Ang sarap itulak sa dagat. Pasipol- sipol pa ang gagò!"Letlet." Dinikit niya ang katawan sa dalaga. Grabe! Pakiramdam niya ay kinukuryente siya. Hindi pa rin talaga nagbabago ang epekto nito sa kanya."Bakit, Lance?" Malambing na tanong ni Letlet. Napatitig siya sa labi nito na mamula- mula. Gusto n'ya itong halikan!'Shìt! Control yourself, Lance! Baka mamaya ay matakot mo siya!' Kastigo ng utak niya. Tinaas niya ang braso para akbayan si Letlet, pero may pumigil sa kanya- si Stefano! Napahilot siya sa sintido. Limang araw na siyang nagtitimpi sa siraùlong ito. Paano ay hindi siya makaporma kay Letlet dahil palagi
[Lance]Lumipas ang bente minuto bago niya naramdaman ang pagbalik ng kanyang pakiramdam. Puno ng katanungan na tumingin siya rito. "What the hell are you doing here, Vicencio?!" Sa pagkakaalam niya ay mahigpit at hindi basta- basta nakakapasok sa PDA events. Kaya ano ang ginagawa ni Vicencio rito?Umawang ang kanyang labi ng makita ang mga high-end weapons na nakasiksik sa tagiliran nito."Don't tell me..." Hindi siya makapaniwala ng aminin sa kanya ni Vicencio ang lahat. Isa pala ito sa miyembro ng Knights at maging si Joey. Kaya pala taon ng hindi nagpapakita ang isa pa nilang kaibigan ay dahil sa buwis-buhay na misyong ginagawa nito ngayon.Damn! Lahat ba ng malapit sa kanya ay kasapi ng organisasyong ito?Pinigilan na naman siya ni Vicencio ng maglakad siya pabalik sa loob kung nasaan nagkakasiyahan ang miyembro ng PDA.Madilim ang mukha na tumingin siya sa kaibigan. "Naglihim ka sa akin, Vicencio. Nakita mo kung paano ako umiiyak araw-araw dahil sa pagkawala niya. Pero hindi mo
NAGKAKASIYAHAN ang lahat sa Isla Lasun sa nalalapit na kasal ng magkasintahan na sina Lance at Letlet. Itinaas ni Kapitan Tanggol ang hawak na Red Horşe. "Para sa magandang kinabukasan nila Lance at Letlet! Magsaya tayong lahat at hilingin na silay magkaanak ng sampo o higit pa!" Wika nito sabay tungga."Walang uuwi ng hindi gumagapang!" Si Mang Hagud ay itinaas din ang hawak na Tandųay Ice na kulay pula. Tuwang-tuwa ito dahil ngayon lang ito nakainom ng iba't ibang kulay ng alak.Lahat ng matatanda sa Isla ay tuwang- tuwa dahil sa iba't ibang klase ng alak na dala ni Lance na galing pa ng Maynila. Ang mga kadalagahan naman ay kanya- kanyang pahid ng kolorete sa mukha gamit ang mga iba't ibang klase ng makeup na dala pa ni Letlet galing din ng kapatagan."Letlet, salamat nga pala dito, ha. Pakiramdam ko ay gumanda ako ng isandaang porsyento dahil sa mga 'to." "Anong gumanda? Aba, hoy, Menggay wag ka ng umasa na gaganda ka! Partida lasing pa ako neto pero hindi ka naman gumanda sa pan
[Letlet]HINDI niya mapigilan ang luha na patuloy sa pag-agos habang naglalakad sa altar kung nasaan si Gian naghihintay. Katunayan ay kanina pa siya umiiyak kahit noong inaayusan palang siya.Hindi niya gustong ma-ikasal kay Gian pero wala siyang magawa. Gusto n'yang humingi ng tulong sa kanyang Lola at sabihin na napipilitan lang siya subalit natatakot siya sa maaaring gawin ng mag-amang Garry at Gian kay Lance.Kaunti lamang ang bisita at pili lang dahil bukod sa minadali ang kasal nila ay iyon din ang gusto ng mag-ama. Ngayon ay malinaw na ang lahat sa kanya kung bakit gustong madaliin ni Gian ang kasal nila. Napakasama ng mga ito... mga walang puso...Inamin din ni Gian sa kanya na maging ang pagpadpad ng mga ito sa Isla ay planado, maging ang pagdating ni Chloe doon... ang masakit pa ay nalaman n'yang maging ang nangyari 2 years ago at ang aksidente kung bakit nawalan ng alaala si Lance ay ito ang mga dahilan...Nakakasuklam... hindi na yata tao sina Garry at Gian... masyadong ma
[Lance]Muntik na siyang matumba sa kanyang narinig mula sa kanyang Lolo Lauro. Si Letlet ay ikakasal na daw sa loob ng dalawang linggo.Nanlalabo ang kanyang mata dahil sa luha. "Lance!" Tawag ng kanyang Lolo.Hindi siya lumingon at agad na umalis para puntahan si Letlet.Sunod-sunod ang ginawa n'yang pagpindot ng doorbell at makailang ulit na kinalampag ang gate ng mansion ng Mardones."Sir, pasensya na po pero ayaw ni Ma'am na harapin kayo———""Pakisabi sa kanya na hindi ako aalis dito hangga't hindi niya ako kinakausap." Napakamot na lamang sa ulo ang kasambahay bago umalis. Mayamaya pa ay lumabas si Letlet na nakasuot pa ng pantulog."Umuwi ka na, Lance. Wala na tayong dapat lang pag-usapan." Iwas ang mata na sabi ni Letlet sa kanya.Akmang aalis na ito ng pigilin niya ito sa braso. "Bitiwan mo nga ako———" Natigilan ito ng makita ang kanyang mukha na puno na ng luha."P-Please, wag kang magpakasal sa kanya..."Bumagsik ang mukha ni Letlet at hinila ang braso mula sa kanya. "Wal
[Gian]"Ano ba, Gian! Bitiwan mo nga ako!" Pilit na hinila ni Lizeth sa kanya ang braso subalit hindi niya ito binitiwan, bagkus ay mas lalo lamang dumiin ang pagkakahawak niya sa braso ng dalaga.Punýeta! Ginagalit talaga siya ng babaeng ito! Ang tagal n'yang nagpakabuti makuha lamang ang tiwala nito, tapos makikita niya itong kasama si Lance at dinala pa ito sa hospital!"Nasasaktan ako, Gian—–—""Talagang masasaktan ka kapag inulit mo pa ang ginawa mo!" Banta niya kay Lizeth. Halata na nagulat ito sa sinabi niya subalit wala siyang pakialam. Sobra ba ang selos niya at galit... "Nangako ka sa akin na hindi na makikipaglapit pa kay Lance, hindi ba?!"Kahit minsan ay hindi ni Lizeth sinabi na mahal siya nito. Ramdam niya na wala itong pagmamahal sa kanya kahit na siya ang nasa tabi nito sa paglipas ng 2 taon. Kaya naman ang puso niya ay nanggagalaiti sa sobrang selos at galit ng makita na kasama nito si Lance.Kitang-kita ng kanyang dalawang mata ang pag-aalala ni Lizeth para kay Lance
[Letlet]"Ma'am, mayro'n dumating na mga bagong bulaklak galing kay Mr. Kerford." Imporma ng kanyang secretary habang inilalagay ang napakaraming bulaklak dito sa loob ng kanyang opisina.Napahilot siya sa sintido. Hindi pa ba sapat ang mga sinabi niya para tantanan na siya nito? "Itapon mo lahat ng iyan. Sa susunod na magpadala siyang muli ng mga bulaklak ay itapon mo na agad at huwag ng ipasok dito sa office ko." Agad naman na tumango ito sa sinabi niya.Dalawang buwan na simula ng bumalik siya ng Pilipinas, at isang buwan siyang kinukulit ni Lance. Panay ang padala nito ng mga bulaklak ba may kalakip na note na 'sorry'. Hindi lang iyon, palagi din siya nitong inaabangan at sinusundan saan man siya magpunta. Mabuti na lamang at hindi ito nagpapang-abot at si Gian. "Ma'am?" Untag ng kanyang secretary sa kanya. "Ipapaalala ko lang po ang meeting ninyo mamaya kay Mr. Ferrer." Tumango siya at saka tumayo.Siya na ngayon ang CEO ng Mardones Group of Companies. Dalawang taon na rin mula