CHAPTER 6
“NEXT week pala, pupunta rito ang mga ka-trabaho ko. Alam mo na, konting celebration, kasi ‘yung station namin dumarami na ang listeners from all over the world. Take note huh, hindi lang rito sa Tokyo kundi sa iba’t ibang parte ng mundo. I wonder nga kung napapakinggan na rin kami ng kapwa natin Pinoy. At saka irerelease na rin ‘yung bago naming station ID. Ikaw, Cel? Kumusta naman ang pag-aaral mo?” Nauntag ang pag-iisip ko nang ipitik ni kuya Chester ang daliri niya sa harap ko.
“H-ha? Ah, ayos lang. Medyo…marami lang school works. Alam mo na, graduating.” Napatango-tango siya sa naging sagot ko. Tinusok-tusok ko ng chopstick ang pagkain na inihanda ni kuya para sa almusal at napangiwi. Napansin ata niya ang reaksyon ko.
“Hindi mo kakainin kasi hindi mo alam kung ano ‘yan? Oh hindi mo kakainin kasi hindi mo type ang lasa? Alin doon sa dalawa?” tanong niya kaya napailing ako habang natatawa. Kuya Chester really knew me.
“For your info Celeste, iyang brown rice na nasa mangkok, that is called genmai here in Japan. Eto namang miso soup o miso shiru masarap rin ‘yan kung hindi mo pa natitikman. Masarap rin itong fermented soy beans o mas kilala sa tawag na natto tapos grilled fish---”
“Kuya tama na. Kakain na nga oh. Eto na, nangwa-warshock ka talaga eh, noh?” pambabara ko sa kanya kaya napailing siya at nagpatuloy na lamang sa pagkain.
“Tinuturuan kitang huwag maging maarte sa pagkain, Cel. Healthy naman ang mga ‘yan ah. Anong gusto mo? Puro frozen foods? Hotdogs, ham, mga pang-paikli ng buhay? At saka wala tayo sa Pinas, narito na tayo sa Japan. Hindi Tokyo ang mag-aadjust sa atin, kundi tayo mismo,” sermon na naman niya. I almost choke kaya napainom ako ng tubig.
“Eto naman si kuya, daming sinasabi eh. Sorry na. I’m trying my best okay?” Napakamot ako sa ulo. Pilit ko na lang nilunok ang gulay na kinakain ko kahit sukang-suka na ako.
TULAD ng mga nakaraang araw, papasok na naman ako sa eskwelahan. This time, medyo lutang na lutang. Bukod sa kulang sa tulog, hindi na rin maalis sa utak ko ang boses na noon ko pa naririnig. I already talk to Erika last night and I found out, pareho lang sila ng babaeng tinutukoy ni Madame Akako. And the confusion that hits my mind was, I’m hearing voices the same as Hera heard four years ago. Are we connected? Kamukha ko ba talaga s’ya? And what’s with the book? Bakit ayaw ipahawak iyon sa akin ng librarian? Ang dami kong tanong na wala pang sagot. Nalilito na ako.
Maingay at magulong classroom ang sumalubong sa akin pagpasok ko sa klase.
“High five!” alok agad sa akin ni Truce sabay harang ng kanyang palad sa hangin. Nang makita ko ito ay itinaas ko rin ang palad ko. Nag-apir kami sa hangin sabay fistbump. Dinaluhan naman kami ni Patrice at inabutan kaming dalawa ng papel.
“Ano ‘to? Para saan?”
“Application paper para sa graduating students. Fill-up-an na lang raw natin since wala si Sir Taka,” sagot ni Patrice atsaka ngumisi ng malapad.
“Mygassh guys! 4 months na lang gagraduate na us! Anong plano n’yo sa college? Dito pa rin ba kayo sa Hirokoshi?” Naghuhugis-bituin ang mga mata ni Patrice habang tinatanong kami.
“Ako, baka sa Pinas na, eh,” nanghihinayang na sagot ni Truce kaya bigla kaming nalungkot.
“Joke lang HAHAHAHA April Fools?” dugtong niya kaya halos masapak na naman siya ni Patrice.
“Gago ka talaga. Walang iwanan di’ba?”
“Ikaw Celeste? Anong balak mo?”
“Punta lang akong library,” paalam ko at hindi pinansin ang tanong nila sa akin. Nagkatinginan sila habang bagsak ang balikat na tiningnan ako.
“May balak ka bang palitan si Madame Akako oras na mag-retire siya? Lagi ka roon eh,” nakangiwi si Truce at napailing. Napakamot na lamang ako sa batok.
“May ichecheck lang akong libro, ano ba kayo. Since wala naman pala si Sir, sasaglit lang ako promise.” Itinaas ko pa ang kanan kong kamay bilang panunumpa na babalik.
“Okay, we got yah Cel. Text mo na lang kami later. Tutal wala nga siya ay pupunta na lang muna kami sa cafeteria. Sunod ka na lang ah?” Sa huli ay pumayag na rin si Patrice kaya napatango na lamang ako at dali-dali nang lumabas ng room.
NAKITA ko si Madame Akako na nakaub-ob sa mesa at mahimbing ang pagtulog. Imbes na gisingin ay nagpatip-toe na lamang ako at nilagpasan siya. I proceeded to the only shelf where I saw the old book last time. Alam kong mali itong suwayin ang librarian dahil binalaan na niya akong huwag bumalik. Pero hindi ako matatahimik hangga’t hindi ko nalalaman lahat. Lalo na at ako naman ang ginugulo ng boses na iyon. I just want to know everything. Wala namang makatutulong sa akin kundi ang sarili kong curiosity.
Sa tulong ng munting sinag ng liwanag mula sa maliit na bintana ay nagawa kong mahanap ang mismong libro. Halos mapaubo pa ako nang hugutin ko ito ngunit pinigilan ko sa takot na mahuli ako ng librarian. Mahirap na, baka tuluyan akong ma-ban sa library na ito.
Pinagpagan ko ang aklat na nababalot ng sapot ng gagamba at mga alikabok. Tumambad sa akin ang cover nito kung saan nakaukit ang isang pamagat na, “Yukue Fumei No Ei”. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at binuklat na ito. Mas namangha ako sa aking nakita. May pahina roon ng mga larawan ng isang lumang pamayanan. Kasunod nito ay mga kagubatan, mga hindi pamilyar na tanawin at tauhan. Napataas ang kilay ko nang mahulog mula sa mga pahina ng aklat ang isang polaroid. Dahan-dahan ko itong pinulot. Kupas na ito at mukhang napaglumaan na ng panahon ngunit kung hindi ako nagkakamali, isa itong larawan ng babae. Suot rin niya ang uniporme ng mismong school namin.
My eyes automatically widened as I examine the photo.
“Sh*t, ba’t kamukha ko?”
“Hera…”
Nanigas ako sa kinatatayuan nang marinig ko ang boses. Kusang nagliwanag ang librong hawak ko kaya naitapon ko ito bigla. Hindi ako makakilos lalo na nang magpalipat-lipat ito ng pahina habang mas lumiliwanag ang kabuuan. Napaatras ako dahil sa sobrang takot.
“F*ck! What the hell is happ----AAAAAHHHHHHHHH!!!!”
Ang kaninang bulong ko ay tuluyan nang naging sigaw nang maramdaman kong hinihigop na ako papasok sa libro. May kung anong puwersa ang humihigit sa akin at sa huli ay hindi na ako nakapalag pa. Tuluyan na akong nagpalamon sa liwanag.
CHAPTER 7WALANG humpay ang pagsigaw ko nang bumulusok ang katawan ko sa isang napakahabang tunnel. Nauubusan na ako ng hininga hanggang sa tila kidlat na lumitaw ang liwanag at iniluwa ang nanlalambot ko nang katawan.Hindi ako makagalaw. Tila kinuryente ang mga kalamnan at buto ko sa hindi malamang dahilan.“Ugh,” I cough multiple times catching my breath and calm myself. Napakurap-kurap ako at unti-unting iminulat ang mga mata. Nakasisilaw na liwanag na naman ang sumalubong sa akin kaya napatakip ako sa mukha gamit ang palad.Kahit masasakit pa ang kasu-kasuan ay pinilit kong bumangon habang nanginginig pa ang dalawang tuhod. Pinagmasdan ko ang paligid at napanganga na lamang ako.“N-Nasaan ako?” Isang malawak na batuhan ang tumambad sa akin. Mabato at maalikabok kaya hindi ko maiwasang mapangiwi nang maalalang baka tumama kung saan ang ulo ko. Sht, ano bang nangyari?“T*ngina nasaan ako?” mura ko at paika-ikang naglakad sa ilalim ng sikat ng araw. Tuyot na tuyot na ang paligid. Hal
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14“ATE, anong hitsura ng Tokyo?” Napangiti ako dahil sa naging tanong ni Yuri, ang bunsong kapatid ni Tsuyu. Katabi ko sila ngayon ni Yamaro habang pinagmamasdan ang kalangitan na tadtad ng bituin. Tanging huni lamang ng panggabing ibon ang maririnig at mga kulisap. Napakarami ring mga alitaptap ang nagliliparan.“Bakit mo natanong?” tanong ko pabalik at napatingala sa langit.“Tulad rin ba ng lugar na ito ang lugar na pinanggalingan mo?” inosenteng tanong rin ni Yamaro na ngayon ay nakatingin na rin sa akin habang naghihintay ng sagot ko. Napakagat-labi ako.“Ang lugar na ito ay kakaiba. Ibang-iba sa Tokyo...” bulalas ko at saka inalala ang mga lugar at pangyayaring kinagawian ko bilang isang normal na teenager sa Tokyo.Naalala ko ang paggising ko ng tanghali kahit may pasok sa school. Ang sermon ni kuya Chester tuwing hindi ko kinakain ang mga pagkaing niluluto niya. Ang pagtambay ko sa Onibus Cafe malapit lamang sa Hirokoshi High kung saan ako nag-aaral. Ang palagi kong pa
EPILOGUEFOUR MONTHS LATER“Sotsugyosei no minasan, omedetogozaimasu!”[Congratulations to all graduates!]“Congratulations, guys! Road to college na us!”Isang mahigpit na yakap ang natanggap ko mula sa dalawang malalapit ko na kaibigan, sina Patrice at Truce. We’re now both wearing togas and holding our diplomas. Kakatapos lamang ng graduation and awarding ceremonies at inimbitahan pa kami na umakyat ng stage for picture taking.Napakabilis ng panahon. Two years of being a senior-high school student made me realize that I am nearing to face my third struggle, to pass the entrance exam in college and pick the right course where I belong.Matapos kong kumawala sa yakap nila ay agad hinanap ng paningin ko si kuya Chester. Sa dami ng tao ay halos mag-ala giraffe ako upang tanawin siya. I need to flex my certificates and
CHAPTER 40IMINULAT ko ang mga mata ko.Kumikirot pa rin ang kalamnan ko tulad ng dati. Para akong kinuryente sa hindi malamang dahilan. Napangiwi ako.I found myself again in the middle of nowhere. But this time, alam ko na kung nasaan ako ngayon. I am here in Mount Hida, nearby a well. Kahit hinang-hina ay pilit akong bumangon. Napahawak ako sa pulso ko at natutop ang bibig.“Fudge, I thought this will heal,” bulong ko at napangiwi nang mapansing sugat pa rin ang kaliwa kong pulso matapos ko itong hiwain. Pero bakit ganoon? Ang weird ng oras rito kumpara sa Tokyo. Sobrang laki ng pagkakaiba nila.Napakagat-labi na lamang ako upang indain ang sakit. Hindi na naman nagdurugo pero kita ko pa rin ang pagkakahiwa nito. Shit, I never thought I’d hurt myself for the first time.Now, I have to find my way back to the palace. I have to find Tsuyu and his siblin
CHAPTER 39“CELESTE, you’re insane!” Patrice bursts out after I told them that I was able to enter that freaking book and had a chance to be part of the tale.“I’m telling the truth,” I look at them sincerely.“Noong una, ang sabi mo nakakarinig ka lang ng mga boses. Tapos ngayon naman, pinagpipilitan mong na-adapt ka ng isang libro. Oh my gosh, Cel!” Nasapo niya ang sariling mukha na parang nag-aalala na sa akin.“It was...it was a rollercoaster ride! I got a chance to meet the four princes too, including the queen and the king! Guys, I’m telling you the truth!” depensa ko pa at tiningnan sila isa-isa.I can’t find the right words. Pero siguradong-sigurado ako. Those characters inside the book were alive! They’re giving justice to their own roles. They’re portraying their characters like what the auth
CHAPTER 38“HERA! Hera!”“Hera gumising ka!”Unti-unti kong iminulat ang hanggang ngayo’y nanlalabo kong mga paningin at tumambad sa akin ang kwartong purong kulay puti ang pintura. Puting bedsheet, puting kurtina, kisame at isang nakapinid na bintana. Kumurap-kumurap ako dahil naninibago ako sa nakikita ko sa aking paligid. Nasaan ako?“Hija? Mabuti naman at nagising ka na. Dalawang araw ka nang narito sa hospital at walang-malay. Tiyak matutuwa ang kuya at mga kaibigan mo oras na malaman nilang nagka-ulirat ka na.” Isang ginang na nakasuot na kulay-puting coat ang pumasok sa silid na kinaroroonan ko at may malapad na ngisi. “Ako nga pala si Doctora Cordero,” dagdag pa nito na hindi ko na binigyang-pansin pa.“N-Nasaan ako?” Gustuhin ko mang makapagtanong pa ng il
CHAPTER 37NAPAHIGPIT ang yakap ko kay Kaisei habang nakasakay kami sa kabayo. Tinatahak namin ngayon ang daan paakyat ng Hida, ang pinakamataas na kabundukan rito sa Gokayama. Gustuhin ko mang lingunin ang hitsura ng kaharian, ay natatakot ako.Napapikit na lamang ako at yumuko.“S-sa tingin mo ayos lang sila roon?” tanong ko sa tahimik na si Kaisei.“Naroon si Jin at Itsoru para protektahan ang kaharian maging ang hari at reyna. Matitibay ang pader na humaharang sa buong palasyo. Hindi basta-basta makakapasok ang mga armadong iyon,” sagot niya na walang lingon-lingon. Napabuntong-hininga na lamang ako.Gusto ko pang magtanong nang magtanong. Kung nasaan si Tsuyu sa mga panahong ito. Kung ayos lang rin ba siya? Alam ba niyang wala na ako sa palasyo?Sa hindi inaasahan ay agad humalinghing ang kabayong sinasakyan namin. Wala kaming nagawa kundi mapaatras
CHAPTER 36THIRD PERSON’S POV“TSUYU!” halos takpan na ng binata ang tenga dahil sa paulit-ulit na pagtawag sa kanya ni Hera. Naiirita niya itong nilingon at sinamaan ng titig. Hindi gaya ng iba, ni hindi man lang ito natinag at nakipagtitigan pa sa kanya.Kakaiba talaga ang babaeng ito.“Bakit mo ba ako iniiwasan? Ikaw rin, hahanapin mo ako araw-araw kapag nawala ako,” nangongonsensyang sambit pa ni Hera kaya napaiwas ng tingin si Tsuyu.&ldq
CHAPTER 35CELESTE’S POVBAKIT ako umiiyak? Bakit may luha?Pinahid ko ito at bumangon habang nakatitig sa pintong nakasarado. Mayamaya ay bumukas ito at nakita ko ang nag-aalalang si Mira.“Mira---” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang sunggaban niya ako ng isang napakahigpit na yakap. Pagkaraa’y narinig ko ang pag-iyak niya.“Akala ko tuluyan ka nang mawawala. Nakakainis ka, Hera!” aniya sa pagitan ng pag-iyak kaya hinagod ko na lamang ang likod niya at napangiti. The thought of how sweet is this lady infront of me, reminds me of someone from the other world. It’s none other than, Patrice. My one and only girl bestfriend.“Hindi ako mawawala. Bakit naman kita iiwan?” sambit ko na lamang matapos siyang kumawala sa yakap.“May lason ang tsaa na ipinainom sa&rs
CHAPTER 34THIRD PERSON’S POVNAGMAMADALING naglakad palabas si Tsuyu bitbit ang sama ng loob sa kamahalan. Habol naman siya ni Takumi. Agad nitong hinawakan ng mahigpit ang braso ng binata at pinilit iniharap sa kanya. Ngunit wala itong emosyon nang titigan siya.“Hindi kita pakakasalan. Kung iyan ang iniisip mo,” determinadong saad ng prinsipe. Kumirot ang puso ni Takumi at napahigpit ang hawak sa pulso ng binata.“Bakit? Si Hera ba ang gusto mong pakasalan?” sarkastikong tanong nito at hindi makapaniwalang tinitigan ang prinsipeng matagal na niyang gusto.“Hindi kayo pwede. Ako ‘to, Tsuyu! Ako ‘yung nandito pero bakit ang ilap mo? Tsuyu, ako ang pakasalan mo.” Tila nagsusumamo ang prinsesa. Kitang-kita ang kagustuhang makaisang-dibdib ang binata pero hindi natinag si Tsu
CHAPTER 33CELESTE’S POVHUMUGOT muna ako ako ng lakas ng loob bago maglakad patungo sa silid ng reyna. Medyo malayo ito sa mismong silid kung saan naroroon kami.“Ano kaya ang dahilan at bakit ako gustong makita ng reyna?” sambit ko sa sarili habang dahan-dahan ang ginawang paglalakad. Maya’t maya kong itinataas ang laylayan ng mahaba kong damit. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako masanay sa ganitong kasuotan. Napakahaba, ang hirap maglakad!“Fudge!” Muntikan na ako matisod. Mabuti na lamang at may mabuting kamay ang biglaang napahawak sa braso ko kaya napatungo lamang ako. Agad kong iniangat ang tingin ko. Nakita ko ang unang prinsipe na seryosong nakatitig sa akin. Si Jin.“Napakalampa talaga,” naiiling nitong sambit kaya napaayos ako ng tayo.“S-salamat,” naiilang ak