Share

CHAPTER 1

last update Huling Na-update: 2020-08-19 11:29:41

CHAPTER 1

“SUMAMA ka sa akin.”

“Saan tayo pupunta?”

“Sa isang paraiso…”

“Hera…”

Napabalikwas ako ng bangon habang humihingal. Kakaibang panaginip. Sabi ko na lamang sa sarili.

“Celeste, gising na! Handa na ang almusal, male-late ka na sa klase!” Sa totoo lang ay hindi ko na kailangan ng orasan o alarm clock. Kusa akong napadilat nang marinig ang boses ni kuya  Chester. Palibhasa ay mala-broadcaster ang boses nito at nagtatrabaho sa isang sikat na radio station rito sa Tokyo, ginagamit na rin panggising sa akin. Napahikab muna ako at napatingin sa orasan. 6:30 ng umaga. Isang nakasisilaw na liwanag ang sumilay mula sa bintana ng kwarto ko. Ibang klase ang umaga ngayon, pakiramdam ko ay katanghalian na samantalang ang aga-aga pa.

“Celeste!”

“Nariyan na!” sigaw ko pabalik.

Ohayogozaimasu kapatid!” Napapokerface ako nang batiin ako ni kuya Chester.

“Magandang umaga rin,” bati ko sa kanya at dire-diretsong umupo sa lapag para mag-almusal.

“Kailan ka ba masasanay rito sa Japan? Hays, pambihira ka naman Cel,” himutok ulit niya at dinaluhan na rin ako sa hapag.

“Kuya hindi naman ganoon kadali mag-adjust eh. Lalo na at buong buhay ko sa Pilipinas ako nanirahan unlike you.” Napabuntong-hininga ako at napatingin sa kanya.

“Anong hindi madali mag-adjust? Umayos ka nga, isang taon ka na talaga rito. Ang sabihin mo tinatamad ka lang. You have lots of time to make adjustments. Why don’t you---”

“Okay, shut up na kuya. Enough na. Kain na tayo.” Isinupalpal ko sa kanya ang isang kutsarang kanin para lamang tumigil ang bunganga niya. Ang broadcaster nga naman, sobrang daldal. Tss.

“Maiba ako, kumusta ka naman sa school mo? Marami ka na bang friends? Di’ba nalipat ka ng section?” Kahit maraming laman ang bibig ay tuloy pa rin ang dakdak ng bunganga niya sa pagsasalita.

“Marami na akong nabasang libro,” tipid kong sagot kaya napatango na lamang siya. Alam na niya ang ibig sabihin noon. Hindi naman kasi ako palakaibigan na tao. Mas gusto ko kasama ang mga libro.

“Okay, if that suits you,” pagsuko niya. Tinusok-tusok ko na lamang ng tinidor ang almusal na inihanda ni kuya para sa akin at agad napangiwi. Shocks, ano bang klaseng pagkain ‘to? Almost one year na ako rito sa Japan pero hindi pa rin makuha ng taste ko ang mga pagkain nila.

“KUYA, pasok na ako. Bye!” Pagkatapos mag-ayos ng sarili ay lumabas na ako ng bahay at sumakay sa bike ko bilang service papuntang eskwelahan.

Sayonara, Celeste! Ingat sa pagpasok!”

“Err. Cringe.” Halos mapatakip na lang ako sa tenga nang marinig kong nagja-Japanese na naman si kuya.

Hindi pa rin ako masanay. Pero kahit ganito ako kabitter sa buhay ko ngayon sa Tokyo, ang laki pa rin ng utang na loob ko sa kuya Chester ko. Siya kasi ang tumayo bilang guardian ko magmula noong nagkahiwalay sina Mama at Papa. Si Mama, may iba nang pamilya sa Pinas samantalang si Papa, narito rin sa Japan pero may iba na ring pamilya. Ginawa talaga lahat ni kuya para makapag-aral ako at maisunod rito sa Tokyo dahil gusto n’ya, nagagabayan pa rin niya ako. Isa pa, iba pa rin ‘yung malapit sa kaisa-isang pamilya mo. This life in Tokyo is teaching me how to be independent. Siguro dapat sanayin ko na rin ang sarili ko para hindi na ako maging pabigat pa kay kuya. Medyo nakakahiya na rin.

This school year, grade 12 na ako taking Accountancy Business and Management sa Hirokoshi High o mas kilala bilang Horikoshi Gakuen. Karamihan sa mga nag-aaral rito ay mga anak ng celebrities. Yung iba may kakayahang makabayad ng malaking tuition fee. Ako? Ewan ko nga kung bakit at paano ako napasok ni kuya rito eh hindi naman kami ganoon kayaman. Sapat nga lang ang kinikita niya bilang radio broadcaster to feed my needs and school fees. Nakatulong na rin marahil ang pagiging brainy ko para magkaroon ng full scholarship. Dahil roon, medyo nabawasan ang bayarin.

Tutal maaga pa, binagalan ko lang ang pagpepedal sa bisikleta. Imbes na makipagsiksikan sa LRT, humanap talaga ako ng short cut kung saan pwede ko idaan itong bike ko. Mag-aalas syete y media na ako nakarating sa school. Sinalubong agad ako ni Patrice. Seatmate ko at isang half-Filipina, half- Japanese. Madali kaming nagkasundo dahil na rin sa pagiging dugong Pinay niya.

Ohayogozaimasu, Celeste!” bungad niya sa akin kaya nginitian ko lang siya. “Akala namin ni Truce hindi ka papasok ehh,” dagdag pa niya kaya naigala ko ang paningin at nakita si Truce sa tabi ng bintana na abala sa panonood ng anime.

Isa rin si Truce sa tinuturing kong kaibigan rito. Pure Filipino rin siya gaya ko pero since may kaya ang pamilya niya, dito na siya pinalaki ng parents niya. Silang dalawa lang ang tangi kong kaclose sa loob ng apat na sulok ng classroom.

“Medyo na-late lang.” Napakamot na lang ako sa ulo at nagtungo na sa assigned seat ko malapit rin sa bintana.

“Sabay us mag-lunch mamaya?” alok ni Patrice kaya ngumisi ako.

“As usual,” tugon ko.

“Oy, damay n’yo ko d’yan,” Walang tingin-tingin na sabat ni Truce dahil abala sa panonood ng kung bagong series sa kanyang cellphone.

“May narinig ka ba Cel? May nagsasalita atang sperm.” Dahil sa sinabi ni Patrice ay napahagalpak ako ng tawa.

“Hera, Hera…” Ngunit mayamaya ay napatigil ako nang makarinig ako ng bulong. Napakislot ako.

“Pat, narinig mo yon?”

“Ang alin?” naguguluhan niyang tanong.

“N-nothing HAHAHA, the talking sperm over there!” pagtukoy ko kay Truce na nakasuot ng eyeglasses niya. Nakatingin na ito sa amin at parang pikon na pikon.

“Do I look like a talking sperm to you, guys?” tanong nito sa amin habang magkasalubong na ang kilay. Napabungisngis naman kami.

Wala siyang narinig. Nang marealize kong wala siyang narinig ay binawi ko ang tanong ko at nanahimik na lamang.

Pero ang totoo, pinanindigan ako ng balahibo.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Christoper Dela Cruz
manda pakingan
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • HIRAETH (Tagalog)   CHAPTER 2

    CHAPTER 2

    Huling Na-update : 2020-08-19
  • HIRAETH (Tagalog)   CHAPTER 3

    CHAPTER 3“

    Huling Na-update : 2020-08-19
  • HIRAETH (Tagalog)   CHAPTER 4

    CHAPTER 4

    Huling Na-update : 2020-08-19
  • HIRAETH (Tagalog)   CHAPTER 5

    CHAPTER 5

    Huling Na-update : 2020-08-19
  • HIRAETH (Tagalog)   CHAPTER 6

    CHAPTER 6

    Huling Na-update : 2020-08-19
  • HIRAETH (Tagalog)   CHAPTER 7

    CHAPTER 7WALANG humpay ang pagsigaw ko nang bumulusok ang katawan ko sa isang napakahabang tunnel. Nauubusan na ako ng hininga hanggang sa tila kidlat na lumitaw ang liwanag at iniluwa ang nanlalambot ko nang katawan.Hindi ako makagalaw. Tila kinuryente ang mga kalamnan at buto ko sa hindi malamang dahilan.“Ugh,” I cough multiple times catching my breath and calm myself. Napakurap-kurap ako at unti-unting iminulat ang mga mata. Nakasisilaw na liwanag na naman ang sumalubong sa akin kaya napatakip ako sa mukha gamit ang palad.Kahit masasakit pa ang kasu-kasuan ay pinilit kong bumangon habang nanginginig pa ang dalawang tuhod. Pinagmasdan ko ang paligid at napanganga na lamang ako.“N-Nasaan ako?” Isang malawak na batuhan ang tumambad sa akin. Mabato at maalikabok kaya hindi ko maiwasang mapangiwi nang maalalang baka tumama kung saan ang ulo ko. Sht, ano bang nangyari?“T*ngina nasaan ako?” mura ko at paika-ikang naglakad sa ilalim ng sikat ng araw. Tuyot na tuyot na ang paligid. Hal

    Huling Na-update : 2020-08-19
  • HIRAETH (Tagalog)   CHAPTER 8

    CHAPTER 8

    Huling Na-update : 2020-08-19
  • HIRAETH (Tagalog)   CHAPTER 9

    CHAPTER 9

    Huling Na-update : 2020-08-19

Pinakabagong kabanata

  • HIRAETH (Tagalog)   EPILOGUE

    EPILOGUEFOUR MONTHS LATER“Sotsugyosei no minasan, omedetogozaimasu!”[Congratulations to all graduates!]“Congratulations, guys! Road to college na us!”Isang mahigpit na yakap ang natanggap ko mula sa dalawang malalapit ko na kaibigan, sina Patrice at Truce. We’re now both wearing togas and holding our diplomas. Kakatapos lamang ng graduation and awarding ceremonies at inimbitahan pa kami na umakyat ng stage for picture taking.Napakabilis ng panahon. Two years of being a senior-high school student made me realize that I am nearing to face my third struggle, to pass the entrance exam in college and pick the right course where I belong.Matapos kong kumawala sa yakap nila ay agad hinanap ng paningin ko si kuya Chester. Sa dami ng tao ay halos mag-ala giraffe ako upang tanawin siya. I need to flex my certificates and

  • HIRAETH (Tagalog)   CHAPTER 40

    CHAPTER 40IMINULAT ko ang mga mata ko.Kumikirot pa rin ang kalamnan ko tulad ng dati. Para akong kinuryente sa hindi malamang dahilan. Napangiwi ako.I found myself again in the middle of nowhere. But this time, alam ko na kung nasaan ako ngayon. I am here in Mount Hida, nearby a well. Kahit hinang-hina ay pilit akong bumangon. Napahawak ako sa pulso ko at natutop ang bibig.“Fudge, I thought this will heal,” bulong ko at napangiwi nang mapansing sugat pa rin ang kaliwa kong pulso matapos ko itong hiwain. Pero bakit ganoon? Ang weird ng oras rito kumpara sa Tokyo. Sobrang laki ng pagkakaiba nila.Napakagat-labi na lamang ako upang indain ang sakit. Hindi na naman nagdurugo pero kita ko pa rin ang pagkakahiwa nito. Shit, I never thought I’d hurt myself for the first time.Now, I have to find my way back to the palace. I have to find Tsuyu and his siblin

  • HIRAETH (Tagalog)   CHAPTER 39

    CHAPTER 39“CELESTE, you’re insane!” Patrice bursts out after I told them that I was able to enter that freaking book and had a chance to be part of the tale.“I’m telling the truth,” I look at them sincerely.“Noong una, ang sabi mo nakakarinig ka lang ng mga boses. Tapos ngayon naman, pinagpipilitan mong na-adapt ka ng isang libro. Oh my gosh, Cel!” Nasapo niya ang sariling mukha na parang nag-aalala na sa akin.“It was...it was a rollercoaster ride! I got a chance to meet the four princes too, including the queen and the king! Guys, I’m telling you the truth!” depensa ko pa at tiningnan sila isa-isa.I can’t find the right words. Pero siguradong-sigurado ako. Those characters inside the book were alive! They’re giving justice to their own roles. They’re portraying their characters like what the auth

  • HIRAETH (Tagalog)   CHAPTER 38

    CHAPTER 38“HERA! Hera!”“Hera gumising ka!”Unti-unti kong iminulat ang hanggang ngayo’y nanlalabo kong mga paningin at tumambad sa akin ang kwartong purong kulay puti ang pintura. Puting bedsheet, puting kurtina, kisame at isang nakapinid na bintana. Kumurap-kumurap ako dahil naninibago ako sa nakikita ko sa aking paligid. Nasaan ako?“Hija? Mabuti naman at nagising ka na. Dalawang araw ka nang narito sa hospital at walang-malay. Tiyak matutuwa ang kuya at mga kaibigan mo oras na malaman nilang nagka-ulirat ka na.” Isang ginang na nakasuot na kulay-puting coat ang pumasok sa silid na kinaroroonan ko at may malapad na ngisi. “Ako nga pala si Doctora Cordero,” dagdag pa nito na hindi ko na binigyang-pansin pa.“N-Nasaan ako?” Gustuhin ko mang makapagtanong pa ng il

  • HIRAETH (Tagalog)   CHAPTER 37

    CHAPTER 37NAPAHIGPIT ang yakap ko kay Kaisei habang nakasakay kami sa kabayo. Tinatahak namin ngayon ang daan paakyat ng Hida, ang pinakamataas na kabundukan rito sa Gokayama. Gustuhin ko mang lingunin ang hitsura ng kaharian, ay natatakot ako.Napapikit na lamang ako at yumuko.“S-sa tingin mo ayos lang sila roon?” tanong ko sa tahimik na si Kaisei.“Naroon si Jin at Itsoru para protektahan ang kaharian maging ang hari at reyna. Matitibay ang pader na humaharang sa buong palasyo. Hindi basta-basta makakapasok ang mga armadong iyon,” sagot niya na walang lingon-lingon. Napabuntong-hininga na lamang ako.Gusto ko pang magtanong nang magtanong. Kung nasaan si Tsuyu sa mga panahong ito. Kung ayos lang rin ba siya? Alam ba niyang wala na ako sa palasyo?Sa hindi inaasahan ay agad humalinghing ang kabayong sinasakyan namin. Wala kaming nagawa kundi mapaatras

  • HIRAETH (Tagalog)   CHAPTER 36

    CHAPTER 36THIRD PERSON’S POV“TSUYU!” halos takpan na ng binata ang tenga dahil sa paulit-ulit na pagtawag sa kanya ni Hera. Naiirita niya itong nilingon at sinamaan ng titig. Hindi gaya ng iba, ni hindi man lang ito natinag at nakipagtitigan pa sa kanya.Kakaiba talaga ang babaeng ito.“Bakit mo ba ako iniiwasan? Ikaw rin, hahanapin mo ako araw-araw kapag nawala ako,” nangongonsensyang sambit pa ni Hera kaya napaiwas ng tingin si Tsuyu.&ldq

  • HIRAETH (Tagalog)   CHAPTER 35

    CHAPTER 35CELESTE’S POVBAKIT ako umiiyak? Bakit may luha?Pinahid ko ito at bumangon habang nakatitig sa pintong nakasarado. Mayamaya ay bumukas ito at nakita ko ang nag-aalalang si Mira.“Mira---” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang sunggaban niya ako ng isang napakahigpit na yakap. Pagkaraa’y narinig ko ang pag-iyak niya.“Akala ko tuluyan ka nang mawawala. Nakakainis ka, Hera!” aniya sa pagitan ng pag-iyak kaya hinagod ko na lamang ang likod niya at napangiti. The thought of how sweet is this lady infront of me, reminds me of someone from the other world. It’s none other than, Patrice. My one and only girl bestfriend.“Hindi ako mawawala. Bakit naman kita iiwan?” sambit ko na lamang matapos siyang kumawala sa yakap.“May lason ang tsaa na ipinainom sa&rs

  • HIRAETH (Tagalog)   CHAPTER 34

    CHAPTER 34THIRD PERSON’S POVNAGMAMADALING naglakad palabas si Tsuyu bitbit ang sama ng loob sa kamahalan. Habol naman siya ni Takumi. Agad nitong hinawakan ng mahigpit ang braso ng binata at pinilit iniharap sa kanya. Ngunit wala itong emosyon nang titigan siya.“Hindi kita pakakasalan. Kung iyan ang iniisip mo,” determinadong saad ng prinsipe. Kumirot ang puso ni Takumi at napahigpit ang hawak sa pulso ng binata.“Bakit? Si Hera ba ang gusto mong pakasalan?” sarkastikong tanong nito at hindi makapaniwalang tinitigan ang prinsipeng matagal na niyang gusto.“Hindi kayo pwede. Ako ‘to, Tsuyu! Ako ‘yung nandito pero bakit ang ilap mo? Tsuyu, ako ang pakasalan mo.” Tila nagsusumamo ang prinsesa. Kitang-kita ang kagustuhang makaisang-dibdib ang binata pero hindi natinag si Tsu

  • HIRAETH (Tagalog)   CHAPTER 33

    CHAPTER 33CELESTE’S POVHUMUGOT muna ako ako ng lakas ng loob bago maglakad patungo sa silid ng reyna. Medyo malayo ito sa mismong silid kung saan naroroon kami.“Ano kaya ang dahilan at bakit ako gustong makita ng reyna?” sambit ko sa sarili habang dahan-dahan ang ginawang paglalakad. Maya’t maya kong itinataas ang laylayan ng mahaba kong damit. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako masanay sa ganitong kasuotan. Napakahaba, ang hirap maglakad!“Fudge!” Muntikan na ako matisod. Mabuti na lamang at may mabuting kamay ang biglaang napahawak sa braso ko kaya napatungo lamang ako. Agad kong iniangat ang tingin ko. Nakita ko ang unang prinsipe na seryosong nakatitig sa akin. Si Jin.“Napakalampa talaga,” naiiling nitong sambit kaya napaayos ako ng tayo.“S-salamat,” naiilang ak

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status