Kinabukasan habang abala ako sa pag-aayos ng mga halaman sa labas ng aking bahay ay dumating si Lyza. “Ang sipag naman,” bungad ni Lyza nang makalapit sa akin. “Ngaun ko na lang ulit ito na ayos,” maikli kong tugon. “Saan ka ba kasi nagpupunta?” “Bahay, trabaho at sa Orphanage,” saad ko sa kanya habang dinadakot ang mga tuyong dahoon. “Last week nandito kaya ako, sabi nung kapitbahay mo wala ka. Tapos hinahanap ka sa akin ni Kuya Galen nag-abot nga kami rito. Nasaan ka last week?” “Dami mong tanong ah imbestigador lang?” halika ka na muna sa loob,” paanyaya ko sa kanya nang mailigpit ko ang mga kalat. Dire-diretso siyang pumasok sa aking kusina dala niya ang isang paper bag habang naghuhugas ako ng kamay. “Anu ba yang dala mo?” “Food, from Kuya Galen. Pinadaan niya ako sa office nung nalaman n’ya na pupunta ako sayo. Kumain kana ba?” “Hindi pa,” maikli kong tugon. “Sakto pala, kumain muna tayo. Sabi ni kuya s’ya ang nagluto nito para sayo.” “Talaga ba?” paniniguro kong ta
Nagising ako sa sunud-sunod na tunog ng aking cellphone, tawag iyon mula kay Galen. “Open the door please,” bungad na saad ni Galen mula sa kabilang linya. “Ha? Door saan?” inaantok kong tugon. “Door ng bahay mo.” “Nandyan kana? Ang aga mo naman,” napabalikwas ako ng bangon. “Tanghali na kaya, 7:30am na -” Hindi ko na tinapos ang sasabihin n’ya dahil ibinaba ko na ang phone. Wala pa ako sa ulirat na isinuot ang robe na nasa ibabaw ng head board ng bed ko bago ako lumabas. “Good morning,” nakangiti n’yang bati sa akin. Lalong lumabas ang kanyang kakisigan sa suot niyang white shirt, blue short at rubber shoes. Napaka simple pero mukha pa rin elegante. “Morning, saan ba kasi tayo pupunta, mag-jojogging ba tayo?” tanong ko sa kanya bago ako nagdiretso sa kusina para uminom ng warm water. “You so beautifull kahit wala pang ligo,” malayong tugon niya sa tanong habang nakasunod siya sa akin sa kusina. “Nambola pa, ikaw na bahala d’yan kung gusto mong magkape o kumain ipagluto mo
Kinabukasan nga nang matapos ang aking trabaho ay nandoon na si Galen sa harap ng aking bahay. “Kanina ka pa ba?” bungad kong tanong sa kanya. “Kadarating ko lang din,” saad niya habang kinukuha ang paper bag sa loob ng sasakyan niya. Pinatuloy ko siya sa loob, “ano bang meron bakit nagawi ka ngaun?” usisa kong tanong sa kanya. “I want to cook for your dinner. Sabi ko naman sayo diba magsisimula ako sa simula,” nakangiti pa niyang saad. “Seryos ka? Ok lang naman kahit hindi mo na ‘yan gawin. Nag-agree na rin naman ako sa proposal mo,” bagot kong saad sa kanya. “Pagbigyan mo na ako please. Gusto ko naman itong gawin eh,” malambing pa niyang saad. “Ok, sige ikaw bahala,” pagsang-ayon ko sa kanya. “Thank you,” mabilis pa niya ako kinintalan ng halik sa aking noo bago nagtungo sa kusina. Naiwan akong tulala, ibang-iba na nga si Galen na una kong kilala. “Magbihis kana maya-maya kakain na tayo,” saad niya habang nagluluto sa kusina na nagpabalik sa aking ulirat. Nagtungo ako sa a
Nang matapos ang aming pag-uusap ay umalis na rin kami sa lugar, kung ano ang bilis ng aming byahe noong papunta kami ay kabaliktaran naman ng aming pag-uwi dahil sa haba ng trapik sanhi ng dalawang aksidente na aming nadaanan sinabayan pa ng malakas na pag-ulan.“Naabutan na tayo ng ulan,” mahina kong saad habang nakatingin ako sa labas ng bintana puro dilim ang aking nakikita tanging ilaw ng sasakyan ang nagbibigay ng liwanag sa aming dinadaan dahil nawalan na rin ng kuryente.“Blessing yan,” kalmadong tugon ni Galen.Wala man lang bakas ng pagkabahala sa kanyang anyo kahit na napakalakas ng ulan at may kasama pang hangin. Samantalang ako ay kanina pa kinakabahan dahil halos lahat ng aming daanan ay mataas na ang tubig sa kalsada. Buti na lamang ay medyo mataas ang sasakyan na dala ni Galen.Mag-aalas dose na kaming nakarating sa aking bahay. Laking gulat namin nang biglang may pumutok sa gawing likuran ng sasakyan ni Galen nang ihinto niya iyon. Nagkatinginan kaming dalawa at dali-
“Ou naman, ano bang maitutulong ko?” lumapit ako sa kinaroroonan niya at naupo rin malapit sa kanya, pawisan na siya sa pagpapalit ng bagong gulong. “Pakipunasan naman ang pawis ko,” saad niyang hindi lumilingon sa akin. “Ha?” “Sige na, madumi na yung kamay ko mahapdi sa mata,” muli niyang saad saka humarap at itinaas ang dalawa niyang kamay. Pinunasan ko na lamang para matapos na rin siya. Ilang sandali lang at natapos na niya ang pagpapalit ng gulong. Mabilis niyang nagawa iyon, halatang sanay siya sa mga ganoong gawain hindi lang siya famous multi-tasking din. Nang natapos niya iyon ay nagpaalam na rin siya na aalis. “Maraming salamat sa food and accommodation at sa pag-aalaga mo sa akin kagabi. Matulog kana rin para makapagpahinga ka, marami tayong aasikasuhin sa mga susunod na araw.” “Walang anuman, mag-iingat ka.” Halos mabilis na lumipas ang araw pagkatapos ng aking trabaho ay nagkikita kami ni Galen upang puntahan ng personal ang mga taong malalapit sa amin na nais imb
“Mommy nag-abala pa po kayo, kami na ang bahala ni Haya sa honey--,” hindi na naituloy ang sasabihin ni Galen.“Ok lang ‘yan anak, s’ya sige lumakad na kayo. Lahat ng kailangan ninyo ay nasa chopper na,” saad ni Donya Ysabel.Bumalik ang aking atensyon ng tapikin ako ni Donya Ysabel sa aking balikat na hindi pa rin mawala ang tingin sa laman ng sobre na ibinigay sa amin. Reservation iyon ng magiging room namin sa isang exclusive hotel sa Palawan.Hindi man lang sumagi sa isip ko na sila ang magpo-provide ng honeymoon namin na hindi man lang din namin napag-usapan ni Galen.“Lets go,” saad ni Galen sa akin.Tumango lamang ako at bumeso sa dalawang matanda na hindi mawala ang ngiti sa kanilang mga labi habang patungo kami sa gawing likod ng resort kung saan nandoon ang sasakyan na maghahatid sa amin sa nasabing lugar.Inalalayan ako ni Galen na makaakyat, “Ok ka lang?” tanong niya sa akin nang makaupo na siya sa tabi ko.Tango lang ulit ang aking naitugon dahil literal na nakaramdam ako
“Galen ano ba? hindi ako makagalaw,” reklamo ko sa kanya nalalanghap ko ang mabango niyang hininga. Ginawaran niya ako ng magaan na halik sa aking labi bago siya tuluyan na lumayo sa akin, “may bibilhin lang ako sandali,” saad niya at tuluyan na akong iniwan sa aming silid. Sa inis ko ay itinuloy ko ang pagliligpit ng mga gamit namin na nagkalat ang iba sa ibabaw ng kama. Pinaghiwalay ko ang mga gamit naming dalawa nag-ready na rin ako para sa aming pag-alis mamaya, nang matapos ako ay nahiga ako sa sofa habang naghihintay sa kanya. Ilang sandali pa lang akong nakahiga nang makabalik si Galen, may dala siyang dalawang paper bag. Nangiti pa siya nang makita na nakaligpit na ang aming mga gamit. “Thank you mahal ko, naka-prepare kana rin ba?” diretsong tanong niya sa akin. “Ou, bakit?” “Napaaga ang pagdating ng susundo sa atin nandyan na sila sa ibaba.” “Mabuti naman para maaga tayo makauwi,” saad ko na hindi ko maiwasan na matuwa dahil gusto ko na talagang umuwi. Ilang sandali
“Good morning Hon,” masuyong bati niya sa akin nang magising ako nang umaga na iyon. Kapansin-pansin din ang pag-iba niya ng tawag sa akin. Kasalukuyan niyang iginagayak ang kanyang mga gamit, nakaligo na rin siya.“Kailangan kong pumasok ngaun, mag-stay kana lang muna rito sa bahay susunduin kita after ng work ko uuwi tayo sa bahay mo kung hindi ka kumportable rito sa bahay,” diretso niyang saad.Naupo ako at sumandal sa head board habang pinapanood siya sa kanyang ginagawa. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula sa paghingi ng paumanhin sa kanya. Alam kong may kasalanan din ako sa kanya kagabi.“Sumunod kana sa akin sa ibaba naka-ready na ang breakfast natin,” saad niya habang isinusuot ang kanyang long sleeves,Kusa humakbang ang aking mga paa at nagtungo sa kanya kusa rin na kumilos ang aking mga kamay para tulungan siya sa pagbutones sa kanyang damit, “sorry sa inasal ko kagabi, pasensya kana kung nasasaktan kita at hindi ko kayang suklian ang lahat ng pinaram---,” hindi ko na
Masaya kong pinapanood ang aming mga anak ni Galen na naglalaro sa malawak na garden sa harapan ng aming bahay. Apat na taon na rin ang lumipas mula nang maipanganak ko ang mga anak namin. Ang malaking bahay at malawak na garden ng pamilya Sebastian ay mas naging masaya, nang dumating sa buhay namin sina Albie at Ashira. Ang buhay na dating pinapangarap ko lang ngayon ay tinatamasa ko, kasama ang mga mahal ko sa buhay. Ang pagpapatawad ko kay Papa Harold, ang lubos na nagpagaan sa aking pakiramdam. Itinuloy rin niya ang kanyang pag-awit at minsan ay nakakasama ako sa kanya. Si Galen, ang pinakamamahal kong asawa ay mas lalo ko pa s’yang minahal dahil napatunayan din niya ang tapat na pagmamahal niya sa ‘kin at sa aming mga anak. Tinanggap niya ako ng buo, siya ang pumuno sa lahat ng aking kakulangan at aking kalakasan sa tuwing nanghihina ako. Ngayon ay hindi na ako natatakot na mawala ang aking paningin dahil alam kong nasa sa tabi ko ang pamilya ko na magsisilbing paningin ko.
“Sino ka ba? Wala akong utang sayo,” sinikap kong itago ang takot na nararamdaman ko. Hindi ako pwedeng mamatay rito, kawawa ang mga anak ko.“Ikaw, wala, pero ang tatay mo meron.” Nagimbal ako sa narinig sa kanya. Tumunog ang cellphone na nasa bulsa niya sinadya pa niyang e-loudspeaker iyon:“Hello my dear, husband, na miss mo ba ako kaya ka tumawag?” malandi niyang bati mula sa kabilang linya.“Walang hiya ka talaga, Mildred, huwag mong idamay ang anak ko. Pakawalan mo si Haya, at ibibigay ko ang perang kailangan mo,” boses iyon ni Papa Harold. Mildred pala ang pangalan ng babaeng baliw na ito. Sayang lang at hindi ko makita ang itsura n’ya, pero sigurado akong kamukha s’ya ng mga kontrabida sa pelikula.“Oh, come on, Harold. Hindi lang pera ang kailangan ko. Ikaw ang kailangan ko, ang pagmamahal mo,” pasigaw na saad ni Mildred.“Sige, kapalit ng buhay at kalayaan ng anak ko, ibibigay ko ang gusto mo.”“Talaga?”“Maawa ka sa anak ko, Mildred, pakawalan mo na s’ya.”“Pakakawalan ko,
Kumalas ako sa pagkakayakap sa asawa ko. Naramdaman ko ang pagpunas niya sa mga luha ko, at ginawaran pa n’ya ako ng magaan na halik sa ‘king noo. “Do what you know will be good for you, Hon, nasa likod mo kami ng mga anak natin.” Masuyong saad ni Galen. Pinakalma ko ang sarili ko bago nagsalita. Sa sandaling ito ay ayoko ng umiyak tama na ang mga luhang pinakawalan ko para sa maling akala mula sa ‘king nakaraan. “Anak, mapapatawad mo ba ako? Please patawarin mo ako. Kahit anong kapalit ibibigay at gagawin ko patawarin mo lang ako. Gusto kong maging ama sa’yo kahit sa maikling panahon.” Pakiusap niya sa ‘kin. Tumango ako at ginawaran siya ng matamis na ngiti. Naramdaman ko ang paghalik ni Galen sa likod ng aking kamay. Ramdam ko rin ang presensya nila daddy at mommy na natuwa sa aking sagot. “Talaga anak?” Naramdaman kong lumapit sa ‘kin si Mr. Harold. Inabot ni Galen ang aking kamay sa kanya. Paulit-ulit na humingi ng tawad sa ‘kin si Mr. Harold at ginawaran n’ya ng halik ang kam
Tahimik din sila mommy sa susunod na mangyayari naramdaman ko ang paghawak ni Galen sa ‘king mga kamay. “Hon, pakinggan natin ang video na dala ni Mr. Harold. Baka ito na rin ang daan para mawala ang bigat na nararamdaman mo. Kahit hindi mo sabihin sa ‘kin, alam kong tuwing hating gabi ay lumalabas ka sa balkonahe para doon umiiyak.” Nagulat ako sa sinabing iyon ni Galen, ibig sabihin ay narinig niya ang mga sinasabi ko tungkol sa tatay ko. Umiiyak ako dahil sa nararamdaman kong galit sa kanya, nahirapan si mama dahil sa kapabayaan n’ya. Kung nasa tabi siya ni mama habang ipinagbubuntis ako at noong ipinanganak ako baka nasustentuhan ng maayos ang pangangailangan namin. Baka hindi ako ipinanganak sa labas ng orphanage habang malakas ang ulan. Baka hindi ako nabulag. Baka napagamot si mama ng mas maaga at humaba pa ang buhay n’ya at baka na tanggap na rin sila ng mga magulang ni Mama Hana, kung naging mabuting asawa at ama s’ya sa amin. “Sige, Harold, pakikinggan namin ang video,” ma
Dahan-dahan akong naglakad palabas nang aming silid patungo sa nursery room ng aming mga anak. Gamay ko na rin ang kabuuan ng aming bahay kaya kahit na wala akong kasama ay nakakapaglakad ako mag-isa. “Hon? Bakit hindi mo ako hinintay na makabalik sa silid natin para na alalayan kita.” Boses iyon ni Galen, katatapos lamang niyang mag-jogging. Mas naging health conscious din siya mula nang maaksidente siya, at tuwing weekend ay inilalaan niya ang kanyang oras sa mga anak namin. “Ok lang naman gamay ko na rito sa bahay.” “Ihahatid na kita sa room ng mga anak natin,” inalalayan niya ako sa paglalakad. “Good morning, Ma’am Haya, Sir Galen,” boses iyon ni Cristy. “Gising na ba ang mga baby namin?” “Tulog pa sila, sir, pero maya-maya gigising na rin po sila.” “Sige. Hon, maiwan na muna kita rito maliligo lang ako.” “Buti pa nga para paggising nila nakaligo kana rin.” mabilis naman siyang umalis. “Kumusta ang tulog ng mga baby namin, Cristy?” “Palagi po masarap ang tulog nila, ma’a
“Naniniwala akong babalik ang paningin mo, Hon,” saad ni Galen sa ‘kin. Nang makarating kami sa bahay ay nandoon ang mga malalapit naming kaibigan. Sina Sister Lucy, Sister Bea, Sir Bryan, Teacher Ann, Richard maging si Lyza na nasa ospital kanina ay nauhan pa kaming makauwi. Sabi n’ya ay s’ya ang punong abala sa paghahanda ng mga pagkain. Nagkaroon ng salu-salo at masayang nagkuwentuhan sobrang na mis ko rin sila. Kahit na wala akong makita at naninibago sa sitwasyon ko ay pinilit kong maging masaya sa harapan nila. Ang pangarap kong pamilya ay nasa kamay ko na ngayon kasama ko ang mga mahal ko sa buhay. Ngunit tila may kulang pa rin sa ‘king pagkatao marahil iyon ang pagbabalik ng aking paningin “Haya, anak,” naagaw ang aking atensyon sa boses na tumawag sa ‘kin. “Sister Bea?” “Ako nga, hindi na kami nakabalik sa ospital may mga kailangan asikasuhin sa orphanage.” Inalalayan pa niya akong makaupo sa silong ng puno na madalas kong tambayan noong buntis pa ako. Nagtataka man ako
ILANG sandali lamang ay dumating na si Dr. Flores at Lyza. Dumistansya ako para mabigyan sila ng espasyo, nakita ko ang kanilang ginagawa sa ‘king asawa. Tinulungan pa s’yang makainom ni Lyza, may malay na s’ya, hindi ako nagkakamali sa nakikita ko. “Galen,” tawag sa ‘kin ni Dr. Flores. Lumapit ako at hinawakan ang kamay niya. “H-hon, Haya,” humigpit ang paghawak n’ya sa ‘kin, luminga-linga pa s’ya sa paligid bago tumingin sa gawi ko. “G-galen?” “Yes, Hon, kumusta na ang pakiramdam mo?” “B-bakit p-puro kulay puti ang n-nakikita ko?” nahihirapan niyang usal. Napatingin ako kay Dr. Flores at Lyza. “H-hon, ang b-baby natin s-safe ba s-sila?” naiiyak na s’ya. “Nasa incubator ang baby ninyo ate, safe na safe na sila. Kaya magpalakas ka para mabuhat mo na ang mga baby mo.” “L-lyza?” “Yes, ate.” “A-anong nangyayari, hindi ko kayo makita?” “Nakaranas ka ng temporary blindness. Habang wala kang malay nag-undergo ka ng cesarian session para ilabas ang baby ninyo. Bumaba rin ang pulse
Lyza: Oh, my God. Wala kayo sa ambulance?Galen: Wala.Lyza: Ok, sige, ituloy mong bigyan s’ya ng hangin hanggang sa makarating kayo sa ospital. H’wag kang mataranta, ok. Pupuntahan ko kayo.Nang makapagbigay ng instruction si Lyza ay naputol na ang aming pag-uusap. Ilang beses kong inulit-ulit ang pagbibigay ng hangin sa asawa ko bago makarating sa ospital. Pagdating namin ay sumalubong sa ‘min sina Dra. Mendez, Dr. Flores, Nurse Lyza at may dalawa pang doctor silang kasama.“Doc, please iligtas ninyo ang mag-iina ko.”“Gagawin namin ang lahat sa abot ng aming makakaya,” saad ni Dra. Mendez bago sila tuluyang nagtungo sa emergency room. Sumama rin si Lyza sa loob ng Emergency Room.“Sir, tumawag si Donya Ysabel papunta na rin sila rito ng daddy mo,” saad ni Cristy.Ngunit tila wala akong narinig, wala akong tigil sa paglalakad ng pabalik-balik. “Sir, nahihilo na ako sa’yo, maupo ka muna rito ipagdasal natin sila ma’am,” hindi na nakatiis si Cristy na sitahin ako. Tumigil naman ako at
Mula nang mangyari ang insidenteng iyon sa company ay hindi na muli pumasok si Galen. Sa bahay na niya ginagawa ang kanyang mga gawain para masiguro niyang masamahan ako. “Hon, naka-prepare na ang breakfast. Kumain muna tayo,” tinulungan pa niya akong bumangon at inalalayan patungo sa balkonahe na nasa gilid ng aming silid kung saan nakahain ang pagkain. “Hindi ka ba papasok sa office?” “Hindi na muna, Hon, nagagawa ko naman ang trabaho ko kahit nandito ako sa bahay.” Masarap lahat ng nakahain kaya naman mas natuon ang atensyon ko na kumain muna. Nang matapos ako ay muli akong nagtanong tungkol sa kalagayan ngayon ng kumpanya. “Hon, kumusta na ang company ngayon? Wala bang na apektuhan na empleyado sa biglaang pagkuha ng share ni Mr. Harold, kahit hindi pa lubusan na nakakabawi?” pansin kong natahimik si Galen sa tanong kong iyon. “Meron, Hon, may mga pinagbakasyon muna ako, habang inaayos ang financial status ng company. Pero h’wag kang mag-alala dahil malapit ko ng matapos ang