CHAPTER 3
“KUYA I’m home!” malakas kong tawag kay kuya Chester hindi pa man ako nakakapasok ng sala. Ipinarada ko muna ang bike ko at saka tinanggal ang sapatos bago pumanhik ng bahay. Wala akong nareceive na pagbati mula kay kuya kaya napadiretso ako sa kwarto niya. Bukas ang pinto, bukas rin ang TV pero mahimbing ang tulog niya. Napatingin ako sa wall clock. It’s already 8:30 pm. Kung tutuusin ay masyado pa itong maaga para sa tulad kong laging gising sa gabi. But for kuya Chester, alam kong pagod na pagod at puyat siya dahil sa trabaho. I took a deep sigh and pause for a moment to look at his situation. Then I pull over his blanket and turn off the TV. I slammed his door shut and proceed to our mini dining room.
Kukuha na sana ako ng malamig na inumin nang mabasa ko ang sticky note na nakadikit sa ref.
PINAGLUTO KITA NG DINNER. INITIN MO NA LANG.
-kuya
Napangiti ako at agad binuksan ang refrigerator.
NAKAKASILAW na liwanag ang tumunghay sa akin matapos kong buksan ang pinto. May naglahad ng kanyang palad at pilit niya akong tinatawag sa pangalang hindi pamilyar sa akin.
“Hera, Hera halika na. Sumama ka na sa akin. Kailangan ka namin…”
“Hera, heto na ang tahanan mo. Heto ang pamilya mo…”
“S-sino kayo?” naguguluhan kong tanong. Sa kabila ng nakasisilaw na liwanag, pinilit kong aninawin ang paligid.
“Celeste! Celeste!”
“Kuya?!” Napalingon ako at nakita si kuya Chester na pilit ring inaabot ang kamay ko.
“Celeste kami ang totoo mong pamilya! Sa akin ka sumama! Celeste!”
“Kuya!”
“Hera!”
“Celeste huwag kang makinig sa bulong!”
“Kuya!”
“Celeste! Hoy gumising ka!”
“Kuya?!” Nagising ako sa malakas na yugyog ni kuya sa akin. Tagaktak ang pawis ko at humihingal. Liwanag ng flashlight na hawak niya ang naging dahilan para masilaw ako. The f*ck? Panaginip lang pala, akala ko totoo na.
“Anong ginagawa mo rito sa kwarto ko?” takang tanong ko sa kanya agad niya ulit itinutok sa mukha ko ang flashlight. Fudge, ang sakit sa mata.
“Ako dapat ang magtanong sa’yo. Bakit ka sumisigaw at tinatawag ako?”
“Oh shit, panaginip nga,” mahinang sambit ko.
“Ano bang masamang panaginip ‘yan ha? Heto ang tubig uminom ka muna,” tanong niya at binigyan ako ng isang baso ng malamig na tubig.
“Kinukuha na raw ako ng liwanag. Tapos dumating ka at tinatawag ako pabalik,” litanya ko dahilan para matawa siya. Napakunot ang noo ko.
“Kuya ang ingay mo. Magigising ang mga kapitbahay oh, anong oras pa lang!” suway ko sa kanya pero hindi siya nagpaawat kakatawa.
“Sorry na, HAHAHAH. Alam mo na Celeste ha, kaya magpakabait ka na. Sign na ‘yan na kailangan mo nang ayusin ang buhay mo,” payo niya sa akin saka ginulo ang buhok ko.
“Mabait at maayos naman ako ah,” depensa ko sa sinabi niya.
“Kaya nga. Ang ibig kong sabihin, enjoy your youth, huwag lang puro libro. Make the most of your life here in Tokyo. Kasi ‘yon ang gusto ni kuya para sa’yo. Gets?” Dahil sinabi niya ay napangiti ako sabay tango.
“O s’ya. Tulog na ulit. Goodnight. Pray bago matulog.” Inayos niya ang kumot ko at ini-on na ulit ang lampshade.
“Hera…” I whispered when a familiar name accidentally crossed my mind. I’ve been dreaming voices calling this name countless times.
“Saan mo balak umuwi?”
“Akala ko sa Gokayama. Kamukhang-kamukha mo kasi siya,”
“Sugata o kesu.”
“Huwag kang makikinig sa bulong. Huwag mong hayaang pangunahan ka ng kyuryosidad. Baka matulad ka rin sa kanya.”
Hindi ko rin mapigilang maalala ang mga sinabi ni Madame Akako. What if she has something to do with these weird voices and callings? She’s warning me. I can sense it. But why? These questions will be answered if I only talk to her tomorrow. These should be answered. Cause I am already f*cked-up!
SAKAY ng bisikleta ko ay hindi ko mapigilang mapagmasdan ang kabuuan ng Tokyo habang padausdos na binabaybay ang pathway papasok ng Hirokoshi High. Mas maaga akong umalis ng bahay kumpara sa usual kong oras ng pagpasok kahit mamayang hapon pa talaga ang class schedule ko. Iyon ay upang tumambay sa coffee shop na malapit lang sa school. Maaga rin namang umalis si kuya for his morning shift sa station kaya wala rin akong makakasama sa bahay. I should better off to find convenient place where I can read books.
Luckily, sa halos isang taon ko nang pamamalagi rito sa Tokyo, nakahanap ako ng matatambayan bukod sa school library. And this is when Onibus Café came in.
Dali-dali kong ipinarada ang bike atsaka pumasok sa coffee shop. Onibus Café is a lovely coffee shop a short kilometer walk from our school. Patok na patok talaga ‘tong tambayan ng mga estudyante at mga coffee lovers. Dahil bukod sa masarap ang pour over coffee nila, ang creamy rin ng lattes. Tumunog ang chain pagpasok ko. Pumwesto ako malapit sa bintana so I can still watch passers-by at medyo may pagkasenti ang datingan.
Mayamaya ay lumapit ang isang waitress na may bitbit na notepad. Mukhang bagong hire pa lang siya dahil sa nameplate niya. Kabisado ko na kasi ang mga pangalan ng nagtatrabaho rito.
“Ohayogozaimasu! Gocyuumon yoroshii desyouka?” She greeted me as she takes my order.
“One espresso and one slice of chocolate cake,” sambit ko na lamang at binuklat na ang binabasa kong libro. I turn it on page 24 since I just started reading it last night. Nang mapansin kong hindi gumagalaw ang waitress ay napatingin muli ako sa kanya.
“M-Miss? May problema ba?” Imbes na sagutin ako, nakatitig lang siya sa akin na parang kinikilatis ang pagmumukha ko.
“Excuse me?” I snapped my finger infront of her.
“Ayy, Gomen’nasai!” She bowed and say sorry. Napanganga na lamang ako dahil sa weird na inasal niya nang makita ako.
“O-okay lang ahahaha,” awkward kong sagot at napaiwas ng tingin habang siya ay mas tumitig pa rin sa akin. Titig na animo’y kilalang-kilala ako. Titig na tila nagbibigay babala.
“You look like her…kaano-ano mo s’ya?”
Dahil sa naging tanong niya ay tuluyan nang nalaglag ang panga ko.
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7WALANG humpay ang pagsigaw ko nang bumulusok ang katawan ko sa isang napakahabang tunnel. Nauubusan na ako ng hininga hanggang sa tila kidlat na lumitaw ang liwanag at iniluwa ang nanlalambot ko nang katawan.Hindi ako makagalaw. Tila kinuryente ang mga kalamnan at buto ko sa hindi malamang dahilan.“Ugh,” I cough multiple times catching my breath and calm myself. Napakurap-kurap ako at unti-unting iminulat ang mga mata. Nakasisilaw na liwanag na naman ang sumalubong sa akin kaya napatakip ako sa mukha gamit ang palad.Kahit masasakit pa ang kasu-kasuan ay pinilit kong bumangon habang nanginginig pa ang dalawang tuhod. Pinagmasdan ko ang paligid at napanganga na lamang ako.“N-Nasaan ako?” Isang malawak na batuhan ang tumambad sa akin. Mabato at maalikabok kaya hindi ko maiwasang mapangiwi nang maalalang baka tumama kung saan ang ulo ko. Sht, ano bang nangyari?“T*ngina nasaan ako?” mura ko at paika-ikang naglakad sa ilalim ng sikat ng araw. Tuyot na tuyot na ang paligid. Hal
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
EPILOGUEFOUR MONTHS LATER“Sotsugyosei no minasan, omedetogozaimasu!”[Congratulations to all graduates!]“Congratulations, guys! Road to college na us!”Isang mahigpit na yakap ang natanggap ko mula sa dalawang malalapit ko na kaibigan, sina Patrice at Truce. We’re now both wearing togas and holding our diplomas. Kakatapos lamang ng graduation and awarding ceremonies at inimbitahan pa kami na umakyat ng stage for picture taking.Napakabilis ng panahon. Two years of being a senior-high school student made me realize that I am nearing to face my third struggle, to pass the entrance exam in college and pick the right course where I belong.Matapos kong kumawala sa yakap nila ay agad hinanap ng paningin ko si kuya Chester. Sa dami ng tao ay halos mag-ala giraffe ako upang tanawin siya. I need to flex my certificates and
CHAPTER 40IMINULAT ko ang mga mata ko.Kumikirot pa rin ang kalamnan ko tulad ng dati. Para akong kinuryente sa hindi malamang dahilan. Napangiwi ako.I found myself again in the middle of nowhere. But this time, alam ko na kung nasaan ako ngayon. I am here in Mount Hida, nearby a well. Kahit hinang-hina ay pilit akong bumangon. Napahawak ako sa pulso ko at natutop ang bibig.“Fudge, I thought this will heal,” bulong ko at napangiwi nang mapansing sugat pa rin ang kaliwa kong pulso matapos ko itong hiwain. Pero bakit ganoon? Ang weird ng oras rito kumpara sa Tokyo. Sobrang laki ng pagkakaiba nila.Napakagat-labi na lamang ako upang indain ang sakit. Hindi na naman nagdurugo pero kita ko pa rin ang pagkakahiwa nito. Shit, I never thought I’d hurt myself for the first time.Now, I have to find my way back to the palace. I have to find Tsuyu and his siblin
CHAPTER 39“CELESTE, you’re insane!” Patrice bursts out after I told them that I was able to enter that freaking book and had a chance to be part of the tale.“I’m telling the truth,” I look at them sincerely.“Noong una, ang sabi mo nakakarinig ka lang ng mga boses. Tapos ngayon naman, pinagpipilitan mong na-adapt ka ng isang libro. Oh my gosh, Cel!” Nasapo niya ang sariling mukha na parang nag-aalala na sa akin.“It was...it was a rollercoaster ride! I got a chance to meet the four princes too, including the queen and the king! Guys, I’m telling you the truth!” depensa ko pa at tiningnan sila isa-isa.I can’t find the right words. Pero siguradong-sigurado ako. Those characters inside the book were alive! They’re giving justice to their own roles. They’re portraying their characters like what the auth
CHAPTER 38“HERA! Hera!”“Hera gumising ka!”Unti-unti kong iminulat ang hanggang ngayo’y nanlalabo kong mga paningin at tumambad sa akin ang kwartong purong kulay puti ang pintura. Puting bedsheet, puting kurtina, kisame at isang nakapinid na bintana. Kumurap-kumurap ako dahil naninibago ako sa nakikita ko sa aking paligid. Nasaan ako?“Hija? Mabuti naman at nagising ka na. Dalawang araw ka nang narito sa hospital at walang-malay. Tiyak matutuwa ang kuya at mga kaibigan mo oras na malaman nilang nagka-ulirat ka na.” Isang ginang na nakasuot na kulay-puting coat ang pumasok sa silid na kinaroroonan ko at may malapad na ngisi. “Ako nga pala si Doctora Cordero,” dagdag pa nito na hindi ko na binigyang-pansin pa.“N-Nasaan ako?” Gustuhin ko mang makapagtanong pa ng il
CHAPTER 37NAPAHIGPIT ang yakap ko kay Kaisei habang nakasakay kami sa kabayo. Tinatahak namin ngayon ang daan paakyat ng Hida, ang pinakamataas na kabundukan rito sa Gokayama. Gustuhin ko mang lingunin ang hitsura ng kaharian, ay natatakot ako.Napapikit na lamang ako at yumuko.“S-sa tingin mo ayos lang sila roon?” tanong ko sa tahimik na si Kaisei.“Naroon si Jin at Itsoru para protektahan ang kaharian maging ang hari at reyna. Matitibay ang pader na humaharang sa buong palasyo. Hindi basta-basta makakapasok ang mga armadong iyon,” sagot niya na walang lingon-lingon. Napabuntong-hininga na lamang ako.Gusto ko pang magtanong nang magtanong. Kung nasaan si Tsuyu sa mga panahong ito. Kung ayos lang rin ba siya? Alam ba niyang wala na ako sa palasyo?Sa hindi inaasahan ay agad humalinghing ang kabayong sinasakyan namin. Wala kaming nagawa kundi mapaatras
CHAPTER 36THIRD PERSON’S POV“TSUYU!” halos takpan na ng binata ang tenga dahil sa paulit-ulit na pagtawag sa kanya ni Hera. Naiirita niya itong nilingon at sinamaan ng titig. Hindi gaya ng iba, ni hindi man lang ito natinag at nakipagtitigan pa sa kanya.Kakaiba talaga ang babaeng ito.“Bakit mo ba ako iniiwasan? Ikaw rin, hahanapin mo ako araw-araw kapag nawala ako,” nangongonsensyang sambit pa ni Hera kaya napaiwas ng tingin si Tsuyu.&ldq
CHAPTER 35CELESTE’S POVBAKIT ako umiiyak? Bakit may luha?Pinahid ko ito at bumangon habang nakatitig sa pintong nakasarado. Mayamaya ay bumukas ito at nakita ko ang nag-aalalang si Mira.“Mira---” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang sunggaban niya ako ng isang napakahigpit na yakap. Pagkaraa’y narinig ko ang pag-iyak niya.“Akala ko tuluyan ka nang mawawala. Nakakainis ka, Hera!” aniya sa pagitan ng pag-iyak kaya hinagod ko na lamang ang likod niya at napangiti. The thought of how sweet is this lady infront of me, reminds me of someone from the other world. It’s none other than, Patrice. My one and only girl bestfriend.“Hindi ako mawawala. Bakit naman kita iiwan?” sambit ko na lamang matapos siyang kumawala sa yakap.“May lason ang tsaa na ipinainom sa&rs
CHAPTER 34THIRD PERSON’S POVNAGMAMADALING naglakad palabas si Tsuyu bitbit ang sama ng loob sa kamahalan. Habol naman siya ni Takumi. Agad nitong hinawakan ng mahigpit ang braso ng binata at pinilit iniharap sa kanya. Ngunit wala itong emosyon nang titigan siya.“Hindi kita pakakasalan. Kung iyan ang iniisip mo,” determinadong saad ng prinsipe. Kumirot ang puso ni Takumi at napahigpit ang hawak sa pulso ng binata.“Bakit? Si Hera ba ang gusto mong pakasalan?” sarkastikong tanong nito at hindi makapaniwalang tinitigan ang prinsipeng matagal na niyang gusto.“Hindi kayo pwede. Ako ‘to, Tsuyu! Ako ‘yung nandito pero bakit ang ilap mo? Tsuyu, ako ang pakasalan mo.” Tila nagsusumamo ang prinsesa. Kitang-kita ang kagustuhang makaisang-dibdib ang binata pero hindi natinag si Tsu
CHAPTER 33CELESTE’S POVHUMUGOT muna ako ako ng lakas ng loob bago maglakad patungo sa silid ng reyna. Medyo malayo ito sa mismong silid kung saan naroroon kami.“Ano kaya ang dahilan at bakit ako gustong makita ng reyna?” sambit ko sa sarili habang dahan-dahan ang ginawang paglalakad. Maya’t maya kong itinataas ang laylayan ng mahaba kong damit. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako masanay sa ganitong kasuotan. Napakahaba, ang hirap maglakad!“Fudge!” Muntikan na ako matisod. Mabuti na lamang at may mabuting kamay ang biglaang napahawak sa braso ko kaya napatungo lamang ako. Agad kong iniangat ang tingin ko. Nakita ko ang unang prinsipe na seryosong nakatitig sa akin. Si Jin.“Napakalampa talaga,” naiiling nitong sambit kaya napaayos ako ng tayo.“S-salamat,” naiilang ak